Chapter 16
Mary Jane POV
"Hoy ano ba ang bagal mong kumilos!" Sigaw sakin ng mga kaibigan ko kanina panila ako kinukulit at mag kuwento raw ako sa relasyon namin ni Zack
Ano naman ba ang ikukuwento ko.
"Mary" pag mamakaawa ni Jasmine
Napabuntong hininga nalang ako at sinimulan ang kuwento kung saan nalaman ko na may Amnesia ako dahil hindi pa nila alam ang tungkol ron
Bigla nalang nila akong niyakap at nag simula na mag iyakan lalo na si Lia at Jasmine na humahagulgol
"B-Bakit kayo umiiyak?" Tanong ko
"Hindi pala namin alam na may ganyan kang kundisyon"
Kundisyon
"Ano ako baliw!" Galit na tanong ko
Pinalo naman ni Piper ang braso ko "Gaga!" Sabi niya
"Ang gusto naming sabihin ay na may Amnesia ka" sani ni Lia at pinunasan ang luha niya
Bigla nalang uli silang umiyak nag malakas
Napatigil nalang kami ng pumasok si Rjin na nag tataka salubong pa ang kilay
"Anong ginagawa niyo? Para kayong baliw" sabi nito at nag lakad na papunta sa kuwarto niya
Naka tanggap naman ako ng hampas sa braso galing kay Jasmine "alam mo yang dalawang pinsan mo saan ba pinag lihi yan?" Tanong nito na ikinatawa ko naman
Mag gagabi na at ang napag usapan pala nila Lia at Ivan ay mamayang 6:00 pm at susunduin nila kami papunta kung saan gaganapin ang birthday ni Anderson
"Oh? Ano na kala ko ba 6 nila tayo susunduin?" Tanong ni Piper kay Lia
"Pwede teka kala hah! Hintayin natin sila! Huwag kang ata!" Sigaw naman nito
"Bakit mo ko sinisigawan!" Sigaw rin nito
"Ehhh! Sumisigaw ka!"
"Pwede ba manahimik kayo!" Sigaw ko naman sa kanilang dalawa
"Sorry" sabay na sabi nila
"Hintayin natin sila darating rin ang mga yon!" Sabi ko
Wala kami hinawa mula pa kanina kundi ang manood kumain mag cellphone mag chismis
Hanggang sa may bumusina sa labas. Nag ka tingin nan naman kaming lahat at sabay sabay tumayo at pumunta sa labas kung saan galing ang busina
Isang puting van ang naka park sa harap ng bahay
Biglang lumabas si Skyller at Carter sa puting van. At lumapit samin
"Kanina pa ba kayo nag hihintay?" Tanong ni Carter samin
"Nako kanina pa kami dito kila Mary" sagot naman ni Maica sa kanya
Napakamot nalang sa batok si Carter dahil sa sinabi ni Maica habang si Skyller naman ay palinga linga at tingin ng tingin sa loob ng bahay
"Kuya! Paramg kang baliw tigilan mo yan!" Sigaw ni Carter sa kuya niya
"Si Criza? At si Rjin? Hindi ba sila sasama?" Tanong nito
Umiling lang ako "Hindi eh may gagawin si Criza si Rjin naman na tutulog puyat kase eh" sabi ko
Habang nasa sasakyan kami papunta kumg saan gaganapin ang birthday ni Anderson ay biglang nag tanong si Jasmine
"Bakit wala si Zack?" Tanong nito
Bakit niya tinatanong si Zack. Tinignan naman niya ako at ngumisi ng nakakaloko
"Nanduon na. Kanina eh nag padama ba naman kadi si Ivan kaya ayon na iwan ron" sagot ni Carter
"Eh si Anderson?" Tanong ni Piper
"Nandon na inaasikaso ang mga bisita"
Humigpit ang hawsk ko sa regalo na ibibigay ko kay Anderson Damit at isang pabango lang iyon pero pwede na yon nakakahiya kung wala naman akong maibigay sa kanya
Tumigil ang sasakyan sa isang magandang bahay. Isa isa kaming bumaba at rinig na rinig ang ingay sa loob mga patugtog ang mga makukulay na ilaw na kikita namin sa loob
"Wow"
Yon nalang ang nasabi namin nang maka pasok kami. Ang daming tao. Malamang maraming tao.
