Blood Menace

By fbbryant

16.2K 1K 284

Kam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lo... More

Foreword
Part I
1- Kam
2- First Day
3- Rival
5- Mortal Enemy
6- Perfect
7- Not His Type
8- Field Trip
9- Tough Decision
10- Self to Blame
11- Travel Buddy
12- Sentry Training
13- Macon City
14- Whittles
15- Followed
16- His Plaything
17- Ended Before it Started
18- Sophomore
19- Mr. Nice
20- Surial
21- Field Training
22- Death
23- End of the Beginning
Part II
24- Obis
25- Allies
26- Festival of the Moon
27- Murderer
28- Hellville Academy
29- The Husband
30- Taken
31- The Parents
32- Omelette
33- Broken Heart
34- Love of My Life
35- Pretending No More
36- Comfortable
37- In the Lion's Den
38- Where is Cole?
39- Dramas
40- Illusory
41- Love/Hate
42- Death
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

4- Achievers

362 28 7
By fbbryant

Isang linggo ang matulin na lumipas. Isang linggo pa lang but Kam's stress was worth a year.

Kaklase n'ya si Cole sa lahat ng subjects at araw-araw silang nagdi-debate sa klase. Siempre, si Cole ang tama at sikat para sa mga kaklase nila. And though some professors were neutral, marami pa rin ang mga natutuwa sa mga banat ni Cole.

Ang mas nakakainis lang ay kahit na puro kabulastugan ang mga pinagsasabi nito ay puro may sense naman. Dinadaan nito sa biro ang mga sagot na hindi naman mali.

'Yun ang nakakainis. Ang kaalamang alam nito ang sinasabi. Nakakainis na alam niyang tama at may sense ito.

"Masanay ka na. He's a Bloodworth," ani Nova habang kumakain sila ng ice cream sa Emporium that afternoon. Weekend na bukas kaya may time na silang mag-relax.

"Ano naman kung Bloodworth?"

"Well, top one ang nakakatandang kapatid niyang si Deus at top two naman si Tiana. Classmates pa ang dalawang 'yun sa Juniors."

Achievers din pala ang pamilya ni Cole.

"Wag ka nang magulat na magaling din s'ya. Sa pagkakaalam ko, goal din niyang mag-graduate ng top one kaya mas pag-igihan mo pa. He's naturally smart and a very good fighter. Plus, he's a witch."

A vampire-witch. The rarest kind.

"Buuuuut..." Nova drawled, "it's weekend. Mag-relax ka muna. Party tayo."

"Huh? Saan?"

Sa isang club sa downtown Morland sila napadpad. Kasama ni Kam si Nova at may imi-meet pa daw silang iba doon.

Ayaw naman n'ya talagang magpunta rito. Sadyang mapilit lang talaga si Nova. Kaya naisipan na lang niyang mag-relax dahil sa dami ng stress niya sa school.

"Hindi naman ako tinatablan ng alcohol eh," aniya habang tinutungga ang pangwalong bote ng beer. Nova's fake ID really worked. Nakapasok na sila ng club, nakabili pa ng alcohol kahit underaged naman sila.

Well, sanay na namang uminom si Kam sa Chilakest. Iba kasi r'on. Mas liberated ang mga tao.

"Hintayin mo lang 'pag naka-twenty bottles ka na, may effect din. Damihan mo lang at sunud-sunod," ani Nova na nakasampung bote na yata.

Kam looked around. Kita mula sa kanilang booth ang dancefloor kung saan maraming mortals ang nagsasayaw. Halos lahat lasing na sa alcohol at music.

"Hi. Sorry, we're late," dalawang lalaki ang dumating at laking gulat ni Kam nang mapansing mortals ang mga 'yun. Amoy na amoy niya ang dugo ng dalawa.

Nagtatanong ang mga matang nilingon niya si Nova at nakita niyang nakangisi lang ito. Mukhang may masamang balak.

