✔ || Midnight Mask

By mariyachacha

1.6M 21.5K 3.6K

[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons o... More

EL PARADISO SERIES
Midnight Mask
;
SIMULA
UNA
DALAWA
TATLO
APAT
LIMA
ANIM
PITO
WALO
SIYAM
SAMPU
LABING ISA
LABING DALAWA
Quick Update
LABING APAT
LABING LIMA
LABING ANIM
LABING PITO
LABING WALO
LABING SIYAM
DALAWAMPU
DALAWAMPU'T ISA
DALAWAMPU'T DALAWA
DALAWAMPU'T TATLO
DALAWAMPU'T APAT
DALAWAMPU'T LIMA
DALAWAMPU'T ANIM
DALAWAMPU'T PITO
DALAWAMPU'T WALO
DALAWAMPU'T SIYAM
TATLUMPU
TATLUMPU'T ISA
TATLUMPU'T DALAWA
TATLUMPU'T TATLO
TATLUMPU'T APAT
TATLUMPU'T LIMA
TATLUMPU'T ANIM
TATLUMPU'T PITO
WAKAS (PART I)
WAKAS (PART II)
WAKAS (PART III)
WAKAS (FINAL PART)
Messag from the Author
SPECIAL CHAPTER I

LABING TATLO

32.9K 449 105
By mariyachacha


SO 'YON, BAGO AKO MAGING BUSY, BIBIGYAN KO MUNA KAYO NG ISANG PANGMALAKASANG UPDATE. HEHE. SALAMAT SA SUPORTA NIYONG LAHAT. ALL OF YOU DESERVED AN UPDATE. MWA

Chapter 13


Minutes had past when Aiko arrived with Lily, my secretary. Nagkita raw sila sa labas kaya halos magkasabay silang pumasok. I called Lily to come by for some documents I need sign. Hindi na kasi ako papasok dahil masakit pa rin ang ulo ko.

“Aiko, sit here.” Tinuro ko ang upuan sa tabi ko, opposite side nang inuupuan ni Aki.

He nodded and follow my order. “Bakit ang aga ni Aki dito?” tanong pa niya bago umupo.

“I slept here, hindi ko ba nabanggit sa'yo kanina?” Aki answered with his challenging look.

Nakatingin lang si Aiko sa kapatid pagkatapos niyang umupo sa tabi ko. Pinanuod ko lang sila habang inaabot sa akin ni Lily ang mga papel na pipirmahan ko.

“Hihintayin ko na po ba, Miss Talia? O, babalikan ko na lang po?” mahinang tanong ni Lily sa tabi ko.

Hindi ko siyang tiningnan. “Balikan mo na lang, mukhang hindi ako makakapagpirma ngayon...” I answered slowly while guarding the two before they'll make a mess.

Kahit hindi nila sabihin, kitang-kita ko namang nagkakainitan na ang dalawa. Nagtititigan sila hanggang sa may matunaw siguro sa kanila.

Nilingon ko si Lily. “You may go now,” utos ko sa kan'ya pagkalapag niya ng lahat ng mga papel sa mesa.

Tumango lang siya at nagpaalam. Sumulyap pa siya sa dalawa bago tuluyang umalis. Hinintay ko rin siyang makaalis muna bago ko binalik ang atensyon sa magkapatid.

“Hindi kayo titigil?” I hissed.

Ilang segundo muna ang lumipas bago sila sabay na humarap sa akin.

“Natnat.”

“Eve.”

“What?!” iritableng sagot ko matapos nila akong sabay na tawagin.

Hindi ko alam na hindi pala masaya sa paningin na pinag-aagawan ka ng dalawang lalaki. Bukod sa alam kong maganda ako, ay magkapatid sila. They shouldn't fight because of one girl.

“Masarap ba?” sabay nilang sabi bago muling nagkatinginan.

My forehead furrowed. “Ano? Umayos nga kayong dalawa, bago ko kayo pauwiin pareho.”

“Masarap ba si Aki?”

“Masarap ba si Aiko?”

Sabay ulit nilang sabi nang hindi inaalis ang tingin sa isa't isa. Mas lalo akong naguluhan sa pinagsasabi nila kaya tumayo na ako at padabog na hinampas ang mesa.

“Hindi ba talaga kayo titigil? Ako ang masarap, okay na?” Naiinis na talaga ako. Sumasakit na nga ang ulo ko mas lalo pa nilang pinasasakit.

Sabay silang tumingin sa akin na tila nagulat sa ginawa ko. Mataman ko lang silang tiningnan bago muling umupo.

“Kain na tayo,” utos ko bago itinuon ang atensyon sa plato ko. Pakiramdam ko kasi nakatingin lang sa akin ang dalawa at pinapanood ako.

