Chase me

By Shha_nia

20 7 0

shania is simple girl who entered in SU or Sebastian University, sa pagpasok niya sa paaralan na 'to ay dito... More

Declaimer
chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 4

1 1 0
By Shha_nia

Read at your own risk

Shan POV

"Mas masarap yung rocky road " suggests ko kay nirhem, kanina pa kami dito sa 7/11 pero hindi namin alam kung ano ba masarap

"Bilhin na lang kaya natin lahat?" Nagulat naman ako sa sinabi nya

"Seryuso ka dyan? isa na lang 'yung rocky road oh, so it means mas masarap s'ya " saad ko

"Hmm okay, yan na lang" kukunin ko na sana yung ice cream nang biglang may kamay na kumuha nito

"Ako na una, kaya akin na 'to" nakangising saad nya bago kami talikuran

"Ito na la-"

"Hoy clyde!" iniwan ko si nir sa may fridge at sinundan si cylde sa counter

Binigay na nya sa cashiered yung atm nya kaya naman dali dali kung kinuha yung ice cream na nakalapag sa counter at nilapag dun 'yung limang daan

"Keep the change " nag wink pa ako dun sa cashier at patakbong lumabas sa 7/11

Agad namang sumunod sa'kin si nirhem na tawang tawa sa ginawa ko, natulala pa daw si clyde dahil nagulat

"Gagawin talaga ang lahat para sa ice cream ah" natatawang saad nya kaya napa nguso naman ako

Andito kami ngayon sa maliit na park malapit sa court, rinig dito ang pag hampas ng bola sa sahig at pagtama sa bakal ng basketball ring

"Same village lang kayo ni clyde?"

"Yup, nakalimutan ko rin sabihin sa'yo na magkapit bahay lang kami"

Halos mabilaukan ako sa sinabi ni nirhem at ngayon lang nakaramdam ng hiya

Flashback

"Gumagana ba 'tong mic n'yo?" Nasa rooftop nila kami ngayon, hindi naman mainit dahil may bubong, parang bar area lang style

Yayamanin nirhem nyo

"Oo, kanta tayo?" Tumango naman ako

Huling karaoke ko nung birthday ni sage, halos mabasag lahat ng pinggan nila sa bahay dahil sa panget daw boses ko

Sabi naman ni sage joke lang daw yun dahil maganda talaga

"Hello, mic check? Mic check, mic check si clyde na mukang cheese " saad ko

Tumawa naman ng malakas si nirhem na parang wala ng bukas

Bigla na lang lumapit yung maid nila kay nirhem at may binulong na mas lalo nyang kinatawa

Baliw?

End of flashback

"Nakakahiya ka hahahahahha" sinamaan ko naman sya ng tingin

"Ba't hindi mo kase sinabi na magkapit bahay pala kayo" naka ngusong tanong ko

"Hindi ka naman kase nagtatanong"

"Eh kung batukan kita?" Pananakot ko

"Edi batukan mo, sasabihin ko kay chase na gus-"

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at sinubuan ng ice cream

"Subukan mo lang sabihin yan, papakainin kita nang isang galon na ice cream"

"Defensive ah" mapang asar na saad nya

"Hindi ko naman kase s'ya gusto " pagpapaliwanag ko

"Okay, sabi mo eh" halata ang pagpipigil ng tawa nya

Napailing na lang ako at kumain ng ice cream, madilim na nang mapag desisyonan naming umuwi na sakanila, ipapahatid na lang daw ako ni nirhem sa bahay dahil nakakahiya naman daw kay mommy kung magpapasundo pa ako

Pumayag na lang rin ako, feeling ko wala pa si mommy sa bahay dahil sa madami daw sya patient and meetings

Nakalimutan ko rin sabihin na malapit lang pala ang hospital ni mommy sa SU, katabi ng SH or Sebastian Hospital

Nakalimutan ko ring sabihin na may kapatid ako pero wala sya dito sa pilipinas dahil nasa state sya ngayon

Si kuya Ace, kagaya ko, hindi nya rin tanggap ang step father namin, may trabaho na si kuya kaya hinayaan na rin sya ni mom para maging independent daw

Edi nawa'y lahat

I really miss him, sana andito sya, or kahit sa debut ko ay sana pumunta s'ya.

