Unrequited (GL) [HSS #4, Comp...

By InsaneSoldier

709K 40.7K 13K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 4: North Date started: July 15, 2017 Date completed: March 2... More

Unrequited
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 30

12.6K 802 130
By InsaneSoldier

Nagulat ako nang bigla na lang akong paulanan ni Yuka ng confetti kuno pero mga yellow papers lang talaga iyon na hindi ko pa sure saan niya nakuha.

"Den-den-denen," Hindi ko alam kung mahihiya ako o ano dahil tune ng pang-wedding ang hina-hum ni Yuka. Jean! Kung hindi ka lang talaga buntis! "Den-den-denen..."

Hindi na ako nakatiis. Nilapitan ko si Yuka, hinila siya paupo at kinurot sa pisngi ng madiin.

"Aray!"

"Ang kulit mo!"

Tawa-tawa lang siya habang si Jean naman ay aliw na aliw sa amin na akala mo napaka-inosente niya. Siya nga may pakana ng lahat. Yung asawa naman niya ay nasa may gilid lang na parang hinahayaan lang kami, but I can see him smiling kahit nagpapanggap itong abala sa laptop.

"Kainis ka, Jean," Hindi ko na napigilan umungot.

"Sorry na nga," Pinahawak niya sa akin yung tiyan niya. "Nadulas si baby."

Tiningnan ko siya at pinanliitan ng mata. "Hindi pa nga nalabas yung bata, sinisisi mo na agad sa pagiging madaldal mo."

Wala pa nga akong halos pahinga, ngayon pa lang sana. Pero itong mga kaibigan ko, gabi na tapos bigla na lang akong pinapunta rito sa bahay nina Jean at sinabing dito kami matutulog. Wala naman akong choice, kahit si Ian kinausap na ako dahil ang kulit daw ng asawa niya.

Yung pagkakasabi niya pa ng please parang kulang na lang ipamigay niya si Jean. Ang weird naman kasi magbuntis.

Na-discharge na si South sa hospital. Hindi na rin ako nag-abalang dumalaw dahil ang nasa isip ko ay family time nila iyon. I can ask naman about their whereabouts pero right now, I just want them to enjoy each other's company.

North really needs that, so is the twins. Ang bait-bait ng kambal, ang bata pa nila pero mature na mag-handle ng sitwasyon. They don't seem like it ─ especially si East, pero mas mature siya kay West, she's just too sweet and a little childish that it'll be a surprise to notice, lalo na kung magseseryoso ito.

West is nice, too. She seems the serious type pero marunong naman pala magbiro. Nga lang, sa lahat ng nagj-joke, siya yata yung seryosong magbato ng sinasabi. Nangiti naman siya pero reserved, marunong din tumawa pero minsanan lang.

It feels nice lang na comfortable sila sa akin. Kahit parang nabu-bully lang ako ni East. Ako ang matanda sa kanila pero akong kinakawawa. They don't even call me Ate...mga batang 'yon.

"Partner in crime kami ng anak ko kahit hindi niya pa nas-sight kagandahan ng mama niya."

Pinigilan ko huwag magkomento sa narinig. Maganda naman si Jean, bagay ang pagiging morena nito. Si Ian naman ay katamtaman lang ng kulay ng balat.

"Ian, remind me again bakit kayo nagpakasal," Hindi rin ako nakatiis. Napatingin tuloy sa akin itong asawa ni Jean at natawa kaagad kahit wala pa nga. "Ibalik mo na 'to sa Mama niya."

"Tangina nito," Hinila ni Jean yung buhok ko ng pabiro. Tumayo pa siya at lumapit sa asawa. Nagkatinginan kami ni Yuka at napangiwi dahil walang kahiya-hiyang naupo ito sa lap ni Ian. "Usapan namin walang solian sa magulang kapag kinuha na. Pagkatapos akong mapikot?"

"Akala ko ako ang napikot?" sagot ni Ian.

"Hub, huwag kang kontrabida."

"Sabi ko nga."

Ang under naman nitong si Ian. Tapos kung makatingin kay Jean, hindi rin obvious na patay na patay siya sa kaibigan namin.

Pero hindi ko maiwasan mapaisip, feeling ko sa aming dalawa ni North parang ako pa yata ang magiging under. Masungit din kasi siya minsan, lalo na kapag seryoso ─ although madalas naman ay nakangiti siya sa akin at mabait. But whenever she says something, parang ang choice ko lang ay sumunod.

Willing naman ako maging under.

Inabutan ako ni Yuka ng shot glass. Nangiwi pa ako dahil punumpuno iyon, parang gusto yata nila ako lasingin. Kahit si Ian ay inabutan din niya. Lahat kami iinom except kay Jean dahil bawal at makakasama sa baby.

Tinanggap ko na lang iyon at ininom.

"Kailan kasal, Gail? Nag-ano na kayo?"

Nahirinan ako sa alak at napaubo. Tinawanan naman nila ako. Parang sinadya talaga ni Yuka na ganoon ang tanong. "Anong tanong 'yan?"

