love After Hatred (love me mr...

By hottttiiiiee

444 25 1

Sino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11

CHAPTER 2

43 4 0
By hottttiiiiee

Charlotte friend

Kinabukasan ay alas 3 na ng hapon ako nagising. Nagbawi ng tulog eh. Wala pa naman akong kasong hahawakan ngayon kaya nag leave muna ako ngayon ng dalawang araw para magpahinga. Tumayo ako saka nag stretching saglit at uminom ng tubig saka pumasok sa banyo at gumawa ng daily routine.  Pagbaba ko ay bumungad sa akin si manang na nataranta agad ng makitang gising na ako.

"Ay shala ka ng kabayo. Gising napala ho kayo ma'am. Saglit ho iinitin ko lang ang niluto ko" natataranta na ani nito kaya nginitian ko lang siya saka dumaretso sa bakuran. Bumungad sakin ang araw na medyo tirik padin.

"Manang kuha mo na lang ako ng kape" ani ko ng maramdaman ko ang presesnya niya.

"Sige ho" sagot nito. Umupo naman ako sa  swing na naroon. At marahan na inuga ang sarili. Meditating the moment. Pakiramdam ko kasi ngayon lamang uli ako nagkamahabang tulog. Nasa magandang mood tuloy ulit ako.

Ilang saglit ay inabot ni manang ang kape na itinimpla niya. Tinanguan ko na lang siya at muling tinuloy ang pagbubulaybulay sa kung ano anong bagay. Pero sa gitna ng pagmumuni ay nag ring ang cellphone ko na agad ko namang sinagot.

"Lotttlottttt my beybehhhh" malakas na sigaw ng nasa kabilang linya. Medyo nalayo ko ang telepono sa tainga ko sa lakas ng pagkakasigaw niya niyon.

"Heyy. Haha how are you?!"pormal na ani ko

"Parang di kaibigan. Ahh pormal mo teh. Gaga ka naman" ani nito at napangiti na lang ako

"Haha. How have you been nga?" Tanong ko na marahang dinuduyan ang sarili.

"Eto. Tatanda ng walang asawa. Inagaw mo boyprend ko eh" ani nito kaya natawa ako. Yes ex niya nga si Louis.

"Foul huh, Haha. Btw still happy-go-lucky parin ba?" Ani ko

"Ha ha ha. Malamang sa ka fubu  na nga lang nagkaka happiness pipigilan ko pa ba" ani niya sa malanding paraan

She's Diane. My bestfriend mula nung collage pa kami. Uhm yeah nung collage din kami nung maging sila ni Louis. At mahabang kwento ang mga nangyari. But we all moved on na para sakin. Sana ay gayon din para sa kanila. I hope.

"Wala kabang balak umuwi rito sa pinas?"

"Bakit ako uuwi eh ang daming papi dito" sabay hagikhik

"You're such a big big flirt Diane"

"Well para dito na nga ata ako HAHAHA. Pero nandito ako sa pinas ngayon. Tinawag ako ng daddy eh" ani niya at na exite akong bigla. Mas lumawak ang ngiti ko sa aking labi

"Seriously?? Heyy apat na taon ka US, may alam kapa ba naman dito?" Pang aasar ko

"Malamang. Tuwid parin naman ako mag tagalog. Such a gaga" natawa ako sa kanya.

"Let's meet Diane. I really miss you" nakangiting ani ko habang nakatingin sa isang bulaklak rito sa bakuran.

"Kaya nga ako tumawag sayo. Yon ang sasabihin ko. Madami akong chika sayo" ani nito tila di nagbago mula noong mga kolehiyana pa kami

"Aww. Buti at naalala moko apat na buwan kang di tumawag ehh" kunwari ay nagtatampo na ani ko

"Eh baka ikaw ang busy na gaga ka. Balak mo atang maging pangulo kakahanap sa hustisya ng kung sino sino"

"Mamatay ako Diane kapag hindi ko yon ginawa" ani ko saka kami sabay na natawa. Paboritong linya ko yon. At don din kami nagkakilala.

"I remember back then. You're so brave to the fact that  you can punch a man just to serve the justice "

"Well salamat sa malaking dambuhalang nambully sayo at nagkakilala tayo" ani ko saka kami sabay na natawa.

