My Everything In His Past (2n...

By VR_Athena

60.7K 5.6K 2.2K

"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything." More

Mood Board
Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Author's Note
Chapter 19
Artwork
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Author's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Author's Note
Chapter 59
Chapter 60
Wattpad Filipino Block Party: 2022
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Past Life (WarLyn's Special Chapter)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Author's Note
Chapter 74
Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Author's Note
Author's Note
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Update Question
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Character Inspiration
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
ON-HOLD
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Epilogue
Special Chapter 1: WarLyn's Teaser
Special Chapter 2
Story Playlist

Chapter 24

483 51 15
By VR_Athena

Apple Pie suddenly jolted awake upon hearing a loud knock from the door. Kahit disoriented pa ang utak ay lumingon siya doon at agad namang nagising ang kaniyang diwa nang makita kung sino ang mga nakatayo doon. Xavier was smirking at her while Kuya Zy has his arms crossed, giving her a serious look. 

Mabilis naman siyang napalingon sa kaniyang tabi at nakita si Yohan na mahimbing na natutulog katabi niya. His left arm was wrapped around her waist and his leg was on top of her. Hinintay niya itong lumabas ng bathroom kagabi ngunit natagalan ito kaya nakatulog na siya. Mukhang niyakap siya nito nang makabalik sa kama.

Kinakabahan niyang binalik ang atensyon sa dalawang lalake na naroon pa rin sa may pintuan at pinapanood sila. "Uhmm . . . good morning?" sheepish niyang bati na may halong pag-aalangan. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang dapat gawin sa sitwasyon na ito.

"I see the two of you have slept well last night . . ." saad ni Kuya Zy habang seryoso pa ring nakatingin sa kanilang dalawa. "Didn't I tell you to lock your doors?" dagdag nitong tanong na para bang attorney na nag-i-interrogate ng isang witness. 

She nervously glanced at Xavier and saw him mouthing the words "Lagot ka". 

Binalik niyang muli ang atensyon kay Kuya Zy at magpapaliwanag sana ngunit nagsalita itong muli. "You know what? Nevermind. Wake Yohan up and eat breakfast. Dumiretso kayo sa office ko pagkatapos niyong kumain." After saying that ay tumalikod na ang lalake at iniwan na sila. Si Xav naman ay nanatili doon at tila ba nais pa siyang tawanan. He just crossed his arms and leaned his body towards the door frame.

Siya naman ay binalik ang atensyon kay Yohan na tulog-mantika pa rin at mukhang hindi nagising sa katok ng kuya nito kanina. "Psst . . . Yohan. Gising!" ika niya sabay alog sa balikat nito.

"Ngh . . ." he grumbled. Gumalaw nga ito ngunit hindi para bumangon kundi mas daganan pa siya. Kung kani-kanina ay braso at paa lamang nito ang nakapatong, ngayon naman ay halos buong katawan na nito ang dumagan sa kaniya. Binaon nito ang mukha sa kaniyang leegan at hinalik-halikan iyon. "Morning," he whispered in his morning voice, husky and sonorous in sound.

Kaysa batiin ito ay napatingin na lamang siya pabalik kay Xavier na nandidiring nakatingin sa kanilang dalawa. "Ang lalandi ng mga puta," rinig niyang bulong nito.

Mukhang narinig din ito ni Yohan dahil nagsalita ang lalake. "Shut up and leave my room, Xav."

"Shut up mo mukha mo. Unang-una, hindi mo ito kwarto, nasa guest room kayo ngayon. Pangalawa, nakita kayo ni Kuya Zy," nang-iinis na retort naman ni Xavier na mukhang nagpagising sa diwa ng kaniyang boyfriend. Mabilis na napabangon si Yohan at lumingon sa pintuan.

"Oh shit!" mura nito at mabilis na napalingon sa kaniya.

Agad naman niyang pinalo ang braso nito dahil sa inis. "Sabi mo lilipat ka!" Nangako kasi ito kagabi na babalik sa kwarto nito ng maaga para hindi sila mahuli.

She was about to hit him again, but he immediately blocked her hand and hugged her instead. "Hindi ako nagising ng maaga, langga," pagpapaliwanag nito sa kaniya na inirapan lamang niya.

"Che!" inis niyang sigaw dito sabay tayo sa higaan. Pupunta na sana siya sa bathroom at maghihilamos nang bigla siyang hilahin ni Yohan papaupo sa kama.

"Sorry na," nanlalambing nitong sabi habang niyayakap siya ng mahigpit. Hinalik-halikan pa nga nito ang kaniyang mukha at kung hindi pa niya pinigilan ay tiyak na labi niya ang isusunod. Hindi pa siya nakakapagsepilyo kaya ayaw niyang gawin iyon.

"Mabilaukan sana kayo sa sarili niyong laway," rinig niyang sabi ni Xavier na nakatayo pa rin sa may pintuan. Padabog nitong sinarado iyon at iniwan na sila. Halatang naiimbyerna sa PDA nila ni Yohan. Sila naman ni Yohan ay naiwan doon na nagtatawanan.





