GROW OLD WITH YOU
Written by M.R.Galing
One Shot Story
NASA harap ng ginagawang gusali si Brenda Pascual at tinitingala ang limang palapag na gusali. Hilam sa luha ang kanyang mga mata habang sinisimulang ihakbang ang mga paa paakyat. Saktong alasais na ng hapon at nagsiuwian na ang manggagawa. Hinihingal at pawisan na siya ngunit hindi niya ito alintana. Kailangan matuloy ang plano niya ngayon.
Nang makarating sa pinakatuktok ng gusali ay tiningnan niya sa baba. Halos nahilo siya sa taas. "Hindi! Hindi ako dapat umatras! Kailangan ko nang mawala sa mundo! Ayaw ko nang mabuhay pa! Sawa na ako, hindi ko na kaya ang sakit! Paalam Papa, sorry kung iiwan na kita. Hindi ko na kaya!" umiiyak niyang sigaw. Nadudurog ang puso niya ngayon dahil sa pag-ibig. Minahal niya si Jimboy pero niloko lang pala siya. Naabutan niya ang nobyo sa condo nito na may kasiping at ang pinakamasakit ay harap-harapang pinahiya at sinaktan siya sa kasiping nito.
"Hindi naman talaga kita mahal, Brenda! Look at yourself, para kang balyena! Ang taba-taba mo! Nakakahiya kang kasama lalo na sa kama! Sorry pero break na tayo! Sawa na ako sa hitsura mo na parang taba mo na nakakasawa! Niligawan lang naman kita dahil sa trabaho eh. Manager ka at kailangan kong makapasok. Ngayong regular na ako, hindi na kita kailangan!" ani Jimboy na pati ang kasiping nitong babae ay napapahalakhak pa.
Napahagulhol siya ng iyak nang maalala ang huling tagpo nila kanina ng nobyo, ex na pala niya ngayon. Sobrang sakit talaga na parang hiniwa ang puso niya kaya tama lang ang gagawin niya kasi ayaw niya nang mabuhay pa sa mundo na mapanglait.
MATAPOS masuri ni Ken ang huling palapag ay lumabas na siya para makababa ng gusali. Two days from now ay blessing na ng building na siya ang engineer. Sakto pagsarado niya ng glass door ay nakita niya ang isang babae na nakatalikod. Mataba ito, sobrang taba at tila..."Oh, my God!"
"Paalam, Papa!" pikit-matang tatalon na si Brenda nang mapasigaw sa gulat dahil may humila sa kanya mula sa likuran dahilan nang pagkabuwal niya.
"Ahh! Shit! H-hindi a-ko m-makahinga!"
"Ha?" kunot-noong napalinga sa paligid niya si Brenda pero walang tao. "May narinig akong nagsalita pero bakit walang tao?" aniya na nakahiga pa rin patihaya. "Ahh!" daing niya nang may humila sa kanyang buhok. Laking gulat niya nang makitang may tao siyang nadaganan. Pilit siyang bumangon pero hindi niya kaya. Tumagilid na lang siya para makaalis ang taong nadaganan niya.
"Fuck, shit! Akala ko mamatay na ako! Ouch! Sakit ng itlog ko napisa ata!" humihingal na saad ni Ken at hawak ang pagitan ng kanyang mga hita. Kinagat at hinila niya ang buhok ng babae gamit ang kanyang bibig para mapansin siya nito na halos hindi na kita ang kanyang katawan sa laki ng babaeng nakadagan sa kanya. Halos hindi siya makahinga sa bigat ng babae. Hinila niya ito at sa kasamaang palad ay nadaganan pa siya. Nakita niya ang babae na hirap makabangon. Napapailing na nilapitan niya ito at tinulungang maitayo.
"Hoy! Sino kang herudes ka na bigla na lang nanghila sa akin ha?" galit na sigaw ni Brenda sa lalaki.
"Miss, ano ba kasi balak mo, magpapakamatay?" si Ken.
