love After Hatred (love me mr...

By hottttiiiiee

444 25 1

Sino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11

CHAPTER 3

27 3 0
By hottttiiiiee

Persecutor duty

Napabuntong hininga ako ng kaharap ko na naman ang mga papeles. Ano nga ba ang sunod na kaso ko ngayon?. Madaming kliyente ang lumalapit ngayon sa firm na pag aari mismo ng mommy. Pero si auntie ang my hawak nito ngayon at di magtatagal ay mapapasakin na. Isang taon na lang talaga. Hehe

My isang case akong binabasa ngayon at dito ako interesado. Attempted murder ang sinusulong nito. Kinse na ang biktima at lalaki. Tinitingan ko ang medeco legal nito dahil may hindi tama akong nakikita. Mayaman ang isang ito. Isa siyang dela costa kaya naman my mali talaga.

Tinitingan ko din ang picture ng naging crime scene. Bakanteng lote iyon at medyo malabo ang witness. My mga bakas ng dugo sa sahig at nandoon ang ginamit na patalim malapit sa matataas na ligaw na damo. Nanliliit ang mata ko habang sinusuri ang mga larawan at dokumento na nasa harap ko. Sa isip ay bumubuo na ako ng tatlong posibilidad na nangyari base sa position ng mga gamit at impormasyon na naroon pero my mali talaga diko maunawaan.

Nakagat ko ang ballpen ko at napabuntong hininga ng malaman ko kung anong mali rito. At hindi ko alam kung ano ang tama. Parang tama na mali. Pero natigil ang pag iisip ko ng kumatok ang sekretarya ko

"Ma'am nandito na po ang mga dela costa" ani nito at nginitian ko siya

"Sige papasukin mo" sagot ko at itinago ang mga larawan at. Pinatas ang mga documento sa aking tabi. Tumayo ako ng pumasok ang mga ito saka kinamayan at tinanguan

"Good morning. Its my pleasure to meet you all" nakangiting ani ko matapos kamayan sila.

"Good morning attorney " malugod na ani nila na sinuklian ko ng ngiti at tango

"Have a sit" ani ko. Tatlo silang narito. Isang ama, ina at anak. Napangiti ako aa loob loob ko. Napaka perpekto nila kung titingan

"Ano ho ba ang idudulog ninyo" panimula ko sa usapan. At doon ay kwinento na nila ang pangyayari at gusto nilang mangyari. Mahirap ang kakalabanin nila at napangiwi na lang ako. Bawat salita na binibitawan nila ay my ka ignorantehan. Halatang matapobre ang ginang at mayabang ang asawa. Wala namang kibo ang anak nila na my benda pa sa braso at my sugat at pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Bakit dika sumasabat totoy?? Ikaw ang biktima hindi ba??... pero pede ngang biktima ka. O suspect? uhmm ano nga ba

"Gusto kong makulong--"

"Kakausapin ko ho muna ang kabilang partido. Titingan ko ho muna kung susuko na habang maaga palang" pagputol ko sa sasabihin ng ginang ng di ako makatiis. Narurumaring ako sa kagaya nila. Naiinis ako at pinipigilan ko lamang iyon. Ramdam ko ang pag kuyom ng kamao ko sa ilalim ng lamesa.

"Oo nga mas mabuti kung susuko na agad sila attorney" sabad nung ama ng biktima kuno. Pinasadahan ko ng dila ang labi ko. Kapirangot lang talaga ang pasensya ko sa mga taong nagpapangap na biktima. Subalit Nag usap pa kami ng medyo may katagalan at ganon na nga lang ata kahaba ang aking pasensya upang masakyan pa sila.

Diko gaano napagtuonan ng pansin ang sinasabi ng mag asawa dahil sa pagoobserba sa binata. Medyo balisa ito. My kung anong kinatatakutan ito base sa expression niya

Tinaptap ko ng dahan dahan ang armchair ko. Napapa kagat sa labi ko.Maaring truma siya sa nangyari..... may pagkakahawig ang expression niya sa mga tao na natrutruma pero my iba. Takot siya ngayon at yon ang sigurado ko. Dahil ba sa alam niya ang pagkakamali niya o..

