Locker 246

By lycopenelover

220K 2.6K 116

Mico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from... More

Disclaimer
PROLOGUE
First Chapter - The Stalker And The Rule-breaker
Second Chapter - The Cousins
Third Chapter - The Rule-breaker's Joystick
Fourth Chapter - Halik
Fifth Chapter - New
Fifth Chapter - New (Part II)
Sixth Chapter - The Deal
Seventh Chapter - Kiss v. 2.0
Eighth Chapter - Why so stubborn, Mr. Rule-breaker?
Tenth Chapter - Luis

Ninth Chapter - Nosy TJ

4.5K 180 4
By lycopenelover


*******

Chapter 9

Tyrone's P.O.V.

Napatingin ako sa orasan at kaya pala kumakalam na tyan ko, alas siete na at kanina pa ko sulat nang sulat dito.

Pansamantala muna akong tumigil para kumain at para ipahinga ang kamay ko. Nakakangawit magsulat. Tiningnan ko yung kamay kong pinansulat, potek bakit parang may bumubukol sa palasingsingan ko? Parang kulugo na ewan. Tanda ba to na isa na kong mabuting estudyante? Ahem. Ahem.

Pagtayo ko ay naramdaman kong may nagvibrate sa bulsa ng walking shorts ko. Dinukot ko ito at medyo nabigla din ako.

Oo nga pala, di ko pala nabigay sa kanya tong phone niya. Obvious namang nakalimutan niya ding kunin sakin.

Dahil wala itong code, nabuksan ko ito. Ewan ko ba kung bakit, hindi ko ugaling mangialam ng gamit ng iba pero parang may nagtutulak sakin na tingnan tong phone niya. myPhone tatak, mahal ba yun?

Lumabas ako ng kwarto at habang naglalakad ako papuntang kitchen ay binubutingting ko ito.

"Manang nagugutom ako." sabi ko sa maid namin na nakaharap sa stove. Napaharap ito sa akin.

"Pero hindi pa tapos lutuin ang ulam,TJ. Gusto mo bang igawa muna kita ng chicken burger?" sabi nito. TJ ang tawag niya sakin dahil halos siya na ang nagpalaki sa akin. Palagi kasi noong abala ang mga magulang ko sa kanya-kanya nilang negosyo. Hanggang ngayon pa rin pala.

"Okay yan." sagot ko at umupo sa isang upuan sa dining room nang di inaalis ang tingin sa screen ng phone na hawak ko. Nawiweirduhan talaga ko sa sarili ko dahil di ko naman to talaga gawain eh. Yun bang mangingielam ka sa gamit ng iba. Pero takte lang, ewan ko kung anong meron tong phone na hawak ko at parang sinasabi niya sakin na "huy pogi, butintingin mo ko."

Habang hinihintay ko yung pagkain, nagbasa muna ako ng mga messages. Maraming unread messages na karamihan ay galing sa mama niya na tinatanong kung nasan na siya. Meron ding galing sa kaklase niya pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang pangalan ni Jet. Sinubukan kong buksan kaso may encrypted pincode. Ta3, may pacode-code pang nalalaman.

Dahil hindi ko rin naman mahulaan yung code, pumunta na lang ako sa gallery. Maraming albums at iba-iba ang mga title.

Una kong tiningnan yung unang album na puro projected presentations lang ang laman. Sunod yung album na ang title ay HS Grad. Puro picture niya kasama yung pamilya niya siguro. Teka, pareho kami ng pinag-graduweytang school? Ibig sabihin schoolmate ko na siya simula pa nung high school? Bat di ko siya nakikita dati? Baka fourth year lang siya nagtransfer dun? Baka nga.

Ipinagpatuloy ko pa yung pagtingin ng mga picture. Grabe ang daming medal na nakasabit sa batok niya. Matalino talaga siguro yung taong yun kaya kahit ahead ako sa kanya ng isang taon, siya pa rin ang pinili nila dad na maging private teacher ko. Pero atin-atin lang to ah, grabe ang talino nung taong yun lalo na sa Math. Nakikita ko kasi minsan yung mga quizzes at exams niya, at grabe kung hindi 1-3 mistakes, perfect. Napapatanong na nga lang ako sa isip ko, "tao ba talaga to?"

