Together For A Day ✓

By Bubblemiiint

4.1K 356 9

[COMPLETED] Claudette Santos, the loving sister, since her brother stepped into college she decided to stop s... More

Together For A Day
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 21

43 5 0
By Bubblemiiint

"What's this?"

Napalingon ako kay Garrett dahil sa sinabi niya. itinuro niya ang bibingka na inihahanda pa ng mga tindera dito ,kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Ah yan ba? bibingka yan ,masarap yan!"ngumiti ako sa kanya at bumaling ulit ang tingin niya doon sa bibingka na ginagawan ng tindera ,"Di ka ba pamilyar sa ganyang pagkain?"

Umiling siya sa sinabi ko. I knew it! bakit pa ako nagtanong sa kanya? di nga siya mahilig magsimba ,tinatanong ko pa kung pamilyar siya sa ganitong pagkain.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang pagkain."ngumuso siya doon at kinagat ko ang pang ibaba kong labi.

"Tsk! di mo alam ang bibingka? kahit mayamang tao alam na alam yan eh!"sumingit si Bullet sa usapin namin at natawa pa siya kaya tinignan ko siya.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon ,kaya di na siya kumibo doon. Ang lakas din mang asar ito ah? lumingon ulit ako kay Garrett na nakakunot pa rin ang noo niya.

"Don't worry Garrett ,sure ako kapag natikman mo yung bibingka na yan ,sure ako magugustuhan mo yan."I mumbled ,"Di ka pala familiar sa ganitong pagkain kaya nagtatanong ka. Wag mo na lang pansinin yung sinabi mo Bullet."

Hinawakan niya ang buhok para suklayin gamit ang kamay niya. Napalunok ako ,ang hot niya ah?

"Don't worry ,di naman ako naoffend dahil sa sinabi niya. Di naman ako bata para umiyak dito sa harapan mo dahil sa pagsabi ng asungot na yan!"sinamaan niya ng tingin si Bullet habang kinakausap niya ako.

"Asshole!"mahinang mura ni Garrett.

Umiling ako. Kailan ko kay makikitang magkabati ang dalawang ito?

****

Pagkatapos naming kumain ay diretso hinatid na kaming dalawa ni Jaycee sa bahay namin. As usual ,kay Garrett na naman ako nakasakay samantalang kay Bullet ay si Jaycee ang nakasakay doon. Napansin ko na di na umimik doon si Bullet na sumakay na ako sa kotse ni Garrett bagkus ay hinayaan na lang niya ako.

Nagseselos kaya siya kaya ganon? Though ,kahit di niya sabihin sa akin ng harap harapan yun ramdam ko yung paninitig niya sa akin kanina. Na nagseselos talaga siya kay Garrett! Napabuga ako sa hangin ,bakit naman kasi ako nagustuhan ni Bullet?

Sa nagdaang araw ,ganun pa rin ang scenario sa pagitan nina Bullet at Garrett. madalas na kasi sila nandito at di ko alam kung anong hangin ang nagdala sa kanilang dalawa at palagi sila nandito sa bahay ko. Though ,wala naman masama sa akin yun dahil lahat naman dito ay welcome pero sa dalawang ito ay nagtataka ako dahil halos buong araw sila nandito hanggang sa maisipan na lang nila na umuwi sa kani kanilang bahay.

"Wala ka bang pinagkakaabalahan kaya ka pumupunta dito sa bahay ko?"tanong ko kay Garrett ,nakatingin siya sa akin ng seryoso habang umiinom siya ng tubig.

He sighed heavily ,"Wala akong pinagkakaabalahan ngayon."he frowned to me ,"Bakit masama bang dumalaw dito?"

Mabilis akong umiling dahil sa sinabi niya.

"Hindi sa ganon ,"bumuntong hininga ako bago ako tuluyan magsalita ,"Nagtataka lang ako."