Hindi kaya naman takot talaga siya pero dahil yon sa kasama niya?... Palihim kong pinagmasdan ang ginang at asawa nito. Tila wala akong marinig sa kanila. Tanging buka ng bibig lang nila ang aking napapag aralan. Pati narin ang gestures ng matapobreng donya ay nagsasabing mapangabuso siya. Tsk

Makailang saglit pa y tumayo na sila para makapagpaalam "inaasahan ko ho talaga kayo persecutor Gumban. Salamat po. Kailangan napo namin umalis my appointment pa ho kasi kami ngayon"

Tumayo ako at tumango sa kanila. Kinamayan ko ang mga ito saka ngumiti ng peke "Sige ho. Salamat din ho" nginitian ko ang mag asawa at muling bumaling sa binata "Uhm by the way mr. At mrs. Dela costa Gusto ko ho makausap ang anak ninyo na kami lang dalawa. Sandali lamang naman ho ito. My ilang impormasyon lang akong kailangan na malaman sa kanya. Kung maari lang po" aniko at ngumiti naman sila ng malawak.

"Oho sige persecutor Gumban" malugod na ani niya. Tila ba galak na galak sakin. Nadilaan ko ang labi ko. Pero nagawa ko padin ang ngitian sila.

"Salamat persecutor. Aasahan ka po namin. Mauuna na po muna kami" ani ni mr dela costa ang asawa naman nito ay bumaling sa anak at hinalikan sa noo. Diko alam kung bakit biglang mas naging balisa ang binatilyo imbes na kumalma ito sa halik ng ina "Every thing will be fine baby haa. Just listen to her huh?" ani ng mommy nito sa kanya. Tumango naman ang binatilyo

Makailang saglit pa ay iniwan na nila kami. Inayos ko muna ang coat ko saka pormal na tumayo at lumipat sa upuan na kinauupuan ni mrs. Dela costa kanina. Sa upuang katabi ng kanang bahagi ng aking lamesa at nasa kaliwa niyon ang binatilyo na nagkukutkot ng kanyang kuko sa harap ko.

Di agad akong nagsalita at sinuri ko muna ang kabuoan niya. Hindi agad matali ang mata niya kakaiwas saking titig. Nanatili siyang nakatungo at kinukutkot ang sariling daliri. Pero napangiwi ako ng mapansin na nasusugatan na siya dahil doon. At ngayon ko na kumpirma na tama ang hinala ko tungkol sa tunay na nangyari.
May disorder ang bata.

"Sabihin mo... Ang kaibigan mo ba ay sinaktan ka?" Panimula ko at pinagsalikop ang dalawang kamay ko saka seryoso na tumitig sa kanya. Natigilan naman siya at agad na namawis ang muka niya.

"O-oo y-yon na ang s-sinabi ni mie kanina diba" ani nito na balisa talaga. Diko tuloy alam kung papaanong pakakalmahin siya. Napaglapat ko ang labi ko sa sagot niya. Siguro ay Delikado ang tanungin ko siya ng tanong na mas makakapag triggered sa pagkabalisa niya. Baka bigla ay mag amok siya

"Sa paanong paraan ka niya sinaktan?" Tanong ko at nakita ko ang panginginig ng kanyang labi tila ba my gusto siyang sabihin pero hindi niya ma voice out yon. Inabante ko naman ang silya ko papalapit sa kanya saka hinawakan ang kamay niyang nanginginig. "Kakampi mo ako" ani ko at natigilan Maging ang panginginig niya. Namuntawi ang katahimikan sa pagitan namin tila ba pinagaaralan niya ako. Ngumiti ako sa kanya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa magkasiklop niyang kamay. Ng matapos akong masuri ay muling nanginig ang labi niya at namula ang mata niya.

"Si mieee. Si miee si miee.." anas nito na magkakasunod at di na madugtungan dahil sa takot na mababasa sa buong pagkatao niya. Nagtiim ang bagang ko. Ang batang ito...

Sa crime scene ay may bakas ng dugo sa semento at halatang kaliwang kamay ang gamit ng tunay na suspect ayon sa posisyon ng mga bakas ng dugong naroon. Pero ang biktima ang kaliwete. Mula naman sa medico legal ay ang mga pasa sugat at galos ng biktima ay isang linggo na pero apat na araw palang ang nakaraan mula ng ma attempted murder kuno ito. Yung saksak din ay tila ba gawa ng mismong kamay niya dahilan para magkaroon din ng hiwa ang hintuturo niya dahil sa pwersa ng kitchen knife na ginamit. At malnutrition ang batang ito.

Wala sa sariling niyakap ko siya. Bigla ay kumalma siya. Ang takot niya ay diko man nakikita ay parang nawala naman. Bigla na lang din itong umiyak. "Persecutor.. tulungan mo ako" ani nito.

