The Mafia Boss' Wife

By Peonie_Pie

725 67 6

Beauty, brains and brawn? Kakambal ng mga yan ang pangalang Zhannie Myr! Kaya nga lang, dehado 'to sa pangal... More

Prologue
Chapter 1 - Enter Zhannie
Chapter 2 - Mr. de Vill
Chapter 3 - Second encounter
Chapter 4 - Troubled Preggy
Chapter 5 - Deal NO Deal
Chapter 6 - We're Married?!
Chapter 7 - First Dinner
Chapter 8 - Bestfriend?
Chapter 9 - Start of something?
Chapter 10 - Make-up Pasta
Chapter 11 - Gone and... Gun?!
Chapter 12 - Eagle & Swords
Chapter 13 - Mrs. de Vill
Chapter 15 - Breathe of Air
Chapter 16 - 'Her' (Part I)
Chapter 16 - 'Her' (Part II)
Chapter 17 - 3 Shots
Chapter 18 - Foggianas
Chapter 19 - Hospital

Chapter 14 - Bloody night

24 1 0
By Peonie_Pie

[Zhannie's POV]


Kasalukuyan kong binabasa ang weekly report na sinubmit ni Sienna saakin kaninang madaling araw dito sa opisina ng lalaking demonyo. 


Unti-unti nang kumakalat ang pagiging 'de Vill' ko dahil sa napaka unexpected na dalaw nung demonyo sa lobby ng kumpanya ko nung nakaraan. Daig pa ang artista, eh yung mukha naman parang walang ka emo-emosyon. 


I can't say na I'm not okay with it dahil, unti-unti ring bumabalik yung mga nagpull-out ng shares nila at may mga dumagdag pang mga investors. Akala siguro nila dahil kasal na ako, mapeperahan nila si Quir. Tsk, sorry nalang sila.


Nakapagtataka nga kasi parang tahimik lang sina Dad and Tita Morgana. Siguro naman at sinabihan na sila ng kapatid kong monggoloid. And talks like this one spread like wildfire, even faster than light nga pero walang ni isang text o tawag ang natanggap ko mula sa kanila. Hmmm...


Kinuha ko ang kapeng bigay ng sekretarya ni Quir at ininom. Hindi narin ako nag pa order ng makakain dahil ilang araw na 'ko walang gana kumain. Kung kayo kaya makipag-usap 'dun sa kalbong matandang mukhang pera, tignan ko lang kung hindi kayo mawawalan ng gana. 


I just really had the urge to visit her grave matapos kong makausap yung matandang panot na kalbo nung nakaraang araw. It brought me back the memories of guilt and sorrow na pilit kong ibinaon noon.  


What happened way back has left me a scar that reminds me of how weak and useless I was, and how wrecked I was after that happened. It reminded me of the utterly horrifying memories that put me in an unstable state for a long time.


*Sighhhh* I took a deep breath and calm my nerves. I need to move forward.


Napatingin ako sa glass window nitong opisina. Ang dilim na sa labas pero ang ganda parin tingnan ng mga ilaw sa iba't-ibang lugar sa syudad. I remembered my office, ganito rin 'yung tanawin, pero dahil yung mayamang topak na demonyo ay ginawa talagang glass ang lahat ng sulok ng opisina niya, mas malawak ang tanawin kung tingnan.


Speaking of demonyo, sabi niya tatlong araw lang siya mawawala. Ba't ngayon, ni anino niya hindi ko mahagilap? At wala rin akong natanggap na text o tawag mula sa kanya simula nung gulatin niya ako sa kabayong sasakyan niya nung isang araw. Don't tell me, nawawala't kailangan niya ng mapa para lang makabalik? Tsk.


Napaangat ako ng tingin nang may narinig ako sa labas sa pinto. Tsk, if I know yung turotot na naman 'yon. Siya lang naman kasi ang daig pa ang aso kung maka sunod.


Napairap na lang ako. Pag katok lang 'di magawa? Anong ginagawa niya sa may pinto? Nagtatae? Hampasin ko kaya siya?