"Wala naman akong gagawin sa bahay ,You know na ako lang mag isa dun. Ang boring kung doon ako palagi nakamukmok sa kwarto."he licked his lips.

Napalunok ako ng mariin at tumango na lang sa sinabi niya.

"Kailan nga pala laban mo sa competition mo?"pag-iiba ko ng usapan at sandali siyang natigilan at napasulyap sa akin.

Maghigit dalawang buwan na rin simula nung huling nakita ko siyang lumaban sa car racing. At hanggang ngayon ,wala pa rin akong balita doon.

"Why do you ask?"nagtaas siya ng kilay sa akin kaya tumingin ako ng marahan sa kanya.

"Uhmm....."I cleared my throat ,"Gusto ko lang malaman kung kailan."bumaba ang tingin ko sa kanya ,"Para alam ko kung kailan kita masasamahan doon."

Nakita kong ngumisi siya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Bat niya ako nginingisian? wag niyang lalagyan ng meaning yun! gusto ko lang malaman kung kailan!

Napabuga siya sa hangin ,"Sa June pa ang huli kong laban ,Claudette."sa June pa? ang tagal naman! "6 months pa ang magiging huli kong laban. sa January pa mag iistart ang training ko ,that's it."

Huling laban? what does it mean?

I frowned ,"Huling laban? anong ibig sabihin nun?"

"Pag nanalo ako next year dito sa pilipinas ,may posibilidad na ako ang ilalaban sa ibang bansa."he muttered ,"Ako magiging pambato ng pilipinas sa iba't ibang bansa."

Dahil sa sinabi niya ay napaawang ang labi ko. Totoo? kung sakaling mananalo siya ,may posibilidad na ilalaban siya sa ibang bansa?

"Really?"

Tumango siya ,"Yes ,Grand finals yun. I hope ,manalo ako sa June para ako ang lalaban sa pilipinas. Wala akong tiwala sa ibang tao ,baka mapahiya lang ang pilipinas kung matalo tayo laban sa ibang bansa."seryosong saad niya.

Kilala si Garrett bilang pinakamagaling na car racing player dito sa pilipinas. Lahat na nakakalaban niya ay lagi niyang natatalo ,Ganun siya kagaling sa habit niya! kaya madaming babae ang nahuhumaling at nagkakagusto sa kanya dahil sa angking galing niya dito.

I admit ,na isa ako sa mga taong nahuhumaling kay Garrett. Patago nga lang ako humahanga sa kanya ,dahil baka mag assume na gusto ko siya.

Wait ,talaga bang di ko siya gusto?

Parang nakaraan lang nagseselos ako kina Stephanie tapos sinabi ko sa sarili ko na gusto ko siya. Ngayon ,bakit ang gulo?

Di ko din alam kung ano ang tunay nararamdaman ko sa taong kinaiinisan ko noon. Binabaliw niya rin ako minsan!

"And after that, I will plan to leave my career when I am given the opportunity to compete abroad for the Grand Finals."he suddenly said so I could almost stare at what he said.

Di ba siya nagbibiro? babalakin niya umalis sa career niyang ito?

"Nagbibiro ka lang diba?"di mapaniwalang sabi ko. di ko inexpect na sasabihin sa akin ni Garrett ito ,alam ko na mahal na mahal niya ang career niya. but ,parang balak niyang umalis kung saan siya nagtagumpay at nakilala siya ng mga tao?

He shooked his head ,"No Claudette ,I'm serious aalis na ako sa career na ito."bakas sa boses niya ang pagseryoso at di pa rin maproseso sa aking utak mga sinabi niya sa akin.

"W-why?"tanong ko sa kanya ,"Bakit kailangan mong umalis? hilig mo yun diba ,tsaka malaki ang kinikita mo dun kapag nanalo ka sa mga laban mo d-diba?"bakas sa boses ko ang paghihinayang.

