Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 32

35.7K 1.1K 198
By RinkakuMayo

Gale's POV

"Meron ba kayong kanta diyan na makabasag puso? Ha? Ha?" Aria said while crying. Naikwento na sa akin ni Tyrone kung bakit nagkakaganito si Aria and to be honest, I pity her. Pakiramdam ko ay iiyak na rin ako any minute by just watching her crying.

"Hindi ba uso ang mga kanta dito, ha? Wala ba dito 'yong pusong bato? 'Yong ganito, 'di mo alam dahil sa'yo ako'y di makakain. O kaya 'yong kanta ng Aegis, 'yon bang ang halik mo, namimiss ko? Pwede rin naman 'yong kanta sa Frozen, 'yong let it go, let it go, can't hold it back anymore? Wala ba kayong mga gano'n na kanta dito, ha?" Nakatingin lang kami sa kaniya habang patuloy siya sa pag-iyak at pagkanta. We all know na kailangan niyang ilabas ang sama ng loob niya para mabawasan 'yong pain na nararamdaman niya.

"Wala man lang kayong alak dito? Alam niyo kasi sa mundo ng mga tao, alak ang karamay ng mga tulad kong sawi. 'Di ba, Tyrone? Wala ba sila no'n dito?" she said. Of course alam namin ni Derreck ang alak na tinutukoy niya dahil kami ang nagsilbing Zana nila sa mundo ng mga tao. Pero dito kasi sa Elemental World, walang gano'n.

"Jusko! Ano ba naman itong ini-emote ko. Dapat nga ay maging masaya ako, 'di ba? Kasi hindi ako mamamatay agad. Dapat nga ay magpa-fiesta pa ako 'di ba? E bakit mukha akong nagluluksa?" This time, Tyrone hugged her.

"Stop crying, Aria. Tahan na," he said. Ako, hindi ko na rin napigilan ang umiyak.

"Magiging okay din naman ako, 'di ba? Hindi naman tatagal ang pag-iinarte ko na 'to e. Makakamove-on din naman ako. Tama naman ako, 'di ba?" This is what I like with Aria. Masyado kasi siyang bubbly at talagang masayahin siyang tao. Kahit na nasasaktan na siya ay nagagawa niya pa rin ang magbiro at maging positive.

"You'll be fine, Aria. Someday, you will," I said while wiping my tears.

"Ay jusme! Bakit ka umiiyak Gale?! Sino'ng talipandas ang nagpaiyak sa'yo, ha?" she muttered before she hugged me.

"Ramdam kita, Gale pero dapat, tayong mga magagandang babae ay hindi nagpapaapekto. Pasasaan ba't magiging okay din tayo. 'Wag kang mawalan ng pag-asa lalo naman nang 'wag na 'wag kang mawawalan ng ganda. 'Yan ang tanging susi natin. Okay?" Hindi ko na napigilan ang matawa sa sinabi niya. Even Tyrone ang Derreck started to laugh. Seriously?! Broken hearted siya diba? How can she manage to talk like this?

"Ang taray! Kanina lang ay ang lulungkot ninyo tapos ngayon ay galak na galak na kayo. Anmeron?" She confusely asked and we doubled in laughter.

"Prinsesa Aria, ang lakas mong magbiro!" Derreck said while laughing so hard which makes Aria's brows to knot.

"Nagjoke ako?" she asked while looking at me. This girl is really unbelievable!

"Haynako! Tumigil nga kayo sa kakatawa diyan. Aba, nag-iinarte ako ngayon. Damayan niyo naman ako hindi 'yong ganyan kayo. 'Wag kayong magalak sa kasawian ko. Sabi sa bible, makigalak kayo sa mga nagagalak at siyempre ang kabilagtaran no'n ay makiluksa kayo sa mga nagluluksa," she said and even if she didn't crack a joke, we still laugh.

"Kaloka kayo!" she hissed. Ilang minuto pa yata ang lumipas bago kami tumigil sa kakatawa.

"Prinsesa Aria, magiging okay ka rin. Alam namin at sigurado kami diyan. Marami na rin naman sa Elemental people ang dumaan sa ganyan but still, okay na sila ngayon," Derreck said. Bigla akong napatingin kay Tyrone. He's currently holding Aria's hand.

