The Ending of Their Story

By marlkrist

160 8 4

a marlkrist story. Ngayong araw na ito ay malalaman na ni Herb ang isang sagot sa dalawang tanong na hinintay... More

The Ending of Their Story
Announcement

Last Chapter

41 2 3
By marlkrist


ㅡㅡㅡ

February 2, 2022

Hi, my name is Herb. I’m 20 years old at second year college student na. Hindi nga ako makapaniwala na second year na ako dahil ang ginagawa ko lang naman ay sumabay sa agos ng ilog.

I do have a lot of talents, mahilig akong magsulat, lumikha ng istorya, mag direhe ng maikling pelikula at magbigay ng kasiyahan gamit ang aking boses na pinagbiyayaan. 

Sa ngayon, hindi ko masabi kung masaya ba ako o kontento na sa buhay ko. Basta ang alam ko, nagpapasalamat ako dahil buhay at humihinga pa ako.

Bukod sa aking talento, marami rin akong katangian na tiyak na iyong magugustuhan. Isa sa aking katangian bilang tao ay ang pagiging makapal ang mukha, walang hiya sa tuwing may gusto akong sabihin sa taong aking napupusuan.

Malinaw na malinaw parin sa aking isipan ang mga salitang binigkas ko na dalawang taon na ang nakakalipas.

Dalawang taon ang lumipas at dalawang taon na rin akong minumulto ng mga salitang sinabi ko sa kanya. 

ㅡㅡㅡ

Year 2019-2020

Nico.

Ang pangalan niya ay Nico. Magkaklase kami noong Senior High School, Grade 11. Nasa marine strand ako kaya halos lahat ng aking kaklase ay kapwa lalake.

Didiretsuhin ko na kayo, hinahangaan ko si Nico. Sobra akong natutuwa sa kanya, tumatalon ang aking puso sa tuwing nasasaksihan ko ang kanyang humor sa klase.

Bilang tao na makapal at walang hiya, sinabi ko kay Nico na gusto ko siya at hinangaan ko ang katauhan niya, wala naman siyang sinabi sa bagay na iyon. Parang wala lang, parang “okay, sige sabi mo eh” na ikinatutuwa ko naman dahil hindi siya umiwas sa akin at hindi niya rin ako pinangdirian.

Straight siya at baliko ako, malabo ang posibilidad na masuklian niya ang pagkahanga ko sa kanya.

Tulad nga ng sinasabi ng iba “Wala kang pag-asa sa straight” , “Mahirap ma-inlove sa straight”, Magmahal ka na ng kung sino, ‘wag lang sa straight”.

Ngunit anong ginawa ko?

Isang araw, nagising nalang akong minamahal ko na si Nico.

Lumipas ang isang taon, Grade 12 na kami at patuloy lang ang paglalim ng pagmamahal at paghanga ko sa kanya.

One sided love, ‘yan ang alam kong estado ng relasyon ko sa kanya. Alam ni Nico na patuloy ang paghanga at pagmamahal ko sa kanya, ‘wala naman siyang sinabi basta ang alam ko ay okay lang sa kanya.

Lumipas ang buwan, lumipas ang araw bigla nalang pumasok sa aking isipan na mahirap talagang ma-inlove sa straight. Walang kasiguraduhan na masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya.

Martyr.

Ayokong na maging martyr. Ayokong na mag mukhang tanga at ayoko nang maghintay sa bagay na hindi naman dadating.

Isang gabi, sa klase. Doon ko kinompronta si Nico, doon ko sinabi ang mga salitang pinagsisihan ko. Ang mga salitang hindi ko makakalimutan, mga salitang hindi mabubura sa aking isipan.

Mga salitang naging dahilan kung bakit dalawang taon na ang lumilipas ngunit binabangungot parin ako ng mga sakit sa nakaraan. 

Ito ang sinabi ko sa kanya noong gabing ‘yon “Nico, ititigil ko na ang pagkagusto ko sa ‘yo” ‘yan ang sinabi ko sa kanya.

“Sigurado ka?” ang tugon nito sa paraang nakaloloko.

Hindi ko na ‘yon binigyan pa ng pansin at inisip ko nalang ang mga dapat kong gawin upang kalimutan na ang nararamdaman ko sa kanya simula noong gabing iyon.

Sinabi ko sa sarili ko na, dapat pag gising ko sa umaga ay burado na ang pagmamahal at paghanga ko kay Nico.

ㅡㅡㅡ
February 2, 2022

Lumipas ang dalawang taon.

Anong ginagawa ko? Anong ginawa ko para maramdaman ko ang bagay na ito?

Kasalukuyan akong gumagawa ng school works ngunit hindi ko magawang tapusin dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Minumulto na naman ako. Minumulto ako ng mga salitang sinabi ko sa kanya dalawang taon na ang nakalilipas.

“Nico, ititigil ko na ang pagkagusto ko sa ‘yo” ito ba dapat talaga ang mga salitang sinabi ko sa kanya?

