Turn Back

By JuanKatha

223 41 140

Si Bela at si Dave. Si Dave at si Bela. Bestfriends since bata hanggang sa kasalukuyan. Si Dave ay may tinata... More

Prologue: Alitaptap
Dave | Chapter 1: Notebook
Chapter 2: Walis
Chapter 3: Lakad
Chapter 5: Keychain
Chapter 6: Room
Bela | Chapter 6.5: Alitaptap?
Chapter 7: Papel
Chapter 8: Kasama
Chapter 9: Ballpen
Sam | Chapter 10: Mama

Chapter 4: Rooftop

15 5 9
By JuanKatha

"SINO KA BA?!"

Nakahiga pa kami sa sahig nang isigaw nya ito.

"Akala ko kasi ikaw si---"

"ANO BANG PROBLEMA MO HA?

Galit na galit naman 'tong si ate sa akin. Kasalanan ko din naman eh kasi nangialam ako sa buhay nya, pero diba mabuti din yung kasi naligtas ko sya? Hay nako ewan?! Ang gulo gulo na ng isip ko.

Tumayo sya at inabot ang kamay nya sa akin.

Aba mabait din naman pala sya eh. Inabot ko kamay nya at nung patayo na  ako bigla ba naman akong binitawan!

TAKTE! ARAY! Ansakit sa likod! Pasalamat ka babae ka!

Tumingin ako sa kanya at tumatawa lang sya. Natigilan nalang ako bigla, 'di ko malinaw na nakita yung mukha nya kanina pero ngayon...

"Ang ganda..."

"ANONG SABI MO?!" Oh fudge! Eto na naman sakit ko! Nasabi ko na naman ng malakas ang 'di dapat masabi!

Kailangan ko nang mag-improvise, eto ang technique na nagligtas sa akin ng ilang ulit. Breath of maang-maangan first form: bingi-bingihan.

"Huh ano ba yun?" tugon ko sa kanya.

'Di na sya sumagot, tinalikod nya nalang ako at nagmadaling pumunta sa pinto pababa ng rooftop.

Ang weird, napangiti nalang ako bigla nung umalis sya. Ganito siguro feeling maging superhero BWAHAHHAHA char.

Bumaba na ako at nagmadaling pumunta sa classroom. Madami-dami pa rin ang estudyanteng nagkalatan sa ibaba ng building. Halatadong mga chismoso eh.

Pababa na ako sa first floor nang makita ko si Bela malapit sa Library (Malapit lang lasi ang library sa building na 'to). Kinawayan ko sya at nakita nya ko.

Ang lamig ng mga tingin nya, 'di ko alam kung bakit pero parang ang sakit. Pero baka guni-guni ko lamang 'to. Kinawayan ko sya ulit. 'Di ako matitiis neto bestfriend nya ako eh.

Nakakatawa lang, 'di rin nakatulong pag-isip ko nun. Parang mas lumalim pa yung pagsakit sa dibdib ko.

Ano kaya problema nya? Baka bad mood lang sya. Hay makabalik na nga sa classroom.

Pagpasok ko tinginan na naman mga ogag kong classmates. Actually let me scratch that, 'di pa nga ako makapasok eh kasi nakaharang tung mga timang na 'to.

"Uy ang galing mo naman kanina Dave!"

Ay aba may mga baliw talaga akong classmates, kung ano ano pinagsasabi.

"Ano ba ibig nyong sabihin?" (Maang-maangan technique muli)

"Sana all, tagapagligtas!"

Sigaw pa ng iba, medyo natawa ako kasi napakasynchronize ng pagkakasabi nila takte!

Sinawalang bahala ko nalang ang mga sinasabi nila.

"Gagi gutom lang yan, kain kasi kayo sa tamang oras!"

Medyo galit ang pagkakasabi ko, kakainis na talaga eh. Nagpumilit na akong pumasok sa loob ng classroom at 'di ko mapigilang maluha.

Yung ngiti nya, yung upuan nya, yung ngiti nya. Natakot ako, natalot ako na baka mawala sya.

"SAAAAAM!"

Tumakbo agad ako papunta sa kanya at sya'y niyakap. Alam ko kung ano na namang maiisip ng mga classmates namin pero wala na akong pake.

"Akala ko mawa---"

Ampangit ng sitwasyon ko takte, kalalaki kong tao hagulgol ako.

"Akala ko mawawala ka na!"

Naramdaman ko ang init ng yakap nya, narinig kong natawa sya.

"Ano ka ba?! Andrama mo, 'di bagay sayo!"

Tumawa lang sya pagkatapos nyang sabihin yun. Natawa din ako. Haha

Napakagaan sa pakiramdam, malaking parte na rin ng buhay ko si Sam eh. Ayokong mawalan, ayokong mawalan ulit.