NATAPOS ang araw ko sa isang simpleng dinner na mag isa. Di na naman dumating ang magaling kong asawa. Kasalukuyang nakaupo nako sa table ko at my inaaral na kaso. Ito padin yung sa mga dela costa. Kanina ay wala akong nagawa kundi ang pakalmahin ang binatilyo na iyon at mangakong tutulungan siya. Kailangan ko lang ng konting ebidensya. Konting konti lang talaga at dederetso sa DSWD ang mag asawang yon.

Muli kong pinagaralan ang testimonya ng ina at ama nito. Hindi tugma ang ilan rito pero magkakadugtong naman at naiintindihan ko ang pinupunto nila.
Ang hindi ko lang maunawaan ay iyong saksak ng binata sa tagiliran niya . Siya mismo ang my gawa niyon. Maging ang dugo sa crime scene ay siya ang my gawa pero bakit kailangan isisi ito sa kaibigan niya.

Yung kaibigan lang talaga niya ang makakasagot sakin. Bukas ka sakin.

Inalis ko ang salamin na suot ko saka nag inat. Tumayo ako at nagpunta sa kama. Hinubad ko ang roba. Isang pulang silk sleepwear ang kadalasang pantulog ko. Paborito ko ang pula o itim. Humikab ako at dumaretsong higa. Matutulog na sana pero nadilat ko muli ang aking mata ng mag ring ang cellphone ko. Anak ng....

Inis kong sinagot ito "hello, persecutor Gumban speaking" formal na ani ko.

"Hello ma'am, kakilala po ba kayo ni miss Diane martelino?" Tanong nito at nangunot ang noo ko

"Yess. Why? What happened to her?" Tanong ko

"Ma'am lasing na lasing po kasi siya rito at nagbabasag ng kung ano ano na po. Nakakaabala na po siya sa ibang customer. Tiningan ko po ang cellphone niya at kayo po ang huling tinawagan niya." Ani nito at napahimas na lang ako sa noo.

"Just send the location miss. Thank you" ani ko saka binaba ang tawag. "Diane. Diane.. ano bang ginagawa mo sa buhay mo" ani ko saka tinali ang buhok ko. Dali daling nagbihis at walang pasapasabi na umalis.

Pagkadating ko sa location ay bumungad sakin ang bar na puro naghahalikan ata ang paligid. My nagsasayaw sa dance floor. Malakas at nakakaindak ang ritmo ng music na tinitimpla ng dj. My mga nag iinom ng tahimik sa tabi at maroon ding pauli uli na mga bartender.

Adag akong lumapit sa isang barista doon sa bar island"Uhm good evening. Nasaan ho si diane martelino?" Tanong ko

"Ay maam Good eve po. kayo ho ba ang relative?. Parito ho kayo" ani nito at ngumiti. Lumabas ito sa bar island at naglakad sa kung saan. Sinundan ko naman ito at maya maya lang ay bumungad sakin ang lasing na lasing na si Diane. Nakabulagta sa lamesa at umiiyak. Nagbabato pa ng kung ano ang mahawakan. Napabuntong hininga na lang ako

"Ayan po siya Ma'am. Madami naho siyang nainom at nabasag. Nag aamok na din ho diya kanina pa. At muntik pang galawin ng isang lalaki. Pinigilan ko lang ho siya" baling nung bartender. Napatango na lang ako

"Im so sorry for what happen. Babayaran ko nalang. Also thank you for your kindness"nakangiti na ani ko

"Ay wala ho iyon maam. Parte ho iyan ng trabaho ko" nakangiti na ani nito. Nakangiti na ani nito at tinapik ang balikat ko. "Sige ho my trabaho pa ho ako. Kayo na po ang bahala sa kanya" nakangiti na ani nito.

"Yeah yeah. Thanks a lot miss" ani ko tinanguan niya ako at saka tumalikod pabalik sa bar island. Bumaling naman ako ni Diane na umiiyak at tatawa bigla. Nagmamaktol siya saka ibabato ang baso na nahahablot. Nakamot ko na lang ang noo ko saka lumapit sa kanya. "Diane. Lets go" ani ko at inalog alog siya. Minulat niya ang mata niya at hirap na hirap na inaninag ako. Sumilay ang ngiti sa labi niya ng mapagtanto kung sino ako

"Heyy my beshh-hik-pwend ashing blah blah blah" diko siya maintindihan. Lasing na lasing talaga siya. Napabuntong hininga ako. Tinalikuran muna siya saglit at pumunta sa counter upang barayan ang mga sinira niya. Muli naman akong bumaling sa kanya.
"Ansg baist hik mo tshalaga hik gugushtuhin ka ni daaad hik mashik na anak" ani nito saka tumawa ng tumawa. Napalingon ako sa paligid ko. Ako ang nahihiya sa kanya ehh.

