Drunk Diary

Por irshwndy

246K 10.1K 2.1K

Joon drowned himself in alcohol, cigarettes, and partying after leaving the Green Giants basketball team. He'... Más

READ THIS FIRST
PROLOGUE
Chapter 1: Cleng the Virgin
Chapter 2: Walang Inosente sa Mundo
Chapter 3: Enchanted
Chapter 4: Number 33
Chapter 5: Missed Shot
Chapter 6: Missed Kiss
Chapter 7: Dr. Love
Chapter 9: Deadly Lips
Chapter 10: Wistful Woes
Chapter 11: Creeping Back
Chapter 12: Do What You Want
Chapter 13: Such a Sucker
Chapter 14: Shitstorm
Chapter 15: Electric Spark
Chapter 16: Five Heartbeats
Chapter 17: Sticky Feelings
Chapter 18: Blind Spot
Chapter 19: Last Three Kisses
Chapter 20: Tainted and Rotten
Chapter 21: Broken Screen, Broken Smile
Chapter 22: Birthday Wish
Chapter 23: Third Wave
Chapter 24: Deja Vu
Chapter 25: Blue and Green
Chapter 26: Masked Tears
Chapter 27: Irrational
Chapter 28: See-Saw

Chapter 8: Firsts

7.5K 374 134
Por irshwndy

✧✦✧

JOON


Hindi ako makapaniwalang nahalikan ko ulit si Cleng. Shit, bakit ang tamis ng mga labi niya? I've kissed lots of lips, but hers is just...perfect. There's something about their plumpness and softness. Teka, I just invited her to my place! I really need to go to the grocery!

Under normal circumstances, I would have asked some of our butlers to do the shopping for me. Pero ngayon, ewan ko ba, gusto kong ako talaga ang personal na mamili para sa pagbisita ni Cleng. Kaya pagkasundo sa 'kin ng sasakyan ay nagpahatid ako sa Rustan's.

"Sir Joon, gusto niyo po bang samahan ko kayo?" alok ni Simon na siyang nag-drive sa 'kin papunta rito. Halatang nag-aalala siya dahil unang beses kong gagawin 'to.

"H-Hindi na!" nauutal na tanggi ko. Nakakahiya masiyado kapag makikita niya ang mga bibilhin ko. Siguradong maghihinala siya kung bakit ako bumibili ng mga kataka-takang mga bagay. Joon Villamontano has brought home a lot of girls, but he has never prepared for someone's arrival like this. "Kaya ko nang mamili nang mag-isa. Hintayin mo na lang ang text ko 'pag magpapasundo na 'ko," bilin ko sa kaniya. "Salamat, Simon!"

***

Wala pang sampung minuto ay naliligaw na agad ako. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad si Simon. "Simon! S-Saan dito ang mga prutas?"

"Sir Joon, doon po 'yon sa pinakakanan sa dulong hilera. Gusto niyo po bang pumunta ako riyan?"

"Hindi na! Hindi na! Tatawag na lang ulit ako kapag magpapasundo na 'ko," tugon ko sa kaniya. "Salamat, Simon!"

Dahil baguhan ako sa pamimili sa grocery, maya't maya ang pagtawag ko sa 'king mabuting butler.

"Simon! Ano'ng pinagkaiba ng olive oil sa sesame oil?"

"Simon! Ilang kilo ng quinoa ang bibilhin ko para sa dalawang tao?"

"Simon—"

"Sir Joon! Pupuntahan na lang kita riyan!"

"Hindi na kailanga—"

"I insist, Master Joon!"

At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na binabaan ako ni Simon ng tawag. Ilang saglit lang ay nakarating na siya at tinulungan na 'kong mamili.

"Ano pa po'ng kailangan niyo, Sir Joon?" tanong niya nang malapit na kaming matapos.

"Uh, t-tissue, saan ba ang mga tissue?" namumula kong tanong.

"Ah, mga table napkins ba para sa pagkain? Kumuha na 'ko kanina, sir."

"H-Hindi 'yon! Ako na kukuha! Sabihin mo na lang kung saan..." Pagkatapos no'n ay bumalik na ako na may bitbit na maraming pack ng tissue. Si Cleng ang may kasalanan nito, dahil sa kaniya, mauubos ang supply ng tissue sa Rustan's!

***

Pagkahatid sa 'kin sa condo ay naghanda na agad ako. Nagpalit ako ng bed sheet, unan, at mga kurtina. "Alexa, play Shake It Off by Taylor Swift!" utos ko sa 'king smart gadget. Habang naglilinis ng condo ay sumasayaw-sayaw ako sa kanta. I used the end of the vacuum as a standing microphone. 

Pinabanguhan ko ang buong lugar gamit ang scented candles. Naghanap din ako ng mga tutorial sa YouTube kung paano magluto. Bumili kasi ako ng mga oyster, avocado, pasta, and dark chocolates. Kumpleto mula appetizer hanggang dessert. Everything is arranged nicely in order to set the perfect romantic mood.

"Hay, napakasuwerte naman ni Cleng sa 'kin."

Pagkatapos maluto ang lahat ay nilapag ko na ang mga putahe nang maayos sa dining table. Tumunog bigla ang doorbell kaya hindi ko mapigilang mapasigaw sa pagkataranta. Shit, narito na si Cleng! Tinanggal ko agad ang suot kong apron at dali-daling nag-ayos sa salamin. "Wait lang! Coming!" hiyaw ko.

I cleared my throat and leaned my forearm against the wall. I loosened a few buttons of my polo, and posed like a sexy hunk as I opened the door.

"Welcome to heaven, Cleng," nakangisi kong bati with matching taas ng kilay.

