HUSBAND AND WIFE

By fedejik

134K 6.1K 576

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 14

1.9K 87 4
By fedejik

CHAPTER 14

Serenity


Sumalubong sa akin si Christoff na parang wala lang sabay kuha sa bitbit kong gamit at nanguna pang pumasok sa bahay.

Nang makarating kami sa sala ay agad siyang naupo at muling itinutok ang atensyon sa cell phone at nagpipindot. Impossibleng hindi niya nakita ang message ko kanina. Mas pinili lang niyang balewalain ako.

"Oh, sorry nga pala at hindi kita nasundo. Ang sama kasi ng pakiramdam ko kanina," katwiran pa niya.

Tumango ako at hindi na nagkomento. Alam ko namang palusot lang niya iyon. Talaga namang wala siyang pakialam sa akin.

"Okay ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo? Was there anything you want to eat? I'll order."

Umiling ako. Wala akong ibang gusto kundi ang magpahinga at matulog. Pero sa nakikita kong sitwasyon ng bahay ay mukhang hindi ko agad magagawa iyon.

Nanghihina akong nagmasid sa buong bahay. Nagkalat ang bote ng mga alak at pinagkainan kung saan-saan. Mukha ring magalas ang sahig at puro alikabok.

"Hindi ka man lang ba naglinis dito?" Hindi ko na rin mapigilan ang magtanong.

Sa dami ng kalat na nakikita ko, pakiwari ko ay pagod na pagod na kaagad ako.

"Hindi ko na maasikaso. Ang dami kong trabaho sa opisina," katwiran pa niya.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tahimik na pumunta sa kusina. Maging doon ay tambak ang hugasing mga plato. Mukhang ito pa 'yong naiwan ko nang masugod ako sa hospital.

"I might be gone for weeks. Inutusan lang ako ni Daddy."

"Saan ka naman pupunta?" kunot-noo kong tanong.

"Sa resort namin sa Cebu," simpleng sagot niya.

Hindi na ako kumibo. Hindi na rin naman na bago sa akin ang madalas niyang pagkawala.

There must be something wrong with me. Parang bigla ay unti-unti na lang akong nawawalan ng pakiramdam. Dati ay iiyak ako sa tuwing mararamdaman kong wala siyang pakialam sa akin.

"Are you okay?" puna pa niya. "Hindi ka ba mangungulit na isama kita?"

Tumitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung tine-testing lang ba niya ako o papaano.

"Ikaw... Kung ano'ng gusto mo," pagod kong sagot sabay lapit sa isang tambak na hugasin.

"Nah. Dito ka na lang sa bahay. Mahirap na walang tao ang bahay natin sa panahon ngayon."

Just what I thought.

Hindi na ako kumibo. Sa halip ay inabala ko ang sarili ko sa paghuhugas ng plato.

"Mamaya mo na gawin 'yan. Magpahinga ka na lang muna."

"Okay lang. Kaya ko naman."

"Okay. Ikaw ang bahala," aniya sabay talikod.

Sabi ko na nga bang iyon ang sasabihin niya. Umaasa pa ba akong mag-volunteer man lang siya na ang gagawa noon?

I must have gone crazy.

Habang ginagawa ang mga dapat na gawin ay nanatili lang siyang nakahiga sa sofa at papindot-pindot sa cell phone nito. Ni hindi ko makitang masama ang pakiramdam niya gaya nang sinabi niya kanina.

Nang matapos ko lahat ng gawain, pakiramdam ko ay sobrang hilong-hilo ako sa pagod. Kaya naman nagdesisyon akong humiga na muna sa bed at nagpahinga. Mukhang inabuso ko na naman ang sarili ko.

Napipikit na ako noon nang umakyat si Christoff sa kwarto.

"Sa labas na ako mag-dinner. Nagkayayaan ang barkada uminom kina Everett."

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niyang iyon. Kagagaling ko lang sa hospital, pero parang inaasahan na niyang kaya ko namang mag-isa at hindi na ako nangangailangan ng alaga.

