Twisted Fate Book 1 ♡Complete...

By waanjaimjora

16.4K 1.9K 254

Jamie's Nagbago ang lahat until makilala ko sya!Kakayanin ko ba pag nawala sya sa buhay ko? Kakayanin ko pa n... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
WAKAS

Kabanata 38

141 22 1
By waanjaimjora

Jamie POV

"Cid, Wait! Let's talk! Cid! Dahan dahan lang! Cid! Love! Love!" Patuloy ako sa pagtawag sa kanya pero parang hindi nya ko naririnig.

Patuloy lang sya sa paghatak sakin hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya. I tried na kausapin sya habang isinasakay nya ko sa kotse. Yung bang dinedma nya kasi ako, pero hindi parin nya nakakalitan na alalayan ako. Ilang

beses na kasi akong nauuntog pagsumasakay ako sa kotse nya.

Eh sa hindi ako sanay ko!

"Love! Bakit hindi mo ko pinapansin! Galit ka din ba sakin? May mali ba sa ginawa ko? Dahil ba dun sa lalaki kanina? Love! Love?' I tried to talk to him pero wala eh, dedma parin sya sakin. Ano bang ginawa ko.


Sya rin yung nagsuot ng seatbelt ko. Grabe sobrang lapit ng mukha nya sakin habang ginagawa ito. Pati yung paghinga nya ramdam na ramdam kong dumadampi sa balat ko.

Di parin nya ko tinitingnan nung lumayo sya sakin tapos naglakad papunta dun sa driver seat.

Nang makasakay na sya sa kotse nya, inayos muna nya seat belt nya then agad agad na pinaandar yung sasakyan. Wala man lang, "Are okay now, my love?" Like the usual! Gulay naman oh! Ano ba kasing nagawa ko para ganitohin nya ako. Nakakairita na ahh.


Nagsimula na syang magmaneho! Nakakailang minuto na din kami sa byahe pero wala parin umiimik samin. Hindi ako sanay sa ganito kaya hindi ko na napigilan na magsalita.


"Love! Ano ba talagang problema! Kausapin mo naman ako. Hindi yung ganitong bigla bigla ka nalang nanghahatak sakin tapos dededmahin mo ko. I was trying to explain myself pero parang wala kang naririnig. Ano ba ko dito? Hangin? At ano yung pinagsasabi mo dun sa student, Love! Dapat mo ba syang bantaan ng ganun, pwede mo naman syang kausapin ng maayos eh, paano kung..." Hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi bigla nyang tinabi yung sasakyan marahas at tinigil ito. Grabe nagulat talaga ako dun, muntik pa nga ako mauntog eh.



"Ano ba, Love! Magdahan dahan ka naman! Bakit ka ba biglang humintom" I said then tiningnan ko sya, at dito nakita kung gaano kasama yung tingin nya sakin. Medyo na alerto tuloy ako.


"What the fuck are you saying, Jamie?" Pagalit na sabi nya sakin.


So Jamie nalang ako ngayon! Sige eto pala ang gusto nya ahh. Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko kasi matake yung titig nya sakin ngayon. He never looked at me like this before. Medyo nasasaktan ako ng konti.


"Bakit ba Cid! Totoo naman eh, hindi ka dapat nagbabanta ng ganun sa ibang tao! Paano kung..." Again hindi nya ako pinatapos, bigla nyang hinatak yung kamay ko, na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Are you seriously defending the fucking guy ah Jamie! Are you serious! Bakit Jamie! Cute ba sya!  Nagustuhan mo ba sya? Mas gusto mo na ba sya? Sa bagay nakita ko yung mga tingin mo sa kanya! Mukha kang humahanga talaga sa lalaki na yun!" Galit na sabi sakin ni Cid. Tingin? Anong tingin?



"Anong pinagsasabi mo jan, Cedric Alonzo! Anong mga tingin? Anong baka magustuhan? Nababaliw ka ba? Ngayon ko lang nakilala yung lalaking yun, ngayon ko lang sya nakita tapos sasabihin mo sakin baka nagustuhan ko na sya? Baliw ka ba?" Pagalit na sabi ko narin sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nya sinasabi sakin ang mga eto.


