Book Of Magic 3: CLAES (ON-GO...

By AliceInRedribbon

11K 1K 449

[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... STAR... More

Book of Magic 3: CLAES (ON-GOING)
THE CHOSEN
CELESTIAL MAGIC ACADEMY
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
GREETINGS..... From ME d^_^b
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165.1: Sakura Hinomiya (PART 1)
Chapter 165.2: Sakura Hinomiya (PART 2)
Chapter 165.3: Sakura Hinomiya (PART 3)
Chapter 165.4: Sakura Hinomiya (LAST PART)
ANNOUNCEMENT
THIS IS NOT STILL AN UPDATE
Chapter 166: MINERVA ATHENA GARCIA
Chapter 167 (NEW UPDATE)
Chapter 168 (SPOILER) (2024 UPDATE)
PROMOTION

Chapter 162

204 16 15
By AliceInRedribbon


Chapter 162:








•••
•••






"Then paano nya nalaman ang tungkol dyan?" tanong ni Ririna Waltz na nagpagulo sa akin.

Kahit naman sa expression ng mukha ni Ririna, nakatalikod man ang ang kanyang katawan sa amin, pero napapalingon naman sya paminsan kaya nahahagip ko ang naguguluhan-nagtataka at nagtatanong nyang reaction sa mukha.

"Hindi ko din po alam kung paano nalaman ni Elaine-Chan. Basta nabanggit nya lang nung oras na iyon po, na nagkataon naman na narinig ko. Ang sabi nya pa 'favorite ko padin talaga ang Olympia Cards ng mga taga Wizards. Ang ganda! Pang Greek Mythology!'. Ganun po."

"G-greek..."

Mythology? Huh? Greek? Anong Greek? Kung Mythology, familiar pa ako. Pero Greek? Lumabas talaga yan sa bibig ni Elaine Lunar Dawnlight.

"Remind me Sekaro Molave."

"Po?"

Seryosong tiningnan ni Ririna Waltz si Sekaro Molave. "Na kakausapin ko yang Elaine of the Celestial Magic Academy nayan."

Napalunok naman si Sekaro dahil sa seryosong-seryosong tingin sa kanya ni Ririna. "O-o-oo po Ate Ririna."

"Thank you In advance." bumalik na ulit si Ririna sa kanyang pwesto. Nakatayo sa aming harapan. Nasa harapan ang paningin. Habang kami naman ay nasa likuran nya-kung titingnan sa harapan.

Tuloy-tuloy padin ang takbo ng Bangka namin. May natatapon ding Ilang pisik ng tubig sa amin dahil sa medyo malakas ang alon. Hindi na din namin kailangan ang mga Paddle dahil kapangyarihan palang ni Ririna, tumatakbo na ang bangka. Tss!

Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang may biglang pumasok sa Isipan ko. Mga boses ng tatlong lalakeng yun na nakita ko lang kanina. Weird na panaginip nanaman ba yun?

'SANCHEZ! SANCHEZ! SANCHEZ!...'

Pinsan Sanchez...

Sya yung duguan na nakita ko. Nahulog sa dagat. At hindi ko man lang nakita na umahon. Buhay pa kaya sya? Hindi pa ba sya kinain ng malaking Sea Monster?

Sana nga hindi...

Dahil mapapahamak kami kapag may nangyaring masama sa kanya. Nangako kaming dalawa ni Keith na Ibabalik namin sya kina Mang Inilog.

'And that's a promise...'

Hindi ko alam kung anong mangyayare kapag nasira namin ang pangakong kami mismo ang nangako.

Lalo na kay Keith...

Sa haba ng nilakbay ng sinasakyan naming bangka-hindi ako sigurado kung malapit na ba kami? Pero sa tingin ko ay nasa gitna na kami ng dagat, papuntang Sand City ni Zairel Von-ay bigla nalang dumilim ang kalangitan.

"Kanina lang ay maliwanag naman ah." wika ni Ririna Waltz na nakatingala sa kalangitan.

"May bagyo po ba?" tanong ni Sekaro Molave na nakatingala din sa kalangitan.

Ang kaninang magandang tanawin ng kalangitan, ay napalitan ito ng nakakatakot. Nakakatakot dahil padilim ito ng padilim. Hanggang sa madilim na nga talaga ang kalangitan. Hindi sya kasing dilim tulad ng gabi-masyado nang madilim ang gabi kumpara dito. Tss-. Para lang syang may dumating na mga maiitim na Ulap at pinalitan nila ang mabubuting ulap.