Alam ko namang nasa tabi-tabi lang 'yon matapos yung nangyari nung isang araw. Ang sakit kaya 'nun sa likod! Tanginang turotot, 'di talaga marunong kumatok, daig rin ata ang bagyo sa kahanginan!


Ibinaba ko ang mga papel na hawak ko at naglakad papuntang pinto. Trip ata nitong siraulong turotot ang mag praktis kumatok, dinig na dinig ko pa naman ang... teka... 



Why do I hear something na parang nahuhulog at natutumba?


Imbis na hahakbang patungong pinto, hindi ko napigilang mapaatras dahil sa kaba. Parang masama ang kutob ko dito. 


I can clearly hear something from the other side of the door and sigurado akong hindi lang nag-aacting yung turotot. Mas lalo ko pang naramdaman ang kabog ng dibdib ko when I heard that familiar shot, not too loud but I'm certain about it... Someone shot a gun with a silencer.


Kabadong napabalik ako sa mesa, nanginginig ang kamay kong binuksan ang lahat ng drawers hoping to see something I can use. 


Oh God! Not this again.


Naluluha na ako nang wala akong makita kaya wala akong choice kundi tumawag ng kahit sino kaya inabot ko ang telepono 'ko. 


At pagminamalas nga naman talaga! Lowbat! AMPUTA!



*BLAAGG!* 



Napaayos ako ng tayo at napaatras de oras ng bumakas ang pinto. Dahil madilim ang paligid at dalawang ilaw lang ang bukas sa opisina, hindi ko maani-aninag ang mukha ng mga lalaking nakatayo sa pintuan at nakatutok ang baril sa akin.


Nasaan ba kasi 'yung bodyguard 'kong pinaglihi sa turotot?! O kahit yung lalaking mukhang matalinong bobo lang man?! 


Nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod ko dala sa takot at kaba nang humakbang sila. Yung nasa gitna naman ay dali-daling lumapit saakin kaya naalarma ako. Aabutin ko sana ang vase na nasa malapit ng agad niyang nahablo ang leeg ko


"Eeek--" Napahawak ako sa kamay niyang nakapalibot sa leeg ko dahil hindi ako makahingi ng maayos.


"Nasaan si de Vill?!! Tell me!"


Tanga 'tong isang 'to eh, tatanong-tanong matapos higpitan ang pagkakahawak niya. Sa tingin iya ba makakasagot ako? Eh kung sampalin ko kaya 'tong gagong 'to?! At may gana pa talagang um-english-english, eh mukha namang hampaslupang may mabahong hininga. Pero kahit na anong pagpupumiglas na gawin ko, 'di ko parin magawang kumawala dahil ramdam na ramdam ko ang panghihina dala ng hindi makahinga ng maayos. 


Sh*t! 


Napapikit ako nang bumalik saakin ang nangyari noon and felt hot liquids streaming down my cheeks. Natatakot ako...


Please...


Anyone... Help m--



*BLAGGG*


Agad kong hinawakan ang leeg ko habang hinahabol ang hininga at umuubo nang matumba ang lalaking nasa harapan ko. 


I raised my eyes to see what happened, at hindi ko napigilang magulat nang makita ko si Sienna sa pinto na may hawak na baril, nag-alalang nakatingin saakin.


Hahakbang sana siya palapit saakin ng maaninag ko ang anino ng dalawang lalaki mula sa gilid.


Sh*t!! 


Hindi ko magawang senyasan o sabihan si Sienna habang humahakbang siya papalapit saakin nang makita ko ang anino ng dalawa na nakatutok ang baril sa kanya kaya naalarma ako't dali-daling kinuha ang baril ng lalaking nakahandusay sa harapan ko and walang paligoy-ligoy na kinalabit ang gatilyo.




Ilang segundo ang lumipas pero hindi ko parin nagawang kumilos, kahit pagbaba ng baril, hindi ko magawa. Tulalang naka tingin lang ako sa harapan kung saan may apat na katawan na nakahandusay, pati si Sienna.



