The Mafia Boss' Wife

Bởi Peonie_Pie

725 67 6

Beauty, brains and brawn? Kakambal ng mga yan ang pangalang Zhannie Myr! Kaya nga lang, dehado 'to sa pangal... Xem Thêm

Prologue
Chapter 1 - Enter Zhannie
Chapter 2 - Mr. de Vill
Chapter 3 - Second encounter
Chapter 4 - Troubled Preggy
Chapter 5 - Deal NO Deal
Chapter 6 - We're Married?!
Chapter 7 - First Dinner
Chapter 8 - Bestfriend?
Chapter 9 - Start of something?
Chapter 10 - Make-up Pasta
Chapter 11 - Gone and... Gun?!
Chapter 12 - Eagle & Swords
Chapter 13 - Mrs. de Vill
Chapter 14 - Bloody night
Chapter 16 - 'Her' (Part I)
Chapter 16 - 'Her' (Part II)
Chapter 17 - 3 Shots
Chapter 18 - Foggianas
Chapter 19 - Hospital

Chapter 15 - Breathe of Air

24 1 2
Bởi Peonie_Pie

[Zhannie's POV]


"Zazy..." Isang pamilyar na boses ang naririnig ko sa kadiliman. Hindi ko makita kung saan nanggaling at kung kaninong boses ang tumatawag saakin but there's this familiar feeling of eeriness na nakakapangilabot.


I'm catching my breath, kanina pa ako kinakapos ng hininga at nanlalamig kahit na ramdam ko ang pawis sa katawan ko. 


Am I running?


"Zazy..." Hindi ko alam kung saan lilingon dahil wala akong makita dahil sa dilim pero patuloy parin ako sa pagtakbo kahit na hindi ko alam kung may patutunguhan ba ako. Why am I even running in the first place? 


"Zazy, run!" Napahinto ako nang may naramdaman akong likido sa mga paa ko. The voice calling me starts to sound nearer and nearer sa may bandang likuran ko. My head is throbbing na parang hinampas ng makapal na plywood.


I looked down to my feet and saw hot, red, sticky liquid and it smells awful...



Blood? 



Suddenly, it became even harder to breathe than before. My heart beats faster than normal na parang nakipagkarera sa kung anong kabayo and I can feel hot liquids streaming down my cheeks.


"Run..." The voice changed. It was a female voice but much colder than the one before. I kept on looking everywhere hoping to see kaninong mga boses ang naririnig ko pero wala akong makita ni isang hibla ng buhok o anino man lang.


From black, umiba ang paligid. And it's the place where I hated the most. It's a place that held gut-wrenching memories that I tried to bury in the depths of my memory. It's an unfurnished room with a long, old wooden table and a pole in the middle.


The place itself is a creepy looking cottage na may lamaparang de gas na nagsisilbing ilaw sa kwarto.


I felt something cold ang heavy sa mga paa ko, and the next thing I know ay nakakadena't nakagapos na ang mga paa ko habang nasa likod ko naman ang mga kamay ko at nakatali sa may poste sa gitna ng kwarto. 


My vision became so blurry dahil sa walang tigil na iyak na hindi ko mapigilan, a girl approached me and she was covered in red stains all over her.  


Hindi ko mamukhaan ang babaeng nasa harap ko dahil lumalabo ang paningin ko dala ng sakit sa ulo.


I heard a click sound and the chains on my feet were loosen. The girl then got something on her pocket and and tore whatever was used to bind my hands on my back.


Nanghihina na ko at gusto ko nalang ipikit ang mga mata ko when she forced my to stand. I cannot see her face clearly but she I know she was crying. She was saying something while pointing at something on the corner of the room sa likod ko pero hindi ko maintidihan, static lang ang naririnig ko. 


Her voice was becoming clearer and clearer when I also heard a lot of approaching footsteps.



Just before the door swung right open, she shouted. 