Ang akala kong kainan lang na birthday ay hindi pala seryoso pala talaga siya sa sinabi niya na party iyon
Na unang nag lakad ang mag kuya kaya sinundan namin sila. Habang ang mga kaibigan ko naman ay panay ang linga nila s mga lalaking gwapo
Ang mga ilan naman ay tinitignan nila kami mula ulo hanggang paa lalo na ang mga babae na napapataas pa ang kilay nila at titignan kami sa mata
Dukutin ko kaya yang mata niyo
"Parang ayaw ko na rito" mahinang bulong ni Jasmine
"Oo nga" pag sang ayon naman ni Maica
"Mga mayayaman naman kase ang mga nandito" sagot ko
Napahinto nalang kami ng salubungin kami ni Ate Rose Marie nasa likod naiya rin si Anderson na naka Jacket?
Bakit siya naka jacket
Habang ang ate niya ay naka red dress simple lang ang dress lalong nakikita ang kagandahan niya
Bumalik ang tingin ko kay Anderson. Bakit siya naka jacket nakita ko rin sa may bandang gilid ng labi niya ang maliit na sugat may kaonting dugo pa sa baba niya
Itinuro ko ang baba niya at ang labi niya dahilan para mapatingin siya sakin "anong nangyare sa labi mo?" Tanong ko at umiwas lang siya ng tingin
Lumapit sakanya si Carter at binulungan tumango naman si Anderson
Nabigla nalang ako ng yakapit ako ni ate Rose Marie "Mabuti naman at sumama ka" sabi niya at bumeso sakin
Ganon rin ang ginawa niya kina Lia. Tumingin uli kay Anderson pero wala na siya lumingon lingon ako at nakita ko siya paalis kaya naman sinundan ko para ma i abot ang regalo ko sa kanya
Napahinto nalang ako ng may humarang sa harapan ko. Amoy alak siya
"Hi Miss" kinuha niya ang kanay ko at hinalikan yon. Agad kong inagaw ang kamay ko at tinakikuran siya
Bigla nalang may humila sa braso ko at niyakap ako. Hero yung lalake kanina
"Miss dito kalang ok" sabi niya at inamoy amoy pa ang braso ko
Pilit ko siya itinulak pero hinigpitan paniya ang pag kayakap sakin
"Ano ba!" Sigaw ko at pinag papalo ang ulo niya gamit ang regalo "Ano ba!" Sigaw ko ulit
Nakita ko sa di kalayuan si Ivan na may kasamang dalawang babae. Akmang tatawagan ko siya para himingi ng tulong ay may humila na sa lalaking nakayakap sakin at tinignan ang humila sa lalaking yon nagulat nalang ako ng makita ko si Zack na nanliliksi ang mga mata
Hinarap niya ang lalaki at pinag susuntok iyon hanggang sa mag suka ng dugo
"Z-Zack" kinakabang pag tawag ko sakanya
Tuloy parin siya sa pag suntok kahit na sumusuka na ng dugo itong lalaking to.
Dahil sobrang pag ka taranta at hindi alam ang gagawin kay Zack ay lumapit at hinila ko nalang siya
Napa aray na nalang ako ng ma siko niya ang ilong ko kaya napaatras ako at sinapo ang ilong ko
Iginala ko ang tingin ko sa paligid at lahat ng bisita ay nanood samin. Nandoon rin ang nfa kaibigan ko ng makita nila ako ay agad nila akong nilapitan
"Mary ayos kalang" natatarantang tanong ni Piper sakin
"Zack ano ba tama nayan! Si Mary dumudugo ang ilong!" Malakas na sigaw ni Maica kay Zack Dahilan para huminto siya sa pag suntok sa lalake
Hinarap niya kami at niyakap ako hinaplos haplos pa niya ang mukha ko.