"Hoy Tyrone, ano 'yan?" I said while pointing their hands.

"Oo nga Ty, ano ito? Holding hands while crying ang peg?" Aria asked and for the nth time, we laughed. Holding hands while crying?! Aba matindi!

"Pasensya na," Tyrone replied before he let go of Aria's hand.

"Nako, umamin ka nga sa akin Tyrone. May pagnanasa ka ba sa akin?" she asked. Aba! Pagnanasa talaga ang ginamit niyang term? Baliw talaga ang babae na 'to.

"Para sabihin ko sa'yo Tyrone, 'di ko ugali ang manggamit ng ibang tao para lang ipamukha sa kalahating bwisit at kalahating timang na Fire na 'yon na okay na ako. I am so sorry," she added but Tyrone just chuckled.

"Ang bongga. Binasted na nga kita tapos nagagawa mo pang tumawa?" Aria said while crossing her arms in front of her chest.

"Kasi kahit naman bastedin mo ako nang paulit-ulit, hindi pa rin ako titigil sa pagmamahal ko sa'yo," Tyrone said. Whoa! What is the meaning of this?!

"Boom iyak! Natouch naman daw ang fallopian tube ko sa banat mo Tyrone," she replied before she laughed so hard.

"Fallopian tube talaga, Aria?" I asked but she continued to laugh. At least, tumatawa na siya. She doesn't deserve to cry and to be sad.

"Kaloka! Hoy, Tyrone, nagbibiro lang ako ha? Baka naman ma-offend ka diyan?" she muttered before she hugged Tyrone. Bagay sila.

""Wag mo akong niyayakap nalang bigla, Aria. Baka mamaya ay isipin ko na rin na may gusto ka sa akin. Assuming pa naman ako," Tyrone said. Natawa nalang kami ni Derreck sa sinabi niya.

"Grabe Tyrone, ang lakas mo bumanat kay Prinsesa Aria ah? Baka bigla ka nalang hanginin diyan?" Derreck said while laughing.

"Kung kay Aria naman ako hahanginin, why not, 'di ba?" he said while grinning at Aria.

"Tatumbling na ba ako Ty?" Aria asked before she laughed. "Nakakaloka ka. Tigilan mo nga 'yang mga banat chorvaness mo. Broken hearted ako ngayon. Under recovery pa ang puso kong wasak na wasak kaya no space for banat pa siya," she added with a smile. A real one.

"Kaya nga nandito ako e. If there is a breaker, of course there's a fixer. And for your information, Princess Aria, I'll fix your broken heart," Tyrone replied. Parang ganito 'yong mga pinapanood ni Aria noon sa mundo ng mga tao.

"Gale, bagay sila 'di ba?" Derreck whispered and I nodded my head. They look good together. Kung hindi pwede sina Fire at Aria, I am sure that Tyrone can love her even more.

"Jusko naman Tyrone, ilang galon ng mais ang nilaklak mo?! Ang bongga mo bumanat ha? Havey kung havey!" Aria said while playfully hitting him.

"Unless, the breaker of your heart is still the fixer of it. Wala na akong magagawa doon," he mumbled with a weak smile. Okay, this is awkward. Dapat yata ay silang dalawa lang ang mag-usap tungkol dito.

"Derreck, bumili na muna tayo ng pagkain sa Cafeteria," I said and looked at Derreck. Thankfully, he easily understood what I wanted to say.

"Oo nga. Dito na muna kayo, Tyrone," Derreck said before he pulled me out.

Aria's POV

Hala. Iniwan kami nina Gale? Ano'ng meron?

"Aria," Tyrone called my name. Agad naman akong humarap sa kaniya and I gulped when he's looking at me intently. Ay hala! Anyare sa'yo, Tyrone?!

"May problema ka ba Ty? May sakit ka ba?" I asked. Jusme! 'Wag na 'wag sasabihin sa akin ng isang 'to na totoong in love siya sa akin dahil talagang magpaplanking ako sa harapan niya habang may hawak akong karatula na may nakasulat na, say no to stress! Aba! 'Di na kakayahin ng uterus ko ang panibagong stress!