"ZAZY, I SAID RUN!"



Suddenly, I can feel my world shaking horribly na parang niyanig ng isang milyong lindol, and I can feel an excruciating pain from my shoulder. My chest became so heavy at all of a sudden, napabalikwas ako na habol ang hininga.



"Damn, woman!" Habol hininga akong napaupo habang pawis na pawis. That was so creepy! Hindi ko maipaliwanag kung anong takot ang nararamdaman ko. It was as if time is haunting me after years of enshrouding unpleasant pieces of memories in the past. 


Sinong demonyo o santo ba kasi ang nagpauso niyang mga panaginip na 'yan? Gusto ata nilang magpasampal sa maganda, eh.


Hindi ko makita ng maayos ang mukha ng lalaking nasa harap ko ngayon at hinahagod-hagod ang likod ko dahil sa malabong paningin ko dala sa kakaiyak. 


"Uminom ka muna ng tubig, kanina ka pa binabangungot. I thought it's your punishment for having a loud mouth." Isa pa 'tong demonyong 'to, trip atang murahin ang tulog! Akala ata niyang nakalimutan ko, tsk.


Imbis na pagaanin ang pakiramdam ko, dumagdag pa. Kitang umiiyak, nang-iinis pa. Ang sarap tadyakan! Never talaga akong tatabi sa lalaking 'to, baka murahin na naman ako. Nakakaasar kasi! Pati pagmura, ang mahal pakinggan. Pusta ko hindi pa 'to nakaabot sa palengke, madala nga minsan.


Kahit anong inis ko sa lalaking 'to, nangingibabaw pa rin ang kaba at takot na nararamdaman ko dahil sa panaginip ko. It felt so real! Nakakatakot!


Anyways, tiningnan ko siya ng masama habang nakalahad ang isang baso ng tubig habang kapos hininga parin, pero maganda. 


Binuksan ko ang aking bibig pero walang salitang lumalabas. Urgh!


Mas nilapit niya pa saakin ang baso ng tubig kaya kahit may gusto pa akong itanong, kinuha ko nalang ito at tinungga dahil naubusan ata ako ng laway at napaka dry ng lalamunan ko.


"Feeling better?" tanong niya habang inuubos ko ang laman ng baso. Ang gulo kausap no? Sa tingin niya ba masasagot ko siya habang umiinom ng tubig? Wrong timing naman kasi ang pagtatanong. Ano ba naman 'yan? 'Ke yaman-yaman, 'di alam na 'timing is everything'?


Pinahiran ko ang bibig ko ng maubos ang laman ng baso at kinuha niya rin naman ito  mula saakin at nilagay sa gilid.


Teka - Nasaan ako?


Why am I in a big room with expensive things around? The last time I checked... 




Oh sh*t! 



Nanlaki ang mga mata ko upon flashbacks of what happened came through me. There were people - armed ones, na nakapasok sa opisina ni Quir and... and... 


Kumabog ang dibdib ko and as if on cue, hindi ko napigilang mapahilamos at mapaluha na naman nang maalala ang nangyari kay Sienna. 


Nandoon ang pamilyar na kirot sa dibdib na parang pinipiga nang maalala kong napahamak siya nang dahil saakin.


"I'm listening." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Quir habang nakaupo sa gilid ng kama at naka krus ang mga kamay. 



Mas humagulhol ako ng marealize kung ano ang hindi ko nagawa. Hindi ko siya naprotektahan. Kahit na maraming tanong ang bumabagabag saakin at that time, hindi ko siya nagawang tulungan. 


She's more than just my secretary. For years, she was the only person I could really trust everything with, the moment I set foot on Aackley. Alam niya kung gaano ako kahirap pakisamahan, but for years, she stayed and kept up with me.


Kahit na gusto kong sumigaw that time why the hell did she showed up in that f*cking door carrying a gun, hindi ko magawa dahil nangibabaw ang kaba at takot ko nang makita ang dalawang aninong nasa magkabilang gilid.