Umupo na ako sa upuan ko at pagtingin ko sa harap ay bigla akong kinalibutan sa nakita ko.

Para kaming nasa kulungan na punong puno ng mga gutom na leon.

Grabe naman makatingin tung mga kumag na 'to, tumingin ako kay Sam. Nginitian nya ako...

ACK! PUSO KO!

Nagsimula na ang pang-aasar nilang lahat. Ang ingay ingay, daig pa concert ng mga sikat na kpop idols.

Magsawa sila sa pang-aasar dyan basta ngayon ayos na si Sam, okay na ako dun.

Matapos nun ay hinila ako pabalik ng realidad sa katotohanang nasa school kami at nandito kami para mag-aral, at syempre wala paring kahit anong pumapasok sa isip ko.

Hirap maging bubu.

"That's all for today class, see you tomorrow!"

Nagsilabasan na mga classmates namin, naiwan kami ni Sam.

Tumingin ako sa kanya, nginitian nya lang ako. I smiled back.

"Di ka kakain?" tanong nya sakin.

Isa lang biglang pumasok sa isip ko, si Bela. Normally excited akong maglunch kasi kasama ko sya, kasabay ko sya. Pero parang 'di yun mangyayari ngayong araw.

"Di pa naman ako gutom."

Parang 'di sya na satisfy sa anwer ko, 'di naman talaga ako nagugutom eh. Wala akong gana...

Tumayo sya at pumunta sa harapan ko...

Ano kayang problema nito?

"Mauna ka nalang sigu----"

ARAY! Bigla nalang nag-init ang magkabila kong pisngi, hampasin ba naman ng magkabila nyang kamay.

"Oouyy Anwoo baAangg giNaaGuwaa mwooo!"

Pinisil nya ang magkabilang pisngi ko, takte ang sakit! Ano bang problema mo Sam!

Unti unti nyang inalis sa pagkakapisil ang mukha ko.

"Ano bang proble---"

Isa na namang sitwasyon na ayaw kong masanay na makita. Agad nalang ako lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

Nararamdaman ko ang paghagulgol nya sa dibdib ko. 'Di ko alam pero naaalala ko si Bela bigla, ano ba Dave? 'Di ito ang panahon para dyan!

Umiyak lang sya ng umiyak, habang eto ako walang masabi. 'Di ko alam, 'di ako makaisip ng tamang sabihin. 'Di ko man lang alam ang dahilan sa pagluha nya.

"G-gutom *sniffle* lang si-guro 'to." 'di ko mapigilang matawa sa sinabi nya, ang cute nya haha.

"Tara lunch na tayo!" aya ko sa kanya, baka kailangan ko na ding kumain. Nagbabakasakali din akong makita si Bela sa canteen.

"Tara!" agad nyang pinunasan ang mga luha nya at hinila ako papuntang canteen.

Eto na naman! Hila na naman! Ano kayang meron sa paghila at gustong gusto gawin yan ng mga babae?!

-3rd person POV-

Hila hila ni Sam si Dave papuntang canteen, sa 'di kalayuan ay minamasdan lamang sila ni Bela.

Ang cute nila sabi ni Bela sa kanyang sarili. Pumunta sya sa kanilang classroom at naupo sa kanyang upuan.

Mula sa ilalim ay may kinuha syang papel at tinitigan lang itong mabuti, dahan dahan nyang binasa ang mga salitang nakasulat sa papel.

Parang isang bagyo ay bigla na lamang tumulo ang mga luha sa mata nya, pakiramdam nya ay parang pinupunit ang puso nya gaya ng hangarin nyang pagpunit sa papel na 'di nya magawa.

Mag-isa lamang sya sa kanilang silid, nakaupo, at umiiyak.

Mas mabuti nang ganito sinabi nya sabay pasok ng papel sa kanyang bag. Pinahiran nya na ang kanyang luha at sya ay lumabas at nagtungo na sa canteen.

ITUTULOY....

--author's note--

Yun guys thank you sa mga nagpasyang basahin 'tong story na ginagawa ko, I appreciate all the support haha.

You guys can leave any suggestions or comments about sa story, you could also ask questions and stuff. Ewan haha 'di ako marunong magsalita.

Yun lang. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

71.9K 7.5K 55
A life of a strict father who is a soldier raising his 2 kids along with his duties.
126K 7.1K 44
When she wants to go to her dad's house as she was missing them!! Her husband who was searching online how to "stop your wife from going away from yo...
16.5K 1.1K 36
"You were magnificent, Satoru Gojo. I will never forget you for as long as I live." Satoru Gojo laid there, bisected in half, as if the universe itse...
33.1K 111 17
When 12 year old Alex steals a diaper from the daycare his mom works at, he goes down a rabbit hole of his new addiction.