Epizó

By maybemineornot

44 4 1

CHAEL PLEASE WAKE UP. επιζώ More

Epísima Profíl
Epísima Profíl 2
kefálaio 1
kefálaio 3

kefálaio 2

3 1 0
By maybemineornot


SEBASTIAN'S POV

I am feeling a little better now!

Ngayong nakapagpahinga na ako, nagawa ang serimonyas ko, naubos ko ang protein juice at natapos ko na ang season 1 ng K-Drama na pinapanood ko. Sobrang reproductive ng araw ko! Hays! I hope they're feeling the same!

Bahagya akong nagulat nang may nakabangga sa akin. Lalaking may dala-dalang camera. He was wearing a pink oversized shirt at plain tee sa loob. He's tall! Taller than me!


"I'm sorry. Hindi kita napansin." Nakangiting sabi niya. Nataranta ako! Oh My God! He's good looking! Is he a foreigner? I don't know what to do. So, I smiled! Wala naman akong dapat gawin diba? So I smiled!


"N-No problem... Mag-iingat ka lang sa susunod. Sana maulit." Pabulong ko nalang sinabi 'yung huli baka marinig niya pa.

 Nakakahiya. Babawiin ko na pala ang sinasabi 'kong si Kuya Ken ang pinaka-nakakuha ng atensyon ko sa lahat ng trainees! OMG!

"I'm sorry again. Mag-iingat ka." Ani niya nakangiti pa rin. He was taking pictures of the surroundings habang nagsasalita, "By the way, can I take a photo of you?" Tanong niya kaya nagulat ako.

Hindi ko napigilang itago ang ngiti ko at saka tumango. "S-Sure."

"Okay. Just pose whatever you want and I will take a photo of you." Itinapat niya sa akin ang camera kaya naman ngumiti ako at nag-peace sign, he took a lot of photo's so hindi na ako nakapag-pose at tawang-tawa na lang. "I am taking photo's for memories." Ani niya. Ayon sa kaniya, gusto niyang maalala ang lahat ng ito. He's sentimental.

"Wow! That's a good shot. You look very natural. And... You look cute when you smile." Ani niya, nakangiti. Uminit ata ang pisngi ko sa sinabi niya pero mabuti na lang nagpaalam na siya para bumalik sa pila.

What the fuck!? Anong nangyayari sa akin?


"Ba't pulang-pula iyang mukha mo, Seb?" Natauhan lang ako nang magsalit si Kuya Ken. Inosente akong tinitignan. He's already standing infront of me.


"Wala!" Tinalikuran ko siya at saka naunang nang pumasok sa loob kasabay ang iba.


Gaya nga ng sabi kami ang DAPAT naunang pumunta sa establishment, nawala na ata sa linya. Sobrang laki! Hindi ako makapaniwala! Hindi ko maiwasan ang mamangha sa ganda ng lugar!
Ang taas ng bahay, parang isang building sa taas.


 Kulay dark brown ang kulay ng kabuuan ng magiging tirahan namin. Ang pinaka-nakakamangha sa lahat ay ang malaking pintuan na sumalubong sa amin!

"Wow!"


Sabay-sabay naming sabi habang namamanghang nakatingala sa kabuuan ng lugar. Nasa gitna ng kagubatan ang I-Land! Nainform naman kami na I-Land ang tawag sa show at sa lugar na ito! Pangalan pa lang nakakamangha na!

"Grabe!"

"Astig!"

"Parang kagaya lang sa Marvel!"

"I didn't know it will be this big!"

"Wow!"

"Fucking gorgeous!"

"Stop cursing Jim!"

"Shut up!"

"They will be recording this! Shut up you two!"

"Daebak!"

"Maldo andwae?! Maldo andwae?!"

Napalingon ako nang makita ang iba participants. Ang akala ko ba ay by unit ang punta sa I-Land? Bakit lahat sila nandito?! Napatingin ako kay Kuya Ken, nagtatanong. Pero nagkibit-balikat lang siya, wala ring alam sa nangyayari.

"Welcome, My Dear I-Landers. Welcome to the I-Land!"

Lahat kami ay nagulat nang marinig ang misteryong boses na nagsalita. Lahat kami ay napalinga-linga sa paligid para tignan 'kung sino ang nagsalita. Who is he?! Obviuosly lalaki siya, who is he?!
"Who is that?"

"Sino 'yon?"

"H-Hala..."


"Nakakagulat naman."

"What the fuck?!"

"Jimmy I told you to stop cursing!"

"Shut up The so Ideal Idol!"

"What did you say?!"

"Ah this two! You two have gone crazy!"

Hindi pa kami nakakapasok pero may biglang lumitaw na malaking screen sa pader ng I-Land. Bumuka ang parte at iniluwa ang isang malaking screen. Isang malaking TV! May lumabas na number 23 na sa tingin ko ay ang kabuuang bilang namin.


This is just survival show, why am I feeling so nervous?!


"Fall in line. Sabay-sabay kayong papasok sa loob, I am expecting you all to behave."
Kinikilabutan ako. Bakit ganiyan siya magsalita?! Malalim ang mga boses at pamilyar.

"What do you think of us?! A pet?"

"Behave huh!"


"This two! Yowan, Jimmy!"


"Halika na Kuya Ethan, pumila na tayo."


"Okay."


"E-Excuse me, Percy."