"Anong paki mo ha? Walang hiya kang herudes ka sagabal! Umalis ka na rito pwede?"
"Miss, bagong gawa lang ang gusaling 'to. Kapag dito ka magpakamatay mamalasin ang building na ako ang nagplano kaya bawal ka rito mag-suicide!"
"Nakakainis ka talaga! Dapat hinayaan mo na lang ako! Huwag kang mag-alala hindi ako magmumulto rito," anang dalaga na muling napaluha.
Napapailing na napasuklay ng kanyang buhok si Ken. "Miss, hindi ka dapat mainis sa akin. Dapat magpasalamat ka't iniligtas kita sa masama mong balak. Muntik pa ako mamatay nang madaganan mo. Ang taba mo kasi ka---"
"Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" asik at tulak ni Brenda sa kamay ng lalaki na humawak sa braso niya.
"Talaga bang magpapakamatay ka ha?" ani Ken.
"Eh sinong hindi magpapakamatay? Sinabihan mo pa akong mataba! Wala na talagang kuwenta ang buhay ko. Wala na akong kaligayahan," si Brenda na kaydami ng luha.
"So, hulaan ko. Kaya ka magpapakamatay dahil sa hitsura mo? Am I right?"
"Ano pa nga ba! Ang tulad kong mataba ay wala nang lalaking iibig ng tapat. Nakakahiya ako. Hindi pang-display. Lolokohin lang ako at gagamitin. Ayaw ko ng ganoon kasi ang sakit dito. Nasasaktan ako sobra!" ani Brenda na hawak ang kanyang dibdib na walang patid sa kaiiyak. Pati mascara nito sa mata ay nagkalat na sa pisngi.
"E-eh...Sa tingin ko hindi naman lahat ng lalaki ay sa panlabas na anyo lang tumitingin. Malay mo bukas ay makita mo na ang lalaking iyon, kapag magpakamatay ka ngayon ay hindi mo na siya makikita."
"Huwag mo ako utuin, isa ka pa! Tingnan mo nga sarili mo, gwapo ka at macho pa! Pareho lang kayong mga lalaki! Lahat ng gwapo at macho puro sexy ang hanap!" asik ng dalaga.
"T-teka ba't ako nadamay? Hey, Miss halika sumama ka na sa akin pababa. Kung hindi talaga kita mapipigilan ay pakiusap na sana huwag dito. Please lang dahil hindi rin kita mapapayagan sa gagawin mo kahit magkandahirap ako kapipigil sa'yo dahil sa tab---ah...Let's go com'on!'' Inilahad ni Ken ang kanyang kamay sa babae para isama ito pababa ng gusali at maihatid. Muntik pa niya masabing mataba ito na baka lalong ika-depress ng babae.
Walang imik na humakbang pababa ng hagdan si Brenda na 'di tinanggap ang kamay ng lalaki.
"Sakay ka na sa kotse ko. Ihahatid na kita sa inyo," anang binata sa babae nang nasa baba na sila.
"Huwag mo ako ihatid sa amin! Kailangan matuloy ang plano ko ngayong gabi. Halika na! Ako magtuturo sa'yo kung saan mo ako ihahatid," si Brenda na sumakay na agad sa kotse ng lalaking pakialamero sa buhay ng may buhay.
"Walastik talaga! Karga konsensiya ko pa ang babaeng 'to! Hay..." napapailing na sumakay na si Ken sa kanyang sasakyan.
Ilang minuto lang na lulan sila ng sasakyan nang ituro ni Brenda ang isang madilim na parte ng daan.
"Bakit diyan ka magpapakamatay?" tanong ni Ken. Wala naman siyang makitang mataas na bahay o gusali na maaring tumalon ito.
''Maraming siraulo riyan sigurado ako," sagot ni Brenda.
"What? Sa tingin mo mamatay ka r'yan? Walang gagahasa sa'yo ka---Aray!'' daing ni Ken nang batukan siya ng katabing babae.