Alam kong may mali sa mga salitang iniwan ko sa kanya, dahil ito ‘ko ngayon na patuloy paring minumulto ng mga binigkas ko noon.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa sinabi ko sa kanya.

Naiinis ako. Naiinis ako sarili ko dahil sinayang ko ang pagkakataon na itanong sa kanya ang bagay na alam kong magpapahilom sa sakit na nararamdaman ko.

Ang tanga ko. Ang tanga ko dahil ang salitang sinabi ko sa kanya ay para lang itigil ang nararamdaman ko, itigil ngunit walang paghihilom’.

Sinayang ko. Sinayang ko ang oportunidad na itanong sa kanya yung tanong na alam kong magpapatigil na sa sakit na nararamdaman ko for almost 2 years.

Bakit hindi ko itinanong sa kanya kung “May gusto ka rin ba sakin?” para in that day na masasaktan ako ay alam kong kinabukasan ay maghihilom din ito.

“Mima nag-reregret ka pa?” ito ang tanong ni Luna matapos kong ikuwento sa kanya that night ang nararamdaman ko.

Hindi ko matapos ang school works ko nang ganito kabigat ang nararamdaman ko, kaya inilabas ko ng bahagya ang sakit na nasa puso ko.

“Dapat ‘yon nga ang tinanong mo sa kanya, para may concrete na answer kang maririnig kay Nico. Instead na what if nalang, edi dapat nasagot na ang tanong mo” dagdag pa nito sa akin habang patuloy kong kinakaawaan ang aking sarili sa pagkukwento ko sa kanya.

“Herb. Too late na ba kapag ngayon ka nag ask sa kanya?” ang wika pa ni Luna.

“I can’t say” ang aking tugon “I don’t have the guts na at mag first move. Tapos na ako sa role na ‘yan, palagi nalang ako ang nauuna.” segunda ko na taliwas sa deskripsyon ng aking pagkatao.

Nang masabi ko ang salitang iyon ay muli kong pinilit ang aking sarili na ituloy ang ginagawa kong activity. Ngunit alam kong hindi magtatagumpay ang aking puso at sakit na nararamdaman.

Lumuluha akong gumagawa ng school works dahilan para muli akong tumigil dahil hindi ko dapat ito nararamdaman ngayon.

Huminga ako ng malalim at doon ko minensahe si Luna para sabihing “Hindi ako makagawa ng ayos, hindi ako mapakali. Anong gagawin ko?” ang mensahe ko sa kanya.

“Mima. Herb, go ask him dahil wala namang masama. Mas mahirap kapag hindi mo alam yung sagot. Mahirap kung hindi ngayon magsisimula ang paghihilom mo, dahil alam kong mas masasaktan ka pa sa susunod na taon kung hindi mo haharapin ang katotohanan” dahil sa litanya ni Luna ay doon ako nagdesisyong kumilos.

“Balikan kita Luna, iiyak muna ako at magdadrama habang sinusulat ko itong letter para sa kanya” ang aking nabuong desisyon.

Tama si Luna, dapat harapin ko na ang katotohanan para magsimula na ang paghihilom ko sa sakit na idinulot ng dalawang taong paghihintay sa sagot na dapat ay itanong ko sa kanya noon.

Gumawa ako ng letter para kay Nico, liham na alam kong makakakuha na ako ng konkretong sagot.

Kasabay nang pagsulat ng liham ay doon bumabagsak ang mga luhang alam kong ito na ang huli para sa kanya.

February 2, 2022

Hi Nico, I hope you’re doing well right now. Nawa’y masaya ka at walang dinadalang problema ngayon.

Didiretsuhin na kita.

I’m writing this letter because hindi na ako mapakali at ayoko nang may gumugulo sa isip ko. From the past 2 years, minumulto parin ako ng mga salitang sinabi ko sa ‘yo that night “Ititigil ko na yung pagkakagusto sa ‘yo” ‘yan yung linya na hindi parin mawala sa isipan ko. 

I hope you don’t find this letter annoying, creepy and shitty dahil ito ang totoo.

I can’t deny the fact that I’m still into you, you still have a spot in my heart and mind and I’m trying my best to erase that fact dahil ayoko nang makagulo, ayoko na kitang guluhin at ayoko nang tuluyang masaktan pa.

Sinusulat ko ito dahil gusto ko nang mailabas, gusto ko nang maayos yung sarili ko. Right now sobrang dami kong workloads pero hindi ko magawa dahil minumulto na naman ako ng mga salitang sinabi ko. I decided to write this letter dahil alam kong ito ang ikabubuti ng mental health ko. I decided to have a guts na hindi ko nagawa last year and I decided to take a risk for the last time.

For the past 2 years, hindi ko nagawang magpapasok ng tao sa loob ko dahil alam kong nandito ka pa, sinisigaw ng puso ko na nandito ka pa at nasasaktan ako kasi hindi ko magawang kalimutan ka.