"Stop the boat Ririna Waltz." utos ni Keith.

Inihinto naman ni Ririna ang paggamit ng kanyang Magic Card. Nawala na ito sa harapan nya kasabay nang dahan-dahang pagkahinto ng bangka namin.

"This is bad." wika ni Reisi.

Biglang umihip ang malakas na hangin. Malakas ang hanging nararamdaman namin kumpara sa normal lang na hangin na paminsan ay dumadaan sa amin.

"Really bad." wika ni Keith.

Biglang may pumasok sa Isipan ko.

"May paparating." wika ko.

At bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Nagsimula ang tunog papunta sa malayo at pabilis ng pabilis ito papunta sa kinaroroonan namin. Hanggang sa umulan na nga talaga ng malakas. Bumagsak na ang malakas na tubig na galing sa madilim na kalangitan.

"What the sea!" napamura si Ririna Waltz.

"Paparating? What Cath?" tanong ni Keith.

Hindi ko pa man nararamdaman ang presensya ng Sea Monster, pero alam ko kaagad na may paparating. Ewan ko din sa sarili ko kung bakit lumabas pa sa bibig, sa Isip ko lang sana yun eh. Tss!

"Sa Ilalim Keith." sagot ko.

Tumayo ako galing sa pagkaka-upo. Muntik pa akong matumba dahil gumagalaw konti ang bangka. Mabuti nalang at pareho akong nahawakan nina Keith at Reisi. Napatayo din sina Ririna and Diane para sana tulungan din ako, kaso kahit sila ay muntik nading matumba. Mabuti nalang din dahil nasalo ni Sekaro si Diane. At ginamit naman ni Zairel Von ang Sand nya para saluin si Ririna Waltz.

"Palakas ng palakas yung Alon! Tataob tayo!" pasigaw na wika ni Ririna Waltz para marinig naming lahat ng maayos.

Masyadong malakas ang ulan para hinaan ang mga boses namin. Kailangan pasigaw talaga para klaro ang pagkakadinig. Maliban nalang sa amin ni Keith na magkatabi kaya naririnig namin ang Isat-isa. Pero kailangan padin talagang lakasan.

Umayos na ulit ako ng tayo. Hinintay ko munang okay na ako at kaya ko nang maglakad ng hindi sumasabay sa paggalaw ng bangka. Bumuntong hininga ako at paatras akong tumalon ng konti para makapatong ako sa upuan-na inupuan lang namin ni Keith.

"Cath!"

'Huwag kang mag-alala Keith. Kanina ka pa nakabantay sa akin. Impossibleng mahuhulog ako. Tss!' wika ko gamit ang Mind Communication ko.

Hindi ako mahilig sumigaw. Ewan. Hindi lang siguro nakasanayan. Lagi lang kasing normal ang ginagamit kong boses. Wala din akong maalala kung kailan ang huli kong sigaw? Sumigaw na kaya ako?

'Fyre!...'

Huh?

Bakit parang Oo? Pero... Wala akong maalala.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Saglit lang dahil Idinilat ko na ulit ito. Tumitig ako sa aking harapan na puro tubig lang. Kahit tingnan ko sa malayo ay dagat lang talaga ang nakikita ko. Plus ang bumabagyong panahon at malalaking alon. Nagsalubong ang dalawang kilay ko.

Light X-ray!

Dito ba ang parte kung saan tumaob ang Bangkang sinasakyan nina Pinsan Sanchez kasama ang mga kaibigan nya? Buhay pa ba kaya silang Apat? Bakit wala akong makitang mga patay na katawan nila? Walang mahagip ang Light X-ray ko? Ibigsabihin ba, na buhay pa sila? Nakalayo lang?

"Guys..." boses ni Ririna.

Nakita ko sa hindi kalayuan, ang biglaang paglaki ng alon. At papalapit ito sa kinaroroonan namin! At sa sobrang laki ng alon na papunta sa amin, babagsak ito sa amin! Punyeta! Bakit sa direksyon pa namin? Wala bang Iba?!

"Hanluhhh!"

"ANONG GAGAWIN NATIN!?" sigaw ni Sekaro.

"CARD OF NEPTUNE! POSEIDON!" sigaw ni Ririna Waltz.

