A Little Bit of Sunshine

By aennui

727 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

26

6 0 0
By aennui

Kabanata 26: I Know You'll Be Happy

October 27. First stop ng trip namin sa Lachlane para sa araw na to ay ang pinakasikat na bundok dito sa Lachlane, ang Mt. Madhya.



Ilang beses kaming nagsundutan sa tagiliran ni Gracie ng makita naming magkatabi sina Happy at Greggy sa hiking namin papunta sa summit ng bundok. Mabuti nalang at nakita naming naglolokohan na silang dalawa. Napa-apir tuloy kami bago ini-snatch ni Jethro mula sa akin ang girlfriend niya.




"Edi wow. Sana ol." Sumimangot ako sa kanila.



"Kulitin mo nalang yung bebe mo para hindi ka naiinggit." Dumila sa akin si Jethro na nagpangiti sa akin ng masama.



Inggit pala ha?



"Gracie~?" Malambing kong tawag sa kanya.



"Yes?" Nilingon ako ni Gracie habang nakangiti din.



"Kapag sinabi kong hiwalayan mo si Jethro, hihiwalayan mo siya diba?"



"Oo naman no!" Hindi makapaniwalang nilingon ni Jethro si Gracie.



"Baby ko!" Halos maiyak na siya habang nakatingin kay Gracie na nakangiti pa din ng matamis.



STRIKE ONE.



"Kapag sinabi kong ihulog mo siya dito, gagawin mo hindi ba?"


"Oo naman no!" Bumagsak ng tuluyan ang mga balikat ni Jethro.


STRIKE TWO.


"Kapag sinabi kong hindi mo siya kakausapin ng isang araw, gagawin mo hindi ba?"


"Oo na-" Hindi na natapos ni Gracie ang sasabihin niya ng takpan ni Jethro ang bibig niya habang nagpapatuloy sila sa paglalakad. "Hanson! Tong babae mo patahimikin mo nga!" Sinamaan nalang ako ni Jethro ng tingin habang ako naman ang dumila ngayon sa kanya.


Sayang strike three na sana yun eh!


"Anong meron Sunshine?" Sandali akong natigilan ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Paglingon ko sa tabi ko ay nakita ko si Hanson na magkasalubong ang mga kilay. "Patahimikin daw kita sabi ni Jethro? Why?"


"Wala yun. Parang gago lang." Nginitian ko siya bago pinauna sa paglalakad para sa kanya ako kumapit kapag nahihirapan ako sa pag akyat.


Habang papalapit kami sa tuktok ng bundok ay medyo nagiging straight na ang daanan kaya naman binuksan ko ang isang pakete ng Nips. Nanghingian kaagad sina John at Japhet ng makita ang kinakain ko pero handa naman ako at bumili ng marami para dito. Hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa ng makitang tuwang-tuwa ang mga mokong.


"Salamat Ninang Sunshine! The best ka talaga!"


Napailing ako at pinagtutulak sila para magpatuloy sila sa paglalakad. Nilingon ako ni Hanson at humaba ang nguso niya kaya naman natawa ako bago binigay sa kanya ang isang pakete.


"Akala ko makakalimutan mo na ako."


"Sus. Drama neto."


Sumubo na ako ng marami nang ianunsyo ni Ouie na papalapit na kami sa dulo ng mountain climbing namin. Sa pagtapak ko sa pinakaibabaw ng Mt. Madhya, muntik na akong mabilaukan at maibuga ang Nips na nasa bibig ko.


"Ohemgee"


"Fvck. Is this heaven?"


"Pucha."

"Ayaw ko ng umalis! Dito nalang ako magpapatayo ng bahay ko!"


Lahat kami ay manghang-mangha at kapwa gustong sumigaw ng malakas. May mga fog pang makikita na nagkalat sa ibaba. Ang ganda ng pagkakahanay ng mga berdeng bundok, ng mga maliliit na bahay at ang mga building sa kalapit na siyudad ng Logarthan. Kitang kita din namin ang paggalaw ng mga ulap, ang unti-unting pagdilim ng lupa dahil sa mga ito at muli nanamang pagliwanag.



Grabe. First time ko pa lang umakyat ng bundok pero parang ansarap bumalik balik dahil worth it din naman ang pagod.



Habang nakatambay kami para magpahinga ay tinitigan ko si Hanson na nakatulala sa kawalan. Nasa kalagitnaan siya ng pagkuha ng lirato pero bigla nalang siyang napahinto na para bang may naalala siya.




"Huy. Anyare sayo?" Bumalik siya sa pagkuha pagkatapos niya akong sulyapan. "Bigla kang nagka-de ja vu?" Tumango siya kaya bumilog ang bibig ko.




