Bleeding Love (Published unde...

By marialea

7.4M 86K 4.6K

[WATTYS 2018 WINNER] Eight years have passed yet Wendy can't move on from the guy who dumped her years ago. B... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Bleeding Love - THE BOOK

Chapter 2

242K 3.4K 76
By marialea

Gusto ko mang hanapin si Renzo pagdating ko kinaumagahan, naunahan na ako ng pagod. I stayed in a hotel and had my lunch first bago nagpasya na pumunta na sa bahay nila Renzo. It was huge as usual but it looks so sad now after what happened.

Sa gate, nagbabantay ang isang gwardiya. "Good morning, Ma'am."

Nginitian ko si Manong at saka tumanaw sa pinto na kita mula rito sa labas ng gate. "Nandiyan po si Renzo?"

"Ay nasa barangay hall, Ma'am. Doon sila nag-uusap ng mga kliyente nila."

"Malayo po ba?"

"Mag-tricycle na lang kayo sa sakayan, Ma'am."

Nagpasalamat na ako at pumunta sa tinuro niyang sakayan. Nang makarating ako sa barangay hall, lumapit ako sa isang ginang na mukhang dito nagtatrabaho. "Ma'am, nandito pa ba si Renzo Solivares?"

"Nandito pa si Sir Renzo, Ma'am. Pero may meeting sila sa taas."

"Ah sige, maghihintay na lang po ako rito."

Umupo ako sa bakanteng silya at naghintay. Halos isang oras din ang nakalipas nang matanaw kong may mga bumababa sa hagdan. Una kong nakita ang dalawang lalaking may edad na at paglingon ko sa taong nasa likod nila, talagang nanghina ang tuhod ko.

Napakakisig niyang tignan kahit sa simpleng pagbaba niya lang sa hagdan. He's wearing a black polo shirt and a pair of jeans pero nagmumukha pa rin siyang professional. Imbes na lapitan siya, nanatili akong nakaupo habang pinapakalma ang sarili. Litaw na litaw siya sa lahat dahil sa sobrang tangkad. When we were dating, he's almost 6 feet tall already.

Mas nahubog na ang panga niya pero ang noo niyang madalas na nakakunot, ganoon pa rin kaya mapapansin mo rin ang makapal niyang kilay. He's still handsome and he looks really mature. Pagiging seryoso ang madalas na first impression sa kanya—sa pag-aaral, pagtatrabaho o sa pakikipag-usap.

Nakadantay ang dalawa niyang palad sa balakang niya habang nakikipag-usap sa mga kliyente na tila nagpapaalam. He looks really frustrated.

Nang dumapo ang tingin niya sa 'kin, napasinghap ako nang wala sa oras. He still has this effect on me. Para bang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko gamit lang ang mga tingin niya. Hindi ko talaga alam kung paano niya 'yon nagagawa. His eyes look both dangerous and enchanting.

Nang mapagtanto niya kung sino ako, kumunot lalo ang noo niya. Naglakad siya palapit sa 'kin at saka itinuro ako habang ang isang kamay ay nasa balakang niya pa rin. "Nagpunta ka talaga rito?"

Pinaghandaan ko ang sasabihin ko pero umurong yata ang dila ko. He smirked at me habang halatang hindi makapaniwala. "Go home."

Napalunok ako. I see the mockery on his face. With his suppressed smile and judging eyes, parang isa akong malaking joke.

Well, I'm not. "Look, gusto ko talagang tumulong."

"Hindi ka makakatulong dito."

"Just let me know what you need and I will try to help."

"Go back to Manila, Wendy."

His amusement was gone. Ma-awtoridad na ang boses niya at halatang ipagpipilitan ang gusto.

"Renzo, I want to help."

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Because I care."

He bit his lower lip at umiling. Mukhang sumuko na rin siya pero hinila niya ako palabas ng barangay hall.

"Where are you taking me?"

"Makakagulo ka lang. Umalis ka na."

