The Governor's Obsession ( ON...

By NatHisashi

88.2K 1.8K 464

The quiet girl named Salisha is the Governor's Obssession. More

SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 7

2.3K 51 11
By NatHisashi

" M-may sira ka ba sa ulo?"

" Why? Hahaha. I'm just stating the fact bob." natutuwang aniya pa.

" Fact" panggagaya ko sa kaniya."fuck you!" asar na sabi ko.

" Fuck me then"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tangina! Gago ba siya? Tuwang tuwa pa siya habang sinabi 'yon. Napangiwi ako sa kanya saka tumayo para itabi ang bulaklak.

" Bob " natatawang tawag niya nang mawala ako sa camera.

" Shut your dirty mouth Gov" Ani ko saka bumalik sa lamesa.

" When will you call me by my name love?"

" Kapag hindi ka na gobernor " nakangiting sabi ko pero nagbibiro.

" Okay then, I will relinquish my governorship" kalmadong aniya. Tinignan ko naman siya nang masama. " Why? If that's the only way para tawagin mo ako sa pangalan ko"

" Alam mo-" napatigil ako nang bigla na namang bumukas ang pinto ko nang pabagsak.

Pumasok si mommy na may seryosong mukha. Sumunod na pumasok si ate Sy na masama pa rin ang tingin. Tumingin si mommy sa buong kwarto ko na parang may hinahanap. Tumigil ang paningin niya sa bulaklak saka muling tumingin sa'kin.

" Anong relasyon mo kay Mr. Monreal?" madiing tanong ni mommy." Huwag kang magsisinungaling sa'kin." putol niya nang akmang magsasalita ako.

" My wala nga." inis na sabi ko. Bakit ba ayaw nilang maniwala?

" Ang tigas talaga" bulong ni Ate Sy.

" Wala nga kasi! Bakit ba ayaw niyong maniwala?"

" Dahil sinungaling ka!" sigaw ni mommy. Natigilan ako. Eto ang unang beses na sinigawan niya ako, hindi ako sanay.

" Kailan ba ako nagsinungaling sa inyo?"

" Palagi! You're a fucking disappointment!" mas malakas na sigaw niya.

Pakiramdam ko nabingi ako. Ngayon lang din niya ako pinagsabihan ng ganyan. Parang may kung anong pinukpok sa loob ko, hindi ko maipaliwanag.

" W-when mom? K-kailan ako naging d-disappointment sa inyo?" nanghihinang tanong ko.

" Lagi mo akong sinusuway! Hindi mo ako sinusunod!" aniya pa saka ako dinuro.

M-mom.

" M-my, simula nang magkaisip ako i-ikaw lagi ang s-sinusunod ko." naiiyak na sabi ko.

" Sinabi na ng ate Syrene mo na may gusto siya sa gobernador na 'yon, hindi mo pa rin nilalayuan. Tapos magsusumbong ka sa daddy mo na hindi kayo close ng ate mo"

Dahil lang do'n? Dahil lang do'n, sasabihan niya akong disappointment?

" D-dahil lang do'n m-mom? Disappointment na ako?" ramdam ko ang pangingilid ng kuha ko. Pinipilit kong 'wag umiyak.

" Ma'am, may gusto pong kumausap sa inyo." sulpot bigla ng isa sa mga katulog na may dalang telepono.

Tinignan muna ako ng masama ni mommy bago kuhanin ang telepono. Tumalikod naman ako saka pasimpleng pinunasan ang gilid ng mata ko. Hindi ako iiyak sa harap nila.

Saka ko lang naalala na kausap ko si Gov. Kita ko sa laptop na hawak niya ang phone niya na parang may kausap. Kita ang galit sa mukha niya habang nag iigting ang kaniyang panga.

Nang mapansin niyang nagpupunas ako ng luha, biglang lumambot ang ekspresyon niya. Bumalik ang galit sa mukha niya nang magsalita siya sa phone niya.

Nilingon ko ulit sila mommy. Nagulat ako nang bahagya nang mapansin ang takot sa mukha niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng kausap niya pero base sa boses ay lalaki ito.