Kung alam ko lang na ganito mangyayari, hindi na sana ako pumunta. Tiningnan ko ng masama si Jean.

"Ikaw, kasalanan mo 'to, ang ingay mo."

Mantakin ba naman kasing nadulas siya kay Yuka at nabanggit na kami na ni North. Todo explain pa ako kanina pagdating ko rito dahil binomba kaagad ako ng tanong. Akala ko naman iyon na 'yon pero may part two pa yata ngayon lalo na't may alak na siyang ino-offer.

Nakakatakot pa naman kainuman minsan itong si Yuka. Sila nga lang ni Jade nagkakasundo kapag ganito, eh. Parehas pa naman silang makalat malasing akala mo strong.

"Sorry na nga kasi," Walang bakas ng sincerity na sambit sa akin ni Jean. "Nawili lang ako chumika tapos edi ayon, nachika rin kita."

"Si Jade ba alam na?" Umiling siya. "Eh, si Apple?"

"Hindi rin."

"Okay, kami na ni North magsasabi sa kanila." Tiningnan ko siya ng seryoso. Ngumiti naman siya ng nakakaloko. "Jean!"

"Oo na nga!"

Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi naman na siya dadaldal talaga.

"Pero ano na nga?"

Napalingon ako kay Yuka. Inabutan na naman niya ako ng alak. Feeling ko nakailang shot na siya habang nag-uusap kami ni Jean. Namumula na kasi ito. She squeezed herself closer to me. Si Jean naman ay umalis na sa pagkakaupo sa asawa niya at pinagitnaan nila akong dalawa.

Ian closed his laptop and settled himself sa floor. Nasa sofa naman kaming tatlo. May dalawang bote ng alak sa center table at ang dami kaagad bawas no'ng isa. Sabi na, eh, ginagalingan masyado ni Yuka.

"Anong ano ba?"

"Nag-ano na kayo?" Hindi ako nakakibo sa tanong ni Yuka. Ang inosente ng mukha niya kaya nakakagulat kapag nagsasalita siya. Dadalhin ka talaga sa kung saang dimensyon. "Joke lang. Sabi ni Jean joke-joke lang yung boyfriend mo dati, eh. Tagal ng joke mo, ah, three years."

Napakamot naman ako sa pisngi ko at basta na lang nilagok yung inumin. Sa totoo lang ine-expect ko na yung ganitong reaction niya, yung parang wala lang. Ang bilis lang niya mag-absorb ng information tapos hindi man lang mac-curious talaga. Kadalasan nga lang talaga mga tanong niya, lulumutin ka na lang sa utak kahit ayaw mo.

"Sorry na."

"Gaga, ba't sa akin ka nag-s-sorry?" Yumapos siya sa braso ko at ini-sway ang sarili, pati tuloy si Jean nababangga ko sa likot niya. Gumanti pa si Jean at binangga rin ako. Nas-sandwich ako sa dalawang ito. "Chase your happiness lang, Gail. Okay lang 'yan!"

"Eh, ikaw?" Hindi naman lingid sa kaalaman namin yung lalaking nagugustuhan niyang biglang nag-ninja mode at hindi na nagparamdam.

She shrugged her shoulders. "Wait ko na lang mawala feelings ko. Kung hindi para sa akin yung tao, ayos lang naman. It just means there's someone else prepared for me. Pero who knows? Malay mo siya pa rin, hindi pa lang ngayon yung perfect time."

"Sabagay."

"Ewan ko sa inyo, mga pabebe kayo." Inilingan kami ni Jean. Siya lang talaga yung parang hindi agree sa mga desisyon namin sa pag-ibig namin. "No wonder ako pa lang ang kasal sa atin. Ang mga pagong ninyo!"

"Sorry naman, ah." Magkapanabayan naming sagot ni Yuka.

"Ikaw, Yuka!" Halos humiga na siya sa akin nang pilit niyang inaabot si Yuka na napalayo na habang tumatawa dahil dito kay Jean. Ang gaslaw. Akala mo siya ang nakainom. "Kung ayaw sa'yo edi don't! Yung future na sinasabi mo, walang future-future! We're living in the present, do something worthwhile, will you?"

"Sorry na, Ma," Tumatawa pa rin si Yuka. Hindi ko nga alam kung nakikinig ba siya sa sermon nitong isa. "Kumalma ka nga, baka ma-deform yung bata sa tiyan!"

"Okay pa itong anak ko!" She retorted pero umayos din naman ng pagkakaupo. Binalingan niya ako ng tingin. "At ikaw!"

"Ako na naman?"

"Siguro naman brave enough ka na dahil kayo na ni North?" Tinaasan niya ako ng kilay. Tumango ako kasi feeling ko naman matapang-tapang na ako, nalulunok ko na nga hiya ko, eh. "Don't run away again from your feelings, tama na yung Seth technique mo. Hindi mo kina-astig iyon, sizt. Yuka, baka bet mo si Seth?"

"Ayoko, masyadong gwapo."

