Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 56

62.7K 3.6K 3.2K
By DemLux_Pain

TULALA. 'Yan ang ekspresyon ng mga bisita nang marinig ang tinig ng babaeng nasa dulo ng red carpet. Maging ang apat na lalaki ay hindi rin malaman kung anong isasagot sa tanong ganoong hindi nila alam kung anong pinagsasabi nito.




"Ano yung meteor garden? Kaninong pamilya merong hardin na ganon?"



"Aba malay ko dude! Hindi ko nga alam kung may ganoon ba talaga!"



"Sis, anong F4?"



"Baka fabulous 4 meaning non, o 'di kaya'y fantastic 4!"



"Pwede nga no? In fairness, napakagwapo naman kasi talaga nila young masters! Kyahh!!!"




Napataray na lang sa isipan si Heavenhell nang marinig ang mga bulungan ng ibang bisita at ibang reporters na balak pa yata siyang interviewin. Mabuti na lang at agad na humarang ang mga Elite guards na nagbabantay sa entrance.




'Tsk! Anong Fabulous 4 at Fantastic 4? Mas bagay sa kanila ang Ferocious 4, dahil dinaig pa nila ang hayop sa pagiging bayolente nila. Aish!' Isip-isip ni Heavenhell habang hindi niya namamalayan na kanina pa pala siya nakatayo sa dulo ng red carpet at pinagpi-piyestahan ng mga camera.




"Wait! Natatandaan ko na kung saan ko siya nakita!"



"Huh? Saan?!"



"Siya yung trending last time na kumanta ng 'I hate you, I love you' na song!"



"O-Oh my?! Really?! I'm her fan!"



"Tsk! Yan lang talaga natatandaan niyo sa kaniya?"



"Hindi ko alam kung saan ko pa siya nakita pero familiar siya sa'kin."



"Ano ka ba? Siya lang naman si Lady Heavenhell Caventry na ex-fiancé ni Young master Lucretius!"



"Huh? Siya ba yun? A-ang alam ko baduy yun magdamit ahh! Mukha ba siyang baduy sa suot niya ngayon?"



"S-sshhh! Huwag kayong masiyadong maingay! Basta siya si Lady Heavenhell kaya mag-ingat kayo sa sinasabi niyo."



"Dude, she looks like a fairy!"



"An angel to be exact!"



"Bro, isn't she lovely? Isn't she wonderful?"



"Yeah!"



"Tsk! Bitch!"



"Attention seeker!"




Napataas na lang ng kilay si Heavenhell nang makarinig siya ng mga insecure sa tabi-tabi na halatang naiinggit sa kagandahan niya.




'Aish! Sa sobrang ganda ko ay hindi talaga mawawala ang mga inggetera kaya masanay ka na lang, Carnelia! Hehe!' Pagyayabang niya sa kaniyang isip.




Samantala, gulat na gulat naman sina Mia at Shaira nang makita ang pigura ng target nila na kasalukuyang nginingitian ang mga reporters at ibang bisita.




"Mit-Mitchel, si Heavenhell ba yan?" Nagdadalawang-isip na tanong ni Mia sa kaibigan na nakakuyom na ang kamao sa inis.




"Are you blind?! Arggh! This lil' sister of mine is really pissing me off!" Nanggigil na sabi ni Mitchel habang nakatingin sa kapatid na nakangiti pa rin hanggang ngayon.




"H-hindi ba't ikaw ang nag-aayos ng susuotin ni Heavenhell? Bakit----"




Hindi na siya pinatapos ni Mitchel nang agad na siya nitong samaan ng tingin.




"Sa tingin mo hindi ko 'yan ginawa?! A-arggh! Kung alam niyo lang na ilang beses na akong nagpabalik-balik sa kwarto niya para tanungin siya tungkol sa susuotin niya ngayon! Hindi ko akalain na nagbago na nga ang fashion sense ng bruha."




"Wala na tayong magagawa kung hindi ang kumalma. Tutal hindi na rin naman siya makakawala sa plano natin mamaya." Pagpapagaan ng loob na sabi ni Shaira sa dalawang kaibigan na nakasimangot pa rin.