I was able to pull the trigger sa lalaking nasa kaliwa, pero kasabay non ay ang pag agos ng dugo mula sa tagiliran ni Sienna. That time, it felt like the world stopped for a second nang nakita ko siyang napahinto, nakatingin sakin na halatang gulat saka kinapa ang tagiliran niyang dumudugo bago natumba.


God knows how I wanted to go to her but I couldn't find the strength to move. For f*ck's sake I can't even feel my legs that time!


Agad ko namang pinaputukan ang lalaking bumaril sa kanya pero daplis lang braso ang nagawa ko dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Nakaramdam ako ng kirot sa balikat pero hindi ko 'yon pinansin at pinaputukan ulit hanggang sa natumba ito. 


I felt a warm hand pulling me into a comforting embrace. Amoy palang, mayaman na kaya alam na kung sino. 


I just can't help my tears from pouring. Jax was the only one comforting me in times like this, who could've thought that this devilishly handsome man right here could settle down my disturbed being?


"I told you I'll listen but not to your sobbing, stupid. And by the way, that girl's recovering in the hospital."


Agad akong kumawala sa pagkakayakap niya "B-ba -- aa" dahil medjo tuyo parin ang lalamunan ko nahihirapan akong magsalita  kaya tinuro-turo ko nalang ang baso ng tubig na nasa bedside table nitong kwarto na may isang pitsel ng tubig.


Buti nga't naintindihan ng isang 'to ang ibig kong sabihin, may pagkatanga pa naman 'to minsan. 


Agad kong ininom ang baso ng tubig na bigay niya saka tumikhim-tikhim.


Sinamaan ko ng tiningin ang lalaking kaharap ko, "Adik ka pala eh, sana 'yan ang unang lumabas sa bibig  mo!" mahina kong sambit dahil hindi pa ganon ka ayos ang lalamunan ko.


"Do you seriously think I'll blurt that out first when I have my wife to worry about? Tsk, stupid" Kahit na naiinis pa ako dahil sa pagkatanga nitong kausap ko, naramdaman ko ang abnormal na pagkabog sa dibdib ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanyang mapanuring mga mata at pinahid ang basang mukha ko bago sumagot, pilit kinalakma ang sarili.


"Sana naman kasi sinabi mo bago pa ako nag-alala ng husto! And sinong stupid?!"


"You got the guts to worry about your secretary when you don't even realize you were shot?!" Aba't sigawan raw ba ako?


"Wag mo akong ma-english-english at baka masapak kita diyan, at hindi ko lang siya secretary." Kasi naman kahit mga salitang lumalabas sa bibig niya, pati mga mura, ay mamahalin pakinggan lahat, amfufu. And duh! Si Sienna 'yon! He doesn't know how much she means to me.


Napahawak ito sa sentido niya bago huminga ng malalim at nagsalita, "Dadalhin kita sa kanya mamaya, kaya magpahinga ka muna."


"..."


"..." Hindi ko nalang siya pinansin dahil naging awkward ang ihip ng hangin dito sa kwarto. Or ako lang ba? But I somehow felt relieved.


Pero dahil taglay atang maingay ang bibig ko, hindi ko napigilang magtanong.



"Ilang oras pala akong tulog?"


"..." hindi ito nagsalita kaya tinaasan ko siya ng kilay. Napipi ba 'tong lalaking 'to? May demonyo bang napipipi? 


"Mind telling me why you were starving yourself to death for f*cking two whole f*cking days?"


"I'm on a diet."


"You don't even weigh half as much as that of a sack, woman."


"Kung gusto mo ng sako, magpabili ka."


"Ginagago mo ba ako?" 


"Bakit, gusto mo?"


"Can't you answer properly."


"Edi sagutin mo muna ako, ako yung unang nag tanong."