"Bakit? Impossible ba yun? Ganun din naman ako diba? Una palang kitang makita alam ko nang gusto kita so alam ko Jamie! Alam kong pwede yun! Sinasabi ko sayo Jamie! Hindi pupwede! Sa tingin mo ba hindi ko nahahalata sa kung paano ka titigan ng mokong nayun. Parehas kami ng tingin,  Jamie! Sinasabi ko na sayo may gusto sayo yun at gusto ka nyang kunin sakin! Hindi pwede! Hinding hindi ka pupwedeng magkagusto sa iba dahil akin ka na! Ako na yung boyfriend mo kaya hindi ka na pupwede magmahal pa ng iba! Ni tumingin or makipagusap sa ibang lalaki na alam kong pupwedeng umagaw sayo sakin, hindi na pupwede! Naiintidihan mo, Jamie!" Hindi ko na gusto yung mga naririnig ko kay Cid. Pinipigilan ko yung sarili ko na huwag ma trigger sa mga pinagsasabi nya sakin ngayon.

"Ser...yoso ka ba sa mga sinasabi mo sakin, Cid?". I tried my best not to lose it while saying this word. My breathes are starting to be shallow.

"Sumagot ka Jamie! Tinatanong kita! Naiintidihan mo ba!" This time sinigawan nya na ako.

"Cid!" Sinigawan ko na din sya.

"Bakit hindi ka makasagot sa tinatanong ko! Bakit Jamie? Hindi ka ba makapangako sakin na ako lang! Bakit! Talaga bang malaki yung naging impact nya sayo? Love at first sight ba tulad ko? Sinasabi ko sayo Jamie! Makakapatay ako ng tao, pag pinili mo sya Jamie! Hindi man kita masaktan dahil narin sa mahal kita pero walang pipigil sakin na kahit ano para kantiin ang taong aagaw sayo sakin! Kaya Jamie! Ngayon din! Sagutin mo ang tanong ko! Ako lang diba? Ako lang diba?" Dito mas lalong humidity yung hawak nya sakin. Ibang iba ang Cid na nakikita ko ngayon sa Cid na minahal ko.


Hindi sya ito! Hindi si Cid ito!

"Cid, Bitaman mo ko!" Sabi ko sa kanya pero parang wala syang pakialam kahit nasasaktan ako.

"Sumagot ka, Jamie!" Sigaw ulit nya sakin.

Mahirap man pero pinilit kong alisin yung pagkakahawak sakin ni Cid at itulak sya. Ayoko neto! Hindi ko kaya ito! Hindi ko na sya sinagot, agad agad kong tinanggal yung seatbelt ko. Tsaka ako lumabas ng kotse nya. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko kaso hindi sya agad nakapag react eh.

Nakalabas na ko ng tuluyan sa sasakyan nya. Dito rin tuluyang lumabas yung mga luhang kanina ko pa pinipigilang hindi lumabas.

"Please, Bitawan mo ko! Please! Tama na! Tama na! Nasasaktan na ko! Mama! Please! Stop! Stop! Ayoko na! Please! Please! Please"


Napapikit nalang ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ilang mga memory kasi yung bumalik sakin. Sobrang sakit na pakiramdam ko, unti unti hinahati yung puso ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad palayo! Hindi ko alam kung saan ako papunta! Wala din akong alam if nasa gilid ako ng high way ngayon, naglalakad magisa at umiiyak.


Sobrang nasasaktan ako. Ano bang ginawa ko para maging deserving sa ganito! Bakit! Bakit!


Patuloy lang akong naglalakad ng magulat ako, kasi may biglang yumakap sakin mula sa likod. Alam ko ito! Kilalang kilala ko ang yakap na ito.

Cid POV

Parang binuhusan ako nang malamig na tubig nang marealize ko kung ano yung nagawa ko. Pucha naman Cid oh! Hindi mo na naman na pigilan yung sarili mo.