"Yeah, that's right!" Sang-ayon na rin ni Mia na kinataray lang ni Mitchel.




"Let's go meet Arianna."




Nagkatinginan sina Shaira at Mia bago ngumising sinundan ang papalayong kaibigan.




HEAVENHELL'S POV



Taas-noo akong naglalakad sa pa-red carpet ng mga McKinney habang nginingitian ang mga reporters at ibang magazines photographer na kumakaway sa'kin. Actually, kaya lang sila kumakaway kasi may gusto silang itanong na hindi nila masabi. Paano ba naman may mga naglalakihang katawan ng Elite guards ang nakaharang sa kanila, kaya paano sila makakapagtanong ng maayos.




Well, mabuti naman na may nakaharang dahil ayokong sagutin ang mga tanong nila. Lalo pa't narinig ko na isa sa itatanong nila ay yung tungkol sa kanta na kinanta ko last time. Ang masama pa ay nagi-guilty ako kapag sinasabi nila na ako ang gumawa ng kanta na 'yon.



'Like duh? Ipaulit-ulit ba naman sa'yo, tapos iniisip pa nila na para yun kay Vile. Aish!'



"Lady Heavenhell, how are you feeling tonight?"



"Miss Caventry, anong masasabi niyo sa trending videos niyo na umani ng suporta at paghanga mula sa mga tao?"



"Totoo ba ang mga kumakalat na larawan niyo ni Young master Lucretius na magkasama sa isang hotel?"



"Lady Heavenhell, are you still madly in love with your ex-fiancé?"



"Milady, I'm more curious about your donation last month."



"Milady, are you interested being a singer and composer?"



"Please answer us, milady!"




Napalunok na lang ako sa sunod-sunod na tanong ng mga reporters. Damn! Kung walang mga Elite guards na nakabantay sa gilid ng red carpet malamang ay nalamog na ako sa dami nila.




Atsaka hindi ko rin alam ang isasagot sa kanila ganoong 'di talaga kasama ang mga 'yan sa plano ko. Kung hindi ba naman kasi pahirap sa buhay ko ang mga characters ng nobela ay hindi 'to mangyayari.




Nadako ang paningin ko sa may kanang parte ng entrance nang makita ang pag-abante ng babaeng reporter na may hawak na cellphone, pero dahil mabilis kumilos ang elite guards ay agad nila itong hinarangan. Kaya lang dahil sa gulat ng babae ay nahulog ang cellphone niya sa gilid ko at muntik pa siyang matumba sa kinatatayuan niya.




Napatigil ang mga bisita at masamang tinignan ang babaeng reporter. Sa isip-isip siguro ng mga ito ay nagpapapansin lang siya kaya ganoon. Aish! What a pain!




"M-my phone..." mahinang sabi niya na sa tingin ko ay nasa 20 or 21 pa lang. Paano ba naman para na siyang maiiyak sa nangyayari ngayon, kaya imposible na professional na reporter siya.




"Move away." seryoso na saway ng mga Elite guards dito at hindi hinayaang makalapit pa.




"Who is that girl? So unprofessional!"



"She looks like she's going to cry hahahaha!"



"A lowly creature shouldn't be here!"




Napakunot noo ako sa mga pinagsasabi ng mga noble ladies na nasobrahan sa kaartehan. Kung makapagsalita ng 'lowly creature' ay akala mo naman sobrang yayaman nila!





Nang makita na nakuyuko pa rin ang babae ay hindi ko na napigilan ang sarili at agad na naglakad papunta sa direksyon niya. Gulat at pagtataka ang makikita sa mukha ng iilan pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil yumuko na ako atsaka pinulot ang cellphone ng babae.




"W-what the heck is she doing?"



"Oh my! A lady like her is helping that lowly creature!"



"Sh-she's Lady Caventry, right?"



"Yeah, and this is the first time I saw her helping someone!"




Nanlalaking mata akong tinignan ng mga Elite guards na mukhang natulala sa ginawa ko. Sa itsura kasi nila ay parang first time lang nilang makakita ng noble lady na yumuko para kunin ang gamit ng iba. Ang big deal pa doon ay hindi kapwa noble lady ang tinulungan ko kung hindi ang nasa commoner side.





