Bleeding Love (Published unde...

By marialea

7.4M 86K 4.6K

[WATTYS 2018 WINNER] Eight years have passed yet Wendy can't move on from the guy who dumped her years ago. B... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Bleeding Love - THE BOOK

Chapter 5

168K 2.4K 105
By marialea

Inaayos ko ang kurtina sa glass door nang may kumatok sa pinto kaya nilingon ko 'yon. "It's open."

Pumasok si Mom at dumiretso sa kama ko kaya naupo ako sa tabi niya. "Hey, Mom. What's wrong?"

"Is it true? Renzo agreed?"

Hindi niya pa alam dahil kay Daddy ko pa lang nasasabi ang usapan namin ni Renzo kanina. Pagkatapos kasi no'n, nilunod ko na ang sarili ko sa trabaho para hindi ko siya masyadong maisip.

"Yes, Mom. Isang buwan lang naman. We made an agreement without Dad knowing."

"That?"

"That I'll file an annulment a month after. I read the contract and the prenup and it says there na ako lang ang pwedeng makipaghiwalay so it's up to me. Idadahilan ko na lang kay Dad na hindi na ako masaya kaya gusto ko nang makipaghiwalay. Please don't tell him, okay?"

Mom looked at me like she just heard the dumbest plan on Earth. "Sa tingin mo ba madali lang mag-file ng annulment?"

"As long as it's possible, then mangyayari 'yon. I'm sure Dad can do something about that."

"He can't."

"Who knows?"

Hindi na siya nakasagot. Lumapit na lang siya at niyakap ako. "I hope you don't regret this."

"Gusto ko lang tumulong, Mom."

Kinabukasan, hindi na ako nag-almusal sa bahay and went straight to my office. I have to keep myself busy para hindi ko maiwasang matuwa sa kasal. Sapilitan lang 'yon kaya walang dapat ikasaya roon. I am not taking my chances either dahil sa pagmumukha pa lang ni Renzo, alam kong hindi niya na talaga ako mamahalin ulit.

Pipirmahan niya na ang prenup mamaya at sakto pa because their former clients only gave him 5 days to pay or else, he will be sued. It's almost five in the afternoon nang naisipan ko nang pumunta sa opisina ni Dad at baka sakaling maabutan ko si Renzo.

Bumati agad si Prim nang makita ako. "Good afternoon, Ma'am."

Nginitian ko siya at dumiretso na sa pinto at pagbukas ko, napaatras ako nang suntukin ni Renzo si Dad. Sa bilis ng pangyayari, nakaganti agad si Dad kaya sumalampak si Renzo sa sahig. My father is 55 and freaking strong. I felt bad for Renzo.

"What are you doing?!" Lumapit ako agad at inilayo si Dad. Nang dumapo ang tingin ko kay Renzo, halos takbuhan ako ng kaluluwa ko. Galit na galit ang mga mata niya habang mabilis ang paghinga at tila isang kalabit mo lang, sasabog na sa galit.

"You're a fucking demon."

"You have no proof. Baka nakalimutan mo nang ako lang ang makatutulong sa 'yo?"

Kahit nalilito ako sa sagutan nilang dalawa, pinilit kong pumagitna. Tumayo si Renzo habang hawak ang sariling panga at matalim na tinitigan si Dad. He's masculine and toned, alright. But so is my father and a brawl like this will only leave them both equally hurt.

Renzo pursed his lips and tilted his head like he's ready to throw another punch if something triggers him. "This is the last time that I'm going to ask you. Pinapatay mo ba ang nanay ko?"

Wha— that's a big jump. "Renzo, where did that come from?"

Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Diretso lang ang tingin niya kay Dad. "I read the contract. It was dated 5 days before my mom died. Paano mo nalamang kakailanganin ko ng pera pagkatapos mamatay ni Mama?"

Hindi sumagot si Dad. Naghihintay ako pero nanatili siyang tahimik.

"Because you caused the fire, didn't you? Ang iMake ang huli naming pag-asa kaya ipinasunog mo."

Ngumisi si Dad at umiling habang minamasahe ang panga. "My secretary typed the date wrong."

