Babysitting the Campus King

By iamsheyn03

4K 109 35

Ng dahil sa kahirapan ay gagawin lahat ni Fajra ang lahat para mabuhay ang kanyang pamilya. Sa isang hindi in... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 11

173 4 0
By iamsheyn03

Fajra's POV

Mahigit tatlong minutong katahimikan ang namayani sa kwarto ng clinic. Walang gusto magsalita. Akala ko pa naman bubugahan niya na ako ng apoy pagkakita sakin. Laking gulat ko ng wala akong narinig miski isang salita sa kanya. Hello, pag si Chloe ang involve lahat magigiba ni Frost.

"Ilan na?" Panimula ko.

"Ha?" Takang tanong niya.

"Ang nabilang mong lamok at langaw?"

"What?"

Magkasalubong na ang kanyang kilay dahil hindi niya gets. Hindi ko pinahalata sa kanya na natatawa ako dahil baka mabulyawan pa ako.

"Anyway, bakit ka nandito? Papatalsikin mo na ba ako sa school dahil inaway ko yung prinsesa mo?"

Tapang tapangan pa ako pero sa loob loob ko kinakabahan na ako. Paano kung paalisin talaga ako? Saan ako pupulutin nito.

"Can't you just shut your mouth? I am not here to argue with you. There are some students that saw what really happened. And they told me."

Hindi niya alam kung saan siya titingin. Ha! Ano ka ngayon. Masyado ka kasing ulol dyan sa nililigawan mo.

"But I am not saying sorry."

Hindi naman ko nag eexpect na magsosorry ka gunggong. Sa taas ng pride mo dadaigin niyan ang Mt. Everest.

"So bakit ka nga nandito? Sisilayan ako? Or nag aalala ka sakin?"

Pinipilit kong may masabi para mabawasan yung ilang sa paligid. Hindi ako sanay na hindi niya binubulyawan pag si Chloe ang involved.

"Dream on. Kadiri ka para magkatotoo yan. I am here because Lolo called me. May business party siyang pupuntahan."

Panimula niya. Nakadekwatro siya sa couch na parang siya ang hari. Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa itsura ng lokong to. Sa kanilang apat, siya talaga yung pinaka malakas ang dating e. Kaso tapon ugali.

"Anong gagawin ko? Wala naman akong alam sa ganon, duh."

Business party ang pupuntahan so bakit pumunta dito si Frost? What for? Tsaka anong alam ko sa ganon.

"Can you please let me finish?"

Irita niyang sabi. Ito naman ang laki ang anger issue. Magagalitin sa maliit na bagay.

"As I was saying, Lolo called and told me that there is a business party that will be held later tonight. He told me to come, and bring you."

"Ha? Anong sinasabi mo? Bakit ako isasama? Anong gagawin ko don? Teka hindi ako marunong makipag sosyalan sa mga yayamanin."

Taranta kong tanong. Jusko ang party lang na napuntahan ko ay birthday party ng kapitbahay namin. Tapos ngayon pasasamahin ako sa business party. Okay lang ba kayong mag Lolo.

"Wag ka na ngang umangal. As if naman gusto kitang isama. I have no choice. Let's go, bibili pa tayo ng susuotin."

Tumayo na siya at lumabas ng pinto. Sumunod na din ako. Paglabas ko wala na sila Eros. Nauna na siguro. Hindi man lang ako nakapag thank you sa kanya. Sa susunod na nga lang.

Pagdating namin sa tapat sa kotse niya ay binusan ko na yung pinto sa likod. Ayaw mabuksan.

"I am not your driver, dun ka umupo sa passenger seat."

Supladong sabi niya. Ako na nga tong gumagawa ng pabor sa kanya. Diba ayaw niya akong katabi. Sus, kunware ka pa Frost.

Habang nasa biyahe kami ay wala na naman imikan. Nakakabingi ang katahimikan. Umubo ako ng konti para mapansin niyang bored na ako.

Kaso walang effect. Poker faced parin ang loko. Nilakasan ko ang ubo ko ng dalawang beses.

"What the hell, wag ka nga magkalat ng virus sa kotse ko."

Aba ang loko, nag spray ng alcohol sa loob ng kotse. Grabeee, I cannot.

"Hoy, ang kapal ng mukha mo. Para sabihin ko sayo, mas malinis pa yung ubo ko kaysa sa mukha mo. Ang arte mo!"

"Shut up or iiwan kita sa gitna ng highway?"

Nabubugnot niya akong tiningnan. Binalik niya rin agad ang tingin sa unahan.

