That Breakup

By HippityHoppityAzure

341K 5.6K 392

(Informally written and not yet edited) Siya si Micki Magdayo, isang frustrated girlfriend. Lagi na lang niya... More

That Break-up
< i >
< ii >
< iii >
< iv >
< v >
< vi >
< vii >
< viii >
< ix >
< x >
< xi >
< xii >
< xiii >
< final >

< xiv >

16.1K 324 25
By HippityHoppityAzure

[EZEKIEL's PoV]

Ang galing. Biglang umalis si Micki.

Malamang tamang-tama sya sa sinagot ko sa topic namin kanina kaya ayun, nag-walkout sya.

Nakakatawa. Masyado syang guilty.

Napailing ako at uminom.

Pagkainom ko.. tsk.

Natatawa nga ko kaso.. di ako natutuwa.. Parang naiinis pa nga ko sa sarili ko..

Di ko naman kasi talaga gustong gawin toh kay Micki. Pero nung nakita ko sila ni Haji na nagtititigan, nagbubulungan.. ARGH. Di ko na naman napigilang makaramdam ng galit at selos. Di ko na napigilang alalahanin at ipamukha sakanya ang ginawa nya sakin.

Nakakainis na ang pakiramdam na toh. Ayaw ko na nang ganito. Gusto kong kalimutan na lang ang lahat-- ang lahat-lahat samin.

Muli akong tumagay at uminom. Si Haji naman, biglang tumayo.

"CR lang ako." paalam nya. Sumige ang mga kasama namin tsaka sya umalis.

Patuloy sa kwentuhan ang barkada. Ako naman, tahimik lang na nakikinig sakanila habang kumakain at umiinom.

Teka.. Sina Haji at Micki..

Parehas silang wala dito.. at parehas din silang nag-CR..

Magkasama ba silang dalawa ngayon? Ano naman kayang ginagawa nila?

Tsk. Pinanggigilan kong hawakan ang basong iniinuman ko. Gusto kong sundan yung dalawa. Pero hindi.. hindi tama yun.. Gusto ko na ngang kalimutan ang lahat-lahat samin ni Micki diba? Kaya dapat lang na di ko na sya pakialaman pa sa gusto nyang gawin.

Bahala na sya.. Bahala na sila..

Bumalik ako sa pag-inom at pakikipagkwentuhan sa barkada hanggang sa maraming minuto na ang lumipas.

Halos mag-iisang oras na nga eh. At yung dalawa? HINDI PA RIN BUMABALIK.

Ayoko na talagang pansinin ang tungkol dun pero.. di ko maiwasan!

Ito bang mga kasama ko, di napapansin na nawawala na ang dalawang kasama namin? Potek. Palibhasa may mga tama na sila.

Ininom ko ang huling tagay ko tapos tumayo ako. Di na ko makapagtimpi. Gusto ko nang hanapin yung dalawa. Pero sakto. Bumalik na si Haji. Mag-isa lang sya.

"UY HAJEY!" natatawang tawag sakanya ni Andrea. "SAN KA GALING HUH?!"

"Sa beach house." simple nyang sagot sabay upo. Umupo na rin ako.

"SA BEACH HOUSE?!" - Andrea

"Ano namang ginawa mo dun pre?" - Luke

"Hinatid ko si Micki." sagot nya ulit na ikinagulat ko maging ng buong barkada.

"Oo nga noh.. Wala rin pala si Micki.." pansin ni Kristine.

"Bakit mo naman sya hinatid, Haji?" nag-aalalang tanong ni Candy.

"MAY NANGYARI BA SAKANYA?!" - Andrea

"Wala naman.. Sumama lang pakiramdam nya kaya ayun, nagpauwi na sya.." kalmadong tumagay at uminom si Haji tapos tumingin sya sakin.

Tsaka ko lang napansin, masama pala ang tingin ko sakanya.

Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya at uminom din habang itong mga kasama ko, si Micki na ang pinag-usapan. Mga nag-aalala sila.

At ako, ito na naman, nakakaramdam na naman ng GALIT at SELOS dahil sa ginawa ni Haji kay Micki.

Hinatid nya pala si Micki sa beach house. Masama raw kasi ang pakiramdam ni Micki. Eh pano nya naman nalaman yun ah? Ibig sabihin, nagkita nga sila nang sinabi nilang mag-CCR sila?

BWISET. NAKAKAASAR.

Di nagtagal eh napagdesisyunan ng barkada na umuwi na rin sa beach house at dun na lang magpatuloy uminom para daw kahit papaano, may kasama si Micki.

On the way pabalik, tahimik lang ako maging si Haji.

Nang nasa beach house na kami, dumiretso silang lahat sa dining at nagpatuloy sa pag-inom. Di ko naman na sila sinamahan. Sa may balcony ako tumambay. Nagyosi ako habang nakatitig sa dagat.

Mas mabuti nang nandito ako kaysa sa lugar kung nasaan din si Haji. Ayoko na kasing makaramdam ng galit at selos. Tsk. Punyemas na selos yan.

Pumikit ako pinakaramdaman ang hangin. Ang lamig. Parang pinapawi nito ang init ng ulo na meron ako ngayon.

"Kiel." tawag bigla ni Haji.

Napadilat ako at kuyom ng mga kamay. Kaasar lang. Iniiwasan ko nga muna sya tapos sya naman ang lalapit?

"Bakit?" sagot ko nang di lumilingon sakanya.

"Usap tayo." pumwesto sya ng tayo malapit sakin. Tumitig din sya sa dagat.

"Tungkol naman saan?" tanong ko pa kahit parang may ideya na ko. Malamang nakaramdam na sya sa mga tingin ko sakanya kanina.

"Tungkol kay Micki."

Napangisi ako sa sagot nya. Sabi na nga ba eh, si Micki ang pag-uusapan namin.

"Alam mo.. alam ko na ang totoong nangyari sa inyo."

Gulat akong napatingin sakanya.

Alam na nya ang totoong nangyari? Samin ni Micki?

Si Micki.. sinabi na ba nya yun dito kay Haji? Pero bakit? Ah potek. Pinagtakpan ko nga sya para di sya magmukhang masama sa mga kaibigan namin pero sya naman ang umamin!

"Hanggang kailan kayo magiging ganito, Kiel?"

Binalik ko ang tingin ko sa dagat at nagkibit-balikat sa tanong ni Haji. Di ko alam eh. Hanggang kailan nga ba kami magiging ganito?

"Alam kong nasaktan ka ni Micki. Pero tama ba na ikaw naman ang nananakit sakanya ngayon?"

Sinasaktan ko si Micki?

Medyo natawa ko. Yung pagka-guilty siguro ni Micki ang tinutukoy nitong si Haji.

"Pwede ba Kiel, na bago mo ganituhin si Micki, pakinggan mo muna ang side nya?"

"ANO PA BANG KAILANGAN KONG PAKINGGAN SA SIDE NYA?" di ko napigilang magtaas ng boses. "YUNG PANINISI NYA NA NAMAN BA SAKIN SA GINAWA NYANG PANLOLOKO? YUN BA AH?"

Nanatili namang kalmado si Haji. "Wag mo nga pairalin yang pagka-init ng ulo mo."

Huminga ko nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Mas maganda siguro kung di ka na lang makikialam samin, Haji."

"Yan ang di ko magagawa."

Kumunot ang noo ko sa pagkontra nya.

"Kaibigan ko kayong dalawa. Di ko magagawang manahimik na lang habang nakikita ko kayong ganito." sabi nya pa.

Natawa na lang ako ulit.

"Sinubukan mo na bang isipin nang mabuti ang mga nangyari sa inyo ah, Kiel?" nagiging mapaghamon na ang tono ni Haji. "Wag ka umasta na parang si Micki lang ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sainyo. Parehas lang kayong may pagkakamali."

