Wrath of the Mafia Heir

Da RedPoisonInk

1.2K 85 1

Loid Claus Falcone, the charismatic heir to the Falcone mafia family, struggles between his yearning for a di... Altro

DISCLAIMER
MAIN CHARACTERS
BLURB
1- ENCOUNTER
2- HEIR
3- DESTINY
5- ATTACK
6- REASON
7- DALAW
8 - DATE

4- CASA L'MAFIOZA

42 6 1
Da RedPoisonInk

CHAPTER 4

Bumuntonghininga si Waem habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Paalis na sila sa mansiyon ng mga Falcone.

“Are you okay?”

Sa ikatlong pagkakataon hindi sumagot si Waem sa tanong na iyon ng kaibigan. Dahil hindi niya alam kung okay ba talaga siya. Hindi niya alam ang mararamdaman sa oras na iyon. Kapag naaalala niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Loid ay pagkadismaya, maghihinayang at lungkot ang nararamdaman niya.

“You what? Moretti?” natakot si Waem nang mahimigan ang lamig at diin sa boses ni Loid.

Marahan siyang tumango nang hindi pa rin magmumulat ng mga mata, nakayuko lang sa harap nito. Gusto sana niyang sulyapan ito para tingnan ang reaksiyon nito ngunit kahit hindi niya na gawin iyon ay alam na niya. Natatakot lang siya na baka hulihin siya ni Loid at gawing pain para pabagsakin ang Daddy niya.

Yes, I'm sorry for not telling you right away. But I promise, I'm not here to spy on you. And my Dad didn't know that I'm here.” Waem feels that her voice is shaking. Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa kaba.

“Then why are you here? You know that this place is dangerous for you, but you still choose to go here. May malalim na dahilan ang pagpunta mo dito. Can you look at me!” may inis ang boses ni Loid nang sabihin ang huling salitang iyon.

Simula nang makita niya ang dalaga sa banyo ay hindi na maalis ang tingin niya dito. Nang umakyat siya sa stage kanina ay ang dalaga na ang hinahanap ng mga mata niya. Kaya kahit madilim sa puwesto nito ay nakita niya ito. Wala siyang pakialam sa lalaking katabi nito na alam niyang napansin ang titig niya sa katabi nito.

Dahan-dahang umangat ang tingin ni Waem sa binata. Nang magkasalubong ang kanilang mga paningin ay halos pigilan na niya ang kanyang hininga. Para bang may mga paru-parung naglilikot sa kanyang tiyan dahil sa kiliting nararamdaman. Gusto niyang umiwas ng tingin ngunit hindi niya magawa dahil parang may humihila sa kanya para titigan ang binata.

“Now tell me,” mahinahon na itong nagsasalita.

Umiling si Waem. Hindi niya pwedeng sabihin ang dahilan niya dahil masyadong iyong nakakahiya. Nagmumukha siyang patay na patay dito kung aaminin niyang gusto niya ito kaya siya naroon sa party.

“No, I can't. Pero promise naman na hindi ako nandito para mang-spy at—”

“Are you here because of me?” he cut her off. Lumapit pa ito lalo sa kanya ngunit mabilis mabilis niyang nilagay ang kamay sa dibdib nito upang sa ganoon ay mapigilan ang paglapit nito.

Nagulat din siya sa sinabi nito. Ngunit agad na umiling dahil ayaw niyang mahalata nito na tama ang sinabi nito. Ngumuso siya at tiningnan ang kamay na nasa dibdib. They look comportable on his chest.

“Of course not...” Waem stops talking when they feel a presence coming to their place. She pushed Loid away from her ngunit dahil sa ginawa niyang iyong ay siya ang muntik ng mahulog sa kinauupuan. Mabuti na lang at mabilis na pumulupot sa baywang niya ang mga braso nito.

Tumayo si Loid habang hawak-hawak pa rin siya. Binitawan lang siya ni Loid nang maayos na siyang nakatayo. Hindi tuloy siya makapagsalita, hindi niya mahanap ang salitang gusto niyang sabihin. Kasabay nang pag-angat ng tingin ni Waem ay ang pagdating ni Lax na mukhang nag-aalala pa. Agad siya nitong nakita at nilapitan. Sumulyap lang ito kay Loid bago ituon ang atensiyon sa kanya.

“They knew about you. Let's get out of here.” Hinawakan siya ni Lax sa kamay na kinatalim ng tingin ni Loid.

“But how?” she's confused. May nakakilala sa kanya? Nang tingnan ni Waem si Loid ay nakakunot na ang noo nito na para bang may malalim na iniisip.

Imposibleng ito ang nagsabi dahil ngayon pa lang naman nalaman ng binata ang tungkol sa kanya. Kanina pa siya sa labas, at alam din niyang walang nakakakilala sa kanya. Except if someone that Waem knows tells them. Not also Lax, because she knows him very well.

It's not Eujem, right? Of course he won't tell them about me dahil mapapahamak din siya. So who? Damn!

