Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.5K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 19

924 57 2
By MaybelAbutar

Nahirapan si Hurricane ng bigla siyang umilalim sa alon. Sumigid din ang labis na kirot sa kanyang  mga sugat ng nabasa ang kanyang katawan. Kumampay siya pataas kahit bumabangga siya sa gilid ng barko. Nang lumitaw siya sa tubig, nahahampas naman siya ng mga alon kaya't nahirapan siyang makita ang jet ski. Pinilit niyang labanan ang hampas ng alon hanggang makita niya ang nakalutang na sasakyan. Kahit nahihirapan, ginawa niya ang kanyang makakaya para lang makarating sa kinaroroonan niyon.

Plano niyang iligaw ang atensyon ng mga kalaban para tuluyang makalayo ang mga bangka. Alam niyang mahihirapan siya sa gagawin, ngunit hindi niya masasabing kaya niya kung hindi niya susubukan. It's too early to quit.

Matagumpay niyang nakuha ang jetski at mabilis iyong pinaandar patungo sa nakataob na bangka. Ngunit isang putok ang umagaw sa kanyang atensyon. Nahihirapan niyang iliko ang sasakyan paharap. Seryoso niyang inangat ang sukbit na baril at sinalubong ng putok ang paparating na missile. Sumabog iyon ng tamaan ng kanyang bala. Malakas na alon ang muli niyang sinalubong dahil sa pagsabog. Sinagad niya ang manibela ng Jet Ski at pinaangat sa alon habang sinasalubong ng putok ang mga paparating na missiles. 

Muli niyang niliko ang sasakyan patungo sa nakataob na bangka. Nahihirapan ang mga itong ibalik ang bangka dahil sa alon mula sa barko. 

"Babe!" Sigaw ng isang lalaki sa kanya. 

Nalukot ang mukha ni Hurricane ng mamukhaan ito, it's Casseus. Na sa ganito na silang sitwasyon pero nagawa pa rin nitong tawagin siya ng ganoon. 

Inilapit niya ang jetski sa kinaroroonan nito. Napansin niyang isa-isa nitong pinapa-kapit sa nakataob na bangka ang mga sakay niyon. Nanghihina itong kumapit sa kanyang sasakyan. Inabot naman niya ang kamay dito para alalayan itong makasakay. 

"T-thank you," Humihingal nitong sabi. 

Sisikuhin na sana niya ang lalaki ng payakap itong sumandal sa kanyang likuran, pero naramdaman niya ang paghahabol nito ng hininga dahil sa pagod.

"Rest for a while, saka natin itihaya ang bangka." Sambit niya sa lalaki. Ipinuwesto niya sa likuran ng bangka ang sasakyan para makita niya kung may magpapakawala na naman ng putok sa direksyon nila.

Malayo naman ang agwat ng ibang bangka sa kanila pero mas malapit ang tatlong sumabog. Nakita niyang umaapoy pa ang kapiraso ng bangka bago ito tuluyang lumubog sa tubig.

"Thanks goodness I didn't die or I won't be here now," Bulong nito at niyakap pa ang kamay sa kanyang baywang.

"Move your hands or you will die now," Seryoso niyang banta.

Mabilis naman itong dumistansya sa kanya.

"Kumilos ka na habang tahimik pa ang paligid," Muli niyang sabi habang pilit tinitingnan ang direksyon ng nagpapaputok kanina. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, ngunit tila walang gumagalaw doon ngayon.

"Yes Ma'am!" Hyper nitong sagot.

Mas inilapit niya ang jet ski sa bangka at pinatay ang makina. Lumusong siya sa tubig kasunod si Casseus.

"Kung sinuman ang may natitira pang lakas, tulungan nyo kami para ibalik patihaya ang bangka." Sambit niya sa mga nakahawak sa gilid ng sasakyan.

Mayroon namang tumango, pero 'yung iba ay hindi talaga makakilos. Inilipat na lang nila ang iba sa jetski para doon humawak.

"In count of three, push to the up." Pagbibigay niya ng instruction, "Three... Up!" Nakanganga naman sa kanya ang mga kasama. "What?" Singhal niya. Nag-iwas naman ng tingin ang iba pero umiiling na nakatingin sa kanya si Casseus.

"Babe, magsimula ka kasi sa one, tapos two at huli ang three," Sambit nito habang pinapakita isa-isa ang daliri.

"Tsk, fine! Then count."

Natatawa itong sumunod sa kanya. Masyadong easy ang personality ni Casseus, kung kumilos ito ay parang wala sila sa gitna ng gulo.

"One... two... three push!"

Sabay-sabay nilang inangat ang nakataob na bangka ngunit bumabalik lang iyon sa pagkakataob.

Naisip ni Hurricane na lagyan ng bigat ang kabilang parte ng bangka kaya lumubog siya sa ilalim at lumipat sa kabila.

"Oh, sh't! You scared me!" Sigaw ni Casseus ng lumitaw siya.

