Ayana

MisisPisces tarafından

37 22 0

Masayang namuhay ang pamilya nina Ayana sa probinsya kasama ang dalawa niyang kapatid at mga magulang. Pero... Daha Fazla

Note
Simula
Part 2 - Pagdadalamhati
Part 4- Simula nang Paghahanap
Part 5- Pag alala
Part 6- Paghaharap
Part 7 - Maynila

Part 3- Panibagong sugat sa puso

4 1 0
MisisPisces tarafından

Paunti unti nang natanggap ni Ayana ang mga nangyayari gusto niyang harapin at alamin ang lahat ng katanungan sa isip niya.

"Yana? Mabuti naman pumasok ka na? Okay ka na ba?" Tanong nang kaibigan niyang si Chloe pagpasok niya nang paaralan.

"Kahit naman sabihin kung hindi Chloe. Wala din namang mangyayari."

"Hindi ko alam kong paano kita icocomfort ngayon Yana. Kasi ang alam ko ang Ayana na kaibigan ko ay mas matatag pa sa akin na kahit anong problema kayang kaya niya" Malungkot na sabi ni Chloe sa kaibigan.

"Sus, wag ka ngang magdrama diyan Chloe hindi bagay sayo at tsaka may utang ka pala sa akin." Sinubukang ibahin ni Ayana ang usapan dahil ayaw na niyang maalala pa ang mga nangyayari.

"Hoy, anong utang? Diba ikaw ang may utang dos pesos sa akin, pinusta mo dun sa bilyaran hindi ka nanalo dun kasi umalis ka bigla."

"Talaga lang ha. Bayad na yung dos na yun kasi nakalimutan kong sasabunutan pa pala kita kasi pinagsasabi mong nakita ako ni Benjamin na nakasabit  sa pader ng eskwelahan."

"a...anong pinag...sa.sabi? Wala akong si..nasabing ganon Ayana ha. Mapagbintang ka." Kinakabahang sabi ni Chloe.

"Si Arriane ba ang nagsisinungaling ngayon?Kasi siya lang naman ang nagsabi sa akin? Kung isusumbong kaya kita tiyak na mas masakit mangsabunot yun. Maldita pa yun sa akin".

"Hehe Yana naman hindi mabiro at tsaka si Arriane lang naman ang pinagsasabihan ko nakakatawa ka kasi bakit mo kasi nakalimutang magshort".  Natatawang sabi ni Chloe.

"Ewan ko sayo. Anong balita makakagraduate ba ako?" Isang linggo na kasing hindi pumapasok si Ayana.

"Siguro. Naiintindahan naman siguro nila kung bakit wala ka sa klase. Sabi ni Maam mag special test ka nalang daw para makahabol ka sa mga exam at alam kong yakang yaka mo yan matalino ka naman maloko nga lang." Nakangiting sabi ni Chloe sa kaibigan.

"Tse. Para naman hindi ka sumasama sa akin pag nagloloko ako. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang lagi kong kasama pag tumatakas ako sa klase."

"Oo na, Kahit kailan talaga ayaw mong magpapatalo. Maiba nga tayo Yana saan ka magkokolehiyo?" Matatapos na kasi sila sa susunod na buwan.

"Ewan ko, parang malabong makapag aral ako. Alam mo naman diba?" Malungkot na sabi ni Ayana.

"May sinasabi sa akin siBenjie eh, sabi niya naghahanap daw si Mayor Gonzalez nang matatalino na willing mag aaral sa Maynila may pa scholarship kasi si Mayor."

"Hindi ako interesado diyan Chloe, kahit naman may scholarship may iba pa namang gagastusin. Gaya nang pamasahe, boarding house at marami pang iba. Tsaka huwag ka ngang magpapaniwala sa Benjamin na yun, hindi naman matino kausap yun.

"Basta may sinasabi siyang proyekto daw nang dating Mayor dito tatakbo daw senador at katulong si Mayor Gonzalez. Kaya naghanap sila nang willing mag aral kasi isa sa plataporma niya ay scholarship, lalo na sa kapos sa buhay." Natigilan si Ayana sa sinasabi nang kaibigan. Naintriga siya sa salitang Dating Mayor.

"Sinong dating Mayor? Si Mr. Marcial Romualdez ba?

"Ewan, siguro basta itanong mo lang kay Benjamin maraming alam yun tsismoso yun e.

Hindi alam ni Ayana pero parang gusto niyang pasukin ang mundo ni Mr. Romualdez. May gusto siyang alamin at may nararamdaman siyang iba sa pagkatao nang dating Mayor nila.

"Yana, Sinong bisita niyo. Bakit may mamahaling kotse nakaparada sa tapat nang bahay niyo?"  Pauwi na sila galing skwela nang napansin ni Chloe ang sasakyan sa labas nang bahay nila Ayana.

"Ewan ko. Sino naman ang mayamang bibisita sa amin?" Nagtatakang sabi ni Ayana.
"Si Nanay yun ha. Bakit may dala siyang bag?" Nakita niya kasing lumabas nang bahay ang nanay niya dala ang malaking bag at kasunod si Archie na umiiyak.

