LOVE Over MATTER (Mika Reyes...

By fuzzywuzzy05

30.6K 1K 243

LOVE knows no boundaries. It sees pass through physical appearance Eliminates Age off the equation Recognizes... More

PROLOGO
Capitulo Uno
Capitulo Dos
Capitulo Tres
Capitulo Cuatro
Capitulo Cinco
Capitulo Seis
Capitulo Siete
Capitulo Nueve
Capitulo Diez
EPILOGO

Capitulo Ocho

2.3K 86 25
By fuzzywuzzy05


Pasensya na po sa format at typos:)

----------
Enjoy Reading:)
----------

[Flashback]

"Baby you're all that I want

When you're lyin' here in my arms

I'm findin' it hard to believe

We're in heaven..."

Napangiti na ako bago ko pa man madilat ang mga mata. Ang sarap kasi magising na una mo agad maririnig yung boses ng mahal mo.

"Babe, gising na. Meryenda na daw tayo sabi ni Ate Wensh." ani Mika habang pinipisil-pisil ang pisngi ko.

"Hmm.." nagkunwari akong tulog pa rin sabay subsob ng mukha sa tiyan niya. Nakaunan kasi ako sa hita niya.

"Ay tulog pa rin? Tsk. Bukas na lang yung kiss mo pag nakauwi na tayo."

Dun na ko napamulat ng mata saka nagreklamo. "Pero nangako ka na pag nanalo ako sa laro namin ni Kim iki-kiss mo ko ng sobrang tagal."

Natawa si Mika saka pinisil ng todo yung pisngi ko. "Sabi ko na nga ba gising ka eh."

"Hoy mga bata, lumabas na kayo diyan!" sigaw ni Ate Mowky mula sa labas ng kubo. "Kanina pa namin kayo hinihintay dito! Mamaya na kayo maglandian diyan! Haha!"

Bumangon ako habang himas-himas ang pisnging pinanggigilan ni Mika.

"'Lika nga dito." sabi niya sabay hila sakin saka hinalikan ang pisngi ko ng napakatagal. "Yan. Wala na kong utang sa'yo ha."

"Yun na yun?!" di makapaniwalang sambit ko. I was expecting more!

Nginitian lang niya ako nang napakatamis saka tumakbo na palabas ng kubo.

---------------

"So kailan yung flight mo papuntang Malaysia, Ye?"

Napatigil si Mika ng pagsubo ng pagkain saka sinagot si Cyd. "Next week. Aattend lang ako ng opening ng hotel tapos uwi agad."

Napapalatak si Carol. "Nakow. May magdadrama na naman neto."

"May magiging 'loner' na naman next week." dugtong pa ni Kim.

Binato ko sila ng kinakain naming mani. "Ako na naman ang nakita niyo."

Ayun, mas lalo pa nila akong inasar at nakisali pa si Mika.

Pagkatapos naming magmeryenda ay humiwalay kaming dalawa mula sa barkada. Gusto ko kasing masolo yung girlfriend ko. Minsan ko lang kasi siya nalalambing pag nasa labas kami. Ngayon siguradong pwedeng-pwede na dahil kunti lang naman ang tao dito sa beach at nagkataon rin na sunset kaya maganda ang view.

Naglakad-lakad kami sa tabi ng dagat habang magkahawak ang kamay. Pumwesto rin kami sa malaking bato para panuorin ang paglubog ng araw, nakasandal lang ang ulo niya sa balikat ko habang nakayakap naman yung isang kamay ko sa likod niya. We we're both enjoying the moment when two girls came to us para magpa-picture daw.

"Uhm Ate, pwede magtanong?" sabi ng isa pagkatapos magpakuha ng litrato.

"Oo naman." sagot ni Mika. "Ano ba yung itatanong mo?"

Nagkatinginan pa yung dalawang babae na para bang kinikilig. "Kayo na bang dalawa?"

"Kasi ang sweet niyo pong dalawa eh." sabi pa ng kasama niya.

I wish I could answer 'yes' pero.. "No, hindi kami. Ganito lang talaga kami sa isa't isa. Nakasanayan na eh. Haha."

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ng dalawa nang magpaalam sila sa amin. Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Mika ng mahigpit.