"Oh! Sorry I didn't see you, J-Johnny..."


"What's that, Bro? Did you just blush? Whipped?"


"What?! I'm straigh and can't you keep your mouth shut?"


"Mabusog ka sana sa salitang kakainin mo."


"Stop taking photo's Chael, itabi mo na muna 'yan."


"Brother can't you just listen? He said to fall in line, nakalimutan mo bang maa-air 'to. Hindi kapa nakakapasok sira na agad reputasyon mo."


"Tanginang 'yan."


Nakagat ko nalang ang labi ko sa kaba. Magkakasabay kaming pumasok sa loob nila Kuya Brent at Ken. Kanina pa rin sila hindi makapagsalita dahil sa mangha at kaba. Lahat kaming 23 participants ay tuluyang nakapasok sa isang malaking pintuan. Halos kasing taas rin ata ng gusali ang pintuan.


Sabay-sabay rin kaming napalingon sa pintuan nang magsara ito. Tahimik akong tumayo sa madilim na kabuuan ng lugar. Ang dilim walang ilaw.


"Bakit ang dilim!"


"Nasaan ang ilaw?"


"Brilyante ng apoy, ipagkaloob mo sa akin ang iyong—"


"Uno alam 'kong may sayad ka pero 'wag mo ipagkalat."


"Ah talaga ba Percy Park?"


"Jim bakit ka nagdala ng sigarilyo?!"


"Nasisiraan ka na talaga. Bakit ka kaya pinapasok rito."


"Inggit ka?"


"Kahit masunog parehas mong baga hindi ako maiingit sa'yo."


"Manahimik kayong lahat."


Lahat kami ay nagulat nang biglang nagbukas ang lahat ng ilaw. At kagaya kanina malaking screen ulit ang bumungad sa amin. At saka may nakitang maraming pintuan sa baba nito. Na sa tingin ko ay nasa 23 lahat. What's that?


"Before we proceed to the 1st test, kailangan niyo munang malampasan ang Entrace test. And this is not going to be easy..." His voice sent shivers down my spine.


Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Why am I have this feeling this is not going to be okay? Lahat kami ata ay nagkatinginan sa isa't isa, walang gumagalaw. Lahat ay nanatiling nakatayo.


"Come on, Guys, aren't you going to start walking? The time is ticking..."


Napalitan ng dalawang minuto ang numerong 23 sa screen. Lahat kami ay hindi pa rin gumagalaw. Lahat kami ay nagpapakiramdaman. Bakit hindi ba sila pumapasok? Nararamdaman rin ba nila 'yung kakaiba sa lugar na'to? Lalo na sa nangyayari?


"3... 2... 1."


"Oh no. No one enter their rooms. I am giving you 10 seconds to run, and if you didn't enter your own room in the given time, you will be punished..."


Nagulat ako sa sinabi niya?! Ano? Punish? Ganito ba talaga ang mga survival shows? Wala kaming sinayang na segundo at sabay-sabay na tumakbong papunta sa kwartong may nakasulat na pangalan sa itaas namin. Pare-parehas na nagmamadali!


Tinignan ko ang sa akin.


SEBASTIAN CELESTIAL DAVINO


Sinubukan 'kong buksan ang pintuan pero naka-lock iyon, kagaya sa akin ay naka-lock rin ang pintuan ni Kuya Ken nang tignan ko. Nagmamadali pa siyang buksan ang kaniyang pintuan at kinakabahan.


Natatakot siya.


"What?! It's not opening! How are we supposed to enter?!" Sabi niya, pilit na binunuksan ang kaniyang pintuan.


"It's locked!"


"Nakasarado naman eh!"


"Hey Mr. Jimmy Yunco, why are still standing there, holding your cigar? Hindi makakapasok ang mga kaibigan mo 'kung hindi ka papasok."


Lahat ata kaming nasa tapat na ng aming mga kwartong dapat pasukan ay napalingon kay Jim na prenteng nakatayo habang humihithit sa sigarilyo niya.


"They're not my friends, Robot." Ani pa ni Jimmy, patuloy sa paninigarilyo, hindi manlang natinag sa banta nang lalaking nagsasalita sa 'kung saan. Napakayabang!


Bigla nabago ang nasa screen, lumabas ang itsura ni JIm doon, parang may nakatutok na camera sa kaniya pero wala naman kaming makitang camera sa paligid.


"What is he is doing there?"

 

"So stubborn!"


"Ano pa bang ginagawa niya diyan?!" Ani ko, natataranta.


"Papansin talaga."


"Jim don't make me count pumunta kana rito."


"Hindi ka rin naman namin kaibigan, pero pumunta kana rito please lang!"


"What if I won't?" Nanghahamon na sabi ni Jim, hindi pa rin binibitawan ang sigarilyo niya.


"Then you will be punished." Sagot ng lalaki.


"Then punish me. I don't care." Ani ni Jim, nakangisi. Ano bang problema niya?!


Lahat kami ay nagulat ng may malakas paputok ang amin narinig. Napatakip naman ako sa tenga sa gulay. At nakitang malakas ang pag-agos ng dugo sa kaniyang binti! What? Saan 'yon nanggaling?!

 

Nagkagulo kaming lahat at nagsimula na ang ibang pilit na binuksan ang pintuan. Pero hindi pa rin nabubuksan kaya napilitan silang lapitan si Jimmy para tulungan.


