Devil's GAME

By MaybelAbutar

50.5K 2.6K 313

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 17

1K 57 3
By MaybelAbutar

"May laptop ka ba na pwede kong magamit?" Tanong ni Hurricane ng lumabas sila sa silid.

"Dala ni Ryz ang nag-iisang laptop dito," Sagot ni Lassy, "Meron ditong tablet, pwede na ba 'yon?"

Ipinakita nito ang nakuhang tablet mula sa isang bag.

"Anong lamang niyan?" Curious niyang tanong habang nakatingin sa bag.

"Weapons. Kinuha nila ito for emergencies,"

Tumango na lang si Hurricane.

"Let me have it," aniya.

Binigay ni Lassy ang tablet sa kanya. Kaagad naman niya iyong binuksan.

"Saang parte ba tayo ng barko, bakit walang signal dito?" Tinaas pa niya ang hawak na gadget, "Ouch!" pero napangiwi siya ng kumirot ang sugat sa braso.

"Let me," Presenta ni Lassy.

Muli niyang iniabot ang tablet kay Lassy. Ito ang nagpaikot-ikot sa kinaroroonan nilang lugar para lang humanap ng signal.

"Mukhang kailangan nating lumabas," Suhestiyon ni Lassy.

"Let's bring some weapon," sang-ayon niya.

...

"I think, this is not a good idea." Mahinang sabi ni Lassy habang nagkukubli sila.

Makakasalubong kasi nila ang tila nagrorondang mga guwardiya. Armado ang mga ito kaya napilitan silang magtago. Hindi nila intensyon ang makipaglaban sa ngayon kung kaya naman nilang iwasan.

"Wala pa ring signal sa lugar na ito," Mahina niyang sabi. "Subukan natin parteng iyon," Turo niya sa pinanggalingan ng mga guwardiya.

"It's dangerous," Kontra nito sa kanya. "Nakita mo naman 'di ba? Doon lumilitaw ang mga guwardiya at siguro alam mong hindi lang sila basta gwardiya," Dugtong nito.

Yes. Hindi lang iyon basta guwardiya sapagkat katulad ng uniporme nito ang suot ng mga nakalaban nila. Kung simpleng guwardiya ito tulad sa normal na barko, hindi sila nagtatago ng ganito.

"Ikaw ang magiging lookout ko," Muli niyang sabi. "Let's go!"

Wala rin nagawa si Lassy kundi sumunod sa kanya.

"Stop!" pigil niya rito, "Mayroon na rito."

"Are you serious?" Hindi makapaniwala nitong tanong. "Can't you see how open this space is? Kung may lilitaw na kalaban, wala tayong pagkukublihan."

Alam niya iyon, pero wala siyang pagpipilian.

"I'll make it fast," sagot niya bago sinimulan ang gagawin.

Naninibago siyang gamitin ang tablet sa ganitong klase ng gawain. Karaniwan niya lang itong gamit kapag kanyang hina-hack ang mga CCTV without using their site.

"Matagal pa ba 'yan?" Naiinip na tanong ni Lassy. Alerto ito sa paligid.

"Almost there," seryoso niyang sagot. "Oh, no!"

Mabilis lumapit si Lassy sa kanya.

"Why?" Nag-aalala nitong tanong.

"Ryz system already enter,"

"Huwag ka ng magtaka. Ryz is our Security Department Head kaya maaasahan siya sa ganyang bagay," May pagmamalaki nitong sabi.

"I know." sang-ayon niya sa sinabi nito dahil alam niyang totoo iyo. Hindi mapapasok ang system ng barko kung hindi magaling ang hacker. "But it's not a problem."

"What is it?"

"The system is misleading his track."

"What? How?"

"Oh, no! He's almost there." Mas binilisan niya ang paghabol dito, "Sh't!"

"Tell me what's happening?" Hindi mapakali nitong tanong.

"He chose a wrong key," Sagot niya ng hindi inaalis ang titig sa tablet habang patuloy sa pagtipa.

"Anong gagawin natin?" Nag-aalala nitong tanong.

"Stop them,"

"Who?" Nagtataka nitong tanong.

"The enemies are coming,"

Narinig ni Hurricane ang buntong hininga nito.

"Alright." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kanyang tabi, "Huwag mo na itong isipin. Gawin mo na lang ang lahat mapigilan lang ang maaaring mangyari," Paalala nito sa kanya bago umalis.

Pinagpatuloy naman niya ang ginagawa. Malapit nang mapuno ang pulang linya na makikita niya sa screen. Maaari pa niya iyong pigilan.

Hindi nagpadala si Hurricane sa mga naririnig na putok at mga pagbagsak. Alam niyang dahil iyon sa pakikipaglaban ni Lassy.

Napangisi siya ng umatras pabalik ang pulang linya. Iisa lang ang ibig sabihin n'on, nagtagumpay siya. 

"Wooh, muntik na! Mabuti nakaabot." Masaya niyang sabi. 