"ZHANNIE!"






[Andrei's POV]


"'Tol" tawag ko ni Max na ngayo'y nakaupo sa recliner dito sa sala habang may kinakalikot sa customized system sa isang gadget. 


Kaming dalawa lang ang nandito sa base dahil yung gagong Vhone, balik na naman sa pagbabantay sa asawa ni boss na si Z, samantalang si Xantus naman ay may nilakad na utos ni bossing.


"Oh?" tanong niya na hindi parin inaalis ang tingin sa ginagawa niya. 


"Ma--" Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon sina bossing at Javier.


"Yow boss!" bungad ni Max habang naka-upo habang may ginagawa parin. Pero imbis na sagutin siya ay wala siyang natanggap pabalik, maski sa gag*ng Phyn na kadalasan ay maypagkahangin at maingay gaya nung adik na Vhone.


Bitbit ni boss ang coat niya't tinggal sa pagkakatali ang necktie. Naks! Bad mood si bossing. Ano kayang nangyari. Napadako ang tingin ko ni Phyn at problemado rin ang mukha niya pero hindi naman kasing problemado ni bossing.


Umupo ito sa harap ko, samantalang si bossing ay naglakad papuntang kusina at uminom ng tubig. 


"Where's Heethz?" tanong niya.


"May lakad po, boss." sagot ko sa kanya.


Ako lang ba, o  parang ang bigat ng tensyong dala ni boss at ng gag*ng Phyn? Si Max na kanina ay busyng-busy sa pagpoprogram ng isang gadget, ngayon ay nakatingin na sa kanilang dalawa.


Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila, halatang may problema. Teka nga, saan ba sila nanggaling?


"Let's head out." Utos ni boss sabay kuha ng baril na nasa isang drawer sa kusina at kinasa ito bago nilagay sa likuran kaya agad kaming napatayo tatlo. Si Phyn ay walang imik lang habang nagtatanong na nakatingin saakin si Max na parang nalilito.


Sinenyasan ko nalang din na 'hindi ko alam', dahil minsan hindi ko alam ang takbo ng isip ni boss. Sina Vhone at Phyn siguro, dahil magkababata naman talaga silang tatlo't sabay lumaki.


"Hindi na 'ho ba natin hihintayin si Heethz?" 


"Do I f*cking look like I have the f*cking time to f*cking wait, Javier?!"


Nagkatinginan kami ni Max matapos mag taas ng boses si bossing at nauna nang lumabas. May nangyari siguro sa lakad nila.


"Anyare 'dun?" Tanong ni Max.


"'Di ka pa ba sanay?" Pabirong sambit ko habang inaayos ang pagkakalagay ko ng baril sa likod.


"Patay talaga 'yung gag*ng Vhone na yun!" Sambit ni Phyn na pabiro habang ngumunguya ng bubble gum saka sumunod na ni boss at lumabas.






[Vhone's POV]


Gwapo lang ako 'tol pero tinatalban din ako ng antok! 


Takte talaga! Kanina pa ako sunod ng sunod sa mala-tigreng asawa ni bossing mula madaling araw. Nakakaantooook!


Palinga-linga lang ako sa paligid dahil napakatahimik. Wala nang katao-tao ang floor kung nasaan ang opisina ni boss. As usual, nasa labas lang ako naka tambay at naghihintay ni Miss Zhannie, alam niyo na... mahal ko pa buhay ko kaya layo muna ako ngayon.


Buti nalang talaga't bumili ako ng sandwhich kanina sa cafeteria nitong kumpanya ni bossing bago ako umakyat kundi magugutom 'tong gwapong nilalang na ako. May pamangkin pa naman akong siguradong kasinggwapo ko.


Sana lang talaga hindi magmana yung anak ni Vyleigh sa gag*ng Heethz na 'yun, dapat saakin  lang dahil siyempre, mas gwapo kaya ako 'dun! Ewan ko ba, kung bakit at anong nakita ng kapatid ko 'dun sa kulugong 'yon, eh computer lang naman ang palaging kaharap. 