"Ahh!"

 

"Jimmy!"


"Jim!"


"Letse kasi hindi marunong makinig!"


"Don't move me, it hurts!" Reklamong sabi ni Jimmy.


"Masasaktan rin kami kapag hindi kapa naglakad papunta sa pintuan mo!" Ganting sagot ni Kuya Drake.


"Halika tutulungan ko na kayo." Ani ni Kuya Ethan saka inalalayan si Jimmy na maglakad papuntang pintuan niya.


Nang makarating sila ay agad na itinulak ni Jimmy si Kuya Drake at Kuya Ethan, napakasama ng ugali! Hindi man lang nagpasalamat, tinulungan na nga siya. Even though I feel so bad for him, hindi pa rin tama na ganiyan siya trumato ng tumulong sa kaniya!


Nagkalat pa ang dugo niyang umaagos sa sahig! Oh my god!

 

"Told you. You will be punished. Now enter your room before I punish you all." Banta ng lalaking nagsasalita. "And by the way, I'm Max."


"Fuck you, Max!" Sigaw ni Jimmy habang hirap na hirap na binuksan ang pintuan niya. Napasinghap naman kaming lahat. He's too brave!

 

"Fuck you too."

 

"Now enter. Don't make me count again, Guys."


I am trembling so bad! Sinigurado ko na munang lahat sila ay nakapasok sa kaniya-kaniya nilang pintuan bago ako pumasok sa pintuan ko. I don't know what's happening, this feels so unreal!


Sumalubong sa harapan ko ang isang maliit na kwarto. Walang kahit ano kundi isang screen at simpleng upuan. Pamilyar na upuan. Ito 'yung upuan na palaging ginagamit sa Practive room sa Company. Ganitong-ganito ang itsura no'n. Kulay gray na pabilog at bakal ang mga paa.
Umupo ako sa upuan at saka tumitig sa screen. Lumabas lang ang pangalan ko ro'n.


HELLO, SEBASTIAN CELESTIAL DAVINO! WELCOME!


Ayon lang ang lumabas pagkatapos ay wala na. Pinindot ko pa ang screen pero walang lumalabas pang iba. What does that mean?

 

"What now?" Takang tanong ko.


"Now kill yourself."


CHAEL'S POV


Now what?


Tititigan ko ang screen na nasa harap ko. All I can see is my name, hindi ko naman inabala pang pindutin ito. What am I supposed to do now?

 

HELLO, CELVINCHAEL TY-GALVEZ! WELCOME!

 

Dala-dala ko pa rin ang camera ko. Kaya lahat ng nangyari ay nakuhanan ko ng litrato. Nakuhanan ko pa rin ng litrato kanina 'yung cute na lalaki, sobrang hinhin ng kilos, at nakakatuwang kuhanan ng litrato, napangiti ako nang maalala.

 

What his name again?


Natigil ang pagiisip ko nang biglang nagbago ang nakasulat sa screen.


ENTRANCE TEST:
To enter I-land, you have to carved an X to your pulse. Remember, if someone doesn't follow the given rules will be punished. GOOD LUCK : )


That's easy. Smiley face? Good luck? How are we supposed to do good job? Survival show ba talaga itong napuntahan namin?

 

How are we supposed to calm 'kung nakita ko palang kanina na binaril si Jim? Nagkalat pa ang dugo sa sahig. Matigas kasi masiyado ang ulo. At bakit siya binaril? Dahil ba 'yon sa hindi niya pagsunod? Ie-air ba 'yong mga nangyaring 'yon?

 

And if ever nai-air 'yon baka makulong sila.


And how are we supposed to carved an X? Sa pulso pa talaga ah? Balak ba nila kaming patayin? Mukhang balak nga yata nila, binaril na nga si Jimmy kanina eh.

 

Biglang may sumulpot na maliit na drawer at nakalagay roon ang isang dagger at agad ring nabalik sa ayos ang kaninang nilabasan ng maliit na drawer. Isang dagger? Hindi kutsilyo kundi dagger, pamilyar na dagger.

 

Saan ko ba ito nakita noon?


Hindi ko agad sinugatan ang sarili ko, nauna ko pang kuhanan ito ng litrato bago sugatan ang sarili ko ng paekis. Maliit lang iyon pero sobrang sakit.

 

"Fuck!"


"Ah!"


"What the—!"


"Shit!"


"Damn!"


Kinagat ko nalang ang labi ko para pigilan ang pagsigaw. This won't work, ano pagkatapos nito? Ano ang sunod naming gagawin? Papatayin namin ang mga sarili namin?

 

Ano ba talaga ang nangyayari? Kakaiba ang lahat ng nangyayari, unang-una na ro'n ay binaril si Jim. Pangalawa itong entrance test na kailangan namin sugatan ang sarili namin. Bahagya akong natigilan, hindi kaya... may kinalaman ito sa pagkamatay ng MAXIMUS? Pero matagal na iyon, at mabilis na isinara ang kaso.

 

Imposimbleng may kinalaman sila sa nangyaring 'yon isang taon na ang nakakalipas.
Kunot ang noo ko sa pagiisip nang bumukas ang pader na sinasandalan ng screen, naging isang daanan iyon kaya namangha ako sa ilang segundo. Who ever made this fucking I-Land is a genius.

