Babysitting the Campus King

By iamsheyn03

3.9K 109 35

Ng dahil sa kahirapan ay gagawin lahat ni Fajra ang lahat para mabuhay ang kanyang pamilya. Sa isang hindi in... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 10

161 5 0
By iamsheyn03

Fajra's POV

Monday ngayon at nag aayos na ako para sa 7 am class. Terror pa naman yung first class namin ngayon. Akala mo pinagsakluban ng langit at laging galit lalo na sa mga patanga tanga na estudyante.

Sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at tumingin sa paligid kung may nakalimutan. Wala naman.

Lumabas na ako at nakita ko si Nay Feli na naghahanda ng almusal sa lamesa. Ang anak ng demonyo nakaupo na at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Ha! Mabuti lang yon dahil hindi ko rin naman siya pagtutuunan ng pansin.

"Fajra, sumabay kana kay Frost pagpasok sa school dahil may inutos ang Don kay Ramil na bilhin sa La Union"

Sabi ni Nay Feli bago siya tuluyang pumunta sa kusina.

Ano daw? Sasabay kay Frost? Hell no! Saksakin niyo nalang ako kaysa makisabay sa gagong yon. Sigurado akong ipapasalvage niya ako mawala lang ako sa paningin niya.

"What? She's old enough Nay Feli. She can manage to go to school alone."

Sigaw ni Frost para siguradong rinig siya sa kusina.

Lumabas naman si Nay Feli galing kusina dala dala ang isang pitsel ng tubig.

"Utos yon ng lolo mo kaya sundin mo"

Tumingin ako kay Frost. Aba! Inirapan ako ng gago. Dukutin ko yang mata mo e.

Tumayo na siya at naglakad palabas. Papasok na ata ang loko.

"Sige po Nay Feli una na po ako. Baka ma-late po ako sa klase" bati ko sa kanya bago ako tumalikod.

"Hoy, sa likod na ako sasakay dahil ayokong katabi kita" yung fortuner gamit niya ngayon.

"May sinasabi ka? Sinong may sabi na isasabay kita? Manigas ka. Ano ka gold para isabay?" Pang aasar niya sakin sabay pasok ng kotse.

Tuluyan ng umalis ang gago at iniwan nga ako. Yare ka sakin mamaya sa school at gaganti ako hinayupak ka. 6:35 am na at ang byahe mula dito sa subdivision hanggang school ay 15 minutes. Sa huklubang professor pa ang first subject jusmiyo naman.

Naglakad na ako palabas dahil uugatin lamang ako dito kung hindi ako maglalakad. Malayo pa naman ang lalakarin bago makaalis dito sa subdivision.

Habang naglalakad ako palabas ng subdivision ay nakailang sumpa na ako kay Frost. Natawag ko na din ang lahat ng Santo. Malasin sana siya ngayong araw Lord. Deserve na deserve niya yon. Nakakagigil.

"Ay leche na kapatid ni Frost!"

Nagulat ako sa lakas ng busina mula sa likod ko. Si Eros sakay ng sports car niya. Taray yayamanin nga naman oh.

"Fajra? Is that you?"

Takte si Eros! Lumabas siya ng kotse niya. Shet umagang umaga ang fresh naman ng nasa harapan ko. Teka yung panty ko pakiabot nahulog! Patay, hindi niya pwedeng malaman na kila Frost ako nakatira.

"H-hi, ako nga, no other than Fajra. O-oo ako nga"

Jusmiyo naman Fajra get a hold of yourself! Hindi ka pwedeng mabuking. Kalamahan mo lang.

"So dito ka rin pala sa subdivision na ito? Wait, dito din ang street nila Frost. Pero hindi pa kita napapansin na taga dito ka"

Sabi niya sakin na parang hinuhuli ako dahil sa salang sinungaling. Kailangan ko makalusot kundi yare ako kay Frost. World war 3 na ito pag nagkataon.

"Ah ehh, sa auntie ako nakitulog kagabi. Wala kasi sila Mom and Dad kagabi kaya sa auntie ako nakitulog. You know, ayoko mag isa e"

Fingers crossed, sana bumenta sa kanya.

"Ahh, why are you walking alone? Don't you have a car or service?"

Car jusmiyo. Pambayad nga ng tuition wala ako pambili pa kaya ng kotse.