Ngumisi rin si Renzo at tumingala na tila hinahanap ang pasensya sa kung saan. "Today is April 4. Mali ang pagtipa ng buwan at araw? How incompetent for a secretary of an executive?"

"Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Ida. I'm innocent."

"You better be! Kung makukulong ako, sisigurduhing kong makukulong ka rin kapag napatunayan kong may kinalaman ka rito."

I am so fucking confused. Is this real? Is this argument really happening? Did my Dad kill—oh my, God. No.

"Renzo, calm down, okay? Nauubusan ka na ng oras. Today is the fifth day. You have to sign the contract and the prenup now."

Tinapunan niya ako nang masamang tingin. Napaiwas ako nang kumirot ang dibdib ko. It's the same look that he gave me years ago—the look of not wanting to see me again. Lumunok ako habang hawak ang braso ni Dad. I suddenly feel small.

"May alam ka ba rito?"

Umangat ang tingin ko sa kanya habang paulit-ulit na umiiling. "I don't know— wala. I swear."

"Siguraduhin mo dahil kahit hindi ako makapagbayad ng utang, wala akong pakialam. Pare-pareho tayong mabulok sa kulungan—"

"Stop it. Stop treating us like criminals. Just sign everything so you can go." I picked up the papers from my father's desk. Nanginginig ang kamay ko nang iabot ko sa kanya ito kasama ang isang sign pen. Mabilis niyang pinirmahan ang bawat pahina at saka hinagis sa sahig.

Saglit kaming nagkatinginan bago siya tuluyang umalis. Pinulot ko isa-isa ang mga papel at tinignan ang date. It was really made 5 days before Tita Ida's death, March 26.

Lumakad si Daddy palapit sa upuan niya kaya nilingon ko siya. "Dad—"

"I'm innocent," sagot niya agad.

"This contract and the prenup. Ginawa mo 'to five days bago namatay si Tita Ida—"

"Fine. Renzo got it all wrong. The date was supposed to be 4 days before Ida's death, March 27 and my secretary made a mistake by typing 26. Alam kong kakailanganin ni Ida ng pera bago pa siya namatay dahil nanghingi siya ng tulong sa 'kin."

Nagtagal ang titig ko sa mga papel na hawak ko. "You talked? I mean, when?"

"Tinawagan niya ako para humingi ng tulong. She asked for money days before she died and in return, I asked her to let Renzo marry you."

"Is... is that true?"

Tumango lamang siya habang patuloy na minamasahe ang panga niya. Napabuntonghininga ako habang pinagmamasdan siya. "Hindi mo dapat sinuntok pabalik si Renzo."

"Are you crazy? He punched me first."

Tinitigan ko lang siya. Alam kong alam niya ang pinupunto ko. Boxing was his hobby noong binata pa siya. So of course, his punches are strong. Umiling na lamang siya at sinuot ang salamin niya. "Alam kong hindi ako mananalo kapag siya ang kinampihan mo. Now it's your turn, sign the damn papers."

Naupo ako at nagsimula nang pumirma. I have to find out what really happened. Hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Dad. Iba ang kutob ko.

He knows that Tita Ida will need 50 million pesos because they talked. Siguro ay sinabi ni Tita Ida kay Dad ang panloloko ng accountant nila so Dad made the contract on March 27 but his secretary accidentally typed March 26. Is this really the truth?

Malaki ang tiwala ko kay Dad. Hindi siya 'yong taong magsisinungaling at mas lalong hindi niya kayang pumatay. He is a good man but, but why do I sound like I'm convincing myself?

Isang linggo nang hindi nagpapakita si Renzo pero hindi naman ako kinakabahan. Sigurado akong may mga inaasikaso lang siya sa Davao. Kumalat na rin ang balita kaya maraming gustong ma-interview siya pero tumatanggi naman siya kaya hindi ko pa siya nakikitang lumabas sa mga news portal o diyaryo.

"Akala ko pumirma na si Renzo sa prenup?" Ang sabi ni Mom habang naglalagay ng kanin sa plato ni Dad.

"He did."

"So bakit hindi pa pinag-uusapan ang tungkol sa kasal?"