 

He put a lot of cameras, mics, and a lot of screens. Obviusly it was made for a survival show. A deadly survival show.

 

Nakikita ko na sa pwesto ko ang ibang participants na naglalabasan na sa kanilang mga kwarto. Lahat sila mukhang iniinda ang sugat na ginawa nila sa sarili nila. I sighed. Sana mali ang iniisip ko.

 

"H-Hey. Aren't you going to go out? Baka masaraduhan ka, let's go."

 

I was stopped thinking when I heard a very gentle voice. I was shocked to saw the guy, I took a photo earlier. "O-Oh!" Taranta akong tumayo at saka lumabas 'kung nasaan siya.


Sinalubong niya ako nang ngiti kaya gumanti rin ako ng ngiti. This guy. He's making me weird. I observed him, how he smiled and how he talks, siya ba talaga ang lalaking 'yon? Siya ba talaga ang nakita ko nang gabing 'yon?


"I'm sorry. Nakita ko kasi sa screen na kapag na-late lumabas baka masaraduhan ng pintuan." Ani niya, nagpapaliwanag katabi ang isang lalaki. Foreigner ata.


"Hi I'm Jake Faustino. Call me Ken." Pakilala nito nakalahad ang kamay niya. Nakita ko ro'n ang sugat na ginawa niya sa sarili. Naroon pa rin ang dugo.

 

"Celvinchael Ty-Galvez. Chael." Pagtanggap ko sa kamay niya.

 

"Nice to meet you." Ani niya kaya tinanguan ko na lang siya. I know him, he's an australian guy. Sikat siya sa mga trainees dahil raw may itsura, parang hindi naman, parang mas may itsura pa ako.


Mas matangkad pa.


"Me I'm Sebastian Celestial Davino! Seb na lang!" Seb. Familiar. I hope my instict is not right. Hindi ko naiisip na isang kagaya niya ang makakagawa nang ganoong bagay.


He's precious


Hindi ko naiimagine na siya ang gumawa ng bagay na iyon.

 

"Seb." Ani ko. "Nice meeting you."

 

UNO'S POV


Kanina ko pa talga napapansin na ang weird ng mga nangyayari. Sa bus palang. Ang weird na. Since ako ang nakaupo sa bintana, nakita ko ang natuyong dugo sa bintana. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko natuyong dugo iyon.

 

Idagdag pa na imbis papunta kami sa city sa gitna kami ng bundok dadalhin. Bago pa mag-start ang show, alam ko na 'kung saan gaganapin ang survival show. Sa city iyon, sa isa sa mga sikat na pinagganapan na ng nakaraan na sikat na survival show.


And as far as I know, na post-poned ang survival show na ito, dahil sa nangyari isang taon na ang nakakalipas. Hindi ko lang maisip na ang bilis-bilis ng pagbabago ng isip nila, at kahit hindi rin naman natuloy ang show na ito babalik na ako sa dati 'kong buhay.


Babalik na ako sa figure skating. Magko-coach na ako. Pipirma na sana ako ng kontrata pero bigla na lang may tumawag sa akin, na matutuloy na raw ang survival show, na pinagtakahan ko naman. Umalis na ako sa company. Pagkatapos ng nangyari, umalis na ako.


Nagsimula na ulit ang training ko no'n kasama sina Percy simula noong kinontak kami ng kompanya. Hindi siya umalis magmula no'n. Pero halos karamihan sa 23 participants na narito ay umalis, bilang sa daliri ang natira, kaya nga nagtataka ako 'kung bakit natuloy pa rin ito.
Marami rin naman na natirang trainee, mas bata pa nga lang. Hindi ko lang maintindihan 'kung bakit hinagilap pa ulit kami ng kompanya.


This is weird.

 

Lalo na ngayon.


"Sinasabi ko na saiyo, Percy." Ani ko habang tinitignan ang sugat ko. Matagal gagaling ito. Nakakainis, ang lakas na ng pagdududa ko sa nangyayari. Itong si Percy ang lakas ng paniniwala na normal lang daw ito.


"Uno, think realistically, survival show itong pinuntahan natin at 'kung ie-air nila ito ay maaresto sila."

 

"Think practically Percy. Nakita nating mabaril Jim at ngayon inutusan pa tayong sugatan ang sarili natin. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon?" Inis na ani ko

.

Hinawakan naman niya ang kamay 'kong sinugatan ko. Tinignan ang sugat, "Grabe ka mag-react ah? Sobrang laki ng sugat mo. Muntik ko nang hindi makita." Iling-ili na sabi niya. "And besides, 'kung tama ang sinasabi mo, edi lahat tayo rito mamamatay."


"Tangina naman Percy 'wag ka naman magsabi ng ganyan. May lahi ka pa namang manghuhula. Minsan 'yung sinasabi mo nagkakatotoo."

 

"Oh ngayon'g sinabayan ko 'yang panget mong trip, pinapatigil mo ako? Seryoso, dahil 'kung totoo man 'yan, walang makakalabas ng buhay rito, who ever made this fucking I-Land is a genius." Ani na saka inilabas ang dala niyang first aid kit sa mamahalin niyang bag.


"Come here. Gamutin mo sarili mo. Baka umiyak ka pa sa laki ng sugat mo eh." Ani niya, sabay abot ng first aid kit sa akin nang matapos niyang gamutin ang sarili niya. Iling-iling tinanggap ko iyon.