"Ewan ko ba sa baboy nayon. Ang panget panget naman kala mo kung sino. Bakit nga ba ako natakot don?" Tumatawa na ani niya

"Haha. By the way kailan tayo mag meet. Im free today and tomorrow. Nag leave ako eh"

"Wow uso pala sayo yon"

"Haha. Malamang. Im still human"

"Walking justice ka teh. Halimaw sa korte,  pag naalala ko yung one time na nandon ako sa korte. Nangingilabot padin ako. Sa amo kasi ng muka mo ay hindi kapanipaniwala na ganon ka" puri nito. Pinalalaki ang ulo ko. Hehe

"Well.. so kailan nga kasi tayo mag kikita. Sabik na sabik kang talaga ano?"

"Hahaha. Sira to. Well free ako ngayon. Pero bukas hindi. Kaya siguro mga 6 pm. Meet tayo sa mall. Lets spoil our selves " ani niya.

"Ok. See you then. Magbibihis nako" ani ko at nagpaalam naman siya. Saka binaba ang telepono. Pero halos mapatalon ako sa gulat ng bumaling ako sa likod ko ay nandoon si Louis na mukang buryong buryo na nakatitig lamang sa akin. Mag ka cross ang braso sa dibdib at blangko ang muka

"A-anong ginagawa mo diyan?" Naguguluhan na tanong ko na bahadya pang tinabingi ang aking ulo.

"Tch" inis na ani nito at saka tumalikod sakin. Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Kahit kailan ay hindi ko siya maunawaan. Sa lahat ng taong nakilala ko siya ang hinding hindi ko mababasa.

"May kailangan ka ba?" Sumunod ako sa kanya. Pero di ako nito sinagot. "uhmm baka gutom ka. Sorry hindi ako gumising ng maaga napahaba ang tulog eh." Paliwanag ko pero patuloy lang siya sa paglalakad. Hanggang sa makarating kaming kusina. Napailing na lang ako.

"Ay ma'am, Sir. Nakahain napo ang mga pagkain" ani ni manang. Siniringan lang ito ni Louis, kaya napailing muli ako bago bumaling kay manang.

"Salamat po. Magpahinga na ho muna kayo" ani ko at tinanguan siya. Muli akong sumunod kay Louis sa dinning area.

"Wala kabang pasok ngayon? Friday palang ah??" Tanong ko ng umupo siya sa hapag kainan. Pero sa halip na sagutin ako ay nag umpisa siyang kumain. Napabuntong hininga na lang ako at umupo na lang rin "Kamusta ang trabaho mo?" Ani ko

"Ayos lang" ani nito at bumaling ako sa kanya.

"Dumating nga pala si Diane. Magkikita kami ngayong 6 pm." Ani ko at natigilan siya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi agad siya sumagot kaya kumain na lamang ulit ako

"Hindi ka aalis"  maya maya ay sabi niya kaya nahinto ako at napatingin sa kanya. Nilalaro niya lang ng kutsara ang kaniyang plato na may pagkain.

"Bakit?" Takang tanong ko

"Hindi ka aalis. Dahil sinabi ko!" Mas madiin na ani niya. Kumunot naman ang noo ko. Hindi na naman kami magkaintindihan.

"Hindi kita maunawaan Louis" mahinahon na tanong ko

"Ikaw ang hindi ko maunawaan. Hindi ka aalis" nagtaas na naman siya ng tinig. Bumaling na din siya sa akin at ang naguguluhan kong tingin ay sinuklian niya ng galit na titig.

"Si Diane naman iyon Louis. Sa nakalipas na apat na taon ay ngayon ko lang siya makakasama? Ano ba ang problema roon Louis?" Pinagkadiin diinan ko ang pangalan niya

"Ikaw. Ikaw ang problema. Yang walang Hanggang kayabangan mo. Sige suwayin mo ang asawa mo at pairalin yang kayabangan mo" galit na sigaw niya. Naguguluhan ako lalo sa kanya pero diko malaman bakit diko magawa ang magalit sa kanya

"Louis wala akong nakikita na kayabangan sa aking ginagawa? Magtatatlong taon na tayo subalit ang kayabangan parin ang sinisisi mong pinagmumulan ng galit mo. Hindi kita maunawaan Louis" pilit na pagpapaliwanag ko pero mas lalo lang siyang nangangalit

"Edi sige tumuloy ka. " ani niya. Nagtitigan pa kami. Pero gaya ng dati ay ako na muli ang nagpakumbaba. Diko na siya tinugunan pa at kumain na lamang muli. Kahit kailan ka Louis. Kahit kailan.