Kaya sinong hindi magugulat diba? Lalo pa't ang pagiging mapagmataas ang isa sa katangian ng mga mayayamang young ladies at maging ang madam ng malalaking pamilya sa Atlante.




"Mi-milady, tulungan na namin kayo..." Wala sa sariling sabi sa'kin ng mga Elite guards na nakarahang sa babae.




"No, it's fine." nakangiti kong sabi sa kanila na kinatigil ng lahat.




¯\_( ͠° ͟ʖ °͠ )_/¯




Ako lang ba ang nakakapansin na sobrang mag-react 'tong mga 'to. Lahat na yata ay kinagulat nila tapos lahat din may side comments. Aish! Pati ba naman dito maraming O.A at tsismosa!




Hindi ko na pinansin pa ang bulungan at tinginan nila dahil mabilis akong lumapit sa babae. Nang mapansin niya na may tao sa harap niya ay maraham niyang inangat ang kaniyang ulo atsaka tumingin sa'kin.




'Wa-wait! This girl... This girl is going to be Lilian's friend in the future!'




Nang mapansin niyang matagal akong nakatingin sa kaniya ay tsaka siya namula ng sobra... Siguro sa hiya? Well, kinalma ko ang sarili bago siya nginitian. Syempre with my 'angel like smile' pa rin para dama ko ang pag-aarteng mabait. Hehe!




"Here's your phone."




Nilahad ko ang kamay kong may hawak ng cellphone sa harap niya atsaka siya tinanguan. Mukha kasing nagdadalawang-isip pa siyang kunin sa'kin. Kaya makalipas ang ilang segundo ay tsaka lang siya natauhan at nanginginig na kinuha sa'kin ang cellphone.




'Geez! Grabe naman siya kung manginig, dinaig pa ang pasmado kong kamay nung nasa Earth pa ko.'




"Ah-ahmm... Th-thank you, milady." nahihiya pang sabi niya. Heh! Akalain mong maraming extrang characters na pinagpala sa itsura. Hindi naman kasi maipagkakaila na maganda ang babaeng 'to pero syempre mas maganda pa rin ako.




'Bwahahaha! Ehem, Carnelia! Ang kapal ng mukha mo!'




Napailing na lang ako sa sariling kabaliwan, atsaka hinawi ang buhok ng babae para makita kong maigi ang mukha niya. Kung tama ang pagkakatanda ko ay Jhonnefie ang pangalan niya sa nobela na isa sa magiging kaibigan ni Lilian sa hinaharap.





My gosh! Isa-isa nang lumalabas ang mga characters na malapit kay Lilian. Ito na ba ang senyales na malapit na siyang pumasok sa eksena?




"Mi--milady..."



Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang mahinang boses ni Jhonnefie na pawang nahihiya. Wait... Bakit naman siya mahihiya? Napatingin ako sa paligid atsaka lang nakita ang mga reaksyon nila.



Jhonnefie: "⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄"



Everyone: "→_→"




'Hehe! Nakalimutan ko na hawak ko pa nga pala ang mukha ng babaeng 'to. Hindi naman siguro nila iisipin na may gusto ako dito diba?'




"Ve-Venven? Don't tell me you like her?!"


-_-



'Yah! Kakasabi ko lang tapos bigla namang sumingit 'tong si Clive!'




"You're funny, young master Lucretius. Well... I'm going in now so take care of yourself. Put on a jacket since it's cold." Nakangiti kong sabi atsaka iniwan silang nakanganga.




Yikes! Mukhang laman na naman ako ng balita mamaya kaya maigi na pagpasok ko sa loob ay maging low profile lang ako at lumayo sa gulo.




'Tama 'yan, Carnelia! Pero paano pala kung gulo mismo ang lalapit sa'kin? Edi no choice ako kung hindi makigulo ganon?'




Nang makita si Clive sa may pintuan ay doon ko nasigurado na walang low profile chuchu na magaganap! Sa ingay at assuming ng lalaking 'to ay lahat ng bisita ay mapapatingin talaga! Idagdag mo pa ang walang hiyang si Lemuel na nasobrahan yata sa katol at laging may tama. Geez!




