Casa Inferno (The heart's hom...

By JFstories

6M 265K 179K

"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. High... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ALWAYS
Hello Again (Update 2.1)
Hello Again (Update 2.2.)
Hello Again (Update 2.4.)
Hello Again (Last Wattpad Update)
The book

Hello Again (Update 2.3.)

67.7K 4.2K 4K
By JFstories

"Hello Again"


Natutop ko ang aking bibig pagpasok ko sa ika-anim na kuwarto. Sa loob kasi nito nakaburol ang isang mahabang kabaong. Sinalubong agad ako ng masangsang na amoy. Napatakip ako ng ilong dahil nasusuka ako sa amoy na tila ba nabubulok na laman.


Ito ang ika-anim na kuwarto sa panaginip ko. Ang kaibahan lang nito ay nakakandado ito sa bangungot ko. Dito namin nadiskubre nila Klay at Green na rito ikinulong ang grandparents nilang sina Don Saul at Donya Soler. Dito rin ikinulong muna ang mag-asawang Rogelio at Corazon bago nangyari ang lahat ayon sa diary entry na nabasa ko.


May mga upuan na nakasalansan bago ang puwesto ng kabaong. Nakapagtatakang isang matandang babae lang ang nadatnan ko sa kabila ng dami ng upuan na naroon. Nakatalikod siya sa gawi ko.


"N-nasaan po ang mga nakikipaglamay?" tanong ko kay Lolo Saul na nasa likuran ko lang. 


Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Walang nakikipaglamay, hija."


"P-po?" Napabaling tuloy ulit ako roon sa matandang babaeng nakaluhod sa pagkakaupo. Magkasalikop ang mga palad niya at mukhang nananalangin siya. "Siya po? Hindi po ba siya nakikilamay?"


"Siya si Corazon."


Nanlaki ang mga mata ko. "A-asawa po siya ni Lolo Rogelio?"


Malungkot na tumango ang matanda. Bagama't may pagtataka sa mukha niya kung paanong naging tama ang hula ko.


Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Sa diary ni Corazon na nabasa ko, ngayon pa lang mamamasukan bilang kawaksi ang dalawa sa mga Castellano. Pero bakit ganito na ang nadatnan ko? Bakit wala nang buhay si Rogelio?


"Matanong ko lang po, ilang araw na po nakaburol dito ang bangkay?" lakas-loob kong tanong. 


Hindi agad nakasagot si Lolo Saul. "Bakit mo naitanong, hija?"


"B-bakit po parang nangangamoy na?"


"Isang buwan na siyang nakaburol." Isang tinig ng matandang babae ang biglang nagsalita mula sa hallway. Lumapit ito sa amin habang pinapagulong ang wheelchair na kanyang kinauupuan.


Kilala ko siya. Siya si Donya Soler. Puti ang mahaba niyang buhok at may suot siyang clear glasses. Katulad ng naiimagine ko sa picture na pinagmasdan ko sa aking panaginip.


"Magandang hapon po, Donya Soler–"


"You must be Ember." Tumingala sa akin ang matandang babae nang makalapit siya sa amin.


"O-opo."


"Just call me Lola. Nakausap ko ang aking apo." Si Green tiyak ang tinutukoy niya. "Ikinuwento niya ang tungkol sa'yo." Nakangiti sa akin ang maamong mukha ni Lola Soler.


Dahil approachable siya, hindi ko maiwasang lapitan siya upang kunin ang kanyang kamay para magmano.


"Kaawaan ka ng Diyos, hija," aniya matapos kong idikit ang nakataob niyang kamay sa aking noo.


Ganoon din ang ginawa ko kay Lolo Saul pagkuwan. Hindi ko akalaing kausap ko sila ngayon na buhay na buhay. Samantalang doon sa premonition ay nakakulong sila sa ika-anim na kuwarto at nag-aagaw buhay. Pero kailangang maging maingat ako sa dalawang ito. Kung tutuusin, sila talaga iyong dahilan kung bakit nabuhay ang diyablo sa premonition ko. Baka kasi ang ending ay ako ang ialay nila. 'Wag naman sana.