 

Umupo ako sa lapag at saka pinagpatuloy ang paggamot sa sarili ko. Nakakainis. Bakit hindi ba niniwala sa akin 'tong lalaki 'to. Ang tindi ng tiwala sa sarili.

 

"Ang hirap maging gwapo, hindi ka agad pinagkakatiwalaan." Bulong ko. Ngayon ko lang napagtanto na nakakapagod rin maging gwapo.


"Sige lang Pre, lokohin mo lang ang sarili mo." Ani ni Percy habang kinakain ang ferrero rocher niya.

 

My favorite.


Kaso ayaw mamigay. Pero 'yung lalaking Johnny ang pangalan inalok pa. Lakas ng tama.
"Great Job, I-Landers. Now let's proceed to the First test."

 

Napangaangat ang tingin ko sa screen. First test?

 

"Now let's eliminate those who killed MAXIMUS..."


W-What?


DANIEL'S POV


"Now let's eliminate those who killed MAXIMUS..."

 

Pinagsasabi nito? Is he kidding me? Narito ang pumatay sa MAXIMUS? Paanong nangyari 'yon?

 

"Ano?!"


"Wait—what?!"


"Pumatay sa MAXIMUS?!"


"Ibig sabihin nandito ang pumatay sa MAXIMUS?"


"What the fuck?!"


"Nandito ang killer?!"


"Mga uto-uto!" Sigaw ko. Nagpapaniwala sila diyan sa Max na iyan. Ni hindi pa nga nila nakikita 'yung itsura pagkatapos naniniwala sila sa pinagsasabi niyan.

 

'Yung pambabaril kay Jim? Prank lang 'yon! Prank lang lahat 'to! Mayaman 'yung tatay niyang si Jim kaya paniguradong binayaran niya ang 'kung sino mang Max na 'yan. At dinamay-damay pa kami na sugatan ang sarili namin!


At 'kung hindi sumunod ay parurusahan? Baliw!


'Kung ayaw ko lang madamay sa pambabaril na trip nila baka hindi ko na sinunod 'yung inuutos ng puking-inang computer na 'yan.


"Pakana lahat 'to ng puking-inang Jimmy Yunco na iyan eh! Ano?! Ha?! Akala mo mauuto mo ako, nauto mo na lahat ng mga 'to pero hindi ako, boy!" Sigaw ko sa harapan ni Jimmy habang iniinda ang pagdurugo ng binti, habang tinuro ang 21 participants na nakatingin sa amin.


"What the fuck are you saying? Ipapabaril ko ang sarili ko para mangago! Fuck you!" Sigaw pabalik ni Jimmy, nakatayo na at iniinda pa rin ang sugat sa paa.


"Malay namin 'kung nagiinarte kalang pala?! Para hindi ka mapagbintangan! Baka mamaya hindi rin pala totoo 'yang nasa paa mo eh." Ani ko sabay sipa sa paa niyang dumudugo.


"AHH! FUCK! Ano bang problema mo ha!?" Napaupo siya sa ginawa 'kong pagsipa.


"Daniel!"

 

"Hey!"


"Tumigil na nga kayo!"

 

"Daniel tama na 'yan." Ani ni Elijah, hinawakan ako sa braso. Isa pa 'tong lalaking 'to eh. Kunyaring mabait pero ang totoo, sipsip lang. "Bitawan mo nga ako! Lakas mo rin magpanggap na concern ka sa akin eh balak mo nga akong lasunin kanina!"

 

Nagtaka naman siya, "Anong nakakalason sa pag-inom ng tubig? Ininom ko pa nga sa harapan mo eh... Daniel alam mo tama na 'yan, masama 'yang ginagawa mong pambibintang." Mahinahon na sabi niya. Hinawakan ulit ako sa braso pero malakas 'kong tinabig ang kamay niya.


"Hey! Daniel tama na 'yan, sumosobra ka na ah!" Tinulak ako sa braso ng isang lalaki. Hindi ko kilala pero mukhang mas matanda sa akin.


"Nicholas!"

 

"Ayos ka lang Elijah?" Ani niya tinitignan si Elijah 'kung ayos lang. "Ayos lang Kuya Nicholas." Sabi namin ni Elijah.


"Sira ka pala eh. Tinabig ko lang 'yung kamay niyan, 'kung makapag-alala ka parang may namamagitan sa inyo, bading ka ba ha?!" Sigaw ko.


Lahat naman ng mga participants ay nakatingin sa amin, hindi pala, 'yung iba busy sa panggagamot sa sarili nila, mga duwag. Parang maliit na sugat lang eh.


"Daniel sumusobra ka na ah! Ke-bata bata mo pa sinasagot mo ang mas matatanda saiyo!"

 

"Oo nga!"

 

"Hindi ata mahal ng magulang niya 'yan kaya 'yan ganiyan umasta." Dagdag pa ng dalawang lalaking sa tingin ko ay magkapatid.


"Kuya tama na 'yan!"


"Daniel that's enough." Kuya Ethan.


"What's your problem Bro?" Kuya Drake.


"Payag ka no'n Daniel, hindi ka raw mahal ng magulang mo? 'Kung ako sinapak ko na 'yan."
"Yowan tumigil ka nga! Hindi ka nakakatulong!"