"Kainis kang herudes ka! Puwes kong wala kang maitulong sa akin ay mas mabuti pang idamay kita!'' anang dalaga na hinawakan ang manibela ng sasakyan.
"Damn! Stop it! Mababangga tayo!" sigaw ni Ken nang paliko-liko na ang kanyang kotse sa kalsada.
''Dagdag problema ka lang sa akin at wala kang maitutulong kaya magsama tayo kay kamatayan!"
"Oh God! Okay, tutulungan na kita promise cross my heart!'' sigaw ni Ken sa labis na takot at pag-aalala na mabangga sila sa kasalubong na mga sasakyan.
"Deal!'' si Brenda na binitiwan na ang manibela. "Sabihin mo sa akin ngayon kung ano maitutulong mo?"
"Miss, may paraan para sa dinadala mong problema. Ahm...Willing ako tulungan ka. Magpapayat ka, mag-diet para naman makaganti ka sa lalaki at maipakita mo sa kanya na mali siya ng iniwan at niloko," ani Ken.
''Sinubukan ko na 'yan pero ang hirap kaya ayaw ko!"
"Miss, mahirap talaga kaya kailangan ng panahon at tiyaga siyempre pagpupursige din. Tutulungan kita promise!" si Ken na itinaas pa ang dalawang kamay.
"Sigurado ka? Kapag ako'y niloko mo malalagot ka sa akin!" banta ng dalaga.
"Oo nga, kulit!"
"Okay deal! Siyangapala, ako si Brenda Pascual ang tabachingching ng Muntinlupa," pakilala ng dalaga na inilahad ang kamay.
"K-ken Moreno, isang engineer ng Taguig," pakikipagkamay ng binata sa dalaga.
HUMINGI ng time si Ken kay Brenda na tapusin lang ang blessing and cutting of ribbon sa gusali na proyekto ng binata bago simulan ang kanilang bagong proyekto, ang pagpapayat ni Brenda. Sinabihan din ng binatang inhinyero na mag-leave na muna sa trabaho ang dalaga para focus sila sa kanilang gagawin.
Isang buwan ang naging proyekto ng dalawa. Si Ken ang nagpaplano sa pag-diet ng dalaga katulad sa pagkain, at pag-eehersisyo. Sa regular na pag-gym ng dalaga at sa iba pang activities na magpapabawas timbang ng dalaga.
"Good job! 50 na ang nabawas sa 250 lbs na timbang mo. You need to extend another one month leave," ani Ken sa dalaga.
''I'll try," sagot ni Brenda. Sa tagal niya sa kompanyang pinagtatrabahuan ay never pa siya nag-request ng leave. Isa pa, alam ng mga katrabaho niya ang tungkol sa nangyari sa kanila ng dating nobyo pati ang kanyang boss kaya nauunawaan siya ng mga ito.
"Okay, that's good. Wait, baka siya na 'yan!" si Ken na binuksan ang pinto. Nasa bahay niya pinatira si Brenda. Ito ang bahay na bunga ng kanyang trabaho bilang inhinyero.
Masayang pumasok muna sa banyo ang dalaga. Sa isang buwan niyang pananatili sa bahay ni Ken ay napalagay na ang kanyang loob sa lalaki at napahanga sa kagwapuhan nito at kabaitan kabaliktaran sa ibang lalaki na hambog at manlalait. Ang totoo ay nagkakagusto na siya sa binata kaya gagawin niya ang lahat para mapabilis na pumayat. Ito ang magiging inspirasyon niya.
"Ken, ibig bang sabihin nito ay tayo na ulit?" tanong ng babaeng pinapunta ng binata na nakayakap pa at hinihimas-himas ang dibdib ni Ken.
Nasa ganoong sitwasyon ang naabutan ni Brenda sa may sala. Pakiramdam niya ay tumaas ang kanyang dugo sa ulo sa selos. Paano ang payat ng babae. Slim kung tawagin.
''Sino siya?" tanong ng babae.
"My friend. Ahm...Aileen, makakaalis ka na. Thank you for coming!" sabi ni Ken sa babae.