“I don't know how, pabalik pa lang ako sa mesa natin nang magkagulo dahil nalaman na may nakapasok na kalaban. I heard your father's name kaya ikaw agad naisip ko. Damn, kanina pa kita hinahanap. Tumulong si Eujem sa paghahanap sa 'yo, hindi ko alam kung saan na siya. Let's go, Waem. You're not safe here anymore.” At hinila na siya ni Lax ngunit natigil nang may humawak sa isang kamay niya. Agad niyang naramdaman ang libo-libong boltahe na umakyat sa katawan niya.

“You can't go out there. Marami kaming tauhang nakabantay diyan. Come.” Hindi na nito hinintay na magsalita pa silang dalawa ni Lax at agad na siya nitong hinila sa kung saan.

Nakalabas silang pareho ni Lax dahil sa tulong ni Loid. Bumuntonghininga siya nang tingnan ang kamay niya. Loid hold her hand so tight a while ago. Hindi niya alam ang mararamdaman. Masaya siyang kahit papaano nahawakan ng lalaking mahal niya ang kamay niya. Ngunit pagkadismaya at lungkot sa katotohanang baka iyon na ang huli.

“Max told me you will stay at his house tonight. Hindi ka mahahanap doon ng Tatay mo.” Bumaling siya kay Lax at tumango.

“Okay, thank you!”

“Tsk, don't be sad. I'm sure, hindi naman iyon ang huling pagkikita niyo.”

Ngumuso si Waem. “Ilang buwan na naman? Ngayon ko lang siya nakita ulit at nakausap ng matagal pero ito pa ang nangyari. I didn't even get his number,” maktol niya.

Hindi makapaniwalang tumingin si Lax sa dalaga. Hanggang sa mapailing siya. Kung kaya lang niyang batukan ang dalaga ay baka ginawa na niya ngunit alam niyang siya ang mananagot sa kambal niya.

“Are you for real? Lalaki ka ba? Tsk, don't look so desperate to have him. Baka mamaya ay may girlfriend iyon.” Halos umusok naman ang ilong ni Waem nang marinig iyon sa kaibigan.

Inis niyang binaklas ang seat belt,  dumukwang siya palapit at binatukan ito. Sandali siyang sinamaan ng tingin ni Lax at ganoon din naman ang ginawa niya dito.

“Lalaki lang ba ang puwedeng humingi ng number? We can do that too! And he doesn't have a girlfriend! Don't talk to me, sisipain kita.” Umirap si Waem dito.

She crossed her arms and didn't talk to him until they arrived at Max's house. Lumabas siya ng kotse at malakas iyong sinara. Nang akmang bababa si Lax nang isara niya ang pinto sa banda nito. Hinarangan niya ang pinto nito. Naiinis siya dito. Bumukas ang bintana at masungit siyang tiningnan ni Lax.

“I won't let you come inside. Huwag kang magpumilit, isusumbong kita kay Max! Naiinis ako sa'yo! Alis! Panget!” Nagmartiya si Waem papasok sa loob ng bahay at ni-lock agad ang gate at pinto ng bahay.

Hanggang sa pagtulog ay nakasimangot si Waem. Ngunit habang iniisip niyang nakausap at napagmasdan niya si Loid ng malapitan ay kinikilig siya.

Waem has been in love with Loid for how many years now? The first time she saw him was three years ago at church. Hindi pa niya alam noon na Falcone ito. Ito din ang dahilan kung bakit pabalik-balik siya sa simbahan kapag araw ng pagsamba. But one day he didn't show up hanggang sa magtuloy-tuloy na iyon. Sobrang pagsisisi talaga ang naramdaman niya dahil hindi man lang niya ito nilapitan noon o kahit tanungin man lang ang pangalan nito.

Then, when Waem got home one night from a nightclub, her family was talking in their living room. Wala siyang planong makinig o sumama sa usapan ng mga ito dahil alam naman niyang tungkol sa ilegal iyon. But her Mom, pulled her. Wala siyang nagawa kundi ang umupo roon at magbingi-bingihan sa pinag-uusapan nila. Not until her father showed them some photos of their rival did Waem see a familiar face. Kinuha niya iyon at hindi pinansin ang tingin sa kanya ng kanyang pamilya.

It's Loid Cllaus Falcone handsome photo. Nang gabi ding iyon ay palihim na kinuha ni Waem ang litrato nito sa opisina ng Daddy niya. Iyon din ang unang beses niyang tumakas patungo sa Italy.

“Gigisingin mo lang eh! Bilis na kasi!”

Kinaumagahan, pagbaba ni Waem ay nagulat siya nang makita si Max na nagluluto sa kusina kasama ang kambal nito. Nanumbalik tuloy ang inis na naramdaman niya ng makita si Lax. Nakasimangot siyang pumasok.