Tiningnan ko naman yung album na SKETCH at di ko maiwasang mapahanga habang isa-isang tinitingnan yung mga picture. Siya ba nagsketch nitong lahat? Wala sa itsura niyang makakaya nyang gumawa ng mga bagay na tulad ng mga to.

Ilan pa sa mga picture na kapansin-pansin eh yung picture nya na napapalibutan siya nang napakaraming bata. Mukhang matagal na panahon na nung kinuha tong picture na to kasi medyo totoy pa ang itsura niya dito, eh.

"TJ ito na ang pagkain mo." ani manang pero nanatili sa screen ng phone ni Mico ang mga mata ko. Kinuha ko yung burger gamit ang kanan kong kamay at kinagatan ito.

Sa kalagitnaan ng pagiiscan ko sa mga picture, nagvibrate ito at lumabas sa screen ang incoming call notice. Halos mabilaukan ako habang binabasa yung pangalan ng tumatawag. Di ko alam kung sasagutin ko ba o hindi pero ewan ko ba dito sa daliri ko at pinangunahan ako't pinindot ang accept key. Idinikit ko ito sa tenga ko.

"Hello?" ani ng nasa kabilang linya. Wari ko'y nalunok ko yung dila ko at di ako makasagot.

"Hello, Tyrone?" ani ulit nito. Potek nakakapressure naman to. Alam niyo naman na siguro kung sinong tumatawag diba?

AHA!

Bright idea.

"Hello?!! Sino ba to?!!!" pagsagot ko. Ginawa kong galit ang boses ko para may maidadahilan ako sa kanya.

"Tyrone s-si M-Mico to. Pasensiya ka na kung naistorbo kita. A-Ano kasi, nakalimutan kong kunin yang cellphone ko kanina. Naalala ko na kinuha mo nga pala sa akin yan kanina bago tayo nagsimula."

"EH BAKIT KASI HINDI MO KINUHA?!! NATUTULOG YUNG TAO, EH!"

"P-Pasensiya n---teka, natulog ka? Eh yung
mga pinapasulat ko sayo hindi mo ginawa?"

"H-HA? S-Syempre ginawa ko yun. Kakatulog ko nga lang eh. TAPOS MANG-IISTORBO KA PA!!"

"Pasensiya na talaga. Ahmm...pwede bang--"

"ANO?!!"

"Ah...eh...s-sasabihin ko lang sana kung pwede bang pakidala yang cp ko bukas sa school tapos dun ko na lang kukunin sayo." Errr...napaisip ako bigla, papayag ba ko? Nakakaengot. Walang pumapasok sa utak ko. Medyo natagalan yata siya sa sagot ko kaya nagsalita ulit siya. ".....or pakiabot nalang yan kay Jet kung ayaw mo." Bakit? Wala pa naman akong sinasabing ayoko, ha. Psh.

Sasagot na sana ako kaso nagsalita ulit siya bago pa man.

"Hmmm..sige ganun na lang. Ibigay mo na lang sa kanya. Kakausapin ko na lang siya."

"Ha?......Ah....Eh....W-Wala siya dito ngayon." sakto namang nakita ko si Jet na naglalakad papunta sa living room habang busy sa pagpindot sa phone niya. Nagkatinginan pa nga kami saglit.

"Ha? Eh nasan daw siya?"

"Ang alam ko may overnight practice sila." hininaan ko yung boses ko.

"Ganun ba? Paano na yan? May hinihintay pa naman akong text galing sa prof ko." sabi niya na parang medyo malungkot ang boses.

"S-SIGE NA NGA! AKO NA MAGDADALA!"

"TALAGA?!!" inilayo ko yung phone niya sa tenga ko kasi napalakas yung boses niya. "Thank you, Tyrone!"

"ANO BA?! NAKALUNOK KA BA NG MEGAPHONE?! HINDI NAMAN KAILANGANG SUMIGAW."

"Ay sorry. Natuwa lang ako." Psh. Pinutol ko na ang tawag. Nilapag ko sa dining table yung phone niya, sumandal sa upuan at tumingin sa chandelier.

"MANANG YUNG JUICE KO!!!"