"Kam, these are my friends, Leo and Jack. Boys, si Kam," ani Nova na kumapit doon kay Leo na maskulado ang katawan.

"Hi," nakangiting tumabi sa kanya iyung Jack. Hindi ito sobrang gwapo pero maganda ang katawan, matangkad at mabango. Amoy malinis.

"Ah, hi," aniyang nakangiti na. Hindi siya sinanay ng kanyang mga magulang na makihalubilo sa mga mortal. Maka-Pureblood kasi ang mga ito.

But Kray Hayes introduced her to different species, mortals included, kaya natuto siya kung paano makipag-usap sa mga ito.

"Saan kayo nagkakilala nitong si Nova?" tanong niya kay Jack. Sumulyap siya sa kaibigan at agad siyang nag-iwas ng tingin nang makitang nakikipaghalikan na ito kay Leo.

"Dito rin sa club. Last summer. Gamit n'ya ang fake ID n'ya kaya nakapasok," natatawang sagot ni Jack.

Twenty-one nga kasi ang legal age of drinking sa Morland. Sa Chilakest kasi ay walang limit-limit. Parents had the responsibility to teach their kids how to drink responsibly.

"So, sa Sentry Academy ka rin nag-aaral?" tanong ni Jack kaya muli siyang napatingin dito.

"Ah, yeah. Freshman pa lang."

Tumangu-tango ito. "So, katulad ka rin ni Nova?"

Kumunot ang noo ni Kam. "What do you mean?"

Hindi sumagot si Jack pero tumango ito sa direksyon nina Nova at Leo kaya tumingin din doon si Kam. Laking gulat niya nang makitang nakabaon sa leeg ng lalaki ang mga pangil ng kaibigan n'ya.

"Nova!" bulalas ni Kam sabay tingin sa paligid.

Wala namang nakapansin sa kanila 'di ba?

Morland mortals didn't know about vampires. Actually, most mortals in Vergaemonth didn't know anything about vampires and witches.

Tumawa ang tatlo.

"Relax, girl. They knew about us even before we met. Turned ang kapatid ni Leo," explain ni Nova.

Kam looked at Leo with questioning eyes and he laughed.

"Alright. I'll come clean. I want to be turned. And I heard that only Purebloods can turn a mortal. I've been trying to convince Nova here to turn me for months but she won't budge."

Nova laughed. "Leo, I will not turn you into a vampire. Ilang beses ko nang sinabi 'yan. Purebloods just don't turn anyone without a very good reason. Your blood won't convince me."

Leo pouted. Ang isang 'to may itsura pero mukhang troublemaker. "Hindi kita susukuan, Nova."

"How romantic," Nova faked a gasp.

Si Jack naman ang binalingan ni Kam. "You too?"

Mabilis na umiling ang lalaki. "Oh, no. I'm fine with my weak, vulnerable mortal body. Thank you very much."

Tumango si Kam. "Good."

Wala siyang balak na ma-involve sa mga ganitong bagay. Wala siyang plano i-turn ang kahit na sino at maging guide nito. That was a big responsibility.

—-
It was raining and Kam didn't bring an umbrella. Bakit ba kasi siya magdadala ng payong kung wala man lang kahit na konting ulap sa langit. Well, kanina. Now, the sky was full of dark clouds.

"Kainis naman. I don't want to get my purse wet. Original kaya 'to," pagmamaktol ng isang fashionistang senior sa tabi ni Kam. Pang-limang beses na 'yung sinabi ng babae.

Nakatayo sila sa lobby ng Akademos at nakatanaw sa malakas na buhos ng ulan sa labas.

Kam took a glimpse at the lady's purse. Nah, hindi original ang bag nito. She had the original one in Chilakest. Mas deep ang pagka-maroon ng original at mas deep ang gold sa hardware. Isa pa, when your bag is original, hindi mo 'yun ia-announce ng ilang beses. This lady was trying too hard.