Days passed and Monday came. Hinatid siya ni Yohan sa boarding house niya around Sunday night. Hindi naman sila pinagalitan ni Kuya Zy bagkus ay pinagsabihan na "people would judge, so you need to be careful with your actions." Iyan ang exact words na sinabi ni Kuya Zy sa kanila ni Yohan.

After that ay kinausap na naman nito siya ng mag-isa. Sinabihan lang naman siya nito na kung ayaw niya ay huwag siyang magpapadala kay Yohan, ngunit iyon nga rin ang problema. Hindi siya napipilitan dahil siya mismo ang gustong maging intimate sa lalake.

Matapos ang pakikipag-usap kay Kuya Zy ay kung ano-ano ang pinaggagagawa nila ni Yohan. May mini park ang subdivision na kinakatirhan ng kaniyang boyfriend kaya naglakad-lakad sila doon. Being a TikTok addict, kung ano-anong TikTok trend ang pinagawa niya sa lalake. Then they went back to his room and played some video games, watch movies and she would admit, half of the time was spent in kissing instead of focusing on what they were doing. That night ay hinatid nga siya papauwi ni Yohan at tila ayaw pang iwan siya pero napilit rin niya sa huli. 

The weekend was so great that she woke up feeling refreshed and jolly. Considering na Monday morning iyon ay talagang maaari na ring sabihin na milagro ang kaniyang pakiramdam. 

Nakangiti siyang gumising.

Nakangiti siyang nagluto ng breakfast.

Nakangiti siyang naghugas ng pinggan.

Nakangiti siyang naligo.

Nakangiti siyang nagbihis.

Heck! Para na ngang permanente ang ngiti sa mga labi niya. Kung ito ba naman ang pakiramdam na ma-inlove then wala na siyang pakialam kung sabihin ng iba na mukha siyang tanga.

Nang matapos siya sa pag-aayos ng sarili at ng kaniyang mga gamit ay napili na niyang lumabas ng boarding house. Maaga pa naman kaya hindi niya kailangang magmadali sa paglalakad at saka katapat lamang ng tinitirhan niya ang Uni.

Pagkabukas na pagkabukas niya sa gate ay agad naman siyang nagulat nang makita ang sasakyan ni Yohan na naka-park na naman doon. Nakatayo ang lalake at nakasandal doon na para bang hinihintay siyang lumabas. Nang marinig naman ang pagsarado niya sa gate ay agad na napalingon sa kaniya ang lalake.

"Morning, langga!" nakangiting bati nito sa kaniya ngunit siya ay nakakunot lamang ang noo dahil sa kalituhan. 

"Bakit nandito ka?" naguguluhan niyang tanong habang papalapit sa lalake. Agad namang inagaw ni Yohan ang dala-dala niyang gamit at ito na ang nagdala niyon.

"Aminin mo nga sa akin, may schedule ba pagiging boyfriend ko sa iyo?" seryoso nitong tanong sa kaniya ngunit hindi nito nakalimutan na halikan ang kaniyang noo. "Ano ba ang mga araw na pwede akong magpakita sa iyo? MWF o TTH?"

Malakas naman siyang napatawa dahil sa sinabi nito at nagsimula ng maglakad papunta sa 2nd gate ng Uni. Iyon kasi ang pinakamalapit na gate sa kaniyang boarding house. Si Yohan naman ay tumabi ng lakad sa kaniya habang dala-dala ang kaniyang mga gamit.

"Kasi naman po, alam kong mamaya pang 10 AM ang klase mo. 7 AM pa kaya ngayon. Ang aga mo namang pumunta dito," pagpapaliwanag niya dito. Magkaiba kasi ang class schedule nila. Syempre, as an avid fan of his ay kabisadong-kabisado niya ang oras ng mga klase nito.

"Gusto kitang ihatid," maikli nitong sagot sabay hawak sa kaniyang kamay gamit ang libre nitong kamay.

Natawa na naman siya dahil sa sinabi nito. "Yohan, kung hindi mo po napapansin, katapat lang ng boarding house ko ang Uni. Ilang hakbang lang at nasa classroom na ako."

"Sa gusto kong ihatid ka, pake mo ba," parang batang nagmamaktol na sabi nito. Nakangiti niya itong tinitigan dahil ang cute-cute nito sa paningin niya.

"Ayaw patalo," bulong na lamang niya. They walked inside the university and walked straight to her building. Magkaiba kasi ang building ng course niya at ng course ni Yohan. They went up to the 3rd floor and stopped in front of her classroom. As expected ay wala pang tao sa loob. Ang aga niya masyadong nakarating dito.

Hinarap niya si Yohan at kinuha ang mga gamit. "Sige na. Alis ka na," pagtataboy niya dito.

"Pahalik muna," ika nito habang tinuturo ang labi nito.

Lumingon-lingon siya sa magkabilang end ng hallway at nang makita na wala namang tao doon ay mabilis niyang pinatakan ng halik ang labi ng kaniyang boyfriend. "Ayan na. Satisfied ka na? Alis ka na nga!" pagtataboy niyang muli dito habang si Yohan naman ay nakangisi na parang ulol. She then remembered something and gave him the key of her room. "Punta ka sa boarding house ko kung gusto mo pang matulog. Bakit ba kasi ang aga-agang pumunta dito para lang manlandi." pagmamaldita niya dito ngunit sa totoo lang ay gusto niya ring tumili sa kilig. 