"Count to three again," Sambit niya at hindi pinansin ang natatakot nitong reaksyon.

Hindi niya alam kung saan ito natakot sapagkat wala naman silang kalaban sa malapit.

"Three push!!!" Sigaw nito. Mabilis naman siyang sumakay sa kabilang gilid kahit hindi tama ang pagbibilang nito. Hinila niya patihaya ang bangka kasabay ng pagtulak nina Casseus.

Nakita niyang epektibo ang kanilang ginawa, ngunit nadaganan siya pailalim sa tubig. 

"Sh't!" sambit niya bago tuluyang lumubog.

Lumangoy na lang siya pabalik sa kabila kung nasaan ang Jet Ski. Kumunot ang noo niya ng makasalubong ang seryosong tingin ni Casseus paglitaw niya.

"What's your problem?" Kunot noo niyang tanong dito.

"I nearly forgot that your extraordinary girl," Umiiling nitong sagot bago umakyat sa bangka.

Tinulungan naman nito na muling makasakay ang iba.

"Give me the rope!" sigaw niya kay Casseus pagkatapos isakay ang mga tao.

Walang salita naman nitong inihagis ang lubid sa kanya. Kinuha niya iyon at tinali sa hulihan ng jetski. Hinila niya ng sasakyan ang bangka palayo sa barko para siguraduhing hindi na ito maaabot ng bala.

Nang masigurado ang layo, muli niyang inalis ang lubid at hinagis sa tubig. Hinila naman iyon pabalik ni Casseus.

"Thank you, until we meet again." Narinig niyang sabi ng lalaki bago niya pinaharurot pabalik ang sasakyan.

Plano naman niyang hilahin isa-isa ang mga bangka para ilayo sa barko.

...

"Rica!!!"

Nakilala niya agad ang sumigaw habang papalapit siya sa huling bangka.

It's Drevon. 

Nagtataka na rin siya kung bakit nakatigil ang barko ngayon kaya't nagmadali siya sa planong ilayo ang mga bangka.

Inihagis agad nito ang lubid kahit hindi niya sabihin. Malamang nakita nito ang ginawa niya sa iba pa.

Katulad ng mga nauna, itinali niya iyon sa jetski at pinaandar palayo ang sasakyan.

"My apology but I can't help you for now," Paumanhin ni Drevon habang inaalis niya ang tali, "Some of them..." Turo nito sa mga taong kasama sa bangka, "are from our Familia. I need to secure their life first."

"Understood. Take care of them," Sambit niya bago ihagis sa tubig ang lubid at patakbuhin ang sasakyan palayo.

"Please take care too, Rica!" Sigaw nito sa kanya. 

...

...

Lumapit si Hurricane sa nakatigil na barko kung saan may hagdan sa gilid n'on. Dahan-dahan siyang umakyat at nakiramdam sa paligid. Marahan siyang naglakad papasok ngunit nanlaki ang kanyang mga mata ng may sumabog sa malapit at patungo sa kanya ang apoy.

Mabilis siyang nagdive pabalik sa tubig bago pa siya mahagip ng apoy. Habol hininga siyang lumitaw at tiningnan kung saan siya maaaring dumaan para muling makapasok sa barko.  Napansin naman niyang nakalawit ang anchor ng barko kaya lumangoy siya patungo roon. Marahil ito ang dahilan kaya nakatigil ang barko.

Tagumpay siyang nakapasok muli sa barko ngunit natigilan siya sa dami ng nakahandusay sa sahig. Duguan at tila wala ng buhay. Ang mas ikinagulat niya ay ang simpleng suot ng mga ito, katulad ng mga taong nakita niya sa itaas na deck. Ang mga taong akala niya'y simpleng pasahero.

May narinig siyang putok sa malapit, dahan-dahan siyang nagtungo roon. Sinilip niya ang nakaawang na pintuan. Nakita niya ang nakatalikod na lalaki sa kanyang direksyon pero halatang may sinisilip ito sa hawak na sniper. Nakatutok ang baril kung saan naroon ang mga pinalayo niyang bangka.

Bago pa siya makalapit sa lalaki, naramdaman na siya nito. Mabilis siyang nagtago ng puputukan siya nito.

"Get out!" Seryoso nitong sabi.

Kumunot ang noo ni Hurricane ng maging pamilyar sa kanya ang boses nito.

"Manzo?" Pagkilala niya at unti-unting lumabas sa pinagtataguan.

"Holysh't, Hurricane! It's you?" Gulat nitong sabi pero nakahinga ito ng maluwag at binaba ang hawak na baril.

May tama ito sa tagiliran at balikat. Namumutla na rin ito.

Mabilis niyang nilapitan si Manzo. Doon niya lang napansin ang nakahandusay na lalaki sa katabi nito. Agad niya iyong namukhaan, iyon ang bartender na nagbigay sa kanya ng inumin. Inalis niya ang tingin sa lalaki at binalik kay Manzo.

"Let's go, hanapin natin ang iba pa."

"No," Nanghihina nitong sabi.