Nakita kong tumingin siya sa malayo bago siya nagsalita ,"Claudette ,may mga bagay na kahit gusto mo ipagpatuloy ,dadating sa puntong kailangan mong igive up yun."bumaling siya ng tingin sa akin ,"Di ako maghihinayang kung mawala ang career ko ,di ko kailangan ng kasikatan para makilala ako. Napag isip ko na rin ang pagiging car racer player ay hindi para sa akin."

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya at kita ko ang paglabas ng emosyon niya dahil sa boses niya at may konting paghihinayang ako.

"Not as long as I live like this I will do with my life. Dad needs me in his company and this career? it won't help run Dad's company.I'm the only one he expects because I'm his only remaining son who will take care of what he worked for at the right time. And besides ,I don't want to increase his dissapointment with me."mahabang saad niya kaya kinagat ko na lang ang labi ko.

Nakikita ko ang tunay na pagmamahal ni Garrett sa daddy niya dahil kahit ganon ang trato niya sa kanya ,iniisip niya pa rin ang makakabuti sa mga magulang niya.

"I've learned a lot in life and I seem to be grateful to the person ,I didn't expect to come into my life and I still get along. A lot has changed in myself. maybe ,my selfishness to the people around me."he smiled to me.

Halos maestatwa ako sa ngiting tinugon niya sa akin dahil yung ngiting yun ay hindi pilit kundi totoo!

"S-sino ba yung taong n-nagpabago sa buhay mo?"ngiting tanong ko sa kanya dahil ngayon ko lang nakita ko ang totoong ngiti niya sa harap ko.

He grinned ,"Gusto mo bang malaman kung sino yun?"marahan niya akong tinititigan at mabilis akong tumango.

"Oo."

He smiled widely ,"Ikaw Claudette."

****

Today is christmas , abala ako ngayon sa pagluluto ng kaunting handa. Iniwan ako mag isa dito ng kapatid ko dahil nagpaaalam sa akin na gagala muna sila ng kaibigan niya kaya pumayag na rin naman ako.

Habang nagluluto ako ay di na ako nagulat na bumisita dito si Bullet sa bahay ko at nagulat ako na may dala siyang regalo sa akin ,tinanong ko pa nga kung bakit niya ako niregaluhan sabi naman daw nita na pasko naman daw kaya naisipan niyang bigyan ng regalo.

Isang simpleng pearl pendant ang nabigay sa akin ni Bullet at mukhang mamahalin itong natanggap ko sa kanya ah? nagpasalamat na lang ako sa kaniya at ngumiti siya ng marahan sa akin.

Nung natapos ko na lutuin lahat ng pagkain ,inaya ko na muna si Bullet na kumain baka di pa ito kumakain nung pumunta siya dito. Kaya pumwesto na siya sa hapag kainan habang pinagsasandok ko siya ng pagkain niya.

Nakasuot lang high waist jeans pants ,blue off shoulder top ,flat shoes. Since ,di naman ako masyado ako mag gagala ngayong pasko. More on sa bahay lang ako mag iistay buong magdamag.

"Nga pala Claudette ,mukhang di rin ako magtatagal dito."sambit niya habang ngumunguya siya nt chicken sandwich.

Kumunot ang noo ko ,"Bakit?"habang kumakain ako ng spaghetti ,nakatingin ako sa kanya ng marahan.

He glanced to me ,"Kailangan ako ni mommy sa bahay eh ,nakiusap lang ako na bisitahin lang kita para ibigay yung regalo ko sayo."pinunasan niya ang gilid ng labi niya dahil may dumi ,"Dadating kasi yung Tito ko galing Italy ,saktong ngayong araw ang dating niya. Napag utusan ako ng mommy ko na ako na daw ang susundo doon."

Tumango ako ng mariin.

"Anong oras kung ganon?"tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa relo niya ,"Mga alas tres."

Napatingin ako sa orasan at nakita kong mag aalas dos pa lang. Tumango na lang ulit ako at pinagpatuloy na lang namin ang kinakain namin.

