Tell me why?

By Meeyowie_kura

625 14 3

The cover photo is not mine. Credits to the rightful owner. On-going. More

Tell Me Why?
Prologue
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12

07

8 0 0
By Meeyowie_kura

***

It's been a week. Na palagi akong pinagalitan ng guard dahil palagi akong walang Id. Hindi ko na matandaan kong saang lupalop na ang id ko basta ang alam ko lang ay pinagtawanan na ako ng mga kaibigan ko dahil mukha daw akong fashionista na badoy pagbaba ko galing sa room namin. Sling na lang ang naiwan sa leeg ang Id ko...hindi ko alam. Hindi ko alam kong gusto ko bang isauli 'yon o nahulog nalang sana sa kanal. Kong nahulog 'yun..wala na akong Id? Pero kong napulot man 'yun...parang ayaw ko makita ang nakapulot nun, nahiya ako. Napaka pangit ko doon sa picture. Ewan ko kung sino ang sisihin ko 'yung nag picture sa 'kin o 'yung mukha ko. Nakakainis!




Nilibot ko na ang buong paaralan namin at pati na rin ang loob ng guard house. Pero wala. Sana ako ang makapulot.



Napatigil ako sa binabasa ko na may tumawag sa cellphone ko. Gusto ko sanang i-reject 'to pero hinayaan ko nalang na tumunog 'yon hanggang sa tumigil ng kusa ang tunog. Babalik na sana ako sa pagbabasa ay tumunog naman ulit. Huminga ako ng malalim at nagtimpi sa inis. Padabog ako tumayo sa hinihigaan ko.



"Hello." Sagot ko sa tawag.



"Nasaan ang, Papa mo, Ineng." As usual si Auntie na naman.



Bumuntong hininga naman ako, "Ah, nasa labas po, iibigay ko lang 'to kay, Papa, Auntie." Bumaba ako at nakita ko si Mama sa kusina.



" 'Ma, nasan si Papa?" Tanong ko ng makita ko siya sa kusina na may kinukwenta yata. Tinignan niya ako at nagtaka.



"Baka nasa labas. Bakit?" Taka niyang tanong at binalikan ang ginawa niya.



Nagpatuloy ako sa pagbaba, pinakita ko sa kanya ang phone ko, "Si Auntie, tumawag." Sagot ko. Nagpabuntong naman ang Mama ko at napailing.



"Hanapin mo sa labas."



Lumabas naman ako hinanap si Papa. Nang makita ko si Papa ay pinuntahan ko agad siya na nakaupo sa upuan at nagpapahangin.



"'Pa." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman agad siya. Binigay ko sa kanya ang cellphone ko, "Si Auntie, tumawag." Sabi ko at agadd naman niya 'yun tinggap.



Umupo ako kung saan umupo si Papa at naghintay na matapos ang pag-uusap nila. Inangat ko ang ulo ko at pinahinga sa sandalan ng upuan. Pinatong ko ang dalawa kong paa sa upuan at yinakap ang mga 'to.



Ang daming stars na kumikinang at parang saya nilang tignan. Maliwanag rin ang buwan gaya rin ng star ang saya at ang ganda nikang tignan. Subrang tahimik na ng paligid at siguro nagpapahinga na ang mga trabahante ngayon. Ano kayang feeling na dito matutulog sa labas? Hindi ba nakakatakot? Malamok pa naman dito.



"Magkano ba 'yan?"



Pumintig ang tainga ko sa salita na 'yon. Magkano na naman. Sa daming salitang sinabi ni Papa sa telepono ay ang 'Magkano ba 'yan' lang ang malinaw sa akin. Obvious naman na tumawag lang si Auntie dahil sa pera na naman. Gusto kong magalit at pagsalitaan ng masasakit na salita para naman magising sila na may binubuhay ang Papa ko dito.



Hindi naman mukhang bangko ang Papa para hingian ng pera nila. Wala ba silang hiya na natira sa kanila? Palagi nalang ba ang Papa ko o hindi naman si Mama ang palaging hiningian ng pera dahil...hindi na nakakatuwa. Magkadugo kami pero..inaabuso na nila ang Mama at Papa ko, eh! Hindi porket nandito kami sa siyudad ay may marami na kaming pera. Hindi ko talaga sila maintindihan. Lahat nalang bayarin nila ay ipapaubaya sa Papa ko. Pati kuryente nila at tubig sa Papa ko pa tatakbo at hihingi ng pera. Nasaan ba ang asawa niya?! Nakakabwesit! Tangina!



Nakakainis. Pera-pera! Hindi ba mabubuhay ang mga tao kong walang pera?! Sa totoo lang nakakagigil na ang salitang pera na 'yan, ah!