"Mamaya na lang ako uuwi sa Dormire. Ayoko talagang mabasa ang original purse ko," narinig nanaman niyang sabi ng babae kaya umikot ang mga mata ni Kam.

Lumayo na lang siya at nagtungo malapit sa napakataas na glass wall where she could see a number of students who braved the heavy rain.

By the looks of it, mukhang matatagalan pa siya rito. Wala yatang balak tumila ng ulan.

"This is either Cole or Deus' work. I heard they can manipulate the weather," biglang nakasagap ng chismis ang tenga ni Kam.

She looked around to see two freshmen girls gossiping. Mas pinag-igihan n'ya tuloy ang pakikinig.

'Di ba sabi ng marami, know your enemy. And Cole was certainly an enemy. Well, sa klase nila.

"Talaga ba? Like manipulate as in pwede nilang baguhin ang weather anytime they want?"

Napakunot ang noo ni Kam.

"Yes. Nakuha kasi nilang dalawa ang psychokinesis ng kanilang ama. They can control things they can see using their minds."

Kumunot na ang noo ni Kam. Totoo ba itong mga naririnig n'ya? Kung totoo man, paano n'ya tatalunin si Cole kung gan'on? Sa academics? Eh, magaling din ang lalaking 'yun. Walang ka-effort effort ang pagiging matalino.

"Bloodworths, I'm telling you," nasa mukha ng tsismosang freshman ang pagka-impress. Sino ba naman kasi ang hindi? The Hellville founding families were different. They were another level of vampires.

Pero hindi siya susuko. She had a goal. Kung gusto niyang maging top one sa klase, kailangan niyang malampasan si Cole.

She had to be on the top of the class if she wanted to finish her Sentry degree. It was either top one or go home. 'Yun ang usapan nila ng kanyang mga magulang. That was how they pushed her to excel.

Hinahayaan s'ya ng parents n'ya na gawin ang gusto n'ya as long as nag-i-excel s'ya. Kapag hindi n'ya nagawa, they force her to stop immediately. Then, she had to do what they originally wanted her to do.

Naalala n'ya, she was fifteen that time. Gustung-gusto n'yang matutong gumamit ng espada. They allowed her, of course. But during the final test, pumalpak s'ya because her sword was defective. Her parents stopped her that instant. The next day, nasa archery class na s'ya. Kaya naman hanggang ngayon, bow and arrow ang weapons na gamay n'ya kahit magaling pa rin naman siyang swordsman.

Nabalik lang si Kam sa sarili mula sa kanyang pagbabalik-tanaw nang marinig ang biglaang pag-ingay sa paligid.

Napatingin siya sa grand staircase na nasa gitna ng lobby at nakita n'yang pababa roon sina Deus, Tiana, Auberon at Gaius.

Seryosong nag-uusap ang dalawang lalaki gamit ang mahinang boses. Ni hindi pansin ng mga ito ang mga tumitiling fans.

Si Auberon naman ay may sinasabi rin sa nakasimangot na Tiana.

"Ang gaganda talaga nilang tingnan. Parang mga models," dinig niyang sabi ng isang babaeng estudyante sa may 'di kalayuan.

Kam didn't disagree. Deus and Tiana had different aura than the Purebloods. Mapapatingin talaga sa kanila ang kahit na sino.

Pero hindi rin pahuhuli sina Gaius at Auberon. Sanay na si Kam sa etherial beauty ng mga Purebloods pero ang dalawang 'to kakaiba rin. Lalo na si Gaius. He looked so mysterious. He looked so magnetic. Isang tingin pa lang dito, parang gugustuhin mo nang mas makilala pa ito. Parang ang daming tinatago.

Napatigil ang apat sa harapan ng glass double doors at tumingin sa malakas na buhos ng ulan sa labas.

"Make it stop," Auberon whined to Deus pero umiling ang lalaki.

"I can't. This is not a normal rain," sagot ni Deus at sumimangot si Auberon.