Ilang minuto din siguro akong nakatulala lang after ako itulak ni Jamie. Alam kong mali ako sa nagawa ko! Alam kong napasobra yung naging reaction ko! Dapat ay kinausap ko sya ng maayos! Punyetang bibig ko naman kasi na ito eh! Kung ano ano yung lumalabas. Para akong nawala sa sarili ko kanina.


Simula nung makita ko si Jamie na may kasamang lalaki, pakiramdam ko para biglang nagapoy yung buong pagkatao ko. On the spot, gusto kong pumatay ng tao. Buti nalamang napigilan ko kasi kung hindi! Hindi ko alam if matatanggap pa ba ako ni Jamie.


Ang masakit pa dito ay alam kong nasaktan ko sya sa mga sinabi ko?

Magkagusto sa iba? Alam kong impossible yun kasi alam kong mahal ako ni Jamie. Ewan ko ba kung anong nangyari pero parang may kung anong engkano ang sumapi sakin at nasabi ko yung mga salitang yun! I swear to my fucking pathetic life! I never meant any of it! Nadala lang ako!

Nadala lang ako ng galit at selos! Oo! Selos! Aminado ako dun!

Pucha! Cid! Pahamak ka talaga minsan sa sarili mo eh. Ano ba itong pinaggagawa mo sa buhay mo!


Agad agad akong lumabas sa sasakyan ko para habulin si Jamie. Sana lang ay hindi pa sya nakakalayo.

Hindi naman ako nabigo kasi hindi pa nga nakakalayo si Jamie, pero nasasaktan ako sa nakikita ko. Kahit nakatalikod sya sakin alam kong umiiyak sya. Umiiyak ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko! At mas masakit pa doon ay dahil sakin kaya sya umiiyak! Dahil sakin, nasasaktan ngayon si Jamie.

Punyemas ka talaga Cid oh!

Nang maabutan ko sya ay agad agad ko syang niyakal mula sa likod. Ramdam ko kung paano natigilan si Jamie. Siguro ay nagulat sya nang maramdaman ako na nakayakap sa kanya.

"I'm sorry, Love! I'm really sorry! I didn't mean any of the things that I've said earlier! Please kalimutan mo na yung mga sinabi ko kasi hindi totoo lahat yun! Maliban nalang siguro na hindi ako makakapayag na may kukuha sayo pero yung part na baka magkagusto ka sa iba. Alam ko namang hindi mangyayari yun eh! I'm really sorry for thinking that way! Nadala lang ako ng galit at selos, Love! Hindi ko sinasadya! Hindi ko dapat binaling sayo yung masamang nararamdaman ko. Aminado akong mali ako Love! Maling mali ako! Patawarin mo sana ako mahal ko. Mahal na mahal kita! Takot lang talaga ako na baka may kumuha sayo sa akin! Hinding hindi ko kakayin if mangyayari yun. Ikamamatay ko mahal ko. Please forgive me! Please!" I said while hugging him.

Ilang segundo din akong nagintay ng reply nya pero wala akong naririnig na kahit ano from him kaya medyo mas kinabahan ako. I let go of him first then slowly, I tried to turn him around to see him.


Sobrang gusto kong saktan yung sarili ko sa nakita ko.



He is crying!

Jamie is crying so hard pero walang sound. Nakatingin sya sakin habang yung luha nya patuloy lang sa pagtulo mula sa mga mata nya. Sobrang nasasaktan akong makita sya ng ganito. Parang hinahati yung puso ko.

So what I did is I quickly pulled him and hug him so tight.

"I'm sorry! I'm so sorry, Love! I'm sorry! I'm so sorry! I'm sorry!" Paulit ulit lang yung pagsosorry ko kay Jamie. Nung una ay wala akong naramdamang response kay Jamie, pero maya maya ay naramdaman ko nalang na niyakap nya ko and tsaka sya umiyak pa lalo, but this time my sound na!

