LOVE Over MATTER (Mika Reyes...

Par fuzzywuzzy05

30.6K 1K 243

LOVE knows no boundaries. It sees pass through physical appearance Eliminates Age off the equation Recognizes... Plus

PROLOGO
Capitulo Uno
Capitulo Dos
Capitulo Tres
Capitulo Cuatro
Capitulo Seis
Capitulo Siete
Capitulo Ocho
Capitulo Nueve
Capitulo Diez
EPILOGO

Capitulo Cinco

2K 73 10
Par fuzzywuzzy05

NOTE: Ito pong story ay isinulat at natapos ko November last year pa at naging inspirasyon ko sa pagsulat ng CROSSROADS kaya wag na kaung magtataka kung may mga pagkakatulad sa dalawang kwento. Hahaha.

--------
Enjoy Reading:)
--------

Hindi ko akalain na sa iisang unibersidad lang pala kami nagtapos at magka-batch pa. Siguro nakita ko na siya noon pero hindi ko lang maalala kaya malapit ang loob ko sa kanya.

Maaga akong gumising at  nagpaaalam kay Ate Cha, tulog pa kasi yung iba. Sinabi kong may emergency sa opisina. Pero hindi yun totoo. Napansin ko ngang napapadalas na talaga ang pagsisinungaling ko pero ano bang magagawa ko? Hindi naman sila maniniwala kung sasabihin kong may nakakausap akong magandang babae na multo.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ni Mika nang pumasok kami ng DLSU.

Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya yung nalaman ko. Gustong kong tignan ang reaksyon niya.

Hininto ko ang kotse sa isang parking space saka binalingan siya nang nakangiti. "Dito tayo nag-aral nung college."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Kinuha ko ang yearbook na hiniram ko kanina kay Ate Cha saka binuklat iyon at ipinakita sa kanya. "Ikaw si Mika Aereen Reyes. Graduate ng AB Psychology. Magka-batch pala tayo dito sa La Salle eh."

Unti-unting inangat ni Mika ang tingin mula sa libro. "A-Ako nga si Mika Aereen Reyes.."

"Naalala mo na?"

Dahan-dahan siyang tumango pero bakas rin sa mukha ang frustration. "Pero hindi pa rin malinaw. Parang naguguluhan pa rin ako."

"Ayos lang yan. Wag mong ipilit." marahan kong sabi sa kanya. "Mabuti pa mag-libot libot tayo dito. Baka makatulong sayo."

----------

Tahimik lang kaming naglalakad ni Mika sa hallway. Wala rin masyadong istudyante dahil sabado.

Naalala ko noon  na madalas akong dumaan sa hallway na 'to...

Habang tinitignan ko ang paligid parang namimiss ko nung college ako. Wala man akong masyadong maalala pa na mga kaganapan noon ay ramdam ko talaga na dito ako nanggaling, dito hinubog yung kakayahan ko sa paglalaro at minsan ko na ring ni-represent ang paaralang ito sa mga kompetesyon.

Naramdaman kong huminto sa paglalakad si Mika nang madaan kami sa malalaking portraits ng Lasallian Brothers. Tumigil siya sa harap mg larawan ni Bro. Wilson, isa sa maraming brothers na pumanaw na.

Tinabihan ko siya at tinignan rin yung portrait. "Familiar ba?"

Tumango siya saka hinarap ako. "Oo. Nakasalubong natin siya kanina eh."

Awtomatikong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Nagbibiro ba siya?

"Di ako nagbibiro no." sabi niya na tila nabasa ang iniisip ko. "Nag-smile pa nga siya sa atin eh. Di mo ba nakita?"

Umiling lang ako. Di pa rin kasi ako makapaniwala sa sinabi ni Mika. Saka nakakapangilabot kasi kaming dalawa lang naman ang kanina pa naglalakad dito tapos bigla niya na lang sasabihin na may nakasalubong pala kami. I know, multo rin si Mika pero iba kasi siya.

"Mabait yang si Bro. Wilson."

Muntikan na kong mapalundag nang may magsalita sa likuran ko. Nang lumingon ako ay may nakatayong matandang babae na may hawak na clipboard.

"Good morning po.." bati ko sa kanya.

"Istudyante ka rin ba dito?" nakangiting tanong niya sakin.

"Hindi ho. Alumnus na po ako."

