"H-hoy, bitaw na. Nawiwili ka na sa yakap kong tukmol ka." Pinagmukha kong naiinis ang boses ko para pagtakpan ang emosyong lumulukob sa pagkatao ko.
I miss you naman daw eh, Edi I miss you too!
Tanging pagtawa lang ang isinagot niya bago bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Nasaan ang 'I miss you too' ko?" Nakangusong tanong niya.
"Required ba yun?" Ngiwing tanong ko.
"Yes!"
"Eh hindi naman kita namiss eh." Diretsang saad ko. "Mawawala ang kaastigan ko pag sinabi kong miss kita." Bulong na dugtong ko.
"So you miss me?" Tanong niya na ikinalingon ko. Ay narinig niya pala.
"H-ha? May sinabi ba ako?" Pag mamaang maangan ko. "At teka nga, bakit mo ba ako pinapunta dito?"
Nagpailing iling siya bago may inabot sa backseat at inabot sakin ang isang paper bag.
"Open it."
"Ano ba'to? Baka mamaya pagbinuksan ko 'to may laman pala 'tong bomba ha."
"Stupid! Why would I put a goddamn bomb there? Edi sabay tayong sumabog?"
Stupid daw.
"Ito na nga bubuksan na. Galit agad eh." Ismid na sabi ko at sinimulang buksan ang paper bag.
Nangunot ang noo ko ng tumambad sa akin ang isang witch costume.
"Wear that tomorrow." Aniya at iniabot pa sa akin ang isang black envelope. "I'll pick you up, exactly 5 pm."
Hanudaw?
"Bakit ko susuotin yan? Anong meron bukas? At saka mukha ba akong mangkukulam para pagsuotin mo ng ganyan?!" Singhal ko sa kanya. Pagsuotin ba daw ako ng witch costume?
Narinig ko naman ang gwapo niyang halakhak pero hindi ko pinansin iyon.
Binasa ko na lang ang nakasulat sa envelope na iniabot niya sa akin.
Beware it's a ghostly affair.
Attend if you dare!
Friday, November 1, 2***
1234 Spooktacular Street, Horrorville.
Don your costume, old or new.
And be sure to byo witches brew.
But keep the small children from our sight.
For danger lurks for them this night.
We will watch for you at the hour of 5:15PM.
Yan ang nakalagay sa envelope.
"Don't worry kasama natin si Deivine."
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sinong may sabing papayag ako?"
Dumilim ang mukha niya sa sinabi ko.
"I won't take no as your answer." Final na saad niya.
"Pilitin mo muna ako." Tudyo ko at nagkibit balikat.
Ano naman ang mapapala ko kung sasama ako? May pagkain ba dun? At saka halatang Halloween party ang pupuntahan namin, base pa lang dun sa imbitasyon na binigay niya sa akin.
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Akala ko ay tuluyan na siyang magagalit dahil sa talim ng tingin niya sa akin pero laking gulat ko ng bigla siyang dumamba sa akin at inilapit ang mukha sa mukha ko.
Amoy na amoy ko ang amoy mint na hininga niya at ang pabango niya.
At halos hindi naman ako makahinga sa sobrang lapit niya.
"H-hoy, ano ba?! L-lumayo ka n-nga!" Utal na ani ko at tinulak tulak ang mukha niya. Kulang na lang ay magsumiksik ako sa gilid ng upuan.
Nag iwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin, diretso sa mata ko.
"Hmm? What is it baby?" His husky voice is like a music in my ears. "Look at me, baby."
Baby amp, mukha ba akong sanggol?
Pinanatili ko ang tingin ko sa bintana. Ramdam na ramdam ko ang lapit niya sa mukha ko. Tumatama rin ang hininga niya sa mukha ko. Patuloy pa rin ako sa pagtulak sa kanya pero para na rin akong nagtutulak ng pader.
"Look at me, please?" Pakiusap niya. Hinawi niya rin ang ilang buhok na tumatabing sa mukha ko.
Umiling ako. "B-bakit ba kasi? At puwede ba, u-umalis ka nga d-diyan ang bigat bigat mo."
"Aalis lang ako pag tumingin ka sa akin." Ngunit nanatiling matigas ang ulo ko.
Aice, h'wag kang titingin.
"Aice."
Wag kang lilingon.
"Nichole."
Olalalalala!
"Hernandez."
Oo apelyido ko yan.
"Salvador."
Salvador daw---- Huh?!
Napalingon ako sa kanya. Na sana ay hindi ko na lang ginawa. Isang hibla na lang ang layo ng aming mga mukha.
Nakatitig lang siya sa akin na parang minememorya ang aking mukha.
Ang puso ko naman ay kulang na lang ay lumabas at magtatalon.
"Can I kiss you?"
Kita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya.
Wala sa sarili ko namang binasa ang labi ko.
Narinig ko pa ang ilang daing at mura niya bago hinawakan ang pisngi ko at walang pasubaling hinalikan ako.
Naipikit ko na lang ang mata ko. Para akong nakalutang sa mga ulap. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga kamay niya.
Ni walang pumapasok sa isip ko sa oras na hinahalikan niya ako. At hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing naglalapat ang labi naming dalawa ay nawawala ako sa huwisyo?
Nanatiling magkalapat ang labi naman hanggang sa isang busina ang nakapagpatigil sa amin.
Agad ko namang naitulak si Deive sa gulat. Dumaing naman siya sa sakit ng mahulog siya sa upuan.
Ako naman ay tumingin sa bintana na para bang walang nangyari. Ngunit ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.
Jusmiyo Aice! Lumelevel up ang kalandian mo!
"Damn who's that asshole? Pang abala!" Mura ng tukmol.
Nilingon ko naman ang bumusina sa amin. Abot abot langit ang kaba ko ng nakilala ko kung kaninong kotse iyon.
"S-si kuya yun."
"Ahh, si bayaw naman pala." Aniya at lumabas ng kotse at nilapitan ang kotse ni kuya.
Bayaw?
Napakurap na lang ako sa ginawa ni Deive.
Hindi ko naman ang alam ang gagawin ko kung lalabas ba ako o hindi. Dahil alam kong sa oras na lumabas ako, tiyak malalaman nila na nagkikita kami ni Deive.
Eh ano naman kung malaman nila?
Maya maya pa ay pumasok si Deive na may ngiti sa labi.
"Bakit ka nakangiti?"
"Nothing, anyways bukas five pm! Susunduin kita at yan ang isusuot mo bukas." Sagot niya at hindi maalis alis sa labi ang ngiti.
Anyare dun?
Please don't forget to vote and comment💖
————————————————————————————————————————————————————————————
Kinulang sa asukal sa katawan ang author niyo🥲