Lucid Dream

By alyloony

14M 573K 277K

Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood... More

Intro
First Dream
Second Dream
Third Dream
Fourth Dream
Fifth Dream
Sixth Dream
Seventh Dream
Ninth Dream
Tenth Dream
Eleventh Dream
Twelfth Dream
Thirteenth Dream
Fourteenth Dream
Fifteenth Dream
Sixteenth Dream
Seventeenth Dream
Eighteenth Dream
Nineteenth Dream
Final Dream
Dream Goddess (Bonus Chapter)

Eighth Dream

554K 24.1K 10.3K
By alyloony


Eighth Dream


"So, ano nang plano niyo sa college?" tanong ni Owen sa amin.

Nandito kami ngayon sa park na nasa likod ng Raver High Academy. Kasama ko sina Lilian at Amanda at kasama naman ni Owen ang dalawa niya pang kabarkada na sina Howard at Gerald.

Si Howard 'yung lalaking itinuro ni Lilian nung basketball game nila. 'Yung lalaking moreno na gwapo na matangkad na may dimple sa kaliwang pisngi.

Si Gerald naman, hindi siya kasali sa basketball team pero madalas ko siyang makitang kasama ni Owen dati. Matangkad din si Gerald, mukhang foreigner at color brown ang kulay ng mata.

Kanina lang, nakasalubong namin silang tatlo nang pauwi na kami. Nagyaya sila na magmiryenda muna saglit. Nagulat nga ako na kumakain pala ng streetfoods ang mga 'to.

Kaya kami nandito ngayon sa park at kumakain ng chicken balls na libre nila habang nagkukwentuhan.

"Itong si Angelique, nag-apply siya ng scholarship sa isang magandang university!"

"Wow, really?" tanong ni Gerald. "What course are you planning to take?"

"Ah architecture sana kung papalarin akong makakuha ng scholarship."

"Architecture, wow, ang hirap nun Angelique ah?" sabi naman ni Owen. "Pero pag-isipan mo rin. 'Yung kuya ko kasi, architecture ang course niya at ilang beses siyang nag-repeat sa ilang subjects niya. Lalo na ikaw, may kailangan ka pang i-maintain na grades para sa scholarship mo."

"Kayang-kaya ni Angelique 'yan!" sabi ni Amanda at umakbay sa akin. "Running for salutatorian kaya 'tong kaibigan namin na 'to."

Napangiti na lang ako.

"That's nice Angelique! Well, I'll pray na makuha mo 'yung scholarship!" sabi naman ni Owen.

Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-anong bagay doon. Actually, halos hindi na rin ako nagsasalita. Naisip ko kasi 'yung sinabi ni Owen.

Alam kong mahirap ang Architecture. Alam kong susugal ako pag ayun ang kinuha kong course. Hindi pwedeng mawalan ako ng scholarship dahil hindi namin afford ang tuition. At hindi rin madaling i-maintain ang grades na mataas sa course na 'yan.

Oo, nakakatakot talaga at alam kong nagpapakapractical lang din si Owen.

Pero buo na dati ang loob ko.

Kaso ngayon, medyo nagda-doubt na ako.

Kakayanin ko kaya? Kaya ko ba?

~*~

"So wala kang ibang gagawin dito sa panaginip mo kundi ang lumamon? Ayaw mong mag-travel ulit sa ibang panaginip? Ayaw mong maglaro tayo. Ayaw mo ring magsalita. Tititigan na lang ba kita hanggang sa tumaba ka?" tanong ni Caleb habang kinakain ko ang isang strawberry shortcake.

"Hindi ako tataba dahil hindi naman totoong pagkain ang kinakain ko kundi imagination lang."

"E di tataba ka sa imagination ko. Ano kaya ang itsura mo 'no? Mukha ka sigurong baboy. Ang cute!" at humagalpak ng tawa si Caleb.

Tiningnan ko siya nang masama.

"Ay napikon," tatawa-tawa pa rin niyang sabi. "Ano ba kasing problema mo?"