Nakita nalang namin na may Isang malaking Alon din ang namuo sa aming harapan at sinalubong ang kaninang Alon na papunta sana sa direksyon. Mabuti nalang talaga at nandyan yung Magic Card ni Ririna. Na kayang kontrolin ang Tubig. Wala kasing Ibang kayang gumamit ng Water Magic sa amin kundi si Ririna lang. Kanina ko lang nalaman dahil sa Inilabas nyang Card nya.

"Wuhhh! Muntik na po-"

Bigla nalang may umahon galing sa Ilalim ng dagat. At dahil nasa Ilalim ng dagat nanggalin ang umahon, pumisik ang tubig maalat sa gawi namin.

"-EHHHHHHHHH????!!!" at bigla nalang nanlaki ang mga mata ni Sekaro Molave sa kanyang nakita.

"What. The. Sea."

"It's that..."

Habang laglag naman ang panga nina Ririna Waltz at Reisi habang nakatitig sa Sea Monster na bigla nalang bang umahon galing sa Ilalim ng dagat.

"Ang Mahikang Halimaw sa dagat." dugtong ni Zairel Von.

"Is this what you mean Cath?" tanong ni Keith.

Yumuko ang mga mata ko papunta sa gawi nya. Nakapatong pa kasi ako sa upuan ng bangka. "Oo Keith..." sagot ko. "... Alam ko kaagad na parating ang Sea Monster nayan."

Sumigaw ng malakas ang Sea Monster. Kahit malakas na ang bagsak ng Ulan at Ihip ng hangin, rinig na rinig talaga ang nakakakilabot na sigaw ng Sea Monster.

"Anong ginagawa ng Sea Monster dito? Bakit umahon to?!" tanong ni Ririna.

"H-hindi ko po alam A-ate Ririna." nanginginig na sagot ni Diane.

Mabilis akong bumaba at nilapitan kaagad sya. Ramdam na ramdam ko naman ang tingin ni Keith sa likuran ko. Kahit alam kong katabi ni Diane si Sekaro, hindi ako makapante dahil nitong Araw nga lang silang naging medyo close sa isat-isa.

"Tempus said; Ang 'Mahikang Halimaw sa Dagat' also known as the 'Magia Sea Monster' ay naninirahan lamang sa 'Center of the Sea'. Means sa pinaka-gitna at malalim na bahagi ng karagatan. So why is this Sea Monster is here?!..." wika ni Ririna Waltz. "... Catarina."

Hinawakan ko muna ang kamay ni Diane saka ko nilingon si Ririna. "Bakit?"

"Nabanggit mo kanina; na may paparating. Alam mo ba na ang Sea Monster nato ang darating?" tanong nya.

Hindi ako nakasagot kaagad. Dahil bigla kong naramdaman ang nakakakilabut na tingin ng Sea Monster sa gawi namin. Patay. Mukhang, napansin na kami.

Bago pa man hahampas sa amin ang malaki at matutulis na buntot ng Sea Monster, ginamit kaagad ni Ririna Waltz ang Magic Card nya para paggalawin ang tubig at kontrolin para umurong paatras ang sinasakyan naming bangka.

"Titigan mo ako ng mabuti Catarina."

Tinitigan ko naman sya ng mabuti. Kahit gumagalaw ang bangka ay maayos ko naman syang natitigan sa Mata. At ganun din sya sa akin.

"Now..." nagsalubong ang dalawang kilay nya. "... Sagutin mo ang naging tanong ko; Alam mo ba na ang Sea Monster nato ang darating?" ulit nya sa naging tanong nya kanina.

"Ririna Waltz!"

"Pasensya na Keith Claes. Pero si Catarina ang kinakausap ko." kalmado lang nyang wika.

Ni hindi ko man lang maramdaman kung galit ba sya o hindi? Eh kung galit nga sya, bakit naman sya magagalit? Tss!

"Nasabi na ni Cath sa akin kanina na ito ang tinutukoy nya." seryosong wika ni Keith.

May papasalubong nanamang buntot ng Sea Monster kaya kinontrol nanaman ni Ririna Waltz ang tubig. Nakakamangha lang dahil habang kinokontrol nya ang tubig, ay nananatiling nasa akin padin ang paningin nya. Titig na titig talaga sa akin.

"Gusto kong marinig mula sa bibig nya..."

Weird. Nakasalubong ang mga kilay nya, pero kalmado lang ang boses nya. Parang galit kung tumingin ang mga mata nya, pero wala akong nararamdamang galit sa boses nya.