"Pasensiya na sa tanong ko, totoo po ba ang narinig ko na isang buwan na pong nakaburol si Lolo Rogelio? Bakit hindi pa po ipalibing?" 



Nagkatinginan ang dalawa.



"Kumain ka na ba, hija? I'm sure gutom at pagod ka dahil malayo ang biniyahe mo." Halata kong iniba ni Lola Soler ang usapan. This isn't good. Mukhang may itinatago sila sa akin. Isa pa, kung isang buwan na palang nakaburol dito si Rogelio, it means higit isang buwan na nilang kawaksi ang dalawa.


"B-busog pa po ako," sagot ko. Ang kaso ay biglang tumunog ang tiyan ko.



Nakangiting umiling si Lola Soler. "Halika sa ibaba. Kumain ka muna at sabayan mo na kami."


Wala sa sariling napatingin ako sa isang kuwarto ilang hakbang ang layo sa amin. Alam kong ito ang kuwarto ni Klay. Kumabog tuloy ang dibdib ko.


Biglang hinawakan ni Lola Soler ang palad ko. "Later, I'll introduce you to my other grandson. I hope naikuwento sa'yo ni Green ang tungkol sa kanyang kapatid."


Naman. Bakit later pa? Bakit hindi na lang ngayon?


"O-opo. Si Klay po." Nag-init na lang bigla ang pisngi ko.


Napangiti sa isa't isa ang dalawang matanda. "Halina sa baba at maghahain na ako." Itinulak na ni Lolo Saul ang wheelchair ni Lola Soler.


Sumunod akong maglakad sa kanila ngunit napahinto ako sa pintuan ng kuwarto ni Klay. "We'll meet again..." bulong ko. Maglalakad na ako nang biglang may sumitsit sa likuran ko. Nilingon ko ito.


Natanaw ko si Corazon na nakatayo katabi ang kabaong. Nakatingin siya sa akin. Namimilog ang kanyang mga mata. Napaatras ako. Kinilabutan ako sa nandidilat niyang mga mata. Namumula ang mga ito. Nakatitig siya sa akin at hindi man lang niya magawang kumurap.



Bakit kung makatingin siya sa akin ay para bang gusto niya akong patayin?



"Hija, halika na," tawag sa akin ni Lolo Saul sa aking likuran.


"O-opo. Susunod po ako." Nilingon ko sila. Nang balikan ko nang tingin si Corazon, nakaluhod na ulit ito at nagdarasal sa harapan ng kabaong.


Namamalik mata lang ba ako nang makita ko siya kaninang nakatayo at pinandidilatan ako? Kinusot ko na lang ang mga mata ko. Baka nga guni-guni ko lang.



...


Ano ba iyong kinain namin kanina? Kung hindi lang ako nahihiya sa dalawang matanda ay hindi ko iyon uubusin. Ginisang monggo na may sabaw pero nakadidiri ang sahog na karne. Parang nalalasahan ko pa yung nakain kong laman-loob na maaligasgas sa dila. Para bang iyong laman ay may balahibo.



Huminto ang mga paa ko sa pinto ng kuwarto ni Klay habang bitbit ang isang tray. Inutusan na lang ako ni Lolo Soler na dalhan ng pagkain ang kanilang apo.


Tinatambol ang dibdib ko sa kaba. Naghahalo ang excitement at pangamba ko na makita siya. Maraming iba sa mga nangyayari kumpara roon sa premonition ko. Natatakot akong baka malaki rin ang nagbago sa kanya.



Sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang isa kong kamay. Napapikit muna ako at saka napabuga ng hangin. Pagkatapos ay kumatok ako. Binilin ni Lolo Saul na buksan ko na lang daw ang pinto. Pinihit ko ang doorknob at marahang binuksan ito. Hinanap agad ng aking mga mata si Klay pagpasok ko ng kuwarto. Nadatnan ko siya na nakaupo sa kanyang kama at nakatanaw sa bintana. Napalunok ako.



Klay, kumusta ka na ba?