"Venven, I saw you! The way you held her chin is something that makes you suspicious!" walang awat na dada ni Clive nang makalapit ako sa pwesto nila ni Clive.




Hindi naman obvious na hinintay nila ako sa pintuan para pagpiyestahan ng mga camera kasama nila diba? Mabuti nga at nawawala sila Alexio at Vance ngayon ehh, dahil kung nagkataon ay magiging Shancai talaga ang peg ko. Heh!




"Suspicious your face..." Bulong ko na lang na mukhang narinig pa ni Lemuel dahil sa itsura niyang nanlalaki ang mata.




"Y-you... You said that!" Hindi niya makapaniwalang sabi habang nakaturo pa sa'kin.




"She said what?" Curious naman na tanong nung isa.




"She said that... I'm surprisingly handsome! Hehe!"



Err?!



Minabuti ko na lang na iwanan sila at naglakad na papaalis. Baka kapag nanatili pa ako kasama nila ay pati ako mabaliw tapos matawag kaming 'The three idiots.'




"H-hey! Heavenhell, where are you going?!" Dinig ko pang sigaw niya na hindi ko na pinansin.




Naglakad ako papunta sa bakanteng table na wala pang tao at doon umupo. Bawat round table kasi dito ay may eight chairs na nakahanda kaya pang-maramihang bisita talaga ang party. Tsk! Wala bang solo lang na table at chair para wala akong kasama?



'Aish!'


***

(〒﹏〒)

.

.

.

.

.

'What the hell?! Paano ako napunta sa gitna ng mga characters na 'to?!'


"Why are you staring at me, huh?"


"What? Me? Staring at you? Stop dreaming, miss!"


Nanghihina akong tumingin kay Lorraine at Lemuel na masamang nakatingin sa isa't-isa. Yeah, that's right! Nandito lang naman sila sa table ko at nakiupo kanina.


My God! Isa sa hindi ko makakalimutan sa nobela ang awayan sa pagitan ng dalawang 'to! Bata pa lang sila ay sworn enemy na kumbaga ang relasyon nila at wala nang pag-asang magbago. Damn!


"Go, bro! Make her regret that she sits here with us!" Pagchi-cheer pa ni Clive sa tabi ni Lemuel.


"Noisy." Nakakunot noo namang reklamo ni Janice sa tabi ni Lorraine.


Naka-poker face lang akong nanonood sa giyera sa pagitan nila at hindi na nagsalita. Paano ba naman ako makapagsalita ganoong ako ang dahilan kung bakit sila nagbabangayan ngayon.


Kanina kasi nang makaupo na ako ay tsaka naman sumulpot bigla si Lorraine habang hatak-hatak si Janice na mukhang bored na bored sa buhay niya.


Syempre dahil sa katayuan nila sa buong Atlante ay nagsimula nang magbulungan ang mga bubuyog este ang mga bisita ng banquet. Lalo na yung mga young nobles na balak lumapit sa dalawang 'to na sinusungitan lang nila, kaya ang ending ay ako ang sinasamaan ng tingin ng lahat.


Kung akala niyo na doon natatapos ang gulo, pwes nagkakamali kayo! Dahil saktong pagkalapit sa'kin nila Janice at Lorraine ay tsaka naman dumating sina Clive at Lemuel. Pagkatapos ay nauwi na sila sa pagbabangayan na nakakuha ng atensyon ng lahat. Geez!


"Ta-tama ba 'tong nakikita natin?"


"Sa tingin mo, bro?"


"Sa tingin ko ay nag-iilusyon lang ako! Ikaw ba?"


"Paningin mo 'yan kaya mo kong idamay."


"Si-sina Lady Lorraine mi-mismo ang lumapit kay Lady Heavenhell? Paano sila nagkakilala?"


"Oo nga, nakita niyo naman na napahiya kanina si Lady Mitchel dahil pinaalis lang sila kaagad ni young lady Maxwell."


"H-hindi ko alam na close pala nila Lady Lorraine at Lady Janice ang young lady ng Caventry."


"Oh dear, mukhang maraming koneksyon si Lady Caventry sa pamilya ng Gideon at Maxwell."