"... Simple lang naman yung tanong ko Catarina."

"Kapag sinagot kita Ririna Waltz. Baka kung ano nanaman ang mga bagong tanong na mumuo sa isipan mo." kalmado ko lang ding sagot.

Kadalasan kasi kapag may nagtatanong sakin, tinatanong ako, tapos sinagot ko sila, tapos Iba ang pumasok sa isipan nila, kaya nagtanong nanaman. Kaya ayun tuloy, hindi na matapos-tapos ang tanungan hanggat hindi nakukuha ang gustong sagot. Tss!

Parang yung lintek na babaeng yun na nahiwalay sakin. Tss!

"Ewan ko, pero parang Inaasahan ko na yan ang sasabihin mo Catarina..." wika ni Ririna Waltz na may konting ngiti sa labi. "... Kaya, wala akong magawa kundi gamitin to sayo dahil special ka..." biglang nag-iba ang kulay ng Lenses niya. From Brown to Light Green? Sky Green? Water Green? Aba ewan ko lang. Hindi ko madescribe ang kulay nito. "... Lalo na kay Rhea..." may konting-ngiti padin sa labi nyang wika. "... Ginagamit ko lang ang Magic ko sa mga kagaya mong pinagkakatiwalaan ko." dagdag nya.

Natigilan ako nang parang may kakaiba akong naramdaman sa mga mata ko. Kakaibang haplos at parang dahan-dahang itong bumababa sa labi ko. Kaso sandali lang dahil parang nawala na kaagad.

"Ririna Waltz!"

"Tatanungin ulit kita Catarina; Alam mo ba na ang Sea Monster nato ang darating?"

"Pangatlong tanong mo nayan Ririna Waltz..." wika ko. "... Wala naman akong balak na Itago sayo ang sagot sa tanong mo. Ayoko lang na baka magtatanong ka nanaman."

Nanlaki ang mga mata nya. "Hindi umepekto ang..." nakanganga nyang wika. "... Magic ko?"

"Huh? Anong hindi umepekto ang Magic mo? May ginawa ka ba sa akin?..." kitang-kita ko padin ang gulat na gulat nyang reaction. "... Pero bakit parang may ginawa ka nga sa akin Ririna? Dahil may kakaiba akong naramdaman na parang haplos sa mga mata ko-" nagulat ako nang bigla nya akong hinawakan sa magkabilang braso ko.

"Naramdaman mo yun? Pero Bakit hindi umepekto?" tanong nya.

"Huh?"

"Yung Magic ko Catarina."

"Ano bang Magic mo?"

"........." hindi sya nakasagot.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang papasalubong nanamang buntot ng Sea Monster at ang malakas na sigaw nito. Hinintay ko na pagagalawin nanaman ni Ririna Waltz ang tubig para Iwasan ito, pero parang nag slow-motion ang paligid-o baka naman nag slow-motion ang paningin ko-dahil ni hindi na gumagalaw sa kanyang kinatatayuan si Ririna. Nakatulala lang ito sa akin at parang nasa malalim na pag-iisip.

Huli na nang makagalaw ako, dahil mabilis na tumama ang malaking buntot ng sea monster sa sinasakyan naming bangka.

"Shit!"

"Aaaahhhh!" gulat na gulat na sigaw ni Diane.

Mabilis namang nakaiwas ang nasa harapan. Muntik nang mataan si Diane mabuti na lang at hinila sya ni Keith na ngayon ay hawak-hawak sya. Saka pa lanh bumalik sa realidad si Ririna Waltz. Napalingon sa mga kasama na may pag-aalalang mga tingin.

"S-s-sorry..." ang tanging lumabas sa kanyang bibig.

Sabay kaming napa-angat ng tingin sa kalangitan dahil may papasalubong nanamang buntot ng sea monster. At dahil nakabalik na sa realidad si Ririna, ginawa nya na ulit ang ginawa nya kanina. Kinontrol ang tubig at umiwas sa paparating na buntot nito.

Kaso...

Naramdaman ko na lang na parang may pumulupot sa mga paa at bewang ko. Sabay Hila nito sa akin. Sa sobrang bilis, ni hindi ko na nagawa pang e-summond ang weapon ko.

Naramdaman ko nalang na nahulog na ako sa dagat.

"Catarina!"

"Ate Aria!"

"Cath!"

