Beyond the Camera

By Costales_kc

14.8K 416 7

Alexa Dela Cuesta, a actress that can glow even without a loveteam but, in her 10 years in showbiz industry... More

A/N
01
02
03
04
05
06
07
08
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
A/N

09

398 17 0
By Costales_kc

"Gising na!" Sigaw ni Jen na kakapasok lang sa kwarto ko kahit ang aga aga pa naman.


Binato ko s'ya ng unan para manahimik. Wala naman kaming naka schedule na lakad ngayon.


"Eh, bakit ba?!" Tanong ko. "Napakaaga pa Jen!"


"Anong maaga sa alas nuwebe?! Si Ned nasa ibaba!" Sagot n'ya


Huh? Hindi ko alam pero naabutan ko na lang ang sarili ko na naghihilamos at inaayos ang sarili bago bumaba.

"What are you doing here?" Supladang tanong ko sa kanya.


"Get up. We will going on a date, utos sa akin ni Ms.Florida," Sambit n'ya, what?!



"Go, Sis!" Pag cheer sa akin ni Jen kaya inirapan ko s'ya.



"Bakit?" tanong ko.



"Siyempre, para tayo na naman ang pag usapan." Medyo naiinis s'ya ng sabihin yon dahil utos lang iyon sa kanya.


Wala naman akong choice dahil halos kaladkarin na ako ni Jen sa banyo. Isang puting dress ang ipinasuot niya sa akin, para daw mag complement sa suot ni Ned na White T-shirt at maong.



"Oh, saan tayo?" Pagkasakay ko ng kotse n'ya.


Hindi naman s'ya umimik kaya nagmukha akong tanga na parang kumakausap ng hangin.



Wala akong magawa sa loob ng kotse kaya pati bintana ay pinaglalaruan ko na,tinataas baba ko ito,napahinto lang ako ng tumikhim siya at sinamaan ako ng tingin.



Sungit,daig pang may regla.



Nagulat ako ng mag park kami sa isang mall, hindi mall ng mga artista! Kung hindi sa public mall. Matao dito at delikado para sa amin.



"Hoy, tarantado ka ba? Wala tayong kasamang bouncer." Gulat na tanong ko, nag-iisip ba siya?



"If they saw us, palagi tayong top sa trending of how we handle our relationship. Ang akala ng mga tao ay busy tayo. But, instead of that ay iisipin nila na may oras pa pala tayo para sa date."Sambit n'ya.



Tss. Ang dami namang alam!



Bumaba na ako ng kotse at naagaw namin kaagad ang atensyon ng mga tao. Pagkapasok namin ng mall ay narinig ko ang mga bulungan nila na kinikilig kaya hinapit ni Ned ang bewang ko.



"Love, where do you want to eat?" Nilaksan pa n'ya ang boses n'ya at ako ang nahihiya para sa aming dalawa.


Sasagot na sana ako ngunit may lumapit sa amin para magpa-picture


Huminto muna kami, ang dami ding gustong magpa-video greet, lalo na sa akin.


"Ah, Ms.Alexa pwede pa po bang magpa-video greet? Promise, last na po!" Sambit ng isang fan, kanina pa s'ya nagpapa-video greet. Nasa lima na yata ang napa-greet n'ya.


"Okay go. But, it will be the last, she will get tired," Si Ned ang sumagot at pinunasan pa ng panyo n'ya ang pawisan kong noo.


Medyo nagugulat ako sa ginagawa ng lalaking 'to, ang daming alam! Paniguradong ang dami ng kumakalat na picture namin ngayon sa social media kahit wala pa kaming kalahating oras dito.


Ang sarap n'yang paglaruan ngayon kasi ang bait-bait n'ya. Noong maglakad lakad kami ay may binulong ako sa kanya kaya napatigil kami.


"I feel not comfortable," I whispered.



"Bakit?" He asked in a monotone voice.