Matapos kumain ng sabay ay kanya kanya na naman kami ng ginawa. Normal na iyon sa amin. As longest na hindi niya ako iwan ay ayos lamang. Respeto sa relasyon lamang ang pakiusap ko sa kanya.

Matapos mag ayos ng sarili ay agad akong sumakay sa sasakyan ko at dumaretso sa napag usapan naming pagkikitahan ni Diane. Napangiti naman ako ng halos sabay kaming dumating

"Hey frienddddd" sabay naming impit na tili. At ng magkasalubong ay agad na niyakap namin ang isat isa.

"I missed you Diane. You look gorgeous" nakangiting bungad ko ng maghiwalay kami ng yakap.

"Same to you friend. Dalagang dalaga ka parin huhu ang ganda mo" papuri nito at nagtitigan kami at muli lamang nagyakap. Halatang sabik sa isat isa.

"Huhu namiss ko ang amoy mo. Kung lalaki lang ako titigasan ako sayo" ani nito at natawa ako sa kanya.

"Ang dumi padin ng bunganga mo Diane" ani ko saka bumitaw sa yakap.

"Well. Haha ibat iba ba namang pututoy ang natikman ng bibig nato. Paano nga bang hindi dudumi" ani niya at natawa na lamang kaming pareho. Same old Diane. Makwela talaga siya

"Tara. Spa muna tayo. Busog pako para kumain e" ani ko at tinangunaan niya naman. Nirelax namin ang sarili namin. Nandyan yung nagpa hairspa, footspa, nagpalinis ng kuko, nag pakulay ng buhok at nag shopping. Enjoy na enjoy kami at hindi na nalaman pa ang oras. Panay tawa ang baliw na Diane at ganoon na lang din ako dahil sa kanyang kababawan.

Nakwento niya ang buhay sa US. Kesyo trabaho sa opisina daw sa umaga at sa kama naman pag gabi kaya daw pagod siyang palagi. Natatawa na lamang ako sa kanya dahil ganoon siya ka prangka. Na kwento niya din kung bakit siya pinauwi ng daddy niya. Pinipilit na daw na magpakasal siya at mag tretrenta na. Kailangan na daw ng tagapagmana pero itong baliw na Diane nga naman eh walang ginawa kundi ang gumimik at walang planong mag seryoso sa buhay.

Nagkwento din ako sa kanya mula sa nakalipas na apat na taon ay nasabi kong malayo na ang aking narating. Nariyan na kwinento ko kung gaano ako napagod subalit ang utak ko ay hindi bumigay. Nandyan yung nasabi ko na di ko na napagtuunan ng pansin ang ibang bagay dahil libro at korte na ang naging libangan ko.

"Pero friend. Dont tell me wala ka paring baby? Magtatalong taon na kayo ni Louis ah?" Tanong niya at napangiti na lang ako ng mapait.

"Di niya ako ginagalaw eh. Naiintindihan ko naman yon. At natutuwa ako dahil don dahil palatandaan yon na nirerespeto niya ako" ani ko

"Shala kang gaga ka. Di mo pa pala nalalasap ang sarap na walang ka pantay. Ang boring boring mo talaga" ani niya at natawa ako.

Boring??!!

"Hindi padin kasi ako handa. Kahit na pilitin ako ay diko yata magagawa yon" nakangiting ani ko habang namimili ng damit.

Napatigil naman siya sa pagpili at dumungaw sa muka ko.

"Anoo?? Bente nuwebe kana huyy!!!! Ilang taon na lang ay wala ka na sa kalendaryong gaga ka"  ani nito.

"Sa ganto ako eh" ani ko na lang

"So walang nag improve sa inyo ni Louis?" Bigla ay malungkot na ani niya at tinanguan ko naman siya ng pormal, "Kung  ganon ay hindi niya parin tangap?" Tumango na lang uli ako

"Kung ako ang tatanungin. Handa naman akong pag aralan siyang mahalin. O sabihin na nating handa akong mahalin siya. Pero napakatigas niya Friend. Napakalaking pader ang pumagitna saming dalawa. Di kami magkaunawaan kaya imbes na mas gumulo pa tinangap naming pareho ang sitwasyon at mas pinili namin na irespeto na lang ang relasyon namin upang magtagal pa. " nakangiting ani ko

"Charlotte..." speechless na ani niya. Nahahabag ata sakin kaya nailang ako

"Wag mo ngang ibig deal iyon. Sira ka" ani ko na lang

"Pero hindi ganon si Louis sa pagkakakilala ko sa kaniya lotlot. Pagtyagaan mo lang at bibigay yan. Ganon yan eh" ani nito. Napangiti na lang ako ng mapait.

