Book Of Magic 3: CLAES (ON-GO...

By AliceInRedribbon

11K 1K 449

[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... STAR... More

Book of Magic 3: CLAES (ON-GOING)
THE CHOSEN
CELESTIAL MAGIC ACADEMY
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
GREETINGS..... From ME d^_^b
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165.1: Sakura Hinomiya (PART 1)
Chapter 165.2: Sakura Hinomiya (PART 2)
Chapter 165.3: Sakura Hinomiya (PART 3)
Chapter 165.4: Sakura Hinomiya (LAST PART)
ANNOUNCEMENT
THIS IS NOT STILL AN UPDATE
Chapter 166: MINERVA ATHENA GARCIA
Chapter 167 (NEW UPDATE)
Chapter 168 (SPOILER) (2024 UPDATE)
PROMOTION

Chapter 160

177 18 4
By AliceInRedribbon

Chapter 160:






•••
•••








































Ang nasa Mapa, nasa West ang Sand City. Nasa North kami galing, at mahabang kilometro na ang nalakad namin. Kaya ngayong nasa tinatawag na kami na 'Border' ng North, kailangan pa naming magpatuloy para makapasok sa border ng West.

Sa wakas nga eh, sa haba ng nilakad namin, nandito na kami sa Border ng North. Kung alam ko lang ang place kung saan kami ngayon, eh sana kanina pa kami andidito. Tss!

"Wala pa ba yung bangka?" tanong ni Ririna Waltz sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inamoy ko ang simoy ng hangin at dagat. Yes, nasa dagat na kami. I mean, wala pa as in nasa Dagat na talaga, wala pa kami sa tubig. Nasa lupa pa kami. Lupa pa ang Inaapakan namin. Nasa harapan palang namin yung dagat. May hinihintay pa kasi kami. Isa na doon ang tinutukoy ni Ririna Waltz na 'Bangka'. Maliban doon ay hinihintay din namin sina Sekaro Molave at Diane. Kumakain kasi silang dalawa sa loob. Tss!

Hindi naman kami nagreklamo. Mas mabuti yun, para naman makapag-pahinga ang Iba. At nasa loob sya ng Bahay ni Mang Inilog kumakain.

May nakatayong simpleng bahay na gawa sa kahoy dito malapit sa dagat. I mean, Isang kilometro pala yung layo ng bahay mula sa dagat. Si 'Mang Inilog' ay Isang simpleng tao na tinawag ang kanyang sarili na 'Mangingisda'. Matanda na sya. Sa tingin ko nga mga nasa 70's na sya? Pero nangingisda padin sya para mabuhay. Hindi naman sya nag-iisa. May kasama sya, kasama nya ang kanyang Anak na babae at ang dalawa nyang Apo na babae at lalake. Kumbaga, Apat silang nasa bahay.

Sya kaagad ang nakita namin pagkadating namin dito. Nag-iisa lang ang kanyang bahay na nakatayo dito. Nasabi ni Sekaro Molave na mukhang familiar sya sa lugar kung nasaan kami ngayon. Bale dati, maraming mga bahay dito, pero ngayon, nag-tataka sya kung bakit nawala lahat at mga puno nalang ang nakikita nya. Hindi lang yun, dahil may nag-iba din daw sa daan na tinatahak namin. Nagulat pa nga siya na pwede din palang dumaan sa 'ExitGate' papunta dito, yung unang punta nya kasi dito-kasama yung ka groupo nya, sa kabila sila dumaan. At naalala nya na yung daan lang sa kabila ang tanging daan papunta dito.

Nakilala kaagad kami ni Mang Inilog. Hindi ang mga pangalan namin. Kundi dahil sa Wrist Band na suot-suot namin. Hindi man nakikita yung sa Iba, pero tingin palang ni Mang Inilog sa kamay nina Zairel Von at Keith na parehong walang suot-suot na Cloak ay alam kaagad niya na taga Celestial Magic Academy kami. At hinula nya kaagad na mukhang nasa Mission kami ngayon. At tama naman sya.

Kaya pinapasok nya muna kami sa kanyang simpleng tahanan para mamahinga muna. Isang simpleng tahanan na hindi malaki. Pero ramdam na ramdam ko ang saya sa loob. Pinakilala nya din sa amin ang kanyang anak na babae na si Eden at ang dalawa nyang Apo na sina Mark and Livin. Matapos nun ay pinakain nya kami.

Napangiti nalang ako ng maalala ko ang sinabi nya sa amin.

"Pasensya na kung ito lang ang maibibigay namin sa inyo. Isda at kanin lang talaga ang meron kami. Pasensya na..."