"Oh, e, ano gusto mo?"

"Medyo gwapo lang." Humagikhik pa ito. "Para konti lang kaagaw."

Hindi ko masabing hindi type ni Seth ang babae. Pero sige hayaan ko na lang.

"Kaya ikaw, Paris Avegail ─"

"Ako pa rin?"

Nginisian ako ni Jean. "Binibigyan lang kita ng advice dahil expert ako sa love."

Porke kasal na...pero sabagay, lagi naman siyang may point.

"Just like every relationship, it won't be easy. It's in our nature to complicate things. After all, we have different opinions and we tend to argue to make a point." Inabutan niya ako ng isang shot glass ng alak. Ininom ko iyon habang nakatuon lang ang atensyon sa kanya. "Don't try making a point ─ try to let your partner know why you need to be heard and then do the same for them. Listen to each other and make your opinions blend with one another. There's no such thing as being the upper hand, a relationship is a continuous adjustment anyway. Until both are comfortable enough."

"Hindi siguro kayo nag-aaway palagi ni Ian." Buti na lang ay nagsalita si Yuka dahil nawalan talaga ako ng sasabihin. Ang iba kasi talaga nito magbigay ng wisdom, akala mo ang tanda-tanda na. Tumingin siya sa asawa ni Jean. "Mabait ba sa'yo 'to si Jean? Hindi ka ba talaga under?"

"I love serving my wife," Natawa si Ian, parang nahihiya pa ito maging malambing. Eh, kami-kami lang naman. "She listens to me all the time. I love it."

"Kaya magpakasal na rin kayo," Naglumikot na naman si Jean at halos humiga na sa amin ni Yuka. Jusko, ang bigat niya kaya. "Ako na flower girl."

"Ring bearer na ako," Pakikisakay ni Ian. Natawa tuloy ako kasi ang laki niyang tao, hindi ko ma-imagine.

"Hindi pa ako ikakasal kaya sige ako na yung singsing," dagdag naman ni Yuka na ikinatawa namin.

I can't help but admire Jean and Ian. Ang mature ng dalawang ito. Married life is really great to them.

Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ito at para akong sira na napangiti dahil tumatawag si North. Napangiwi naman ako nang sikuhin ako parehas nina Yuka at Jean. Mga mapanakit.

"Hinahanap na si Andres," pang-aasar ni Yuka. "Go na, lover girl."

"Baliw."

I excused myself to them at nagpunta sa may labas ng bahay, pero nasa tabi lang ako ng pinto. May kalamigan ang hangin ngayong gabi.

I answered the call. I can't help but feel excited. Saglit pa lang naman kaming hindi nag-uusap pero miss ko na kaagad siya.

I'm so whipped. Tama yata silang Andres ang itawag sa akin.

"Hello?"

"Hey, Paris," Her voice sounded really soft with a glint of teasing. She purposely did an accent on my name. Ang...sexy pakinggan.

Napahilot ako sa sentido. Malakas yata tama no'ng alak, ang dami kong nainom dahil tuluy-tuloy sila mag-abot.

"Kamusta ka naman diyan?"

"Binu-bully nila ako," Natawa ito dahil tonong nagsusumbong talaga ako. Totoo naman kasi. Daming alam ng mga 'yon. "Lalo na 'yon si Yuka, alam mo naman paano magsalita 'yon."

"Anyone will tease you if you're being that cute."

"I'm not." Hindi ko siya mabawian na mas cute naman siya, kasi ang ganda-ganda niya. "How about you? Nakapagpahinga ka na ba?"

"I'm okay. South's really fine and she seems relaxed than usual, Jade's happy as well. Even the twins."

"Eh, ikaw?"

"I'm happy seeing them happy."

Napatango ako kahit hindi niya nakikita. Her voice sounded genuine, ramdam ko yung relief sa boses niya sa sinagot. She's so selfless, I just wish there's still enough for herself.

"Si Jade ba tingin mo napapansin na niya yung atin?"

Narinig ko yung pagtawa niya. "Feeling ko hindi. She's oblivious when it comes to other people. Pero let's tell them kapag kasama na sina Apple, set na lang natin. How about you?"

"Paanong ako?"

"Do you want to tell your family about us?"

"Hm-mm, siyempre," Kahit alam kong medyo mahihirapan ako sa part na 'yon. But I'm decided that I want them to know North because she's someone I want to be with. Wala silang choice kung hindi tanggapin iyon. "Ang ganda mo masyado para hindi ipakilala."

"Adik," Her laugh was contagious that I found myself smiling. Ang ganda-ganda lang pakinggan. It feels carefree and light. "Alam mo ba?"

"Huh? Ano?"

"Mahal kita."

Napalunok ako. Hindi na mabura-bura ang ngiti sa labi ko. Bakit ganyan ka, North?

"Mahal kita."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
679K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
552K 28.7K 36
"What makes you think you're already in love? You haven't even met that Zero." Natawa naman ako sa kaibigan kong si Leigh habang inaayos ko yung sint...