"Nay, saan ka nga pupunta? Bakit hindi kami pwedeng sumama?" Narinig niyang sabi ni Archie habang umiiyak .

"Archie hindi nga pwede. Bawal bata dun." Sabi nang nanay niya. Kaya lumapit na rin si Ayana.

"Nay? Ano to? Anong nangyayari na naman nay?. " Mangiyak ngiyak na tanong ni Ayana.

"Anak Yana, ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo. Pangako dadalawin ko kayo." Malungkot na sabi nang nanay niya.

"Paanong dadalawin Nay? saan ka ba kasi pupunta? Iiwanan mo rin kami Nay?"

"May dapat lang akong harapin Anak. Kailangan nating mabayaran ang pagkakautang namin nang tatay mo. Yun lang ang tanging paraan para pati kayo mailigtas ko."

"Mailigtas? Saan? Kanino? Ano po ba talaga ang nangyayari Nay?. Hanggang kailan ba matatapos ang pagdurusa namin Nay? Wala na si tatay pati ba naman ikaw aalis rin nang wala man lang pasabi kung bakit. Hanggang kailan kami mangangapa sa dilim? Bakit  pabigla bigla ka naman Nay? Bakit bigla ka na lang mang iwan na wala man lang paliwanag kung ano ba talaga ang nangyayari? Paano kami mabubuhay nang kami lang?" Galit na sabi ni Ayana.

"Balang araw maintindihan mo rin ang lahat Anak. Sa ngayon mas makakabuti para sa inyo ang wala kayong alam. Magpapadala ako lagi nang pera sa inyo at para na rin makapag aral ka sa kolehiyo. Gusto mong maging attorney diba? Tutuparin natin yun anak."

"Ayaw ko Nay, maawa ka Nay di bale nang hindi ako makapag aral basta wag ka lang umalis nay. Parang awa mo na Nay. Hindi naman kaya Nay." Pagmamakaawa ni Ayana habang umiiyak.

"Mrs.Saren tumawag na si Sir. Hinihintay na niya tayo." Sabi nang drayber nang mamahaling sasakyan.

"Bakit sino bang boss mo ha? Pwes sabihin mo sa kanya hindi sa...."

" Sige na Anak. Aalis na ako. Pangako babalik ako." Pinutol ni Anabel ang sasabihin nang anak niya nang pumasok na ito sa sasakyan.

"NAY! BAKIT KA GANYAN? BAKIT PATI IKAW MANG IIWAN! NAY!" Sigaw ni Ayana nang makaalis na ang sasakyan.

" Yana, tama na. Si Archie mo na uunahin natin" sabi ni chloe iyak nang iyak kasi si Archie sa gilid nang daan kung saan pumarada ang sasakyan kanina.

Awang awa si Ayana sa kalagayan nang kapatid niya na umiiyak sa ginta nang kalsada.

"Archie, halika na, tama na. Babalik si Nanay nangako siya sa atin na bibisitahin niya tayo na babalikan niya tayo." Pag papatahan ni Ayana sa kapatid niya.

"Paano na tayo ngayon Ate?." tanong nang kapatid habang walang tigil na umiiyak.

"Ewan ko Archie, hindi ko din alam. Pero gagawin ni Ate ang lahat". Yun lang ang nasabi ni Ayana.

Kinabukasan. Hindi pa lumabas si Arriane sa kwarto niya kaya pinuntahan ito ni Ayana.

"Arriane, bumangon ka na diyan. Ma late na tayo."

"Hindi na ako papasok". Ang tanging sagot ni Arriane.

"Ano? Pakiulit nga Arriane?"pagsisigurado ni Ayana sa sagot nang kapatid.

"Bingi ka ba? Sinasabing ayaw ko nang pumasok! Para saan pa? At isa pa saan tayo kukuha nang pera Ate. Iniwan na nila tayo."

"Mag papadala nang pera si Nanay Arriane. Ano nalang ang masasabi ni Nanay pag tumigil ka sa pag aaral?"

"At naniwala ka don Ate? Naniniwala kang babalikan niya tayo. Hindi na yon babalik." Sagot ni Arriane.

"Yun lang magagawa natin Arriane ang maniwala sa sinasabi ni Nanay. Parang awa mo na Arriane hindi lang ikaw ang nahihirapan sa nangyayari. Kailangan ko nang lakas at makakapitan ngayon kaya makikisama ka naman Arriane utang na loob." Iyak na pagmamakaawa ni Ayana sa kapatid.

Lumapit si Arriane sa kanyang kapatid at yinakap ito. Awang awa din ito sa kapatid niya.

"Im sorry Ate. Pangako kakayanin natin to. Kakayanin ko.".

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.5K 550 43
Jonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above c...
132K 3.9K 79
Started: May 3,2021 Status: Completed Finished: June 17,2021 Ps. This is unedited story and i don't have plan to edit kaya sorry kung may mga wrong t...
229K 5.9K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...
47.6K 4.3K 22
Sequel of Kekasih Until Jannah. Kamu adalah kepingan puzzle yang akan kulengkapi.