Hindi marami ang nakalatag na kanin at Isda sa mesa. Kung titingnan ko nga ay kasya lang sa Apat at Limang Tao... 'Kasya lang sa kanilang Apat'... Pero... Hindi kami nagreklamo. Lalong-lalo na si Sekaro Molave at Diane na pasigaw na nagpasalamat. Hindi isang sigaw na bastos, kundi sigaw na nagpapasalamat dahil na appreciate nila ang Ibinigay na pagkain sa kanila. Tuwang-tuwa na nga ang reaction sa mukha ni Sekaro.

Kakainin na sana ni Sekaro ang pagkain na nasa mesa, kaso pinigilan ko kaagad sya. May napansin kasi kami ni Keith. At alam ko na hindi lang kaming dalawa ang nakapansin nun.

Sapat lang ang pagkain na nakalatag sa lamesa sa kanilang Apat. Kumbaga ay sa tingin ko, yun nalang talaga ang pagkain na natitira sa kanila. At para sa kanila sana yun. Kaso dumating kami kaya Ibinigay nalang nila sa amin yun. Napansin naman ni Keith yung dalawang bata na pilit na sumisilip at nakatitig sa pagkain.

Kaya ang tanging paraan nalang talaga ay magpasalamat. Nagpasalamat ako sa malasakit na Ibinigay nila sa amin. Pero hindi namin tinanggap ang pagkain. Dahil Ibinigay nalang namin ito sa kanila. Pina-upo namin ang dalawang bata sa mesa, kasama yung Mama nila at si Mang Inilog, at Ipinakain ang pagkain na Inihanda nila sa amin.

Nag-aalinlangan pa sila, at pilit nilang sinasabi na para sa amin talaga ang mga pagkain nayun, kahit hindi naman. Dahil yung pagkain nayun, ay sa kanila, at pinag-hirapan yun ni Mang Inilog. At nag-iisa nalang yun. Kaya sila dapat ang makakakain nun.

Nagdahilan din Ako kasama sina Ririna Waltz, Keith, Reisi at Zairel Von na busog pa kami. Dahil yun nalang ang tanging paraan para sila ay makakain.

Mabuti nalang at nakuha na nina Sekaro Molave at Diane ang mga pinag-sasabi namin, kaya hindi na nila Itinuloy ang kanilang balak. Tss!

"May baon po pala akong dala Mang Inilog. Sasabay po ako sa pagkain nyo. Sa inyo napo yan dahil ito po ang kakainin ko... Dalawa lang yung dala ko. Ikaw lang yung hindi ko pa narinig na nagsabi na 'busog'. Mukhang nagugutom ka na talaga Diane. Sayo na tong Isa..."

"H-huh? S-s-sa akin? Bakit?..."

"Huh? Kasi nagugutom ka..."

"H-hindi naman ako n-nagugutom.. S-sekaro..."

"Ano yun? Masyadong mahina Diane. Hindi ko marinig..."

"Wala po yun..."

"Oh, sayo na to. Huwag kang mag-alala, paborito ko ang nasa loob nyan. Masarap din yan noh..."

"E-ehh-..."

"KAIN NA TAYO!..."

Kaya napag-isipan nalang namin na lumabas muna at hayaan silang kumakain sa loob. Nakatayo lang ako dito sa tabing dagat. Kasama si Ririna Waltz. Nakatingin sa malayo. Habang nasa kubo-kubo naman sina Reisi at Keith, nakabantay kay Zairel Von.

Marami na akong nababasa sa libro, pero first time ko talagang malaman na malaki pala talaga ang Magic Realm. Kung hindi dahil sa makapal na librong yun na nakita ko, wala akong malalaman.

Dito sa Celestial Magic Academy, nalaman ko mula kay Ririna Waltz na nirerespeto nila ang mga kagaya namin na nag-aaral sa Isang Magic School. Nalaman nya din yun nung una din silang napadpad dito. Habang namimili sya ng mga baril, naririnig nya yun sa Ibang mga studyante sa bawat gilid.

Iba pala dito sa nakasanayan ko doon sa Agenhor...

"Mukhang wala pa talaga yung bangka." sagot ko sa tanong nya kanina.

Pero ang pinakahinihintay talaga namin, ay ang magiging sasakyan namin. Ginagamit pa daw kasi ng pinsan ni Mang Inilog.

Bago kami tuluyang makalabas sa bahay ni Mang Inilog, naitanong ni Keith sa kanila kung ano ang ginagamit na sasakyan ni Mang Inilog sa pangingisda. Ang sagot naman ni Mang Inilog ay "Bangka". Kaya naisipan ni Keith kung pwede nyang mahiram ang bangka nya, gagamitin papuntang West. Sabay bigay nya ng nakatuping tela na may lamang mga Pera kay Mang Inilog.