"Feeling ko, I had a period now. Can you buy a pads for me, please? Feeling ko ay malapit na akong tagusan, yung with wings." Sambit ko kahit wala naman talaga akong period.


"Ano?!" Inis na tanong n'ya kaya medyo napakinig iyon ng ibang tao at napalingon lingon din s'ya sa paligid.


"A-ahh, okay love. Wait for me," Sambit n'ya noong pagtinginan kami pero bago pa naman siya makaalis ay may ibinulong siya sa akin. "Sarili mong period hindi mo ma-track kung kailan dadating? What the hell, Alex."


Pumunta na s'ya sa Department store kahit pwede naman bumili nalang sa sanitary pad vending machine sa may C.R. Gusto kong maawa pero mas nananaig ang ligaya.

After a while, dumating na s'ya at inakbayan ako papuntang C.R, syempre pinaghintay ko s'ya sa labas ng mga 20 minutes lang naman. Umihi lang ako kasi wala naman talaga akong period, itinago ko ang pads as a remembrance of our first date as fake couple.

"Gano'n ba talaga kahirap magpalit? Ang tagal mo sa loob, daig mo pa ang naligo!" Inis na sambit n'ya ng maglakad na ulit kami.


"Oo, hindi mo pa ba na ta-try? I thought lagi kang may regla," Pang-aasar ko kaya napairap siya sa pang lalake na paraan.



Maya maya pa ay pumunta na kami sa isang Restaurant.


Nag order si Ned ng favorite kong roasted chicken at iced tea para sa aming dalawa.


"Ako na ang magbabayad." Sambit ko pagkatapos namin kumain, ilalabas ko na sana ang card pero bigla siyang umimik.


"No, my Manager planned all of this. So, It will be with me." Sagot n'ya.


Manager? Nakakapagduda, itinanong ko kay Jen kanina kung may pinlano ba sila ni Ms.Florida na date, wala naman daw. Siguro ay biglang sumagi lang sa isip ni Ms.Florida kagabi.


Pagkalabas namin ng restaurant ay nagulat kami ng sobrang daming fans ang magpa-picture sa amin.


"Hi! Nedlex! I'm a super fan po. Nag de-date po kayo?" Tanong ng isang babae na fan pagkatapos magpa-picture.


"Yeah, she need rest." Sambit ni Ned. "With me," Dagdag n'ya.


Ang daming alam, medyo nadala ako, pero nang marealize kong peke nga lang pala ang mga sinasabi n'ya ay napangiti nalang ako ng tipid sa fan na malaki ang ngiti sa amin at talagang humahanga.


After that, nag shopping lang kami. Nakakainis dahil doon pa ako dinala ni Ned sa isang store na madaming tao!


"Ito love, bagay sa iyo 'to." Sambit ko sa kanya habang tinuturo ang isang jumpsuit, nang-aasar.


"Nang-aasar ka ba? Mukha akong bumbero dyan." Bulong n'ya, namula din ang tenga n'ya  dahil ang daming napatingin sa amin.


"It's called fashion," Pang-aasar ko.

"Kahit ano naman po bagay sayo sir,"Sambit ng saleslady na nag-aassist sa amin.


"See?"Sambit ko, bahagyang tumawa ng palihim. It's so exciting!

Pinagtitinginan kami ngayon, actually kanina pa naman.

"Okay love, let's get it." Napipilitang sambit n'ya.

Nang matapos na kaming mamili ay inihatid na n'ya ako sa bahay, syempre ako na ang nagbuhat ng pinamili n'ya para sakin papasok sa bahay. Umalis na s'ya kaagad pagkababa ko without any words. Ang plastik!


Pagkapasok ko ay halos atakihin ako sa puso nang salubungin ako ni Sam at Jen sa pintuan at halos mamamatay na sa tuwa.


"Mag kwento ka naman!" Sambit ni Jen na sobrang excited.