Hindi nagsasalita si mommy dahil patuloy na nagsasalita ang lalaki sa telepono. Nilingon ko ulit si Gov, may kausap pa rin ito sa phone niya.

Nakita ko si ate Sy na nakatingin sa laptop ko. Kita ko ang inggit sa mukha niya habang nakatingin kay Gov.

" My, look" turo ni ate Sy kay Gov. Tinignan ko si Gov, wala na itong kausap. Malambot ang ekspresyon niya habang nakagtingin lang sakin kahit tatlo kaming nakatingin sa kaniya.

" Sy let's go." ani mom saka hinila si ate Sy pero nagpumiglas siya.

" Pero my, look. Kausap niya pa"

" Hayaan mo na, halika na" walang nagawa si ate Sy kun'di tignan ako ng masama nang tuluyan siyang mahila ni mommy.

" Bob, are you okay?" alalang tanong ni Gov nang makaalis sila ng tuluyan.

Tumango lang ako kahit sobrang bigat ng loob ko. Nanghihina akong umupo sa ergonomic chair ko saka nagbuntong hininga. Hindi ko inaasahan na sasabihan ako ng gano'n ni mom. Hindi ko naramdaman na nanay siya sa'kin pero hindi rin niya ako sinasaktan ng pisikal.

Am i really disappointing her? t-them?

But i did everything. Sinusunod ko naman lahat ng gusto niya, ng sinasabi niya. Isa lang talaga ang hindi ko gustong gawin, ang kontrolin nila ang pangarap ko. Kapag ba sinunod ko yung gusto nila, magugustuhan na ba ako ni mommy?

Am i ready to give up my dream?

" Hey, bob?"

" A-ah yeah, m-may sinasabi ka?" nakalimutan kong may kausap pa pala ako.

" I said uuwi na ako, bukas ako makakarating d'yan" aniya habang may kung anong ginagawa sa gilid ng kama niya. Nagiimpake ba siya?

" Huh? I thought sa friday pa uwi mo? Tuesday pa lang bukas."

" Hindi ako matatahimik dito kung alam kong malungkot ka d'yan"

" Dahil lang do'n?" Gulat kong sabi.

" Anong lang ka diyan. Big deal 'yon. Dapat kapag malungkot ka, nand'yan ako."

" Okay lang ako, ano ka ba. Importante 'yang lakad mo d'yan, iiwan mo dahil lang malungkot ako. Nababaliw ka na ba?" Ano bang meron sa utak niya?

" Are you sure?" tumigil siya sa ginagawa niya saka humarap ng maayos sa camera.

" Yes, okay lang ako bob" sabi ko para mas kumbinsido, pero parang gusto kong pagsisihan dahil baliktad ang nangyari.

" Fuck! Uuwi talaga ako."

Gano'n nga ang nangyari. Kinabukasan ay nadatnan ko siya sa SSG Office na may dalang isang box ng cake at isang paper bag na panigurado ay pasalubong na naman niya.

Agad niya akong niyakap nang makita niya ako. Tinanong niya pa ako kung ayos lang daw ba ako. Ayos naman ako, ayos lang naman siguro.

Kinain namin yung mocha cake na dala niya, binigyan ko rin si Owel. Ang tira ay inuwi ko kasama ang pasalubong niyang earrings.

Hanggang sa sumunod na araw ay gano'n ang ginagawa niya. Tuwing breaktime ay pinupuntahan niya ako saka nagdadala ng pagkain. Siya na rin ang nagsusundo sa'kin. Gusto pa nga niya ay siya rin ang maghatid sa'kin tuwing umaga pero tinaggihan ko. Baka mag alburuto na naman si ate Syrene.

Saturday ngayon at inaya akong magmall ni Gov. Hindi pa raw kasi kami nakakapagmall ng magkasama. Hindi naman ako mahilig sa mall, sa online lang ako namimili.

Nagsuot lang ako ng brown halter top,
distressed jeans and brown platform shoes. Tinali ko lang ng high ponytail ang mahaba kong buhok saka naglaglag sa gilid kasama ang bangs ko.