"Yeah, idagdag mo pa na mukhang close din ng young master Lucretius at Glayder ang babaeng 'yan."


(-_-')


BORED! Ako 'yan habang nakapangalumbabang nakikinig sa host ng banquet na kasalukuyang nakatayo sa main stage. Mukhang tawawagin na ang birthday celebrant na si Arianna dahil mahaba ang ginawang introduction dito.


Syempre bilang mabait na character ay hindi ako nakinig sa pinagsasabi ng host na may pa-beautiful, kind, smart pang nalalaman.


"Thank you, everyone, for coming here to my humble birthday banquet and I hope that you all will enjoy the night." nakangiting sabi ni Arianna sa stage.


Pinagmasdan ko siya mula dito at doon lang nakita ang kabuohan niya. May pagka-matangkad, maputi at makinis ang balat, may brown na buhok, black na mata, at higit sa lahat napakaganda. Kumbaga may panlaban siya sa kagandahan ni Janice, Lorraine at Lillian kapag nagsama-sama sila.


Makalipas ang ilang sandali ay dumako sa'kin ang paningin ni Arianna na agad ko namang nginitian. Napatawa lang ako ng mahina nang makita na nagulat siya sa ginawa ko dahil alam naman ng lahat na magka-away kami dahil kay Vile.


'Aiya! Iba din kasi talaga ang appeal ng male lead kaya hindi ko masisisi ang mga female characters ng novel. Baka nga kapag napunta sa Earth 'tong si Vile ay kahit straight na lalaki ay magkagusto sa kaniya.'


"Why are you smiling, Venven?"


Napatingin ako sa katabi kong si Clive na nakapangalumbaba ding nakatingin sa gawin ko. Sa itsura niya ay para siyang batang nagtatanong kung Anong meron. Cute!


"I just thought that Arianna is really beautiful." sabi ko na lang.


Nang ibabalik ko na ang paningin sa stage ay tsaka ko naramdaman ang mata nila Lemuel at Lorraine na nakatingin sa'kin. Okay? Anong problema nila at ganiyan sila makatingin?


"Heavenhell, why do I feel that you're weird tonight." sabi ni Lemuel na mukhang naghihinala. Sabog na naman 'to pasigurado at kung ano-ano na Ang lumalabas sa bibig!




"Heavenhell, who's prettier? Me or Arianna?"



Huh?



Napataas ako ng kilay nang marinig ang tinanong ni Lorraine. Hindi ba't parang ang wirdong pakinggan ng tanong niya?



"Heavenhell..."



Napahinga na lang ako ng malalim sa nangyayari bago siya sinagot.




"You're prettier." maiksi kong sabi na kinangiti niya ng malawak. "K-kyahh! I knew it! Heavenhell likes me the most!" Napailing na lang ako habang nakatingin kay Lorraine na nakayakap sa braso ko.



"Hey! She likes my brother the most!" reklamo naman ni Clive.



"I don't care!"



'Aish! Seryoso? Tamang nobela ba 'tong napuntahan ko? Mukha kasing may mali sa pag-iisip ng mga characters!'



"Stop fighting, young lads!" seryoso kong sabi na sabay-sabay nilang kinatahimik. Of course! My voice is colder than before so they better stop.



"Al-alright, Venven!"



"S-sure, hehe!"



Hindi ko na sila pinansin at hinanap so Arianna sa venue. Sigurado kasi ako na magsisimula na si Mitchel na i-brainwash itong si Arianna para maghanap ng gulo sa'kin. Kaya naman ay nandito lang ako at naghihintay sa kanila na matapos mag-usap.




Natanaw ko kasi na hinila ni Mitchel so Arianna papuntang veranda. Well, kahit naman na may ideya na ako kung anong ipapagawa ni Mitchel ay hindi ko pa ring maiwasang mag-expect na mas mahirap. Ito kasing bruha na 'to ay may kung kakaibang habit na kapag pumalpak ang plano niya ay uulitin niya ulit 'yon.