"Miss Hurricane?"

Bumalik ang kanyang tingin sa screen. Hindi niya alam na nakakonekta pala siya kay Ryz. Baka dahil sinusundan niya ang system nito kanina. 

"Hi!" Nakangiti niyang bati at awkward na kumakaway, "Let me help you once again." Kumindat na lang siya sa monitor bago pindutin ang Enter sa screen. Hindi niya alam kung ano iyon, pero malamang iyon naman ang pakay ni Ryz kaya pinasok nito ang delikadong system.

"Are you done?" Sigaw ni Lassy.

"Yeah!" Sagot din niya.

"What are you doing? You should be resting!" Kahit hindi nakikita, alam niyang boses iyon ni Primo.

"I am. Lassy is fighting while I'm resting," Balewala niyang sabi.

"I heard you Bitch!" Sigaw naman ni Lassy.

"Go back to the room," Matigas nitong utos.

Umirap siya sa hangin.

"Fine." Sang-ayon na lang niya, "Anyway, you did a great job Ryz!" Muli siyang kumindat bago ibalik sa dati ang ginamit na system.

"Let's go!" Sigaw niya kay Lassy.

Napataas ang kilay ni Hurricane ng maarteng hinawi ni Lassy ang buhok. Nakahandusay naman ang kalalakihan sa lapag.

"Let's go. Siguradong dadami na sila maya-maya," Sambit nito.

"Sigurado iyon dahil nagpakawala ka ng putok, Gaga!" 

"Anong gusto mong gawin ko? Hayaan silang paputukan ako? Over my dead body!" Maarte nitong sabi.

"Aist. Tara na nga!"

...

...

...

"So, she's the Princess?" Nakangising tanong ni Jackeleigh sa kanyang kapatid.

Nakikita nila ang ginawa ng dalawang babae gamit ang malaking monitor sa loob ng dining room. 

"She is." Sagot ni Devileigh habang umiinom ng tsaa.

Malakas na tumawa si Jackeleigh.

"Hindi ko inaasahan na mas malaking isda ang babaeng 'yan kesa kay Supremo," Komento nito habang pinapaikot ang alak sa hawak na wine glass bago uminom, "That's awesome!" Masaya nitong dugtong.

"What's your plan about her?" Balewalang tanong ni Ley.

Binaba ni Jackeleigh ang hawak na wine glass at tumayo. Lumapit ito sa kinauupuan ni Devileigh. Tumayo ito sa likuran ng upuan ng huli at hinawakan ito sa balikat. Hinaplos nito iyon kapagkuwan ay malakas na pinisil.

Hindi iyon pinansin ni Ley kahit bumabaon na ang kuko ng kapatid sa balikat niya.

"At bakit ko sasabihin sa'yo, mahal kong kapatid?" Malambing nitong bulong, "Hindi ako tanga tulad ng akala mo." Binitawan nito si Ley at bumalik sa dating inuupuan.

Kinuha nito ang isang table napkin at pinahid ang bahid ng dugo sa kuko.

"Nakakatuwa dahil hindi mo itinanggi ang katauhan ng babaeng iyon," Nakangiti nitong sabi.

Sumimsim muna si Devileigh sa kanyang tsaa bago sinagot ang kapatid. 

"Why would I?" Balewala niyang tanong tulad ng pambabalewala niya sa bigat ng suot na kadena.

"Because you grew up with her?" Hula nito. "Or is it because you're trying to use her to defeat me?" Matalim nitong sabi.

Tumawa si Jackeleigh ng hindi sumagot si Ley.

"Tama ako 'di ba?" Nakangisi nitong sabi, "Hindi mo ako matatalo Ley, hindi noon, hindi ngayon at mas lalong hindi sa hinaharap. Kahit anong gawin mo, hindi mo ako kayang patayin."

"I didn't plan to kill you," Mahinahong sabi ni Ley.

"Sinungaling!" Sigaw nito kasabay ng malakas na paghampas sa mesa. Kumalampag ang mga utensils sa ibabaw n'on.

"I'm not." Diin ni Ley. 

"Ahh!!!" Malakas na sigaw ni Jackeleigh at hinagis ang wine glass sa sahig. Malakas ang naging tunog niyon kaya't nagtungo sa loob ang mga tauhan niyang nagbabantay lang sa labas ng dining room. "Lumabas kayo!" Muli nitong sigaw sa mga tauhan. Tahimik namang umalis ang mga ito.

Huminga ng malalim si Jackeleigh at mahinahong humarap sa kapatid. Wala namang reaksyong makikita kay Devileigh kahit magwala ang kapatid sa kanyang harapan.