"No. Hindi ako makakagulo. I promise!"

He clenched his jaw kaya natigilan ako. Tila gigil na gigil siya sa kakulitan ko. Hindi naman siya yung taong namimisikal pero sa nakikita kong inis niya, pakiramdam ko ay masusuntok niya ako. "Bahala ka." Saka siya lumingon sa magkabilang dulo ng kalsada habang pinagmamasdan ko naman siya.

His facial features are so perfect, walang pumangit dahil lahat, na-enhance. He's hardworking and he helps a lot of people too. Maswerte ang babaeng mamahalin niya.

May mga taong nagdatingan at isa-isa silang kinamayan ni Renzo. Tinatawag nila siyang 'Sir' at may suot silang magkakaparehong ID kaya sa tingin ko, mga empleyado sila sa agency na natupok. Lagpas sampu yata sila na sabay-sabay umakyat sa taas. Hindi na ako nilingon pa ni Renzo kaya pinanood ko na lang silang makaakyat.

Lumapit ako sa gwardiyang nasa labas. "Kuya, nasaan ang kusina ng barangay?"

Nagtaka si Manong at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit, Ma'am?"

"Gagawa sana ng meryenda para sa mga empleyado ni Renzo." Saka ko itinuro ang hagdang inakyat nila kanina.

"Ah, kilala niyo pala si Sir Renzo, Ma'am?"

Ngumiti ako at tumango.

"Sa kanan po tapos diretsuhin niyo hanggang dulo. Nando'n si Menchi, magpatulong na lang kayo sa kanya."

"Salamat po."

Agad akong nagtungo sa kusina at naabutan ko roon ang isang babaeng medyo mas bata sa 'kin. Nakasuot siya ng uniform na katulad ng mga empleyado sa labas. Ngumiti siya agad nang makita ako. "Good afternoon, Ma'am."

"Hi. Ako si Wendy. Uh, Menchi, right?"

"Yes, Ma'am. Bakit po?"

"Kaibigan ako ni Renzo Solivares, kilala mo ba siya?"

"Yes, Ma'am. Nasa taas po sila."

Nagpabili ako ng meryenda sa kanya at naghintay sa kusina. Pagbalik niya, sabay kaming nagtimpla ng juice at gumawa ng sandwich.

"Ngayon lang kita nakita, Ma'am. Taga-Maynila ka ba?"

Tumango ako habang hinahalo ang juice na nasa pitsel. "Oo. Kilala ko si Renzo at bumisita ako dito dahil sa nangyari."

"Nakakaawa, Ma'am, ano? Hindi pa nga nagse-senior si Ma'am Ida, pumanaw na. Tsaka narinig ko lang, Ma'am ha. Baon sila sa utang kasi naloko sila nung accountant ni Ma'am Ida."

"Paanong... naloko?"

"Hindi ko sigurado, Ma'am. Pero ang sabi-sabi, tumangay ng malaking pera yung account. Kaya ayan, hinahabol si Sir Renzo ng mga pinagkakautangan nila."

Kung na-bother ako sa nalaman ko, mas lalong nakakapag-alala ang naabutan namin sa itaas. Tila Biyernes Santo dahil sa lungkot na nakapaskil sa mga mukha nila kaya nang lumingon sila sa 'kin, nginitian ko sila at inangat ang tray na hawak ko. "Magandang hapon po. Meryenda po?"

Tumango sila at ngumiti pabalik kahit halatang nagtataka. Lumingon ako kay Renzo na nakakunot ang noo at masama ang tingin sa 'kin. Siya ang nakaupo sa dulo ng lamesa kaya kitang kita niya ako. Ngumiti lang ako sa kanya at muling itinaas ang tray na hawak ko pero mas lalo siyang sumimangot. Minasahe niya ang sentido niya at tahimik na nanood sa amin habang naglalapag ng sandwich at juice sa lamesa.

"Thank you, Ma'am."

"Naku, salamat po."