"What? Ganito lang? Bakit mo ako pinapunta rito ha?"
''Aileen, gusto lang kita ipakita sa kaibigan ko para maging inspiration niya. Isang buwan na lang magiging tulad mo siya," anang binata sa dating nobya.
''What? Bullshit! Huwag ka na tatawag sa akin para lang sa walang kuwentang bagay!'' galit na umalis ang ex ni Ken.
"34, 24, 36. Kaya mo?" tanong ni Ken kay Brenda na hindi makapaniwala sa ginawa ng lalaki.
''Ex mo siya? Ang sexy pala pero bakit iniwan mo?" tanong ng dalaga na naupo sa sala.
"As I've been told you, hindi nasusukat sa panlabas na anyo ang pag-ibig. Sexy siya oo pero hindi siya ang hinahanap ng puso ko. Now, answer me, kaya mo ba ang ganoong katawan?"
Napangiti ang dalaga sa turan ng binata. ''I will."
''Good!"
MATULING lumipas ang ilan pang mga buwan na puspusang diet, exercise, and regular na pag-gym ni Brenda hanggang sa makamit ang ninanais na katawan. Nagtatrabaho pa rin siya sa kompanyang pinapasukan at laking gulat ng lahat sa unti-unting pagbabago ng dalaga.
"Ano 'to?" tanong ng dalaga sa box na bigay ni Ken.
"Isuot mo iyan. Bilang pasasalamat sa akin dapat pumayag ka sa dinner date na inihanda ko mamayang gabi. Kailangan ko pang bumalik sa construction site. Hintayin mo ako ha?" si Ken na agad umalis.
Nakangiting binuksan ni Brenda ang box at natuwa siya sa ganda ng damit. Ngayon confident na siya isuot ang ganitong kagandang damit. 34, 24, 36 na ang sukat ng katawan at 90 pounds na lang. Ngayon hindi na siya mabu-bully. Ang dating matabang manager ngayon ay certified fitspiration na kung tawagin ng mga katrabaho. Nagpa-salon din siya para new look sa date nila mamaya ng kanyang hero at hindi na herudes.
Naka-ready na si Brenda pagdating ni Ken.
"Wow! Ang ganda mo!" tanging nasabi ni Ken pagkakita sa dalaga. Ang totoo ay nahulog na ang loob niya rito dahil sa laging magkasama sila.
''Thank you! Tara!" nakangiting yakag ni Brenda saka mala-prinsesang inalalayan ni Ken ang dalaga paalis.
Matapos kumain sa isang class and romantic restaurant na sadyang plinano ng binata ay niyaya niyang maisayaw ang dalaga.
''Ano plano mo na ngayon?" tanong ni Ken habang kasayaw si Brenda. Napakasarap sa tainga ang tugtugin at nakaka-in love talaga. Bagay lang sa nararamdaman niyang pagmamahal sa dalaga.
"Hindi ko pa alam," sagot ng dalaga. Si Jimboy kasi ay napunta sa ibang branch kaya hindi na sila nagkita ayon sa plano niya na paghihiganti.
"Aalis ka na ba sa bahay?" tanong uli ni Ken.
"Gusto mo ba?"
"Ha? Siyempre hindi. Nasanay na ako na nandoon ka. Ang totoo mahihirapan ako na mawala ka kasi....Ahm..."
"Kasi ano, Ken?"
"M-mahal kasi kita," pag-amin ng binata.
''Mahal din kita, Ken. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpursige na magpapayat. Gusto kong ipagmalaki mo ako kahit kanino," pag-amin din ng dalaga sa kanyang nararamdaman.
"Oh, Brenda! I love you so much!" niyakap ni Ken ang iniirog.
Nang makauwi ay pinagsaluhan nila ang ritmo ng pag-ibig. Pagkatapos ay nagplano ang dalawa na magpapakasal.