"Sabi ko nga shut up na ako."

Tahimik ang buong byahe nang makarating kami sa mall.

"Teka, bakit walang tao dito? Hoy, Frost. Sarado ata itong mall."

Habol ko sa kanya dahil ang bilis niya maglakad.

Hindi niya parin ako pinapansin. Nakarating kami sa isang boutique.

"Hi dear, Frost!"

Salubong sa kanya nung baklang ulikba. Pati ba naman ikaw gwapong gwapo sa gunggong na ito? Well, tama ka naman.

"Hey, Chris. Do you have the latest designs?"

Pumasok kami sa loob ng hindi ako pinapansin nung dalawa. Sige, huwag niyo akong pansinin. Ayos lang naman.

"Of course, it arrived yesterday. It is perfectly fit for you."

"Uhh, is there something that would fit to her?"

Tumingin silang dalawa sakin. Oh, napansin niyo na pala ako. Akala ko multo ako dito e.

"Ohh, you're with someone pala. I didn't notice."

Tawa pa ng baklang ulikba. Sa ganda kong ito hindi mo ako napansin? Nabubulag kana ata.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Umikot din siya habang tinitingnan ako.

"I know something that suits you girl. Come, follow me."

Sumunod na ako at iniwan namin si frost sa may lobby. Madaming magagandang dress for different occassions. Grabe, dati sa Divisoria lang ako natingin ng mga damit pag may okasyon.

Naglabas ng tatlong dress na iba't iba ang designs.

Unang pinasukat sakin yung A-line/princess scoop neck knee-length jersey cocktail dress with lace.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko matandaan kung kailan ba ako nakapag suot ng ganitong kagandang damit. Never pa ata dahil hindi ko naman afford in the first place.

Lumabas ako para ipakita ay Chris yung suot ko. Nakita ko na nandoon din si Frost nakaupo habang nagbabasa ng magazine. Napatingin siya sakin saglit at binalik na ang atensyon sa binabasa. Ang demonyo, hindi man lang namangha sa ganda ko.

Sumunod naman ay yung wine red na vintage off-shoulder dress na below the knee. Maganda din ang fit sakin. Kaso hindi talaga ako sanay sa mga ganitong damit.

Ang pangatlo naman ay champagne sequin maxi dress. Hanggang talampakan ito at backless exposing my bare back.

In the end, yung pangatlo ang kinuha dahil mas na eenhance daw nito ang figure ko.

Ganon din ang ginawa sa sapatos and jewelries. Kung susumahin ang nagastos sa susuotin ko, panigurado masasagot na noon ang pang isang taong panggastos naming pamilya.

Iniwan na ako ni Frost sa isang salon para ayusan dahil bibili din daw siya ng kanyang susuotin. Babalik nalang daw diya dito pagkatapos then we are good to go sa event. Nakakapagod din pala ang ganitong gawain nakakaloka.

Frost's POV

I left Fajra at the salon. I was mesmerized by her beauty when she's fitting all those dresses. I just pretended that I am looking to those magazines so she won't notice I am looking at her. Yeah, I know she's beautiful. And I won't tell her.

I look at my phone to see if there's a text or call from Chole, but none. There was only one message from Lolo reminding me about the party.

I don't get why Lolo wants to bring Fajra with me in the party. Farja is not used socializing with those people.

As soon as I bought my tux and wear it, I headed towards to the salon to pick Fajra. I didn't saw her through the glass window. I entered at the salon to ask where is Fajra. But before I could finish my question, Fajra came out wearing that dress.

And God forbid me, she's drop dead gorgeous. It's like I am seeing a different Fajra. She's like a Goddess for Pete's sake.

"Huy, ano natulala kana sa beauty ko ano? Ako rin nagulat, akalain mo nga naman may mas igaganda pa ako."

Tingin siya ng tingin sa salamin pero sa kanya parin ako nakatingin. Nawala ang tingin ko sa kanya nung lumapit ang make up artist.

"Ang ganda niya no, Sir. Simple make up look yan pero grabe ang result. For hairstyle naman updo braid to enhance her back."

"Sakto lang para magmukhang tao."

Hindi niya ako pwedeng mahalata na nagagandahan ako. Lalaki ang ulo niyan panigurado.

"Bulag kana talaga siguro at hindi mo maappreciate tong ganda ko."

Umirap siya sakin. Oh Fajra, if you only knew.

Fajra's POV

Ang pogi ni Frost sa suot niyang maroon 4-piece suit. Mala Adonis ang kagwapuhan shet. Bagay na bagay ang suot niya sa kanya at bagay din ako sa kanya. Jusmiyo, Fajra. Magpasaksak ka nalang kaysa pumatol sa lalaking yan.

