Accidentally In Love with my...

By SAHN-DRAH

4.5K 259 6

Marileigh Gonzales, the only child and only grand daugther of the Chairman Gonzales. One of the richest famil... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 14

144 9 0
By SAHN-DRAH

Marileigh Pov

Kinabukasan...

Lumabas ako ng kwarto na tila wala sa sarili. Paikot-ikot kasi si Samraz sa isip ko. Hindi man lang sya napagod. Ako ang napagod.

Kainis! Kaya ayokong binibiro ako ng ganon.

Padabog akong bumaba ng hagdan ng makita ko si Samraz nakaupo sa sofa at nakatingin sakin.

Para akong na freeze. Hindi ko alam kung nakangiti ba sya o nakangisi para asarin ako sa itsura kong sabog. Sabog ang buhok, lutang at may eyebag.

Shit!! Ang aga naman nyang nandito. Bwisit!!

Sa kaba na naramdaman ko, imbes na pababa ako, ay bumalik ako paakyat.

"Hey!!" sigaw nya pero di ko sya pinansin. "Hey! Wait!" sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko alam, ganon kabilis nya ako nasundan sa taas.

Lintik! Pistelan! Yawa! Sabi ko sa sarili ko habang nakapikit.

Ayoko syang makita kinakabahan at naiilang na ako sa kanya.

"Hey Mari!"

"Ano ba yun?"

"Hindi mo man lang ba ako babatiin ng good morning?"

"Anong maganda ngayong umaga para batiin kita ng ganon."

"Because, this is our first day of our relationships being my girlfriend." halos manlaki ang mata ko sa sinabi nya kaya hinarap ko sya at hinampas ang kamay nya para bitawan nya ako.

"Anong pinagsasabi mo? Sinong nagsabi sayo na girlfriend mo ko?"

"Ako." agad nyang sagot.

"Huh?!!!"

"Yes!"

"Pwede ba Samraz! Ang aga-aga mong magbiro!" sabi ko sa kanya at tinalikuran sya.

"I'm not kidding. I'm serious. Diba napag-usapan na natin 'to kahapon?"

"Anong pinagsasabi mo. Wala naman tayong pinag-usapan kahapon." sabi ko at muling bumaba ng hagdan.

"But. I told you yesterday about us."

"About us?? Pwede Samraz. Ayoko ng binibiro. At yung kahapon, alam kong nang-aasar ka lang." sabi ko papunta sa kusina.

"I told you. I'm serious. Kelan ba ako nagbiro?" sabi nya at parang nagpantig ang tenga ko, at napailing. Muli akong humarap sa kanya.

"Wala ka na bang maalala? Eh diba nuon pa lang binibiro mo na ako, kaya nga hindi tayo magkasundo dahil wala kang ginawa kundi asarin ako?" sabi ko at muling tinalikuran sya ayokong harapin sya ng matagal. Kinakabahan ako sa kanya. Hindi mapalagay puso ko, nakakinis pala ang ganitong feelings.

"Oh! Ano yan? Ang aga-aga may L.Q agad kayo?" pabirong sabi ni Anton. Kasama nya sa Nanay Precy.

"Nag-aaway ba kayo? Rinig ang boses mo hanggang sa kwarto ng lolo't lola mo." sabi ni Nanay Precy.

Muli na naman akong kinabahan, dahil baka narinig nila lolo at lola ang mga sinasabi ko.

Pisteng yawa talaga!

"Ano pong gingawa nyo dun Nay?" tanong ko.

"Pinahanda lang nila sa akin ang susuotin nila bukas para sa birthday mo." sagot nya. Wala sa isip ko bukas na pala yun.

"Wala ka bang balak iparebond yang buhok mo ngayon? Para bukas hindi na yan sabog." tanong ni Anton.

"Ipapaayos? May time pa ba a---"

"No. Okay na yang buhok nya. Hindi na nya kailangan i-parebond pa." seryosong sabi ni Samraz.

"At sino naman may sabing ipaparebond ko ang buhok ko? Pch! Baka pag pinarebond ko 'tong buhok ko. Marami mainlove sakin." sabi ko sa kanya at natawa sina Anton at Nanay Precy, pwera lang kay Samraz na ang sama ng tingin sa akin.