Tumango-tango siya habang nakatingin pa rin sa portrait. "Marami talaga kayong bumabalik dito palagi. Namimiss niyo na ang DLSU no?"

Yumuko siya saka may kung anong kinuha sa ilalim ng portrait.

"Nandito na naman 'to." iling niya at inangat ang isang medal saka binalingan ako. "Di ko kayo masisisi kong tumatak talaga sa puso't isip niyo ang unibersidad na 'to. Maging ang mga pumanaw na ay di pa rin magawang umalis dito."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" magtatakang tanong ko sa kanya.

"Minsan kasi nakikita ko pa rin dito ang kaluluwa ng mga namayapa nang Brothers. Nasa paligid lang sila, parang binabantayan ang university. Haha. Minsan nga kinukuha nila yung mga gamit nila mula dun sa museum at nilalagay dito sa harapan ng mga portrait nila. Katulad na lang nito." sabay taas ng pinulot niyang medal kanina.

"Seryoso po?" di ko masasabing di ako naniniwala kasi ako mismo ay nakakakita ng multo, yun nga lang iisa lang nakikita ko. Pero bakit naman nandito pa sa La Salle ang mga kaluluwa nila? May hinahanap rin kaya sila tulad ni Mika?

"Hmm.. Alam mo kasi, ang kaluluwa ng mga namayapa na ay naiiwan sa mga lugar na huli nilang napuntahan o kaya sumasama sila sa mga bagay na mahalaga sa kanila."

Magtatanong pa sana ako nang bigla namang may tumawag sakin.

"Galang?"

"Coach Noel!" napangiti ako nang makita ang dati naming coach. Siya na ngayon ang head coach ng LS kasi focus na sa professional leagues at national team si Coach Ramil.

"Good morning, Mrs. Garzon." bati niya sa matandang babae. "Malapit na ho mag-start ang orientation ,mukhang napasarap pa ang usapan niyo dito ng dati mong istudyante ah. Haha."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Coach. Tinignan naman ako ni Mrs. Garzon mula ulo hanggang paa.

"Oo nga no. Hindi kita namukhaan kanina Ara Galang. Tsk, parang mas tumaas ka pa yata ah." nangingiting sabi niya.

Hala! Bakit di ko naalala agad? Si Mrs.Garzon yung Sports History teacher ko nung 2nd year.

Napakamot na lang ako ng ulo. "Di ko nga rin kayo namukhaan agad ma'am, parang bumata kasi kayo."

Ayon, napahalakhak tuloy si Coach Noel. Si Mrs.Garzon naman napapailing na lang habang pigil ang ngiti.

"Yaman din lamang na nandito ka Galang, eh iimbitahan na lang kita sa orientation, siguradong masusurpresa ang mga student athlete namin ngayon." aya sakin ni Coach Noel.

"Uhmm.." pasimple kong sinulyapan si Mika. Nakita kong ngumiti siya at nag-thumbs up sakin. "Sige po.. tatawagan ko lang yung assistant ko sa opisina."

Kung ilang ulet ko nang ginamit ang palusot na yun sa tuwing kakausapin si Mika ay di ko na mabilang. Nag-excuse muna ako saka pumunta sa corner. Kinuha ko ang phone ko at nagkunwaring may kausap habang kaharap ko si Mika.

"Paano ka? Baka maligaw ka dito?" tanong ko sa kanya.

Tumawa lang siya. "Hahaha. Di ba nga dito ako nag-aral noon? Paano ako maliligaw? Saka parang unti-unti nang nagiging familiar sakin ang paligid kaya wag mo na kong alalahanin."

"Eh paano tayo magkikita mamaya?"

"Hahanapin na lang kita." sagot niya sabay tapik sa pisngi ko.

-----------

Di ko maiwasang lingunin si Mika habang naglalakad kami palayo kanina. Kumaway-kaway pa siya sakin. Tama bang iniwan ko siyang mag-isa? Di ako mapakali habang nakaupo dito sa auditorium. Nagbigay rin ako ng mensahe sa mga student athletes kanina.

Ilang sandali pa ay natapos na nga ang orientation. Di naman ako agad nakaalis dahil ang daming nagpa-picture. Di rin ako nakatanggi nang ayain ako ni Coach na sumama sa training nila.

Binigyan ako ni Coach ng bagong uniform ng LS para gamitin ko daw sa paglalaro. Pagtapak ko pa lang sa loob ng gym ay parang nag-flashback sakin yung panahon na nagt-training pakami dito.