"Hindi pa ako maalam mag drive and may inaasikaso yung driver namin kaya eto, lakad mode ang lola mo"

Alukin mo na ako sumabay Eros jusme anong oras na mamaya na ang chika at malelate na ako sa klase ko.

"Ohh, if that's the case then, sumabay kana sakin"

Bingo, buti marunong ka makiramdam.

Bago pa kami tuluyan makapasok sa gate ng school, pinahinto ko na si Eros.

"Dito nalang ako Eros. Paniguradong issue na naman ito kapag nakita tayong sabay pumasok" Sabi ko sa kanya habang inaalis ang seatbelt.

"Are you sure?"

"Hmm, okay na ako dito. Thank you pala"

Ngiti ko sa kanya at lumabas na ako. Wala sanang makakita na sabay kami dahil siguradong chismis na naman ito. Madami pa naman fans si Eros at baka bugbugin ako.

Papasok palang ako sa pinto ng may nagsalita.

"Ms. Isidro! You're late for my next class."

Sabi ni Prof Dimaculangan with matching naniningkit ang mata. Anong late? 2 minutes late lang ako ang OA mo naman para sabihing late ako. Pero sino ba naman ako. Nako naman Fajra.

"Sorry po Prof. Nasiraan po kasi yung sasakyan namin kaya na late ako"

"Reasons! Kayong mga estudyante kayo, kung tatamad tamad kayo ay tumigil nalang kayo sap ag-aaral. Aba'y sayang lang ang pinapaaral sa inyo ng mga maguang niyo. Aba nung panahon namin..."

At ayon na nga ba ang sinasabi ko. Story telling na naman sa prof na ito. Inuna pa ang kwento kesa papasukin ako. Akala mo ay pastor siya na pinaparangalan kami.

After 75 years...

"You may come in. As a punishment, come to my office at lunch. May ipagagawa ako sa iyo."

Ano daw? Sabihin mo nalang na tinatamad ka kaya sakin mo ipapagawa. Ng dahil sa 2 minutes may punishment na agad? Buhay nga naman parang life.

Pumunta ako sa locker area para kumuha ng libro for my next class. Habang inaayos ko ang mga libro ay biglang may nagsara ng pinto ng locker.

"Someone told us na kasabay mo si Eros pumasok sa school?" mataray na sabi niya.

Si Chloe. Kasama ang mga alipores niya. Great, hindi talaga matatapos ang araw ko ng walang asungot mula sa dalawang maharot na Frost at Chloe.

"Gosh, hindi ka lang pala atribida, malandi ka pa. Nagpapansin ka ba sa grupo nila Frost? Like omg I cannot"

Winagayway niya yung dalawang kamay niya na parang nagpapaypay.

"Ako ba kausap mo? O yang sarili mo?" Binalik ko yung libro sa locker sabay tingin sa kanya.

"What?! Are you insulting me?"

Matalim niya tingin sakin. Konti nalang sasabog na siya sa pula. Dasurb!

"Oh, I am not insulting you. I am describing you"

Flashing my smirk at her face. Pag ganitong imbyerna ako sa manliligaw mo ngayon wag na wag mo akong iinisin.

"How dare you!"

Lumapit siya sakin para sabunutan ako. Gaganti na sana ako ngunit hinawakan ng alipores niya ang makabilang kamay ko.

"You're a bitch who likes attention"

Sampal niya sa kaliwang pisngi ko.

"You're a whore who's pretending to be innocent"

Sampal niya sa kanang pisngi ko.

Takte namumuro na sakin ang babaitang ito. Inapakan ko ang paa ng isang alipores na nakahawak sa kanang kamay ko dahilan para mabitawan niya ako.

"Ouch! You bitch!"

Itinulak ko naman yung isang nakahawak sakin at sumugod kay Chloe. Parehas kami natumba at ako ang nasa ibabaw hawak hawak ang buhok niya.

"Bitch! get off me!" piglas niya.

Pero dahil mas malakas ako ay hindi siya nakapalag.

"What the hell is happening here?!"

Tumingala ako at nakita ko si Frost na galit na galit. If looks could kill, I'd be probably 6 ft underground already.

Inawat kami ng grupo nila Frost. Inalalayan ni Frost si Chloe habang hawak hawak ako ni Eros.

"Frost! Frost. That bitch slapped me. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero bigla niya akong sinampal at sinabunutan"

Yumakap siya kay Frost at akala mong batang nagsusumbong sa Ama. Best actress dahil may paiyak iyak pang nalalaman.