Hay nakung dracula ka! Hindi mo na ako madadaan sa sama ng tingin mo.

"Bakit pala tanghali ka na nagising? Hindi ka na nakasabay ng agahan kanina?" tanong sa akin ni Nanay Precy.

Umupo ako sa upuan na naroon. Gulat akong umupo din si Samraz.

"Hay naku Nay. Ang dami kong iniisip kagabi, nakakastress pala pag may pinaghahandaan lang party." pagsisinungaling ko.

"Ganon talaga. Ano gusto mong kainin ngayon?"

"Magkakape na lang ako Nay. Yung matapang, yung nanapak, yung magigising ako sa katotohanan."

"Panay na yata ang pagkakpe mo. Hindi ka ba kinakabahan?" biglang sabi ni Samraz.

"At bakit naman ako kakabahan? Saan at kanino nama ako kakabahan?" inis kong tanong.

"Tch! Kay Branden." sagot nya.

"Bakit naman ako kakabahan dun?" tanong ko at inilapag ni nanay Precy ang isang tasang kapae sa harapan ko.

"Kung hindi ako dumating kahapon, sa tingin mo ano ang pwedeng mangyari sayo?"

"W-wala. Sayo nga may nangyari." sabi ko sabay higop ng kape.

"Bakit ano bang nangyari kahapon?" tanong ni Anton na nakatayo sa may pintuan at may katext.

"Eh ano pa. Nagsapakan lang silang dalawa." sabi ko at tinignan ko ang mukha ni Samraz. Wala ng pasa.

Ang bilis naman matanggal.ang bangas ng mukha nya.

"Oh talaga? Nagsapakan kayo ng baklang yun?" nakangisi na sabi pa ni Anton, at nagulat ako.ng tawagin nyang bakla si Branden.

"Bakla?"

"Bakla. Bading. Bayot." sabi pa nya.

"T-teka. Bakla si Branden? Sure ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo. Pero chickboy din." Sagot nya.

"Ano yun? May bakla bang chickboy?"

"Meron. Si Branden. Pumapatol sa chick. Pumapatol din sa boy. Kaya chick-boy." Paliwanag pa nya. Di ko alam na yun pala ang ibig sabihin ng chickboy.

"Ang gulo ah. Pero paano naman sya naging bakla?" seryosong tanong ko.

"Bakit interisado ka na naman ba sa lalaking yun?" seryosong tanong ni Samraz na may masama pa ring tingin sa akin.

"Hahaha... Bakit parang nagseselos ka pre?" natatawang tanong ni Anton.

"Pch! At bakit naman sya magseselos. Buang na yata kayo." inis kong sabi. "Nga pala. Alam mo ba Anton. Kahapon ko lang nalaman na ito pa lang bestfriend mo. May naging girlfriend pala." sabi ko at bigla syang tumawa ng malakas.

"Sino si Bianca?" Agad naman nitong tanong. Magbestfriend nga sila.

"Kilala mo?" tanong ko. "Ay syempre kilala mo. Bestfriend nga pala kayo." Sabi ko pa at muling uminom ng kape.

"Nagka uyab ng hindi man lang nanliligaw. Matinde yan. Lalaking ligawin ng chicks." natatawang sabi pa nya.

"Pch! Hindi man lang manligaw." Sabi ko.

"Hindi naman marunong manligaw yan." Natatawa na sabi ni Anton. Nakita ko ang reaksyon ni Samraz na hinimas pa ang sariling batok, parang napahiya yata at binuking sya ng kaibigan nya kaya ako naman ay napatawa din.

"May pasabi-sabi pa nuon na. Kapag ako nanligaw, papakiligin ko sya sa paraang alam ko. Tapos hindi naman pala marunong manligaw." Natatawang sabi ko pa at muli syang tumingin ng masama sakin. Mukhang napikon yata sa sinabi ko.

"I go ahead." Sabi nya at tumayo.

"Teka pre. San ka pupunta?"

"Susunduin ko sila Samira sa airport." Sabi nya at nanlaki mata ko.

"Oi teka!"

"Bakit?!"

"Galit?" Tanong ko pero hindi sya sumagot. "Pwedeng sumama?" Tanong ko at medyo nagpacute para pumayag ang masungit na taong ito.

"Tch! Sige na!" Sagot nya kaya tumayi na ako kaagad.