Sila...hingi ng hingi ng pera..pero ako na anak hindi nga ako humingi ng pera pambili ng mga gamit ko. Ang hinihingi ko lang ang cellphone...dahil ang hirap na walang cellphone ngayon bilang isang studyante. Nakokonsensya pa ako dahil subrang mahal ng cellphone ngayon at installment pa kaya mas lalong lalaki ang babayarin namin dahil kong ibuo ko ito ng bayad..baka wala ng pera matitira sa Papa ko. Taga hingi ko ng pera pambayad ng monthly ay nagdadalawang isip pa ako na sasabihin na babayarin na at hihingi ako ng pera dahil baka wala na ng pera ang Papa ko. Pero sila..na kapatid ni Papa ay walang man lang nagdadalawang isip na maghingi. Hindi ba nila maiisipan na naghihirap rin kami dito.



Nakakasawa na palagi nalang ganito. Gusto kong magpalit ng sim pero baka magalit si Papa sa akin. Ang Papa ko naman...bigay lang ng bigay. Iyon rin ang problema, eh. Hindi siya tumatanggi kaya si Mama naman ang magpoproblema sa pera para sa gastusin namin dito at sa pag-aaral namin. Nakakasawa na ganito nalang palagi. Mag-aaway pa sila dahil sa pera.



Pero, wala kaming magawa dahil...pera naman ng Papa ko 'yun, hanggang buntong hininga lang kami at timpi. 'Yung mga ate at kuya ko na may mga pamilya na..mahihirapan pa makahingi o uutang  ng pera dahil umiiyak pa sila bago makakuha ng pera sa Papa ko dahil sa mga masasakit na salita binabato ng Papa namin bago magbigay ng pera. Pero.. kapag ang Auntie naman o sino pa sa mga kapatid niya hihingi ay bibigay agad. Ang unfair. Kaya hindi na ako humihingi ng pera na malalaki dahil hindi ko iniisip ang ibabato niyang salita kundi baka wala na siyang matira na pera. Maghihintay lang ako kong bibigyan niya ako ng pera o magtatanong kong may baon paba ako. Dahil nakokonsensya ako na wala ng matira sa kanya.



Mabigat ang loob ko pumasok sa loob ng bahay namin at tumakbo na paakyat sa itaas namin. Kaya idinaan ko sa nalang sa pagbabasa ang sama ng loob ko. Hanggang sa makatulog na may kasamang luha.



Mabigat ang mata ko pag-gising sa umaga. Nakakatamad bumangon at maglalaba naman pero kailangan dahil sa paglalaba namin ni Mama ay may pamabayad kami sa paaralan at may  baon  minsan kapag hindi kami nabigyan ng baon ni Papa.



Hindi rin naman pwede...hahayaan ko nalang si Mama ang maglalaba tapos ako dito nakaupo lang. Hindi kaya ng konsensya ko. Alam mo ang pinakasakit sa part nang paglalaba ay 'yung araw² ka maglalaba pero ' hindi nauubos ang mga labahan. Araw² pang one week ang labahan. Ilang ulit ba sila magbibihis ng damit. Hindi ko talaga gets ang mga mayayaman. Eh, ano ba ang expect ko... edi ba mga mayayaman nga!



Wala sa sarili ako naglalakad papunta sa labahan. Muntik ko pa makalimutan na may gate pa akong papasukan at bogsh! 'Yung garden ang bubungad pag pasok. Pero... ang layo parin ng utak ko ngayon. Kulang yata ako sa tulog kaya lutang na lutang ako ngayon. Hindi pa naman naman ako kumain ng pang-agahan. Nagpapa-ulcer naman ako. Konting minuto nalang mag a-alas nuebe na, baka pagdating ko doon.. tapos na si Mama, eh ano pa ang silbi ko 'nun. Ano 'yun...sinusundo ko lang si Mama ganon, eh parang tanga.



Kapag naglalakad pa naman ako dito ay palagi kong tinitignan sa may swing kong may tao ba naka-upo doon at lalo na sa oras ngayon dahil palagi silang nag ii-stand by diyan. Pero ngayon straight lang ako naglalakad at ang isip ko ay nasa cebuana kong hinatid na ba ang pera doon. Nasasayangan ako sa pera baka..kami naman ang mangaingailangan n'on at hindi na namin magagamit dahil pinadala na. Kapag kami ba ang mangaingailangan naman ng tulong, tutulungan ba nila kami?



Sana naubos ang pera niPapa, para hindi siya makapagdala doon. Gusto kong umiyak sa inis pero anong magagawa ng iyak na 'yan. Sino ba naman ako? Anak lang ako na walang karapatan magdedesyon sa pera ng Papa ko.



"Your Id."


Ha? Ako?