Parang narindi naman ang mga tenga ko sa sinabi nyang yun. Di ko yun nagustuhan. Sinisisi nya rin ako samantalang ako nga tong niloko?

Sasagutin ko sana sya kaso biglang lumabas si Andrea.

"HAJEY! *hik* HAJEY HAJEY! ANG DAYA NILA! *hik*" >//3//

Lumapit samin si Andrea at hinatak-hatak si Haji sa braso.

"INIWAN NA NILA KO MAG-ISA-- *hik!* HAJEY! NATULOG NA SILA! SAMAHAN MO NAMAN AKONG-- *hik* UMINOM PA OH!" >//O//

Napahilot ako ng ulo. Lalo akong naririndi sa ingay ni Andrea.

"Tama na, Andrea. Matulog ka na lang din." mahinahong sabi ni Haji sakanya.

"EHHH~ *hik!* GUSTO KO PANG UMINOOOM!"

"Wag ka nang pasaway. Halika, dun ka na sa kwarto mo." hinatak ni Haji sa braso si Andrea na patuloy sa pag-asta na parang bata. Tss. Pag nalalasing nga naman ang babaeng yun.

Nang mag-isa na ko ulit dito, napaisip ako. Inisip ko ang mga nangyari samin ni Micki pati ang sinabi ni Haji.

Sabi ni Haji, di lang si Micki ang may kasalanan.. Parehas lang daw kaming may pagkakamali..

Parang totoo.. pero hindi!

PINAGTUTULUNGAN LANG NILA KO!

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa gulo ng isip ko.

Itinapon ko na rin ang kanina ko pang hinihithit na yosi at nagsindi ng bago.

Maya-maya..

"Kiel!" malakas akong tinawag ni Haji.

Nang lingunan ko sya, nakita kong hinihingal sya.

"Si.. Si Micki! Nawawala sya! Wala sya sa kwarto nila ni Andrea o kahit saang parte ng bahay! At.." may pinakita syang cellphone. Cellphone yun ni Micki. "At ito.. Nasa kwarto lang nila toh.. Eh anong oras na--"

"Ano naman?" walang emosyon kong sabat sakanya. "Matanda na si Micki. Malamang nagliwaliw lang yun sa tabi-tabi."

"TANGNA MO KIEL!" bigla-bigla nya kong sinugod at nanggigigil na kinwelyuhan.

Ako naman eh nagulat sa reaksyon nya. Ngayon ko lang nakita na nagalit nang ganito si Haji.

"WALA KA NA BA TALAGANG PAKIALAM SAKANYA, AH?!" sigaw nya pa sakin.

"Bitawan mo ko, Haji." sinubukan kong alisin ang pagkakahawak nya sakin pero talagang nanggigigil sya. Eh ano ba? Gusto nya ba ng away?

"Para sa kaalaman mo Kiel.." humina na ang boses nya pero nandun ang galit. "Sobrang lungkot ni Micki nang iwan ko sya dito.. Kagagaling nga lang nya sa pag-iyak nun eh.. Sa resto bar, dun palang, umiyak na sya.. Ah, hindi, dahil sigurado ako, mula nang maghiwalay kayo, iyak na sya nang iyak.."

Natameme ako. Di ko akalaing nagawa palang umiyak ni Micki sa nangyari samin. Eh sya pa nga ang galit noon nung nahuli ko sya sa ginawa nya, diba?

"Alam kong si Micki ang dapat na magsabi nito pero dahil mukhang wala kang balak na pagbigyan syang magpaliwanag, ako na ang magsasabi nito sayo.." huminga muna syang malalim. "KIEL, NAGSISISI NA SI MICKI. SOBRA NA NYANG PINAGSISIHAN ANG NAGAWA NYA SAYO."