Tinaggalan ko na ng wrapper yung sandwich at tumayo para itapon sa basurahan. Anong tingin niyo sakin? Balahura?? Tsk, tsk. Gwapo ako pero 'I balyu klinlinis!'


Pabalik na sana ako para maupo sa sofang inuupuan ko kanina nang may mahagip ang gwapo kong mga mata sa may madilim pasilyo. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako dahil sa antok o talagang ameyzing lang talaga ang mga mata ko. Kaya imbis na bumalik sa pagkakaupo at kumain, humakbang ako papalapit sa kung saan ko nakita ang anino kanina.


Hindi pa man ako nakalapit ay agad na may nagpakitang mga lalaking naka suot ng kulay itim at armado kaya napataas ako ng kamay nang tinutukan nila ako. 


"Witwiw..." sipol ko nang napapaligiran nila ako.


"Anong atin, mga 'boss?" tanong ko sa kanila. Nasa mga siyam ang nakapaligid saakin pero pusta tayong may mga kasama pa silang nagtatago sa gilid-gilid at kung saan-saan dito.


Imbis na sagutin ang tanong 'ko ay kakalabitin na sana ng iba ang gatilyo nang mabilis akong makakilod as siniko ang pinakamalapit sa gilid ko at nakaagaw ng baril. Takte ng mga 'to! Susugod-sugod, eh ang lalampa-lampa naman! Tsk. 


Nag-umpisa na silang paputukan ako ng baril pero ginamit kong panangga ang katawan ng lalaking binawian ko ng baril habang pinapatumba isa-isa ang nagtatangkang makapasok sa opisina ng tigr- este, ni Miss Zhannie.


Swerte talaga ng asawa ni boss at ako ang ginawang gwardiya, paano ba nama--


"Sh*t!!" Daing ko nang matamaan ang kanang tuhod ko. Paro kahit na nasa ganoong posisyon, patuloy parin ako sa pagbabaril hanggang sa mapagtanto kong wala nang bala 'tong ginagamit ko.


Kukunin ko na sana ang sarili kong Beretta 92 FS na nasa likuran ng suot ko nang may kung anong mabigat na tumama sa batok ko at bigla nalang nanlabo ang paningin ko. Putakte! Si Miss Zhannie...




[Max's POV]



Nang makita naming nagmamadaling bumaba si bossing sa sasakyan niya ay agad kaming bumaba sa aming kanya-kanyang sasakyan at sinundan si bosssing. 


"Magandang gabi po, Si--" Nagkatinginan pa kaming tatlo nang makita ang dalawang gwardiyang naka handusay at walang malay sa sahig matapos itong barilin ng walang pag-aalinlangan ni bossing.


Naks! Bad trip talaga si boss. Ano kayang nangyari sa lakad nila?


Imbis na elevator ang gagamitin ay tinahak namin ang daan papuntang hagdan at tinungo ang ika-labingtatlong palapag. Mabilis ang mga hakbang na ginawa ni bossing kaya binilisan rin namin ang pagsunod.


Tiyak na nag-alala 'tong isang 'to sa mala-amazona niyang asawa. Hindi ko man alam kung ano talaga ang nangyayari, pero tiyak na hindi maganda dahil hindi naman ito susulong dito kasama 'tong dalawang ugok dito kung hindi importante.



Ilang mga nakahandusay na katawan ang bumungad saamin nang marating ang ika-labingtatlong palapag. Maraming dugo sa paligid at kung tatantiyahin, hindi ata bababa ng tatlumpu ang mga gagong walang buhay dito.


"Oh sh*t!" Rinig kong sambit ni Andrei sa likuran ko nang makita ang mga walang buhay na katawan sa sahig.


Si Phyn naman ay may agad na nilapitan. "Uy, gago 'di ka pa pwedeng mamatay! Ibibitin ka pa ni bossing kaya gising na." Napailing nalang ako sa kagaguhan ni Javier sa nakahigang Vhone na walang malay. Napatingin ako sa pantalon niyang puno ng dugo.