"One day. 26 hours and 47 minutes. Now answer me." ISANG ARAW AKONG TULOG?! Ginu-good time lang yata ako ng demonyong 'to, eh. Oh baka walking clock 'tong adik na 'to? "You're really not gonna answer me?"


"Ano nga pala silbi ng mga pinag-bodyguard mo kung magtatanong ka lang pala saakin?" Kasi diba, imposible namang gawin niyang bodyguard ko yung lalaking turotot at matalinong bobo kung wala pala siyang mapapala, diba? Hay nako, 'yan - kita niyo na? Ang gulo kausap at ang gulo mag-isip.



"Very well." Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas ito ng baril mula sa likod nito at nagkasa sa harapan ko. P*nyeta! Mamatay-asawa ba 'tong lalaking 'to?! Napalunok ako ng imaginary laway de oras. "I'll just have them tell me before they rest six f*cking feet under."


"T-teka, ito naman. Ang hot!" Pigil ko sa kanya nang makita kong hahakbang na ito palpalabas, at dahil hindi ko pa masyadong magalaw ang katawan ko, sumakit ang bandang mag sugat nang abutin ko ang braso nito. 


Alang naman hayaan ko itong umalis? Edi konsensya ko pa kung bawian ng hininga 'yong mga ugok na 'yon? Saka nakakatakot na nga tignan minsan 'tong demonyong 'to, dadagdagan pa ng baril? Baka totohanin ng isang 'to, mukhng hindi pa naman nagbibiro.


Though unti-unti na akong nasasanay sa mga tingin nitong nakakamatay kaya minsan walang effect 'yon sakin.


"What?" Tiningnan niya ako na parang hindi nakapaniwala. Hindi ko magawang sumagot dahil - bakit ko nga ba naman pinigilan ang mokong na 'to? Eh kung tutuluyan rin lang naman niya yung mga adik na 'yon, wala nang mangungulit, goods 'yon kaya okay lang. 


Naalarma ako nang ngumisi ito at umiling. Binaba niya ang baril at umupo sa kama. Na-adik na ang loko.


"Do you fancy me?"


"Feelers, ah." diretsong sagot ko kahit na ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Paano ba naman? Eh, nasa harap ko siya at amaoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya.


Umiling lang ito at tumingin saakin gaya binawi ko ang tingin ko. May nasabi ba akong mali? May pagka-slow pa naman 'to--


Oh sh*t! Don't tell me na misinterpret niya ang pagsabi ko ng 'hot'? 


"HAHAHHAHAHA"






[Quir's POV] 


It's been hours since I brought this woman home. I didn't brought her to a hospital and let Max handle her wounds instead. I can't have a handful people involved in my personal business. Being featured in tabloids or any forms of media is such a hassle. And besides, this damn woman...



"HAHAHHAHAHA" I don't know how she could change her mood so quickly. Just earlier she was having a nightmare and was crying, then she was back to her nagging self. Now she's laughing! F*ckng crazy!


"What  the hell is wrong with you, woman?" 


Just as she was about to answer, the door opened which made me looked at the direction.


"Yow, bos-- SH*T!" Barlowe was cut short when a glass went flying to his direction, merely missing his face by a few centimeters.


He's lucky this woman missed or else he'll have his f*ckng face to worry on top of his broken rib and swollen head. 


"Sabihin mo nga saakin, Quir. Nakapag-aral ba 'yang kulugong turotot na 'to? Pano ba i-disiplina 'yan para matutong kumatok?"



I can't help but shake my head sideways, this woman is really something...



"Miss Zhannie naman eh!"


"Daig mo pa ang grade 1, eh." She muttered


"May gusto po ba kayong kainin?"


I looked at her while she's thinking about what she'll say, waiting for her answer. I'm pretty sure she's hungry given that she hasn't eaten a single, proper meal for a few days. 


Remembering it made my blood boil and it got me looking at Barlowe.