"Diane. Iuuwi na kita" ani ko at inuupo siya. Hinawakan ko ang dalawang pisingi niya para magising siya. Pero ganon na lang kalakas ang tama ng alak sa kanya dahil muli na naman siya umiyak. Medyo natigilan ako roon pero hinimas ko na lang ang buhok niya para kumalma siya "shhh. Uuwi na kita" ani ko. Umiling siya

"Ayosko hik lot ayoko sa baaahay ayo-hik-ko" umiiyak na ani nito. Tama ang hinila kong my problema siya. "Ay-oko na-hik- sa daddy ayoko na lot ayoko na. Lahat na hik lang. Lahat na slang" lasing man ay nagawa niya iparating ang problema niya. Nahabang ako sa kanya. Di kasi lingid sa kaalaman ko na di sila magkasundo ng daddy niya. Naiintindihan ko naman ang daddy niya pero mas kailangan ako ni Diane para pagalitan din siya.

Inalalayan ko siya papuntang sasakyan at iuuwi ko muna sa bahay. Siguro naman ay hindi iyon magiging problema kay Louis. Dati na din naman silang nagkaibigan kaya siguro ay ayos lamang sa kaniya. Sana.

"Hey Diane we're here" ani ko ng maiparada ang sasakyan sa grahe at tinapik ng marahan ang kanyang pisngi. Pero hindi ito nagising. Hinawi ko nalang ang tumatabing na buhok sa kanyang muka at sinipit yon sa gilid ng kantang tainga. Ano na naman kaya ang ginawa sa kanya ni tito?.

Wala akong nagawa kundi ang buong pwersa siyang aalayan na halos buhat na. Ay hindi. Buhat na talaga. Napakabigat niya pero kinaya ko naman. Dinala ko siya sa kwarto ko at inihiga sa kama.

Hinubad ko ang damit niya at pinaltan. Pinunasan ko ang buong muka niya. At dahil alam kong ayaw niyang magka tagihawat ay nag apply ako sa muka niya ng skin care na pinagbibili ko. At ng maayos siya ay don ko lang naramdaman ng antok.

Nakakapagod ang araw ngayon, Hindi na nanaman ako makakatulog. Makakatulog naman sana ng mahaba kung hindi lang nagkaganito si Diane. Nakakabuntong hininga na nga lang talaga. Kinumutan ko na lang siya saka lumabas ng kwarto para uminom ng gatas.

Pero ganon na lang ang gulat ko ng pabukas ko ay nabungaran ko ang muka ni Louis. Walang reaksyon. Nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Naka formal suite ito na bahagyang hindi naka botones ang dalawa sa my bandang dibdib niya.
Naamoy ko rin ang alak sa kaniya

"B-bakit ginabi ka?" Tanong ko sa kanya pero sa halip na sagutin ako ay lumagpas ang tingin niya sa loob ng silid ko at tiningan doon ang nakalagak na si Diane. "My gusto kabang kainin?" Tanong kong muli saka niya lang ako tiningan. Nginitian ko siya pero nilagpasan niya nako at dumaretso na sa kanyang silid. Napakamot na lang ako sa ulo ko saka bumaba para uminom ng gatas.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga at nagluto. Nag jogging narin ako. Pero ng makabalim akong bahay matapos kong mag jogging ay namataan kong gising na si Diane. Nakaupo sa sofa sa salas at nakahawak sa ulo.

"Diane. Gising kana pala" ani ko habang nagpupunas ng pawis.

"Anong nangyari?" Tanong niya

"Ano nga bang nangyari?" Pagbabalik ko ng tanong. Lalo lang uli siya naguluhan at parang mas sumakit pa ang ulo.

"Diko maalala" ani nito. Pumunta naman akong kusina para kunin ang gamot at tubig saka bulaki sa kanya at ipainom iyon

"My nangyari na naman ba sa inyo ni tito?" Tanong ko habang umiinom ito ng tubig. Nakatayo ako sa harap niya at nakahawak pa sa magkabilang bewang

"Oo e" napabuntong hininga na lang ako at hinimas ang buhok niya.