"Salamat po" bumaba agad ako sa sasakyan at pumasok sa loob ng bahay

Ako nanaman mag isa dito, maliban sa mga maid aakyat na sana ako ng makarinig ng tawanan at sigawan sa may pool area

Pero binalewala ko na lang 'yun dahil ako lang naman mag isa dito, imposibleng mag business meeting yung asawa ni mom sa may pool

Funny ah!

Umakyat na lang ako sa kwarto at naglinis, nakaka inip talaga dito sa bahay.

Naligo na lang ako at nagbihis ng pang bahay, Nagsuot na lang ako ng maong na short at color black na sandong fit sa'kin

Nasa bahay lang naman ako at ako lang mag isa dito bukod sa maid

Nagc-crave din ako sa spaghetti kaya magluluto ako

Bumababa ako at dumiretso sa kitchen

Nagsimula akong maghiwa ng mga ingredients at hotdog

Nahiwa pa ang daliri ko kaya yung maid na lang pinahiwa ko, hinugasan ko lang yung daliri ko at nilagyan ng band aid

"Paabot nga po ng ketchup, manang" medyo kulang yung sauce ng spaghetti kaya lalagyan ko nang kaunting ketchup para mas masarap

Nang matapos ay pinasalin ko na sa lalagyan para maganda tingnan, niyaya ko na rin yung ibang maid na kumain

"Manang, nagluto kayo ng spaghetti?" mula dito sa dining ay napalingon ako sa kitchen ng makarinig nang boses lalaki

"Si mam shan po ang luto sir" sagot ni manang

"Meron pa?" Narinig ko ang pag bukas nya sa ref

"Gutom na ako tol"

"Ang bango ng spaghetti "

"Sabi sa'yo ehhh meron"

Rinig kung pag uusap nila, sa sobrang curious ko ay naglakad ako papuntang kitchen na dapat hindi ko na lang pala ginawa

Limang lalaki ang bumungad sa'kin, basa sila lahat na halatang kakaahon lang sa pool

Gulat silang nakatingin ngunit napalitan ng ngisi, pati yung nagbukas sa ref ay nakatingin sa'kin

"Nagugutom talaga ako" napalingon ako dun sa lalaking may hikaw sa kabilang tenga, nakangisi 'to sa'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa

"Ba't ganyan suot mo?" Napalingon ako dun sa lalaking naka hawak sa ref kanina, hawak nya na yung lalagyan na may spaghetti

Hindi ko sya sinagot at seryuso lang syang tiningnan, sino ba sya?

Binigay nya sa lalaking maliit yung spaghetti at walang pasabing hinila ako papasok sa dining

"Bitawan mo nga ako" nasasaktan ako bwct

Binitawan nya naman agad ako ng makarating kami sa sala

"Ba't ganyan suot mo?" Turo nya sa'kin

tiningnan ko naman sarili ko, wala naman akong nakikitang mali ah

"Ano bang masama sa damit ko?"

"Ganyan ba ang pananamit ng isang matinong babae?" halos magdikit na ang dalawang kilay nya sa sobrang salubong

"Ba't ka ba nangingialam? At tsaka sino ka ba? Daig mo pa boyfriend ko kung makapag salita d'yan!" Sigaw ko sakanya

"Boyfriend? So, may Boyfriend ka na?!" sigaw nya rin sa'kin, kaya napikit ako "damn it!"

nababaliw naba sya? hindi ko nga sya kilala tapos kung makapag react daig pa si kuya ace

"Sino kaba? Tsaka anong ginagawa mo dito sa bahay ng asawa ni mommy?" tanong ko, nag bago naman agad ang expression ng mukha nya

"Magpalit ka na dun" saad nya bago ako talikuran

Sino ba s'ya?

________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

16.9M 651K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
673K 2.6K 65
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
50.6K 1.5K 24
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
608K 16.2K 55
(Book Two) At the age of ten, 'Eden-Rose' is now a world renowned name. Watch as she juggles between her growing fame and her personnel life. Dance...