The Disguise Of A Wallflower

By issawandablue

253 19 2

Rocky's life turned upside down upon entering the prestigious school of elites where fate is based on one's s... More

The Disguise Of A Wallflower
Prologue
01
03

02

20 1 0
By issawandablue

"Ms. Mendez!" sigaw ni Ms. Minchin–este Ms. Baker nang makarating kami sa isa sa mga kwarto ng dormitory.

Hindi niya nagustuhan ang nadatnan dahil napakausok ng kwarto at marami ang nagkalat na mga kemikal sa sahig.

"M-Ms. Baker– ah.. eh.. ih..oh..uhhh. Good morning po." Bati ng babaeng nakasuot ng makapal na glasses at nakaputing lab gown. Hindi ko mahulaan kung natatakot ba siya o ano. Wala kasing reaksiyon ang mukha niya.

"How many times I've been telling you that this is a dormitory?! Not a Science lab!" Galit na galit na sabi ni Ms. Baker habang ubo nang ubo dahil sa nalalanghap na usok.

Nagkumpulan na rin ang iba pang estudyante sa labas na kwarto na pilit nakiki-usyoso.

"Ah..eh..–"

"Fix this now!"ani Ms. Baker saka tumalikod at umalis. "Ugh! Sumasakit ang ulo."

Halos sabay-sabay rin nagsi-alisan ang iba pang estudyante na nakiusyoso marahil sa takot kay Ms. Baker. Ikaw ba naman ang titigan ng masama. Lakas maka Princess Sarah.

Nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na ang babaeng naka-glasses.  "Freshie?" Blangko ang mukhang tanong niya, umiling lang ako. "Ahh." Inabutan niya ako ng facemask at saka ako tinalikuran.

Aanhin ko 'to? Freebie?

"Ms. Canary!" Rinig kong tawag ni Ms. Baker kaya mabilis naman agad ako sumunod sa kanya. "Teenagers nowadays are so troublesome." Panay reklamo nito.

Pinakinggan ko nalang siyang magsalita dahil ayoko naman umepal pa.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang magiging kwarto ko.

Room 207.

Nasabi na sakin ni Ms. Baker na may mga makakasama ako sa kwarto. Okay lang naman sakin pero kinakabahan ako. Sana mababait sila.

Mabilis na kinatok ni Ms. Baker ang pinto at pinagbuksan naman agad kami.

Isang napakagandang babae ang bumungad sa amin.

"M-Ms. Baker! G-Good morning po."

Pero imbes na batiin sila pabalik ay tuloy-tuloy lang ang pagpasok ni Ms. Baker. Naiwan tuloy ako sa may pinto.

"Omgee! Rocky, right?!" Nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin ng room mate ko. "Welcome to Polaris!"

Ganito ba talaga dito? Masyado namang welcoming ang mga tao. Pero okay na rin :to kaysa naman sa ibang schools na puro bully mga tao.

"Manners Ms. Takumi. Manners. " suway ni Ms. Baker kaya umayos agad ng tayo ang babae at humarap sa kanya. "Where is Ms.–"

"Good morning Ms. Baker." Biglang lumitaw sa likuran niya ang isang cute na cute na babae. She looks really cute and fragile.

"This is your new room mate. Ms. Rocky Canary." Sabi niya sa dalawa. "I expect you two to guide her with the rules and regulations in the dormitory and also all school rules."

Marami pang binilin si Ms. Baker sa kanila. Parang hangin nga lang ako kasi hindi niya ako masyadong kinakausap.

Ilang saglit pa ay umalis na rin si Ms. Baker st naiwan na ako sa kwarto kasama ang mga new room mates ko.

"Hi, I'm Angel." Paglalahad ng kamay ng cute na babae kanina. Maliban sa mukhang sobrang bait niya ay napakaganda pa niyang ngumiti. She really looks like an angel.

"I'm Rocky." Tugon ko.

"Omgee! I forgot to make pakilala." Agad na lumapit ulit sa akin yung babaeng sumalubong sa amin kanina. "I'm Ayana Takumi. Aya for short."

"Hi. Nice meeting you both."

"Doon ang kama mo sa dulo. We save the best spot for you! Ani Aya at mabilis aki hinila sa kamang nasa dulo.

"Weh? Sinungaling." Bigla nalang may pumasok na short-haired girl sa kwarto namin. Akala ko new room mate namin pero imposible kasi tatlo lang naman ang kama sa kwarto. "Ang sabihin mo takot ka lang matulog sa may bintana."

"Q naman! Di ah!" Giit ni Aya pero sabay sabay lang sila natawa. "Bakit ka ba nandito?"

"Wala lang. Sabi nila nandito na raw ang transferee kaya sinigurado ko lang na safe siya."

"S-Safe saan?" Si Aya.

"Sayo!" Sabay na nagtawanan si Q at Angel. Natawa na rin ako. "Oh siya mauna na ako may meeting pa kami! Late na ako. Byiee!" Paalam ni Q.

"That is Q. Kapit bahay natin. Taga room 205." Aniya habang inalalayan akong maglipat ng gamit ko sa pwesto ko.