"I can't explain it pero parang nakita ko na yung scenery na to in person." Napahawak siya sa baba niya. "I just don't know when."



"Baka napanaginipan mo? O baka nakapunta ka na talaga dito tapos nakalimutan mo lang?"



"I don't know." Tumawa ako ng nanatili pa rin siyang tulala bago inabot ang ulo niya para haplusin.



"Wag mo nalang masyadong isipin. Madalas din naman akong magka dejavu pero hindi ko nalang iniisip masyado." Nilingon niya ako bago nakangiting tumango. Kinuha ko naman ang kamay niya at mabilis itong kinuhanan habang nakahawak ako dito.



Andami pang pakulo na picture picture at vlog si Gracie kaya naman inabot na kami ng tanghali para makababa sa Mt. Madhya. Pagkatapos ng hiking ay bumiyahe naman kami sa bayan ng Lachlane para kumain ng tanghalian na ihaw-ihaw habang nasa tabing dagat. Para masulit lalo ang trip ay naglibot pa kami sa Museo ng bayan, sa pamilihan at iba pang pwedeng mapuntahan within the area.



Pagkatapos ng mahabang araw ng paglilibot ay nagpaunahan na kaming pumunta sa mga kwarto namin. Marami kaming kinain na kung ano-ano habang nasa biyahe kaya naman wala na kaming naging plano na kumain ng dinner. Bumagsak kaagad ako sa kama at bumagsak din agad ang talukap ng mga mata ko.



Kinabukasan, October 28 ay nagdiving kami sa dagat. Kasama namin ang Tatay ni Ate Lilliane na tumulong sa amin para makita ang iba't ibang species sa Lachlane. Nag-enjoy naman kaming lahat dahil nakakita kami ng maraming isda, corals, at starfishes na never namin nakikita sa siyudad.



"Tito! Tito! Pwede bang kumuha ng mga starfish?!" Tanong ko kay Tito Domingo habang hawak ang dalawang starfish. Yung mga boys ay busy sa panghuhuli ng maliliit na isda dito sa dagat habang yung iba naman ay nasa bangka lang at kumukuha ng litrato.



"Pwede naman Sunshine pero mas maganda kung isa lang ang kukunin mo. Para na rin dumami pa yung mga starfish dito sa dagat."



Lumapad ang ngiti ko at tinignan si Hanson na kasalukuyang nakatitig pala sa akin. Seryoso ang mukha niya nung una ko siyang tignan pero nang palihim kong iabot sa kanya yung isang starfish ay ngumiti naman siya. Nang ilabas niya ang cellphone niya at itutok sa pwesto ko ay agad naman akong nagpose para sa picture.



"Patingin nga Hanson!" Nakangiti ako ng iabot niya sa akin yung cellphone niya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang nabasag yung screen ng Iphone niya. "Hala! Anong nangyari dito?!"



"Nabitawan ko lang kahapon. But don't worry, pwede ko namang papalitan yan ng screen." Napangiwi ako.



Iba talaga ang mayayaman. Walang kakaba-kaba kapag nakakasira o nakakawala sila ng gamit.



Sa sumunod na araw, pumunta kami sa San Carlos Bridge kung saan makikita ang San Carlos River. May mga wish locks na pwedeng ilagay sa bridge kung saan pwedeng bumili ang mga tao para maglagay ng wishes nila.



Nang tahimik na kaming nagsusulat ng wishes namin ay palihim kong sinilip ang wish ni Hanson. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko ng makita ang isinulat niya.



"I wish I'll stay by Sunshine's side forever and ever. - Future Psychologist"



Psychologist? Magiging Dr. Prince Hanson Miranda pala ang lalaking katabi ko.



Bumaba ang tingin ko sa wish ko at doon ko lang narealize na wala pa rin pala akong pangarap. Halos lahat ng mga kaibigan ko decided na gusto ng maging teacher, pulis, or maging journalist pero ako? Nganga pa rin hanggang ngayon.



Habang pauwi kami mula sa San Carlos ay nawala na ako sa mood. Unti-unti na akong nakakaramdam ng pressure lalo na't naalala kong tinanong din pala ako ni Nanay kung anong kukunin kong course nung last last week.



Haist. Ano bang gusto mong gawin sa buhay Sunshine?



"Hey Sunshine."



"Uy Hanson. Bakit?"



Natigil ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko ng makita ko si Hanson sa bandang kusina. Sumenyas siya sa akin na wag akong maingay bago niya ako hinila papalabas ng mansion nila Ouie.