"Whoa, bossing! Anong ginawa ko?" He said defensively with his hands on air, the moment I laid my eyes on him as if surrendering.


"Tsk." I averted my gaze. Might as well do it later, she needs to eat first.


"Gusto ko ng tilapia." 


"Areglado Miss Zhannie! E-oorder ko po muna."


"Anong e-oorder? Ako ang magluluto no." 


"You're in no position to move that much for now, just rest. I'll take care of it." I can't let her cook with her shoulder injured. She might strain her wound and stress her self.


"Anong akala niyo saakin? Baldado? Tadyakan ko kayo diyan, eh."


"Para po hindi na kayo mag-abala, Miss Zhannie."


"Why are you so f*ckng hard-headed?"


"I'm not a kid! And this isn't new to me. If you could just please..." I let out a sigh. This woman is really hard to deal with, but I just can't seem to let her be on her own. 


I helped her stand when I saw her accidentally putting pressure on her injured shoulder as she tried to stand.


"Thanks."  she said when she was able to stand, she stretched her arms slowly, mindful of her injured shoulder.


"Tara na"


And before a never ending bickering would happen, I went out of the room with her and signalled that d*ck of a head, Barlowe to shut his mouth.





[Phyn's POV]


"Checkmate!" Napangisi ako nang makita ang sirang itsura ni Andrei nang macorner ko siya. "Paano ba 'yan, 'tol? Pinusta mo pa naman yung Volvo XC40 mo, wala nang bawian, ah?"


"Tsk. Gago!" 'Di ko napigilang mapahalakhak dahil pikon na pikon ang itsura niya ngayon. Pangalawang beses niya nang natalo sa laro at dalawang sasakyan na ang mawawala sa kanya. 


"Gusto mo palit tayo? Sayo na 'yung Porsche Macan, akin na 'yung Volvo XC40." 


"Max, mas gwapo ako sa'yo kaya hindi ko ibibigay sa'yo ang mamahaling Volvo ni Andrei." 


"Tsk." Halatang nawalan ng gana si Andrei nang marinig kami ni Max na nagbibiroan. 


Anong nangyari sa isang 'to? Kahapon pa 'to wala sa sarili ah. May problema ba 'tong gagong 'to?


Napatingin kaming lahat sa pagtunog ng elevator dito sa mansyon ni bossing. 


Iniluwa dun ang asawa ni bossing na nakabenda ang kaliwang balikat katabi ni bossing na nakaalalay sa kanya. Sa likuran naman nila ang gagong Vhone na may benda sa ulo. 



"Yow, Miss Z! Bossing!" Sambit ni Max habang nakatingin sa hawak niyang phone.

"Kumusta po, Ma'am Zhan?" Tanong ni Xantus 

"Hi Zhannie" Bati ko naman na nakangiti habang tinitingnan silang papalapit sa pwesto namin. Pero imbes na makatanggap ng sagot, tinaasan niya lang ako ng kilay.



Tiningnan ko si Andrei na nasa harapan ko, nakatingin lang ito sa kanila at tumango kay bossing at sa asawa nito. 


Si bossing naman ay tumango lang, at nilagpasan kaming lahat papuntang kusina kasama si Zhannie. 


"Kumusta ang balikat ni Ma'am?" - Heethz


"Okay na ata." Tipid na sagot ni Vhone


"Panong okay? Eh medyo malalim yung pagkabaril 'don" 


"Sinasabi ko kasi sa inyo, pinaglihi 'yon sa tigre kaya hindi tinablan." Sambit niya habang papaupo.


"At maypagka-amazona 'yon." singin ni Max.


"MISMO!" 


"Ba't basa yang damit mo?" Tanong ni Andrei kaya napatingin kaming lahat sa suot niya. 


"Nakalimutan kasi ng gwapong kumatok, kaya may lumipad na baso, naatract ko ata." 


"Pfft--"


"Gago!"


