Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.1K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 20

984 57 16
By MaybelAbutar

Natulala si Hurricane habang nakatingin sa lakas at bilis makipaglaban ni Primo. Madali nitong natatalo ang sumusugod na kalaban gamit lamang ang kamao nito.

Muntik pa siyang napasigaw ng biglang umatake ang kalaban sa likuran nito. Ngunit agad itong nahagip ng sipa ni Primo. May sabay-sabay namang aatake rito pero mabilis dinampot ni Primo ang baril sa sahig. Balewala nitong pinaputukan ang grupo ng kalaban. Hindi man lang ito kumurap habang ginagawa iyon.

"Hurricane! Manzo!"

Sabay silang lumingon ng marinig ang tumawag sa kanila. It's Onix na kinakawayan sila para makuha ang kanilang atensyon. Nakasakay ito sa isang yate kasama si Lassy, Orio at Ryz. May mahabang kable ang nagkokonekta sa yate at barko. Sa palagay niya iyon ang ginamit ng apat upang makatawid.

Muli niyang inalalayan si Manzo palapit sa gilid ng barko.

"Injured si Manzo! Tulungan nyo akong ilipat siya!" Sigaw niya sa mga ito.

"N-no, I can manage." Mahinang sabi ni Manzo.

"Are you sure?" Naninigurado niyang tanong.

"Y-yeah,"

Pinagmasdan naman niya ito. Duda siya na baka makabitaw ito habang na sa gitna ng kable patungo sa yate.

"Wait for me," Bilin niya rito bago umalis sa kanilang pwesto. May napansin siya na pwedeng panali sa dinaanan nila kanina. Babalikan lang niya iyon para itali kay Manzo at masiguro ang kaligtasan nito.

Patuloy pa rin sa pakikipaglaban si Primo ng lampasan niya. Hindi naman ito nag-abalang tingnan siya dahil abala ito sa kalaban.

Nang matagpuan ang panali, mabilis niya iyong kinuha at tumakbo pabalik. Ngayon nakatingin na sa kanya si Primo. Halata ang pagtataka nito sa kanyang bitbit pero hindi siya nag-abalang magpaliwanag. Abala siya sa dapat gawin at kailangan niyang kumilos ng mabilis.

"Come here," Nagmamadali niyang sabi kay Manzo.

Sinampay niya muna ang lubid sa kable bago pinulupot sa katawan ni Manzo.

"W-what are you doing?" Halata ang pagkailang nito sa kanyang ginagawa.

Isinuot niya kasi ang lubid sa pagitan ng balakang nito at tinali sa baywang.

"W-wait," Pigil nito sa kanyang kamay.

"Why?" Kunot noo niyang tanong.

Umiwas ito ng tingin sa kanya bago sumagot.

"Don't make it too tight," Tila nakikiusao nitong sabi. 

"Paano kung malaglag ka dahil sa maluwag na pagkakatali?" Tanong naman niya.

"I will hold the rope tight,"

"Injured ang balikat mo. May tama naman ang tagiliran mo. Hindi ka makakatagal sa paghawak sa lubid." Katwiran niya.

"You're hurting his future children." 

Tumingin si Hurricane kay Primo ng marinig ang sinabi nito. Papalapit ito sa kanilang pwesto. Bumalik naman ang tingin niya kay Manzo ng tumikhim ito. Nakaiwas ito ng tingin sa kanya pero halata niya ang bahagyang pamumula ng mukha nito.

"Okay," Sang-ayon niya kahit wala siyang ideya kung paano niya sinaktan ang magiging anak nito.

"Thank you," Parang nakahinga naman ito ng maluwag.

Masusi niyang sinuri kung maayos ba ang pagkakalagay niya ng tali rito.

"Manzo is coming!" Sigaw niya sa mga kasamang na sa yate. "Go," Marahan niyang sabi sa lalaki.

Tumango lang ito bago nagpadausdos patungo sa yate. Malapit na ito sa kinaroroonan ng kanilang mga kasama ng maramdaman niya ang paghatak ni Primo sa kanya kasunod ng pagsabog.

"Argh!" daing niya ng tumama ang kanyang likod sa bakal. 