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago lumabas dahil nakareceive ako ng text kay Gov na nasa baba na siya. Nag paalam na lang ako kay daddy sa text dahil panigurado wala rin sila sa bahay. Every Saturday, may kanyang lakad sila mom and dad, ganon din si Ate Sy. Ako, dahil wala naman akong kaibigan, dito lang ako bahay.

Paglabas ko sa kwarto ay nagtaka ako dahil may naririnig akong nagtatawanan mula sa sala. May tao. Sinilip ko kung sino ang mga naroon, nakita ko ang mga kaibigan ni ate Sy. Ang alam ko ay ayaw dalhin ni ate Sy ang mga kaibigan niya dito dahil kinahihiya niya raw na may kasama siyang mukhang multo-dahil mahaba ang buhok ko. Sinabi niya yung sakin no'ng kaming dalawa lang ang magkasama.

Inggit lang siya dahil hindi ko na kailangang ipasalon buwan buwan ang buhok ko para lang gumanda.

Nakita kong lumapit ang isang kasambahay kay Ate Sy saka may ibinulong. Tumingin si ate Sy sa bandang kwarto ko saka may sinabi pabalik sa kasambahay. Hindi niya ako nakita dahil medyo nakatago ako sa poste. Sinuklay ni ate Sy ang buhok niya saka nag ayos ng itsura.

I know what will gonna happen.

Nakita kong pumasok si Gov mula sa main door. Nakasuot siya ng simpleng black t-shirt na pinatungan ng white leather jacket, black pants with simple black shoes. Ang simple lang ng suot niya pero ang lakas ng dating niya. Ang gwapo, kainis!

" Uy Syrene, si Gov oh. 'Di ba 'yan yung sinasabi mo na pakiramdam mo may gusto sayo?" rinig kong sabi ng isa mga kaibigan ni Ate Sy nang makita nilang pumasok si Gov.

Mukhang nagulat naman si Gov sa nadatnan sa sala dahil mukhang hindi ito ang inaasahan niya.

" Uy, shh. 'Wag kayong maingay" sabi ni ate Sy sa mga kaibigan niya na tinutukso na siya. Tumingin siya kay Gov na nakatayo malapit sa main door habang may kung anong ginagawa ito sa phone niya. " Ah h-hi Gov" nahihiya niyang sabi sa gobernador na hindi manlang siya tinapunan ng tingin.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.

From: Gob.

Bob i'm here. Where are you?

Hindi ko siya nireplyan saka tumingin kay ate Sy na papalapit kay Gov.

" Gov n-napadalaw kayo?" nakangiti pang tanong niya.

" Good afternoon Gov. Manliligaw na ba kayo sa kaibigan namin?" tukso pa ng isang babae na animo close sila.

" Oo nga Gov. 2 years ka ng crush neto" gatong pa ng isang babae.

Kita ko naman ang pamumula ng pisngi ni ate Sy, halatang kinikilig. " Huy ano ba, nakakahiya" suway niya pa kunwari.

" Asus!"

" Bagay naman kayo"

Malamig lang na tumingin sa kanila ang gobernador saka hindi sumagot.
Naisipan ko nang bumaba dahil baka naiinip na ang gobernador kakahintay.

" Gov g-gusto niyo ba ng jui-"

Natigil siya sa pagsasalita nang lagpasan lang siya ni Gov saka lumapit sa hagdan para salubungin ako.

" Beautiful" puri niya nang makalapit sa sa'kin saka pinaikot ang braso sa bewang ko.

Ngumiti lang ako. " Let's go" mahina kong aya sa kanya. Nakita kong natigilan silang lahat habang nakatingin sa'min lalo na si ate Sy na namumula ang buong mukha habang nakatingin ng masama sa'kin.

" Let's buy new clothes for you. " ani Gov nang makapasok kami sa Mall.

Nakasuot ng sumbrero at salamin si Gov dahil baka dumugin siya ng mga tao. May mga guard na kasama si Gov, nandito lang sa loob ng mall, nagmamasid.

Pumasok kami sa isang sikat ng brand ng mga damit. Kampante naman akong mamili dahil may pera naman ako.