Nakarating na din kami sa hotel na paggaganapan ng party. Gara! Sobrang sosyalin naman ng lugar na ito dagdag mo pa yung mga tao na nandito. Puro bigating mga negosyante ang nandito.

Sinalubong jami ni Lolo Salvador. Masaya niya kaming binati at dinala sa loob.

"It's good that you are here, Fajra. Buti isinama ka ng apo ko. By the way, you look so fabulous, hija."

Puri sakin ni Lolo Salvador. Nako Lolo, buti ka pa pinuri ako. Itong apo mo bulag ata.

"Thank you po, Lolo. Bakit po pala kasama pati ako?"

Tanong ko habang tinitingnan ang paligid. Lahat siguro ng gamit dito mamahalin.

"I would introduce you to my amigos and amigas."

Ngiti sakin ni Lolo. Ipapakilala ako na yaya ako ng apo niya? Grabe baka mapahiya lang ako dito. Sabi na dapat hindi na ako sumama.

May narinig naman akong umismid sa gilid. Si Frost. Ang KJ talaga nito kahit kailan.

"Frost, samahan mo lang si Fajra ha. Wag na wag mong iiwan."

Paalala ni Lolo Salvador sa kanyang apo. Baka malingat lang si Lolo Salvador ay iwan na agad ako ng apo niya. Parang kating kati na si Frost umalis sa tabi ko.

Napunta ang atensyon ng lahat sa stage nang magsalita ang isang lalaking nasa edad 40's. Katabi nito ang isang magandang ginang na ganoon din ang edad. Ang ganda at gwapong nilalang naman nila.

"Good Evening, everyone. Thank you having your time and celebrate with us tonight. Today, Leones Corporation is celebrating its 60th anniversary. This compay is started by my great grandfather. With his hardwork and dedication, he managed to grow our business. And now, we will continue to grow to maintain our business legacy. Have fun tonight and enjoy. Thank you."

Binigay na ng lalaki ang mic sa emcee at bumaba na sa stage. Dumiretso ang lakad nila papunta sa direksyon namin.

"Don Salvador, we are pleased that you are here. Buti nakarating ka."

Nagagalak na bati ng ginoo kay Lolo Salvador.

"Oo nga, Don Salvador. Akala namin hindi kana makakarating."

Sabi ng ginang. Napatingin ako sa kanya. Ang ganda niya. Hindi halata sa kanya na nasa 40's na siya. Mapagkakamalang magkapatid lang kami kung magtatabi lang kami.

"Of course, kayo pa ba matatanggihan ko" masayang bati ni Lolo Salvador.

"Siya nga pala. I am with my apo and his friend." pakilala samin ni Lolo.

Napatingin samin ang mag asawa. Kinakabahan ako. Hindi ako sanay makipag sosyalan sa mga mamayaman. Baka mamaya matapobre ang mga ito.

"Hi, Frost. Look at you, ang laki mo na at ang gwapo mo pa."

Lumapit ang ginang kay Frost ang nakipag beso.

"Mukhang ready kana magmana ng kumpanya ng lolo mo, Frost."

Nag ngitian sila at nakipag shakehands ang ginoo kay Frost.

Napatingin sakin ang mag asawa.

"Oh my. Who's this beautiful lady?" Sabi ng ginang.

Napangiti naman ako. Nakakahiya. Pinuri ako ng isang Dyosa.

"I am Fajra po. Fajra Isidro."

Pakilala ko sa kanila. Pinipilit ko ngumiti dahil first time ko sa ganito. Bakit nasa akin ang atensyon nila. Hoy, Frost mag salita ka naman.

"You're so gorgeous hija. Fred, look at her. She's just look like you. If Krystal is only here, she's just as same age as you. I am Lauren and here's my husband Fred."

Nagniningning ang mata ng ginang ngunit tumamlay ang kanyang mata nang mabanggit ang pangalang Krystal.

"Oh honey. We've already move on, right? I'm sorry, Fajra. It's just our daughter who passed away when she was 5. And you resemblance to her."

Possible ba yon? Sabagay, madami tayong kamukha sa mundo. Impossible naman na maging ako yon.

"Hello po. Nice to meet you po. Okay lang po yon. Madami nga po napagkakamalan akong iba. Kaya sanay na po ako."

Ngiti ko sa kanila para naman mabawasan ang lungkot ng ginang.

"Ganon ba, alright. If there anything you need, Fajra. Just ask okay?"

