UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (CO...

By -aphrodytee-

2.5K 715 441

Have you experienced to love but only for a short time? Naranasan mo na rin bang magmahal na sa inyong dalaw... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE

CHAPTER 23

40 13 2
By -aphrodytee-

Naglakad ako ng mabilis para mahabol sya. Nang sabay na kami sa paglalakad ay lumingon sya sakin upang ngitian ako kaya ginantihan ko din sya ng ngiti.

Hinawakan nya ang kaliwa kong kamay kaya ikinagulat kong tumingala sa kanya na may halong pagtataka.

Sa kabilang kamay nya ay hawak nito ang aming teddy bear na nakuha sa palaro at sa kabila naman ang kamay ko.

"Diba ang sabi ko babawi ako?" tugon nya nang makita nya akong nagtataka sa mga ikinikilos nya.

"Pero kailangan talaga hawak ang kamay ko?" Sa hindi ko parin inaasahang kilos nya.

"Ayaw mo ba? Ayos lang naman sakin" giit nya pa.

Nang tatangkain nyang bitawan iyon ay agad kong hinigpitan. Nakakahiya mang aminin ngunit gusto kong hawakan nya iyon.

Sya naman ang tumingin sa'kin na may pagtataka.

"A-atually, I like t-this" utal ko "I won't mind" tugon ko pa na totoo talaga iyon at wala lang sakin.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para aminin 'yon. Basta ang alam ko lang ay gusto kong maging masaya ang araw na 'to kasama sya.

Masaya ako sa kung anong meron kami, kahit na sa aming dalawa ako lang ang may nararamdaman.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng pilitin sya na suklian ang nararamdaman ko. Dahil mawawala rin ito.

Maybe not now, soon.

Tumango sya at hinila ang kamay ko. Napangiti ako nang dahil do'n. Para kaming magka relasyon sa kilos namin dalawa.

Gusto kong pikturan ang kamay namin sa totoo lang. Gusto ko ng maraming memory kasama sya. Ayoko nang bumitaw sa magkahawak naming kamay. Palihim akong kinilig at ngumiti dahil para bang isa 'tong pangarap na sa wakas ay natupad na. Gayon hindi naman ganoon iyon.

Dinala nya ako sa isang Korean restaurant. Hindi na ako nagreklamo pa dahil matagal tagal narin nang huli akong pumasok sa ganitong resto.

Inasikaso kami ng isang waitress at ihatid kung saan may bakante. Inalalayan akong makaupo ni Nathan at sumunod syang umupo sa harapan ko.

Pinagmasdan ko ang kabuan ng loob nitong reataurant. Ang ganda dito! Meron sa mga dingding na naka pislit ang iba't-ibang pagkain na pang korean. Meron din iyong alak at hindi mawawala ang soju na iba-ibang flavor.

Mayroon ding mga korean actress na kilala dito sa pilipinas. Katulad nalang ng grupong BTS, BLACK PINK, TWICE at iba pa.

"Ayos lang ba na dito tayo?" pang aagaw atensyon sakin ni Nathan.

"Ahmm.. Yes, Of course! I love this!" totoo kong tugon.

Nginitian nya ako at tumawag ito na kukuha para sa pagkain namin.

"Good evening Mam and Sir, may I know your order, please!" ang lalaking na kukuha sa order namin.

Binigyan nya kami ng tag-isang menu para makapili. 

Tinitigan ko ang mga iyon, ganun nalang ang laki ng mga mata ko nang makita iyon ang mamahal!. At halata talagang masasarap iyon at nakakatakam. May ibang korean food dito na hindi ko pa natitikman at doon lang iyon nakita. 

Kung hindi ang pamilya ko ay yung bestfriend ko lang ang kasama kong kumain sa mga gantong resto. Nang naging busy si Mommy sa pag-aasikaso ng resort ay nawalan kami ng oras para lumabas labas para mag bonding. Ganon din si kuya Charles, naging busy din sya sa pag-aaral nya dahil ipinagsasabay nya ang pag-aaral at OJT sa hospital. Hindi naman ako pwedeng humingi ng oras para do'n dahil alam kong iyon ang mas kailangan nilang intindihin sa ngayon. 