-----

Pagkatapos kong kumain, bumalik na ko sa kwarto. Habang naglalakad ako ay napahinto ako nang magvibrate ang phone na hawak-hawak ko. Tiningnan ko ang umiilaw na screen nito at isang incoming call notice na naman ang nakita ko pero mula na sa ibang tao---sa pinsan ko, kay Jet.

Hindi ko ito sinagot at hinayaang magvibrate nang magvibrate. Pumasok na ko sa kwarto at pasalampak na humiga sa kama.

Di ko maintindihan ang sarili ko. Kanina nagsinungaling ako sa may-ari nitong phone na to. Tapos ngayon habang nagfa-flash ang pangalan ni Jet dito ay naiinis ako. Ano bang meron ang pinsan ko na wala ako? Gwapo naman ako, matangkad, mayaman pero bakit siya pa ang nagustuhan ng kaisa-isang mahal ko?

Pati mga magulang ko mahal na mahal si Jet. Mas mahal pa nga yata nila yung taong yun kesa sakin, eh. Palagi pa nila kong kinukumpara sa kanya.

"Mabuti pa ang pinsan mo ganito..."

"Mabuti pa ang pinsan mo ganyan..."

"Why can't you be like your cousin?"

Si Jet. Si Jet na masipag, matalino at mabait. Bakit nga ba hindi na lang ako naging katulad niya? Haay. Siguro nga hinihiling pa nila na sana si Jet na lang ang naging anak nila at di ako.

*Flashback*

"Of course I know it's not true...right? It's just his excuse not to like me. He's just lying and making excuses." Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Ano bang dapat kong isagot? Dapat na ba kong umamin o hindi? Shit. Di ko alam.

"Why are you not answering? Don't tell me..." Hindi ko alam na ang hindi ko pagsagot ay sapat na para masagot ang tanong niya. Kalahati ng utak ko ang nagsasabing itanggi ko ang nararamdaman ko para sa kanya pero yung puso ko, parang sinasabi nito na tama lang na malaman niya nang mahal ko siya para di na ko mahirapan.

"P-Pero....How?....When?.....W-W-Why?" Nilapitan ko siya pero literal na nadurog ang puso ko nang ipagtabuyan niya ko.

"Stop! Huwag ka munang lalapit. I know I shouldn't blame you for it pero...pwede bang iwan mo na muna ako?"

"Makinig ka muna, Kat. Gusto kita matagal na. Bago mo pa man sabihin sakin na mahal mo si Jet. Hindi ko intens--"

"Enough, Tyrone. I've had too much for today. Just leave."

"Dont be like this. Please, Kat."

"JUST. Leave.......please." Hindi ko makita ang mukha niya dahil tumalikod siya sakin pero alam kong umiiyak siya. Gustong ko siyang lapitan yakapin at ibulong sa kanya lahat lahat pero ayaw niya. Ayaw niya sakin.

Ang sakit-sakit pala kapag umiiyak yung taong mahal mo pero wala kang magawa kundi panoorin lang siya kasi para sa kanya, you're not the one who should wipe her tears.

*End of flashback*

"And please....let's stop being friends. Let's avoid each other. That way, Jet can finally like me back." Yan ang huling mga salitang sinabi niya sakin nung gabing yun.

First time kong masaktan dahil sa pag-ibig. Tama nga sila, masakit pala talaga. Mapapa-tang ina ka talaga.

Pagkatapos ng pangyayaring yun, nilasing ko ang sarili ko. Pero bakit ganun? Pag-gising ko nandun pa rin yung sakit. Damang-dama ko pa rin ang nadurog kong puso. At sa twing binabalikan ko ang tagpong iyon sa isip ko, hindi ko mapigilang maiyak. Potek. I sound so gay now, don't I? Sorry. Pakiramdam ko lang wala talagang nagmamahal sakin.

Mico's P.O.V.

"Oh!" Kamuntikan ko nang hindi masalo yung cp ko na inihagis niya. Tumalikod na siya at naglakad. Sumunod ako at naglakad nang mabilis para makahabol sa kanya. Parang jogging na nga yung ginawa ko, eh. Kung bakit kasi ang iikli ng mga bias ko. At heto na naman si kalampahan, kamuntikan na akong madapa nang matisod ako.