Nakatingin kami ni Dad bago ako bumaling kay Mom. "I thought you hate Renzo?"

"So para saan pa ang kontrata kung hindi naman pala matutuloy ang kasal?"

Ayoko nang sumagot pero nagsalita si Daddy. "Matutuloy ang kasal."

Hindi ko pa rin talaga gustong pag-usapan kaya nauna na akong umalis sa bahay. I went to my office at naabutan ko si Gigi doon na naglalatag ng mga pictures sa lamesa ko.

"Ano 'yan?"

Humarap siya sa akin habang malawak ang ngiti. "Pictures of venues kung saan kayo pwedeng ikasal. Beaches, gardens, hills, tapos meron din dito, portfolio ng mga sikat na designer ng wedding gowns. Bigay ito ni Cheena, yung kinuha kong organizer ng kasal niyo."

"Hindi pa nga nagpapakita ang groom ko, e."

Gigi knows about the contract pero ang tungkol sa pagbibintang ni Renzo kay Dad; hindi ko na ikinwento. I don't want to scare her kasi kahit ako, natatakot din sa sarili kong ama.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Renzo. Napangiti ako nang makita siya pero mukhang hindi siya masayang makita ako. Nakapamaywang siya habang kunot-noong nakatanaw sa mga litrato.

Mukhang wala naman siyang balak magsalita kaya tinapik na ako ni Gigi. "Sabihin mo lang sa 'kin kung may napili kayo, ha." Saka siya naglakad na palabas.

Marahas na bumuntonghininga si Renzo sa harap ko. "Pinapunta mo ako para rito?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko naman siya pinapunta rito, ah? Pero tutal nandito na rin naman na siya. "Nakalagay sa kontrata na kailangan nating magpakasal within two months matapos mong pumirma. Hindi ba dapat nagpaplano na tayo?"

"Your Dad called me dahil hinahanap mo raw ako. Alam mo ba kung anong inaasikaso ko sa Davao?"

Halatang hindi siya makapaniwala na narito siya ngayon gayong mukhang may importante siyang inaasikaso. I sighed, so it's Dad again. Nakialam na naman siya.

Huminga ako nang malalim at handa nang tanggapin ang inis ni Renzo. Galit na galit ang mga mata niya kaya yumuko ako at hindi na nakapagsalita.

"I'm investigating my mom's death, Wendy. Importante sa 'king malaman kung ano talaga ang nangyari doon and your Dad would call me for this?"

"For the record, hindi ko sinabihan si Dad na papuntahin ka rito. Hindi ko alam ito—"

"Lagi na lang hindi mo alam. Your ignorance is sickening!"

Mabilis ko siyang nasampal. Kung nauubusan na siya ng pasensya, pwes ako rin!

"I'm sorry, okay? I'm sorry kung napilitan kang pumunta rito. Kung napilitan kang ikasal sa 'kin, I'm sorry. Pero hindi mo ba nakikita? I'm trying to help you. Gusto kong matuloy ang kasal na 'to hindi para sa sarili ko kundi para sa 'yo. Naiisip mo ba 'yon? We just have to make this work. Dalawang buwang preparation lang at isang buwan pagkatapos ng kasal. Tulungan mo ang sarili mo. If you breach the contract, you will have to pay millions at kapag hindi mo nabayaran? Dad will sue you. Kung gusto mong maipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa nangyari kay Tita Ida, gawin mo ang lahat para hindi ka makulong and this, this is your last resort. Okay?!"

Akala ko matatahimik siya sa sudden outburst ko pero umismid lang siya. "Mapatunayan ko lang ang ginawa ng Daddy mo, you will pay the fucking price." 

Continue Reading

You'll Also Like

468K 14K 42
I am a knight with no shining armour. A knight with vow to protect the royal family with my own life. But when a princess came, my purpose has gone...
476K 2.5K 9
Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their company down. Hindi siya nagtiwala sa kaibigan...
13.6M 219K 53
After getting her heart ruthlessly broken, Leila believed that love is a murderer. She became as cold as ice and pushed everyone away. But now that L...
1.5M 15.7K 39
Virginity List: A list of things she wanted to do before she loses her virginity.