"You're going to be okay here, right?"

Tanging tango ang isinagot ko. Kahit na kailan naman ay hindi ko nagawang kumontra sa mga gusto niya.

Matapos niyang gumayak ay dali-dali na rin siyang umalis. Ni hindi nag-abala na alalahanin ang kakainin ko.

Naiwan akong nakatanaw sa balcony hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

Papasok na lang sana ako nang makita si Thad na halos kadarating lang din. Nang bumaba ito sa sasakyan ay nakangiti pa itong kumaway at tumingala.

"How are you? Kumain ka na?"

Tipid akong tumango kahit na sa totoo lang ay nangangalam na ang sikmura ko sa gutom.

"I bought something for you," aniya sabay taas ng paper bag. "Ilagay ko na lang sa front door mo."

"Hindi ka na sana nag-abala..." nahihiya kong sabi.

Sobrang maaalalahanin ni Thad. Kung sana ay nakuha ng asawa ko ang kaunting ugali niya ay sobrang saya ko na sana.

"It's all right, Eren. Ubusin mo lahat 'to para gumaling ka agad."

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Salamat po."

"Ilagay ko na lang doon, a," aniya sabay senyas.

Tumango ako at saglit naman siyang naglaho sa paningin ko. Nang marahil mailagay ang pagkain sa harap ay muli siyang bumalik at kumaway.

"Kumain ka na," nakangiting bilin pa niya.

"Salamat ulit."

Sumenyas siyang papasok na sa loob ng bahay nila kung kaya noon na ako bumaba para kuhanin ang pagkain.

At tulad nga nang bilin nito ay kinain ko lahat iyon habang mainit. Saglit kong nakalimutan ang sama ng loob sa aking asawa dahil sa sarap ng mga pagkaing iyon.

Nang makatapos kumain ay saglit akong naglinis bago muling mahiga sa bed. Kahit pa wala naman akong ginawa kundi magpahinga nitong nakaraang araw ay nandoon pa rin ang hindi maipaliwanag na pagod. Kaya naman nang lumapat ang katawan ko sa kama ay agad akong nakatulog.


Madaling araw nang maalimpungatan ako ay wala pa rin si Christoff sa kama. Pupungas-pungas kong dinampot ang cell phone ko at tiningnan kung may mensahe man lang ba siya roon pero gaya nang dati... wala pa rin.

Kinusot ko ang aking mata habang naghihikab. Kahit pa gusto ko itong tawagan ay tinalo ako ng antok na nararamdaman ko at muling nakatulog.

Nang magising ako ay mataas na araw. Wala pa rin si Christoff kung kaya nagpasya na akong tawagan ito. Nakailang ring din iyon bago sumagot.

"Hindi ka na nakauwi?" Inaantok kong sinilip ang relo sa night stand. Halos alas-ocho na noon.

{Nasobrahan ako ng inom kagabi kaya dito na ako natulog kina Everett. Sa opisina na siguro ako didiretso. Doon na lang ako maliligo at magpapalit.}

"Ah..."

{Mamayang hapon na lang ako uuwi ng bahay. I have to go.}

"Pero—"

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa mabilis niyang pagputol ng tawag. Wala ako sa sariling tumingin sa kawalan at umiling-iling. Ni hindi man lang siya magkunwaring apektado sa pagkawala ng baby namin.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at nanghihinang bumangon sa kama. Ang dami ko pang kailangang gawin. Mukhang hindi rin niya nagawang diligan ang halaman ko nang nasa hospital ako.

Paglabas ko sa harapang pinto ay naabutan ko si Thad na nagdidilig ng mga halaman nito.

Nang mapansin niya ako ay itinigil na muna niya ang pagdidilig at bahagyang lumapit sa kinatatayuan ko.

"Kumusta ka? Okay ka na ba?"

"I'm okay. Thank you. Hindi ka ba papasok sa opisina?"

"Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko, so I am a taking a day off."

"Ah gano'n ba? Kung sa bagay, you own the company."