Para kasi sa kaniya ay hindi porket naisahin mo ako ng isang beses ay maiisahan mo ulit ako. Heh! Kalokohan! Kung pumalpak ang plano mo ng isang beses, huwag ka ng umasa na gagana pa 'yon ulit. Lalo pa't kahit hindi naging handa ang kalaban mo ay pumalpak ka pa din. Paano pa sa susunod diba?



'Mitchel! Mitchel! Napaghahalataan na mayroong mali sa pinagmanahan mo.'



***


Makalipas ang kalahating oras na paghihintay sa boring na plano nila ay nakita ko na ring gumalaw sa wakas si Arianna. Nakangiti itong umakyat sa stage at may binulong sa host na agad nitong kinatango. Nang madako ang paningin sa'kin ni Arianna ay binigyan niya ako ng ngisi na inilingan ko na lang.


'Start na ba? Heh!'


"Oh wow! Oh wow! Our dear visitors, siguro naman ay pamilyar na kayo sa kumakalat na video hindi ba?" Pabitin na tanong ng host na kinatigil ng mga bisita.


"Anong video 'yon?"


"Wait? Ang video lang naman na kumakalat ngayon ay yung kanta ni Lady Heavenhell diba?"


"Oo nga! So ano namang kinalaman non dito?"




Nang marinig nila Lorraine ang bulungan ay sabay-sabay silang lumingon sa'kin. Siguro ay tinitignan nila kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ng host.


"He-Heavenhell, do you want me to interfere, huh?" nag-aalalang tanong ni Lorraine.


"What's the name of that host and let me handle this." Hindi pagpapatalong sabi ni Lemuel sa gilid.


"No, let them be." Kalmado kong sabi habang nakapangalumbaba pa rin. Kung hindi ko lang hinihintay ang plano nila Mitchel ay kanina pa ako natulog.


"Alright! Alright! Alam kong karamihan sa inyo ay nakarinig na ng kantang ginawa ni Lady Heavenhell para kay Young master Lucretius, kaya ngayon ay may pagkakataon ulit tayong marinig siyang kumanta." Excited na sabi pa nito.


Nabaling sa'kin ang paningin ng mga bisita. Mukhang nagtataka din sila sa nangyayari dahil hindi naman nila ako nakitang tumayo sa kinauupuan ko para kausapin sina Arianna na magpe-perform kuno ako.


"What are they talking about, Heavenhell?" nagtatakang tanong ni Janice na nakakunot na ang noo.


"It looks like they want her to perform again." sabat naman ni Clive na seryoso na ngayon.


"Mukhang marami ang nagtataka sa'tong lahat kaya naman mas maigi na si Lady Mitchel na ang magpakilala sa kapatid niyang si Lady Heavenhell."


Nang makaakyat si Mitchel sa stage ay todo ngiti naman ang bruha. Palibhasa ay marami siyang bulag na fans kaya ganiyan.


"Hello everyone! Last time nga ay nagpakitang gilas ang aking kapatid sa harap ng mga tao at kahit kaming kapamilya niya ay nagulat na may talento pala siya sa pagsusulat ng kanta. Kaya naman ngayon ay bibigyan natin siya ng impromptu stage kung saan ang birthday girl ang magbibigay ng topic para sa gawin kanta ni Athanasia. Isn't it exciting?" Nakangising paliwanag ni Mitchel na nakatingin na sa'kin ngayon.


'Tsk! Impromptu stage, huh?'


"Your sister is a bitch!" Inis na inis na sabi ni Lorraine. Mukhang nakahalata na rin siya na talagang naghahanap lang ng paraan si Mitchel na napahiya ako.


"O-oh my! This is really exciting!"


"I want to watch her perform live."


"Me too! This time it is an impromptu stage so this is so exciting!"


"My sister is that alright with you?" Nakangiting tanong sa'kin ni Mitchel. Walang emosyon akong tumingin sa kaniya nang tumapat sa'kin ang isa sa spotlight ng banquet.


"If I do this, what's the benefit I will get?"


Napatigil ang lahat nang marinig nila ang sinabi ko. Heh! Huwag silang mag-isip na papayag lang ako bigla nang walang makukuhang kapalit. Heh!