"Wala. I just want to say na lagi lang akong nandito para sa'yo, Aria. You can always count on me," he said before he smiled at me. Ay ang taray! Parang kanta yata 'yon ah?

"'Di ba kanta ni Bruno Mars 'yan? You can count on me like one, two, three? 'Yon 'di ba 'yon?" I said but he just laughed. Ang bongga talaga. Hindi naman ako nagjojoke pero tinatawanan niya ako. Dapat na ba akong mainsulto?

"Alam mo, nasasaktan ako na makita kang nasasaktan Aria. I know what you are feeling but on the other hand, masaya ako kasi malaki 'yong chance na pwedeng maging tayo," he said. Ano raw? Minsan nababahala ako kapag kausap ko si Tyrone. Ang seryoso niya kasi kaya parang nakakatakot mag-joke dahil baka bigla na lang niya akong sapakin.

"Kalimutan mo na si Fire." Walanjo! Kung magsalita naman ang isang 'to ay parang ang dali lang na kalimutan si Fire e. Pero sabagay, dapat nga siguro ay kalimutan ko na ang kahibangan ko sa kaniya. Mahirap naman na 'yong lagi na lang akong mag-eemote e hindi naman ako artista. Baka imbes na hangaan nila ako na pasok sa banga ang drama skills ko ay baka pagtawanan pa nila ako at bigyan ng title na A girl who can't be moved. Ay ang taray no'n!

"Tara na, Aria. Ihahatid na kita. Malapit na rin dumilim." Tinitigan ko muna si Tyrone na kasalukuyang nakatayo sa harapan ko at inooffer ang kamay niya sa akin.

"Tyrone," I said and he smiled at me.

"Bakit, Aria?" he asked. Tumayo ako saka ko siya niyakap then I said,

"Thank you for being here." Naramdaman ko na niyakap niya rin ako. Bakit ba parang napaka-comforting na act kapag niyayakap ka ng isang tao? 'Yon bang pakiramdam mo, safe ka at may karamay ka. 'Yong pakiramdam na sa simpleng yakap lang, parang sinasabi no'n sa'yo na magiging okay din ang lahat.

"Be strong, Aria. Kapag mahal mo na ako, sabihin mo agad at sasagutin na kita." Biglang nasira 'yong dramatic mood na naiisip ko dahil sa sinabi ni Tyrone kaya binatukan ko siya. Matindi ang lalaking 'to.

"Grabe Ty! May tinatago ka pala diyan sa kasuluk-sulukan ng thyroid gland mo na kakapalan ng mukha? Kaloka ka!" I hissed but then, he just laughed.

"Joke lang. Pinapatawa lang kita." Ako ang pinapatawa niya pero siya itong tawa ng tawa? 'Yong totoo?

"Ihatid mo na nga ako!" I said before I walked away pero siyempre dahil isa akong magandang elemento, hinabol ako ni Tyrone pero tinakbuhan ko lang din siya. Seriously Aria? Anong pinaglalaban mo? Naglalaro ba kayo ng habul-habulan?!

"Hoy Aria! Sandali!" he shouted tapos bigla siyang sumulpot sa harapan ko e sakto nga na tumatakbo ako ayan tuloy, nagkabanggaan kami at natumba siya tapos ang epic pa ng pagkakatumba namin kasi nasa ibabaw niya ako. Pero pinaka-epic pa rin ay noong nakita ko sina Fire at Nuraya na nakatingin sa amin. Ano naman ang epic doon? Hayaan mo silang dalawa, Aria!

"Are you okay?" Tyrone asked. Tumayo na muna ako bago ako sumagot sa kaniya.

"Okay lang ako, Ty. Bakit ka ba kasi nagteleport?! Ang daya mo naman e," I said pero nakatingin ako ngayon kina Fire na kasalukuyang naglalakad. Hindi man lang magkaholding hands?! Ano daw 'yon? 'Di ba mag-jowa na sila? Psh! Bakit ko ba sila pinoproblema?