Nakangiti siyang tumango-tango. "Medyo maputla ka pa. Bakit lumabas ka na?"

"Didiligan ko lang ang mga halaman ko. Baka 'di man lang nadiligan ng asawa ko."

"Oh, don't worry. Idinamay ko na nitong nakakaraan."

"Really?" Wala ako sa sariling nilingon ang mga halaman. Kaya pala hindi iyon mga nalanta. "Oh, thank you..."

"Magpahinga ka na muna sa loob at idamay ko na ulit ang mga halaman mo."

"Naku, hindi na..." umiiling kong sabi. "Sobrang abala ko na."

"It's all right. Sige na at magpahinga ka na."

Nahihiya man ako sa pagmamagandang loob niyang iyon ay hindi ko mapigilang tanggapin ang offer niyang iyon. Hinang-hina pa rin naman talaga ang katawan ko.

"Thank you so much, Thad. Ang dami ko ng utang sa 'yo."

"Wala kang utang, 'no? Kung ano-anong naiisip mo. Sige na, magpahinga ka na."

Nanghihina akong tumango. Malaking bagay na bawas ang gawaing bahay ko.

"Oh, before I forgot," humahangos siyang nagtatakbo palapit sa main door at may kung ano'ng dinampot.

Paper bag...

"Idinamay na rin kita sa breakfast at lunch," sabay abot ng paper bag.

Awang ang labi kong tinitigan ang inaabot niyang iyon. Bigla akong nag-alangan kung dapat ko pa rin bang tanggapin iyon.

"T-thad, I-I can't—"

"Just take it, okay?" aniya sabay kuha sa kamay ko at sapilitang pinahawakan iyon sa akin. "You still need help. Kagagaling mo lang sa hospital. Hindi ka pa dapat nagkikikilos. And yeah, parating na rin siguro 'yong tinawag kong cleaner para sa 'yo kaya chill ka na lang, okay?"

Nagluluha akong tumitig dito. Hindi ko maiwasang sobrang maapektuhan sa ipinapakitang concern niyang iyon. Wala rin akong maramdamang kakaiba sa trato niya. Ramdam kong nagmamalasakit lang talaga siya at walang halong malisya.

"Thank you so much, Thad. Sa dami ng mga nagawa mo para sa akin, hindi ko alam kung papaano pa ako makababawi."

Nakangiti lang siyang umiling at sinenyasan na akong pumasok ng bahay. "Sinisingil ba kita? Natural lang naman sa magkaibigan ang nagtutulungan, 'di ba?"

Tumango ako at mapait na ngumiti. Laking pasalamat ko na sa bigat man pinagdadaanan ko, mayroon akong naging kaibigan. Marahil kung hindi dahil sa tulong niya ay kung saan na lang ako pinulot. Malamang ay baka nga tuluyan na rin akong bumigay.

"Eat healthily and get well soon, okay?"

Nagluluha akong tumango. Sobrang bait ni Thad. Sobrang swerte talaga ng asawa nito sa kanya.

"I really owe you one," pahabol ko. 

"Umayos lang ang pakiramdam mo, bayad ka na," aniya bago kumakaway na lumayo sa akin at muling itinuloy ang pagdidilig ng mga halaman.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilang maiyak. Kailangan kong maging matatag. Hindi ito ang tamang panahon para sumuko. 

Hindi pa.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 29.8K 34
She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Between The Sheet" relationship with him.
My lover By Markshin

General Fiction

6.8M 47.6K 53
Mariella "Ella" Ruiz is the perfect example of an unreachable dream. She has a nice pair of eyes, kissable lips, beautiful body, over flowing sex app...
99.2K 1.9K 52
Also available in Dreame. Do you believe in fate? Would you rather believe in fate than to work for it and make it happen? Officialwhosthatgirl 2014...
161K 3.3K 61
ACEAN'S Songbird Francesca Morales is becoming popular with the hottest guys at Ace Academy. The High School MVP JC San Miguel and the Elusive Bache...