Mabuti sana kung kagaya siya ng dati. Nung kayo pa ang magkarelasyon.

Natapos ang gabing iyon na panay tawanan. Uminom pa kami ng wine saglit sa isang resto. Panay tawa si Diane ng agad ay lalango lango ako sa wine. Ilang beses ko naman kasing sinabi sa kanya na di ako kagaya niyang palainom. Naka walong basong wine lang ata ako ay umiikot na ang mundo ko kaya inasar niya ako ng inasar.

Imbes na uminom pa ay nag paalaman na kami sa isat isa dahil baka parehong di na makapagmaneho pa. Tuwid ang likod ko habang nagmamaneho. Di naging madali sa akin na labanan ang pag ikot ng aking paningin dahil sa tinamaan akong agad.

Nang makarating ako sa mansyon ay nagdoorbell lang ako ng tatlong beses ay bumukas na iyon. At bumungad ang gwapo kong asawa sa akin. Lasing nga ata ako ngayon para gwumapo siya sa paningin ko. Sininok pako saka na pa ngiti dahil nakakunot na naman ang noo niya

"Gawain ba to ng matinong asawa??" Galit na ani niya at mas nilawakan ko ang ngiti ko at wala sa sariling hinaplos ang muka niya

"Hey there gwapo" ani ko at natigilan siya kaya mas ngumiti lang ako at tinabig na ang katawan niya para makadaan ako. Dahil gusto ko ng matulog.

"Nakainom kaba?" Tanong niya pero diko siya masagot o mapakingan man lang dahil nilalabanan ko talaga ang pag ikot ng mundo ko. Pilit na inaayos ang katinuan ko. At abala siya sa konsentrasyon ko.

Umupo ako saglit sa sofa at hinubad ang heels na suot ko. "Ano ba. Hindi kaba talaga magsasalita??" Nagulat ako ng bigla ay sumigaw siya. Mainit na naman ang ulo niya. Pero sa halip na pagtuunan siya ng pansin ay tumuwid ang likod ko saka tumayo para makapantay sa kanya.

"Uminom ako ng wine. Nalas-hik-ing ako a-hik-gad." Ani ko saka tinapik ang balikat niya. Pilit ko parin pinormalan ang aking pagsasalita. Ayokong mabawasan ang aking angas dahil lang mababaw ang aking tolerance.

Kaya naman diko na siya pinakingan pa at agad na umakyat ng hagdan upang makapagbihis at makatulog nako. I hate that damn wine. Diko na iinumin ang isang yon. Liyong liyo talaga ako.

Di naman kasi ako umiinom ng kahit wine lang dahil sa mabaho ang amoy niyon. At ganito ang epekto. Kundi lang ako pinilit ni Diane ay hinding hindi ko magagawang inumin ang lintik na wine nayon.

"Hey what are you doing"

Umiikot ang mundo ko. Ansakit sakit sa ulo. Ang banas banas pa sa aking pakiramdam. Gusto kong maghubad o magsuka.

"Kwarto ko yan."

" Hoy. Wag kang maglalasing kun-- hoy anak ng.. stop it"

Diko mapakingan ang sinasabi niya. Wine lang ba talaga ang ininom ko. Bakit ganito ang epekto. Baka tinokis ako ng babaeng yon. Aishh Diane

"Wag kang humiga dyan. Hoy" nagulat ako ng bigla ay pigilan niya akong bumaksak sa kama ko. Pero mas nagulat ako ng sa pagpigil niyang yon ay naging sanhi upang sabay kaming bumagsak sa kama. Magkapatong at kapwa nagulat sa naging pangyayari.