"Oo nga po Ma'am! Sa mga pictures n'yo palang ay kinikilig na ako!" dagdag ni Sam, sabi na eh, madami na ang kumakalat na picture namin ngayon sa social media.


"Eh kung tinutulungan n'yo kaya muna ako dito. Eh, 'noh?" Pambabara ko habang bigat na bigat na sa mga shopping bags.


Noong makapasok ako ay ipinakita agad sa akin ni Sam ang mga picture namin na kumakalat sa social media ngayon; picture iyon na nakahawak si Ned sa bewang ko, may picture din na pinupunasan n'ya ang pawisan kong noo. Nagulat ako ng nakuhaan din ang pagbili ni Ned sa Department Store kaya halos mamatay ako sa kakatawa.

After that, I check the trending list.

Trending list:
#1-Nedlex is dating

#2-Nedlex is In a relationship

#3-Nedlex

#4-Alexa Dela Cuesta

#5-Ned Martinez


Napangisi ako ng makitang wala na ang Hexie sa trending list, Ms.Florida is such a good manager, but Jen is much better.


"Magkuwento ka naman!" Pagpupumilit ng punyetang manager ko.


"Wala, nagpunta lang kami sa mall tapos kumain, tapos para kaming tangang nagpapapansin sa mga tao." pagbubuod ko.



"Iyon lang Ma'am?" Tanong ni Sam na nakukulangan sa kwento ko.



"Wala bang memorable?" Reklamo ni Jen.



Medyo naboboring na sila sa mga sinasabi ko lalo na si Manager Jen.



Napangiti ako at kinuha ko ang handbag ko.



Napahalakhak ako na parang demonyo ng ilabas ko ang sanitary pad sa bag ko. "Tadaaa!"


"Oh, anong gagawin namin dyan?"Tanong ni Jen, hindi na masaya.


"Pinabili ko lang naman nito ang nag-iisang Ned Martinez sa Department Store kahit wala naman akong period." Pagmamalaki ko sa kanila.



Nanlaki naman ang mga mata ni Sam sa gulat habang si Jen ay gustong gusto na akong saktan, ako naman ay nang-aasar lang na parang demonyo.


"Hoy, nakakahiya ka! Ano ba naman 'yan?!Nawawala ang pagka-cool ni Ned!" Pag-rant ni Jen na halos sakalin na ako.


"Well, wala naman s'yang magagawa. Dalawa lang 'yan eh, it's either maba-bash s'ya..o..susundin niya ako. God! Our fans is my savior," Pagmamayabang ko at humalakhak.


After that, napagsabihan pa ako ni Manager Jen na huwag ko na daw uulitin iyon dahil siya ang nahihiya, kahit noong mag dinner kami ay puro siya sermon pero inunahan ko na siyang matulog dahil may guesting ako bukas.


At siyempre..hindi ako nagising sa alarm clock! Nagising ako sa bunganga ng Manager ko! Kagabi pa siya maingay.


"Gising na! Gising na!" Sigaw nya.


Binato ko sya ng unan at pumasok na sa banyo kahit nakapikit pa ang isang mata, sa takot ko na lang sa kanya.

After I took shower, isinuot ko na ang hinanda ni Sam na red suit, simple lang ang make-up ko dahil aayusin pa naman ito ng make-up artist sa dressing room. Pinlantsa naman ni Sam ang buhok ko.


Mabilis lang kami na nakadating sa studio at nagulat ako ng pinagkakaguluhan si Ned ng mga fans ngayon, mabuti at dumating agad ang mga bouncer.

"Nasan po si Ms.Alexa? Oh my gosh! Fans nya din po ako!" Sigaw ng isang fans kaya lumapit ako kay Ned para matapos na ang delubyo ng buhay nya, alam kong inis na inis na siya kahit nakangiti ng peke.


"Hi,love!" Bati ko at bineso si Ned, naghiyawan naman ang mga tao sa paligid.