"Kain na lang tayo" ani ko saka tumalikod sa kanya at nauna na uling kusina. Kailangan ko pang puntahan yung kaibigan nung binatilyong delacosra ngayong alas 9 kaya di nako nagtanong sa kanya. Sasabihin naman niya yon kung gusto niya. Nang makaupo kaming pareho sa lamesa ay walang salisalita kaming nag umpisang kumain. Di ako nagsalita kasi alam kong masakit pa ang ulo niya para tanungin siya ng kung ano ano.

"A-ano lot..." nagaalinlangang tawag nito noong nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. Napahinto ako at tumingin sa kanya. Nginitian ko siya kahit di siya nakatingin sakin dahil bahadya niya lang nilalaro ang pagkain "d-diko ala.."

"You can stay here... kahit dito kapa tumira" putol ko sa sasabihin niya. Napatunghay naman siya sakin. Nanlaki ang mata ko ng makitang namumula iyon na para bang iiyak. Nakita ko ang paglunok niya. My kung ano sa mata niya ang nakampante bigla.

"Charlotte.." nagcracrack ang boses na bangit niya sa pangalan ko. Para namang binibiak ang puso ko dahil sa nakikita kong kalagayan niya. She's in pain. It's visible in her eyes. Nakuyom ko na lang ang kamao ko at napabuntong hininga. Tumitingin pa sa kanya na tila ba naawa ako ng sobra.

"Shhh." Agad akong tumayo at pumunta sa tabi ng upuan niya at iniakbay ang kamay sa kanya at hinimas himas ang balikat niya "im always here my friend, you can off your guard whenever im around. Dont keep the pain. Share it with me and let me stay by your side in every battles you have right now" ani ko at doon na siya umiyak ng tuluyan. Paulit ulit na binangit ang pangalan ko. Nakakagat ko na lang ang labi ko sa bawat hikbi niya ay parang nadudurog din ako. Diko alam kung ano ang nangyari. At ayokong alamin pa dahil baka ako mismo ang gumawa ng kilos imbes sa siya.

Umalis ako sa bahay matapos ang ilang bilin para kay Diane. Di niya parin sinasabi sakin ang dahilan pero sapat na sakin ang pananatili niya sa bahay palatandaan na pinagkakatiwalaan niya ako. Dumaretso ako sa isang coffee shop na pinagusapan namin na pagkikitaan nung kaibigan ng binatilyong dela costa. 10 minuto itong late sa pinag usapan naming oras. Siya si Anchor tumatong. Matanda ng apat na taon sa binatilyong dela costa. Malnutrition din ang bata at kasama nito ang nanay niya

Labing siyam na siya pero ang payat payat. Kaya naman impossible na siya ang gumawa niyon. Sa medeco legal ay nakalagay na nanlaban ang biktimang dela costa pero ang panlalaban na yon ay nasisiguro ko ngayon na hindi dahil sa binatilyong nasa harap ko.

Nag umpisa kaming magusap. Nirecord ko ang bawat detalye para mapag aralan ko mamaya. Tinanong ko lang siya ng ilang katanungan. Sinabi ko sa kanya na hindi na niya kailangan ng abogado dahil ako na ang bahala sa kasong ito. Malinaw sa akin na friname up ang bata at ang ganitong kaso ay di dinadala sa korte. Nadadala nga lang talaga kung mahirap ang inaakusahan dahil ginagawa nila itong mga mang mang.

Nagsabi ng totoo ang binatilyo at doon ay nalinawan ako. Ang mga motibo na malabo sa akin ay luminaw na ngayon. Ilang impormasyon ang binangit ng binata na makakapag diin sa tunay na suspect. Kaya naman ng matapos ang pakikipag usap ko sa kanila ay inabutan ko sila ng maliit na halaga dahil kanina pa ubo ng ubo ang nanay ng binatilyo. Pambili sana ng gamot. Nagpasalamat naman ito ng paulit ulit sakin. Pero dahil wala nakong oras ay umalis na agad ako ng makuha ang mga kailangan ko.

Dumaretso ako sa firm at inayos ang mga dapat ayusin. Hindi kasama sa trabaho ko ang mangialam. As lawyer. Ang natatanging trabaho namin ay ang pag a-apply ng batas sa isang criminal case at tulungan ang kliyente na lumalapit sa amin. Pero hindi ako matatahimik kung maling suspect ang tinuturo ng biktima. Dahil bilang alagad ng batas. human rights ang pinakamahalaga para sa akin at hindi pera ng kliyente. Respecting the dignity and fundamental rights is everyone's duty in my perspective.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...