"Ang bilis mo kasing tumakbo kaya nagteleport na ako. Tara na?" Tyrone said before he held my hand and pulled me with him.

Fire's POV

"Fire? Nakikinig ka ba?" I was pulled out from my thoughts when I heard Nuraya.

"Ano nga 'yong sinabi mo?" I asked but she didn't answer. Instead, she looked to where I was looking a while ago.

"Kaya pala hindi ka nakikinig kasi nakatingin ka kina Aria. They look good together," she said. There's a part of me that stings noong sinabi ni Nuraya na bagay sina Tyrone at Aria. Napatingin na lang ulit ako sa kanilang dalawa na kasalukuyang naglalakad habang magka-holding hands. Kung ang gusto ko lang ang paiiralin ko, kanina ko pa sinugod si Tyrone at kinuha ang kamay ni Aria paalis sa kaniya. Pero alam ko naman na wala akong karapatan na gawin 'yon. Tuluyan nang nawala sa paningin ko sina Aria at Tyrone dahil pumasok na sila sa dorm namin kung saan sigurado ako na ihahatid ni Tyrone si Aria.

"'Yong sinabi mo kay Miss Shebah kanina, totoo ba 'yon?" she asked. Hindi 'yon totoo. Sinabi ko lang 'yon kay Shebah para hindi na niya pag-initan si Aria. Ayaw kong maging komplikado pa ang sitwasyon namin. Aside from that, alam ko na mangyayari ang lahat ng sinabi ni Miss Hera sa amin kapag pinagpatuloy pa namin ni Aria ang kahibangan namin.

"Sorry, Nuraya. Sinabi ko lang naman 'yon kasi--"

"It's okay. Naiintindihan ko naman kung bakit mo 'yon nasabi. But Fire, tell me, sigurado ka na ba na kakalimutan mo na ang pagmamahal mo kay Aria?" Her question caught me off guard. Hindi ko alam kung kaya ko bang kalimutan 'yong pagmamahal ko kay Aria lalo na't three years kaming magkakasama dahil magkagrupo kami.

"I don't know. Siguro kusa naman 'yong mawawala balang araw," I said. Ngumiti lang si Nuraya sa akin. She's beautiful pero wala pa ring tatalo sa ganda ni Aria. She looks so lovely when she smiles pero si Aria, parang nakakalimutan ko yata lahat once na ngumiti na siya. Si Nuraya, she's a kind person but Aria is the kindest. Wait, why am I comparing them all of a sudden?!

"Mahihirapan kang kalimutan si Aria. She's different. Parang nakakatakot siyang mahalin kasi once that you started to love her, mahihirapan ka nang kalimutan 'yon. Base sa nakikita ko sa'yo, totoo ang mga sinasabi ko," she's right. Ibang-iba si Aria sa lahat ng elemental people na nakilala ko.

"Okay lang sa akin kung paniniwalain natin sila na tayo nang dalawa. But atleast, be honest with yourself, Fire. I'm saying this as your friend and not as someone who's in love with you. Paano ba 'yan, it's getting late. See you tomorrow!" she said before she disappeared in front of me. Ano ba'ng sinasabi niya? Is she telling me to pursue my forbidden love for Aria?

Wala ako sa sarili ko na nagteleport. I was expecting na sa mismong kwarto ko ako mapupunta but then, I didn't.

"Ay kabayo! Fire?!" Shit! Napunta ako sa kwarto ni Aria! Come on, Fire! What the hell are you thinking?!

"Hoy anak ni Fuego, pwede ba na umalis ka na dito sa kwarto ko? Baka gusto mong isumbong kita sa mga elemental heads? Trespassing itong ginagawa mo!" she said pero hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kaniya ngayon. Why is that, seems like she cried so hard? Medyo namamaga ang mga mata ni Aria ngayon.

"So ano 'yan? Pipi ka na ngayon? Nako naman, Fire. Bumenta na 'yang drama mo na ganiyan. Baka naman may iba ka pang alam na drama spiels? Psh! Alis na!" she said. Instead na mainis ako sa sinasabi niya, I just smiled.