Bumuntong-hininga ako. "Caleb, gusto kong maging architect."

"E di maging architect ka!"

Tiningnan ko siya at bumuntong-hininga ulit ako.

"Sana ganun lang kadali 'yun."

"Hindi naman talaga madali eh. Pero kung gusto mo talaga, gagawin mo ang lahat para magawa mo 'yun."

"Pero mahirap lang kami at mahirap na course ang gusto ko. Kung makakuha man ako ng scholarship, kailangan kong i-maintain ang grades ko para hindi mawala ang scholarship ko. Dahil pag wala akong scholarship, hindi namin afford ang tuition fee. Mapipilitan akong mag-shift ng course. Baka bigla lang ako mamili ng pang two-year course. Ayokong ma-disappoint. Masakit."

"Hmmm," napahawak si Caleb sa baba niya.

"Actually si Owen ang nagpa-realize niyan kanina sa akin. Nakakahanga kung gaano siya ka-practical mag-isip. Tingin mo, mas okay kaya kung ibang course na lang 'yung kunin ko? 'Yung safe at alam kong kaya ko?"

Tumango si Caleb, "oo, mag-change course ka na lang."

Napatahimik ako.

Ewan. Ang bigat sa pakiramdam eh. Alam mo 'yung gustong-gusto mo ang isang bagay pero hindi mo naman pwedeng makuha? 'Yung alam mong deserving ka para doon pero hindi siya para sa'yo eh.

Kung si Caleb nga na laging positive sa buhay eh sinasabi na magpalit na ako ng course, ibig sabihin, 'yun na talaga ang dapat kong gawin.

"Tingin mo? Ayun na ba talaga ang tamang gawin?"

"Right! Ang malalaking pangarap na tulad niyan ay hindi pwede para sa mga duwag na katulad mo."

Napalingon ako bigla sa kanya at napasimangot ako, "Ano? Duwag?"

"Oo. Bakit, hindi ka ba duwag? Ayaw mong masaktan at mag-take ng risk 'di ba? Ang gusto mo, naroon ka lang sa safe zone. Kaya oo, duwag ka nga."

Hinarap ko si Caleb.

"Hindi pagiging duwag ang pagiging praktikal. 'Wag mo akong husgahan. Hindi ko alam kung ano ka, pero ako? Tao ako. Marunong akong matakot at mag-alala. Ayokong magipit kami nang dahil sa akin. Hindi mo ako naiintindihan!"

Tinalikuran ko si Caleb at naglakad ako palayo sa kanya. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko na hudyat na may namumuo nang mga luha dito. Agad kong pinunasan ang mata ko. Nakakainis! Ba't ganyan siyang magsalita? Masyadong matalim.

Naramdaman ko na hinawakan ni Caleb ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mata niya nang makita niya na umiiyak ako.

"Angelique..."

Tinabig ko ang kamay niya.

"Palibhasa nakatira ka sa magandang lugar kaya hindi ka nakakaramdam ng takot. 'Wag kang magsalita na para bang may alam ka sa mundo ko!"

Napalayo ng konti sa akin si Caleb at nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko.

Parang na-guilty tuloy ako.

Bakit ako ang ma-gi-guilty?! Siya naman ang nauna!

"Sorry kung masyadong harsh ang pagkakasabi ko sa'yo pero hindi ko babawiin 'yun, Angelique. And please, sana 'wag mo ring husgahan ang kalagayan ko. Wala kang alam."

Napaiwas ako ng tingin.

Oo nga pala. Itong lalaking 'to, gabi-gabi akong hinihintay sa isang madilim na lugar. Hindi siya umaalis doon para sa akin. Kahit nakakatakot, kahit wala siyang nakikita.

"S-sorry," sabi ko at napalunok ako. "Naguguluhan lang ako. Gustong-gusto kong mag-architecture pero mahirap. Pero pagiging duwag ba 'yun at hindi pagiging praktikal? Anong masama sa pagpapakapraktikal?"