Alam kong kapag sinulat ko ‘tong letter na ‘to ay magiging way ito para maibsan na ang sakit na nararamdaman ko at tuluyan nang mapakawalan ng puso ko ang lalaking nandito.

I know that we are now in a good state, we’re friends now right? Just take care of yourself, alagaan mo ang sarili mo.

I cared for you Nico, inaalala parin kita hanggang ngayon, hindi ko lang magawang imensahe ka ng madalang dahil natatakot ako at nag-aalalang makagulo sa ‘yo.

If you wonder, sometimes hindi ko magawang ipikit ang mata ko kapag minumulto ako ng mga salitang sinabi ko. I do regret na sinabi kong “ititigil ko na ang pagkagusto sa ‘yo” nanghihinayang ako that time dahil hindi ko nasabi ang mga salitang dapat kong itanong sa ‘yo “gusto mo ba ako?” kasi kung ang sinagot mo ay “wala” I already move on at hindi na ako dadating sa puntong from the past 2 years ay susulatang kita ng letter para sabihin at kompirmahing…..iniisip parin kita.

I’m crying like a cow right now, natatawa na nasasaktan.
Please take care Nico, please take care for me, for yourself.
Nico, I will wait for your answer for me to start healing.
I miss you.

Love,
Herb.

Naglagay pa ako ng larawan naming dalawa sa dulo.

Matapos kong isulat ang liham ay doon nadin natapos ang pag-iyak ko rito.

Inilagay ko ang letter sa google drive para mamaya bago ako matulog ay imemensahe ko sa kanya ang link at umaasa akong kinabukasan ay makakarinig na ako ng sagot sa kanya.

“Alam mo ba kung bakit mo nararanasan mo yan ngayon? It’s a pivotal moment kasi sa buhay mo. This marks the beginning of a newly found courage” ang wika naman ng isa ko pang kaibigan na si Kingsley matapos kong ikuwento ang ginagawa kong liham “Like I’ve said, this day too is a pivotal moment to you, I’m proud of you Herb, know that” segunda pa niya at tanging pagngiti ang naisagot ko.

Hindi ko maitatago sa aking sarili na matapos kong isulat ang liham na ‘yon ay tila may bumunot na sa tinik na nakabaon sa aking kalooban.

Ito yung feeling na gusto ko, gustong-gusto ko.

After two years na pagsasayang, kinabukasan ay masasagot na ang tanong na aking hinihintay.

Sa sagot na ibibigay niya sa akin ay alam kong may dalawang tanong na nakakabit dito.

Dito na nga ba magtatapos ang aming istorya? O dito na muli magsisimula ang panibagong chapter ng pagmamahalan naming dalawa?

Nang ako’y tuluyang mahiga ay iminensahe ko na sa kanya ang link to access the letter of my courage for almost 2 years.

Kasabay nang pagpatay ng telepono ay doon nalang ako napangiti sa aking paghiga “Ready na ako” ito ang aking wika kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

ㅡㅡㅡ

Kinabukasan “Yo Herb, nakaka-touch naman. Dapat magpapasok ka lang ng mag papasok sa life mo, paano tayo makakapag double date niyan? Jok, sys Herb” ang pagbasa ko sa reply mula kay Nico.

Nakalolokong sagot ang inaasahan kong matatanggap sa kanya. Napangiti nalang ako at doon nag reply “I guess this is your answer, Nico. Be happy! Take care as always!” ‘yan naman ang aking tugon sa kanyang mensahe.

Napangiti nalang ako dahil nalaman ko na ang kasagutan. Masasabi kong worth it ang dalawang taon na pagkakakulong ko sa mga sinabi ko sa kanya noon.

Alam kong kapag pinatagal ko pa ito ay mas lalo lang akong masasaktan, pinipigilan ko lang ang sariling kong maghilom kapag hindi ko inilabas ang mga dapat kong sabihin sa kanya.

Ngayong nasabi ko na kay Nico, nasaktan ako but I can now start healing at dito na ulit magsisimula ang panibagong istorya ng pagmamahal ko sa kung sino man.

Dito na nga nagtatapos ang kabanata ng pagmamahal ko sa kanya. Ito na ang ending ng istorya naming dalawa. Ang pagtatapos ng pagmamahal ko sa kanya, ngunit ang pagsisimula ng paghihilom ko sa nangyari sa aming dalawa.

Hanggang sa muli, Nico.

ㅡㅡㅡ

Feel free to access this google drive link. This will link you to a video and original letter that Herb wrote :
https://drive.google.com/folderview?id=1idXhN5v2pj1O-L1HCJinfap2wSnujOt8

Continue Reading

You'll Also Like

57.5K 143 15
SPG
27.4M 699K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
34.5K 78 49
Enjoy
3.4M 56.4K 18
"LIFE begins when I met you. DESTINY starts when I saw you in my office wearing a sinful two-piece red bikini. My FOREVER triggered when you smiled a...