"You didn't plan to kill me?" Ulit nito sa sinabi ni Devileigh, "Yeah, you did not plan, but you want me to get killed! Iniwan mo ako sa pamilya natin para harapin ang hirap sa kamay ng ating mga magulang. Nagsilbi ka sa ibang tao upang protektahan ang kanilang anak pero pinabayaan mo ang sarili mong kapatid. Pinabayaan mo ako Ley!" Sumbat nito habang namumuo ang luha sa mga mata. "Alam mo ba ang dinanas kong hirap sa kamay ng ating mga magulang? Hindi 'di ba? Kasi nagpapaka-sarap ka habang ako naghihirap!" Mabilis nitong pinunasan ang nalaglag na butil ng luha sa pisngi.

"Pagkatapos bumalik ka. Bumalik ka na akala ko kung sino at pinarusahan ang nag-iisang kakampi ko! Pinatay mo si Jack na tanging nagmamalasakit sa akin. Iyon ba ang walang planong patayin ako? Pinatay mo na ang kaluluwa ko Ley!"

"Leigh,"

"Wala kang karapatang tawagin ako sa pangalang 'yan." Putol nito sa sasabihin ni Ley. "Hindi ko masikmura na magkatugma ang pangalan natin,"

Nagpakawala ng buntong hininga si Ley.

"I'm sorry for what our parents did to you before but it's training to become a reaper," Mahinahong paliwanag ni Ley.

"Tama ka." Kalamado nitong sabi, "Pero ang hindi ko matanggap kung bakit mo ako iniwan? Bakit hinayaan mo akong maghirap mag-isa? Bakit napaka-selfish mo?" Muli nitong sumbat kay Ley.

"I don't want to become a reaper,"

"Hindi mo matatanggihan ang tungkulin natin sa ating pamilya!" Matigas nitong sabi. "Kahit umalis ka, sa'yo pa rin ibinigay ng ating mga magulang ang pamumuno! Ako ang naroon Ley, ako ang higit na naghihirap sa lahat pero ikaw ang nakinabang!" Galit nitong dugtong.

"That's why I'm back to get things right,"

"Ganun lang 'yun? Babalik ka kung kailan mo gusto? Babaguhin mo ang nakasanayan dahil gusto mo? Tinanong mo ba kami kung gusto namin? Hindi naman 'di ba? Dahil wala ka naman pakialam sa amin!"

"I do care for our lineage Jackeleigh," Seryosong pahayag ni Ley. "Hindi na tama ang ginagawa nyo kaya gusto kong itama iyon habang maaga pa."

"At ano ang tama? Hayaan na sakupin ng Mafia ang Familia natin? Magpapaalipin sa kanila at gagawing utusan? Hindi kami tanga Ley at hindi namin hahayaan 'yon!"

"Para iyon sa kapayapaan ng lahat."

"Sinungaling! Para iyon sa sarili mong kapakanan!" Pagpupumilit ni Jackeleigh. "Alam kong ikaw ang nagbigay ng mga imbitasyon sa Mafia? Anong gusto mo? Mahuli kami? Matalo? Hindi mangyayari 'yon Ley! Hindi ko hahayaan na mangyari iyon!"

"Sinusubukan kong liwanagin ang isip mo Leigh, ngunit matigas ang iyong desisyon sa paniniwala mong tama. Hindi makakabuti sa'yo kung patuloy mong kakalabanin ang Mafia."

"At mas lalong hindi makakabuti sa akin ang maging sunod-sunuran sa matagal na nating kaaway,"

"Meister!" Galit na lumingon si Jackeleigh sa tauhan na biglang pumasok.

"Kapag walang kabuluhan ang sasabihin mo, may kalalagyan ka!" Singhal nito sa lalaki.

"Patawad po, pero nakuha ng Mafia ang ating mga bangka."

Muling ngumisi si Jackeleigh.

"Iniisip siguro nila na hahayaan ko silang tumakas," Sambit nito kasabay ng pagtawa. "Panoorin mo ang gagawin ko sa kanila Ley, siguradong bawing-bawi ako sa ginawa mo kay Jack. Uubusin ko sila sa harapan mo!" Matalim nitong sabi bago tumayo.

"Ipaalam sa lahat na humanda sila para isagawa ang ating plano," Utos nito sa lalaki.

"Masusunod po!" Mabilis na sang-ayon ng lalaki at lumabas.

"Kayong mga na sa labas, pumasok kayo rito at dalhin ang babaeng ito. Malaki ang magiging papel niya sa plano natin," Nakangisi nitong sabi kay Devileigh.

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

35.1K 1.1K 32
Janna is a fearless and extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of danger. A combat fighter, black belter and sharp shooter. She's ta...
410K 3.2K 7
Synopsis Nasa sinapupunan pa lang si Scoth ay dala na niya ang sumpa na hindi magiging maligaya kapag nahanap na nilang magkapatid ang babaeng itinak...
24K 1.2K 63
「COMPLETED」「UNEDITED」 Babaeng happy go lucky, laging nasusunod, lahat ng gusto nakukuha agad agad. May kapatid na sweet at caring at syempre may magu...
7.2M 343K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...