Do You Believe in Magic?

By HirayaPaula

8K 341 106

Someone said that it was magic when two people fall in love. Toni fell in love with Lorenz in the right plac... More

-- Prologue --
-- 1 --
-- 2 --
--3--
-- 4 --
-- 5 --
-- 6 --
-- 7 --
-- 8 --
-- 9 --
-- 10 --
-- 11 --
-- 12 --
-- 13 --
-- 14 --
-- 15 --
-- 16 --
-- 17 --
-- 18 --
-- 19 --
-- 20 --
-- 21 --
-- 22 --
-- 23 --
-- 24 --
-- 25 --
-- 26 --
-- 27 --
-- 28 --
-- 30 --
-- 31 --
EPILOGUE

-- 29 --

236 13 4
By HirayaPaula

Lorenz was happy he got the chance to talk to Toni. Never in his entire life did he feel so much kilig. He missed her, really. He missed touching her hair, he missed kissing her, he missed caressing her,he missed her scent, he missed everything about her. 

Kahit noong mga nakaraang buwan na hindi sila nag-uusap, sa tuwing makikita niya ito sa paaralan ay nais na niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin ito. But he was giving her time. 

He never lost contact with her mother. Lagi pa rin niyang kinukumusta ang dalaga sa ina nito. For the past months, nagkasya siyang naririnig lamang ang tawa nito mula sa kanyang likuran kapag sila ay nasa loob ng faculty room. 

He wanted to give her enough time and space to breathe. Pero hindi siya mapakali noong napansin niyang parang nag-iiba ang trato ni Michael kay Toni. Alam niyang malapit ang dalawa, ngunit bilang lalaki, alam niya ang kilos nito. Alam niya ring bago naging matalik na magkaibigan ang dalawa ay binalak nito na ligawan ang dalaga. 

Halos maningkit ang mata niya noong nakita niya si Toni na nakayakap kay Michael habang ito ay nakaupo sa duyan -- sa Subic. He was jealous. 

_____________________________________________

Hindi man ipinahahalata ni Toni ngunit habang siya ay nag-aayos papasok sa paaralan ay hinihintay niya si Lorenz --- this was their last day, may meeting lang sila. Mukhang wala itong balak na isabay siya sa pagpasok. Nagmumukmok na nagpaalam na siya sa kanyang ina.

"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong sa kanya ng mama niya.

"Opo." Nakangusong sagot niya. 

"Naku, wag ka na nga munang pumasok."

"Po? Hala, hindi ma. Hindi ko lang naintindihan ang tanong mo. Sige po, papasok na ko." Gusto sana niyang sabihin dito na hindi pakiramdam ang masama sa kanya kundi ang kanyang loob.

Papasok pa lang sa gate ay natanaw niya na ang sasakyan ni Lorenz na nakapark sa loob. Inirapan niya ang walang malay na sasakyan. 

Pagkapasok niya sa faculty ay may mga gamit na sa loob tanda na mayroon ng mga naroon ngunit wala ang mga ito. Batid niyang ang iba ay nasa canteen at ang iba ay sinilip ang mga silid-aralan na ilang buwan ding mababakante.

"Hi, Tonz." Masiglang bati sa kanya ni Lorenz. Kasabay nitong pumasok si Lailanie.

"Good morning." Bati ni Lailanie sa kanya.

Pilit na ngiti ang iginanti niya sa mga ito. "Anong maganda sa umaga?" Nais niya sanang sabihin. Umasa na naman siya na magiging okay sila. "Mag-uusap lang ang sabi, Toni. Hindi magbabalikan." Pagkausap niya sa sarili.

Nagulat siya nang lumapit sa kanya si Lorenz at hinalikan siya sa noo. "Good morning. Akala ko hindi ka papasok, sabi ni tita masama raw pakiramdam mo." 

"H-ha?" Ito talagang mama niya, pagdating kay Lorenz talagang maging ang mga maliit na bagay ay sasabihin pa. Akala yata nito ay okay pa sila. "Sana nga hindi na lang talaga ako pumasok." Bulong niya.

"Why?" May pag-aalala sa tono nito. "Are you okay?" 

"Joke lang. Sige na, mag-aayos na ko." Para niyang pagtataboy rito.

Ngiting-ngiti naman si Lorenz nang bumalik ito sa puwesto niya. Ramdam niya kung bakit tila wala sa mood si Toni. He knew she was jealous. He was confident. 

Ang pagpupulong nila ay tumagal din ng halos dalawang oras. Maliban sa treat sa kanila sa Subic, may free food din na ibinigay sa kanila ngayon. 

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ang mga teacher sa isa't isa. Matagal-tagal din silang hindi magkikita-kita. 

Mabigat ang loob ni Toni na humahakbang palabas sa gate ng paaralan. Hindi niya kasabay sina Chinchin at Michael. Wala siya sa mood upang lumabas pero nangako siya sa mga ito na sasama sa galaan sa susunod --- mahaba pa naman ang bakasyon.

Nagulat pa siya nang may huminto biglang sasakyan sa tabi niya. Alam niyang kay Lorenz yun. Ibinaba nito ang salamin ng bintana. 

"Toni, hop in." Ngiting-ngiting sabi nito.

"No, thank you. Uuwi na ko."