"Ano?! Ako pa babaliktarin mo e ikaw ang naunang manampal satin!"

Susugod na sana ako ulit ngunit napigilan ako ni Eros.

"Enough! Could you please stop your squatter attitude? Hindi ka ba nahihiya ikinakalat mo yang basura mong ugali dito?"

Malamig na sambit ni Eros. I know he's dead angry. Iba yung galit niya ngayon kumpara sa galit niya dati.

"Ha! At ako pa talaga? Edi fine, hindi naman kayo maniniwala dahil yung nililigawan mo ang kaaway ko. Sino ba naman ako para paniwalaan? Magsama kayong dalawa total parehas kayong siraulo"

Kita ko ang winning smile ni Chloe na parang sinasabing "I win, bitch" habang nakayapos kay Frost.

Malakas kong hinawi ang kamay ko kay Eros at umalis sa lugar na iyon. Wala na talagang tamang nangyari simula nang ma involved ako sa gagong yon.

Pumunta ako sa garden na tinatambayan ko para magpalamig ng ulo. Umupo ako sa ilalim ng puno at pumikit. Hindi na muna ako papasok sa next class. Magdadahilan nalang akong pumunta sa clinic.

"I believe in you"

Sabi ng baritonong boses sa likod ko. Si Eros.

"I know you didn't start that fight. I know Chloe"

Lumapit siya sakin at tinignan at kalmot at gilid ng labi ko.

"Does it hurt?"

Nag aalala niyang tanong.

"Hindi siguro, parang kagat lang siguro ng dinosaur" sarkastiko kong sambit.

"Hindi ko maintindihan si Chloe. Wala naman akong maalala na ginawang masama sa kanya. Pero ewan ko bakit ang init init ng dugo niya sakin."

Tumingin ako sa kanya. Nagbabakasakaling nasa mukha niya ang sagot.

"Maybe, she's just threatened."

"What? By me? Hello, eto lang ako oh. Nasa kanya na nga ang lahat. Ano pa ba ang kinaiinggitan niya sakin?"

Hindi ko maintindihan. May problema ba sa pag iisip ang babaitang iyon? Kung tutuusin ako nga dapat mainggit sa kanya kasi lahat ng bagay ay meron siya. E ako? Araw araw nakikipagsapalaran para lang mabuhay.

"Yes. You know, she loves attention. She wanted everyone's attention. But when you came, napunta sa iyo. You even got our attention... my attention."

Titig niya sakin. What does he mean by that? Takte yung puso ko lalabas.

"Sus, napakababaw ng reason niya para guluhin ako"

Nilipat ko yung tingin sa mga halaman dahil naiilang ako sa sinabi niya.

"Anyways, let's clean that wound of yours, let's go"

He held my wrist. Wala na akong nagawa at nagpaubaya kung saan man siya pupunta.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dahil kasama ko lang naman ang isang Eros na hawak ang kamay ko. Pwes! Mainggit kayo.

"Hi, can I get a medicine kit?"

Ngiti ni Eros sa nurse. Yung nurse naman kilig na kilig. Hello, Ate! Andito ako, ako yung may kailangan.

Pinaupo ako ni Eros sa couch at inayos ang betadine at cotton buds. Shet! Kung ganito kagwapo ang gagamot sakin, magpapasabunot na ako kay Chloe araw araw. Chariz.

Dahan dahan niyang nilapit ang cotton buds sa gilid ng labi ko. He's too focused like he's life depends on it.

Hindi niya napansin napatitig na ako sa kanya. Masyado ka naman pinagpala ni Lord sa itsura. Sana hindi na matapos yung paggamot mo sa sugat ko.

Natigil lang kami ng may sumipol sa gilid naming. Sila Izzy at Axcel pala.

"Yow, Fajra. Pasensya kana kay Chloe ha, stage four na kasi sakit non sa utak e" biro ni Axcel

"Hoy Axcel, pasmado yang bibig mo. Alam mong totoo yon e sinasabi mo pa." gatong pa ni Izzy

Mga siraulo talaga aba. Well, pansin ko naman na hindi sila boto kay Chloe. I don't know kung alam nila yung ginagawa ni Chloe kay Frost.

Habang nagkekwentuhan sila, biglang dumating ang hari ng mga demonyo. Lumabas sila Eros, Izzy, at Axcel. Tiningnan ako ni Frost na parang last day ko na sa mundo. Let the battle begin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
54.6K 901 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...