Napabuga ako ng hangin. Kaso dahil nasa tubig ako, wala akong malanghap na hangin. Tubig ang pumasok sa bibig ko kaya napaubo ako.

Sabay Ipinikit ko ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung ano o sino ang humila sa akin. Pero ramdam na ramdam ko na hinihila nito ako papailalim. Sinubukan kong manlaban, lumangoy, kaso parang malakas ang kung ano o sino man ang humihila sa akin papailalim ng dagat.

Hindi kaya ang Sea Monster?

Eh nasa harapan lang namin ang sea monster kanina. Kitang-kita ko pa, kahit medyo madilim ang kalangitan, na nasa harapan lang namin ang sea monster nung may humila sa akin. Tanaw na tanaw ko talaga ang sea monster. Kaya malamang, baka Iba tong humihila sa akin pailalim ng dagat.

'Keith... Tulungan mo naman ako...' bulong ko sa aking Isipan. Nagbabakasakali na baka matanggap ni Keith.

Hindi ko alam kung gagana ba ang Mind Communication ko kung nasa Ilalim ako ng tubig. Hindi ko pa nasubukan. Kaya malay ko. Tss!

Idinilat ko muna ang mga mata ko sabay tingin ko sa likuran at Ilalim ko kung ano o sino ang humihila sa akin. Pero wala akong makita, malibam sa Isang Kulay Green na mukhang dahon-pero matigas.

Bigla nalang may nagflash na hindi-familiar na Imahe sa aking Isipan. 'Isang Mermaid?' Pero feeling ko, familiar.

Huh?

Ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko. Pailalim parin ako ng pailalim. Tuloy-tuloy padin ang paghila sa akin pailalim. Aaminin ko, malapit na akong mawalan ng hininga. Tshaka Madilim din, nakakatakot. Pero hindi ako natakot dahil sa madilim. Dahil ngayon... Parang nakakaramdam talaga ako ng takot.

Takot na baka mamatay ako dito. 'Takot na akong mamatay...'

Huminga muna ako ng malalim. Kaso tubig ang pumasok sa Ilong ko kaya sumakit ang ulo ko. Tss!

Gagamitin ko na sana ang Light Magic ko nang biglang-

May humawak sa bewang ko, at sabay may tumamang malambot na balat sa aking Labi.

Mabilis kong naidilat ang mga mata ko sa gulat. Kaso mabilis ding may tumakip nito. Alam ko kaagad na Isang palad ang nakatakip sa mga mata ko. Pero kanino?

Pero ang mas alam ko... AY KUNG ANO ANG NASA LABI KO! PUNYETA!

Naramdaman kong may Hangin na pumasok sa bibig ko. At bigay yun ng kung sino man ang HUMALIK sa akin! BAKIT BA KASI KAILANGANG TAKPAN ANG MGA MATA KO? Pasalamat sya binigyan nya ako ng hangin, kaya hindi na ako magrereklamo pa. Saka na muna kapag Inahon na ako kung sino man tong Taong to na nasa harapan ko. Tss!

Natigilan ako ng may bigla nanamang hindi-familiar na Imaheng pumasok sa Isipan ko. Madilim ang nakikita ko dahil sa nakatakip na palad sa mga mata ko, pero dahil sa Imaheng bigla nalang pumasok sa Isipan ko, ay parang may nakikita ako.

Isang kulay Dark Blue na mga Mata. Na parang may pagka Dark Violet?

Familiar...

Lalong-lalo na ang pagkatitig nya sa mga mata ko.

Sino tong nasa Imahe? Bakit ko ito nakikita? Bakit to familiar?

At bakit... Iba ang pumasok sa Isipan ko nang may dumampi lang na Isang Labi sa Labi ko?

Sino tong humalik sa akin?

Alam ko na hinalikan lang ako ng taong kung sino man tong nasa harapan ko para bigyan lang ako ng hangin para tatagal pa ako sa tubig. Pero ang hindi ko lang maintindihan at kung bakit Iba ang pumasok sa Isipan ko? Wala akong nakikita, pero may Imahe ng Isang tao na titig na titig sa akin ang kulay Dark Blue or Violet na mga mata.

'NASA LABI KO ANG LABI NI FYRE !!!'

Naramdaman ko nalang na Napabuga ako ng hangin at habol na habol ko ang aking hininga. Idinilat ko na ang mga mata ko at Isang sinag ng araw ang sumalubong sa akin. Tiningnan ko ang lugar kung nasaan ako ngayon. Puro buhangin lang ang nakikita ko. Palingon-lingon pa ako, may hinahanap. Pero sino?