May kalakihan ang kwarto namin. Parang two bedroom space ang laki. Magakakaiba rin ang mga closet namin pero iisa lang ang banyo. May mini kitchen rin. Ang katabi ng bintana kung nasaan banda ang kama ko ay ang pinto papunta sa balcony.

Maraming itinuro sakin sila Aya at Angel. Gaya nalang sa curfew tuwing alas-nuebe ng gabi. Bawal ang pag-iingay sa hallway ng dorm. Kailangan ay lagi mong dala ang dorm pass mo. Itinuro nila sa'kin mula sa kailangan gawin at hindi pwede pero ang sabi nila masyado raw maraming rules kaya marahan lang nila sa aking ituturo para hindi naman raw ako ma-overwhelm. Tama naman sila. Sumasakit na rin ulo ko sa dami ng rules.

Nalaman ko rin na pareho pala kaming mga juniors. "Yung mga estudyanteng may room number na nagsisimula sa "1" ay mga freshmen, "3" naman ang sa mga sa seniors at "2 ang sa ating mga juniors." Paliwanag ni Aya. Maliban doon ay nalaman ko rin na may Middle school at elementary rin pala sa Polaris. Yun pala yung dalawa pang building na nakita ko kanina.

"Teka, w-wala pa ba tayong pasok?" Inosenteng tanong ko.

"Bukas pa." Ani Aya.

"Bukas? Eh bakit naka-uniporme na yung iba?"

"Ahh. Ngayon kasi ang picture taking for class ID for this school year. Makukuha mo rin agad ang class ID mo. Pero para sa mga transferree na tulad mo na wala pang uniform ay hindi ko lang sure kung kailan ka makakakuha ng ID. Wag kang mag-alala malamang ay tuturuan ka rin ng buddy mo."

Naikwento rin nila sa akin na may buddy system sa school kung saan ang bawat estudyante ay ipapares sa isa pang estudyante.

Lumipas ang ilang minuto ay napagpasyahan nila Aya at Angel na umidlip. Ako naman ay patuloy na nag-aayos ng mga gamit.

Ala sais na nang magising sila at kahit ako ay nakaidlip na rin. Niyaya nila ako sa cafeteria ng dorm para maghapunan.

Pagkarating ng cafeteria ay napakahaba na ng pila. Pero talagang namangha ako sa laki ng cafeteria. Tas may iba't ibang cuisine pa ang nakahain. May mga local and western foods.

Nauna sa pila si Aya at Angel at nauna rin silang naglagay ng mga pagkain sa tray nila. Isina-swipe lang nila ang dorm pass nila.

Nang ako na ang naglalagay ng pagkain ay biglang inabot sakin ni Aya ang isang dorm pass niya. "Gamitin mo muna 'to. Panigurado wala ka pang dorm pass."

"N-Naku okay lang. Magbabayad nalang ako ng cash." Sabi ko at natawa lang siya.

"They don't accept cash here. Don't worry. Nadabihan ako ni Ms. Baker na makigamit ka muna ng dorm pass sa amin."

Nagkikwentuhan lang kami habang kumakain. Panay ang kwento ni Aya at si Angel naman ay halos hindi makasingit dahil sa tuloy-tuloy na pagsasalita ni Aya.

Ang sabi nila ay tanging high school at middle school department lang ang nasa dormitory. Ang mga elementary students ay walang dorm at talagang uwian sa mga bahay nila.

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa kwarto namin. Nagpalit ako ng pantulog at nagsipilyo.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si Aya na nagpupukpok ng aircon namin.

"Na naman?" Tanong ni Angel.

"Ano pa ba? Napakaluma na yata ng aircon natin. Ewan ko ba. Nireport ko naman na 'to sa office. Pero wala pang pumupunta para ayusin 'to." Paliwanag ni Aya. Nakikinig lang ako sa kanila.

"Ireport mo kaya ulit?"

"Hmm susubukan ko." Ani Aya saka napalingon sa gawi ko."Oh Rocky, tapos ka na pala. Maganda sigurong matulog tayo nang maaaga ngauon dahil first day of school bukas!"

"Sige. Good night Aya, good night Angel."

"Good night Rocky!" Si Aya.

"Good night." si Angel.

Pinilit kong matulog pero hindi talaga ako makatulog. Namamahay pa siguro ang diwa ko. Napagpasyahan ko nalang lumabas sa may balcony.

Sariwa ang hangin at talaga namang napatahimik marahil na rin gawa ng curfew kaya wala nang tao sa labas. Naka-off na rin ang mga ilaw.

Ilang saglit pa ay may narinig akong isang pagbagsak. Agad kong iginala ang paningin ko at nakita ang isang anino na korteng tao. At dahil madilim nga ay hindi ko naman makita nang maayos ang mukha nito.

Pero nagulat nalang ako ng biglang may ilaw ng flashlight na diretsong tinapat sa mukha ko.

"H-Hoy! Sino ka?!" Naisigaw ko. Pero bigla nalang ito tumakbo.

Magnanakaw ba 'yun?

Nang dahil sa takot ay agad rin akong pumasok sa kwarto at pinilit kong matulog.

Continue Reading

You'll Also Like

15.4K 343 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
1.1M 86.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
5.5M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...