"You can't escape death!" Muli nilang narinig ang boses ng babae sa lugar. "Your friend is waiting for you, My Lady." Sambit nito bago nawala ang boses.

Iniisip naman niya kung sinong kaibigan ang naghihintay sa kanya ng naagaw ang kanilang atensyon sa pagharurot ng isang speed boat. 

Magkasabay silang sumilip ni Primo sa gilid ng barko at doon niya nakita ang babaeng nakagapos kasama ang tatlong lalaki at isang babae. 

"Sh't, it's Ley!" Sambit niya ng makilala ang babae. "I need to save her." Nagmamadali niyang sabi pero napatigil siya ng hawakan ni Primo ang kanyang braso.

"She said, she's not in danger." Paalala nito sa kanya.

"Sa lagay na 'yon, hindi pa ba siya nanganganib?" Tanong niya sa lalaki.

"Let's go." Sumusuko nitong sabi.

Ibinaba nito ang kable ng isang speed boat na malapit ng madapuan ng apoy. Nang na sa tubig na ang sasakyan, ginamit nito ang naputol na kadena sa braso para mag-slide pababa sa mismong kable ng speedboat.

"Come on!" Sigaw nito sa kanya.

Inalis niya ang pagkakagapos ng kadena sa kanyang braso at ginaya ang ginawa ni Primo.

"D'mmit!" Sigaw niya ng makabitaw dahil sa pagsabog malapit sa kanya.

Panibagong sakit ang naramdaman niya ng tumama sa matigas na bagay. Nakangiwi siyang bumangon ng makitang eksakto sa loob ng speed boat ang kanyang binagsakan.

"P-primo?" Tawag niya sa lalaki ng makitang wala ito roon.

"I'm here,"

Bigla namang tumingin si Hurricane sa inuupuan niya.

"Oh, sh't! I'm sorry, hindi ko sinasadya." Paumanhin niya bago tumayo.

Inalalayan naman niya itong bumangon.

"I know because I'm catching you,"

Hindi niya narinig ang huli nitong sinabi dahil mabilis nitong binuhay ang makina.

"Remove the cables," Utos nito sa kanya.

Sinunod niya ito at inalis ang kableng nakalagay sa speedboat para makaalis sila.

Nawalan siya ng pagkakataon na tanungin ang sinabi nito ng sinimulan nilang habulin ang kinaroroonan ni Ley. Alam niyang nakita sila ng mga kasama kaya pinaandar na rin nito ang yate.

...

Pinaulanan sila ng bala ng kalaban ng makitang sumusunod sila sa mga ito. Magaling magmaneho si Primo kaya't nakakaya nilang iwasan iyon.

"May baril ka ba riyan?" Tanong niya sa kasama.

"Nothing," Simple nitong sagot.

"Nothing?" Hindi naman siya makapaniwala na wala silang dala kahit isang armas, "Paano natin sila matatalo kung tayo lang ang papaulanan nila ng bala?"

"Someone is targeting them," Mahinahon nitong sagot.

Nasabunot naman ni Hurricane ang kanyang buhok. Naiinis siya dahil kating-kati na ang kanyang kamay na gantihan ang mga lalaking nagpapaputok sa direksyon nila.

"Kailangan lang natin makalayo sa barko at linlangin ang kalaban na sila ang target natin," Muli nitong sabi.

"Pwede bang ipaliwanag mong mabuti? Ano bang tinutukoy mo?" Nalilito niyang tanong.

May dinukot ito sa bulsa at ibinigay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon pero nagtataka siya kung para saan 'yon.

"Anong gagawin ko sa maliit na telescope na ito?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang hawak. Kasya lang ang lente ng mata roon.

"Use your brain and then use that telescope." Sarkastiko nitong sagot.

Tinaasan lang niya ito ng kilay kahit sumasabog ang kanyang buhok sa mukha niya.

"You are excellent in fighting but you can't use your brain well." Muli nitong insulto sa kanya.

"Kung ipapaliwanag mo ng ayos, e 'di sana naiintindihan kita 'di ba?"

"Use that thing to see who's in the boat." Kunot noo nitong sabi, halata ang pagkainis sa itsura nito. 

Ito pa talaga ang naiinis ah!