PAGKALIPAS ng dalawang buwan ay nagpakasal ang dalawa. Nangako sa isa't-isa na magmamahalan at magsasama sa hirap man o ginhawa. Nagkaroon ng dalawang anak na lalaki't babae. Masasabing perfect family na ang dalawa dahil sa kapwa maganda ang trabaho at kabuhayan pero hindi na nagbago ang katawan ni Brenda dahil alagang-alaga niya pa rin ang katawan kahit may dalawang anak na.
''Love, napapansin kong tumataba ka na ah!" puna ni Brenda sa asawa. Nasa kama sila kapwa nahihiga matapos ang isang round.
''Sus, lalaki naman ako eh. Medyo busy sa work at sarap magluto ng bagong kusinera natin," sagot ni Ken sa asawa.
"By the way, may sasabihin ako. Ililipat na ako sa Calamba Laguna branch as general manager. Hindi ba good news?" nakangiting saad ni Brenda.
"Paano 'yan? Mahirap ang uwian dito."
"Kaya nga tuwing weekend lang ako uuwi. Love, payag ka ha?"
Napabuntong-hininga si Ken. Alam niya kasing nasa Calamba rin si Jimboy na first love at dating ex ni Brenda kaya siya hindi agad nakakibo.
"Love?" pangungulit ni Brenda sa asawa.
"Okay, pero tandaan mo mahal na mahal kita," anito.
''Mahal na mahal din kita, love!"
Mabilis lumipas ang araw at buwan. Si Ken ay lumubo na nga. Mataba na siya malayo sa dating macho at may pa-abs na pigura. Si Brenda naman ay lalong nagiging blooming at sexy at weekend lang ang uwi para sa pamilya.
"Love, sagutin mo tawag ko!" si Ken na kanina pa tinatawagan ang asawa kasi birthday ngayon ng kanilang panganay na anak. Sabi nito ay uuwi kahit bukas pa ang uwi nito sa bahay nila.
"Daddy, uuwi ba si Mommy?" tanong ng panganay na lalaki.
"Of course anak. It's your special day so Mommy will come okay?" aniya sa anak pero hanggang sa mag-umaga na lang ay walang dumating na Brenda.
Hinintay ni Ken ang pag-uwi ng asawa para magpaliwanag pero hanggang sa pasukan na naman sa trabaho ay hindi ito dumating, hindi rin sinasagot ang tawag niya.
''Daddy, si Mommy?" tanong ulit ng dalawang bata.
Hindi makasagot si Ken hanggang sa may matanggap na text mula sa asawa. Binasa niya ito...
'I'm sorry Ken, I will file an annulment pag-uwi ko. Nagsasama na kami ni Jimboy ngayon. Hindi na ako babalik sa'yo. Ikaw na bahala sa mga bata. I'm so sorry!'
Nanginginig ang mga kamay matapos basahin ang text message na galing sa asawa. Kusang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
''Daddy!" sigaw ng dalawang bata nang inihagis ni Ken ang cellphone sa glass window ng bahay nila kaya nabasag ito na ikinatakot ng mga bata.
"Bakit love? Bakit? Ano kasalanan ko sa'yo? Paano ang sinumpaan natin sa harap ng altar at sa Diyos? Mahal na mahal kita! Paano mo nagawa 'to? Dati ka nang niloko at alam mo ang pakiramdam ng sinaktan, bakit ginawa mo sa akin 'to?" umiiyak na sigaw ni Ken.
"Daddy!" Lumapit ang dalawang bata at niyakap ang kanilang ama na napaluhod habang umiiyak.
"Mga anak, wala na ang inyong ina. Hindi na siya babalik sa atin. Iniwan niya na tayo," si Ken na niyakap nang mahigpit ang dalawang bata.
"DADDY, umiinom ka na naman?"
Napalingon si Ken sa panganay na anak. Nasa veranda siya para maglasing. Hindi normal ang kanyang pag-iinom dahil hindi siya tumitigil hanggat 'di namamatay ang kanyang isip sa kalulunod ng alak. Limang buwan nang iniwan siya ni Brenda at hindi na nagpakita pa. Ayaw niya kasuhan ang dalawa dahil sa pagmamahal sa asawa. Alam niya kasing makukulong ito kapag idaan niya sa kaso.