"Ay nakakaloka. Pinapalayas na nga kita sa kwarto ko tapos nakangiti ka pa rin? Ano ba'ng nangyayari sa mga tao sa paligid ko?" she asked and I just smiled widely.

"Seryoso ako Fire. Ano ba ang ginagawa mo dito ha?" Lumapit sa akin si Aria.

"'Wag mong sabihin sa akin na hindi mo alam na dito ka mapupunta? 'Di ba sabi mo sa akin noon, hindi ka dadalhin ng teleportation mo sa lugar na hindi mo iniisip? 'Di ba?! So ano? Iniisip mo ako?" I want to answer, Always but I just remained silent. She continued to walk towards me. I gulped when I looked at her lips.

"Lumayo ka nga, Aria," I said before I looked away.

"Aba loko ka pala e. Kwarto ko 'to, ikaw itong engot na nag-aanyong kabute na bigla na lang susulpot dito tapos ako pa ang palalayuin mo?!" she hissed. This time napatingin na ako sa mga mata niya. She's arching her brows and yet she still looks so beautiful.

"Ano ha? Psh! Umalis ka na nga dito. Baka mamaya malaman pa nina Kai na ginagawa mo nang park ang kwarto ko na feeling mo ay 24/7 na bukas para sa presensya mo," she muttered before she walked away and seated on her bed.

"Fire, magkaliwanagan nga tayong dalawa. Utang na loob naman. Nagmomove on ako tapos ikaw naman itong palagi na lang umeeksena. Magtulungan naman tayong dalawa, okay? 'Wag ka namang sira-ulo na bigla na lang susulpot sa harapan ko habang pinagsisiksikan ko sa pancreas ko na magmomove on na ako at kakalimutan ko na 'yong naunsyami nating forever!" Nakangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Akala ko maaabutan ko siyang umiiyak. Akala ko pa naman, makikita ko siyang nasasaktan kasi kami na ni Nuraya. Pero masaya ako na makitang determinado na siya sa pagmomove on. I should do the same.

"I'm sorry. I was consumed with so much thoughts a while ago kaya dito ako napunta. Pasensya ka na. This will be the last time na susulpot ako dito," I said. She stood up and faced me again.

"Ganyan nga. 'Wag ka nang pupunta dito sa kwarto ko. Isipin mo na lang kung ano'ng mararamdaman ng girlfriend mo kapag nalaman niya na ang boyfriend niya ay nang-iinvade ng privacy ng ibang tao. Baka makipagbreak sa'yo agad niyan si Nuraya. Naiintindihan mo ba ang gusto kong sabihin, ha?" Sasagot na sana ako kay Aria but then my eyes are fixed to someone who just suddenly popped inside Aria's room.

"Aria," he said but instead of looking at Aria, he's looking at me.

"Tyrone?!" Aria exclaimed. Ano ba'ng ginagawa ng isang 'to dito?

"Teka, ano'ng ginagawa mo dito? At aba, nagteleport ka rin?! Ay nakakaloka na talaga ito. Ano'ng akala niyo sa kwarto ko? Pasyalan? Daanan? Tambayan? Jusko! Wala na ba akong privacy? Kumukulot ang bangs ko sa mga kalokohan ninyo, alam niyo ba 'yon?! Ano Ty--" Aria wasn't able to finish what she's about to say and my heart has been ripped and broken into smaller pieces. Gustong-gusto kong suntukin si Tyrone. Gusto ko siyang sunugin sa mga oras na 'to. Gusto kong kunin ang kamay ni Aria at ilayo sa kaniya but all I did was to disappear when Tyrone pulled her closer to him and shut her mouth with a kiss.





Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 95K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
5.9M 202K 149
Guillier Academy is not your typical school. Hindi ito gaya ng ordinaryong eskwelahan na nakafocus sa academics and sports but it focus on enhancing...
8.4M 33.8K 8
This is my first story. Don't expect too much. Marami pong grammatical error at mga typo. Salamat. 😊 *** Highest ranking achieved: #1 in Fantasy By:...
1.1M 29.9K 75
[Trinnity High 1st Series] Madness lies within us all. Welcome to Hell.