Pagkatapos niyang kumain ay agad na siyang nagpaalam sa akin na aalis na siya. Pero bago muna siya umalis ay hinalikan niya ang noo ko kaya di na ako nakapagpaalam ng maayo dahil sa kaniya. Shit! ganun ba siya magpaalam sa akin ,biglang manghahalik sa noo?

Sinarado ko na yung pintuan at naisipan kong umupo sa sofa pero bago muna lahat ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ko at saka tinignan.

May message akong natanggap kay Garrett.

Garrett:

Hello Claudette ,merry christmas!

My mouth parted. binati niya ako ngayon?

Ako:

Thank you Garrett ,merrry christmas din sayo :))

Saka ko yung sinend sa kanya at limang minuto na ako naghintay sa susunod na text niya pero di na muli ako nakatanggap ng text galing sa kanya.

Napabuga ako sa hangin. Bakit di niya ako puntahan ngayon? may ginagawa ba siya ngayon kaya di man lang niya ako naisipang puntahan?

Oh baka naman kasama niya ngayon si Stephanie kaya di siya pumupunta dito?

Mabilis akong umiling dahil sa mga sinabi ko. bat ko na naman iniisip na kasama niya si Stephanie? talaga bang nagseselos ako sa kanilang dalawa?

Nawala ang iniisip ko na biglang may nagdoorbell kaya kumunot ang noo ko kung sino yun? kaya di na ako nagdalawang isip pa at lumapit na ako sa pintuan para buksan yun.

Sa pagbukas ko ay bumungad sa akin ang anino ni Tin.

"Claudette!"masayang bati sa akin ni Tin at nagulat ako sa ginawa niya na bigla niya akong yakapin.

She's wearing a maroon jumpsuit dress with a sandals. At kita ko sa suot niya na bihis na bihis siya.

Umalis na siya sa pagkakayakap at nginitian niya ako. Kumunot ang noo ko kung bakit siya nandito sa harapan ko?

"Kumusta ka?"tanong niya sa kanya kaya bumuntong hininga ako.

"Pumasok ka muna sa loob."inaya ko siya na pumasok siya sa bahay ko at agad naman niya sinunod yun.

Umupo siya sa sofa at nilapag niya ang bag niya sa tabi niya at napansin ko na meron siyang paperbag na dala kaya kumunot ang noo ko.

"Di mo ba itatanong kung ano pinunta ko dito ,beb?"ngumisi siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Ano ba dahilan niya?

"By the way ,merry christmas sayo!"binati niya ako kaya nginitian ko na lang siya.

I sighed heavily.

"Ano ba pinunta mo dito?"tanong ko na mariin kaya nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya sa labi niya.

Okay naman sa akin kung nandito siya. Di lang ako sanay na nagkaroon siya ng time para bisitahin niya ako sa mismong pasko pa! Last year kasi ,nasa ospital siya at nagpapakabusy doon.

"I will give something for you ,Bestie."she smiled at me then I still looking at her.

Ano naman yun?

"What is it?"I asked curiousity.

Napansin ko na dala niya ang paperbag niya na kanina pa niyang hawak at saka niya yun ibinigay sa harapan ko kaya napatingin ako dun at inisip kung ano ang posibilidad ang ibibigay niya sa akin.

"Tanggapin mo na teh! kanina pa nangangawit ang kamay ko!"reklamo niya kaya agad ko na yun tinanggap dahil baka maging madrama na naman siya.

"A-ano ba kasi ito?"ngumuso ako sa paper bag na hawak ko na ngayon.

"Tingnan mo ,dali!"excited na sabi niya kaya napangiwi ako. Sinunod ko na lang yung sinabi niya ,dahan dahan ko na binuksan ang laman ng paper bag at tumambad sa akin ang isang damit.

Tinignan ko yun ng maiigi at masasabi ko isa siyang white backless lace up dress na sa tingin ko hanggang sa hita ko ang haba.