Grabe ang tuwa at saya sa mukha ni Mang Inilog nang makita ang laman ng tela. Muntik nya na ngang hindi tanggapin. May rason sya kung bakit ayaw nyang tanggapin yung perang Ibinigay ni Keith kapalit yung bangka nya... Ay dahil... Hindi sa ayaw nya, kundi dahil sa mahalaga sa kanya yung Bangka nya. Bigay pa daw ito ng Lolo nya sa kanya kaya hindi madali para sa kanyang Ibigay ito sa Iba kapalit ng pera.

Pero... Mukhang Inaasahan nayun ni Keith. Tss! Sagot nya pa... "Hihiramin ko lang ho sana ang bangka mo Mang Inilog, at Isasauli ko ho pagbalik... Hindi ko ho Ibinigay ang pera nayan para ho bilhin ang bangka mo, kung yun ho man ang pagkaka-intindi mo. Ibinigay ko yan, dahil yun ho ang gusto ko. Habang nasa akin ho ang bangka mo, Ibili nyo ho yan ng mga pagkain nyo-lalong-lalo na ho para sa dalawang apo nyo..."

At Hindi ko nga enexpect na ang haba at ganda ng speech nya. Tss!

Kaya at the end, pumayag si Mang Inilog. Napaluhod nga sya sabay Iyak dahil sa halo-halong emotion na nararamdaman nya. Paulit-ulit din syang nagpapasalamat. Kahit yung Anak nyang babae ay naiyak din sa tuwa.

Napangiti nalang ako ng tipid.

"What's wrong with your brother? Sekaro was right, may nag-aantay na Crew Ship doon. Kaya bakit mas pinili nya padin yung bangka? Ayaw nya doon?" tanong ni Ririna sabay turo ng daan papuntang kung saan man yang Itunutukoy nyang 'Crew Ship'.

Kanina, nang kumalma na sina Mang Inilog at Maam Eden na Anak nyang babae. Sumabat si Sekaro Molave ay sinabing may Crew Ship doon banda, sa labas ng bayan na kung saan kami ngayon. Isang Crew Ship na para sa aming mga Studyanteng may mga Mission. Lalo na kapag nasa kabilang Dagat ang mission namin. May nakaabang talaga na mga malalaking sasakyang pandagat para sa amin.

Nang malaman namin yun, akala ng Iba ay magbabago ang Isip ni Keith. Na huwag nalang yung bangka. Pero dahil kilala ko ang Keith nayun, alam ko na kaagad yung sagot. Tss!

Hindi sya yung tipong tao na babawiin yung nasabi na. Nasabi nya na na hihiramin nya ang bangka ni Mang Inilog, at hindi nya yun babawiin pa. Hihiramin nya padin at Isasauli pagbalik. "I will still use the boat. The choice is in yours. Crew Ship or a Boat." Ika nya pa nga kanina saka lumabas na ng bahay. Tss!

Kaya pagkalabas din namin, kanya-kanya na kami ng kausap sa Isip namin. 'Crew Ship' or 'Boat'. Hindi naman ako natagalan sa pag-iisip. May Fear of Ship ako. Naalala ko yung nasa Enchanter Realm kami, pinasakay kami sa lumilipad na barko nina Medea, halos hindi na nga ako makagalaw nun. Tss! Kaya naisip ko na baka mangyayare ulit sa akin ang nangyare nun. Na kapag sasakay ako ng Barko, mahihilo nanaman ako.

Sayang... Wala pa naman si Sophia sa tabi ko.

"Kilala ko si Keith. Kapag nasabi nya na. Nasabi nya na. Hindi nya nayun babawiin pa." sagot ko sa tanong ni Ririna Waltz.

"Ang weird nyo talagang dalawa. And I admit it."

Hinihintay namin ang bangka, ginagamit pa kasi ng lalakeng pinsan ni Mang Inilog. Nasa laot pa daw siya, kasama yung mga kaibigan nya, nangingisda. Kanina pa silang umaga doon at hanggang ngayon wala pa sila. 'Nakakapagtataka nga-' sabi kanina ni Mang Inilog.

Nakakapagtataka nga naman, mag-hahapon na at kanina pa umagang nasa laot yung Pinsan ni Mang Inilog, kasama yung mga kaibigan. Wala bang mga Isda ang dagat nato? Kaya natagalan sila?

Wala akong masyadong alam tungkol sa mga 'mangingisda' o 'pangingisda' nayan. Pero dahil Ma-ngi-ngISDA at PangingISDA at kailangan ng bangka para sa dagat, mukhang sa dagat ang trabaho nayan at maghahanap ng Isda. Hindi naman ako Ignorante, nabasa ko din ata yan sa libro. First time ko nga lang maka-kita talaga. Tss!

"Ano yun?" biglang basag ni Ririna Waltz sa katahimikan.