Kumunot ang noo ni Kam. "Hindi normal rain? Eh, ano? Abnormal? May gan'on?" aniya sa kanyang isip.

"I'll call Cole. Hindi n'ya pwedeng pag-praktisan ang campus. Baka bahain tayo rito," naiiling na sabi ni Tiana saka kinuha na nga ang phone mula sa purse nito.

Lihim na napangisi si Kam. 'Yung purse ni Tiana ang original version ng bag ng babae kanina. Hinanap n'ya iyung babae at agad n'ya itong nakita. Nakasimangot ito habang nakatago sa likuran ang bag nito.

Napailing si Kam. Wala namang masama kung hindi maka-afford sa original. 'Wag lang magsinungaling. Paulit-ulit pa.

"Collier! Itigil mo na 'yan! Lalabas na kami ng Akademos. D'on ka sa gubat mag-practice!" malakas na singhal ni Tiana sa phone nito.

Si Cole pala talaga ang may kagagawan nito. Mas napi-pressure na talaga si Kam.

Then, the rain stopped. Parang iisang taong nag-cheer ang mga estudyante pero wala munang lumabas dahil nakaharang sa may pintuan ang apat na sikat na mga juniors. Maging ang mga seniors ay hindi kumilos.

Hindi nagtagal ay may narinig silang mga kalabog at pagdadabog mula sa second floor kaya napatingin silang lahat sa grand staircase.

Tila nag-slow motion pa sa paningin ni Kam ang pagbaba ni Cole kasama si Malik at muntik na siyang mapahalakhak nang makita ang itsura ng dalawa.

Parang mga basang sisiw. They were drenched!

Si Malik ay nakangisi habang nakaakbay sa nakasimangot na Cole.

Napatingin naman si Kam sa apat na naghihintay sa dalawang makalapit.

Si Tiana ay nakataas ang kilay, si Deus ay nakangiti, si Auberon naman ay napailing at si Gaius ay... wala. Wala itong reaksyon sa mukha.

"What happened to you?" ani Tiana na kumuha ng scarf mula sa purse nito. Ginamit iyun ng babae para patuyuin ang mukha ng dalawa.

Gaius opened the glass double doors at kasunod n'on ay ang paglabas ng anim. Dahil malapit lang si Kam sa pintuan ay sumunod na rin s'ya.

"Drizzle lang 'yung gusto ko, Deus! Drizzle! Ambon! Hindi bagyo!" narinig n'ya pang pagmamaktol ni Cole na may kasama pang pagkumpas ng mga kamay.

Natawa naman sina Deus at Malik.

"Don't fret. You'll get there. Ilang linggo pa lang mula n'ong nag-manifest ang psychokinesis mo. Give yourself time to learn how to use it," pampalubag-loob naman ni Deus sa nakababatang kapatid na mukhang disappointed na disappointed.

Achiever din si Cole, 'yun ang napansin ni Kam. Naiinis ito kapag hindi nito nagawa ang goal.

Tumigil si Kam sa gitna ng campus grounds kung saan siya napapalibutan ng Akadēmos sa likuran, Autorité sa harapan, Emporium sa kanan at Dormire sa kaliwa.

The ground was dry again. Parang hindi man lang sila binagyo kanina.

Ano ba ang magagawa n'ya para malampasan si Collier Bloodworth? Kapag kasi hindi s'ya mag-top one ay baka sunduin s'ya rito ng kanyang mga magulang at kaladkarin pauwi sa Chilakest.

Hindi n'ya pwedeng i-give up ang kanyang pangarap. She would become a Sentry. She had dreamed of it for years.

Sa ngayon, she would do anything to fulfill her dream. Collier Bloodworth would not... could not stop her.

***
@immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

112K 5.6K 47
Tiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fasc...
3.9M 138K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
9.5K 540 45
Infinito has become the top group of illegal street racers with the guidance of mentor Erie Illyria Vosslen. Under the organization named Les Voleurs...
21.5M 549K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...