Ano ang naisipan ni Tin at niregaluhan ako na ganitong damit.

"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo ,Bestie?"I heard her charming voice so I turnes my attention to her.

I bit my lower lip. nakangiti siya sa akin at napapangiti na lang ako dahil ang lakas makahawa kapag ngumingiti ito.

Tumango ako ,"Oo ,nagustuhan ko."ngumuso ako ,"Bakit mo nga pala ako niregaluhan ng ganitong klaseng damit?"

Though ,okay naman yung damit na binigay sa akin kaso di naman ako mahilig sa ganitong suot ,tsaka mukhang pamparty ang ibinigay sa akin na dress ni Tin.

"Because.......it's Christmas today ,Claudette!"hinawakan niya ang balikat ko kaya napatingi ako banda doon ,"Naisip ko kasi na matagal na ako yung huling nagbigay sayo ng regalo. Parang nung college pa tayo."

Natandaan ko pa yung bigay na regalo niya sa akin. Isang pendant necklace yun na design ay moon ang binigay niya sa akin ,samantalang ako binigay ko sa kanya ay isang sumbrero na binili ko pa sa mall ,dahil nung college kami ay mahilig siya mag cap kaya yun ang binili ko sa kanya.

"Thankyou....kung ganoon."I grinned to her.

Kristin is my sweet bestfried since college ,siya lang yung taong naglakas ng loob para kaibiganin ako nung nag aaral ako. Isa siyang sikat student doon sa university na pinapasukan ko ,madalas siyang pinag uusapan dati kapag dumadaan ako sa mga tambayan ng mga lalaki. Siya rin ang pambato ng Cross University para sa beauty pageant dun kapag meron event na ganoon. Kaya nagtaka ako nun sa lahat ng mga nag aaral ,sa isang sikat at mayaman pa ako nadikit sa kanya.

Though ,ramdam ko naman sa kanya noon na sincere siya makipag kaibigan sa akin. Kasi kahit mayaman siya di niya pinintasan ang pagkatao ko dahil isa lang ako dukha. Bagkus ,tinanggap niya ako sa dami na naging kaibigan niya nung college ,ako lang ang tumagal sa kanya.

"Buti nga at naisingit pa kita bilhan ng ganyang dress bago magchristmas."she mumbled ,"Muntik ko pa ngang makalimutan dahil sa sobrang magdamag ako nagreview last week para sa board exam ko!"

Tumango ako at nilagay ko na ulit sa paper bag ang dress na bigay niya at saka ko siya tinignan.

Tinignan ko ang suot niya dahil masyadong bihis na bihis siya ngayon! saan kaya balak pumunta ito?

"What?"she frowned to me.

I bit my lower lip ,"Napansin ko na masyado kang bihis na bihis."tinaasan ko siya ng kilay ,"Tell me ,may lakad ka ba?"

Di niya ako sinagot bagkus ay nginisian niya ako. sabi ko na nga ,may lakad nga ito!

"May date ako ngayon ,kaya ganito suot ko!"inayos niya ang buhok niya bago siya magsalita ,"By the way ,aalis na pala ako ngayon. Dumaan lang talaga ako dito para ibigay yang regalo ko sayo."

"O-okay........."nalilitong saad ko.

Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya umalis sa harapan ko. Binati pa niya ulit ako bago siyang tuluyan nawalan sa paningin ko.

****

Kinagabihan ay umuwi na si Jaycee kaya kumain siya sa hapag kainan. Nakatingin lang ako sa kanya dahil di ko alam kung saan saan naman ito gumagala dahil gutom na gutom siya ngayon. Gayong ,binigyan ko siya ng 500 kung sakaling gutumin siya.

"Bakit ate?"natauhan na lang ako na nagsalita si Jaycee sa harapan ko. Napansin niya siguro na kanina ko pa siya tinitignan habang kumakain.