Kakapasok lang namin ay may nakuha na agad siya. " Here bob, bagay sayo." tinignan ko yung kinuha niya, maganda naman kaya tumango ako." Here." tumango ulit ako. " Eto pa" nagtaka na'ko. " Eto rin bob, maganda." wow. " Tapos eto-"

" Hey, ano ba? Anong ginagawa mo?" nagtataka nang tanong ko. Nakakailang lakad pa lang kami, ang dami niya nang hawak.

" Pumipili?" inosente niyang sabi.

" Wala pa tayong 5 minutes dito, ilan na hawak mo." saka ko tinuro ang nasa kamay niya. Napangiwi ako nang makitang limang damit na ang nakuha niya.

" Maganda naman ah" aniya pa saka itinaas ang mga damit na hawak niya. Napangiti ako dahil ang cute niya tignan. May hawak siyang pambabaeng damit sa magkabilang kamay habang nakataas.

" Do you love me na ba?" nakangiting tanong niya.

Napakurap naman ako sa lapit ng mukha niya. " Ang p-pangit mo pala" wala akong masabi. Tinalikuran ko siya saka naghanap ulit ng damit. Heck!

" What? Pangit ako? Ikaw lang nagsabi sa'kin niyan in my entire life, alam mo ba 'yon?" habol niya sa'kin.

Hindi ko siya sinagot. Ang bilis ng tibok ng puso ko, bwisit. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Kainis!

" Hey! Hintayin mo'ko" habol niya dahil binilisan ko ang paglalakad ko.

Gov, pwede bang huwag ka munang lumapit? Kinakabahan ako.

" Hey! Bob, look oh" aniya pa saka pumunta sa harap ko. Pinakita niya sa'kin ang dalawang basket na puno ng damit. What the fucking hell?

Wala pang isang minuto siyang nalalayo sa'kin, ang dami niya nang nadukot.

" Anong gagawin ko sa lahat nang 'yan?" hindi makapaniwalang sabi sa kaniya.

" Isusuot " inosente na naman niyang sagot.

" Bob ang dami niya-" natigil ako sa pagsasalita nang napansin kong natigilan siya. " Why?" tanong ko dahil hindi pa rin siya gumagalaw.

Napaatras ako nang kaunti nang mabilis siyang lumapit sa'kin saka sumubsob sa leeg ko. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang bewang ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang mabigat na paghinga ng gobernador sa leeg ko.

Gov kakasabi ko lang na 'wag ka munang lumapit. Yumakap ka pa.

" Damn! Huwag sa public please? Kinikilig ako." bulong niya na siyang nakapagtindig ng balahibo ko. Mula ulo hanggang paa, nangilabot ako tangina!

Shit! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, baka marinig niya. Nakakahiya!

Napatingin ako sa paligid, mabuti na lang at walang tao na nakakakita sa'min. Anong gagawin ko? Yayakapin siya pabalik? Itutulak?

" Achlys " hindi ko alam pero gusto ko siyang tawagin sa pangalan niya ngayon. Naramdaman kong natigil ang paghinga niya sa leeg ko. Hoy hala! Bakit hindi 'to humihinga?

" Damn it! Love, sasabog na yung puso ko." ramdam kong humigpit ang pagyakap niya sa bewang ko. " Shit! tangina, kinikilig talaga ako." lalo pa niyang isinubsob ang mukha niya.

Lalo rin akong nangilabot nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. Nang dampian niya nang halik ang parteng 'yon ay parang nanlambot ako. Parang gustong kumawala ng puso ko sa lakas ng kalabog. Damn! Heart, hindi ka makakaalis diyan. Manahimik ka!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginantihan ko ang yakap niya. This time, literal na nakadikit na ang ilong at labi niya sa leeg ko. Nanginginig ang kamay ko habang nasa likod niya, humahaplos.

" Fuck it! Liligawan na talaga kita."

Hindi ko napansin na naitulak ko siya matapos niyang sabihin iyon. Gulat naman siyang tumingin sa'kin.

Ligaw?  Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko naisip na gagawin niya 'yon. Pero gago? Seryoso ba siya? Hindi naman ako tanga para hindi malaman na may something sa treatment niya, pero estudyante pa lang ako.