Nanginginig ang kamay niya ang mata niya ay malapit nang umiyak
"Sorry" sabi niya at hinila ako paalis ron
Tinignan ko ang magkahawsk naming kamay habang hinihila niya ako kung saan
Tinignan ko siya at nahuling nag pupunas ng kanyang luha?
Tumigil lang kami ng pumasok kami sa isang kuwarto. Hinila ako ni Zack sa kama para umupo. Naka tingin lang ako sakanya habang palakad lakad at kung minsan naman ay sasabunutan ang sarili niya
Ano bang ngangyayare sakanya?
"Zack ok ka lang ba?" Tanong ko dahilan para tumigil at tumingin sakin
Napabuntong hininga siya at derestsong tumingin sakin "Dapat ako ang mag tanong niyan. Ok kalang ba? May masakit ba sayo?" Nilapitan niya agad ako at sinurisuri
"Ok lang" sagot ko
"Sorry" mahinang sambit niya at tumulo uli ang luha niya "Sorry. Sorry" pag uulit niya
"Para saan?" Tanong ko
Mag sasalita na sana siya ng bumukas ang pinto at pumasok si Anderson kasama ang mga kaibigan ko
"OMG bessssss ok kalang ba?" Sabay sabay na tanong nila at niyakap ako
"Ok lang" sabi ko at rinignan si Anderson. Agad kong kinuha ang regalo at ibinigay sakanya yon "Happy Birthday" baka nguting sabi ko. Tumango naman diya at kinuha niya yon "Sana magustuhan mo. Pasensiya kana yon lang kase ang kaya ko" nahihiyang sabi ko at napakamot sa aking batok
"Thanks" sabi niya at hinarap si Zack "Why did you do that?" Matalim na tingin niya kay Zack
"Of course he's trying to touch my wife" naka ngising pag kasabi niya at kinindatan niya ako
Wife? Noong mga nakaraan na araw ay tinatawag niya ako baby. Honey. Honey Bunny. Tapos ngayon naman ay tatawagin niya akong Wife
Agad ko siyang nilapitan at piningot ang tenga niya "Ikaw kung ano ano nanaman ang mga pinag sasabi mo Baby. Honey. Honey Bunny tapos ngayon Wife hah! Hah!!!" Sigaw ko sakanya "Alam kong marupok ako kaya wag mo kong tinatawag na ganyan!!!!" Sigaw ko
"Sorrrrrrryyyyyyyy" mahabang sabi niya
Narinig ko naman ang mahihinang pag tawa ng mga kaibigan ko at sumunod na tawa at malakas na tawa kaya naman ng tignan ko iyon ay si Skyller?