"Anong trip mo ngayon Hanson?" Magkahawak ang mga kamay namin habang naglalakad sa may garden ng resort. Nilingon ko si Hanson at nakita ko siyang nakatitig sa akin. "Huy magsalita ka nga! May problema ka ba?"



"Why are you asking me? Ikaw nga ang mukhang mas problemado sa ating dalawa." Huminto kami sa paglalakad ng humarang siya sa harap ko at hinawakan ang dalawang mga kamay ko. "You know that you can be completely honest to me. Anong problema mo?"



Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago ako napanguso. Hindi naman sigurong magshare ng problema sa kanya diba?



"Naiinggit lang kasi ako sa inyo." Napabuntong hininga ako at niyakap ang bewang niya. Nagsimula akong maging kalmado ng maamoy ko ang pabango niya. "Naiinggit ako kasi lahat kayo alam na kung anong gusto niyong gawin sa buhay. Alam niyo na kung anong pangarap niyo."



Pumikit ako nang maramdaman kong mabagal na hinaplos ni Hanson ang buhok ko. Ang comforting ng ginagawa niya. Para tuloy akong mapapatulog anytime.



"Tch. Hindi mo naman kailangang mainggit sa amin. Maybe your dream is finding a perfect timing to show itself to you. Yung tipong hindi mo na siya pakakawalan and you'll decide to pursue it no matter what happens."



"Kailan naman kaya dadating yang perfect timing na sinasabi mo? Baka naman matapos nalang ang school year pero hindi pa rin yan dumadating."



"Maybe today, tomorrow? Ikaw lang makakaalam kapag dumating yan sa isipan mo. But if you're feeling pressured already, you can focus and reflect on the things that peaks your interest. Ano bang gusto mo?" Umangat ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang nakatitig sa mga mata ko. 



"Ikaw." Huminto siya. Pwersahang pinigilan ang ngiti niya.



"Kinikilig ako Sunshine. But please, behave." Tumawa ako ng malakas ng higpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin at hinalikan ako sa noo.



"Wala pa rin talaga akong maisip na gusto ko. Pero kung ikaw ang papipiliin ko ng magiging course ko sa college, Hanson? Ano sa tingin mo ang babagay sa akin?"



"Hmmm..." Nagmake face ako ng lumayo sa akin si Hanson at tinignan ako mula ulo hanggang paa at pabalik. "You're height's not suitable for a policewoman or a flight stewardess so I won't recommend you to any of those."



"Grabe. Masakit yung tungkol sa height pero hindi ko rin naman pinangarap na humawak ng baril o sumakay ng eroplano. Mag-isip ka naman ng iba!"



"Mahilig ka sa mga bata hindi ba? What about teacher?"



"Mahilig ako sa bata pero hindi mahaba yung pasensya ko. Baka naman sa kulungan ang bagsak ko o kay Raffy Tulfo."



"I noticed that your writings in English are quite good. Do you like the idea of being a journalist?"



"Woah! Binabasa mo siguro yung mga activities ko sa Creative Nonfiction no?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Okay ako sa mga sulat sulat pero dapat balita yung sinusulat ng journalist diba? Ayoko ng ganun, masakit sa ulo."



"Political Science?"



"Harujusko. Never kong minahal ang Philippine Politics and Governance!"



"What about Psychology? We may go at the same university kung gugustuhin mo."



"Kung parehas siguro tayo ng utak, gogora ako. Pero Hanson, gusto kong makagraduate ng hindi kritikal ang kondisyon. Mamatay ako sa pagiging Doktor!"



"Psh. Bakit ka pa nga ba nagtanong? You didn't even give a minute to think before you answer to my suggestions." Umikot ang mata niya bago siya humiwalay sa pagyakap at bumalik kami sa paglalakad. "Wag ka nalang kayang mag-aral para wala kang pinoproblema?"



"Ayoko nga! Kahit bobo ako dapat makatapos ako. Mahirap na ang buhay no." Tinapik niya ang ulo ko bago ako binigyan ng sandaling ngiti.



"Stop pressuring yourself for now. You still have months to think bago ang University entrance exams. I think that's enough time for you to decide." Tumango ako. "Pero ikaw pa rin naman ang maiiwan sa bahay to take care of our kids. Gusto mo pa rin ba talagang mag-aral?"



Automatikong namula ang pisngi ko ng maisip na kaming dalawa na ni Hanson ang magkasama sa isang bahay. Jusko. Pumasok din sa isipan ko na may buhat-buhat na akong mga bata!



Pero bakit hindi ko naimagine ko naimagine yung process para sa paggawa ng baby-? Ay joke. Maghunos dili ka na Sunshine. Over na.