Paalala ng ginang. I don't know. Pero ang comforting ng words niya para sa akin. It's like I am safe.

"O siya, kakausapin pa namin ang ibang bisita Don Salvador. Enjoy the night."

Sambit ng ginoo at tuluyan nang umalis ang mag asawa papunta sa mga ibang bisita.

May mga ibang kausap na din si Lolo Salvador na mga businessman kaya naiwan nalang kami ni Frost sa table.

"They are Chloe's parents."

Panimula ni Frost. Seriously?! Yun ang magulang niya? Anong nangyare sa anak nila bakit demonyita? Napatingin ako kay Frost. Pero sa wine glass lang siya nakatingin habang inaalog ang laman nito.

"They only know me as my Lolo's grandson. Not as Chloe's suitor."

Malungkot niyang sabi habang nilalaro parin ang wine glass.

"What? Seryoso ka ba dyan? Ang tagal mo nang nanliligaw kay Chloe tas hindi pa pala legal yang panliligaw mo? Ano ba yan, ang hina mo naman manligaw."

"It's Chloe's decision. She will only tell them when she already say yes to me. But now, I am just a mere acquaintance to them."

Medyo naawa ako ng very light kay Frost. Konti lang dahil hindi naman kami friends. I don't think Frost deserve it. Kulang na nga lang ibigay niya ang buong universe kay Chloe. Tapos in return, ganito lang matatanggap niya?

"Bakit kasi hindi mo na tigilan yang si Chloe. Diba sabi mo, you are Frost. And girls will come to you. So bakit naghahabol ka sa taong malabo maging sayo?"

Hindi ko alam kung tanga ba to si Frost or tanga talaga. Aba'y kahit ngayon makakahanap siya ng babae.

"Have you ever fall in love?"

Binitawan niya ang wine glass at umayos ng upo. Tumingin siya ng diretso sakin. Hindi ko alam kung dapat ko ba suklian ang mga tingin na iyon. Magmumukha naman akong bastos kung hindi ako titingin. Bahala na. Tumingin din ako sa mga mata niya.

Napatigil ako sa tanong niya. Have I ever fall in love? Ano nga ba? Sa buong buhay ko hindi pa ako nagkaka boyfriend. Manliligaw oo, pero not to the point na gusto ko rin sila.

"I bet you haven't. So you won't understand why I chose not to give up."

Tuluyan na siyang umalis sa table at naiwan ako mag isang nakatanga. Hindi ko talaga siya maintindihan. Malinaw naman diba? Hindi siya gusto ni Chloe pero bakit pinipilit niya parin. Hay nako bahala ka sa buhay mo malaki kana.

"Kaya pala maganda ang gabi ko, kasi nandito ka."

Napatingala ako sa nagsalita. Teka kilala ko to ah. Ito yung tumulong sakin nung bumili ako ng pagkain nila Frost. Ano nga bang pangalan nito?

"Ouch, nakalimutan mo na agad ako. I'm Mont, remember?"

Nilagay niya ang kamay niya sa puso na parang nasasaktan. Oh, I remember him. Teka, bakit nandito siya? Don't tell me isa din siyang bigating tao na saksakan ng yaman.

"Ano ka ba, syempre hindi kita nakalimutan ano."

Tumawa ako para hindi mahalatang nakalimutan ko nga. Hindi talaga ako matandain sa pangalan. Pero sa mukha matandain ako.

"Sus, kunware ka pa. But anyways, buti nakita ulit kita. Naniniwala na talaga ako sa love at second sight."

Napaka bolero talaga nito. Siguro madami na siyang napaiyak na babae. Sorry pero hindi ako mapapabilang don.

"Bakit ka pala andito? Small world ah."

Tanong ko para naman hindi mamatay yung conversation namin. Well, mukha naman siyang madaldal. Kahit yata hindi ako mag usap ay may maitotopic kami.

"I am with my dad. Stockholder siya sa Leones Corporation. Also, to find some business that he wants to invest."

"Ahh ganon ba. Yayamanin ka pala e"

Biro ko sa kanya. Natawa naman siya. Benta na agad sa kanya iyon? Ang babaw ng kaligayahan mo.

"I'm not. It's my dad."

Nagsimula mag dim ang lights hudyat na simula na ang after party. Madaming pumunta sa gitna para sumayaw. Mellow music lang ang pinapatugtog kaya nakakaantok.

"May I?"

Napatingin ako sa kamay ni Mont na nakalahad sa harapan ko. No choice naman ako kundi tanggapin iyo. Sa gitna kami ng dancefloor pumwesto. Nilagay ni Mont ang kamay niya sa gilid ng bewang ko.