Nag aya na silang pumunta sa baba para kumain at para mag party. Kakatapos nlanag naming kumain kaya heyo busog lusog
"Swimming tayo?" Tanong ni Piper samin
May malaking swimming pool rin dito may mga lalaking nag iinuman mga babaeng nag papaganda
"Wala naman tayong pamalit" sagot ko
"Girls!" Isang sigaw na papunta sa pwesto namin si ate Rose Marie habang may hawak hawak na mga paper bag
Isa isa niya kaming binigyan ng paper bag na kung saan naka sulat ang mga pangalan namin
Nang buksan ko iyon ay napa nga nga nalang ako hinding hindi ako mag susuot ng ganto
Pulang two piece ang bumungad sakin ng buksan ko iyon
Bakit two piece pa hindi ako ng susuot ng ganto
Bigla nalang ingaw sakin ni Zack ang paper bag na yon at isa isang nilabas mula sa panty at hanggang sa bra
Masama niyang tinignan si ate Rose Marie at lumapit sakin "Don't wear that" pag kasabi niya ay hinila niya ako
"Teka" sabi ko at huminto naman kami sa pag lalakad "Hindi ko naman susuotin yon e" sabi ko
"Uhmm" tipid siya ngumiti "Is it ok if you go with me?" Tanong niya
"Ah ok" sagot ko
Napunta kami sa roftop ng bahay na to. Nakikita rin namin ang mga nasa baba na nag paparty ng swiswimming kumakaen
Tinignan ko naman si Zack para sana mag tanong pero bigla nalang niyang inabot sakin ang isang box na kulay pula mahaba yon na nasa isang dangkal ko ata yon
"Para saan yan?" Tanong ko kinuha ko naman yon pero hindi ko muna binuksan dahil sa pinigilan niya ang kamay ko
Nginitian niya ako at tinignan ang box "Diba ang pangako natin sa isat isa na kapag nasa tamang edad na tayo e, mag papakasal na tayo" natatawanag sabi niya
Napakurap kurap nalang ako sa sinabi niya
Mag papakasal anak ng tokwa wala na nga akong maalala sa mga nangyare noon
"Do you remember that I always give you letters and a staff toys"
Natahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya
"Lalo akong naging masaya noong sinagot mo ako"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos haplos
"Ang mga araw na lagi tayong mag kasama laging tawanan ibabalik ko yon"
Nakatingin lang ako sakanya at hinawakan ang pisngi ko. Ang daliri niya ay humahaplos sa labi ko
"Ibabalik natin ang dati. Ang dating tayo" pag kasabi niya don ay hinalikan niya ako
Naka tanga lang ako sa mga sinasabi ni Zack
"Ibabalik natin ang dati. I love you Mary" sabi niya at kinuha ang box na hawak ko dahan dahan niyang binuksan isang diamond necklace ang nandon "Mary Can you be my Girlfriend?"
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko
"Zack" hindi ko mapaliwanang ang gusto kong sabihin dahil sa gulat
Tahimik lang siya at isinuot sakin ang kuwintas
"Mag hihintay ako sa sagot mo"
≈
"Hoy Mary Jane bakit tuleley ka dyan?" Tanong sakin ni Piper
Pauwi nakami galing sa birthday ni Anderson. Paano ba naman kase tumawag si Mama at sabing umuwi na raw ako wala naman nagawa ang mga kaibigan ko kundi ang umuwi rin
Inaalala ko kase ang sinabi ni Zack na mag hihintay raw siya sa sagot ko. Pag katapos niyang nailagay ang kuwintas at sabihin ang salitang iyon ay ang biglaan pag tawag ni mama
Hinawakan ko ang diamond necklace na ibinigay sakin ni Zack.
Ang ibinigay niya sakin ay isang heart diamond necklace
Maganda at simple lang ito
Ikinabig ni Piper ang kamay ko na nakahawak sa kuwintas dahilan para manlake ang mata niya
"Wow ang ganda naman niyan san mo galing yan!?" Tanong niya dahilan para mapalingon ang mga kaibigan namin at tinignan at hinawakan ang kuwintas
"Ang alin?"
"Patingin nga!"
"Wow!"
"Pag wala kanang pera ibenta natin!"
Agad ko naman inagaw ang kuwintas dahil sa sinabi ni Maica agad naman silang nag tawanan maging sina Skyller at Carter ay natawa rin
Huminto na ang sasakyan sa harap ng bahay pero napansin ko agad na naka labas lahat ng iilan na gamit may naka kahon may naka bag mga electric fan at ibang gamit
Nataranta ako kaya dali dali aong pumasok sa bahay sina mama na kinukuha ang mga gamit
"Ma?" Tawag ko pero patuloy lang siya sa pag kuha ng iba pang gamit na natira
"Aalis na kayo dito! lilipat na kayo!"
★ Vote
★ Comment
★ Follow