Humakbang ako palapit sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali, ayon sa nabasa ko sa diary ni Corazon, sa mga panahong ito ay mayroon siyang sakit. Tulala lang daw siya at nakaratay sa higaan mula sa isinulat ng tinta. Kung bakit habang pinagmamasdan ko siya ngayon habang nakaupo at nakatalikod sa akin ay para bang nakapa-healthy niya. Nakasuot siya ng longsleeves na itim.



"Ahem." Tumikhim ako.



Mukhang hindi pa rin niya alintana ang pagdating ko.



Bakit nga ba hindi ako nagtanong sa dalawang matanda kung may sakit si Klay? Ayoko na kasing mag- usisa nang husto. Iniiba nila ang usapan sa tuwing may itatanong ako.



"G-good evening. A-ako si Ember Fereira. G-girlfriend ako ng kapatid mo." Kandabuhol yata ang dila ko.



Hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakatanaw sa bintana.



Bahagya pa akong lumapit sa kanya upang ilapag ang tray malapit sa kanya. Hindi maalis ang mga mata ko sa kanya upang pagmasdan siya. God, I missed him so much.



Sa kabila ng lahat ng nangyari, nami-miss ko siya...


"H-here's your dinner," ani ko sa lalaking hindi yata ako nakikita.



Oo nga pala. Baka may sakit siya na tulad ng nabasa ko sa diary sa premonition ko kaya hindi siya umiimik. I think kailangan ko talaga siyang lapitan.



"K-Klay?" Kabadong tawag ko pangalan niya.



Akma ko nang hahawakan ang balikat niya nang bigla siyang magsalita. "Get out." Napaatras ako. Nakapagsasalita siya?



"So marami ngang nagbago?" bulong ko.



But wait! Hindi kaya gumaling na siya sa kung ano man ang naging sakit niya dahil nag-alay na ng katawan sa diyablo sina Lolo Saul at Lola Soler?



Nilakasan ko ang loob ko. The next thing I have to do is to tell him everything I know. Hindi ako nagpunta rito para mag-aksaya ng panahon. "I-I think we need to talk–"



Natigilan ako nang bigla siyang tumayo. Napatingala tuloy ako sa kanya dahil nga matangkad siya.



Pagkuwan ay marahan niya akong nilingon.



"Ha?" Natulala ako ng ilang segundo nang humarap siya sa akin.



Mula sa kanyang maganda at misteryosong mga mata ay lumipat ang paningin ko sa kabuuan niya. Walang pagbabago sa kanyang hitsura. Kung gaano siya kaguwapo sa panaginip ko, ganoon pa rin siya kaguwapo ngayon. Hindi ko yata maitatago ang nararamdaman ko ngayong nakaharap ko na siyang muli.



Get a grip, Ember. Saka mo na purihin ang kaguwapuhan at kaperpektuhan niya kapag nasabi mo na sa kanya ang lahat! Sermon ko sa aking sarili.



Pero paano ko ipaliliwanag sa kanya ang lahat kung ganito siya kasungit? Salubong ang makakapal niyang kilay at para bang galit siya sa mundo.



"Klay, may dapat kang malaman. Importante ito."



"I said, get out."



"B-but you have to listen to me. Nanganganib ka sa—"



Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla siyang naglakad upang lampasan ako. Nagtungo siya sa likuran ko para buksan ang pinto. "Out."



Napailing ako. Mukhang mahihirapan ako kay Klay sa pagkakataong ito. How am I gonna tell him na kailangan naming umalis sa casa na ito kung ganito siya kailap? May mga pagbabago sa kasalukuyan kumpara sa bangungot ko. Pero hindi ang ugali niya na ubod ng suplado.



"Okay, lalabas na ako. Pero hindi pa tayo tapos." Tiningala ko siya ulit para lang makita ko ang pag-ismid ng mapula niyang mga labi. Hay, kakainis!