"Relax, sasayaw lang tayo."

He gave me an assuring smile dahil napansin niya atang naiilang ako. Nagsimula na kaming mag sway at sumabay sa tugtog. Gwapo naman talaga si Mont. Teka, sino bang kamukha nito. Alam ko may kamukha siya. Alam ko na! Kamukha niya si Bright, yung Thailand celebrity. Medyo badboy look.

"May nakapag sabi na ba sayo na sobrang ganda mo?"

Diretso siyang nakatingin sa mata ko. Hindi ko alam kung mahihiya ako or maiilang. Bukod sa napaka bolero niya, malapit pa ang pagitan ng mukha namin.

"Ikaw talaga, don't state the obvious."

Ngiti ko at pambawi sa mga biro niya. Alam ko na yung mga galawana at banatan na ganyan e.

"Ay oh, confident. But seriously, you look pretty tonight."

"Thank you, Mont."

Nag ngitian kami at naramdaman kong pinihit niya papalapit ang katawan ko sa kanya. Isang maling galaw na lang ay mahahalikan na niya ako. Teka, yung first kiss ko!

May umubo sa gilid namin at nakita ko si Frost na nakatayo. Nakatingin lang siya samin.

"May I?"

Tingin niya kay Mont. Parang nagsusukatan sila ng tingin. At kung sino ang unang kukurap ay siyang talo.

Tumingin muna sakin si Mont at ngumiti.

"Of course."

Binitawan na ako ni Mont at kinuha ni Frost ang kamay ko.

"See you around, Fajra" kindat sakin ni Mont bago siya umalis.

"Tss, see you around my ass."

Napatingala ako kay Frost at nakita kong umirap siya bago umalis si Mont. Anong problema ng lalaking ito. Bago pa ako magsalita ay inunahan niya na ako.

"Please stop assuming. It's not what you think. Pinilit lang ako ni Lolo na isayaw ka."

Matutuwa na sana ako sayo kaso siraulo ka. Pati ba naman yon kailangan mong sabihin. Napaka taas talaga ng pride mo.

"So whatever I'm doing is just an act. Lolo is looking at us kaya makisabay ka nalang."

Napatingin ako sa tiningnan niya at nakita ko nga si Lolo na nakangiti samin at nag thumbs up. Hays, umasa pa naman ako na bukal sa loob ni Frost ang pag sayaw sakin. Pa hopia ka talaga!

Nilagay niya ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya at pinihit niya ako papalapit sa kanya. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Sa mahigit na tatlong linggo ko sa kanilang mansion ay ngayon ko lang siya nalapitan ng ganitong kalapit. Parang sasabog ang puso ko.

Natapos na ang kanta kaya napalitan na ito ng bago.

What day is it
And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up, and I can't back down
I've been losing so much time

Shocks, favorite ko itong kanta na 'to! What a timing. Si Frost pa ang kasayaw ko. Kikiligin na sana ako kaso scripted naman pala.

Nakatitig lang sakin si Frost na para bang sinasaulo niya ang detalye ng mukha ko. Hindi ko kaya labanan ang mga tingin niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa titig na iyon.

Iniwas ko ang tingin ko at ibinaling sa kanyang balikat. Hindi ko alam pero paniguradong nagmistulang kamatis ang buong mukha ko.

'Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me
And all of the people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you

Sinabayan niya ang tugtog at kinakanta nang pabulong ang mga lyrics habang nakatitig parin sakin. Lord, ayoko na po matapos ang gabing ito. Sana ganito nalang forever. Konting ganito lang ni Frost, ang lakas na agad ng epekto sakin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

There's something about you now
That I can't quite figure out
Everything she does is beautiful
Everything she does is right

Wag kanang kumanta. Alam kong malamig ang boses mo na para akong hinehele. Kinakanta mo ba yan para sakin? Or para mas kapani-paniwala ang acting mo. Tigilan mo na yan dahil baka hindi ako makaahon dahil kaunti nalang ay mahuhulog na ako.

"You're so beautiful tonight, Fajra."

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sobrang hina lang nito. Natapos na ang kanta at binitawan niya na ang aking bewang. Tuluyan siyang umalis ng wala man lang sinasabi. Naiwan akong mag isa sa gitna ng dancefloor at nakatulala. What the hell happened?!

Continue Reading

You'll Also Like

17.7K 580 24
"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Her...
8.5K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...
384K 17.6K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
2.1M 98.8K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...