Born to Love You

By roxsexyyyy

2.1K 17 22

"Bakit ganun? Kahit ano yatang gawin kong pangontra babalik at babalik pa rin tong nararamdaman ko, magugustu... More

Prologue
Chapter 1: Beginning
Chapter 2: Kailan pa?
Chapter 3: Jealousy
Chapter 4: Anong nangyari?
Chapter 5: Problem Solved
Chapter 6: What Now?
Chapter 7: So 4 more
Chapter 8: A year to remember
Chapter 9: He was lost :3
Chapter 10: September Ends
Chapter 11: Attachment
Chapter 13: Misunderstandings :(
Chapter 14: Confrontation
Chapter 15: Okay na :)
Chapter 16: Paano kung?
Chapter 17: Sabihin Mo Na
Chapter 18: The reasons why
Chapter 19: His Loss
Chapter 20: FIFTEENTH
Chapter 21: At the moment
Chapter 22: Confusion

Chapter 12: Okay na ba?

62 1 0
By roxsexyyyy

"Wag mo nga kami lokohin Kent" -Mariel

"Oo nga! Diniem pa nga ko e, hiningi yung personal background ko tapos nanghingi pa ng mga pictures ko, front view, side view, back view tsaka yung whole body" eh pano ba naman tong si Kent, sabihin ba naman mag-aartista na daw siya, may nanguha daw sa kanya na producer. "Tapos magcocontract signing na nga kami sa sabado e" dugtong niya.

"Ah sige na nga,,pag naging sikat ka na, wag mo kaming kalimutan uh! Haha"

"Oo naman nuh! Hindi ko naman kayo makakalimutan, wag kayo mag-alala pag naging direktor na ako, kayo kukunin kong artista sa idederect kong movie tapos si Pritz yung P.A ko. Haha" Ay nakoo! Ako pa napiling P.A ano? Baliw talaga to, ginawa pa akong alalay niya -_-

"Basta kapag naging artista ako di ko kayo makakalimutan. Syempre kayo Pritz, Yen, Mariel, si Mae, si Aemy, si Gina, si Lein, si Bigpiggy (Rose), si idol (Vince), lahat kayo di ko kayo makakalimutan!"

"Oo na Kent, kanina mo pa sinasabi yan e!"

"Bakit ba kasi? Basta lahat nung mga kaibigan ko di ko makakalimutan, pati yung mga umaaway sa akin, okay lang di ko rin sila makakalimutan lahat ng naiinsecure sa akin *lalong lalo na yang si Giara* (bulong niya). Wag kayong mag-alala tutulungan ko kayo!" Hay nako! Yan nanaman po siya -_- "tingnan lang natin titingalain nila ako!"

"Ui Kent, tigilan mo na nga yan kakaano mo kay Giara, mamaya madala mo yan pag andun ka na. Tingnan mo! Sige!" Sabi ko. Kakarindi na e!

"Hindi ah! Ayaw mo ba yun? Matutulungan ko pa siya!"

"Hay nako, basta tumigil ka na, pag yan talaga nadala mo dun!"

"Hindi mo naman kasi ako naiintindihan e, si Mae lang naman nakakaintindi sa akin!" BOOM! That's a big shot! Napatahimik na lang ako bigla! Tama ako dun ah! Ang sakit nun :(

Maya maya kinakausap niya ko, di ko lang siya pinapansin. Sumama kasi talaga yung loob ko sa kanya e. Kasi parang mali pa yung ginagawa ko para sa kanya. Yung iniisip ko yung tama. Ayoko lang naman talagang makasanayan niya yung mga sinasabi niya e. Kasi nagmumukha siyang gago at mayabang dun. Alam ko rin naman na naiinis siya kay Giara, naiinitindihan ko naman yun maski ako kung ako nasa posisyon niya ganun din siguro yung mararamdaman ko pero sana tama na! Ang sakit kasi yun nga ang ginagawa ko, ang intindihin siya pero hindi pala yun pang-iintindi para sa kanya.

*****
Kinabukasan...

Sabi na e! Awkward talaga neto pagpasok e. Tingnan mo ang layo niya saamin. Nandun kila Mae, nakikireview, test kasi namin ngayon.

"Warlaks kayo ni Kent bhe?" - Mariel

'Huh? Hindi! Bakit?"

" e bakit andun siya?"

"Syempre nagrereview"

"Ai, war nga sila bhe" sabi niya kay Yen. Hay nako!

Pagkatapos nun, nagsimula na kami magtest. Habang dinidistribute na yung mga test paper sa pinakaharap na row, naglabas ako ng chocolates pampagana . Binigyan ko sila Mariel at nagsuggest na bigyan ko rin daw si Kent, para makausap ko daw. Ay nako tong mga to talaga! Love na love talaga ako 💕😹😘

"Kent oh! Chocolates!"

"Ah sige, ayoko e :)" fake smile :( it really bothers me when he's like that. Ayokong ganun siya. pakiramdam ko mawawala na siya sa akin, yung aayawan niya na ko. Yung di ko na siya magiging friend :( And it hurts me with the thought of that entering my mind!

*****
Uwian na. Half day lang kami ngayon. Pupunta kami ni Mariel kila Yen. Magrereview daw kami. As if naman magagawa namin yun! Haha. Nasa labas na kami ng school ng tanungin ako ni Mariel.
"Di ka ba nakatulog Pritz?"

"Huh? Nakatulog, bakit?"

"E maga yang mata mo e! Ahhhh! Alam ko na! Iniyakan mo si Kent nuh?"

"Hindi ah!"