"That asshole seek for attetion, baka ikaw talaga ang pumatay sa MAXIMUS, kaya ganiyan ka nalang 'kung mag-react?" Nagpantig ang mga tenga ko sa sinabi niya at saka siya sinugod. Wala akong pakielam kahit na may tama pa siya ng baril.

 

Hindi na ako nakapagtimpi at sinapak siya sa mukha, hindi pa ako nakunteto at sinipa ko pa ang paa niya saka siya itinulak. Ang tapang! Puro naman satsat!


"Anong sabi mo!?" Sinipa ko ulit ang binti niya.


"FUCK! FUCK! You asshole! Kaya ka ganiyan magreact kasi ikaw ang pumatay sa kanila 'no? Ha! Gumaganyan ka kasi ayaw mo mapagbintangan? Gago!" Ani niya, galit na galit. Gustong-gusto akong sugurin pero hindi magawa dahil sa paa niyang walang kwenta. Mabuti nga saiyo.


"'Kung ako ang pumatay edi ikaw na ang inuna ko, hayop ka!" Sigaw ko handa na siyang sugurin 'kung hindi lang ako pinigilan ng mga hayop na'to.


"Daniel tama na 'yan tara rito."


"Gamutin niyo na muna 'yang sugat ni Jimmy, Jules, Jae at Jerrie." Rinig ko pang sabi ni Kuya Ethan bago ako inakay sa kabilang gilid para paupuin.


"Daniel ano bang pumasok diyan sa isip mo at nagawa mo iyon kay Jimmy, mas matanda pa rin siya saiyo. At mali ang ginawa mong pagsipa sa binti niya." Pangangaral sa akin ng magaling na si Ethan Lee! Ang ACE sa mata ng lahat.


"Manahimik ka nga. Wala 'kang karapatan na pagsabihan ako dahil hindi naman ikaw ang Nanay ko." Tinabig ko ang kamay niya at saka siya itinulak ng bahagya.


Napadapa naman siya paatras. Kaya tinulungan agad siya ng mga kaibigan niya. Isa pang lampa. Bakit ba napasama ako sa mga samahan ng mga lampa na'to.

 

"Andami-dami mong sinasabi wala ka rin namang binatbat." Bulong ko.


JAE'S POV


"Lakas ng tama ng batang iyon, Pre! Kita mo pinagsisipa 'yang binti mo, naku 'kung ako iyan baka sinapak-sapak ko na iyan sa mukha. 'Kung sinabi mo lang kanina na sugurin namin siya baka bugbog sarado na 'yang batang 'yan sa amin. Ang tapang!" Panunulsol pa ni Yowan habang nakaupo sa harapan ni Kuya Jimmy. Kanina pa sinusulsulan.


"Tsk."


"'Kung sinenyasan mo lang kami Bro eh." Sabat pa ni Kuya Jerrie. Pero halata ang pagiging balisa. Kuya...

 

"Tumigil ka nga Kuya, mamaya makita pa nila Mommy 'yang pinaggagawa mo, parehas tayong malilintikan." Ani ko. Patuloy na ginagamot ang sugat ni Kuya Jimmy. Pinahiram kasi kami ni Kuya Percy ng first aid niya. Mukhang anak mayaman, at saka mabait.


Natahimik naman siya sa pagsasalita at saka nanahimik sa isang tabi. Takot siya kila Mommy dahil alam niyang hindi siya palalampasin ng mga ito. May curfew pa nga iyan eh. Takaw gulo kasi.


"Ayos na. 'Wag mo nalang subukang tanggalin." Ani ko ibinalik sa ayos ang first aid kit. Tumayo ako at saka pumunta sa pwesto nila Kuya Percy na nakaupo pinapapak ang isang mamahaling chocolate. Anak mayaman nga, galing pang Chanel 'yung bag niya.


"Thank you, Kuya Percy." Ani ko sabay abot sa kit. Nakangiti naman niyang tinanggap iyon, "No problem." May american acccent pa.

 

Nang makabalik ako sa pwesto 'kung nasaan sila Kuya ay tumabi ako sa kanila. Mukhang malalim ang pinag-uusapan nila. Ang seryoso kasi ng mga mukha.


"Oo nga 'no? Pakiramdam ko 'yang Daniel na 'yang ang pumatay sa MAXIMUS eh. Kasi isipin mo ah, ang tapang-tapang tapos parang wala lang sa kaniya na sinipa niya 'yung sugat ni Jim, Pre siya talaga 'yon." Sulsol na naman ni Yowan. Mas bata kasi ng isang taon.


"Shut up, I know he's the one who kills MAXIMUS obvious naman.

 

Parang sanay na sanay manakit ang gago." Ani ni Kuya Jim habang nakasandal sa pader.

 

Nagkatinginan kami ni Kuya Jerrie. Pumatay sa MAXIMUS? Ang tagal na no'n kaya bakit pa nila inuungkat? Hindi ba nila pwedeng kalimutan na lang iyon? It's been a long time, and it should be burried from the past.


"Kaya nga Pre eh, 'yan nga 'yung sinasabi ko saiyo. 'Yang Daniel talagang 'yan ang pumatay sa MAXIMUS. Grabe hindi ako makapaniwalang magagawa niya iyon. Pero pre isipin mo rin, ang bata niya pa 'nung mga panahong iyon, katorse pa lang siya no'n pre, magagawa niya kaya talaga na pumatay ng limang tao ng sabay-sabay? Hindi ba nakakapagtaka?" Paliwanag ni Yowan habang nasa tabi ni Kuya Jimmy nakasandal rin sa pader.