He's 7 years older than me, and he's so damn successful. Malayong-malayo ang agwat namin.  And besides, he is known as womanizer. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon.

Ang alam ko lang, masaya ako.....sa kanya. He made me feel so special that no one did, even my family. He made me feel what it feels like to be a priority. Marami siyang pinaramdam sa'kin na hindi ko naramdaman sa iba, and i'm really thankful for that.

" Why? D-did i shock you?" nag aalalang sabi niya saka bahagyan lumapit sa'kin.

Bayolente akong lumunok bago nagsalita. " N-naman. S-sino bang hindi m-mabibigla." tumawa pa ako nang bahagya para maibsan ang kaba ko saka ko siya tinalukuran. Hindi ko alam paano ko siya haharapin. Bakit ako ang nahihiya? Hindi ba dapat siya? Pero mukhang proud pa siya eh.

" I'm serious bob. Actually, I'm courting you already, but you don't seem to notice. I just said so you're aware" aniya saka ako sinabayan sa paglakad. " Call me by my name again bob"

" Huh? Kailan kita pinayagan manligaw? Desisyon ka ah." asik ko sa kanya. Paladesisyon!

" Gano'n na rin 'yon, and besides tinawag mo na akong love hahaha"  tumatawang sabi niya habang pumunta sa harap ko saka naglakad paatras. Nagtataka ko siyang tinignan dahil wala akong maalala na tinawag siyang love. " Oh, don't deny it. I heard it clearly, you said ' love ang dami niyan' " aniya na parang ginaya ako.

Huh? Did call him love?

" I don't remember calling you love" sabi ko pa sa kanya.

" Oh! Come on! You said it a while ago. How can you forget it immediately." nakangusong sabi niya pa. Cute ka niyan? Slight sige.

A while ago? Oh! I said Bob, not Love.

" I didn't call you love" sabi ko bago mamili ulit ng damit.

" You did bob." pilit niya pa habang sinusundan ako.

" I didn't"

" Yes, you did" medyo malakas na boses na sabi niya.

" I didn't call you love. I just said Bob" mahinahon kong sabi. Napatigil naman siya.

" Eh?"

" Yes. Bob, Love. See? Magkatunog."

" But i heard you called me Love" ngumuso na naman siya na parang bata.

" Then, you heard it wrong." tinalikuran ko ulit siya bago ko pitikin ang nguso niya.

Habang namimili ako ay wala siyang ibang ginawa kun'di kulitin na tawagin siyang love. Hindi ko naman ginawa, bahala siya. Mabuti na lang din at hindi na niya nabanggit ang tungkol sa panliligaw. Baka nagbibiro lang siya.

Pagtapos kong mamili, pumunta na ako sa cashier.  Nilapag ko na ang isang basket na dala ko para macheck kung magkano. Napalingon ako sa tabi ko nang maglagay din ng basket si Gov ng isang basket don, sumunod ang dalawang guard niya na naglapag din ng tig isang basket. Gulat ko siyang nilingon.

" Hey, ang dami niyan. Anong gagawin mo sa mga 'yan?" tanong ko sa kaniya.

" Do I look like I'm wearing women's clothes?" nakataas ang dalawang kilay niyang sabi. Tinignan ko ang bawat basket na nilapag. Pambabae nga. Nang may marealize ako ay walang emosyon akong tumingin sa kaniya. " What? It's all yours." aniya na parang ilang piraso lang ang pinili niya.

" Sir, ito pa po " sulpot muli ang dalawang guard na may tig isang basket na naman.

Tangina! Baka hindi kumasya yung perang dala ko. Sa'yo ko ipapabayad Gov kapag nagkulang, sinasabi ko sa'yo!

Tinapunan ko ng masamang tingin ang gobernador bago tuluyang ibigay sa cashier na mukhang nabigla rin sa mga pinamili ko.

Nang matapos ang cashier ay tinapunan ko nang masamang tingin ang gobernador na nakangiti pa rin sa'kin bago kuhanin ang ATM card ko sa purse na hawak ko.

" Ma'am bayad na po." sabi ng cashier ng akmang ibibigay ko ang card ko. " Sir, eto po." aniya pa saka may binigay na parang ATM card din.