Naramdaman kong humihikbi na siya kaya hinagod ko na lang ang likod niya saka inalo siya. "Baby, tama na yan. Napag-usapan na natin 'to di ba?"

I don't want to talk about the issue. Mas lalo lang kasing nalulungkot si Mika tuwing naiisip niya ang sitwasyon. Kaya ko naman magtiis eh, I can live with it as long as hindi siya mawawala sakin.

"Hindi ko maintindihan sina Daddy." her voice was muffled pero naiintindihan ko pa rin ang sinasabi niya. "Bakit di pa rin nila tayo tanggap? Hindi ba nila nakikita na dito tayo masaya?"

"Ssshhhh.." Lumayo ako ng kunti upang makita ang mukha niya. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang kamay ko saka kinulong ang mukha niya sa pagitan ng mga ito. "Someday they'll understand us. Makikita rin nila ang nakikita natin sa isa't isa. By that time, hindi na tayo kailangan pang magtago sa buong mundo. Kapit lang tayo babe ha?"

Tumango-tango siya saka niyakap ulet ako. Ibinaon ko lang ang mukha ko sa leeg niya at bumulong sa kanyang tenga.

"I love you so much, baby."

-------------

"Mom, we already talked about this.. yeah I know.. I have to go may dinner pa kami ni Ara.. Bye."

Tatawagin ko na sana si Mika para makaalis na kami pero naabutan ko siyang kausap ang Mama niya sa cellphone. Pagkatapos niyang magpaalam dito ay dahan-dahan ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likuran.

Naramdaman kong napabuntong-hininga siya kaya nag-alala ako. "Baby, what's wrong?"

"I'm sorry.." Kumalas siya sa pagkakayakap ko saka humarap sakin. "Pasensya ka na kung wala na kong oras sayo these past few days, di ko kasi maiwan yung resort dahil nasa Malyasia pa sina Kuya, di ko na tuloy napapanuod ang mga laro mo, di na rin tayo masyadong nagkikita."

I smiled at her saka pinisil ang ilong niya. "Okay lang yun sakin. Ang importante magkasama pa rin tayo ngayon. Alam mo bang miss na miss na kita? Payakap nga ulet."

Natawa na lang si Mika ng yakapin ko siya ulet nang mahigpit.

"Babe, makikitulog muna ako dito sa condo mo ha?" bulong niya.

"Talaga? Paano ba yan magulo yung guest room kaya mapipilitan kang matulog sa kwarto ko... nang katabi ako." sabi ko sabay ngiti nang nakakaloko.

She laughed then mahinang tinapik ang pisngi ko. "Ikaw ha. Madumi yang laman ng utak mo haha."

-------------

Nakahilata lang ako sa kama ko nang tawagan ako nina Kim at inayang gumala.

"Ayoko nga. Tinatamad ako." matamlay na sagot ko kay Kim sa kabilang linya.

"Kita mo 'to, umalis lang si Mika naging KJ na."

"Eh pagod nga ko. Minsan na nga lang ako makapagpahinga." pero sa totoo lang, wala talaga akong gana. Kaninang umaga ang flight ni Mika kasama ang Ate niya at hindi ko man lang siya naihatid sa airport kasi may driver naman daw sila.

Nanuod na lang ako ng T.V pero kalaunan ay nakatulog rin ako. Nagising na lang ako nang biglang may dumagan sakin.

"Babe?!" bulalas ko nang ang nakangiting mukha ng girlfriend ko ang bumungad sakin pagdilat ng aking mga mata.

"Hi babe. Gandang hapon sa'yo." she then kissed me that eventually led to a make out session. Well, hindi ko alam kung gaano kami katagal nagpagulong gulong sa kama habang naghahalikan. By the time we stopped to catch our breath, I was on top of her.

"How.." naguguluhan pa rin ako habang nakatitig sa kanya.

"I told Ate Aereen na hindi ako sasama. Alam ko kasing magdadrama ka na naman po." sabi niya saka pinisil na naman ang pisngi ko.

I know I'm smiling like a fool right now but I can't help it. I was expecting na magiging boring ang susunod na mga araw tapos nandito ngayon sa harapan ko ang nag-iisang babaeng nakakapagpaligaya sakin.

------------

"Are you sure?"