Iyak lang siya ng iyak habang yakap ako.

~~~

Third person

Si Jamie and Cid ay parehas na ngayong nasa sasakyan. Nakatabi parin ang sasaktan ni Cid sa gilid ng daan. Parehas silang tahimik lamang. Parehas silang nahihiya at hindi alam kung paano magsisimulang kausapin ang isat isa.

Ilang segundo pang nanatili silang ganito hanggang sa maglakas ng loob si Cid na gumalaw at humarap kay Jamie. He held his hand, but this time. It's gentle and started caressing it. It made Jamie to look at him.

"I'm really sorry, Love! I didn't mean to say any of those words to you! Masyado lang akong nadala ng takot at selos ko. Takot na baka mawala ka sakin! Hindi dahil sa tingin ko hindi mo ko mahal kung hindi dahil alam kung gaano kalaki yung possibility na may mgkagusto sayong iba. Napaka mo naman kasi mahal ko!" Nagbago yung mukha ni Jamie. Yung mukhang parang nagulat at nagtatanong sya sa sinabi ni Cid.


"Napakagwapo mo! Ang lakas ng dating mo mahal ko! Matalino, mabait, masipag, magalang at lahat lahat na! Bulag nalang siguro yung taong hindi magkakagusto sayo! Kaya sobrang natatakot ako na baka may isang taong mas sasapat kesa sakin tapos..." Hindi natapos ni Cid yung sasabihin nya kasi nagsalita na si Jamie.


"Love! Did I ever made you feel na pupwede akong magkagusto sa iba? Alam na naman siguro kung gaano na kahirap sakin ang iopen yung sarili ko sayo tapos maghahanap pa ba ako ng iba. Love! Look at me!" This made Cid to look at Jamie straight in the eye.

" I love you! You and not anyone else! Ikaw lang yung taong hinayaan kong pumasok sa buhay ko wala nang iba! Ikaw lang sapat na! Hindi hindi ako maghahanap ng ib kasi alam kong ikaw na yung taong gusto kong makasama! Ikaw lang! Mahal na mahal kita, kaya alam mo yung masakit sakin. Feeling ko nararamdaman mo yan kasi kang yung pagmamahal na pinapakita ko sayo! I'm sorry kung ganoon, Love! I'm trying naman na..."

"No love! Wala kang kulang! Kahit gaano karami or kalaki yung pagmamahal na ibigay mo sakin, okay lang! Sapat na sapat na yun  ako lang talaga yung boyfriend na nagiging siraulo at nawawala sa sarili pag nagseselos. I'm really sorry, Love! I'm really am! I promise hindi na mauulit! I will try na mas pahabain pa yung pasensya ko. Pasensya na talaga mahal ko! Mahal na mahal lang talaga kita kaya ako nagkakaganito!" Sabi Cid kay Jamie. Jamie removes his one hand into Cid's hold. Tsaka nya hinawakan yung mukha ng kanyang kasintahan na ninanamnam naman ito ni Cid.


"Mahal na mahal din kita, Cid! Hindi hindi magbabago yun! Please trust my love for you! I know minsan hindi ko napaparamdam yun sayo tulad ng kung paano mo napaparamdam sakin kung gaano mo ko kamahal, pero I'm trying Love! Just please be patient with me! I promise someday, magagawa ko ding pantayan yung pagmamahal na Ibinibigay mo." Cid felt so happy hearing everything that Jamie said to him.


Lahat ng takot at kaba na baka mawala si Jamie sa kanya lahat yun nawala. Kaya agad agad himatak ulit ni Cid si Jamie para yakapin mahigpit, na sinuklian naman ni Jamie.


They are just hugging each other so tight not minding everything that happened earlier.


"Mahal na mahal kita, Jamie!" Sabi ni Cid.


"Mahal na mahal din kita, Cid!" Sagot naman ni Jamie.

Nanatili silang ganito hanggang sa maisipan nilang magpatuloy na sa kanilang byahe at ihatid si Jamie sa kanyang tahanan.

To be continued

WAANJAIMJORA

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 920 22
He forget his first love,but one day he realize that the person who chased him was the person who he full in love for more than a decade.
3.2K 141 17
They say that it is better to have loved and lost than to have never loved at all. But what if you've lost yourself in the process of loving that pe...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...