"Huh?" nagtaka ako sa sinabi nya.

"Look." sabay turo nya sa dagat.

Sinundan ko naman ng tingin kung saan nakaturo ang kanyang daliri. Nakita ko sa harapan, hindi masyadong kalayuan, pero sapat lang para mapagmasdan ang Isang bagay na lumulutang sa Ibabaw ng Asul na may halong Berdeng Dagat.

Pareho kaming nakatitig ni Ririna Waltz. Kulay Brown na gawa sa kahoy ang lumulutang sa dagat, hindi masyadong malaki, at hindi din naman masyadong maliit. May mga weird na nakadikit sa bawat gilid nito.

Light X-ray!

Nakikita ko sa loob nito ang mga Ibat-ibang mga kagamitan na familiar sa akin ang Iba. Mga gamit lang ang laman. Base sa Itshura ng bagay, parang sasakyang pan dagat.

Bangka bayan?

"Bangka bayan?" mukhang pareho kaming nasa Isip ngayon ni Ririna Waltz. Tss!

"Hindi ko alam." ang tanging naisagot ko. Hindi nga ako sigurado kung Bangka ba talaga yan? Bakit kakaiba ang Itshura?

Tshaka naka-gamit ako ng Light X-ray ngayon kaya ramdam ko na Iba na ang kulay ng lenses ko. At dahil naka-on nga ang Light X-ray ko, nakikita ko ang nasa loob ng Brown-na-bagay-na-lumulutang-sa-dagat. Syempre, hindi nakaligtas sa mga Mata ko ang may Ilang parte ng lumulutang-na-bagay-sa-dagat ang Isang Pulang kulay na nagkalat sa bawat gilid.

"GUYS! HALI KAYO DITO!..." sigaw ni Ririna Waltz sa Iba. Kaya mabilis namang nasa tabi na namin ang Tatlo. "... Tingnan nyo. Bangka yan diba?" at Itinuro nya ang lumulutang na bagay na nasa dagat.

"Oo. Isang simpleng bangka ng mga mangingisda." sagot ni Zairel Von.

Naramdaman naming pareho ang pagtaas ng Aura sa Isa naming kasama. Bigla nalang lumutang sa aming harapan-sa Ere ang Pulang Scepter ni Reisi. Lumulutang at lumiliwanag sa ere. Nakita ko sa gilid ng kaliwa kong mata na nag-iba din ang kulay ng mga Lenses nya, from normal brownish to Red.

Akala ko kung anong gagawin nya kung bakit Inilabas nya ang kanyang Scepter. Pero nakita ko nalang na mabilis na nahulog ang kanyang Scepter-o mas tawagin nalang natin na sinadya nyang Ibagsak sa dagat. Controlado nya ang kanyang Scepter kaya malamang may plano ang lalakeng to.

Pagkabagsak ng Scepter nya sa dagat, parang gumawa ito ng Isang malakas na Impact kaya gumalaw ang tubig, gumawa ng Isang malaking alon, kaya naitulak papunta sa amin ang lumulutang na bagay sa dagat, ang bangka. Kaya nasa harapan na namin ngayon ang bangka.

Gamit naman ang Kapangyarihan ni Zairel Von, nag-form ng Isang matigas at malaking Tali ang Isang Buhangin. Kinontrol nya ito, Itinali sa bangka at hinila papunta sa buhangin. Napaatras naman kami ng konti. Malamang, sa kinaroroonan pa talaga namin. Tss! Kaya ang dating nasa dagat ang bangka, habang lumulutang. Ngayon, ay nasa buhangin na, hindi na sya lumulutang pa. At nakikita nadin namin ito ng malapitan.

"Mang Inilog is the only person who lives here." wika ni Keith sabay lapit nya sa bangka.

"Hindi lang naman si Mang Inilog..." wika ni Ririna Waltz. Nilingon sya ni Keith na walang expression sa mukha. "... His Daughter and Apo din. Kasama nya."

Parang binalewala lang ni Keith ang sinabi ni Ririna Waltz. Pero alam kong narinig nya yun at naintindihan nya. Kaso mas pinili nyang tumalikod at ipinagpatuloy nalang ang paglapit sa bangka. Napansin ko naman ang pagsimangot ni Ririna Waltz sabay Ipinagkrus ang mga braso.

Tiningnan nya ako. "Pareho kayo ng Inaasta Catarina..." may ngiti sa labi nyang wika sa akin. "... He is like your Male version."

"Yan ang bangka ni Mang Inilog." wika ni Zairel Von.

Magkasama silang tatlo na sinusuri ang bangka. Pinagmamasdan ang bawat ang-gulo nito. Wala silang hinahawakan kahit ni Isa, hanggang pagsusuri at tingin lamang sila. Mukhang nag-iingat.