"Thank you, ha." ani ko nang makasabay sa kanya. Parang wala siyang narinig at nanatili sa daan ang tingin niya.

"Hmmmm....Yung notes, natapos mo ba lahat? Ay oo nga pala. Sa Saturday baka six na ako makapunta sa inyo. May lakad kasi ulit kami nina mama. Okay lang ba?" Again, naglakad lang siya nang parang walang kumakausap sa kanya. May problema kaya siya? Kahapon lang halos hindi siya magkandaugaga kakatawa tapos ngayon parang galit na naman siya sa mundo.

Grabe naman, ang bilis niyang maglakad. Hinihingal na ako. Hmmm..tingnan lang natin kung hindi ka pa mapatigil sa sasabihin ko.

"Kumain ka na ba? Gusto mo ng chicken burger?"

...and BINGO! Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin nang nakakunot ang noo.

'He's really back to being himself.'

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!!" Medyo malakas yung pagkakasabi niya kaya nagtinginan sa amin ang mga estudyante.

"K-Kinakausap ka?" Ang nagaalinlangan kong tanong---este sagot.

"Alam mo, di porket kinuha ka ng parents ko bilang.." Napahinto siya sa pagsasalita kasi napansin niya ang mga matang nakatitig sa amin. At syempre kung may mga mata, may mga chismosang tainga din. "...bilang...bilang KATULONG ko eh pwede mo na kong kausapin kung kelan mo gusto. At pwede ba, tigilan mo na nga yang kakasunod mo sakin. Sinisira mo araw ko, eh. Matalino ka di ba? Siguro naman naintindihan mo ang mga sinabi ko."

I was left, on that spot, dumbfounded. I didn't expect he'd snap that way. Or maybe I just crossed the line like what he said.

Alam mo yung feeling na biglang gumuho yung tower of cards na binubuo mo? Yun. Ganung ganun ang pakiramdam ko ngayon.

"So ambitious talaga."

"Kaya nga. Served him right."

"Did I hear Tyrone right? Katulong niya yang meatball na yan? OMGosh."

"It suits him naman, di ba? Ahahaha."

"Fag."

I just pretended I heard nothing. I turned around and was about to take a step when everything went black. Totally black. But I knew that I was concious and I was standing and my eyes were open. It's just that all I see was darkness. I closed my eyes and when I opened them, everything's back to normal.

Naghallucinate lang siguro ako kasi hindi pa ako kumakain mula pa kaninang umaga. Ganun nga siguro. Pumunta na lang ako sa may gardens kasi dun wala masyadong tao. Ewan ko ba sa sarili ko. Nagluto kasi ako ng adobong manok kagabi at yung natira ay eto nga, binaon ko.

Umupo ako sa damuhan at nagumpisang kumain. Ang sarap ng simoy ng hangin. Hindi pa man ako nakakapagumpisang sumubo ay naramdaman kong nagvibrate ang cp ko sa bulsa ng pants ko. Tumatawag si Jet pero nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba pero I still ended up answering it.

"Thank goodness you're finally answering it. I was calling you since last night pero you're not picking up your phone." Kagabi pa siya tumatawag? Bigla akong nakaramdam ng tuwa matapos mapag-alamang kagabi niya pa ako gustong makausap. "Did something happen?"

"H-Ha b-bakit ka ba napatawag?"

"H-H-Ha? Ah...eh...w-wala lang. I just want to...hear your voice?" At hindi na ako nagtagumpay sa pagpipigil sa sarili ko na mapangiti sa tuwa.

"Aaah.." Ano ba namang sagot yan, Mico? Eh wala kasi akong mahagilap sa isip ko na isasagot ko sa kanya dahil sa sobrang kilig, eh. Parang tanga lang akong nakangiti dito.

"Ah...eh... where are you? Are you not here in the library?"

"Oo wala ako dyan. Teka, pumasok ka? Hindi ba dapat nagpapahinga ka? Kasi for sure napagod ka sa practice ninyo."

"Ha? Ah, yeah. Pero saglit lang naman kaming nagpractice."