"Why?" Nagtataka niyang tanong.

Hindi siya nito pinansin at muling sumilip sa sniper.

"Hey, ano pa bang ginagawa mo d'yan? Kailangan na nating umalis!" Pilit niya sa lalaki.

"I can't, unless I'll make them safe." Nagpakawala ito ng putok, "Sh't!" Frustrated nitong sabi.

Lumapit naman siya sa bintana at sinilip ang labas.

"Oh, sh't!" Bulalas din niya.

May grupo ng kalaban ang sakay sa jetski patungo sa mga bangka.

Halatang nahihirapan si Manzo dahil sa natamo nitong sugat.

"Let me do it. Your wounded," Presenta niya rito.

Nagtataka naman itong tumingin sa kanya.

"Your wounded too," Tukoy nito sa mga dati niyang sugat. 

"I don't bleed too much unlike you and besides I have my way to make you agree," dugtong niya.

Wala naman itong nagawa kundi gumilid at bigyan siya ng espasyo.

Puwesto naman siya sa dati nitong pwesto. Sumilip siya sa telescope ng sniper at sunod-sunod nagpaputok. Hindi niya hahayaang makarating ang mga ito sa tumatakas nilang kasama. Napangisi siya ng iisa na lang ang natira.

"Your identity makes me wonder who's the real you," Bahagya siyang sumulyap kay Manzo na nakasandal malapit sa kanya.

"I wonder why it makes you curious," Balewala niyang sagot at muling sumilip sa sniper.

Malikot ang pagpapatakbo ng nag-iisang kalaban sakay ng jet ski kaya't medyo nahirapan siya. Idagdag pa ang titig ni Manzo sa kanya.

"Staring is rude, Manzo." Sambit niya sa lalaki kahit hindi niya ito tinitingnan. Nararamdaman niya iyon kahit hindi siya tumitingin.

Nagfocus si Hurricane sa nag-iisang jet ski. Zigzag ang ginagawa nitong pagpapatakbo sa tubig kaya ng lumiko ito sa kaliwa, nagpaputok siya sa kanan. Ngumisi siya ng ito na mismo ang sumalo sa pinakawalan niyang bala ng lumiko ito sa kanan.

"Bullseye!" Nakangiti niyang sabi. "May nakabaon bang bala sa katawan mo?" Baling niya kay Manzo.

"Daplis lang ito," Sagot ng lalaki.

Tumayo si Hurricane at kinuha ang kurtinang nakasabit sa bintana. Hinati niya iyon at lumapit kay Manzo. Tinalian niya ang sugat nito sa balikat at tagiliran.

"It helps you to stop bleeding for a while," sabi niya habang nilalagyan ng tali ang sugat nito.

"Why are you doing this? Hindi mo kami kailangan palaging iligtas. Hindi mo kami responsibilidad, Hurricane."

Huminga ng malalim si Hurricane bago matamang tiningnan ang lalaki.

"Responsibilidad ko kayo," seryoso niyang sabi na nagpalito sa lalaki. "You can't understand for now, maybe soon once I'm ready." Makahulugan niyang sabi.

"What do you mean?" Naguguluhan nitong tanong.

Nauunawaan niya ito dahil ganoon din ang nararamdaman niya noon. Naguguluhan din siya dahil bakit siya? Bakit siya pa ang naging, 

"Sh't!" Gulat niyang sabi ng marinig ang panibagong pagsabog. "Let's go! Mukhang magugunaw na ang barkong ito." Inalalayan niya patayo si Manzo maging sa paglalakad nito.

Mabilis silang lumabas sa silid at nagtungo kung saan wala pang apoy.

Isa na namang pagsabog ang naramdaman nila kaya mas binilisan nila ang pag-alis sa lugar. Kailangan nilang makarating sa lokasyon ng mga bangka. Alam niyang may magagamit sila doon para makaalis sa barko ng hindi natutusta.

"Once we survive this battle, give me a free ticket to your concert. VIP!" Madiin niyang sabi para lang mawala sa kanyang isip na anumang sandali ay maaari silang mahagip ng pagsabog.

Bahagyang natawa si Manzo sa kanyang sinabi.

"Sure! I'll personally deliver it to you," Mabilis nitong sang-ayon.

"Thank you for that, malapit na tayo." Tukoy niya sa lugar na pinanggalingan nila kanina.

Sabay silang napatigil ng lalaki ng masilayan ang lugar. 

Natuod naman si Hurricane dahil sa nakita. Isang pangyayari ang hindi niya inaasahan na masasaksihan mula sa taong tila uhaw na halimaw kung pumatay.

Natauhan lang siya ng magsalita si Manzo, isang patunay na totoo ang nakikita niya mula sa taong ito.

"That's the real power of  the Mafia Supremo."

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
7.5K 988 54
She is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping...
11.8K 448 32
{UNEDITED} {COMPLETED} Leuruna is the daughter of a Luna and Alpha in a Pack. They were happily living in the Black cresent moon pack but a tragedy...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...