Kaya pala malakas ang loob mong kumuha nang kumuha!

" May pera ako 'no" sabi ko kay Gov nang makalabas kami sa shop na 'yon.

" What do you think of me? Nagpapabayad ng babae?" aniya saka nilagay ang braso sa bewang ko.

" Ah so naglilibre ka rin ng ibang babae?" lingon ko sa kaniya. Natigilan naman siya na parang iniisip ang sinabi niya. Tumango lang ako saka pumasok sa bookstore kaya natanggal ang braso niya sa bewang ko.

Well, hindi naman imposible.

Tuloy-tuloy lang akong pumasok saka naghanap ng pwedeng bilhin, yung maganda. Rinig ko ang pagtawag ni Gov sa'kin pero hindi ko pinansin.

" Hey! That's not what i meant."

" Bob "

" Hindi naman ganon e"

" Bob talk to me."

Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring abala sa paghahanap. Bigla kong naalala. Who am i to act like that?

" Yeah?" lingon ko sa kaniya.

" That was before. Hindi pa kita kilala no'n." explain niya pa, bakas sa itsura niya ang frustration.

" Yeah, yeah." sagot ko na lang dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Lumapit na ako sa cashier para bayaran ang dalawang librong napili ko.

Pero gaya kanina, hindi niya ako hinayaang magbayad. Hindi na ako tumanggi para maiwasan ang pakikipagsalitaan. Nahihiya ako sa inaakto ko. Hindi naman ako ganito dati.

" Bob " tawag niya sa'kin nang may panunuyo nang mauna akong lumabas sa bookstore.

" Hmm?"

" Kausapin mo 'ko." ayan na naman ang nguso niya.

" Kinakausap kita." lalo siyang ngumuso" Tigilan mo 'yang kakanguso mo. Nagugutom na ako."  sabi ko na lang para maiba ang topic.

Naiinis ako sa kinikilos ko. Hindi ako 'to. Tahimik lang ako dati, walang pakialam sa paligid. Walang pakialam sa mga tao. Bahay-school lang ako dati, ngayon saan-saan na 'ko napupunta.

Sinong bullshit ang sumanib sa'kin?

" Hey! You're spacing out."

Nabalik ako sa reyalidad. Saka ko lang napansin na nasa restaurant na kami at may pagkain na rin harap namin.

" Ah s-sorry" saka na ako nagsimula sa pagkain.

" I ain't facebook, but what's on your mind?" mahinahong tanong niya.

" A-ah, i'm just t-thinking about this coming christmas."  i lied.

" It's two week from now, right?" I nodded. " Any plans?" tanong niya pa.

" Ako, wala. Baka sila mommy, meron." sagot ko saka muling sumubo.

" Sila? You mean, hindi ka kasama?" seryoso niyang tanong.

" Hindi, sa bahay lang ako." kibit balikat kong sagot.

"  And why is that?" hindi nawala ang seryoso niyang boses.

" Ayo'kong sumama. I'm used to it so it's okay."

" So, you're always alone every Christmas? " usisa niya pa.

" Hindi naman. Sometimes, daddy stay with me."

" Mrs. Villaruiz will still go even you're not with them? " curious pang tanong niya.

" Hm-mm. She's with ate Sy."

" How your mom treats you?" he asked seriously again.

How do i answer that?

" I-I don't know. All i know is favorite niya s-si ate Syrene."  I answered bitterly.

" Syrene is really not your sister, aren't you?"

Gulat akong tumingin sa kaniya. Hindi ko binaggit ang tungkol do'n.
" H-how did you know?" taka kong tanong sa kaniya.

" I guessed." kalmado niyang sagot.

Galing mo naman manghula.

" Is Syrene treating you right? i mean, is she treating you like a sister?"

" No " agad kong sagot. " She never treat me like a sister. Everything she wants, she gets. Everything I want, mommy will decide. Favoritism. Tsk." Sino ba kasing nagpauso ng favoritism na 'yan. Sabik tuloy ako sa atensyon ng isang nanay.