"Angelique, hindi 'yun masama. Walang masama sa pagiging praktikal. Pero may mga bagay talaga na kailangan mong isugal. Nung pumapasok na sa isip mo na 'wag nang mag-architecture, 'di ba masakit? 'Di ba nakakaramdam ka ng disappointment?"

Napatango na lang ako habang nakayuko at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Caleb na hinawakan ang magkabilang side ng mukha ko at inangat ang ulo ko. Pinunasan niya ang luha ko.

"Tingin ko mas masakit 'yung nabigo ka nang hindi mo sinusubukan kesa 'yung nabigo ka nga, pero alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat. Tsaka malay mo, kayanin mo talaga? Ikaw pa!"

Napangiti ako.

"Tingin mo?"

"Oo naman. Naniniwala ako sa'yo eh!"

Ipinatong ni Caleb ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko tas ginulo niya ang buhok ko.

"Ano ba Caleb?! Ginagawa mo naman akong aso eh!" saway ko sa kanya pero natatawa-tawa na rin ako.

Parang isang iglap lang, nawala 'yung bigat ng nararamdaman ko tapos lumakas din ang loob ko.

Nakakahawa ang positivity ng isang 'to.

Hindi kaya isang anghel na nakatira sa mundo ng mga panaginip si Caleb?

Ganoon na lang ang iisipin ko. Isa siyang anghel.

"E di tumawa ka rin! Pero hmm, Architect huh? Ibig sabihin magaling kang mag-drawing?"

"Oo naman! Pinuri kaya ni Owen 'yung drawing ko ng mapa ng Pilipinas!"

"Sus. Mapa? Parang 'yun lang. Dali-dali mag-drawing nun!"

"Ay ang yabang mo! Marunong ka bang mag-drawing?! Ano, pagandahan tayo ng drawing!"

"Sige ba!" pagtanggap niya sa hamon ko. "Ano ang i-do-drawing natin?"

"Kahit ano!"

"Okay! Go ako!"

Umakyat kami ni Caleb sa rooftop at doon namin naisipang mag-drawing dahil sariwa ang hangin.

Naka-Indian sit ako sa semento habang nakasandal sa railings. Si Caleb naman ay nasa tapat ko pero medyo malayo siya sa akin.

May sarili akong pandrawing. Pencil at iba't-ibang pang kulay. Si Caleb naman, papel at pencil lang ang kanya.

Ha! Hindi niya ako sineseryoso! Talagang mag-e-effort ako rito, makikita niya!

Naisipan kong i-drawing 'yung hile-hilerang mga cherry blossom tree. Ayun kasi ang pinakapaborito kong parte ng panaginip ko.

Inumpisahan kong i-sketch muna gamit ang pencil. Pagkatapos nun, pinatungan ko ito ng pen. After that, sinimulan ko nang kulayan.

Pero habang nasa kalagitnaan ako ng pagkukulay, may napansin akong parang kulang sa drawing ko.

Napangiti ako.

Doon sa malayong parte ng hile-hilerang mga cherry blossom tree sa drawing ko, gumuhit ako ng isang lalaki na nakasandal sa puno habang naghihintay. Hindi masyadong pansin kasi maliit lang ang drawing ko.

Pero kung mapapansin man 'to ni Caleb, alam kong mare-realize niya agad na siya iyun.

Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako nang makita kong nakatingin din siya sa akin. Nginitian niya ako. 'Yung usual na smile niya na maganda.

Napaiwas agad ako ng tingin.

Ano 'yun? Ba't parang kinakabahan ako?

Sinubukan ko na lang ulit mag focus doon sa dina-drawing ko. Pero sa peripheral vision ko, napapansin kong maya't maya ang tingin ni Caleb sa akin.

Ako ba ang dina-drawing niya? O imagination ko lang?

Gusto kong i-angat ang tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa. Nahihiya ako na ewan. At nako-concious din ako.

Kung ako nga ang dina-drawing niya, ibig sabihin panay talaga ang tingin niya sa akin.