“Hindi na kailangan at baka masipa ko pa iyang kambal mo palabas.” Sinamaan niya ng tingin si Lax na bagot lang naman siyang tiningnan.

Patamad siya nitong tinuro habang nakatingin sa kambal nito. “That's the reason.”

“What?” tinampal niya ang kamay nito.

“What did you do, Lax? Bad trip yata ang prinsesa natin sa 'yo?” Lumapit si Max at umakbay sa kanya na agad naman niyang siniko at lumayo dito.

“Magsama kayo niyang kambal mo!” Umupo siya sa dining chair habang nakatingin ng masama kay Lax.

“What? I didn't do anything; don't be mad at me.” Nakangusong nilagyan siya ng plato at utensils ni Max bago samaan din ng tingin ang kambal nito. “This is your fault! I told you not to tease her.

“Sinabi ko lang naman na baka may girlfriend iyong—Damn, Waem!” Natigilan nito ang dapat na sasabihin nang tumama sa ulo dito ang tsinelas niyang suot.

“Ituloy mo, hindi lang iyan ang tatama sa 'yo!” singhal niya.

Kaya hanggang sa pagkain ay masama ang tingin niya dito at nahimik lang naman ito. Papaano ay mahigpit ang hawak niya sa kutsara at tinidor niya na alam niyang nakita nito iyon. Alam ni Waem na may ideya na ito na iyon na ang tatama dito kapag nagsalita pa ito. Tuloy ay si Max lang ang nagsasalita, at maingay sa kanilang tatlo.

Pagkatapos nilang kumain ay nanatili lang doon si Waem sa bahay ni Max. Habang ang kambal ay wala, paniguradong nandoon si Max sa mansiyon nila samantalang si Lax ay hindi niya alam kung saan. Sigurado si Waem na bumalik na ito sa kaharian nito sa purgatoryo.

“Where are you? I'm going to Casa L'Mafioza.” Nang tanghalian ay tinawagan ni Waem ang isang kaibigan niya na nagmamay-ari ng shooting range sa Casa L'Mafioza.

“No, I'm here in Chicago right now. I can't go home until next week.”

Napasimangot si Waem. Kung saan kailangan niya ito ay doon pa ito wala. “Who will teach me? You promise me that you will teach me to use a gun.”

Gustong matuto ni Waem na gumamit no'n para sa susunod. Hindi kasi niya alam at baka may makakilala sa kanyang isa siyang Moretti. What if their enemy will attack here? Mas okay na iyong alam niyang gumamit ng baril para sa kaligtasan na rin niya. Ayaw naman niyang abalahin ang kambal para doon.

“I will ask my cousin friend to teach you since naroon naman ito sa Casa L'Mafioza.”

Pumayag naman agad si Waem. Mabilis siyang pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Mabuti na lang at marami siyang damit roon sa bahay ni Max. Isang simbleng black tube at black skinny jeans ang suot niya na pinatungan din niya ng itim na jacket at ang black boots niya. Kapag nagtutungo siya sa doon ay talagang puro itim ang suot niya. Iyon na ang nakasanayan niyang suotin. Nagsuot na rin siya ng itim na sumbrero.

Gamit niya ang motorbike ni Max patungo sa Casa L'Mafioza. As Waem enter inside, ay hindi niya maiwasang mapalabi dahil halos lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Mabilis siyang nagtungo sa sarili niyang puwesto. Pinagawa din iyon ng kaibigan para talaga sa kanya lang. While walking Waem was looking around.

An indoor shooting range that's busy with regular patrons. The constant sound of gunshots is muffled by thick walls. May mga indibidwal na lane na hinati ng makapal, proteksiyon na mga hadlang. Ang bawat booth ay may mesa para sa pag-iimbak ng baril at isang mekanikal na target na linya na gumagalaw sa pagpindot ng isang pindutan.

“This is Canna fault. Nasaan na ba kasi ang magtuturo sa ‘kin!”

Waem stands in one of the lanes, a small pistol on the table in front of her. She glances around nervously, unsure of how to proceed. While glancing around, Waem didn't notice the man who's approaching her.

Loid approaches her from a nearby lane, his own shooting practice momentarily forgotten when his friend cousin called him and asking for a favor. May kaibigan kasi itong gustong matuto bumaril ngunit wala ito kung saan ito sana ang magtuturo. Nasa panghuling booth ito kaya pinuntahan niya. Ngunit hindi niya inaasahan ang nakita niya roon.

“How can I use this?” Waem bow her head and scanning the gun on the table.

"First time?"

Napatalon sa gulat si Waem nang may nagsalita sa kanyang likuran. The voice that so familiar to her. Mabilis na lumingon si Waem at nanlaki ang mga mata nang makita ito.

Loid?

Continua a leggere

Ti piacerà anche

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
222K 8.1K 57
May Isang babae na hindi kilala na nag transfer sa isang school na puno ng mga mafia at gangster dahil laging syang nakamask ay lagi syang pinag-iini...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
5.1M 179K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.