"Nakakapagtataka..." panimula ko. Kaya napatingin sila sa akin. "... Ang nasabi sa atin ni Mang Inilog, ginamit pa ng Pinsan nya ang Bangka nya, kasama ang mga kaibigan. Kanina pa sila umagang nangingisda. At ngayon..." nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"... Bakit bangka lang ata ang umuwi? Nasaan ang laman nayan?." tanong ko.

Katahimikan ang sumagot sa akin.

"Mas paniniwalaan ko pa kung Isda ang uuwi, keysa sa bangka lang..." may palihim na ngisi sa labing wika ni Keith. "... There is only one answer to your question, Cath."

"May nangyareng hindi maganda sa pangingisda nila." boses ni Reisi. Nakatingin sya sa dagat.

At mukhang ang sinabi nya ay ang magiging sagot sa mga tanong ko.

"Enemy?"

Nasa laot, nangingisda ang Pinsan ni Mang Inilog. Kasama ang mga kaibigan. Pinahiram nya ang Bangka nya sa kanyang Pinsan. Kanina pa sila umagang umalis at hanggang ngayon wala padin sila.

Tapos ngayon makikita nalang namin na mag-isa atang umuwi ang bangka ni Mang Inilog?

Alam kaagad nina Keith na kay Mang Inilog talaga ang bangka nato. Kung bakit? Dahil alam naman naming lahat na nag-iisa lang ang bahay ni Mang Inilog dito. Kung maraming mga bangka dito, sana hindi nalang hiniram ng Pinsan nya ang bangka nya. Tss!

Kung sakay ng Bangka ni Mang Inilog ang Pinsan nya, kasama ang kaibigan, diba dapat sabay-sabay silang uuwi? Dala-dala ang mga nakuha nilang Isda? Pero bakit Bangka lang yung umuwi? Nasaan ang Pinsan nya?

Mukhang tama nga naman si Reisi... May nangyare sigurong hindi maganda sa kalagitnaan ng pangingisda nila. Pero ano naman?

"Is that a blood?" tanong Ririna Waltz habang nakaturo sa mga Pulang-kulay-mantsya ata sa bawat gilid ng bangka.

Yan yung Pulang Kulay na nahagip ng Light X-ray ko. Nagkalat sya sa bawat gilid ng bangka.

Hinawakan yun ni Keith, nabahiran ng pulang kulay ang kanyang daliri saka Inamoy nya ito. "Hm. Blood." sagot nya sabay punas nya sa kanyang daliri.

"Sa tingin nyo, kaninong mga dugo yan?" tanong ni Ririna Waltz sa amin.

"Sa Pinsan ni Mang Inilog." sagot ni Zairel Von. Naka-krus padin ang kanyang braso at salubong na ang mga kilay.

Halos pare-pareho namang nakasalubong ang mga kilay namin ngayon.

"Bakit may mga dugo dyan?" tanong nya ulit.

"H-"

"OYY! GUYSSS!! TAPOS NA KAMING KUMAIN! WALA PADIN BA YUNG BANGKA?" pasigaw na tanong ni Sekaro Molave.

Hindi namin sya nagawang lingunin. Dahil kaming Lima ay nananatiling nasa Bangka lang ang paningin. Parehong Iniisip kung ano nga ba ang nangyare sa kanila.

"Ehh?"

Alam kong Pare-pareho kaming nasa Isip ngayon. Pare-parehong Iniisip kung nasaan ang Pinsan ni Mang Inilog. Bakit may dugo? Kaninong mga dugo talaga ang nasa bangkang to? Nasaan sila? Anong nangyare sa kanila? Bakit mag-isang umuwi ang bangka? Bakit may dala pang dugo? Bakit hindi nalang sila kasama ang mga keysa? Keysa sa dugo. Dugo ba to nila?

"Ate Aria?"

At Pare-pareho din naming hindi alam ang sagot. Hindi din kami sigurado kung sa kanila nga ba ang mga dugo nayan. Malay ba namin kung anong Blood-Type sila o related ba sila sa amin para malaman namin kung sa kanila ba talaga ang mga dugong yan. Tss!

"Lady Catarina? Guys?"

"Sekaro. Isang bangka. Tingin mo."

"Hanluhh! Oo nga. Bangka. Kanino namang bangka to?"

"Sekaro Molave."

"P-po? L-l-lord Keith?"

Napakurap ako ng Tatlong beses sa narinig ko. Lord... Keith? Ang tawag ni Sekaro sa kanya? Sa bagay, mukhang eto nga ang unang pagkakataon na tinawag sya ni Keith sa kanyang pangalan. Tss! Pero syempre, gusto kong matawa muna. Punyeta! Lord Keith talaga?