"Tama na po Daddy, love naman po namin kayo ni Princess eh."
Kinabig ni Ken ang anak at mahigpit na niyakap. Kahit masakit kakayanin niya para sa mga bata. Muli siyang babangon. Sa limang buwan na paglalasing niya at hindi tumatanggap ng proyekto ay nauubos na ang kanyang ipon kaya kailangan niyang magsipag ulit para sa mga anak. Muling magsimula kasama ang mga bata kahit pa durog ang kanyang puso.
"DADDY, happy birthday!" bati ng mga bata kay Ken.
Kaarawan ngayon ni Ken kasabay sa wedding anniversary nila ni Brenda. Dapat pitong taon na ang kanilang anibersaryo bilang mag-asawa pero mag-isa niya itong ipagdiriwang.
"Mga anak, anniversary ngayon namin ng inyong ina. Kasabay sa birthday ko ay may party mamaya rito sa bahay. Huwag kayo matulog agad ha, samahan niyo ako."
"Yes, Daddy!" anang dalawang bata na masayang nagsiyakap sa ama.
Bumalik na sa dati ang ipon ni Ken. Wala na rin siyang balita sa asawa na mas ikanatuwa niya para mabilis niya ito makalimutan. Bumalik na rin ang kanyang pagiging macho kaya marami na ang nagpaparamdam sa kanya ng pagkagusto pero sa ngayon ay ang mga anak muna ang iniisip niya.
Kahit wala na sila ni Brenda ay malapit pa rin si Ken sa ama ni Brenda na matanda na kaya pinasundo nita ito.
"Hijo, may tanong ako sa'yo," anang ama ni Brenda. Kararating lang nito sa party.
"Ano 'yon, Pa?"
"Mapapatawad mo pa kaya ang anak ko? Matatanggap mo pa kaya siya?"
"Ha?'' si Ken na hindi makasagot, tanging dalawang letra lang ang kanyang nabigkas.
"Alam kong mahirap na mangyari iyon. Anak, nauunawaan kita. Sige na hindi na ako magtatagal at aalis na ako," paalam ng matanda.
"Ihahatid po kita!'' ani Ken. Inihatid niya ang biyenan sa bahay nito sa Muntinlupa.
"Hindi ka na ba papasok?" anang matanda nang makarating.
"Hindi na po medyo nakainom ako at may trabaho ako bukas. Good night, Pa!" sasakay na sana si Ken nang mapatingala siya sa bahay ng biyenan. Nakita niya si Brenda sa may bintana na agad nawala. "Nandito siya?" aniya sa sarili. Huminga ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Hindi sila nag-usap ng personal bago siya nito iwan siguro naman kahit pormal na paalam lang ay magawa nila ngayon para sa mga anak.
"Oh, Ken!'' ang ama ni Brenda na nagulat sa pagpasok ng manugang.
"Ahm...Nandito ba siya?" tanong ni Ken.
''Ha? A-ah...Oo Ken, Brenda lumabas ka na!''
Napatingin si Ken sa nahawing kurtina sa bandang kusina. Nagulat siya sa hitsura ng dating asawa. "Oh God! Ba't ang dami mong pasa?" si Ken na agad nilapitan si Brenda na umiiyak.
''Ken, I'm so sorry! Siguro karma na sa akin 'to sa nagawa ko sa'yo at sa ating mga anak. Ken, nakatakas ako sa wakas sa kamay ni Jimboy, sinasaktan niya ako at kinukulong para hindi ako makabalik sa inyo nang sabihin ko sa kanya na mas mahal ko kayo. Ken, happy birthday and h----" Hindi nito mabigkas ang pagbati para sa wedding anniversary nila mag-asawa dahil sa hiya.
