"Uhm. Natahimik ka yata?"
"Ha? Tahimik naman talaga ako ah."
"Ay. Oo nga pala. Sorry nakalimutan ko. Hehe. Saan ka nga pala nakatira? Hatid na kita. Baka inaabangan ka pa ni Sherly sa tabi-tabi e."
"Ha? Hindi na. Ok na ko dito. Malapit naman na yung bahay ko dito e."
"So you mean dito ka din sa village na to nakatira?"
"Oo. Bakit dito ka din?"
"Oo e. Haha. Dahil dun hatid na talaga kita. Haha."
"Ha? Ah e. Okay." Woo! Kinikilig naman ako. Haha. Ipinagtanggol na nga niya ako kay Sherly ihahatid niya pa ako sa bahay. Wee.
So ayun. Tinuro ko na yung way papunta ng bahay namin. Nung malapit na kami sa bahay...
"Diyan na lang sa tapat nung blue na gate."
"E?"
"O. Bakit ganyan yung reaction mo?"
"Diyan pala kayo? Magkatabi lang pala yung mga bahay natin e. Haha."
"O? Hindi nga?"
"Seryoso! Akalain mo yun? Haha."
"Ha? Oo nga e. Small world. Hehe."
"Tutal tinuturing naman na kitang friend ko sabay na lang tayo pumasok at umuwi. Haha. Ok lang ba?"
Kunwari nagiisip ako kahit na gustong gusto ko ng pumayag agad. Haha.
"Ha? Ok. Sige. Salamat ha."
"Wala yun. Alam mo Rocky."
"Ano yun?"
"Sa tingin ko, ikaw na yung magiging best friend ko na babae. Hehe."
"Ah. Ganun ba? Bakit mo naman nasabi?" Ang sakit naman nito oh. Nung una friend. Ngayon best friend na. Baka sa susunod kapatid na turing nito sa akin e.
Di ba talaga pwedeng girlfriend? Ok. Ang taas ko talagang mangarap o. Ang feeling ko naman e.
"E kasi sa'yo lang ako nakakapag-act ng normal. Sa'yo din ako nakakapag-open up. Kaya ganun. Alam mo yun, iba yung bond natin e. Haha."
"Paanong normal? Hindi ka ba ganyan sa iba mong kaibigan?"
"Hindi e. Kailangan ko kasing maging the COOL and PERFECT guy sa harap nila. Yung tipong magiging idol ng lahat. Parang lahat ng ginagawa tama. Ganun. E kahit minsan man lang gusto kong maranasan yung pagiging normal ulit at salamat sa'yo kasi nararanasan ko na yun."
Potek naman o. Natutunaw ako sa ngiti niya. Bakit ba kasi na-love at first sight pa ko sa lalaking to e?
Tapos di naman yata kami pwede. Hay. Bahala na nga si batman.
Kinabukasan.
Ngayon suot ko naman ang isang Bluish jumpsuit tapos green na t-shirt at orange converse shoes. Ano pa nga ba ang masasabi ko? Edi wala akong taste.
Pagpasok ko sa school...
"Hoy ugly duckling!"
"......"
"Ha! Ang kapal din naman ng mukha mo noh? Una feeling close ka kay Seth tapos umeeksena ka pa sa kanila ni Sherly. Ngayon naman ang lakas ng loob mo na taasan kami ng kilay. Halika ka nga dito."
"Aaah! Ano ba? Bitawan niyo nga ako!"
"Pare. Wait lang ah."
"Hoy! Ano bang ginagawa niyo diyan? Bitawan niyo nga si Rocky."
"Bakit ka ba nakikialam? Pati ba naman ikaw kakampi dito sa ugly duckling na to?"
"Hindi naman sa kumakampi ako sa kanya. Pero grabe naman na kayo e. Tigilan niyo na nga yan. Panget na siya kung panget pero wala kayong karapatan na gawin yan sa kanya."
"Hmp! Diyan ka na nga!"
"Uhm. Salamat ah."
"Wag kang magpasalamat sakin kasi balang araw babayaran mo rin sakin ito. Sige alis na ako."
Ano naman kayang ibig sabihin nun? Pero salamat pa rin sa kanya kasi tinulungan niya ako.
Hanggang kailan kaya ako ganito?
Basically naging normal na para sa akin ang mga bagay bagay sa school. Normal na sa akin yung paghatid at pagsundo sa akin ni bestfriend Seth. Normal na rin sa akin yung pinagtitinginan kami ng mga tao tuwing papasok at uuwi kami. Normal na rin sa akin yung panloloko sa amin ng iba na kami na raw.
(How i wish totoo na lang yun.)
Normal na rin sa akin yung pagsusungit ni Mike sa akin, yung kaibigan ni Seth. Ewan ko nga ba pero ang init ng dugo nun sa akin pero kay Sherly ang bait niya.
(The nerve! Dapat nga sa akin siya maging mabait e. Ang sama sama ni Sherly. Hmp!)