Nilakihan niya ang bukas ng pinto na parang sinasabing ang tagal ko namang lumabas. Bagsak ang balikat na nagmartsa ako palabas para lumigaya na siya. Hindi pa nga ako nakalalabas nang tuluyan niyang ibalibag ang pinto. Napapitlag ako sa gulat at napaabante bigla dahil tumama sa pwetan ko ang pinto. Okay, pinagdabugan at pinagbagsakan niya ako ng pinto!



What a nice hello,' Klay. Sana kinaladkad mo na lang ako palabas, wala namang pinagkaiba!



Inis na inis ako. Parang gusto ko tuloy siyang katukin at pasukin ulit sa loob para pingutin. Gusto ko ring pisilin ang makinis niyang pisngi at sabunutan ang itim na itim at tila kay lambot niyang buhok. Tapos pipigain ko na rin siya sa mahigpit na yakap.



Seriously, Ember?!



Napailing ako sabay tampal sa aking mukha. Bakit ba puso ko ang gumagana? Dapat utak muna! Mas need ang utak ngayon. Tumatakbo ang oras. I need to tell Klay everything. Ayokong mauwi ang lahat sa wala. Kung hindi ay marami ang mamatay sa casa na ito.



Wala sa sariling napabaling ako sa dulong pinto, sa ika-anim na kuwarto. Naroon ang kabaong pero wala na si Corazon na nakabantay rito kanina. Nakabukas ang malaking pinto nito gaya noong una.



Nilingap ko muna ang paligid bago ako naglakad papasok sa kuwartong ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kabaong. Mga kandilang nagniningas ang nagsisilbing ilaw sa kadiliman. Wala kasing sindi ang ilaw nang mapatingala ako sa chandelier na nasa kisame. At sa anim na kuwartong nandito sa itaas, ito yata ang pinakamalaking kuwarto sa lahat.



Napatakip ako ng ilong dahil ayokong salubungin ng masangsang na amoy. Dinaanan ko ang mga nakahanay na upuan habang binabaybay ang daan papunta sa kinaroroonan ng kabaong.



I need to see Rogelio. I need to confirm kung siya nga ba talaga ang Rogelio na nasa premonition ko. Lalo na't marami ang pagbabago sa kasalukuyang ito. Kandahaba ang aking leeg upang tanawin kahit ang mukha ng bangkay. Hangga't maari ay umiiwas akong lapitan ito. May masama kasi akong pakiramdam kaya ayokong lumapit nang husto.



Dalawang dipa mula sa kabaong ay biglang nanigas ang katawan ko. Pinagpawisan ako nang malagkit, nangatog ang mga tuhod ko, at nanayo ang aking mga balahibo.



Ano ito?! Bakit wala ang bangkay ni Rogelio dito?



Ano ang ibig sabihin nito? Wala ba talagang laman ang kabaong na ito simula palang? O hindi kaya...



Lalong nanayo ang mga balahibo sa aking katawan nang maramdaman kong may taong nakatayo sa likuran ko. Hindi ako makalingon dahil takot na takot ako lalo na at may nararamdaman akong mainit na paghinga sa gawing batok ko.



May naririnig akong lumalagutok na mga buto at nagtatagis na mga ngipin. At hindi ko alam kung sa aking likuran rin ba nagmumula ang kakaibang ingay na tila napupunit na balat na humihiwalay sa laman. Pero isa ngayon ang sigurado ko, nasa bingit na ng kamatayan ang isang paa ko.



JF

Continue Reading

You'll Also Like

26 13 9
Sino ang may kasalanan? Sino ang dapat sisihin? Sino ang may alam sa katotohanan? Kilala si Eunice bilang isang mayabang at ma-attitude na estudyante...
614 177 30
Not a typical truth or dare because you'll do it BOTH. *** While visiting a deserted temple, a group of friends decided to engage in a game of truth...
99.5K 5.4K 26
C O M P L E T E D --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng k...
10 4 2
INSPIRED BY A TRUE LOVE STORY BETWEEN HUMAN AND ELF. MENSAHE KO PARA SA KANYA: SANA MABASA MO ITO MAHAL KO, SA TAKDANG PANAHON. SINADYA KO ITONG ISUL...