"Tawagin mo si Mang Inilog. Papuntahin kaagad sya dito."

"H-huh? O-okay po L-lord Keith." nagtataka man si Sekaro Molave, ay umalis parin sya at sinunod ang sinabi ni Keith.

"Diane Ascart."

"P-po! L-l-lo-"

"Huwag mo syang tatawaging Lord Keith, Diane. Tss!" putol ko sa kanyang sagot.

"Huh? P-pero Ate Aria..."

"Tawagin mo sya kagaya lang kung paano mo tinatawag sina Cylex. Huwag kang mag-alala, hindi naman mamatay tao yang Keith nayan."

' 'yang keith nayan'...' rinig kong boses ni Keith gamit ang Mind Communication naming dalawa. Tss! '... Tsk.'

"O-okay po... A-ano.. Ano po yun K-k-kuya K-k-keith?"

"C-"

"Tara Diane, hihiram tayo ng basahan kay Maam Eden." Inunahan ko na sya.

Napa-smirk nalang si Keith.

"O-okay po Ate Aria."

'Mas mabuting ako ang kasama nya Keith.'

Sabay naming tinahak ang ma-buhanging daan pabalik sa bahay ni Mang Inilog. Nakasalubong pa nga namin sya kasama si Sekaro Molave. Pagkapasok naman namin sa bahay nya, nalaman namin na nasa kwarto na ang mga Anak ni Maam Eden. Kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na humiram ng basahan.

Naitanong nya pa kung anong gagawin namin sa basahan. Nagdadalawang Isip pa ako kung sasabihin ko ba ang totoong sagot? O magsisinungaling ako? Pero... Sa huli, mas pinili ko na sagutin nalang ng Tama. Tss!

"Dumating po mag-isa ang bangka ni Mang Inilog. Walang laman. At maraming dugo. Kaya gagamitin po namin ang basahan nato panlinis." sagot ko.

Naguluhan sya nung una, pero unti-unti nya din namang naintindihan. Imbis na Ibibigay nya sa amin ang basahan, hindi nya ito Ibinigay, dahil tumakbo na sya palabas ng bahay habang dala-dala ang basahan at mga tuyong tela.

Pero may huli syang Isinigaw sa amin.

"Paumanhin po sa Inyo mga Binibini! Ngunit paki-bantay naman po sa dalawa kong anak. Huwag po kayong mag-alala. Ako na po ang mag-lilinis ng bangka!"

Kaya, naiwan nalang kami dito ni Diane. Pumasok kami sa kwarto. Isinara ang pinto. At naghanap ng mapwe-pwestuhan sa gilid. Pero si Diane ay mas pinili na tumabi sa dalawang batang mahimbing na natutulog.

'Keith. Tawagan mo kami kung aalis na tayo. Mag-babantay muna kami dito.' wika ko gamit ang Mind Communication.

Kahit malayo na ako sa kanya, alam kong naaabot padin sya ng kapangyarihan ko. Malayo ang naaabot ng Mind Communication ko or mas kilala natin na Cognition Levian daw. Tss!

Mula dito sa bahay ni Mang Inilog papunta sa kung saan sina Keith ay medyo malapit-lapit padin sa distansyang naaabot ng Cognition Levian ko. Aabot pa nga ito papuntang dagat. Ewan ko lang kung aabot ba sa gitnang dagat. Tss!

"Sana okay po yung Pinsan ni Mang Inilog, Ate Aria... Tshaka narin po yung mga kaibigan nya..." rinig kong mahinang boses ni Diane.

Umiingat, para hindi magising ang dalawang bata.

"... Sana okay po sila ngayon." dagdag nya.

"Sana nga Diane..." mahina ko ring bulong.

Ano kayang nangyare sa kanila? Anong klaseng kalaban ang nakaharap nila?

Hindi ko alam sa sarili ko... Pero nag-alala ako konti nang makita ko ang dugo sa bangka...

Sana malaman ko man lang kung anong nangyare sa Pinsan ni Mang Inilog at sa mga kaibigan nito.





°°°
°°°



<• SOMEONE POV •>

'Team 4 Members; Sophia Ascart, Kelly Kendrick, Cylex Sarmiento, Shinji Bartolome, Zero Haizaki, Etherious Lexer and the Leader Medea Orion...'

'Team 4 Members; Sophia Ascart, Kelly Kendrick, Cylex Sarmiento, Shinji Bartolome, Zero Haizaki, Etherious Lexer and the Leader Medea Orion...'

'Team 4 Members; Sophia Ascart, Kelly Kendrick, Cylex Sarmiento, Shinji Bartolome, Zero Haizaki, Etherious Lexer and the Leader Medea Orion...'

Jusqqq! Paulit-ulit padin sa Isip ko ang nasabi ng Principal Suki Bergium nayun.