Bahala sila, maglaway sila sa'kin.

Kumain lang ako at hindi na inintindi ang dalawa. Malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali. Tsk.

Pagkatapos kong kumain nagpirma naman ako ng mga papel na dinala ni Lily. Kumakain pa rin ang dalawa na hindi pa rin nawawala ang alitan sa pagitan nila. Nakakarinig na lang ako ng dabog at pagpaparinig nila sa isa't isa na hindi ko na lang pinapansin.

Titigil din naman sila at mapapagod.

“Ako na ang maghuhugas,” rinig kong sabi ni Aiko at kinuha ang pinggan ko na nasa tabi.

“Ako na,” may diin na sabi ni Aki habang nagliligpit ng mga pinagkainan.

“Ako na, Aki,” sagot pa ni Aiko.

“Ako na nga sabi, ako naman ang nagluto.” Si Aki.

“Kaya nga. Ikaw ang nagluto, kaya ako na ang maghuhugas. Hindi ka naman marunong maghugas.” Si Aiko. 

“Really?” Aki gritted. “Then, I'll learn. Hindi naman mahirap maghugas, 'di ba, Natnat?”

Maagap akong napaangat nang tingin sa tanong na 'yon at nag-iisip ng sasabihin.

“She doesn't know either,” sabad ni Aiko dahilan para maagaw ang atensyon ko. “Right, Eve?”

Tiningnan ko lang si Aiko saglit bago inirapan. E'di ikaw nang magaling. Marunong naman akong maghugas, hindi lang talaga siya para sa akin. Palagi kasi akong nakakabasag kaya sinukuan ko na ang paghuhugas ng pinggan.

I tsked and continue what I'm doing. “Magtalo na nga lang kayo, huwag niyo na akong idamay,” I blurted.

Saglit na katahimikan ang namayani bago nga sila nagtalo muli. Napasinghap na lang ako bago sila hinayaang dalawa at hindi na pinansin.

Pinirmahan ko na lang ang dinala ni Lily at hinayaan silang dalawa. Hindi pa ako natatapos sa pagpirma nang nakaramdam na naman ako nang mas matinding sakit ng ulo. Tang*nang alak 'yon, mukhang hindi ako tatantanan ng headache ko.

Mariin akong napapikit at sumandan sa upuan ko. Hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin ito. Huling beses na nagkaganito ako noong naghiwalay kami ni Aki, five years ago. We mutually understand our separation that time, it's just that, nasanay akong nandiyan siya kaya masakit para sa'kin.

“Eve? Are you alright?”

Hindi ako nagmulat ng mata. Alam kong si Aiko iyon, na naririnig ko ang mga yabag papalapit sa'kin.

“May masakit ba sa'yo?” tanong pa niya.

“Headache, but I'm fine. Mani lang ito sa'kin.” I opened my eyes and sit up straight.

Masakit talaga, pero kailangan kong umakto na ayos lang ako. I'm a strong independent woman. Iinom na lang ako ng gamot mamaya pag-alis nilang dalawa.

“Hindi ka okay, Natnat. Inumin mo ito, pangtanggal ng headache mo.”

Napaangat ako nang tingin at nakita si Aki na pinatabi si Aiko para makalapit sa akin. Tumingin lang si Aiko kay Aki at hinayaan ang kapatid.

“Here,” aniya pa at nilahad sa akin ang isang pirasong capsule na gamot.

Tiningnan ko muna siya sa mga mata bago napatingin kay Aiko sa likod. He's watching us like there's nothing he can do.

I smiled a bit before shaking my head and looked back at Aki. “No, thanks. I can do it myself,” I utter and move my chair backward. I stood up and passed him.

I walk towards Aiko and stopped right beside him. I move closer to him and whispered. “You're the only medicine I'd like to take. So, don't just stand there and follow me.” I ordered him and go straight up the stair.

Hindi ko na siya hinintay at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa kwarto ko. Ito na ang simula para malaman ni Aki na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Na hindi ko na ulit kailangan magpaliwanag at ipaalala sa kan'ya na tapos na kami. Para na rin sa peace of mind ko.

Dumiretso ako sa bathroom ng kwarto ko para maligo. Naiirita na rin kasi ako sa suot kong dress na hindi pa rin napapalitan simula kagabi. Mas maigi na 'yong malinis at health conscious.

After a few hour tapos na akong maligo. Don't judge me, it's normal to take a bath for an hour. Normal 'yon sa akin.

Nag-bathrobe lang ako bago nagtungo sa kama. Wala pa rin si Aiko na ipinagtaka ko. Dapat nandito na siya kanina pa.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at napatingin sa pinto. Bakit kaya hindi pa siya umaakyat?

