HIS #2: Availing The Odds (CO...

By endlessutopia

65.9K 829 121

(Hospitality Industry Series #2) We all make missteps, everybody should be given a second chance. That is wha... More

HI Series
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 5

1.2K 15 2
By endlessutopia

Kabanata 5:
Threat

Threscia Alessandra's Point of View

Tita Tiffany's raucous voice echoed on the four corners of the Bristo making Grant's attention dart in our direction. He directly looked at me and I just bowed my head a bit because of it. 

I don't know but I'm starting to get concerned about what might happen today. Baka akala niya ay sinumbong ko sila ni Bethany. Bumuntong-hininga na lang ako at bahala na kung ano ang mangyayari. 

Tunay nga na walang sikretong hindi nabubunyag. Tadhana na ang gumawa ng paraan para mabunyag ang relasyon nilang dalawa.

"Mom," Grant spoke in a nervous tone. Inangat ko ang ulo ko at sumulyap sa pwesto nila. Napalingon din si Bethany sa pwesto namin at nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa amin. 

Napansin ko na kinakabahan na siya ngayon dahil nanginginig na ang mga kamay niyang nakapatong sa mesa. Well, she should be. Napatingin ako kay Tita nang tinungo niya ang direksyon nila. Ako naman ay sumunod lang.

Nang makalapit kami sa pwesto nila ay inabala ko ang tingin ko sa paligid dahil ramdam ko ang titig ni Grant. 

Mabuti na lang at walang masyadong tao rito sa Bristo. Mukhang abala naman ang lahat at may sari-sariling mundo dahil hindi 'man lang nila pinansin ang nangyayari ngayon.

I crossed my arms as I heard Tita's voice.

"Why are you with one of the Qiao's maids?" Napasulyap ako kay Tita at tumaas na ang isang kilay niya. Napadako naman ang tingin ko kila Grant na seryoso pa rin ang mukha kahit bistado na sila ni Bethany.

Nilipat ko ang tingin ko kay Bethany na hindi maipinta ang mukha niya dahil sa labis na takot. Napailing na lang ako dahil dito. 'Yan kasi, ang landi niya. 

Kilala ni Tita Tiffany si Bethany dahil madalas din siya sa mansion kaya halos lahat ng mga kasambahay namin ay kilala na niya. 

"What is your relationship with her?" Sunod na tanong ni Tita. Bubuka na sana ang bibig ni Bethany ngunit hindi iyon natuloy dahil hinawakan ni Grant ang kanan nitong kamay na nakapatong sa mesa.

Sinamaan ko ng tingin si Bethany na nakayuko na ngayon. Agad naman akong nakaramdaman ng kirot sa dibdib ko nang makita ko ang magkahawak nilang kamay. 

Tinapunan ko saglit si Tita ng tingin at nakita ko na nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin din sa kamay nila.

"A... Are you in a relationship with that m... maid?" Naguguluhang wika ni Tita. I then felt that the atmosphere here became heavier because of the question. Inaabangan ko naman ang sagot ni Grant. 

"Yes, Mom. I'm in a relationship with Bethany. And please, don't call her maid, she has a name. Bethany is my girlfriend," pag-aamin ni Grant dahilan para mapatingin ako sa kaniya at rinig ko ang pagsinghap ni Tita TIffany sa tabi ko. 

Hindi ko alam pero nanunubig ang mga mata ko pagkarinig ko sa pag-amin niya. Umiwas ako ng tingin ay palihim na tumingala para pigilan ang luhang nagbabadya na tumulo. 

Hindi ko inaasahan na aamin na siya. 

"She's still a maid," masungit na sambit ni Tita Tiffany sa tinugon ni Grant. Binalik ko naman ang tingin ko kay Bethany na nakayuko pa rin hanggang ngayon.

"I... I don't believe this. I m... must be dreaming," hindi makapaniwalang komento ni Tita Tiffany at napatingin ako sa kaniya nang napahawak ito sa braso ko. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkagulat dahil sa narinig mula kay Grant. 

"You must end your scandalous relationship with that maid or else I'll do everything to ruin that mere girl! You know me son," may halong banta sa tono niya at napaigtad naman ako sa biglaang pagsigaw ni Tita na ikinatayo ng mga balahibo ko. 

Hinila na ako ni Tita palabas sa Bristo at dinala niya ako sa parking lot. Siguro ay ayaw niya ng eskandalo sa loob lalo na't public figure din siya dahil sa senador ang asawa niya.

Tahimik lang naman akong nagpahihila sa kaniya. Nang makarating kami roon ay humarap siya sa akin at nagsalita. Lalo namang bumili ang tibok ng puso.  

"My dear, alam mo ba ang tungkol dito?" Napalunok naman ako nang tinanong ni Tita iyon sa akin. Sumulyap ako saglit sa loob ng Bristo at napansin ko naman na kinakausap ni Grant si Bethany. Kumabog naman ang dibdib ko kaya binalik ko ang tingin ko kay Tita.