"Wow naman. Ang advance mo mag-isip ha. Tingin mo ba tayo talaga ang magkakatuluyan?" Nilingon ko si Hanson at nakita kong nag-iba ang aura niya.



"What about you? Tingin mo ba tayo talaga magkakatuluyan?"



"Hindi ko alam. Ewan." Nagkibit balikat ako bago tumingin sa buwan. "Alam mo naman sigurong marami pang pwedeng mangyari sa atin. Yung Nanay at Tatay ko nga, akala ko sila talaga hanggang dulo pero mali pala ako."



Nagpunta kami ni Hanson sa isang puno na matatanaw ang dagat. May dalawang gulong na nakasabit dito na ginawang duyan na kaagad naman naming sinakyan. Nagsimula naman na akong magkwento sa kanya habang mabagal kaming nagsiswing.



"By the way, nagkita na ba ulit kayo ng Mom mo?"



"Ah oo. Nagkita kami nung birthday ni Tatay. Actually, yun yung first meet up namin after 8 years kaya medyo awkward. Nangangapa kasi ako kung anong dapat kong gawin." Huminga ako ng malalim gamit ang ilong ko bago ko ito binuga gamit ang bibig ko.



"Ang weird lang kasi parang kilala ko naman siya na parang hindi. Ganun pa rin naman kasi siya magsalita pero iba na ang itsura niya. Mamahalin na kasi lahat ng mga suot niya."



"Since you mentioned na mamahalin ang mga suot niya. Did she marry a rich man?"



"Oo. Ang sabi niya may publishing company daw sila. Mukhang yayamanin talaga hindi ba?" Tumawa ako bago siya nilingon. Nakita ko namang tumigil siya sa pagsiswing ng gulong habang nakatulala sa ere.



"Huy. Anong nangyari sayo diyan?"



"Uhm. It's nothing." Nagsalubong ang mga kilay ko ng pilit siyang ngumiti. "Should we go back to the mansion? Baka hinahanap na nila tayo."




"Ay oo nga no? Patay." Mabilis akong bumaba sa gulong bago hinarap si Hanson. "Mukhang gagawan nanaman ako ng issue ng mga babaeng-"



Halos atakihin ako sa puso ng muli akong hilain ni Hanson. Iba ang paraan ng pagtitig niya ngayon pero kahit na magkalapit kami ay hindi ko siya mabasa.



"If its not too much... Can I ask for a kiss Sunshine?" Bigla akong namula pero nahanap ko nalang ang sarili ko na tumatango.



Dahan-dahang bumaba ang ulo niya para pumantay ito sa ulo ko. Lumakas ang tibok ng puso ko nang magkadikit ang mga labi namin at mas lalo pa itong nagwala ng gumalaw ang mga ito. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko kaya sumabay nalang ako sa kanya at nilagay ang mga braso ko sa batok niya katulad ng nababasa ko sa mga nobela.



October 29. Ramdam kong may mali sa ikinikilos niya pero hindi ko nagawang magtanong.



"Uy Sunshine! Bagay ba sakin tong dress? Binili ko to sa mall!" Tamad kong nilingon si Gracie na paikot ikot sa harapan ng salamin habang nakadikit sa katawan niya ang isang color yellow na dress.



"Maganda naman pero bakit parang ang iksi naman niyan sayo?"



October 30. Naghahanda na kaming lahat para umuwi sa Alveolar. Pero hindi ko mapigilang madown kasi 18th birthday ko na pero si Ouie lang ang bumati sa akin.



Haist. Kasalanan ko din naman kasi hindi ako nag-iingay sa kanila kung kailan ang birthday ko. Hindi ko rin pinublic yung birthday ko sa facebook kaya naman nganga ako nito ngayon.



"Ay maiksi ba talaga? Nagagalit pa naman si Jethro kapag nagsusuot ako ng maiiksi." Humaba ang nguso ni Gracie habang nakatitig sa damit.



"Ipost mo nalang yan online tapos bumili ka ng mas malaking size kapag nabenta."



"Sus hassle. Bakit ko pa ibebenta sa iba?" Tumalon si Gracie sa tabi ko. Nagulat nalang ako ng iabot niya sa akin yung dress habang nakangiti. "Kung pwede namang ibenta ko to sayo?"



"Jusko Gracie. Wala akong pera no!" Pilit kong ibinalik sa kamay niya yung dress. "Atsaka minsan lang naman ako magsuot ng dress. Sa iba mo nalang yan ibenta!"



"Sunshine naman eeeeh~ Sige na bilhin mo na~"



"Gracie, tutulungan nalang kita humanap ng bibili niyan."