Tinaasan ko siya ng kilay ,"Napansin ko lang na sobrang takaw mo kumain."dahil puno ng pansit ang laman ng plato niya tapos may hawak pa siyang tasty bread sa kamay niya.

Nakita kong napaubo pa siya at mukhang nasamid pa kaya uminom siya ng tubig para malunok yung kinakain niya sa bibig niya. After that ,tumingin siya sa akin.

Nananatiling nakataas ang aking kilay kaya nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya.

"Eh ate ,nagutom ako eh."napahawak siya sa batok sa sobrang kahihiyan ,"Alam mo naman na galing ako sa layasan."pagkasabi niya ay saka siya kumain ng marahan.

"Diba ,bago ka umalis dito binigyan kita ng limang daan diba?"tanong ko sa kanya kaya napatigil ulit siya sa kinakain ,"Nasaan na yun?"

Nakita ko na napakamot siya sa ulo at umiwas siya ng tingin sa akin. Aha! mukhang alam ko na kung saan niya ginastos yung perang binigay ko sa kanya.

I pursed my lips ,"Saan mo ginastos yung pera mo?"I asked softly then he slowly looking at me ,"I don't believe na sa pagkain mo ginastos lahat ng pera mo dahil di ka naman mahilig sa pagkain.

Sa sobrang tagal ko na kasama ang kapatid ko ,kilalang kilala ko na siya kung ano ang gusto at ayaw niya. Di siya gaano mahilig bumili ng pagkain lalo na't kung busog naman siya. Madalas ,kapag binibigyan ko siya ng pera kapag may sobra sa sinasahod ko ay nakikita ko na bumibili siya ng tshirt or short sa penshoppe.

"Ah.....eh."peke siyang ngumiti sa akin kaya mas lalo ko siyang tinititigan ,"Magagalit ka b-ba k-kapag nalaman mong bumili ako ng sapatos?"

Sapatos naman pala ang binili. Himala ,ngayon ko lang narinig yun sa kanya ah? Madalas kasi puro mga damit at sumbrero pinagbibili niya sa mall or palengke.

"Eh......nakita ko kasi sa mall na sale itong sapatos na binili ko ,sayang naman ate kung di ko bibilhin."Jaycee said ,kaya tinignan ko yung hawak hawak niyang plastic at sapatos nga binili niya. "Don't worry ate ,450 lang naman yan. May singkwenta pa akong naitabi dito ,gusto mo kunin mo na lang ito."inilapag niya yung buong singkwenta sa lamesa.

Umiling ako ,"Sa'yo na yan ,nagtira ka pa sa 500."

Buti at umamin din siya ,akala ko kung saan saan naman niyang pinag gagastos yung perang binigay ko sa kanya. Though ,di naman ako galit ,nagtaka lang.

"Hindi ka ba galit sa lagay na yan ate?"nakangiti siya habang kinakausap niya ako.

Mukha ba akong galit sa kanya?

"Nope ,di ako galit sayo. pero next time ,magsabi ka ng totoo para malaman ko kung saan saan mo ginagastos yung perang binibigay ko sayo."pangaral ko sa kanya dahil kahit konting pera ang naibigay ko sa kanya pinaghirapan ko din yun para sa kanya.

Tumango siya.

"Good ,kumain ka na."kaya pinagpatuloy na niya ang kinakain niya.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil may nagvibrate kaya tinignan ko kung sino yun ,at isang message galing kay Garrett ang natanggap ko.

Garrett:

Hi ,I'm sorry kung di na ako makakapunta sa'yo. babawi na lang ako sa new year. I hope ,masaya ka ngayong araw. Te quiero.

Napakunot ako sa huling linya na nabasa ko na di pamilyar sa akin. What does it mean?

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 162 48
[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with anger in her heart for his father. Becau...
40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
33K 799 40
A group of long-lost demigods call this hidden castle their home. They are another branch of Olympian descendants, different from Camp Half-Blood and...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...