The Remnant

By rm_mystory

12 0 0

Kakayahang hindi inaasahan. Dala ay Pasakit. Handa ka bang harapin ang itinadhana? O talikuran ito at mag... More

Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: New Student
Chapter 4: Too Much to Handle
Chapter 5: Old Friend
Chapter 6: Fear
Chapter 7: Secrets behind the Untold Truth
Chapter 8: Answers to the Questions
Chapter 9: Friends?
Chapter 10: What's going on?
Chapter 11: The Man from before
Chapter 12: Another One?
Chapter 13: New Found Friend
Chapter 14: Occurrence
Chapter 15: Underlings
Chapter 16: A Truth? or A Lie?
Chapter 17: The Organization
Chapter 18: Condition
Chapter 19: Doubt
Chapter 20: Finding Answers
Chapter 21: Truime Real Leaders

Chapter 1: Scars of the Past

4 0 0
By rm_mystory

Zette' P.O.V.

"Ma oh si ate!" Sumbong ko kay mama habang kumakain kami sa mesa kasama si papa. Kumpleto kami ngayon kaya makikita ang makulay at maingay na pagsasalu-salo namin.

Linggo kasi ngayon at balak namin lumabas upang manood ng sine. Ito ang palagi naming bonding ng family ko tuwing sasapit ang linggo.

"Teka anong nangyayari? Nasaan ako?" Sa di ko malamang dahilan nakita ko nalang na maraming dugo sa mga kamay ko. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.

"Aray." Sabi ko sa sarili ko at tinignan muli ang mga kamay kong napuno na ng dugo matapos kong hawakan ang ulo ko.

"Nasaan sila?" Kahit nahihilo ay hinanap ng mga mata ko sila mama, papa at ate hanggang sa makita ko na katabi ko sila at wala ring mga malay. Puno ng dugo ang kanilang mga damit at may agos ng dugo sa kanilang mga mukha.

Nasilip ko bigla si ate na katabi ko ngayon at may-

"Ate!" Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at nahulog sa sahig.

"Napanaginipan ko na naman." Bulong ko sa sarili ko at tumayo ako sa pagkakasalpak ko sa sahig at naupo sa kama.

Tiniklop ko ang mga binti ko, ginamit ko ito bilang panakip sa mukha kong nakayuko na.

"Bakit mo ko iniwan ate?" At tuluyan ng umagos ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan at tila ayaw nitong tumigil.

Ilang minuto na akong umiiyak ng makarinig ako ng pagkatok sa labas ng kwarto ko.

"Anak, ayos ka lamang ba?" Wika ni mama na nasa labas ng silid ko. Marahil ay narinig niya ang pag kalabog ng sahig.

"Opo Ma, ayos lang ako!" Sambit ko kay mama at pinunasan kong muli ang aking mga luha. Pero ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng silid ko at pumasok si mama. Gamit-gamit ang kanyang wheelchair kung saan siya nakaupo ay lumapit ito sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba." Mahinahong wika ni mama at gamit ang kanyang kamay ay pinunasan niya ang mga pisngi ko na may bahid ng luha.

"Ma... Napana..ginipan ko na naman si ate." Utal kong tugon sa kanya at tumulo muli ang aking mga luha.

"Sshh... alam kong mahirap anak pero kailangan mong maging matatag." Sambit ni mama sa akin at muli niyang pinunasan ang luha na dumaloy sa mga pisngi ko.

"Maligo ka na at magbihis dahil pupunta tayo sa sementeryo. Ikalawang taon na ng pagkamatay ng ate mo." tipid na ngiti ni mama at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.

Pagtapos ay tumayo na ako upang maghanda.

Cemetery

"Anak, pasensya ka na kung ngayon lang kami nakadalaw sayo ng kumpleto." Sabi ni mama sa harap ng puntod ni ate habang nangingilid ang mga luha nito. Si papa naman ay gaya ng dati, tahimik pa rin.

"Ate... ikaw na ang bahala kayla mama at papa ah. Lagi mo silang babantayan. Huwag kang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko." Wika ko sa aking sarili at ngumiti na akala mo ay makikita ni ate ang pag ngiti ko.

Dalawang taon na ang nakakalipas magmula ng maaksidente ang sasakyan namin. Lulan nito sila mama, papa, ate at ako.
Sa aming dalawa, si Ate Ria ang pinaka paborito ni papa. Bukod sa matalino ito ay lahat ng inuutos ni papa ay sumusunod ito.
Pero magmula ng mawala si ate ay mistulang hangin nalang ako sa paligid dahil hindi ako kayang tignan ni papa sa mga mata. Di gaya noong bata pa ako na hilig niya akong kargahin at sorpresahin.

"Pa, Ma, una na po ako sa sasakyan." Wika ko kayla papa at mama na hanggang ngayon ay nakatitig sa puntod ni ate Ria.