"Oh love, finally, you're here!" Medyo thankful siya ng sinabi n'ya iyon kaya ako naman ang pinagkaguluhan para sa picture.


Nang matapos silang magpapicture ay hinila ko na sya papasok ng studio. Mabuti at wala pang mga media, 6 a.m palang kasi at sanay sila na dumadating kami ng around 8.


Naka red suit si Ned.


Binitawan na nya ako ng makaalis kami sa mata ng mga tao.


Nang matapos kaming ayusan ay sumalang na kami sa guesting, medyo ang weird ng mga tanong kasi mga personal ito, like ano ang favorite part ko sa mukha ni Ned.



Punyeta, Paano ako magkaka-favorite? Eh mahawakan ko nga lang ata ang kamay nya ay feeling nya nadumihan na siya.


Napaka-pormal ng suot namin tapos ang mga tanong ay parang ewan!


"Thankyou Nedlex!" Pasasalamat ng Host noomg matapos ang guesting. After that ay sabay kami ni Ned na pumunta sa backstage.


Nagulat ako ng makitang nakaabang si Hex dito sa backstage, kami lang tatlo ang tao.


"H-hex," Gulat na gulat ako ng makita siya, napatingin ako kay Ned na walang emosyon, biglang hinawakan ni Ned ang kamay ko ng mahigpit.


"Congrats, layag na layag kayo ah." Sambit niya at medyo sakastiko o may pang-aasar ang tinig niya.


"Hmm,kayo din." Sagot ko



"But it will be the last." Sagot nya at nawala ang ngiti, kinakabahan naman ako para tignan siya gamit ang nagtatakang tingin, mas humigpit tuloy ang hawak ko kay Ned.



Anong last? Hanggang dito nalang ang Hexie?


"What do you mean?" Tanong ni Ned.


Nagulat ako ng patunugin ni Hex ang hawak niya na cellphone.Halos manghina ang tuhod ko sa gulat at narinig.



Isa iyong record ng audio noong panahong nasa restaurant kami at sinabi kong hindi totoo ang Nedlex at palabas lang ang lahat. May record din noong kami ay nasa labas ng room ko at sinabi ko na palabas Lang ang lahat na may relasyon ang Nedlex.


"Ang hirap nyong kalaban, ang dapat sa inyo pinapabagsak," Sambit ni Hex.


Napaatras ako sa gulat ng bitawan ako ni Ned para sugurin si Hex at kwelyuhan.


"Subukan mong ilabas lahat ng 'yan, magsisisi ka sa buong buhay mo."Bulong ni Ned at sinuntok at tinadyakan pa si Hex sa tiyan na maging dahilan ng pagka-bagsak nito sa sahig.


Pumatong si Ned kay Hex at hindi pa nakuntento sa isang suntok, talagang pinadugo niya ang panga nito.Nang simigaw si Hex ng "Help" ay narinig ko ang mga kaluskos na halatang papunta sa backstage.


Nasaksihan ko ang pagkawala ng malay ni Hex at hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na hilain si Ned para lisanin ang lugar na 'yon. Kung hindi kami aalis ay masisira ang career namin.

Continue Reading

You'll Also Like

25.2K 523 23
If he knew what awaited for him in the Middle Earth, he would have returned sooner. Halbrand is a man with a dark past, but where will his choices le...
13.2K 327 35
XAIVER ACOSTA the proffesional Doctor who discover cure of virus Meets the rugged flight attendant who's have a virus. Her name is ZAIRA MAE RAMZ Cur...
Luna By anya jayvyn

Teen Fiction

7.4M 325K 47
A bullied girl meets the popular new student. ***** "Still saying that you're perfectly okay?" Max whispers. I'm surprised to hear that his voice is...
302K 8.5K 50
"That was weird, but I can't stop my heart beating ten times faster than it should be. Laying down on the bed I face away from the bathroom door not...