Inirapan niya muna ito bago ginamit ang mini telescope. Lima ang sakay ng sinusundan nilang speed boat, dalawang lalaki ang nagpapaputok sa kanilang direksyon habang ang isa ay nagmamaneho. May kasama itong dalawang babae, ang nakagapos at ang babaeng nakahawak dito. Ngunit nagulat siya ng biglang tumalon ang babaeng walang gapos.

"The girl jumped!" Sigaw niya kay Primo.

"That's Volin, Ley's friend." Sagot nito na patuloy sa pagmamaneho.

"Bakit niya iniwan si Ley doon? She's not a real friend!" Naiinis niyang sabi.

"She's a real friend and she's doing that because of Ley,"

"What do you mean?" Nakatingin niyang tanong sa lalaki.

"Look at the other girl," Utos nito sa kanya.

Muli niyang sinunod ang sinabi nito at ginamit ang telescope. Nagtaka siya dahil masamang tingin ang pinupukol nito sa tumalon na babae. Malayo na iyon sa kinaroroonan ng sinusundan nilang speed boat.

"Then look at the ship's upper deck,"

Bumaling si Hurricane sa hulihan para sundin ang inuutos nito. Ginamit niya ang zoom in ng telescope para makita ang tinutukoy ni Primo. Mas lalo siyang nagtaka ng nakita rin si Ley doon habang nakatayo sa unahan ng barko.

"What is this?" Nagtataka niyang tanong.

"Who do think is your friend?" Tanong nito.

Binalik niya ang tingin sa unahang speed boat bago muling bumalik sa unahan ng barko. 

"It can't be. Ley has a twin?" Hindi makapaniwala niyang sabi. Ngayon niya lang nalaman na may kakambal ito. 

Muntik ng masubsob si Hurricane ng biglang patayin ni Primo ang makina.

"Bakit mo pinatay?" Singhal niya rito. Hindi naman nalalayo ang distansya ng unang speed boat sa kanila.

"We need to help her," Turo nito sa tubig.

No. Sa babaeng tumalon kanina.

"Thank you Supremo," Pagpapasalamat nito ng isinakay ni Primo. "It's time." Muli nitong sabi habang nakatingin sa direksyon ng barko.

Tiningnan niya ang nangyayari doon gamit ang hawak na telescope. Naroon pa rin ang isang Ley ngunit ang kaibahan lamang ay may hawak itong missile at nakatutok iyon sa unang speed boat.

"Oh, sh't! She wants to kill Ley!" Sigaw niya. "Start the boat Primo, let's save Ley!" Natataranta niyang sabi.

Ngunit hindi ito kumikilos. 

Tinabig niya ang lalaki at binuhay ang makina, pero hindi niya iyon mabuhay.

"Wala na tayong gas," Walang lakas nitong sabi.

Naluluha niyang tinitingnan ang speed boat. Kahit nagulat siyang wala na ang kadena sa babae, nag-aalala pa rin siya.

Tila nag-slow motion ang paligid ng makita niya ang lumilipad na missile patungo sa speed boat. Tuluyang pumatak ang luha niya ng sumabog ang speedboat pero kasabay noon ay ang tuluyang pagsabog ng barko.

"No, Ley!!!" Sigaw niya.

Hindi niya alam kung saan ibabaling ang atensyon, sa sumabog na speed boat o sa sumabog na barko. Hindi pa niya natutukoy kung sino ang totoo sa dalawa.

"This is her want," Umiiyak na sabi ng kasama nilang babae. "Ito ang gusto ni Ley para matapos ang kahibangan ng kanyang kapatid. Sana maging masaya na silang dalawa." Muli nitong sabi habang nakatingin sa sumabog na barko.

Nanghihinang napaupo si Hurricane habang tumutulo ang luha.

"Everything has a reason," Sambit ni Primo habang marahang hinahaplos ang kanyang likuran.

Hinayaan lang nilang magpalutang-lutang ang speed boat sa gitna ng karagatan. Tahimik nilang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

"End of the day, but not her game." Nakuha ng babae ang atensyon ni Hurricane. "She wants me to give you this." Sambit nito sa kanya sabay abot ng tila isang box. "Open it when you feel to open." Dugtong nito.