"O sige anak, intayin mo nalang kami ng papa mo sa loob ng kotse." Tugon ni mama at pinisil ang kamay ko bago ibinalik ang tingin sa puntod ni ate. Habang si papa ay tumango lang sa akin at binaling na ang tingin sa puntod ni ate habang hinihimas-himas ang likod ni mama.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit alalahanin ang imahe ni ate kasama ng masasayang alaala. Siya lang kasi bukod kay mama ang nagpapangiti sa akin at nakakakumpleto ng masayang pamilya namin. Pero kahit anong pilit ang pag pikit ko, tanging ang aksidente lang ang nakikita ko.

"Bakit ganon ate? Bakit hindi ko maalala ang masasayang alaala nating dalawa? Bakit yung gusto kong kalimutang pangyayari ang tanging alaala na meron ako?" Hindi ko na namalayang umaagos na muli ang luha sa mga mata ko.

Habang umiiyak ako ay may biglang kumatok sa bintana ng sasakyan namin. Binuksan ko ito at nakita ko na may batang nagbebenta ng sampaguita.

"Ate bili na po kayo ng sampaguita, mura lang po ito." Alok ng bata sa akin at itinapat sa bintana ng sasakyan ang binebenta niya. Di ko naman kaya ang hindi maawa sa kanya dahil kahit bata palang ay kumakayod na siya upang may makain.

"Magkano ba iyan?" Tanong ko sa batang babae habang naghahanap ng barya sa wallet ko pang bayad.

"Sampung piso lang po isang tale, ate." Nakangiting sabi nung bata sa akin. Halatang natutuwa dahil may bibili ng paninda niya.

"Oh heto ang isang daan, sayo na ang sukli." Sabi ko at inabot ko sa kanya ang pera habang inabot naman niya sa akin yung sampaguita. Pero bago maghiwalay ang mga kamay namin ay nagdampi ang mga dulo ng daliri niya sa akin at may biglang lumabas na kung ano sa ibabaw ng ulo niya.

Sinubukan kong kusutin ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang ako kaya kung anu-ano nalang ang mga nakikita ko. Pero kahit anong kusot ko ay di na maalis sa ibabaw ng ulo ng bata ang oras na ang format pa ay 00:00:00.

"Dalawang minuto? Anong ibigsabihin non?" Bulong ko sa aking sarili. Bumalik ako sa pagkatulala ng may sabihin sa akin yung bata.

"Salamat po ate." Tugon niya at nginitian ako bago umalis. Di ko alam kung bakit ako biglang kinabahan pero sinundan ko ng tingin ang batang naglalakad at tatawid sa may kabilang kalsada ng biglang nag zero lahat ng nasa ibabaw ng ulo niya at bigla itong nasagasaan ng sasakyan.

Tumilapon ang bata sa sahig at napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat. Nakita kong bumaba ang may-ari ng sasakyan at tumawag ng ambulansya.

Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako kung saan nakahandusay ang katawan ng bata na walang malay at umaagos ang dugo na nanggagaling sa ulo niya.
Kanina lang ay nakangiti siya sa akin habang nagbebenta ng sampaguita.

Dumating ang ambulance na may lulan na mga medical staff upang tignan ang kalagayan ng bata pero sa kasawiang palad, patay na ang bata. Nag desisyon nalang ang mga ito na dalhin ito sa puninarya gamit ang ambulansya upang maayusan. Habang ako ay naiwan sa kinatatayuan ko na nanlambot ang mga tuhod, napaluhod at lumuluha.

"A-nong na-ngyari? Ba-kit siya namatay?" Paulit-ulit na tanong ko sa aking isipan. Di ko rin maintindihan kung ano yung nakita ko bigla sa ibabaw ng ulo niya. Bakit may oras? Para saan iyon?

"Anak!" Napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni mama na nasa tapat ng sasakyan at nakatitig sa akin habang si papa ay naka poker face lang.

Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanila at sumakay ng sasakyan.

Tahimik lang ako habang bumabiyahe kami ng bigla akong hawakan ni mama sa mga kamay.

"Anak, ayos ka lamang ba? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod na pag-aalalang tanong ni mama sa akin. Pinilit kong ngumiti at saka ako sumagot sa tanong niya.

"Opo, Ma. Ayos lang po ako. Marahil ay napagod lamang po ako." Tugon ko kay mama at pinisil ang kanyang kamay at saka tumingin sa bintana malapit sa kinauupuan ko at pinagmasdan ang kalangitan.

Di ko namalayan na nakauwi na pala kami. Dumeretso ako ng kwarto ko at nagkulong.

Humarap ako sa mini table ko kung saan naka display ang picture naming dalawa ni ate Ria. Pareho kaming abot langit ang ngiti.

"Ate, bakit kailangan kong makakita ng taong namatay kanina? At take note, bata palang yon. Bakit kailangan niyang mamatay ng ganoon kaaga? At saka may nakita akong oras sa ibabaw ng ulo nung bata bago ito mamatay. Ibig bang sabihin non ay yun ang oras kung kailan siya mamamatay?" Bulong kong tanong sa larawang hawak ko.

Alam kong di ako masasagot ng larawan ni ate pero siya lang ang pwede kong mapagsabihan ng ganito. Baka isipin nila na nasisiraan na ako ng bait.

Continue Reading

You'll Also Like

877K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...