Problema na nga ako na kasama ko tong Prince of Fire Kingdom, dumagdag pa tong mga Ibang kasamahan ko din na ang mga weird.

Lalo na tong Kelly Kendrick from Emerald Academy.

Papunta daw kami sa sakayan ng sasakyan. Well, Leaders order. And Missions priority.

At sa haba na ng nalakad namin, nasa hulihan lang ako palagi. Or should I say, kanina lang. Tch!

Kanina kasi ako yung nasa hulihan. Mas pinili kong magpahuli. Ang awkward kasi naming Pito. And I don't know how to socialize with them.

Kaso...

Ayun nga, may nagpahuli pa sa akin.

The Prince of Fire Kingdom...

Sa twing babagalan ko ang paglalakad ko, binabagalan nya din. Halatang gustong magpahuli din.

That's why I gave up. Ibinigay ko na ss kanya ang 'Hulihan' position nayan. Tch!

At dahil nalilintikan ako sa Cylex Sarmiento nayan, mas pinili ko nalang muna na Ibaling ang paningin ko sa babaeng kina-iinisan ko din sa groupong to.

Is this fate? Eto ba ang gusto ng kapalaran? Ang Ihiwalay ako kay Catarina? Tapos papalit ang dalawang to?

Tch. Tch. Tch.

Base sa napapansin ko kanina pa lamang sa labas ng Academy, nung nag-sisimula palang kaming maglakad papunta sa destinasyon ng magiging mission namin, ay palihim kong pinag-mamasdan ang mga kasama ko.

Why? Curious ako Punyeta. Curious ako kung bakit sila-sila pa ang mga kasama ko. Bakit hindi nalang si Catarina?

Tch!

Okay, first, here's the only Girl I hate in this group. Kelly Kendrick from Emerald Academy. Malayo ang distansya nya sa taong gusto nya. Panay ang tingin nya sa kanya.

Nakakagulat.

Why?

Kasi akala ko ba bati na sila?

Kasi sa pagkaka-alala ko, nung unang mission namin dito sa Realm nato. Pagkatapos ng First Mission namin, nagkita kami. Lustrous Academy Students and Emerald Academy Students. Naikuwento ni Rhea ang tungkol kay Etherious Lexer na galit sa kanila.

Pero nang magkita kami kanina sa First floor ng Classroom Building, wala namang tensyong namagitan sa kanilang dalawa?

Well, Iniwan sya ni Etherious Lexer, medyo nakikita ko naman ang Inis sa mukha ni Kelly Kendrick pagkababa nya. Parang normal students na may gusto sa Isat-isa lang ang nakikita ko sa kanilang dalawa.

Kaya... Bakit... Hindi sila magkatabing dalawa?

Friends na sila ulit diba?

'Aba malay ko. Tch!'

Second, Etherious Lexer from Emerald Academy din. Habang panay ang tingin ni Kelly Kendrick sa kanya, sya naman ay parang walang pakialam.

Dahil nakatingin lamang sya sa Iisang direksyon.

Masama ang kanyang tingin sa nakatalikod na katawan ng Leader namin.

Hindi ko alam kung nararamdaman nya ba ang tingin ni Kelly Kendrick sa kanya? O hindi?

'So pake ko sa dalawang yan? Tch!'

Then Third, Shinji Bartolome from Celestial Magic Academy.

Nagpakilala sya kanina. 'Hi and Hello. I am Shinji Bartolome.. Age? Secret.. I'm not good at combat fight but I love to play.. Thank you.'

'Walang sense yung sinabi nya. Promise. Ano naman kung mahilig syang maglaro? Sa sobrang dami ng klase ng laro, alin doon ang hilig nya? Tch!'

Fourth, Zero Haizaki from Luminous Academy. Maganda na nandito sya sa team nato.

But...

'I didn't know na cold pala sya kapag naaaninagan mo na ng malapitan. Tch!'

Pumasok kasi sa Isip ko ang eksena nung umatake nalang bigla-bigla ang Demon Queen. Tumulong sya sa pag-heal kay Keith kaya naappreciate ko yun talaga. Kaso mga mababaw na sugat lang ang nagagamot ng Water Alchemist Magic nya, hindi kasama ang mga malalalim.

Gabi nun kaya hindi ko masyadong naaaninagan ang mukha nya. Pero ngayon, nakita ko pa kanina ng malapitan.

Hindi Cold ang boses nya. Pero Iba ang pinapahiwatig ng pagmumukha nya. Tch. Ang lamig. Grabe.

Then Fifth, Cylex Alexus Sarmiento, the Prince of Fire Kingdom, studied at Lustrous Academy.

'Wala na akong masabi pa tungkol sa kanya. Tch!'