"Tara na." Sinilip niya ang loob ng sasakyan nito, naisip niya na baka may mga nakasakay sa loob at papunta rin ang mga ito sa galaan. "Wala akong ibang kasama…"

"Kaya pala…" Napalingon si Toni sa nagsalita. Si Chinchin, kasama na nito ang iba pa nilang kasamahan. "Hi, Lorenz." bati nito sa binata.

"Hello! Hiramin ko muna sa inyo si Toni ha." 

"Sure! Sure. Toni, ano pang hinihintay mo. Pasok na." Para pa siyang itinutulak ng kaibigan.

Para namang kinikilig ang iba nilang kasamahan. Lumabas si Lorenz at inalalayan si Toni papunta sa passenger's seat. Nagpatianod lang siya dahil ayaw niya rin naman gumawa ng eksena.

"Bye! Ingat kayong dalawa ha." Masiglang paalam ni Chinchin.

"Yah, thank you! Ingat kayo." Si Lorenz.

Kumaway lang si Toni sa mga naiwan. Bigla lamang siyang nabalik sa katinuan nang makita niyang iba ang nilikuan ni Lorenz.

"Bakit…" 

"Kinikidnap kita." Nakangiting tugon ni Lorenz kahit hindi pa kompleto ang tanong ni Toni.

"What!?!"

"Just kidding. Nagpaalam na ko kay mama…"

"Mama?"

"Mama natin." Natatawa nitong sagot. "Mama mo, kay tita." Napalunok si Toni sa sinabi nito. "Dumaan ako sa inyo kanina…" 

"Sa'n tayo pupunta?" 

"One of your favorite destinations, Tagaytay." Namilog ang mga mata ni Toni. 

"Ano? Seryoso ka ba?" Tumango si Lorenz bilang tugon. "Si Mama…" Binuksan niya ang bag at kinuha niya ang cellphone.

"Nagpaalam na nga ako, pero sige, you call her." Nakangiting sabi ni Lorenz na sumusulyap-sulyap lang sa kanya dahil nagmamaneho.

Saglit lang ay sinagot agad ng mama niya ang tawag. "Ma…"

"Magkasama na kayo ni Lorenz? Nasa biyahe na ba kayo?" 

Napatingin siya kay Lorenz. Nagkibit-balikat habang binata na parang sinasabing, "Sabi ko sayo eh."

"Alam mo pala talaga?"

"Oo, kaya nga kanina eh, tinatanong kita kung masama pakiramdam mo, kasi kung oo, hindi kita papayagan."

"Uuwi rin naman po kami…"

"We'll stay there for 3 days." Si Lorenz ang nagsalita.

"Ha? Ni wala akong damit? Bakit kaya hindi muna tayo dumaan sa a-..."

"Anong wala?" Nagulat pa siya. "Nagbalot ako ng damit mo, dinaanan ni Lorenz kanina rito." Ang mama niya.

Napatingin siya kay Lorenz. He was smiling. "Sa likod." Itinuro pa nito ang likurang bahagi ng sasakyan gamit ang ulo. Lumingon siya, nandun nga ang bag niya.

"Pinamimigay mo na ba 'ko?" Kunwari ay tanong niya sa kanyang ina.

"Binibigay ko lang ang kasiyahan mo." Tugon nito. She was touched. Lumingon siya kay Lorenz. Narinig kaya nito ang sinabi sa kabilang linya? 

"Thanks ma. I love you!" 

"I love you, Toni. Mag-iingat kayo ha. Pakausap nga kay Lorenz."

"Nagdadrive po."

"Eh di, itapat mo sa tenga niya." Tatawa-tawang sabi nito.

Iispeaker phone na sana niya ngunit sinenyasan siya ni Lorenz na itapat na lang sa tenga nito. Ganun nga ang ginawa niya.

"Yes po. Okay po." Sabi nito sa kabilang linya. "Ako pong bahala kay Toni. Ingat din po kayo." Sinenyasan siya ni Lorenz na tapos na itong makipag-usap.

Muli niyang itinapat sa kanyang tenga ang cellphone. "Ma…" Wala na pala ito, ibinaba na ang tawag. "Galing!" Tanging nasabi niya.

Natawa si Lorenz. Tumingin siya rito. Why did she have to fall in love with him every time he smiles? 

Napangiti rin siya. Nabigla man ay hindi maitatatwa na may bahagi sa puso niya ang nagbubunyi. 

"Bakit sa'kin hindi ka nagpaalam?" Tanong niya rito.

"Hindi ka na masusurprise kung ganun." Tugon ng binata na sumusulyap-sulyap lang sa kanya. "Why? Ayaw mo ba?" 

Napatahimik si Toni. She knew the answer very well. She wanted this. She loved to be with him. She missed their out of town trips.







Continue Reading

You'll Also Like

44.5K 1.4K 4
က်ြန္ေတာ့္ရဲ့ တေဇာက္ကန္းအခ်စ္ေတြကို ထုတ္မျပပါရေစနဲ ့ဆရာ ကျွန်တော့်ရဲ့ တဇောက်ကန်းအချစ်တွေကို ထုတ်မပြပါရစေနဲ့ဆရာ
35.6K 237 85
mga tula na gawa ni Adi. tula na patungkol sa pagsusulat, pagibig, at mga hamon sa buhay. halina't basahin ang bawat tula na nakapaloob sa koleksyong...
1.2M 54.5K 100
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
4.3K 239 23
Paano kaya kung makapasok ang mga Mondragon sa mundo ng Encantadia? (Short-story)