"Pero isukat mo lang! Mukhang bagay na bagay talaga tong dress sayo eh." Napasimangot ako ng hilain niya ako patayo at idikit naman sa akin yung dress. "Ohemgee! Sige na, try mo na para sa akin. Pleaseeee~"



"Susukatin ko lang pero hindi ko bibilhin ha!" Nakangiti siyang tumango bago kinuha ang beauty bag niya na nagpabagsak ng mga balikat ko.



"Gracie."



"Memake-up an muna kita bago ka magbihis! Mabilis lang talaga to promise!"



Kahit na labag pa rin sa loob ko ay hinayaan ko na siyang pinturahan ang mukha ko. Ilang minuto lan? Naman ang itinagal nun bago niya ako hinila at itinulak naman papunta sa CR.



Nilugay ko ang buhok ko bago ako lumingon sa may salamin. Infairness at swak na swak sa katawan ko yung dress pati ang haba nito na hanggang ibabaw ng tuhod ko. Pinilit ko nalang tuloy na ngumiti habang inaayos ang pagkakaribbon ng dress sa likod ko.



Mukhang lilipas nalang talaga ang araw na hindi ako ginigreet ni Hanson. Haist.



"Huhu. Bakit ba kasi hindi nila alam? Bakit ba kasi hindi nalang sinabi ni Ouie sa kanila na birthday ko?"



Ilang beses kong inuntog ang noo ko sa pader. Mahina lang siyempre dahil baka magkabukol ako. Wala na nga sana akong balak lumabas sa CR kung hindi lang ako kinatok ni Gracie.



"Oo na! Lalabas na!" Inayos ko ulit yung buhok ko bago ko inikot ang doorknob at lumabas ng tuluyan sa CR.



"Infairness maganda yung dress na napili mo-HOY PUCHA! Sino-"



"Shhhh. Don't move." Nalunok ko bigla lahat ng laway ko ng maamoy ko ang pabango ni Hanson. Siya ang nagtatali ngayon ng blindfold sa mata ko pero hindi ko pa rin maiwasang maparanoid.



"U-Uy Hanson. Kidnapper ka na ba ngayon? Na bankrupt na ba ang pamilya niyo kaya mo ginagawa to?" Hindi niya ako sinagot pero narinig ko lang ang pagpipigil niya ng tawa.



"Hoy ano na?!"



"Shhhh. Just stay." Nagsalubong ang mga kilay ko pero agad akong napabalikwas ng maramdaman kong may kamay na humawak sa paa ko.



"Oy oy oy! Anong kagaguhan ang ginagawa mo sa paa ko Hanson?!" Umakto akong tatanggalin yung blindfold pero naramdaman ko naman ang kamay niya sa braso ko.



"Please Sunshine. Just trust me and wag ka ng gumalaw." Napalunok ako ng hawakan niya ang beywang ko at unti-unti kaming umusog hanggang sa maramdaman ko ang pader sa likod ko.



"H-Hoy Hanson. Ano bang-" Naitikom ko ang bibig ko ng maramdaman kong sinusuotan niya ako ng sapatos. "Juskopo. Susuotan mo lang naman pala ako ng sapatos pero may pa 'trust me' at blindfold effect ka pang nalalaman?"



"Hahaha. I'm sorry but I just enjoyed your reaction." Kahit na puro black lang ang nakikita ko ay naimagine kong nakangiti siya ng malapad habang hawak ang kamay ko. "Are you ready to go now?"



"Luh. Saan ba tayo pupunta? Uuwi na tayo?" Hindi ako sinagot ni Hanson at naramdaman ko nalang na hinihila niya na ako papalabas ng kwarto. "Hoy sagot!"



Iginuide ako ni Hanson kung paano makababa sa hagdanan. Nagkakaroon na ako ng idea kung anong nangyayari ng maamoy ko ang dagat kaya hindi ko na mapigilan ang paglakas ng tibok ng puso ko.



"Happy Birthday Baby." Naramdaman ko ang mabilis na pagdampi ng labi ni Hanson sa noo ko bago niya tinanggal ng tuluyan ang blindfold.



"I hope you'll be happy today and... always."

Continue Reading

You'll Also Like

28.9K 2K 54
Dahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag a...
14.6K 210 20
Samantha Bliss Cordova is single for a long time. She's too bitter for love. She despises those cheesy interactions especially during Valentines Seas...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
10.6K 558 22
Kabadong-kabado si Sammie dahil magsisimula ng magdikta ang teacher nila ay wala pa rin siyang nahahanap na ballpen. Mabuti na lang at to the rescue...