And the last, the Leader of this Team, Medea Orion, from Enchanted Hollow Academy.

Wizard and Enchanter WAR...

Isang taga Enchanted Hollow Academy at Dalawang taga Emerald Academy.

Kaya naman pala kanina pa masama ang tingin ni Etherious Lexer sa Leader namin. Tch!

'Nararamdaman mo ba ang bagsik ng tingin nya? Leader?... Tch!'

"We're here." basag sa katahimikan ni Medea Orion.

Umangat kaagad ang paningin ko sa malaking sasakyan sa aming harapan.

Nasabi ni Medea sa aming lahat na bawat parte ng lugar dito sa Mage Realm ay may mga nag-aantay na malaking sasakyan papunta sa kabilang panig ng Isla.

I mean, nagsisilbi lang syang Bridge papunta sa place kung saan hindi kayang abutin ng mga paa namin.

Nag-aantay ang malaking Crew Ship.

Yun ang sinabi nya sa amin kanina. Narinig nya lang yun sa mga studyante din na hindi nya kilala. Kaya sinubukan din namin kung may makikita ba kaming sasakyan papunta sa kabilang Isla.

And here we are. Nasa harapan na nga namin ang malaking Ship. Ang magiging sasakyan namin papuntang East.

Our Destination is the Country of Hidden. Matatagpuan sa East ng Mapa.

'Our Mission is to deliver a Message to the Country of Hidden.'

Or tawagin nalang din natin na hindi lang message ang idede-liver namin.

Dahil kanina pa namin kasama ang may hawak ng Message. Sya ang may hawak ng 'Message'. At kailangan kasama namin sya. Tshaka Sya lang din ang nakakaalam sa mensaheng tinutukoy ng papel. Tch!

In short, may e dede-liver syang Message sa Country of Hidden, tapos kami ay magiging 'taga-bantay' nya.

Shinji Bartolome...

'Ginawa ba naman kaming taga-bantay. Tch!'

Wala ng ibang Description pa ang nakalagay sa papel na nasa loob ng Brown Envelop. Yun lang.

Nakakapagtataka...

Kasi...

Akala ko nga ay sya lang ang tanging nakakaalam sa 'Message' na nakasulat sa Papel. Akala ko ay hawak-hawak nya. Akala ko ay may huling sinabi sa kanya si Principal Suki Bergium tungkol sa Mensaheng Idedeliver namin sa Country of Hidden. Akala ko alam nya.

Pero...

Nakakapagtataka ang sagot nya kanina.

'I don't know what message are you talking about. Principal Suki didn't tell me about that message.'

Pero kahit hindi namin alam, kahit ang Leader namin ay nakikita kong nagtataka din... Ay Ipinagpatuloy padin namin ang misyong to.

"Magandang umaga. Saan ho ang destinasyon nyo?" tanong ng Isang Guard na nakatayo sa gilid ng daan papasok ng Crew Ship.

"Country of Hidden." sagot ni Leader Medea.

"Country of Hidden?" hindi makapaniwalang tanong ng guard.

"Yes."

"Pasensya na sa aking sasabihin, pero hindi kayang pasukin ng Crew Ship ang Country of Hidden. Hanggang Boundary lamang kami."

"No problem."

Habang nag-uusap sila.

May biglang pumasok sa Isip ko.

Natulala ako habang nakatitig sa Inaapakan kong sahig ng Crew Ship.

Ship?

'Catarina!'

Patay! Punyeta! Lintek! Si Catarina!

Hindi ko man alam kung saan ang destinasyon nya o kung ano ang mission nya kasama ang mga ka groupo nya.

Hindi ko alam kung sa labas ba o sa loob lang ng School.

Pero nababahala ako! What if kung sa labas nga? At sa kabilang Isla pa? Paano nayan?

Sasakay sya ng barko?

'Nau ti Sea n Symptom...'

Jusqqq! Naalala ko yung nangyare nung napadpad kami sa Enchanters Realm. Pinasakay kami sa 'Killdone' ship nayun, yung lumilipad na barko. Tapos malaman ko nalang na bagsak na si Catarina?

Pasalamat sila may nalanghap ako ng konting Smoke nung Immortal Hunter nayun kaya matagal kong naaalalayan si Catarina. Tch.

Sana...

Hindi ka sasakay ng Ship Catarina. Huwag na huwag kang sasakay sa Crew Ship Lintek na Purple Hair ka!

Please don't make me worry...


















































To be Continued .....








Continue Reading

You'll Also Like

330K 24.8K 40
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
30.3K 1.3K 66
Akira Alexies Jane Smith. Isang Mafia Queen at Gangster Queen. Isa siyang gay na may taglay na ganda meron siyang kulay pula na mata na nag sisimbolo...
29.1K 796 59
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
103K 3.3K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...