Siguro dahil alam nilang busy ako sa pag-aaral ko?  kaya mas inuuna nila iyon kesa sakin?. Gayong tama naman sila ngunit kadalasan ay nangungulila parin ako sa kanila. 

"Dalawang soondae, isang hobakjum at jjajangmhyeon" dinig ko pang order ni Nathan para maagaw ulit sa kanya ang atensyon ko. Tama ang kanyang pagbibigkas no'n kaya nakakatuwa iyong pakinggan galing sa kanya.

Parang hasa sya sa ganung salita o kaya ay sa gantong korean food ang mga paborito nya. hindi ko alam. 

Inulit naman iyon mg waitress para makumpirmang tama iyong mga inorder ni Nathan, nang tumango ito ay bumaling naman siya sa akin para alamin ang napili ko.

"Gusto ko rin ng jjajangmhyeon"  gaya ko sa order niya, halata naman kasing masarap iyon at sa tingin palang ay nakakabusog na. "kimchi, bossam at gopchang" dagdag ko pa . Medyo hirap ko iyon bigkasin dahil sa hindi ko alam kung tama ba ang pagbigas ng nasa isip ko  o kailangan ko pang lagyan ng accient.

Inulit ng waitress ang order ko at ganun nalang ang hiya ko nang mali mali ang pagbabanggit ko sa mga pagkaing inorder ko. 

Sunod ay binigyan nya kami ng best seller juice nila at umalis na.

"Hmm.  Pagkatapos dito, ayos lang sayo na mag sinehan tayo?" pambabasag katahimikan niya samin dalawa.

"Oo naman! Mukang maraming magagandang palabas ngayon." ang tagal ko na ring hindi nakakapunta doon.

Ang natatandaan kong huling punta ay nung bago umalis si kuya Charles dito. Bago namin sya ihatid ni mommy sa airport ay naglaan sya ng oras sa huling araw nyang pamamalagi.

Biglaan ang alis nya. Maski ako ay nagulat ng pagka gising ko marami nang maleta sa ibaba. Akala ko pa nga ay kami ang mag o-out of town para sa family bonding na matagal ko nang inaasam para saming pamilya. Pero nagkamali ako nu'n, kasi nung araw na yun ay yung huling araw na makakasama ko sya sa bahay.

Si kuya Charles lang minsan kong nakakasama sa bahay kapag wala si mommy. Pero kahit nasa iisang bahay kami ay tulog ako kapag umuuwi sya kaya pakiramdaman ko na mag isa lang ako nung mga oras na 'yon.

"Nakikinig kaba?" himig nyang pagtatanong na ikinagulat ko. Napabaling ang atensyon sa kanya ng dahil do'n.

"Eh?" taka ko. Hindi ko man lang namalayan na kinakausap nya pala ako o may sinasabi na hindi ko lubos na naunawaan.

"Ang sabi ko, pagkatapos natin sa sinehan saan mo gustong pumunta?" pag uulit nya. "Tulala ka na naman, ayos ka lang ba?" nag aalala nyang tanong. Gusto nyang hipuin ang noo ngunit agad ko iyon tinabig para hindi maabot.

Pilit akong gumiti at tumango. "M-may iniisip lang. Pagkatapos nalang natin sa sinehan gusto kong lumangoy ayos lang sayo? Doon tayo sa malapit na tinutuluyan mo"

Nagaalangan syang tumingin sa akin. Sa huli ay nagbuntong hininga sya at tumango. "Sigurado ka ba talagang ayos lang?" ulit pa nya.

"Oo, ano kaba?" pagsigurado ko. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang pwedeng pag-usapan. 

"May nakita pala akong post na pwedeng panoorin ngayon sa sineha, far away ang title at  umagaw ng atensyon ko. mukhang maganda iyon. Gusto mo bang iyon nalang?" pinakita nya iyon sa akin dahil meron syang kopya sa cellphone nya. Binasa ko ang description at tumango. 