Napatitig ako sa mukha niya at nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumango sa kaniya. Napabitaw naman ito sa hawak ko at napaatras. 

I pursed my lower lip as I play with my fingers. 

"Y... You already know but you didn't tell me about it?" Her voice raised because of it as her expression hardened. I forced my smile and bite my lower lip. 

"I... I can't believe this. E... Even you. You lied to me. Kung hindi ko pa sila mahuhuli ay sinisikreto mo pa rin hanggang sa hindi ko malalaman ang tungkol dito, Threscia. Kaya ba ayaw mong kumain dito dahil sa kanila? Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa relasyon nila?" 

My smile faded because of it. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng guilty dahil dito.

"It was three months ago, Tita. Nalaman ko po ito noon dahil nagkalat sa university ang balita tungkol sa panliligaw po ni Grant kay Bethany, Tita. H... Hindi ko po agad ito sinabi sa inyo dahil ayaw ko pong makialam. I'm sorry, Tita," mahina kong tugon ngunit sapat na iyon para marinig niya. 

Nagsasabi lang naman ako ng totoo kaya sana ay hindi magalit si Tita sa akin.

"You must be kidding me, iha. Call your driver to accompany you. I need to be alone," iyon na lamang ang naisambit nito at binuksan na ng chauffeur niya ang pinto ng kotse. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok ito sa backseat.

Sinara na ng chauffeur ang pinto at yumuko ito saglit sa akin bago pumasok sa driver's seat. Bumuntong-hininga ako nang makalayo na sila. Mukhang kailangan kong suyuin si Tita. I mean, ayaw ko lang naman makialam sa kanila.

I love Grant that's why I respect him. I then heaved a deep breath as I unlocked my phone and immediately dialed Kuya Lars' contact number. 

"Kuya, pasundo po rito sa The Savory Bristo, thank you," ani ko.

"Noted, my lady."

Pagkatapos n'on ay tinapos ko na ang tawag. Hahakbang na sana ako ngunit napatigil ako nang sumalubong sa akin ang pamilyar na bulto. Iniangat ko ang ulo ko at sumalubong sa akin ang malamig na tingin ni Grant.

Napansin ko naman na hindi na niya kasama si Bethany. I wonder where did Bethany go.

"You told her about us, don't you? Are you that desperate to split us--" I didn't let him finish his sentence when a loud smack welcomed his right cheek because of my slap making his neck jerks on the side.

Ramdam ko na masakit iyon dahil sumakit ang palad ko dahil dito at parang namanhid ito. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinampal, kusa kasing gumalaw ang kamay ko dahil sa sinabi niya. I mean, sumosobra na kasi siya sa pagbibintang.

Nang magtama ang mga mata namin ay sinamaan ko siya ng tingin kahit nanunubig na ang mga mata ko. Nilakasan ko ang loob ko bago ko ibinuka ang bunganga ko para magsalita. 

"I won't stoop that low, Grant. I had a moral standard to do something unpleasant and it's not my fault that Tita caught you both. Mabuti nga at nahuli na kayo dahil hindi ko rin nanaisin na magtatagal pa ang relasyon ninyo," malamig kong sambit at naiyukom ko ang mga kamao pagkasabi ko. 

Sakto namang dumating na si Kuya Lars na sakay ng Lamborghini. Bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto. I then took a step forward but I stopped midway when Grant held my left arm.

"Remember this Threscia Alessandra. No matter what bad schemes you're planning, I won't fall for you," his voice penetrated making me shrill. Naramdaman ko namang binitawan na niya ang braso ko kaya pinagpatuloy ko na ang paglalakad. 

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko at sumisinghot na ako hanggang sa makapasok ako sa backseat. Palihim kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko at napatigil ako nang naglahad si Kuya Lars ng panyo.

Napatingala ako sa kaniya at seryoso ang mukha niyang naglalahad sa akin ng panyo. Tipid akong ngumiti sa kaniya bago tinanggap ang panyo niya. Pagkatanggap ko ay maingat nitong sinara ang pinto. 

Ginamit ko naman ang panyo niya para punasan ng mabuti ang magkabila kong pisngi. Naramdaman ko namang pumasok si Kuya Lars sa driver's seat. 

"Did you already eat?" Naibaba ko ang kamay kong may hawak ng panyo bago tumingin sa rear view mirror. Gaya ng inaasahan ko ay nakatingin din siya sa akin mula sa rear view mirror. Umiling ako sa kaniya at tumango lang siya.

Maya-maya pa ay umandar na ang kotse at pinaharurot na ni Kuya Lars ang kotse. Tahimik lang ako habang nasa biyahe at inaliw ang sarili ko sa labas. 

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yong huling sinabi ni Grant sa akin na hindi raw siya mahuhulog sa akin kahit ano'ng masamang plano ang gagawin ko. 