Pero ang pinakamalupit diyan, normal na rin sa akin yung mga pranks na ginagawa ng trio ni Sherly para lang inisin ako.
Simula nung nagsabay kami ni Seth sa pagpasok at paguwi, di na lumipas ang isang araw na walang gagawing kalokohan sina Sherly sa akin. Kung bakit, obviosuly di niya matanggap yung fact na magkatabi lang yung mga bahay namin ni Seth at sabay pa kami palagi.
(Buti nga sa kanya. Haha. Ok nagiging mean na ako. Erase. Erase.)
Basta ganun yun. Umaasta pa rin nga si Sherly na sila ni Seth e. Lalo na nung birthday niya..
"Oh Sherly! Look who's here. A not so pleasant surprise. The one and only ugly duckling!"
"Hey you!"
"Ano?"
"Pwede ba wag kang magpapakita sa akin ngayon! You are so ruining my day! Birthday ko pa man din tapos ikaw agad yung makikita ko! Di maaari ito!"
"Uhm. Excuse me lang ah. FYI hindi ako yung una mong nakita kaya please lang choose the appropriate words before you say something kasi in the end, ikaw lang yung mapapahiya e. And one more thing, imposibleng hindi tayo magkita ngayon. Magkaklase tayo, remember?"
"Aba! Sumasagot ka na ngayon ah! Humanda ka sakin. Girls!"
"Yes Sherly?"
"Ano pang tinatanga niyo diyan? Sugurin niyo na yung babaeng yan!"
"Hep Hep! Awat na!"
"Seth you're here!"
"Malamang magkaklase tayo e. Di ba Rocky?"
"Ha? Oo na lang."
"Ikaw naman o. Nilalaglag mo pa ako e."
"Di naman. Sige upo na ako."
"Mabuti pa nga. Seth, wala ka bang naaalala?"
"Huh?! Natural meron. Wala naman akong amnesia e."
"I mean sa araw na ito."
"Hmm. Ah! Di ko pa pala nagagawa yung project ko sa Math. Di ba ngayon ang pasahan nun?"
"Seth naman e! If I know may hinanda ka ng surprise for me e."
"Surprise? Bakit naman? Birthday mo ba?"
"Bakit ka ba nakikisingit sa usapan ha? At OO BIRTHDAY KO NGAYON!"
"Ay Sherly. May iniwan pala ako dun sa guard. Kunin mo na lang dun mamaya. Sige gagawa na ako ng
project ko. Rocky patulong naman o."
"OMG! Sabi ko na nga ba may gift siya sa akin e. Wee! Kinikilig naman ako."
O di ba? Ang feeling feeling niya! Kung alam lang niya ang pangit nung iniwan ni Seth sa guard.
(Insert evil luagh here.)
Kung tatanungin niyo kung ano yung iniwan ni Seth secret ko na yun baka maloka lang kayo e. Haha.
Ahh di ako makapigil.. Ang iniwan lang naman dun ni Seth ay..
Tentenenen... Isang jar ng bagoong..hahahaha..
Sige. Isusuper fast forward ko na. Masyado na tayong natutuon sa imaginary love story nina Sherly at Seth e. Dapat yung love story ko ang binibigyan ng pansin. Di ba? Di ba? Hehe.
So nakatagal na rin ako ng Three years sa school na yun. Akalain mong natagalan ko yung ugali ni Sherly?
Well siyempre naman kasama ko pa rin si Seth e. Ayun. 4th year na nga kami at ibig sabihin may prom.
Di naman ako umaasa na may magyayaya sa akin kasi nga nerdy at baduy ako at alam na rin ng buong school na magkadate sina Seth at Sherly. Kung bakit ba kasi hindi na lang ako yung date ni Seth e! Pero alam niyo ba, nagulat ako e. Kasi ganito yun.
Nasa library ako nung free time namin. Oo alam ko lagi naman akong nasa library pero may practice kasi ng basketball sina Seth kaya di kami magkasama. Basta ayun. Nasa isang sulok ako sa library nagbabasa ng libro ng biglang...
"Excuse me."
"Huh? Ako ba kausap mo?"
"Malamang! May iba pa bang tao dito bukod sa ating dalawa?"
"Sorry naman ah. Malay ko bang ako lang isa dito??"
"Ok lang yun. Sorry kung ang sungit ko. Pero naaalala mo pa ba nung tinulungan kita dati?"
"Oo. Bakit?"
"Maninigil na ako ng bayad mo."
"Ha? Paano naman?"
"Go with me to the prom."
"What?! Sigurado ka ba diyan?"
"Pupuntahan ba kita dito kung hindi? Pero may isa akong condition."
"Hmm. Ano naman yung condition?"
"Ipapamake-over kita. So, deal?"
''Pano pag ayaw ko??''
''You know I won't accept no for an answer..''
"Ha? Ah e. Ok."
Ano ba naman tong napasukan ko oh?