"Ahh... About this, let's ask the birthday celebrant first what's the challenge and what will you get if you did it successfully." Sabi niya na lang na mahahalata ang pekeng ngiti sa mukha.


"Venven, you're amazing!"


Nginitian ko lang siya maging ang mga bisita nang makita ang iilan sa kanila na nakatingin din sa'kin. Syempre kailangan nasa angel mode pa rin ako ngayon bwahahaha! Taas-noong umakyat si Arianna ng stage at agad na bumati ulit sa mga bisita.


"Good evening! So ang topic na naisip ko ay 'song for the girl you treasure'. Alam kong mahirap pero kapag nagawa yun ni Lady Heavenhell ay willing kong ibigay sa kaniya ang bago kong elite condominium sa Capital." Nakangiting sabi niya na kinagulat ng lahat.




"K-kyahh! Elite condominium sa Capital?!"


"Wow! Lady Arianna is very rich!"


"B-but you see? The challenge is way too hard!"


"Yeah! Lalo pa't babae si Lady Heavenhell kaya paano siya makakagawa ng kanta na para sa kapwa niya babae?"


"This is impossible! Wala pa akong narinig na babaeng composer na gumawa ng ganitong kanta."


"Siguradong hindi 'to magagawa ni Lady Heavenhell!"




"Heavenhell, don't do this! Siguradong gusto ka lang nilang ipahiya kaya nila ginagawa 'to." Galit na sabi ni Lorraine.




Hindi ko naman masisisi ang reaksyon nila dahil para sa kanila ay mahirap ito. Tulad nga ng sabi ko noon ay may pagkaweird ang mundong Pangaea kaysa sa Earth. Dito ang mga male composers ay gumagawa lang ng kanta na para sa babae, samantalang ang mga female composers naman ay dedicated sa mga lalaki.




Para kasi sa kanila ay mahirap gumawa ng kanta na hindi mo personal na nararanasan. Hindi katulad sa Earth na may babaeng composer na gumawa ng song na para sa babae at vice versa. Kaya siguro na naisipan ni Mitchel na ito ang ipagawa dahil alam niyang imposibleng magagawa ko ang challenge nila.




'Heh! Ang kaso galing ako sa Earth kaya naman kahit anong kanta pa ipakanta nila ay okay lang sa'kin. Bwahahaha! Ehem! Kalma, Carnelia! Kunwari wala kang alam!'




"Are you going to do it, Lady Heavenhell?" Nakangiting tanong ni Arianna na kinangiti ko na lang din.




Tumayo na ako sa pwesto ko atsaka naglakad papalapit sa stage. Narinig ko na tinawag ako nila Lorraine kaya tinanguan ko lang sila. Well, ako ang tao na hindi nila dapat alalahanin.



"O-oh? She will do it?!"

"Yah! I'm so excited!"



Gulat na tumingin sa'kin sina Mitchel. Mukhang hindi nila ini-expect na papayag ako dahil napaka-imposible talaga para sa kanila ang challenge kuno. Hehe! Arianna's condo will be mine soon!



Lumapit ako sa stage atsaka pinatabi si Arianna na nakaharang sa mic stand. Nakangiti akong tumingin sa lahat atsaka nagsalita.




"Good evening, everyone! So nandito ako ngayon sa harap niyo dahil sa kapatid kong gustong-gusto akong pakantahin. Hindi ko alam na mataas pala ang tingin mo sa'kin big sis Mitchel at binigyan mo ko ng challenge na napakahirap gawin." Natatawa kong sabi na ikinatawa rin ng iilan. Nang makita ko ang naiinis na mukha ni Mitchel ay lalo lang akong napangiti.




"So para sa birthday celebrant ay pipilitin kong makaisip agad ng kanta." Nginitian ko na lang sila na mala-anghel kuno bago dumiretso sa musical instruments na nakahanda.




Kinuha ko ang gitara na nakita ko atsaka ito sinet-up na parang walang mga tao sa harap ko.



"G-gosh! She's going to play the guitar this time?"


"K-kyahh! She looks cool!"



"Ehem! So this song is for the birthday celebrant... Lady Arianna, I hope you'll like this one." Nakangiti kong sabi kay Arianna na nakababa na ng stage at nakaupo na rin sa harapan.