Kinuha niya iyon at isinilid sa kanyang bulsa. Ayaw pa niyang buksan iyon kung kamamatay lang ng nagbigay n'on. Ayaw niyang tuluyang magbreak down.

Bago tuluyang dumilim ang paligid, dumating ang yateng sinasakyan ng iba nilang kasama.

Inalalayan siyang makaakyat ni Primo sa yate. Kahit papaano, napanatag siya ng makita ang mga taong nakasakay kanina sa bangka na narito na.

"Babe!!!"

"Oh, sh't!" Daing niya sa biglang pagyakap ni Casseus. 

"You're safe!" Masaya nitong sabi.

"Let her go, she's wounded!" Bigla naman itong humiwalay sa kanya ng marinig ang mga boses na 'yon.

Tama, mga boses! Hindi niya alam kung sino ang may malakas na pagkakasabi, si Manzo, Drevon o Primo.

Hindi na niya pinansin ang mga ito ng hilahin siya ni Lassy.

"Gamutin natin ang mga sugat mo," sambit nito.

...

...

Hindi alam ni Hurricane kung ilang oras siyang nakatulog matapos gamutin ni Lassy ang kanyang mga sugat. Nag-aagaw dilim na ng sumilip siya sa bintana. May natatanaw na rin siyang pampang.

Inayos muna niya ang suot na polo bago lumabas. Napansin niyang nagkukumpulan ang mga tao sa gilid ng yate habang masayang nakatingin sa pantalan. Natatanaw din niya ang mga taong naghihintay doon. Masaya siya dahil makakauwi ng ligtas ang mga ito.

"Water?" Alok sa kanya ni Lassy na tumayo sa kanyang tabi. "Iyan lang ang meron tayo," Sambit nito.

Kinuha naman niya iyon at uminom. Kaya napansin niyang naalis na ang kadena sa kamay niya.

"Paano natanggal ang kadena?" Nagtataka niyang tanong. 

"May ginawa si Volin, hindi ko alam kung paano pero siya ang dahilan kaya natanggal 'yon."

"Anong oras na pala?" Tanong na lang niya rito. Magpasalamat na lang siya at nawala na ang kadena sa braso niya. 

"Alas sais na ng hapon. Sobrang napagod ang katawan mo kaya almost 24 hours kang tulog."

Tumango-tango siya. Kaya pala nagrereklamo na ang kanyang tiyan, pero makukuntento muna siya sa tubig ngayon.

"Nasaan tayo?"

"Dadaong na tayo sa pinakamalapit na pier ng Los Crucio Familia,"

"Saang lugar?"

Hindi ito sumagot. Seryoso lang itong nakatingin sa daungan.

Hanggang bumaba sila sa pantalan hindi siya kinikibo o iniimikan ni Lassy. Siguro required iyon sa kanila o maaari ding hindi.

Nanatiling nakatayo si Hurricane dahil hindi niya alam kung saan pupunta. May mga kausap na lalaki ang kanyang mga kasama habang ang nailigtas nilang bilanggo ay isinakay sa isang 16 wheeler close van.

Napansin din niya si Primo habang kausap ang petite na babae. Parang hindi maganda ang usapan ng dalawa dahil bigla itong tinalikuran ni Primo. Nagtatagis ang bagang nito habang patungo sa direksyon niya.

"Primo!!!" Tila nakikiusap na boses ni Lassy ang narinig niya.

Lumingon din siya sa direksyon nito at pawang nag-aalala ang itsura ng grupo. Nawala lang ang atensyon niya sa mga ito ng biglang hawakan ni Primo ang magkabila niyang pisngi at siniil ng halik sa labi.

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

5K 97 10
A loving, obedient son to her mother, the Flademian Queen. A Perfect Prince. The Future King
82.2K 1.9K 38
Its just a moonless night when I met him,helpless and dying due to blood loss from his gun shot wounds. I took care of him until he's body is fully h...
4.1K 170 21
"It was an accident, i didn't mean it and now i'll pay the prize."
328K 9.4K 43
Si Nica ay simpleng dalaga na may masayang buhay kasama ang kaniyang pamilya at nag-iisang matalik na kaibigan. Ngunit nagbago ito nang mamatay ang k...