"Girls, yung receive niyo! Ayusin niyo!" rinig kong sigaw ni Coach Ramil mula sa gilid.

Finocus ko na lang ang atensyon ko sa paparating na bola.

"Guys, ako na bahala."

Napatingin ako sa tabi ko. Si Cienne pala.

Agad ring kinuha ni Kim ang atensyon namin. Sinenyasan niya kami mula sa harap.

Si Cienne ang sumalo ng bola, sinet ni Kim kay KimDy pero nasalo naman ng kabila kaya na-set ni Ate Mowky. Akala namin si Des ang papalo, yun pala combination play. B-quick pala kaya wala sa amin ang naka-dig ng bola. Basta talaga si...

Natigilan ako nang mapatingin sa bandang bench. Andun si Majoy sa bench katabi ni Ate Aby at nagchi-cheer. Eh sino pala yung nag-quick eh ka-team ko si Aduke at Carol?

Nang ibalik ko ang tingin sa kabila ay nakatalikod na sila mula sa amin at mukhang nagha-huddle. Lalapitan ko sana sila nang may tumapik sa balikat ko.

"Ara, handa ka na ba?"

Nahimasmasan ako nang makita si Coach Noel. "Ah O-Oo, Coach."

"Naku, pasensya ka na talaga sa abala ha. Idol ka kasi ng mga alaga ko kaya ni-request talaga nila na makalaro ka." napakamot na lang siya ng ulo habang nagpapaliwanag.

"Ayos lang, Coach. Namiss ko na rin maglaro dito eh.”

------------

Isang oras rin yata akong nakipaglaro kasama ang LS. Nakipagkulitan rin ako sa kanila kasi yung iba naabutan pa ko noon. Konting kwentuhan lang saka agad na rin akong nagbihis at nagpaalam. Paglabas ko ng gym ay agad kong nakita si Mika na nakaupo sa sahig sa gilid at nakapatong ang noo sa mga tuhod.

"Mika?" agad ko siyang nilapitan at lumuhod sa harapan niya. "Anong problema?"

Hindi niya ako sinagot. Tinakpan lang niya ng mga palad ang mukha at tuluyan nang humikbi.

"Naalala ko na ang lahat..."

----------

Kung pwede ko lang siyang yakapin ay kanina ko pa ginawa. Kahit hindi siya kumikibo ay alam ko namang tahimik siyang umiiyak. Walang umiimik sa amin habang nasa biyahe. Tanging tango lang din ang sinasagot niya sakin sa tuwing tinatanong ko siya.

Napaisip ako kung tama ba na dinala ko siya sa DLSU? Akala ko kasi ay makakatulong sa kanya pero sa kalagayan niya ngayon ay parang mas mabuti yatang di ko na lang siya dinala dun. Sana di ko na lang siya hinayaang mag-isa, naalalayan ko sana siya nung bumalik na ang mga alaala niya.

Marahil ay biglaan ang pagbalik ng mga ito kaya hindi niya inasahan. O di kaya ay masyadong masakit ang mga alaalang iyon at siguro ay dapat na ngang ibaon sa limot.

Pagdating namin sa condo ko ay nakatulala siyang umupo sa couch. Tatabihan ko sana siya nang bigla namang nag-ring yung phone ko.

"Hello 'Te Kim?" sagot ko dito.

"Bakit ang aga mong umalis? Di ka man lang nagpaalam samin."

"Eh biglaan yung sa office kaya kailangan kong i-address agad." pagsisinungaling ko.

Pumalatak si Kim sa kabilang linya. "Tsk! Trabaho nga naman. O siya sige, chineck ko lang kung di ka pa nalunod sa mga paperworks mo diyan. Haha."

"Haha. Baliw!" ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ako kay Kim. Nang ibalik ko ang tingin sa couch ay wala na roon si Mika.

Bigla na naman akong kinabahan. Akmang tatawagin ko siya nang maalala ko ang sitwasyon. Siguro kailangan niya munang mapag-isa ngayon.

-----------
Salamat sa Pagbabasa:)
-----------

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

687K 11.3K 59
For two years no Alyssa Valdez and Dennise Lazaro on the volleyball scene, in their friends life and in each others life. Nobody knows what happened...
45.2K 1.4K 33
WAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]
18.7K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...