"Oo nga 'no? Edi ibig sabihin may kasama siya? Ganon ba? Aba may utak ka rin ano?" Pangsang-ayon ni Kuya Jim.


"Naman!"


Nagkatinginan muling kami ni Kuya, bakas ang kaba sa mukha niya habang napaiwas naman ako ng tingin. Saka dahan-dahan na napabuntong hininga.


"Diba Jae at Jerrie?"

 

"A-Ah oo. Tama."


"Gago anong tama, sabi ko mas masarap ang spaghetti kaysa sa carbonara. Bugok."


Nagkatinginan ulit kami ng kapatid ko. Marahan akong bumuntong hininga at saka iniwas ang paningin. Nakakakaba.


BRENT'S POV


"Sebastian huminahon ka nga."

 

Kanina pa kasi umiiyak itong si Seb dahil sa mga nangyayari, lalo na ngayon, nalaman niya na narito ang pumatay sa MAXIMUS. Kanina pa hikbi nang hikbi. Pinapatahan naman ni Ken.


Pare-parehas kaming tulala sa nalaman namin. Narito ang pumatay sa seniors namin? Isa ang MAXIMUS sa pinakasikat na boy group sa buong mundo, they already nominate the world of music. Nakapag-world tour, nakapunta na ng grammy's at nanalo, at sa hindi mabilang na national music awards.


Sila ang nag-angat sa company namin. Ang MAXIMUS ang nagbuhat ng P-Pop. And I've witnessed it all because I've been a fan of them before I became a trainee. Sila ang isa sa mga naging inspirasyon ko.

 

Sila ang naging role model ko para maging kagaya nila. Maging isang idol. Lalo na si Kuya Hugo. Mabait siya. Siya ang pinaka gusto ko sa grupo. Hindi naman sa hindi ko gusto ang ibang members, iba lang talaga ang dating sa akin ni Kuya Hugo. Siya ang pinakalapitin ng mga babae, he's an half british kaya naman iba talaga ang genes.


"K-Kuya Ken totoo nga kaya n-na... isa sa atin ang pumatay sa MAXIMUS?" Ani pa ni Seb at saka humikbi ulit. Wala namang ginawa si Ken kundi ang patahanin siya.

 

Umiling ako hindi dito matatapos ang lahat ng ito. Paniguradong mas matindi pa ang dadanasin namin. Dahil ni hindi nga namin alam 'kung nasaan kami eh, hindi namin alam 'kung saan kami dinala ng mga staff na iyon.


Tinignan ko ang sugat ko. Bakit kaya kami inutusan na sugatan ang sarili namin?

 

"First test."

 

Ang malalim na boses na iyon ang nakakuha ng atensyon ko. Atensyon naming lahat. His voice sounds familiar. Saan ko nga ba narinig ang boses na iyan?


FIRST TEST: ELIMINATE THOSE 5 PARTICIPANTS WHO KILLED MAXIMUS. REMEMBER, IF SOMEONE DOESN'T FOLLOW THE GIVEN TASK, WILL BE PUNISHED. YOU ONLY HAVE 10 HOURS TO ELIMINATE. GOODLUCK : )


10:00:00


Ayon ang nakasulat sa malaking screen na nasa harapan namin. What the?! Limang pumatay sa MAXIMUS?!


"ANO?!"


"Are you fucking serious?"

 

"WTF?!"


"K-Kuya..."


"Shut up! 'Wag kayong naniniwala sa lalaking 'yan! Ni hindi nga natin alam 'kung sino 'yan eh! Pagkatapos bigla nalang tayong uutusan na sugatan sarili natin pagkatapos ngayon mag-eliminate! SIRAULO! Kayo namang mga uto-uto nagpapaniwala sa lalaking 'yan!" Sigaw ni Daniel, galit na galit.


"Alam mo, kanina pa kita napapansin ah! Ang ingay-ingay niyang bunganga mo! Siguro, ikaw talaga ang pumatay sa kanila!" Sabat ni Yowan. Pinipigilan naman siya ni Jae at Jerrie dahil sa pagsagot na ginawa niya. Isa pang hunghang.


"Anong sabi mo?!" Hindi na ata nakapagtimpi pa si Daniel at sinugod na niya si Yowan at sinapak sa mukha. Tumalsik si Yowan sa ginawa niya. "Wala 'kang karapatan na pagdudahan ako! Dahil kagaya niyang kaibigan mo baka malintikan ka sa akin!"


"Ahh!"


"Aba ang yabang mo ah!" Agad na sumugod si Jim kay Daniel kahit na may malaking benda ang nakapulupot sa binti niya. Sinapak niya si Daniel na hindi naman niya agad nailagan. Siguro nagulat sa ginawang pag-atake ni Jim.


Umawat naman kaagad ang iba sa kanilang dalawa pero mas nagkagulo lang ata ang lahat.

 

"Pre tama na!"

 

"Jim stop that!"

 

"Daniel!"


"Ano ba 'wag nga kayong mangielam! Isa pa kayo! 'Kung hindi ninyo pinatay ang MAXIMUS baka maayos ang mga buhay natin ngayon!" Biglang sumbat ni Sebastian kaya naman lahat ay nagkagulo.