Naks! Natamaan ang gago! 


Nakarinig ako ng pagkasa ng baril kaya inangat ko ang tingin mula kay Phyn at Vhone at tiningnan si bossing na papalapit sa pinto ng opisina niya. Sumunod naman ako at nakita ko rin si Andrei na sumunod saamin, pareho kaming nakahawak ng baril.


May kung anong binulong ni boss na hindi ko narinig bago tuluyang binuksan ang pinto at nagtaas ng baril kaya pumasok narin kami.



"ZHANNIE!" 


Naabutan namin si Miss Zhan na tulalang nakaupo sa sahig habang nakatutok ang baril sa direksyon namin. Agad namang binaba ni bossing ang baril niya at nilapitan ang asawa.


Binuksan ni Andrei ang mga ilaw at bumungad saamin ang duguang eksena sa opisina. May apat na katawan din dito sa loob, isang babae at tatlong lalaking.


Pinulsuhan ko ang babae dahil ito ang pinakamalapit saakin at namumukhaan ko rin ito, sekretarya ni Miss Zhan.


May pulso pa naman ang babae pero mahina, dahil ata sa balang natamo niya sa may tagiliran. 


"Damn!" Mahinang mura ni bossing kaya napatingin ako sa gawi niya, nanatiling nakatulala parin si Miss Zhan pero nakababa na ang baril niya at hinawakan ni boss ang kamay niya. "Talk to me, woman!" 


"'Tol..." tawag ni Andrei kaya napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang ito sa lalaking nakabulagta sa sahig malapit sa pinto.


"Bull's eye..." Sambit niya habang nanatili parin ang tingin sa lalaking may butas sa gitna ng noo. Agad ko namang napagtanto ang gusto niyang iparating kaya napabalik ako ng tingin sa kanila ni boss.



Hindi parin gumagalaw ang asawa ni bossing at nanatiling tahimik na umiiyak. Hindi ko rin naman siya masisisi, masaksihan niya lang naman ang eksenang 'to. 


Walang ibang possibleng bumaril sa lalaking tinitingnan ni Andrei kundi siya lang, pero parang may hindi tama.






[Quir's POV]



"Damn!" Sambit ko nang makita ko ang tulalang babaeng may haawak ng baril. Hindi ito nagsasalita pero patuloy parin ang mga luha niyang naglalandas sa pisngi niya "Talk to me, woman!" 


Wala parin itong kibo at umiiyak lang ng tahimik. Pinag-aralan ko ang kabuuan niya at dumako ito sa leeg niya.


"Shhh, it's okay." This is my first time seeing this girl so weak, trembling in fear, and vulnerable holding a gun, covers with unnecessary colors.  


I could feel my blood boiling and anger rushing in when I saw her neck bruised, covered in red, purplish marks. 


F*ck! I feel like murdering the guy in front of us again and again even with his brain splatters all over the floor. 


My hands automatically reached for the swelling area and she immediately looked up at me scared, with her hands crossed in front of her, still crying. "N-no p-ple-ase." 


"Hey, it's me." I tried to comfort her and rubbed her back gently but she just continued to cry. 


I snuggled her closer to me and carried her up. As I looked at her terrified expression, it made me feel some... utterly unnamed feeling in the pit of my stomach, it made me want to protect her more. This is crazy... I must be going nuts!


I took a deep breath while I carry her fragile body before storming out the room. Max also carried a girl covered in blood following me out.


*hik* *hik* Napatingin ako sa umiiyak na itsura ng babaeng dala ko. She looks so f*ckng weak and frail! But, damn! How can she still stay beautiful while in mess? 


Now I can really feel my anger burning up, eating whatever restraint and control I have.  It makes me want to start hunting down whoever's the f*cktard who planned this sh*t.  


Whoever did this...


I will personally put you in your place in hell!














Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...