Edi yung nagligtas sa akin.

Teka. Panaginip lang ba yun?

Alam kong hindi panaginip ang pagkahulog ko sa dagat dahil nass Ibang lugar na ata ako. Pero yung pag Halik sa akin ng taong kung sino man yun at mga Imaheng bigla nalang pumasok sa Isipan ko, panaginip lang ba yun?

Dahil punyeta! Wala akong kasama dito! Mag-isa lang akong nakatayo sa buhangin at basang-basa.

Tshaka, may bigla nanamang pumasok sa Isipan ko. Hindi isang Imahe...

Yung Isip ko ba ang sumigaw na 'NASA LABI KO ANG LABI NI FYRE'? O hindi? Eh kung ang Isip ko nga, bakit ko naman Isisigaw yun? Si Fyre ba yung humalik sa akin? Sino ba yang Fyre nayan?

Teka...

Si Fyre Gray-

"CATH!"

Napalingon kaagad ako sa boses ni Keith. Nakaramdam naman ako ng saya ng makita ko ang nag-aalala nyang mga tingin. Hinihingal sya galing sa pagkakatakbo. Pero parang balewala lang yun sa kanya dahil mabilis syang lumapit sa akin sabay yakap.

"Cath..." Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. "... I'm sorry. Hindi kita nailigtas."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa nasabi nya. 'I'm sorry. Hindi kita nailigtas...'

"Keith..."

"Hm?"

"Mag-isa ka lang?" tanong ko.

"Hmm." sabay tango nya.

"Nasaan yung Iba?"

"We found them..." 'Huh? Ang layo ata ng sagot nya sa naging tanong ko ah'. Tss! "... Pinsan Sanchez's Friends Cath. We found them. Kaya naiwan sila doon." dagdag nya.

"So hindi pala ikaw yung nagligtas sa akin?" tanong ko ulit. Naramdaman ko syang Umiling.

Kung hindi sya... Sino?

Eh wala nang Ibang tao dito maliban sa aming dalawa! Sino yung nagligtas sa akin! Bakit bigla nalang nawala!

"But Reisi jump..." dahan-dahan syang humiwalay sa pagkakayakap. "... Tumalon sya sa dagat para iligtas ka Cath..." Nagulat naman ako doon. "... Pero bumalik sya nang wala ka-Damn that Enchanter..." Tumitig sa akin ang may pag-aalala nyang mga mata. "... Ang sabi nya hindi ka nya mahanap. Baka nasa Ilalim ka na raw ng dagat-kaya hinayaan ka nalang nya doon. Damn that Enchanter."

Ano ba tong problema nito. Tss! Nakadalawang Mura na sya na 'Damn that Enchanter'. Galit ba to? Medyo galit nga. Medyo hindi nga lang din halata dahil ang mas nangingibabaw ay ang pag-aalala nya...

... Sa akin. Tss!

"Paano kayo nakaalis sa Sea Monster?" pag-iiba ko nang tanong.

"Someone helped us."

"Sino?"

"A Persons."

"Anong klaseng 'persons' ba?"

"A Mages."

"Sino?"

"Mages nga Cath."

"Punyeta! Anong klaseng Mages ba? Sino ba yang Mages na tinutukoy mo na tumulong sa inyo?" Lintek talaga tong Keith nato.

"2 Females and 2 Males."

"Sino-sino nga?"

Napatawa sya ng mahina. Napasimangot naman ako konti sa pinaggagawa nya. Tss!

"I'm glad that you're Alive."

"Hindi ako mahina Keith."

"I know. Kaya nga buhay ka pa."

"So ano nga. Sino-sino nga yang Females and Males Mages nayan?"

"Four of the Fifteen Members of the Ministry of Mages in Celestial Magic Academy." sa wakas at sinagot nya na ang sagot sa naging UNANG tanong ko.

Pero ano nga Ibigsabihin ng naging sagot nya? 'Four of the Fifteen Members of the Ministry of Mages in Celestial Magic Academy...'

"Ministry of Mages?." napatanong ako. Yung Nyebe ba at In-cheon ba yun? Yung nakita kong dalawang babaeng kaharap ang Sea Monster?

"Parang Student Council lang kung sa atin. Pero may pinagkaiba padin naman." paliwanag nya.