"Wait lang ah. Magpapalit lang ako ng damit. Grabe! na miss ko na ang BESTFRIEND ko!" Padiin kong binaggit ang huling sinabi ko.

Agad akong bumalik sa kwarto ko para magpalit ng damit. Suot ko ay fitted pantaon na maong at white rubber shoes. Ang pang itaas ay crop top tshirt na kulay white. Inayos ko ang buhok ko. Hindi ko na sya tinirintas. Medyo inikot ko lang ang ibang parte ng buhok ko saka pinusod, at ang ilalim ay nanatiling nakalugay.

Agad akong bumaba nakita ko si Samraz na kausap si Lolo at lola.

"Lets go." Sabi ko sa kanya.

"Saan kayo pupunta apo?" Tanong ni lola.

"Susunduin lang po si Samira sa airport." Sabi ko. "Tara na." Sabi ko sa kany. Tumayo sya na may masamang mata pa rin sa akin.

Ano bang problema nito kanina pa masama ang tingin.

"Ganyan talaga ang suot mo?" Tanong nya kaya pakakunot ako.

"Oo bakit anong masama?"

"Kita ang pusod mo. Ang tyan mo. Anong damit ba yan?!" Inis nyang tanong.

"Bakit ba? Uso 'to ngayon."

"Magpalit ka nga." Utos pa nya.

"Bakit ba! Kung umasta ka para kang boyfriend ko!" Inis kong sabi sa kanya at tinalikuran ko sya at lumabas na ng bahay.

"Hey! Mari!" Sabi nya at hindi sya pinansin.

"Nasaan ang kotse mo?" Tanong ko.

"Mari!" Tawag pa nya pero kunwari hindi ko sya naririnig.

"Ah baka nasa bahay nyo." Sabi ko pa at ngumiti. "Lets go vamonos!" Sabi ko pa at hinawakan ang kamay nya.

Naglalakad kami papunta sa bahay nila ng maramdaman ko ang kamay nya ay inayos ang pagkakahawak sa kamay ko. Parang H.H.W.W. Holding hand while walking.

Pero yung kaba ko hindi ko napigilan. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o kung ano na lang itong nararamdaman kong kuryente sa puso ko.

"I told you Mari. I'm serious about what I said yesterday." Seryosong sabi nya. Muli na naman ako kinabahan. Hindi ako nakasagot. Kaya pagdating sa bahay nila ako ang unang bumitaw sa pagkakahawak nya sa kamay ko.

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya. Ang gentleman nya ngayon at nang makasakay ako. Sya pa ang nagkabit ng seatbelt sakin. Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko kaya iniwasan ko sya ng tingin.

Kabado ako ng hindi lang bente-bente. Kundi 50-50. Nang isara nya ang pinto saka ako nakahinga ng maluwag.

Nahuhulog na ba talaga ako dito sa dracula na 'to?

Hindi ko maintindihan nararamdaman ko. Muli ko na naman tinatanong ang sarili ko.

Nang pumasok sya ng sasakyan at nagseatbelt saka nya pinaandar ang makina nito. Muli ko sya iniwasan ng tingin. Sobrang naiilang ako sa kanya. Parang ibang Samraz ang kasama ko ngayon.

Habang tumatagal nagiging malayo na sya sa Samraz na una kong nakilala sa mahabang panahon.

Habang nasa byahe papuntang airport. Kinabahan ako na hinwakan nya uli ang kamay ko habang nag da drive sya ng sasakyan.

Shit! Ganito yung napanuod kong love story.

Halos mapapikit ako sa kaba na may halong kilig at isiksik ang mukha ko sa bintana para hindi lang nya makita ang reaksyon ko.

Piste ka Samraz! Ginayuma mo ba ako?

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

25.4K 953 41
Trisha Colline Hernandez, a brat in her own way left broken hearted when the love of her life left her, akala niya hindi na siya makaahon mula sa pag...
5.5M 492K 98
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
159K 4.3K 21
[COMPLETED] ❝ 𝐈 𝐒𝐇𝐀𝐋𝐋 𝐍𝐎𝐓 𝐒𝐈𝐓 𝐖𝐇𝐈𝐋𝐄 𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐔𝐅𝐅𝐄𝐑 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐒 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐅𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑. ❞ Freedom. It was such...