"Magpagaling ka. Ayaw kong makita ka ng mga bata na maraming pasa. Gusto ko makita ka nila sa dating ikaw. Aalis na ako, thank you sa pagbati. Ahm...Kapag ayos ka na bisitahin mo mga bata sa bahay. Sige..." Umalis na si Ken na naririnig pa niya ang iyak ni Brenda. Nahampas niya ang manibela ng sasakyan habang namimilibis ang luha sa kanyang mga mata. Alam niya kasi sa sarili na mahal niya pa rin ang babaeng tunay niyang minahal at pinahalagahan. Naawa siya rito. Kung sana hindi lang siya nito iniwan ay hindi sana sasapitin ang masaktan ng iba na kahit dulo ng daliri nito ay hindi niya nagawang pasakitan.
HAPON na nang makauwi si Ken mula sa ginagawang bagong proyekto.
"Daddy, si Mommy nagbalik na!'' salubong ng dalawang bata.
Napatingin si Ken sa babaeng nakatayo sa may pinto. Pumasok sila sa loob habang ang mga bata ay niyayakap ang ina nila.
"Paano mga anak, aalis na ako. Babalik na lang ako bukas," paalam na tumayo na si Brenda mula sa pagkaka-upo sa sala.
"Mommy, sana hindi ka na aalis ng matagal. Gusto namin maulit ang dati na kasama ka namin mamasyal. Masaya tayong apat noo nila Daddy, pwede ba Mommy?" anang dalawang bata na sabay pa.
"Anak, malaki ang pagkakasala ko sa inyong ama. Hindi ako nararapat na mapatawad pero hindi ko na kayo iiwan kahit kailan katulad sa pangako ng inyong ama noon na tutulungan niya ako makabangon," si Brenda na umiiyak.
"Mga bata, akyat na muna kayo sa taas," ani Ken sa mga bata na agad namang niyaya ng kasambahay paakyat ng kuwarto.
''Ken, I'm sorry!'' hilam sa luhang saad ni Brenda.
"Maari bang tuparin mo ang gusto ng mga bata. Kailangan ka nila."
"Pero, paano ka? Alam kong ayaw mo na sa akin," ani Brenda na inihanda na ang sarili sa panunumbat at galit ni Ken.
''Sa una, pinatay na kita sa isip ko sa maraming mura na ginawa ko. Maraming tanong kung saan ako nagkulang. Katulad mo noon nang masaktan ka at muntik nang magpakamatay, naisip ko rin iyan pero mahal ko ang mga bata. Brenda, naalala mo ang lagi kong sinasabi sa'yo, ang ipinangako ko sa Diyos?"
"You want to grow old with me," umiiyak na sagot ni Brenda.
"Yes. Lagi at paulit-ulit ko iyon sinasabi sa'yo bago pa man tayo ikasal at sa harap ng altar pati sa Diyos. Gusto kong makasama ka hanggang sa aking pagtanda at sa tingin ko, matutupad ko pa rin iyan kasama ang ating mga anak."
"Ken!" mabilis na niyakap ni Brenda ang asawa. "I'm sorry! I love you so much! Natukso ako pero tinanggap mo pa rin. Salamat, mahal na mahal kita. Nag-resign na ako sa trabaho dahil gusto ko manatili sa'yo hanggang sa ating pagtanda,"
"Oh, love!" tanging nasabi ni Ken na mahigpit gumanti ng yakap. Ngayon magsisimula ulit sila. Alam niyang isang pagsubok lang ang nangyari.
"Happy anniversary, love! Magiging ulirang ina at asawa na ako sa'yo. Salamat sa second chance. Ngayon hindi ko na ito sasayangin. Thank you at nakilala kita. Mahal na mahal kita!''
'Kahit tumaba ako?" tanong ni Ken.
Napangiti si Brenda, "At kahit tumaba rin ako?"
Kapwa napatawa ang dalawa at muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Ngayon ay panibagong kabanata na naman ng kanilang pag-iibigan at alam na ng kanilang mga puso na hindi na muling magkakahiwalay.
~Wakas~