"Mukhang maganda nga" tango tango ko 'pa habang nakaharap sa cellphone nya. "Let's watch this movie, then. Looks interesting" 

"Ayon din yung naisip ko nung binasa ko ang description, Mukhang maganda ang kwento" tango tango nya pa. 

Hindi nagtagal ay dumating na ang order namin. bigla akong nagutom dahil sa sobrang bango ng amoy nayun. Nakakagutom at nakakatakam. Para bang may sariling desisyon ang tyan kong kaya iyon ubusin lahat. 

"Thank you" rinig kong boses nya, hindi na ako nag abalang lumingon pa sa gawi nila ay agad nang kinuha ang chopstick para tikman iyon. Ngunit ganun na lang ang lito sa walang mapili kung saan ang uunahin. 

Maliban sa chopstick ay meron din doong tablespoon, pork and knife. Nasa gilid iyon naka organize na. 

"Hinay lang" rinig kong pang boses nya at tumawa. Pakiramdam ko tuloy ay gutom na gutom ako dahil sa paglalaro namin. 

Nagsimula na kaming kumain, pakiramdam ko ay nakakatitig sya sa akin kaya lumingin ako sa gawi nya para tignan kasabay ng pagsubo ng itlog ng jjhangmyeon. Ganun nalang ang gulat ko na nakangiti syang nakarap sakin. 

Pinagmamasdan ba nya bawat kilos at kain ko? saisip isip kong tanong.

"What are you doing?" taka kong tanong. He just smile to watching me. I don't know if I will be thrilled or ashamed of he's doing. 

Ngumisi sya ng napaka gwapo "Hindi ko alam na ang cute mo pala kapag nagugutom na" nagulat naman ako do'n sa sinabi nya. 

What!??

Isinubo ko muna ang itlog na 'yon bago sya sagutin. Nang manguya ko iyon at nalunok ay uminom ako ng tubig na kaunti at nagpunas ng tissue sa bibig. "Excuse me? What did you say?" may arte kong tanong. Di ako makapaniwalang masasabi nya 'yon. 

Mas lalong lumaki naman ang ngiti nya "Ang sabi ang cute m-"

"Oh come on! Can you just eat and stop staring at me?" pagtataray ko. Ramdam ko na kasi ang gutom kaya gusto ko nang kumain. Baka mawalan ako ng gana kapag pinatagal ko lang 'to at pinatulan sya. 

"Sige na, kumain kana" utos nya. Sumandal naman sya sa upuan at pinag cross ang dalawang kamay sa dibdib. 

Does he intend to stare at me while eating? Unbelievable. 

Lumingon muna ako sa mga pagkain at binalikan ang titig nya. "Balak mo bang titigan ako?" 

tumitig lang sya sakin " I lost my appetite and I want to look at you with my eyes" mahina nyang sabi, para bang bulong iyon na galing sa puso. 

Napamaang ako sa sinabi nya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil do'n. Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa bilig ng pagkabog nu'n. 

Ngayon ko lang sya narinig mag english!

Gusto kong matuwa, gusto kong maiyak. Bakit pakiramdam ko may gusto na rin sya sakin? Bakit pakiramdam ko pareho na kaming nararamdaman? tama ba ang rinig ko? Gusto akong tignan ng mga mata nya? bakit? 

Para bang isa 'tong pangarap na matagal ko nang inaasam at ngayon andito na kinakailangan kong hawakan at hipitan nang sa gayon hindi na makawala pa. 

Tinititigan nya lang ako. Para bang sinuri nya ang bawat parte ng itsura ko, pakiramdam ko ay kinakabisado nya ang bawat parteng iyon. 

"P-pardon?" 

"Just continue your food, I just want to stare at you" 

Continue..

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 13.1K 50
Losing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when she finally accepts the fact that she'll...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
620K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
6M 75.4K 102
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- After more than 2 years, may kanya-kanya na silang career. And until now, hindi pa rin na...