"U-Uh, sir, Lazada po ito. Dumating na po 'yong order niyo, pakipirmahan na lang po..." pinagpapawisan na sabi ng delivery boy.

Holy fucking shit! Akala ko si Cleng na! Binutones ko agad ang polo ko at inayos ang aking pagkakatayo. Tangina, nakakahiya! Inagaw ko agad ang package at nagmadaling pumirma.

Pagkaalis ng nag-deliver ay bumalik ako sa sofa at sumalampak ng pagkakaupo. "Nasa'n na ang Cleng na 'yon? Late na siya!"

Hindi kaya nakalimutan na niya kung nasa'n ang condo ko? Pero imposible, sigurado akong naaalala niya kung saan ito. Hindi kaya... wala siyang balak pumunta?

Kumuha ako ng pack ng yosi at lumabas sa veranda. Nagsindi ako ng isang stick pampakalma. Humithit ako nang malalim at bumuga nang nakapikit. "Cleng..."

"Cleng?!" Naubo ako sa paghithit nang makita si Cleng na paroo't parito ng lakad sa baba ng building. Mukha siyang hindi mapakali at nagdadalawang isip kung tutuloy ba.

Dali-dali akong lumabas ng condo. Nakita kong may pasakay ng elevator pero inunahan ko siya at pinindot agad pasara ang pintuan. I need to hurry before she leaves!

"Bilisan mo, bilisan mo, bilisan mo..." bukambibig ko habang nakatitig sa mga numero ng elevator.

Pagbukas nito ay kumaripas agad ako ng takbo papunta sa entrance ng building. Nang makita siya ay agad kong isinigaw ang pangalan niya. "Cleng!"

"J-Joon... Ikaw pala," nakayukong sambit niya. "N-Naligaw lang ako rito. Pero pauwi na rin ako."

Hinawakan ko agad ang kamay niya. Hinihingal pa 'ko nang magsalita ako, "Cleng... N-Nag-dinner ka na ba? May ekstrang pagkain ako sa taas."

Extra ka riyan! Ang sabihin mo, niluto mo talaga 'yon para sa kaniya!

The way she pursed her lips while thinking was just too pure and cute. How can someone be this precious? 

"If you really plan to go home already, I can drive you to your house. But... if you have extra time to spare..." I squeezed her soft hand. "I... I can pack some pasta for you to take home?"

I meant what I said. Wala na akong pakialam kung may mangyari man sa 'min o wala. I just really want to be with her tonight.

She scrunched her nose and replied, "Sige, makiki-CR na rin ako..."

***

Pag-akyat namin ay itinuro ko agad sa kaniya ang banyo. Panay lakad ko pabalik-balik sa tapat ng pintuan nito. Hindi ako mapakali. Kanina, inaasahan kong pupunta siya rito. Pero ngayong narito na siya, hindi ako makapaniwala! Marami na 'kong nadalang babae rito, pero bakit sobrang kabado ako na pumunta si Cleng?

Nang marinig ko ang pag-flush ay agad akong nagkunwaring nakaupo sa sofa at nagbabasa ng phone. "Oh, Cleng! Okay ka na? Kumusta?" Para naman akong tanga. Ano'ng kinukumusta ko? Kumusta pag-ihi niya? Gano'n? Ang tanga mo, Joon.

"Uhm..." mahinang sagot niya. "You said you have some pasta?"

That's what she said. But what I heard was the heavens bringing down angels to play trumpets around the room.

She smiled shyly, and pushed the bridge of her glasses. "I can... stay for dinner. I-If hindi makakaabala."

Never. Abalahin mo ako all you want. All the time.

I flashed a radiant smile. Every second that I can keep her here longer is already a big win for me. Dinala ko siya sa kusina, at nagtaka ako dahil natawa siya sa pagkakahain ko ng mga pagkain.

"B-Bakit, may problema ba?" tanong ko.

"Mali-mali kasi ang pagkakahanda ng mga pagkain. Akin na, iluto ko sila ulit nang maayos." Kinuha niya ang mga pinggan at pumunta sa kalan. "Saang restaurant mo 'to in-order? Hindi yata nila alam kung paano iluto ang mga ito," natatawa niyang sabi.

I blushed and smiled at her chuckles. Pati ang pagtawa ni Cleng, sobrang cute sa pandinig ko. Umupo ako roon sa may kainan at hinintay siyang matapos magluto. In the end, it was Cleng who cooked for us.

***

Pagkatapos kumain ay gumala muna siya sa condo habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan. Narinig ko siyang medyo natatawa kaya sinilip ko kung ano ang ginagawa ni Cleng.

"Joon, nagpalit ka ba ng kurtina? Hindi maayos ang pagkakalagay mo!"

"H-Hindi kasi ako madalas mag-ayos dito. Kadalasan ay umaarkila ako ng cleaners para maglinis ng condo."

Nakita kong sumampa siya sa isang upuan at inayos ang magulong kurtina. Halos mabasag ko ang hinuhugasan kong pinggan nang makita ang kaniyang puwitan na kumukurba habang sinasabit ang kurtina.

Iniwas ko agad ang tingin ko. Ngunit narinig ko ang matinis niyang pagsinghap. Paglingon kong muli ay tila nawawalan siya ng balanse sa pagkakatayo sa upuan. 

Shit! Kahit may bula pa sa mga kamay ay nagmadali akong tumakbo papunta sa kaniya. "Cleng!"

Seguir leyendo

También te gustarán

1M 32.6K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
312 106 36
she is a kind, hardworking, considerate and helpful youngest child of their family. she grew up close to her parents, so her family loved her very mu...
105K 17 1
A feisty teenage girl receives an alarming threat from someone called Black Cat, hinting at a mysterious accident from the past that caused a chain r...