"Hahahahaha!"


Napatigil kami sa pagkukulitan nang may maamoy kaming mabango mula sa kusina. Naks! Sa wakas makakakain na ulit ng lutong bahay! 


Alam niyo na, wala kasing panahong magluto ang mga gwapo dahil likhang mapagpursigi pagdating sa trabaho, kaya pagkain mula sa labas lang ang pinagtatiyagaan.


Unang tumayo ang gagong Vhone at pumunta sa kusina kaya sumunod narin kami.


"Anong niluluto niyo, Ma'am Zhan?" Tanong ni Xantus nang makitang nagpiprito ang asawa ni bossing.


Ugok talaga, kitang isda, nagtanong pa!


"Tilapia." Tipid na sagot ni Zhannie.


"Diba yan 'yong lasang putik?" 


"Bakit? Nakakain ka na ba ng putik?" 


"Pffft--"


"Pfftt HAHAHAHAHHAHAHAHAHA!"


"'Yan kasi! Tanong pa more! Hahahhahhaha!"


"HAHAHAAHHAHA"


Hindi ko napigilang mapatawa sa reaksyon ni Xantus na halatang nabigla dahil talagang natigilan siya sa sagot ni  Zhannie. Pati si bossing na likas na seryosong tao ay napangisi! Pambihirang babae!








Nasa hapag kaming lahat, at nakatingin kay Zhannie at kay bossing na kumakain ng pritong tilapia na niluto ni Miss Zhannie. 


Pambihira! Akala ko pa naman makakatikim ako ng lutong bahay! Hanggang tingin lang pala ang mapapala ko dito! 


Nakatatlong subo na ata si Zhannie bago siya tumingin saaming lahat na nakatingin sa kanila.


"What?"


"Wala po bang para saamin, Miss Zhannie?" Minsan nagtataka talaga ako kung gaano kakapal ang mukha nitong gagong Vhone.


"Asawa ko ba kayo?" 



*Cough cough* 


Napatingin kaming lahat ni bossing na nabulunan at umuubo sa tabi ni Zhannie. Agad naman niya itong pinainom ng tubig.


"Trip mo bang kumain ng buto o hindi mo alam na may buto yang isda?" Sambit niya habang hinahagod ang likod ng asawa.


Pigil-tawa kaming lima habang nakatingin sa kanilang dalawa dahil baka pag-initan na naman kami ng asawa ni bossing. 


"What the f*ck?! Ginagago mo ba ako?!" pikon na sambit ni bossing matapos painumin ng tubig.


Tinaasan lang siya ng kilay ng asawa. Pambihira! Walang ni isang bumabara kay bossing at nakakatagal na babae sa kaniya maliban nitong palabang babaeng nasa harap namin.


"Bakit gusto mo?" 


"Aish! Kumain ka na lang nga!!" Padabog na kinuha ni bossing ng kutsara't tinidor at nagpatuloyng kumain.


"Anong tingin mo sa ginagawa ko? Adik nito, ginawa pa akong bobo." 


"Damn, woman!!"


"Mouth, husband!!" 


Hindi ko mapigilang mapaaliw sa mag-asawang 'to! Hahahahhahahah! At isa pa, pansin ko lang, nagkakaroon na ng emosyon ang mga mata ni bossing kahit na nagbabangayan sila ng asawa. It's a first after... ilang taon na ba ang nakalipas? Napabuntong-hininga nalang ako sa isipan. 


Nakikita ko namang kahit nagbabangayan silang dalawa, may nararamdaman na sila para sa isa't-isa, 'yon nga lang at parang duwag naman silang umamin kahit ang tatapang. Ano kayang takbo ng pagsasama nila sa susunod na mga araw?


Hindi naman sa nakikialam sa mga desisyon ni bossing pero, kung tuluyan ngang mahulog ang loob nila sa isa't-isa, malalagay sa panganib si Zhannie...









Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...