Mapait akong ngumiti dahil doon. Am I that evil in his eyes to make him assume that I have some bad schemes towards them? 

To be honest, if I intended to ruin them, I should've told Tita about them the moment I heard the information that he's wooing Bethany. After a few minutes, the car stopped. 

Huminga na ako ng malalim at tumingin sa labas. Napangiti ako nang mabasa ang resto na pinaghintuan namin. Deli Divine.

Deli Divine is my favorite casual dining restaurant. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng backseat kaya bumaba na ako. Nilagay ko na rin sa handbag ko 'yong panyo ni Kuya Lars. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil alam na alam ni Kuya Lars ang paborito kong restaurant. 

"Thank you po," ani ko kay Kuya Lars na ngumiti lang sa akin. Kapagkuwa'y sinara na niya ang backseat. Humarap naman ako sa kaniya. Napansin ko namang binulsa niya ang susi ng kotse. 

"Kumain ka na, Kuya?" Tanong ko. Umiling naman ito sa akin. 

"I was about to eat when you called, my lady," tumango lang ako sa tinugon niya. Na-guilty naman ako dahil naabala ko pa siya. Kung gano'n ay sabay na lang siya sa akin. 

"Sabayan mo po akong kumain, Kuya Lars," anyaya ko na ikinatango niya lang. Alam niya naman na hindi ako sanay na mag-isang kumakain kaya siya pumayag. Pagkatapos n'on ay nauna na akong pumasok sa loob ng Deli Divine at sumunod naman siya. 

As we entered, the soft instrumental romantic background music was being played as it gives a romantic atmosphere of Deli Divine. 

Several aromas from their dishes welcomed my nose making me crave for their food. A bolt of soft lighting from the restaurant is also delighting into the eyes. 

As I expected, almost all of the tables here were occupied by diners. A hostess in a casual waitress uniform greeted and guided us to a vacant table. She also asked us if this seat is okay for us and I just nodded as a reply. 

Iniwan na niya kami at may isang waiter na lumapit sa amin para bigyan kami ng dalawang menu. Sumulyap ako kay Kuya Lars na nakatingin lang sa akin. Bigla naman akong nailang. Inaamin ko na gwapo talaga siya. 

Tumikhim ako at binaba na ang tingin ko sa menu na hawak ko. I opened it and scanned the table of contents. I then turn the page into 67 because it's a lunch section. 

"Chicken Kebab w/ Rice and Green Olive Shrimp Pasta. Strawberry Limeade for my drinks, thank you," I spoke then closed the menu. Nilapag ko na ito sa mesa at natingin kay Kuya Lars na pumipili sa menu.

"Apricot- Glazed Chicken & Corn and Cucumber Limeade, thanks," ani ni Kuya Lars at sinara na rin ang menu book. Nilapag na niya rin ito sa mesa. The waiter repeated our orders to ensure that he wrote them right. I just nodded at him as a response.

Tinanong niya rin kami kung may idadagdag pa kami ngunit umiling lang ako. He told us that our orders will arrived within fifteen minutes before he excused himself to relay our orders. 

While waiting for our orders, I took a quick glance at their wall clock to see the time. It's already 12: 14 PM and our afternoon class start at exactly 1:30 PM so I have enough time to enjoy this lunch. 

Gaya nga ng sinabi ng waiter ay wala pang limampung minuto nang dumating na ang orders namin. Bigla naman akong natakam habang nakatitig sa mga inihain sa mesa namin. 

"Thank you," nakangiti kong wika sa waitress na nag-serve. Ngumiti rin ito sa akin at nag-excuse na rin. Tumingin ako kay Kuya Lars na nakamasid lang sa akin. 

"Let's eat," I spoke and he just nodded because of it. I then unfolded the table napkin beside the plate and placed it on my lap. 

Nagsimula ko nang nilantakan ang in-order ko. Indeed, Deli Divine never failed to satisfy me with their dishes. I took a sipped from my limeade as my phone vibrated beside my plate.  It tells me that someone is calling. 

Kinuha ko ang table napkin sa kandungan ko at pinunasan ko ang kamay ko gamit iyon bago inabot ang phone ko. Kalaunan ay sinagot na ang tawag nang hindi tumitingin sa caller's ID.

"My sweet, I heard from Tiffany about what happened today. Let's talk tonight," I heard my Mom's voice from the other line. I just heaved a deep sighed before answering. As I expected, Tita Tiffany already told her about it. 

"Alright po," masunurin kong tugon. Pagkatapos ay tinapos ko na ang tawag at nilapag iyon sa mesa. 

To be continued...







Continue Reading

You'll Also Like

272K 9.2K 24
Quintero Series Book 1 of 3 (COMPLETED) Calla Adilane Quintero is the long lost daughter of the President. She was kidnapped at the age of five and...
627K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
215K 4.6K 43
First installment of Zambales Series
93.5K 2.4K 53
[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the las...