 

"Seb, ano bang sinasabi mo? Tama na 'yan." Ani ko. Hawak-hawak siya sa balikat.


"Seb, don't start a fight, let's go." Aya ni Ken.


"Pinagbibintangan mo ba kami?" Sagot ni Uno. Naghahamon.

 

"Tinamaan kaba? Bakit ikaw ba ang pumatay sa kanila ha?!" Sigaw ni Seb. Namumula na ang mukha sa galit at kanina pang pag-iyak.


"Hindi ko sila pinatay. Pero sa akin ka nakatingin? Ano ang gusto mong palabasin? Ha!?"


Malakas na sigaw ni Uno. Nanlilisik ang mga mata niya, agad naman na umawat sa kaniya ang mayaman niyang kaibigan.

"Uno tama na 'yan. Huwag kana makipagtalo. Alam naman natin ang totoo, kaya huwag mo nang patulan." Ani nito.


"Buti pa 'yang kaibigan mo alam ang tama, eh ikaw? Tanga! Natatamaan ka sa sinabi ko? Bakit? Dahil siguro, ikaw ang pumatay sa kanila, baka hindi silang lahat pero pinatay mo ang isa sa kanila kaya ka nagkakaganyan! Nagui-guilty ka na ba sa ginawa mo?" Sarkastikong sabi ni Seb nakangiti at nang-aasar.


Ano ba naman ang pumasok sa kokote ng lalaking 'to at nambibintang? Kaibigan ko siya pero hindi tama na pagbintangan niya ang 'kung sino dahil sa galit.
"Seb tama na. Hindi tama 'yang ginagawa mong pambibintang. Alam mo—"

 

Hindi pa ako natatapos magsalita ay sinapak na ni Uno si Seb. Tumalsik si Seb sa lapag at saka siya napahiga. Nakita ko pa ang pagtulo ng dugo sa ilong niya, nakitaan ko naman ng galit ang mga mata niya.


"BRO!"

 

"Seb!"


"A-Aray..." Daing ni Seb at mukhang iiyak na sa pagkabagsak niya. May dumalo naman sa kaniyang lalaki na may suot-suot na camera sa leeg. "Are you okay?"


"Pre ano bang problema mo?!" Sigaw ko kay Uno na ngayo'y mukhang nagulat sa ginawa niya pero agad rin nakabawi.


"Lakas kasi ng tama niyang kaibigan mo. Nambibintang. Mukha bang makakapatay ako?! Walang modo. Tara na nga Percy! Baka may mapatay talaga ako ng wala sa oras." Marahas niyang tinabig ang balikat ko at saka naglakad paalis.

 

"I am so sorry for that. Nabigla lang siya sa ginawa niya pre, pero mabait na tao 'yang si Uno, nagalit lang talaga siya kasi napagbintangan siya ng kaibigan mo, maintindihan mo sana na nagulat rin kami sa nangyayari. Pasensya na pre." Sabi ni Percy. Sincered.

 

Tumango ako sa sinabi niya. "Naiintindihan ko Pre. Hindi ko lang maintindihan, bakit nagawa niya pang saktan ang kaibigan ko, sana sa susunod hindi maulit, pasensya na rin." Ani ko.

 

"Percy ano ba!"

 

Tumango naman sa akin si Percy at saka naglakad patungo sa kaibigan niya na nasa kabilang dulo, naroon nakatayo at iling-iling na tinitigan ang kaibigan.


Sa laki ng kwartong ito, parang isang malaking bakanteng lote sa laki. Ang tanging nakikita lang namin ay ang malaking screen sa harapan na hindi nababago ang nakasulat.

 

Dinaluhan ko si Seb na nakaupo na ngayon. Nakasandal sa pader habang ginagamot ni Cervichael Ty. Isa sa mga Ace ng company. Isa siya sa mga palaging napag-uusapan noon ng mga trainees dahil sa galing niyang sumayaw. Bigyan mo lang siya ng sampung minuto para kabisaduhin ang isang buong cheoreography ay makakabisado na niya.


Mukhang magkakilala na silang dalawa. Ginagamot ni Chael ang sugat niya sa mukha na mukhang iritado, habang si Seb naman ay bahagya pa rin na umiiyak habang nagkwe-kwento.






Continue Reading

You'll Also Like

95.5K 3.5K 57
After his first year at the Advanced Nurturing High School, Fukazawa Yato is about to start his second year as a student. With a better understanding...
108K 2.5K 12
حسابي الوحيد واتباد 🩶 - حسابي انستا : renad2315
12.8K 126 16
⚠️رواية منحرفة خاصة للبالغين⚠️ وَقَعْتُ بِحُبِ رَجُلٍ ثَلٰاَثِينِيٖ قَاٰمَ بِتَرْبِيَتِيٖ إِنَكَ مُتَزَوِجْ يَاسَيِدْ جُيُوٰنْ قَتَلَ كُلْ مَنْ حَا...
23.6K 3.5K 35
مــن نــەم زانـیـبـوو ئـەو پـیـس تـریـن و گـەورەتـریـن مـافـیـای سـەر ئـاسـتـی ئـاسـیـایـە.... "دووبارە ھەوڵی ڕاکردن لەم ماڵە بدەیت ھەڵبژاردن لەنێوان...