"Nasaan sila?" parang bigla nalang nagkaroon ng Interest ang sarili ko.

Syempre, gusto ko ding makita ang Iba. Si Nyebe palang at yung Incheon na babaeng kasama nya ang nakita ko. Kaya... Curious talaga ako sa Iba pa. Tss! Feeling ko kasi malalakas sila.

"Hmm... Interesado ka Cath." hindi pagkakatanong ang pagwika ni Keith ng salitang yan.

"Saan na nga sila?" salubong na kilay ko nang wika.

"Sorry."

"Huh?" nagtaka ako sa sinabi nya.

"We're not going back there."

"Ano? Bakit?"

"Masyadong malayo."

"Huh?"

"Malayo nga Cath."

"Bakit naman malayo?"

"Ang layo ng nilakad ko para lang mahanap ka. Tapos babalik nanaman? No way."

"May Teleportation Keith. E Imagine mo lang ang place kung saan kayo kanina. Tapos gamitin mo ang Ability mo para madali." Tanga din tong Keith nato. Tss!

"Now that's the problem..." napatingin sya sa malayo-hindi. Parang umiwas sya ng tingin sa akin. "... Wala akong maalala." dagdag nya.

Matagal-tagal bago ako nagtanong ulit. Nagulat kasi ako doon. "Anong... Wala kang maalala?"

"Sa sobrang pag-aalala ko sayo... Hindi ko na nagawa pang tingnan ang paligid ko."

'Sa sobrang pag-aalala ko sayo... Hindi ko na nagawa pang tingnan ang paligid ko...'

'Sa sobrang pag-aalala ko sayo... Hindi ko na nagawa pang tingnan ang paligid ko...'

'Sa sobrang pag-aalala ko sayo... Hindi ko na nagawa pang tingnan ang paligid ko...'

Nag paulit-ulit sa aking Isipan ang kanyang sinabi. Nang pumasok na talaga sa Isip ko. Mabilis ko syang sinipa-sa leeg! Mabuti nga at mabilis nyang naiharang ang kanyang braso. Punyeta to!

Naapreciate ko na nag-alala talaga sya sa akin. Pero bakit... Bakit... Hindi man lang nya tinandaan ang paligid? Bakit hindi nalang nya ako ginaya!? Bakit... Kay Keita nya pa namana yang ugali nayan.? Mabuti nga ako kay Minerva. Tss!

Huminga ako ng malalim. "Paano tayo babalik doon?" salubong kong kilay na tanong.

Hindi ako galit. Dahil alam ko na talaga na ganyan si Keith. Namana nya kay Keita yan eh. Pareho sila ni Keita na kapag sobrang nag-alala sa Isang bagay, kung ano ang nasa isip nun, yun lang talaga ang pakay nun. Ni wala nang pake sa Iba. Kasi kung ano ang priority, yun lang talaga ang priority. Hindi na maghahanap pa ng Iba. Stick-to-one kumbaga.

Kaya sa kaso ni Keith, sa sobrang pag-aalala nya sa akin. Ang nasa Isip nun ay Ako lang. 'Hanapin Ako' ang priority nya. Kaya sa sobrang pag-aalala nyang mahanap at makita ako, ni wala na syang matandaan pa sa nakapaligid sa kanya. Dahil AKO at AKO lang ang nasa Isip nya. Ang HANAPIN ako.

Aaminin ko. Medyo naiinis ako sa mga ganyang ugali. Dahil umaabot sa pagiging 'Makasarili' ang ganyang pag-uugali ng Isang tao. Selfish. At Isa yun talaga sa mga bagay na ayaw na ayaw ko. Ang Makasarili.

Pero... Kung naging ganun si Keith kanina. Paano nya nasabi sa akin na may tumulong sa kanila sa Sea Monster? At ang masama pa doon, nakilala nya pa, 'Ministry of Mages' ika nya pa nga.

Dahil kung Iisipin ko. Nagiging ganyan si Keith simula nung nahulog ako sa dagat. Doon pa lang ay AKO na ang nasa Isip nya. Doon pa lang magsisimula nang pumasok sa Isip nya na 'Hanapin at Makita Ako'. Kaya bakit... May maalala pa sya doon? At ang wala lang syang maalala ay yung paligid kung saan na sila ngayon matapos silang mailigtas doon sa Sea Monster?