Isa-isa silang nagpasalamat at nginitian ko naman silang lahat. May isa pang natira dahil para sana 'to kay Renzo na walang kibo, nakahalukipkip lang siya habang nakatitig sa lamesa. Kinuha ko ang sandwich at saka naglagay ng juice sa baso. Inilapag ko 'yon sa harap niya kaya umangat ang tingin niya sa 'kin. Ngumiti ako at nanatili sa gilid niya. "Kumain ka."

"Hindi ako gutom."

Nagkibit-balikat lang ako. "Sige."

Napalingon ako sa isang empleyado nang biglang magsalita. "Salamat sa meryenda, Ma'am. Ngayon lang namin kayo nakita. Kaibigan ba kayo ni Sir Renzo?"

Ngumiti ako at saka tumango. "Magkakilala kami. Gusto ko lang makatulong dahil nalaman ko ang nangyari sa inyo. May naisip akong paraan para makatulong, sana mapagbigyan niyo 'ko."

"Uh... ano 'yun, Ma'am?"

"Advertisement agency rin ang negosyo namin pero meron din kaming cruise line. Ngayong nawalan kayo ng trabaho, pwede kayong mag-apply sa amin. Sa akin na kayo direktang magpasa ng resumé. Ako ang CEO ang OneClick."

Nagkatinginan sila habang namamangha at nakangiti. "OneClick ba kamo, Ma'am? Yung sikat na ad agency sa Maynila?"

"Tsaka yung may branch sa ibang bansa, 'di ba?" ang tanong naman nung isa.

Tumango ako at ngumiti habang yakap ko ang tray. "Kaya lang, nasa Manila 'yong main branch namin. May branch naman kami rito sa Mindanao, yung Cruise Line nga lang sa Surigao pero makakaasa naman kayong pagdating niyo sa Manila, siguradong may trabaho na kayo at hahanapan din namin kayong mura at malapit na matutuluyan."

"Kaya lang, Ma'am, nasa bente kami. Kakayanin kaya?"

Ngumiti ako at tumango. "Marami kaming branch sa Manila, meron nga rin pala sa Visayas kung gusto niyo talaga ng mas malapit pero ito ho ang tip ko sa inyo, mas malaki ang sahod sa Manila tsaka mas maraming oportunidad."

Nagtanguan sila kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Nandito ako hanggang bukas, pwede niyong iabot sa 'kin ang resumé niyo hanggang bukas ng hapon."

"Naku, thank you, Ma'am! Mabuti nandito kayo. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pang -tuition ng anak ko sa susunod na semester. Wala namang masyadong kumukuha ng cameraman dito."

Nagtanong pa sila tungkol sa ibang bagay at sinagot ko naman ang lahat. Mukhang tapos na rin ang meeting nila nang dumating kami kaya isa-isa na silang nagpaalam para makaalis habang si Renzo, tahimik pa ring nakaupo kaya umupo na lang din ako sa tabi niya.

"Nalaman ko kay Menchi na ngayon mo raw pwedeng makuha ang abo ni Tita Ida. Hindi ka pa ba pupunta?"

Napalingon siya sa akin na tila naputol sa pag-iisip. Tumango siya at kinuha na ang mga folder sa lamesa. "Oo..."

Pinanood ko lang siyang maglakad palapit sa pinto pero tumigil siya at lumingon sa 'kin. "You're kind as always. Thank you."

Ngumiti ako at tumango. "No biggie."

Continue Reading

You'll Also Like

303K 5.1K 44
"My Crush, My Love, My Fiancé?!" Season II.
1M 11.4K 48
A story of a guy who finds his perfect match in the imperfect world of corporate industry.
20.2K 679 54
Book 1: It Was Only Just a Dream [Soon to be PUBLISHED under LIB] 1-20 Chapters revised versions and the least ay hindi na ako magpopost. Watch out...
468K 14K 42
I am a knight with no shining armour. A knight with vow to protect the royal family with my own life. But when a princess came, my purpose has gone...