"O-okay!" Mataray na sagot niya na kinailing ko na lang.




Nag-isip naman ako ng kanta na meron sa Earth na talagang magpapakilig sa mga babaeng makakarinig. Tinitigan ko si Arianna atsaka inisip ang kantang bagay sa kaniya. Since may insecurities siyang hindi alam ng lahat, anong kanta ang magbibigay sa kaniya ng confidence?



"Alright, I'll sing now and this song is for you Lady Arianna. I want you to know that you're beautiful just the way you are." nakangisi kong sabi atsaka marahang pinatugtog ang gitara.



"K-kyahh! It's so sweet!"

"Beautiful just the way you are? Is that her concept for the song?"


"Shh! Just listen!"




"🎶Oh, her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shinin' Her hair, her hair
Falls perfectly without her tryin'
She's so beautiful and I tell her everyday...🎶"




Mabagal kong kinanta ang mga linya ng kanta ni Bruno Mars na 'Just the way you are' na talaga namang sikat na sikat sa Earth. Well, syempre kailangan mabagal ang pagkanta ko para kunwari ay mag-iisip ako ng lyrics kahit na hindi naman.




Nang makita ko ang pamumula ng mukha ng mga babae ay hindi ko maiwasang mapangiti. Hehe! Feeling ko tuloy heartthrob ako ngayon!



"🎶Yeah, I know, I know
When I compliment her, she won't believe me. And it's so, it's so sad to think that she don't see what I see
But every time she asks me, "Do I look okay? I say... 🎶"




"W-wow! I feel like I'm blushing!"


"Do you hear her voice? It quite sounds like a man this time!"


"Yeah, it sounds so good!"


"Shh! She say what to her?"



"🎶When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are...
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl, you're amazing
Just the way you are...🎶"




Napangiti na lang ako nang makita ang reaksyon ni Arianna. Damn! Baka mapagkamalan akong tomboy sa ginagawa ko hahaha! Ehem!



"Kyahh!!! I can't take this anymore!"


"B-bro, bakit feeling ko mas magaling siyang manligaw sa'tin?"


"I-ikaw lang, bakit mo pa ko idadamay."


"Pero nakakabakla ang kanta niya dude!"


"Bakla ka naman talaga nahiya ka pang umamin."



"F*ck you, bro!"



"🎶Yeah, Her lips, her lips
I could kiss them all day if she'd let me. Her laugh, her laugh
She hates, but I think it's so sexy
She's so beautiful and I tell her
everyday.🎶"



"H-how could she sing that like nothing?"


"Oh my! Whose lips she's going to kiss?"


"It-it's dedicated to the birthday celebrant, sis!"



"🎶Oh, you know, you know
You know I'd never ask you to change
If perfect's what you're searchin' for, then just stay the same
So don't even bother askin' if you look okay. You know I'll say...🎶"



"S-she's so incredible!"


"Ja-Janice, Heavenhell is so good!"


"Ven-Venven is really going to like girls now?"


"Kyahh! I'm willing to be her girlfriend!"



Halos mapaubo ako sa mga side comments ng audience. My gosh! Mabuti pang tapusin ko na ang pagkanta at nang makababa na ako.




"🎶When I see your face
There's not a thing that I would change 'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl, you're amazing
Just the way you are🎶"



"Oh-oh my! Bakit feeling ko mas gumanda ako ngayon nang marinig ko ang kanta niya?"


"Yeah right! Nakakataas ng confidence yung mga linya na para bang kinanta niya talaga yan para sa babaeng mahal niya."


"B-but she's a girl! Why?!"



"Thank you! I hope that you all like it." Ngumiti ako sa lahat nang makita na nakatulala pa rin ang iba sa kanila.



Napailing ako sa naging reaksyon ng audience at piniling bumaba na ng stage. Nang maglalakad na ako pababa ng hagdan ay tsaka naman pumalibot sa buong lugar ang sigaw ng lalaki na kinatigil ng lahat.



"Finally! I've found you! My first true love, please marry me!"



O_O



_________________________________________


Dem's note: May mga errors pa kaya paki-intindi na lang muna. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...