"Ay nako Pritz, wag mo na kaming lokohin!" Kilala talaga ako nitong mga to :)

"Ano ba kasi nangyari Pritz?" -Yen

Okay eto na nga, sasabihin ko na. At kinuwento ko na sa kanila lahat. Pinipigil ko yung sarili ko baka kasi maluha ako sa harap nitong mga bruhang to, feeling ko nga nagshashatter yung voice ko habang nagsasalita ako e.

Tapos bigla nalang ako napangiti, pagkatapos kong makontrol yung luha ko. Sumagot kasi si Mariel " at ikaw pa nga uh! Sa lahat, ikaw pa!"

*****
Nasa kwarto kami ni Yen, dito kami dumeretso pagkatapos naming kumain ng lunch. Hindi kami nagrereview kasi nagtitwitter lang kami, ang sipag nuh? Ang alam ko kaya kami pumunta dito para magreview e, di ako nainform na magsosocial networking pala. Haha

Spazz lang ako ng spazz, hanggang sa makita ko yung tweet ni Kent, parang patama sa akin e. Ang sabi kasi 'Kayo yung gumagawa ng dahilan para lumayo ako sa inyo' then after nun 'di naman ako kawalan e' yun yung tweet niya. Naloka naman ako kaya ang ingay ingay ko sa kwarto. Sabi nung dalawa idirect message ko. E di ginawa ko naman para maayos na kami :)

Me: ui galit ka?
Kent: kaninio?
Me: alam mo kung kanino, syempre sa akin!
Kent: hindi.
Me: bat di ka namamansin?
Kent: di namamansin?
Me: ang cold mo kaya.
Kent: ang cold?
Me: ano bang problema?
Kent: wala nga. Ang kulit.
Me: sorry na pala. Bati na pala tayo🙏🙏😭😭
Kent: bakit nag-away ba tayo uh?

Nakakainis naman tong lalaking to e. Ang gulo, wala talagang kapag-a pag-asa sa pakikipag-ayos -_-

*****
5pm na pala. Nakatulog pa ko dito kila Yen, well pati rin pala si Mariel. Umuwi na kami. Nagjeep kami pauwi. 10 minutes lang byahe siguro. Pagbaba ko ng jeep sumakay rin agad ako sa tricycle. Nung umandar na, bigla kong nakita yung 2 kong kaklase. Sinitsitan ko ngayon sila at pagsitsit ko tumingin naman sila. Nung pagtingin nila sa akin tumingin din sila sa harap nila at may kinausap at nang makita ko, si Kent pala! Edi tumingin siya ngayon sa akin, nung pagkaharap niya sa akin bigla lang din umiwas. Taray talaga :3

*****
Last day ng pasok ngayon. Nagkaroon kasi kami ng sembreak. Well parang 6 days lang siya actually kasi starting from Tuesday to Sunday ang walang pasok. Oh diba?

Last day of test nga rin pala namin. Dapat talaga for 2 days lang yung test namin kaya lang di namin natapos yung iba kasi half day rin nung friday kaya ngayon na lang namin tinuloy yung iba.

Status namin ni Kent. Uhhhmm, Awkward pa rin siya. Doon pa rin siya nakikisama kila Mae. Akala ko nga after kung idm siya nung time na yun magiging okay na kami kinabukasan e, kaya lang nandun siya kay Mae kaya di ko makausap kaya hindi rin kami nagpansinan.

Katatapos lang namin magtest. At deretso kami sa paggawa ngayon ng gamit para sa gagawin namin sa investigatory project namin. Kaming tatlo nga pala ni Yen at Mariel ang magkagrup. Dapat nga kami ni Yen at Kent e, kaya lang pinili kami ni Mariel so wala na akong nagawa. Mas gusto ko kasi kagroup si Kent kasi napakaresponsible e itong dalawa tamad e.

So habang gumagawa kami with the help of Erick, lumapit si Kent. Nagtatanong siya ng kung anu ano. Sinasagot naman namin. Tapos sabi niya parang may gagawa na daw nung gagawin namin. So nagsuggest siya ng iba. And then nung tinanong ko kung pano gagawin at kung ano yung mga kailangan, sinagot niya naman na parang okay na kami.

Tapos maya maya sabi niya gusto niya daw nung lemon. Yun kasi yung ginagawa namin. Yung lemon gagawin naming battery para maglight yung bulb. May extra lemon pa kasi kami so hinihingi niya, sabi ko bilhin niya ng 45 pesos kasi ang bili ko dun is 39 pesos. Sabi niya sa akin ang mahal naman daw. Haha. Nakikipaglokohan ako sabi ko naman sa kanya ganyan naman kasi sa business. Tapos yun! paulit ulit lang niyang hinihingi yun. Namamalayan ko, kinukulit ko na siya, nakikisakay naman siya. Okay na kaya kami? Okay na ba?

Continue Reading

You'll Also Like

781 30 53
Sa aming magkakaibigan iba iba ang takbo ng storya namin pero mas umangat yung akin Hindi ko alam bakit ganito ang buhay ko madaming pagsubok Pero na...
37 0 21
"Pag ibig ang Dahilan kong bakit ka naging Masaya. "Pag ibig din ang dahilan ko bkit ka nasasaktan. *kaya kung ako sau wag kana UMIBIG* Hahalol😂 IB...
783 0 23
Mahal kita! di mo ba nakikita? lahat naman ginawa ko na para iparamdam sayo yung nararamdaman ko pero bakit sya pa rin ang mahal mo? d ko naman hini...
5.3K 673 37
"Okay lang kahit hindi na bumalik yung alaala ko, basta Ang mahalaga ay magkasama parin tayo, hanggang sa pagtanda natin.At kahit bumalik man ulit yu...
Wattpad App - Unlock exclusive features