"Anong saglit? Akala ko ba overnight ang practice niyo?"

"Overnight? That's crazy. Who would want to play basketball for a whole night?"

"So, hindi nga overnight ang practice ninyo?"

"Yeah. Who told you ba na nag-overnight kami sa pagpapractice?" Ibig sabihin nagsinungaling si Tyrone? Bakit naman niya gagawin yun? Magkaaway parin kaya silang dalawa?

"Ah..eh..w-wala. Wala naman. Narinig ko lang sa mga classmate ko. Nagkamali lang siguro ako ng dinig."

"Aah..So nasan ka nga? Pupuntahan kita, gusto kitang....makausap." Medyo nagtaka ako dahil parang nag-alangan pa siyang sabihin yung huling salita.

"N-Nandito ako sa may gardens malapit sa open field."

"Okay, I'm on my way there." Pinutol niya na ang tawag at pagtingin ko sa normal screen ng cp ko, halos lumuwa ang mata ko sa gulat habang pinagmamasdan si Tyrone. Ang ibig kong sabihin ay mukha ni Tyrone ang wallpaper ng cp ko. Nakapogi sign pa siya at nakakagat labi. Shoot, ang guwapo!! Parang biglang nawala yung gutom ko.

Sa sobrang tuwa ko ay agad kong binalik sa bag yung mga baon ko at napatayo. gusto kong makita siya. Sinimulan ko siyang hanapin sa campus. Sa canteen, sa gym, sa field, at maging sa mga c.r. hanggang sa mapadpad ako sa may mga locker. Doon ko nakita ang taong hinahanap ko. Nakatayo siya sa tapat ng locker niya at may kinukuha dito.

Halong kaba at tuwa ang nararamdaman ko nang makita kong hawak niya yung letter ko. Hindi ko napigilang mapangiti.

Nagsimula siyang maglakad at sinundan ko siya habang pabalik-balik yung tingin ko sa screen ng cp ko at sa kanya. Gusto kong kurutin yung pisngi niya sa picture kaso hindi naman pwede. Sobrang gwapo niya talaga. I never had a picture of him. Ngayon lang. And the fact that he was the one who took this photo makes we want to smile for the rest of the day.

Pero.....

Napahinto ako sa paglalakad at unti-unting nabura ang ngiti sa aking mga labi nang pag-angat ko ng tingin upang muli siyang tingnan, nakita kong itinapon niya sa basurahan yung letter ko.

Parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Sumakit bigla ang dibdib ko.

Mabagal kong tinungo ang basurahan at nakita ko nga doon ang sulat ko na para sa kanya na itinapon niya. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ito.

'It was still sealed. H-He didn't read it. He just.....threw it away.'

Naramdaman kong muling nagvibrate ang cp ko pero hinayaan ko lang ito. Nanatili akong titig sa hawak-hawak kong papel.

All this time, iniisip ko na nababasa niya ang mga sulat na inilalagay ko sa locker niya pero hindi pala, dahil hindi pala siya interesado.

Yun na nga lang ang paraan ko para iparating sa kanya itong nararamdaman ko, eh. Tapos, binabalewala niya lang pala, tinatapon niya lang.

Ang sakit isipin na kahit gustung-gusto ko siyang papasukin sa mundo ko, hindi ito nangyayari dahil siya mismo ang lumalayo, siya mismo ang may ayaw.

Suddenly, I felt tired. I felt the urge to take a break. But, I don't have any idea of how I will do that. Ang alam ko lang, mahal ko siya pero ang sakit-sakit na.

Unknowingly, may luha na palang pumatak sa kanang mata ko. Tumingala ako at pinunasan ito. Huminga ako nang malalim bago inipit sa aking libro ang sulat.

Nagsimula na akong lakarin ang salungat na direksyon na tinahak ni Tyrone. Iniisip ko kung ano na ang dapat kong gawin. Dapat ko na bang itigil ang kahibangan kong ito? Hindi ko alam kung kaya ko, pero susubukan ko. Sana makaya ko.

Muling nagvibrate ang cp ko, dinukot ko ito mula sa bulsa ng aking pantalon at sasagutin ko na sana ito nang sa may likuan sa dulo ng hallway ay may nakabunggo ako at nabitawan ko. Nakita ko kung paano dumami ang cp ko.