I sighed and was about to lay down on my bed when I noticed a glass of water on my side table. I looked at it, and saw that beside of a glass of water, there's a lot of capsule for my headache and a note.

Hindi ko pinansin ang tubig at gamot, kinuha ko lang ang note at saka ito tahimik na binasa.

Pagaling ka muna bago kita paligayahin okay? Nasa baba lang ako. I'll take care of you. I love you, Eve.

Call me here 09052470645

Habang binabasa ang note ni Aiko, hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako. He's so cute. Nakakagigil!

Binasa ko muna ng ilang ulit ang note bago ito binaba at napagpasayahang uminom ng gamot. Mahirap na at baka hindi ako makapagpigil at babain siya.

Pagkatapos kong uminom ng gamot humiga na ako para makapagpahinga. Tatawagan ko na lang siguro siya mamaya pagkagising ko. He gave me his number naman kaya wala na akong iisipin.

I slept too much and woke up before dinner. My headache is gone, but my body is in pain. Dahil siguro sa maghapong pagtulog. Hindi pa naman ako sanay sa ganoon.

Dumiretso agad ako sa baba dahil nagugutom na ako. Pagkarating ko ng dining area nagulat ako sa nakita. It's Aiko, preparing food at my dining table.

Nandito pa rin siya?

“Bakit hindi ka pa umuuwi?”

Maagap siyang napatingin sa akin sabay ngiti. “I told you, hindi kita iiwan.” Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Okay ka na?” he asked.

I nodded. He immediately smile and kissed me on my lips, a smack kiss.

“Let's eat first? Naghanda ako ng pagkain para sa'yo.”

Hindi na ako nakasagot nang hilahin niya ako patungo sa dining table at pinaupo sa upuan ko. Umupo na lang din ako habang pinagmamasdan siya. Hindi pa rin kasi siya tapos sa pagpe-prepare ng pagkain. Nagtungo siya sa kitchen at kumuha ng kung ano doon.

Marunong pala siyang magluto? I thought he doesn't know anything at home. Lumaki silang pareho na may gintong kutsara sa bibig kaya nakapagtataka na marunong pala sila sa mga gawaing bahay.

Habang hinihintay si Aiko na umupo, pinagmasdan ko muna ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Mukhang masasarap ang pagkain, at pang-high class pa ang mga itsura. Ganitong-ganito ang kinakain namin ni Aki sa five start restaurant na kinakainan namin.

Not bad for a hot guy like him.

Husband material.

“Tara na kain na tayo,” ani Aiko pagkabalik niya galing sa kitchen.

May dala siyang dalawang basong mango shake na paborito ko. Agad akong napangiti at hiningi ang sa akin.

“Salamat, Aiko.”

“No problem, Eve. Basta ikaw nanginginig pa.” He smirked.

Napailing lang ako at nagpipigil na ngumiti bago sumimsim sa mango shake na hawak ko.

“Hmmmm...” komento ko nang matapos kong matikman ang mango shake. “Masarap siya, Aiko. Ganito ang lasa sa five star restaurant na paborito namin ni Aki.”

Tumango lang siya bago binigay sa akin ang steak ko. Hindi na rin siya nagsalita matapos noon at tahimik na kumain.

Nagseselos pa rin ba siya kay Aki?

Pagkatapos naming kumain tumulong ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin. Aiko insist but as a stubborn woman, hindi ako pumayag. He cooked so I'll clean and wash the dishes.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na lahat ng kinain namin kanina ganoon na ganoon ang lasa sa menu ng five star restaurant na 'yon.

Pagkapasok ko ng kitchen, naghanap agad ako ng kahit anong bakas ng restaurant. Baka umorder lang siya at nag-ayos ng plating, but no. All of my kitchen ware was used, even the blender for mango shake.

Tumingin ako kay Aiko na busy sa paglilinis ng kitchen ko. Maraming kalat pero hindi naman sobrang kalat. Minimal lang para sa pagluluto niya ng sobrang dami.

The thing is... how did he do that?

Continue Reading

You'll Also Like

2M 12.2K 9
Hiding Series #2: Billionaire's Twins (Completed) - Soon to be Published SYNOPSIS Fayre is a promdi girl who has a simple dream. And that dream is on...
6.4M 190K 28
R18|MATURECONTENT|ROMANCE|DRAMA PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. Jandie Mendoza is a typical secretary who works hard in a company. Her life ha...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
152K 3.1K 11
Paano kung ang dapat na masayang bakasyon ay mauwi sa isang nakakakilabot at malagim na trahedya? Ang kwento na ito ay istorya ng anim na dayo sa isa...