May bigla nalang pumasok sa Isipan ko. 'I'm sorry. Hindi kita nailigtas.'. Hindi kaagad sya tumalon nung nahulog ako. Dahil si Keith, kapag alam nyang mapapahamak ako, ay gagalaw at gagalaw kaagad ito. Nahulog ako, pero hindi sya nakita ng mga mata ko na tumalon para Iligtas ako. Dahil ang nasabi nya, 'Reisi jump'. Si Reisi pa yung tumalon para e ligtas ako. Kaya nasaan sya? Bakit hindi ko narinig mula sa bibig nya ang rason kung bakit si Reisi pa ang tumalon instead na SIYA?

Keith...

Anong ginawa mo nung nahulog ako? May bumabagabag ba sayo? May prinoprotektahan ka bang Iba kaya hindi mo ako Iniligtas? Sino naman?

Pero ang punto ko...

Unti-unti ka na ba talagang nagbabago?

Si Scarlet ba yung dahilan sa unti-unti mong pagbabago Keith?

Ewan. Pero naramdaman ko na lang ang sarili ko na napangiti.

"CATH!..." Bumalik ako sa realidad dahil sa biglaang pagtaas ng boses nya. "... Are you listening?"

Umiling kaagad ako sa tanong nya. "Hindi."

"And Why are you smiling?" curious nyang tanong.

"Wala..."

Kung tama nga ang nasa Isip ko ngayon, kung talaga bang unti-unti nang nagbabago si Keith. Edi malamang maganda yun. Wala naman akong pakialam kung magbago to, ang mas may pakialam ako, ay kung sino yung taong unti-unting nagpapabago sa kanya.

Si Scarlet kaya?

"... Ano na? Paano tayo babalik doon?"

"We're not going back there Cath."

"Alam ko. Nasabi mo nayan kanina Keith. Dinagdagan mo lang ng 'Cath'. Tss!"

"I receive a message from Ririna Waltz. Sya muna ang magiging leader sa kanila habang wala ka pa."

"Message? Paano? At anong mensahe naman yan?"

"Through Zairel Von Communication Sand Magic. Isang Sand Bird ang dumating at sinabi ang mensaheng to 'To Keith Claes. Kung nahanap mo na si Catarina, huwag muna kayong bumalik dito. Go straight to the Sand City. Magkita-kita tayo doon. And one more, please tell to Catarina that please allow me to be a temporary Leader in this group. Habang wala pa sya, ako muna ang papalit sa kanya. That's all. From Ririna Waltz'."

'To Keith Claes. Kung nahanap mo na si Catarina, huwag muna kayong bumalik dito. Go straight to the Sand City. Magkita-kita tayo doon. And one more, please tell to Catarina that please allow me to be a temporary Leader in this group. Habang wala pa sya, ako muna ang papalit sa kanya. That's all. From Ririna Waltz'

"Nagsasalita ba yung Sand Bird?"

"Yes. Pero yun lang. Siguro dahil sa Magic ni Zairel Von."

"Bakit wala akong narinig kahit Isang salita man lang sa sinabi ng Sand Bird?"

"Ikaw na mismo sumagot sa tanong ko kanina Cath na 'Hindi'. Hindi ka nakikinig. Tsk."

"Tss!"

"So Let's go?"

"Alam mo ba ang daan?"

"I look once on the map. Tanda ko pa naman yung Mapa."

"Sigurado ka?"

"Hmm." sabay tango nya.

"Nagmana ata to kay Keita yung Memory ko."

"Kay Keita lang."

"Minamaliit mo talaga si Keita."

"May sinabi ba ako?"

"Wala. Pero parang ganun nadin."

"Kung tutuusin..."

Nauna na syang naglakad. Kaya sumunod naman ako sa kanya.

"... Feeling ko mas matalino si Minerva kay Keita."

"How could you say so?"

"Feeling ko lang."

"Feeling mo lang Cath."

"Nalalamangan lang naman ni Keita si Minerva kapag mahina ito."

"Hmm..."

Teka. Bakit nga ba napunta kina Minerva at Keita yung usapan? Tss!































































































To be Continued .....


























Continue Reading

You'll Also Like

30.4K 1.3K 66
Akira Alexies Jane Smith. Isang Mafia Queen at Gangster Queen. Isa siyang gay na may taglay na ganda meron siyang kulay pula na mata na nag sisimbolo...
1.5M 62.8K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
1.8M 179K 203
Online Game# 2: MILAN X DION
61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...