Desididong tumango si Mika. "Sigurado na ko. Pinag-isipan ko 'to babe. You know, 1 year na tayong may steady job then you even have your volleyball career. I mean, kaya na natin magdesisyon para sa mga sarili natin. So I have decided na."

"Babe, we don't have to hurry.."

"No, ito na ang tamang oras. Ilang taon nating tinago sa lahat ang relasyon natin dahil sa pamilya ko. I don't care what other people would say. Don't you think it's worth the risk?"

I held Mika's hands in between mine at hinalikan ang mga ito. Hindi ko makakaila sa sarili na ito yung hinihintay ko mula pa noon, na malaman ng lahat ang tungkol sa amin, yung maipagmamalaki ko siya sa buong mundo. Ngunit di ko rin maiwasang mag-alala sa magiging resulta ng gagawin namin. Pero kung ito ang desisyon ng mahal ko, then sino ba ko para tumutol?

*

*

*

*

Sa labas na kami kumain ni Mika. We were just enjoying our time together that night. Hating gabi na yata nang magdesisyon kaming bumalik na sa condo ko.

"Babe, I know another way. Doon tayo dumaan." turo ni Mika sa isang likuan nang ma-traffic kami.

"Sigurado ka, babe?" sulyap ko sa kanya bago binalik sa kalsada ang tingin.

"Yeah, I'm sure. Doon kami dumaan ni Cienney noon eh."

Sinunod ko ang tinuro niyang direksyon. Wala ngang masyadong dumadaang sasakyan roon. Tahimik lang din ang daan nang biglang may nakakasilaw na liwanag na lumitaw sa harapan namin.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Ang huli ko na lang na narinig ay ang nakakabinging banggaan.

*

*

*

*

"B-Babe.."

Pinilit kong imulat ang mga mata habang kinakapa si Mika sa tabi ko. Nahihirapan akong kumilos dahil may kung anong nakadagan sa mga paa ko. Sinubukan ko ring igalaw ang kaliwang kamay ko ngunit napangiwi lang ako sa sakit.

"Mika.." pabulong na lang din akong magsalita dahil wala na akong lakas. Sumasakit ang buong katawan ko at parang paulit-ulit na inuuntog ang ulo ko sa tuwing susubukan kong gumalaw.

Kahit malabo ang paningin ay pilit kong nilibot ang tingin sa paligid.

"M-Mika!" halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita si Mika na duguan at nakasubsob sa dashboard.

"B-Babe gising.." pilit kong inaabot ang sugatang kamay ni Mika. Di na rin ako masyadong makakita dahil sa luha. "M-Mika nandito ako.."

Pero hindi man lang siya gumalaw.

Paulit-ulit ko siyang tinatawag kahit garalgal na ang boses ko sa kaiiyak hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paningin ko.

[End of Flashback]

Halos paliparin ko ang kotse habang nagmamaneho pabalik sa condo unit ko. Ang tanging tumatakbo sa isipan ko ay ang makita ulet si Mika.

"Mika?!" tawag ko pagbukas ng pinto. Agad kong nilibot ang tingin sa buong sala pero hindi ko siya nakita.

"Mika?" tumungo ako sa kusina at verandah pero wala rin siya. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. Ayaw ko mang pansinin ang pilit na pumapasok sa isipan ko pero tila iyon ang pinapahiwatig ng tahimik na paligid.

"Mika!" Halos mapaos na ako sa paulit-ulit na pagtawag sa pangalan niya habang pabalik-balik na nililibot ang buong unit.

Napaluhod na lang ako sa tabi ng couch nang maalala ko ang sinabi niya sakin nang huli ko siyang makita kagabi.

"Goodbye, Ara.."

"N-No.." parang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig nang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang nangyayari. Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako habang nakalumpasay sa sahig.


----------
Thanks for Reading:)
----------

Continue Reading

You'll Also Like

42.8K 907 54
COMPLETED. #Wattys2016 Napapikit ako. Hindi ko kayang tignan. Naiiyak ako. Pero tama na. Dahil kahit umiyak ako walang ng mangyayari. Hindi na siya b...
381 76 22
The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle...
3.3K 163 12
Ian and Lea grew up together as best friends which means that nobody can tolerate his philanderings and asshole tendencies except her (she's not shy...
9.3K 393 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...