" Do you think, favoritism is the only reason why your mom treat you like that?" tanong pa ni Gov. Napaisip naman ako.

Wala namang pwedeng ibang rason 'di ba?

" Yes? Imposible naman na ampon ako 'di ba?"

" Why is it impossible?" nanliliit ang mata niyang tanong sa'kin.

" Are you saying that i'm adopted? " asik ko sa kaniya. 

" No, no, no. It's not like that. I'm just saying, why do you think it's impossible? " agap niya.

" Mom and i have the same eyes and lips. Then, dad and me has the same nose. " pagmamalaki ko. I'm sure that i'm not adopted.

" Do you love your family? "

" Of course" agad ko na namang sagot. " What kind of question is that. Of course i love them." tumigil pa ako saglit. " Even though t-they're hurting me, not physically. But m-mentally and emotionally." I sadly answered.

It's true. Kahit marami akong sama ng loob sa kanila. Kahit pakiramdam ko minsan, hindi ako part ng pamilya.

" Bob, what will you do if you find out that you're adopted?" dire-diretsong tanong niya.

Nagtataka ako, bakit ganyan siya magtanong.

" Hindi nga ako ampon, kulet ah"

" Yes, yes, you're not adopted. I'm just asking, what will you do if ever?" kulet ah.

Pero ano bang gagawin ko kung gano'n? May possibility na totoong ampon ako..... Pero hindi. Kamukha ko sila e. Ano ba 'yan, binigyan pa ako ng iisipin.

" I don't know" sagot ko na lang.

Hanggang sa maihatid niya ako ay tungkol do'n ang iniisip ko. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko silang kumpleto sa sala.

" Anong sinasabi ni Syrene na pinahiya mo raw siya sa harap ng mga kaibigan niya?" salubong agad sa'kin ni mommy pagpasok ko ng sala.  Kita ko naman ang pagpapahinanon sa kaniya ni daddy habang si ate Sy ay masama lang ang tingin sa'kin.

" Mom, am i adopted?"

Imbis na sagutin ang tanong niya ay nagtanong ako. Hindi ako matatahimik hangga't iniisip ko 'to.

Kita ko ang pagbahid ng gulat sa kanilang mga mukha. Mula mommy, kay daddy at kay ate Sy. Nakaawang ang labi nilang para-pareho na parang hindi makapaniwala sa tinanong ko.

No please! No! I'm not adopted.

Wala pa ring sumasagot sa kanila. Tinignan ko si daddy nang may pagmamakaawa para magsalita.

" D-dad?"

" Of course n-not." sagot ni daddy saka dahan-dahang lumapit sa'kin.
" S-sa'n mo narinig y-yan?"

What's in that stuttering voice dad?

" I'm not adopted. That's the important. I'm not adopted."  bulong ko sarili ko habang pinipigilan ang mga luha ko na gustong pumatak. " I'm not adopted. I'm a Villaruiz" paulit ulit kong sabi. Pero mabigat pa rin ang loob ko.

Umakyat ako sa kwarto ko nang hindi lumilingon sa kanila. Yun lang ang kailangan ko. Sagot.

Pagpasok ko sa kwarto ay tuluyan nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang bigat sa pakiramdam kahit sinabi ni dad na hindi ako ampon. Malaki ang parte sa'kin na naniniwala, pero ang maliit na parte na natira ay lumalaban. Pilit pumapasok sa utak ko kung paano utal na sumagot sa'kin ai daddy.

Mas maniniwala ako kapag si mommy na ang nagkumpirma sa'kin ng totoo. Pero sa ngayon, panghahawakan ko muna ang sagot ni daddy kahit na hindi ako sigurado.

Hindi matibay ang pinanghahawakan ko, kailangan ko ng sagot mula kay mommy mismo.

Bakit hindi ko naisip ang bagay na 'yon? Na maaring ampon ako kaya gano'n si mommy sa'kin. Saka ko naalala ang kaisa-isang dahilan kung bakit naniniwala ako na anak ako ni mommy. Itsura.

No, no! Daddy said i'm not adopted. I'm not. I trust dad so much!

Continue Reading

You'll Also Like

810K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
2M 45.9K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
106K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...