"Oh my... I'm sorry." ani ng nakabunggo ko habang dinadampot ang mga parte ng cp ko. "Here. I'm really very sorry. Hindi ko sinasadya." sambit niya habang inaabot sa akin.

"O-Okay lang kasalanan ko rin naman." sinubukan kong ayusin yung cp ko pero ayaw nang magbukas nito.

"Nasira ba? Naku, sorry talaga. Papalitan ko na lang." ang nag-aalala niyang sabi.

"Hindi, hindi na kailangan. Okay lang talaga. You don't have to."

"But....fine, if that's what you want. It is nice to see you again. How have you been?" aniya at ngumiti. Ang ganda-ganda talaga niya.

"O-Okay naman ako." labas sa ilong kong sagot. Grabe parin kasi yung lungkot sa loob ko dahil sa nakita ko ngayon ngayon lang, eh. "Ikaw? K-Kumusta ka, okay ka na ba?" Nawala ang ngiti niya sa mukha at napalitan ito ng pagtataka.

"Yeah, I'm doing fine. But, what do you exactly mean by your question 'okay na ka ba'?"

"Aah....ehh...kasi noong kelan lang nagkasalubong tayo pero hindi mo ako napansin kasi nakayuko ka at tsaka parang napansin kong humihikbi ka nun?" Napaisip siya sa sinabi ko at pagkuwa'y muling nagsalita.

"Ah! Yes, yes," tumangu-tango siya, "don't worry about it, what's important is I'm fine now. Lahat naman siguro umiiyak once in a while, right?" muli siyang ngumiti pero may kakaiba sa ngiti niya ngayon, hindi na ito gaya nung mga dating ngiti na nasilayan ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganon. Angels don't deserve to be sad."

"You think of me as an angel?" ang natutuwa niyang sabi. Tumango ako.

"Yes. For me, you're an angel, Katarina."

"Why, thank you! I'm flattered. Really."

"Uhmmm...Mauna na ako, ha. Malapit na kasi yung sunod kong klase." ang pagpapaalam ko sa kanya.

"Sure. Yung phone mo nga pala, I really am sorry. Is it really okay?" Tumango lang ulit ako. "Okay, bye. See you around."

Naghiwalay na kami ng landas. Totoo ang mga sinabi ko kay Katarina. Para sa akin, isa talaga siyang anghel hindi lang dahil sa hitsura niya, kundi dahil na rin sa maganda niyang ugali. Napakabait niya. Anyguy would really be blessed to have her in his life.

Madaling natapos ang klase namin. May seminar kasing kailangang puntahan ang professor namin. Medyo nanibago ako kasi wala na akong trabaho na mall na kailangang puntahan magmula ngayon. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil dun. I really need a break right now.

Nagpunta ako sa locker room para ilagay ang mga gamit ko sa locker ko. At habang inaayos ko ang mga laman nito ay napansin ko ang letter na dapat sana ay ilalagay ko mamaya sa locker ni Tyrone. Muli akong nakaramdam ng sakit habang pinagmamasdan ito. Unti-unting lumabo ang aking paningin. At bago pa man tumulo ang aking mga luha ay isinarado ko na ang locker ko at patalikod na sumandal dito. Huminga ako nang malalim bago nagpasyang umuwi na. Pero unang hakbang ko palang ay natalisod na ako at nasubsob sa sahig.

"Anak naman ng tipaklong." ani ko at agad na bumangon. Lumingon-lingon ako sa paligid at mabuti na lang walang nakakita.
***********

Continue Reading

You'll Also Like

292K 8.4K 72
Timothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at...
11.5K 1.2K 65
Disclaimer: This is the 5th book of the series Secret of A Straight Fudanshi. Inexplicable love - A story between two young men named Niccolo and Tyr...
8K 111 30
Attention to all reader this story is an LGBTQ story and it's not suitable for those homophobic close minded and sensitive person. Read it. If you wa...
6.3K 116 33
How long will the studious, top-student, James, hide his feelings towards the campus heartthrob and his best friend, Mac? What happens to a person wh...
Wattpad App - Unlock exclusive features