Ayaw ko pa sana tumigil sa paglalakad dahil baka hindi ako ang kausap niya,  makamalan pa ako na chismosa at assuming pero dahil sa salitang Id ay napatigil ako. Kahit lutang ako ay narinig ko pa rin 'yon. Nilibot ko ang paningin s  paligid at laking gulat ko na sa gilid ko lang pala siya. Eh, wala namang tao dito kanina, ah? Ano 'yon magic? Gulat ako at taka ko siyang tinignan pero hindi siya nakantingin sa'kin kundi sa aso at hinihimas niya pa ang balhibo nito. Umabanti ako ng kaunti ng tumingin ang aso sa'kin.



Bahagya ako napatalon sa takot at gulat ng tumahol ito. Pero huminto rin naman ito ng suwayin siya ng kanyang amo. Ay, aso niya 'yan?! 'Yang aso na 'yan  ang sarap pa naman 'yan sakalin dahil sa inis. Muntik na akong makagat niyan noong pumunta ako sa labahan, ng makita niya ako n'on ay tumahol 'yan at tumakbo papunta sa'kin. Muntik na akong makagat kong hindi siya sinalubong ng isang aso doon na ka close ko. Kahit cute pa 'yan sasakalin ko talaga 'yan. Subrang takot ko n'on at may trauma pa ako hanggang ngayon ng tumahol siya.



Sinamaan ko ng tingin ang aso, muntik ko pa makalimutan na may tao pala dito kong hindi ito tumikhim na mas lalong nagpapakaba sa akin. Bakit ba ako kinabahan? Nakahinto pala ako sa may banda ng swing kong saan siya ngayon nakaupo at hinihimas ang balahibo ni Snow. Naka stand-by nga siya dito.



Umangat ang tingin niya sa'kin. Napalunok ako ng sa walang oras. Fresh ang awra niya ngayon, bagong ligo. Tinaas niya ang isang makapal niyang kilay pero, shwit bagay na bagay sa kaniya. Ang kinis ng mukha niya kaya mas dumoble ang kaba ko dahil ang... panget ko pa naman.



Tumikhim siya ulit at tumayo. Lumayo naman ako ng kaunti dahil ayaw ko na subrang lapit namin. Gulat kong pinagmasdan ang galaw niya. Nanuyo ang lalamunan ko sa tension namin ngayon. Nakapasok sa loob ang isa niyang kamay sa bulsa ng short niya at gumalaw  ito sa loob  na parang may kinukuha.



Tinikom ko ang bahagya kong napaawang na bibig na hindi ko napansin. Ang gwapo niya talaga kahit anong galaw niya at subrang cool. At ngayon ko aaminin na ang...liit ko! Hanggang kili-kili niya ako. Naka white round neck shirt siya naka short na itim. Bet na bet ko ang mga color ng suot niya at naka clean hair cut pa. Hindi talaga ako mauubusan ng paghanga sa kanya.



Napa awang ang labi ko sa hiya. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya at hindi na magpapakita sa kanya kahit kailan man. Bakit na sa kanya 'yan at bakit siya pa? Ang daming tao sa paaralan na 'yon pero siya? Siya talaga?



"You left your Id." Aniya, gamit ang malalim niyang boses na nagpapakaba sa'kin masyado.



Dahan-dahan akong napa angat ng tingin sa kanya at gusto kong matampal ang noo ko nang magsalubong ang paningin namin. Nagpakurap-kurap ako at Dahan-dahan inangat ang kamay ko at kinuha ang Id ko sa kamay niya na may mukhang mangkukulam. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.



"T-Thank you po, S-Sir." Utal kong pagsasalamat sa kanya at bahagyang yumuko. "S-Sige po Sir. M-Mauuna na po ako." Bastos na kong bastos pero tumalikod na agad ako. Wala na akong mukha ihaharap pa. Ayaw ko na sa world na'to. Nang lumiko na akong para daan papunta sa. labahan ay gusto kong sumigaw sa halo ng emotion pero hindi ko na tinuloy  dahil nandito pala si, Ma'am Modelyn ang pinakataas na boss dito. May ginawa siya sa mga halaman niya na 'di ko alam. 'Yung lakad ko na subrang bilis na parang takbo na ay naging lakad mahinhin na ngayon.



Hirap na baka makamalan pa akong baliw na nalipasan ng kain. Kahit totoo naman. Pagalitan niyo po kasi 'yang apo niyo maam na 'wag pagala- gala diyan, baka maitago ko 'yan sa bulsa ko.



Napahingal ako pagpasok sa labahan. Naiwan pa yata sa swing ang kaluluwa ko.



"Ang tagal mo!" bulyaw ng Mama ko ng makita niya ako pumasok.



Sabi ko na, e!



♪♪‡‡»»

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 61.2K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
989K 22.4K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
42.5K 2.9K 24
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
Riptide By V

Teen Fiction

330K 8.4K 118
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...