Pinagsisihan? Ayoko yatang paniwalaan yun..

"Mahal ka nya Kiel.. pero dahil sa mga kilos mo noon bilang boyfriend nya, inisip nya na di mo sya sineseryoso.."

Hindi sineseryoso? Ibig sabihin, parehas lang kami ng iniisip ni Micki noon? Parehas naming inakala na binabalewala lang namin ang relasyon namin?

"At dun pumasok si Lou, si Lou na mas ginulo ang isip nya, si Lou na niloko lang din sya at sinadya lang na sirain ang relasyon nyong dalawa.."

Biglang nanggigil ang mga kamay ko. Hindi ito dahil galit ako sa mga sinasabi ni Haji kundi dahil sa.. sa nalaman ko.

Ang hayop na Lou na yun..

"Nang maghiwalay kayo, hindi lang ikaw ang nawala sakanya, Kiel.. Pati ang banda nya, nawala.. Iniwan na nya yun.. Tinalikuran na nya ang bagay na mahal na mahal nyang gawin dahil sa mga nangyari sainyo.."

Wala akong masabi kay Haji. Pero alam ko na.. naiintindihan ko na.. Parehas nga lang kaming may mali ni Micki..

Kung di lang kami dumepende noon sa mga pagdududa namin, kung naging totoo lang kami sa nararamdaman namin, hindi na sana kami humantong sa ganito..

"Di na kita pipiliting intindihin si Micki o mag-alala pa sakanya.. Pero kung may mangyaring masama sakanya sa pagkawala nyang toh.." napailing sya sabay bitaw na sakin. "Di ko alam kung anong mangyayari sa pagkakaibigan natin Kiel.."

Nagtitigan kami. Matalim ang tingin nya sakin.

"At kung makita ko naman sya, ako nang bahala sakanya. A.. AANGKININ KO NA LANG SYA."

Natauhan ako sa huli kong narinig. Si Micki, aangkinin ni Haji?

Hindi. HINDI YUN PWEDE.

Umalis na si Haji. Mula dito sa balkonahe ay bumaba sya sa beach at nagmamadaling naglakad palayo.

"HOY HAJI!" sigaw ko sakanya pero di nya ko pinansin.

Tumakbo na lang ako at hinabol sya.

"HAJI! ANO BA?! HAHANAPIN MO BA SI MICKI?!" di nya pa rin ako pinansin kaya hinarangan ko sya. "SA TINGIN MO BA MAHAHANAP MO SYA NANG MAG-ISA KA LANG AH?!"

"Bakit? May maaasahan pa ba kong iba? Mga lasing ang iba nating kasama. At ikaw?" napangisi sya sakin. "Umalis ka nga sa daanan ko."

Nilagpasan nya ko at nagpatuloy sa paglalakad. Di ko na sya sinundan pa pero sinigawan ko sya.

"HAHANAPIN KO RIN SI MICKI!" napatigil si Haji at nilingunan ako. Tumalim na naman ang tingin nya sakin. "Wala.. Walang mangyayaring masama sakanya at.. At hindi ikaw ang unang makakahanap sakanya kundi ako.. DAHIL HINDING-HINDI KO SYA IPAPAANGKIN SAYO."

Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ko at tumakbo sa kabilang parte ng beach.

Hahanapin ko si Micki..

Ako.. Ako ang makakahanap sakanya-- mahahanap ko sya nang ligtas.

oxoxox TBC~

lol.. LAST ONE.. XD

at ang galing nyo ah, readers.. :))

Continue Reading

You'll Also Like

123K 2.6K 52
"Change is the only constant thing in this world. Feelings change. Situations change. And sadly, we did too.." Aiza and Chuck's story after College...
6.9M 27.7K 16
She was a princess turned nobody. They were the men that every girl wanted to be their prince. They did not plan it but their paths crossed, and so a...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
65.8K 7.6K 67
Are you willing to be patient enough for the one you truly love?