Ano na lang ang itsura ko ngayon? Aware ako na kahit sa panaginip eh mukha pa rin akong haggard at gusgusin.

Naglakas loob akong iangat uli ang tingin ko sa kanya at nakatingin nga siya sa akin! Ngumisi siya at yumuko ako agad. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.

Ano ba! Ba't ba nag-iinit ang mukha ko dahil kay Caleb?

Si Caleb 'yan at hindi si Owen! Si Caleb na parang ewan at sira-ulo na loko-loko na masakit magsalita! 'Yung baliw na dream traveler na 'di ko malaman kung isa ba siyang fae, elf, angel o devil na mukhang angel.

Napansin kong lumagpas 'yung kulay ko.

Anak ng—!!

Sinasadya niya 'to! Dini-distract niya ako para pumangit ang gawa ko! Madaya talaga ang isang 'yun!

Nag-focus na talaga ako sa ginagawa ko at pinilit dedmahin si Caleb na maya't maya ang tingin sa akin.

"Tapos ko na!" sabi ko after a few minutes.

Tumayo si Caleb at nginitian ako, "kanina pa ako tapos."

"Eh ba't di ka nagsasalita?"

"Ayokong istorbohin ka eh. Ang sarap mo kayang panoorin kanina. Masyado kang seryoso," natatawa-tawa niyang sabi.

Sabi na eh! Tinitingnan niya ako kanina para pag-tripan lang!

"Patingin na ng drawing mo," sabi niya sabay kuha ng papel sa kamay ko bago pa ako makapag-react.

Nawala ang mapang-asar na ngiti sa labi ni Caleb.

"A-ano sa tingin mo? Okay lang ba? Pangit ba?"

Hindi siya nagsalita at tinitigan niya lang ang gawa ko.

"U-uy! Mag react ka naman!"

Inangat niya ang tingin niya sa akin, "Ang ganda nito, Angelique."

Parang lumundag 'yung puso ko. Ang simple lang ng sinabi niya pero ramdam ko ang sincerity.

"T-talaga?"

Ngumiti siya, "Sobra. Sobra-sobra."

"Y-yung iyo naman! Patingin!"

"Wag na!"

Agad niyang itinupi 'yung idinrawing niya at inipit sa kanyang bulsa.

"Uy ang daya mo! Patingin! Ipinakita ko 'yung akin eh! Dapat 'yung sa'yo rin!"

"Wag na. Pangit. Mas maganda 'yung iyo."

"Alam ko 'yun. Pero gusto kong asarin ka!"

"E di mas lalong ayokong ipakita sa'yo!" natatawa-tawa niyang sabi.

"Ang daya mo, Caleb! Ang daya mo talaga!"

"Gwapo naman ako. Tingnan mo rito sa drawing mo, ang gwapo ko!" sabi niya habang itinuturo niya ang lalaki na nasa ilalim ng cherry blossom tree doon sa drawing ko.

"Ni-hindi nga kita ang mukha mo diyan eh!"

Ngumisi siya, "but still, inilagay mo ako dyan. Ibig sabihin, masyado akong gwapo para maging model mo!"

"Yabang mo."

"Gwapo ko."

"Patingin na kasi!"

"Wag muna ngayon."

"Eh kailan? Sabi mo tapos ka na!"

"Basta! Basta promise, ipapakita ko sa'yo."

"Kailan nga?"

"Kung sakaling..." he trailed off.

"Ano?"

Umiling si Caleb. Bago pa ako makapagsalita uli, bigla nang tumunog 'yung alarm clock ng phone ko.

"It's time to wake up, Angelique."

"Eh pero—!"

"Don't worry. Nandito pa naman ako pagbalik mo eh. Pwede mo akong tanungin ng kahit ano pagkagising mo."

"Promise?"

"Promise."

Gumising na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

31.8M 812K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
3.4M 97.4K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...
244K 7.5K 79
An all boys school that turns into a normal school for everyone. Highest Rank Attained as of 2018-2021 #152 in Teen Fiction 05/24/18 07/29/18 Finish...
3.1M 164K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...