Hindi naman pinansin ni Yohan ang nakasimangot niyang mukha at bagkus ay hinalikan ang kaniyang noo bago tuluyang nagpaalam. "Bye, langga!" 

Pinanood niya itong maglakad papaalis at nang masiguradong wala na ito ay agad naman siyang napatalon-talon sa kilig.

Pucha! Pucha! Pucha! Di na ni maayo! My heart! I kennat!

She spent the entire time stopping herself from grinning like an idiot. Lalong-lalo na nang nagsidatingan na ang kaniyang mga classmates. Ewan niya ba pero natatakot siyang malaman ng iba ang relasyon nila ni Yohan. Alam naman niyang hindi sila bagay ng lalake at kinakatakutan niya ang maaaring sabihin ng mga tao patungkol sa kaniya.

Bungangera siya at marunong lumaban ngunit may hangganan rin ang confidence niya lalong-lalo na kapag itsura at katawan ang pag-uusapan. Alam naman niyang may katabaan siya at hindi head-turning ang mukha niya. Hindi nga niya alam kung anong nagustuhan sa kaniya ni Yohan.

She tried concentrating on what their professor was saying and she succeeded for several classes until their last period professor told them that they will have a departmental meeting. Kaysa pauwiin sila ng maaga ay binigyan sila nito ng gagawin. Syempre agad niya iyong tinapos dahil ayaw niyang paghintayin si Yohan. Since magka-department sila ay alam niyang kasama sa meeting ang prof nito pero baka hindi binigyan ng gagawin ang class ng lalake.

Nang matapos ay agad niya iyon pinasa sa kanilang class president at naglakad na papalabas pero nang nasa pintuan na siya ng room ay mabilis siyang tinawag ng isa sa mga classmate niya. She kept on walking and stopped at the hallway before confusingly looked at him.  "Bakit?"

Lumabas sa room si Joseph at pinuntahan siya sa may hallway. "Apple Pie, paano mo ginawa yung question number 3?"

"Patingin nga ulit," ika niya habang lumalapit dito upang makita ang number 3 na question. Nakalimutan na kasi niya kung ano iyon. After seeing it, she then explained to him how to solve it. 

Nasa kalagitnaan siya ng pagpapaliwanag nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad naman niya iyong kinuha at nakitang si Yohan ang tumatawag. "Teka Joseph, sagutin ko muna ito," ika niya dito. Tumango lang ang classmate niya at naghintay dahil hindi pa siya tapos sa pagpapaliwanag ng sagot dito.

"Hello?" saad niya at naghintay sa sasabihin ni Yohan.

"I-loudspeaker mo," seryosong sagot nito na ikanakunot naman ng noo niya.

"Ha?" nagtataka niyang tanong.

"Put it on loudspeaker." This time ay mas mariin na ang pagkakasabi nito kaya wala siyang choice kundi sundin ito. Nang mapindot ang button para sa louspeaker ay hinintay niya ito muling magsalita. "Layo," banta ni Yohan na mas nagpalito sa kaniya.

"Ha?" Para na ata siyang tanga kakatanong dito.

"Keep your distance from my girlfriend. Ang sakit niyo sa mata," banta nitong muli ngunit mukhang hindi para sa kaniya. Agad siyang napalingon kay Joseph nang makita niya sa peripheral vision niya ang bahagyang paglayo nito sa kaniya.

Nagtataka siyang tumingin dito ngunit nasa ibang direksyon ito nakatingin kaya naman sinundan niya ang tinitingnan nito. Joseph was looking at the building across theirs where Yohan was watching them. Nakalimutan nga pala niya na magkatapat nga lang ang building nila at nasa 3rd floor rin ang classroom nito. 

Yohan was leaning his elbow on the railing while his right hand was holding his phone. Nakakunot ang noo nito na para bang nakatingin ito sa hindi kanais-nais na scenery. She knew that this wasn't the right time to say things like this, but she can't help but think that Yohan was so damn hot looking like that. Matalim ang tingin nito kay Joseph ngunit agad ring nag-iba nang malipat ang mga mata sa kaniya. 

The scowl on his face immediately disappeared upon seeing her. Mabilis itong ngumiti na para bang hindi galit kani-kanina lang. "Hi, langga! Sabay tayo mag-lunch, okay?"

Continue Reading

You'll Also Like

328 111 35
Isang epidemyang salot ang naging sanhi nang kaguluhan sa bayan ni Edrei, kahit ang mapayapang mundo ni Olivia ay nagdusa. Ang hindi inaasahang pagki...
284 83 13
Arayathena Maffer, the girl whoever would think is just a simple teenager who lived in the kingdom of Celestia. But to the opposite of it, despite of...
209K 12.3K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
10.1K 671 54
"If loving you is a sin, sinner I'm ready to be."