Nagulat siya at natigilan. Ako naman ay napangiwi. Tumitig kami sa mata ng isat isa tila ba nag uusap kami sa pamamagitan niyon at diko alam bakit sa pagtitig ko sa muka niya ay parang naiiyak ako. My kung anong emosyon sa dibdib ko ang lumalabas ngayon. Eto na nga ba ang epekto ng lintek na alak na yon. Patay ka talaga sakin Diane

Pero ang sandaling ito ay kakaiba. Wala sa sariling hinawakan ko ang muka niya. Natigilan siya doon pero wala akong magawa kundi ang sundin ang sinasabi ng  aking nararamdaman ngayon. Pumikit ako at kinalma ang aking sarili subalit Nakagat ko ang labi ko ng biglang pumatak ang butil ng luha sa aking mata nung oras na imulat ko ang mata ko na tumama agad ang paningin sa kaniyang matalas na mata

"Bakit ba hindi mo na lang tangapin?" sabi ko habang inaaral ang muka niya. Wala ako sa katinuan at kung nasa katinuan ako ay hinding hindi ko gagawin ang bagay na ito. Naliliyo kong pilit inaaninag ang mata niya "Napakatigas mo Louis.  Napakatigas mo" ani ko at diko na namalayan ang sumunod na nagyari pa.

Kinabukasan ay nagising nalang akong nasa sariling silid ko na. Damit ko padin kahapon ang aking suot. Napahawak naman ako sa sintido ko dahil bahagyang umikot na naman ang paligid ko. Ano ba kasi ang ipinainom sakin ng babaeng yon. Sigurado akong wine lang yon nung una pero yung huling dalawang shot ay nasisiguro kong iba na mas lumakas ang tama niyon sa pagkakaalala ko.

Tatayo  na sana ako ng bumungad sa kin si manang na my dala dalang tubig at gamot siguro sa hang over. Maaliwalas ang ngiti niya. "Ma'am ito po ay inumin niyo muna" ani niya at lumapit sa akin.

"Anong oras na ho ba?" Tanong ko saka kinuha ang gamot na nasa kamay niya.

"Alas nuwebe palang ho ng umaga. Nakaalis na rin ho si sir." Ani nito at tinanguan ko siya

"Sige ho. Salamat. Baba ho ako at gusto ko po ng mainit na sabaw" ani ko na lang. Tumango naman siya bago lumabas. Ako naman ay tumayo na at pumasok sa cr ko. Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Pero napangiwi ako ng maalala ko ang ginawa ko.

Tch. Minus 2 ang angas ko. Tsk

Naligo na lang ako at inisip kung ano ba ang ginawa ni Louis ka gabi. Panonoorin ko na lang siguro ang cctv sa kwarto ko mamaya.

Nagbabad ako ng 20 minutes sa bath tub. Parang inalis niyon ang pagod ko. Nang makatapos ay sinuot ko ang roba at nag balot ng towel sa buhok ko.

Pagkalabas ko ay agad akong umupo sa harap ng vanity table. At naglahid ng kung ano ano. Ng matapos ay blinower ko ang buhok ko saka ko kinuha ang tablet  para panoorin ang nangyari kagabi.

Pero natawa na lang ako ng makitang parang sako akonh binuhat ng lalaking iyon at basta na lang binato sa kama. Napaka sadista niya. Kaya pala masasakit ang buto buto ko. Imbes na magalit ay natawa na lang ako. Ganong ganon nga kasi siya. At isang himala ang bumait siyang bigla.

Ng matapos ay ay bumaba ako at nag jogging muna ako sa subdivision ng tatlong ikot. Nakuot ako ng leggings at sport bra. Habang nakaponytail ang aking buhok. Hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang tumbler ko. Plano ko ngayong araw magbasa ng libro sa kabubukas na coffe shop doon malapit sa mall matapos mabanat ang buto buto ko. Nakita ko yon kahapon ng madaanan ko.

Pero sa pagtakbo ko ay my pamilyar na bulto ng lalaki ang aking natanawan. Kapareho ko siyang nag jojogging den at maskulado ang katawan. Nakasuot siya ng sando na butas ang magkabila saka cotton na short. Naka sumbrero din ito at may hawak ding tumbler.

Sinong timang na kagaya ko ang mag jojogging ng tirik na ang araw. Pero ng mapagtanto kung sino ito ay mas binilisan ko ang pagtakbo para makasabay. At ng makumpirma kong siya nga ay tinawag ko ang pansin niya

"Heyy Gian.. hey gian is that you??" nakangiti na sigaw ko sa kanya at bumaling siya sakin. Ganon na lang ang gulat niya ng makita ako

"Charlotte" nagugulat na ani nito. He's gian  bestfriend ko siya mula high-school pero di na nagpakita sakin ng ikasal ako

~~True friends will show their bad sides when you we're around and fake will not~~


Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...